Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 5
KWARTER 3
Aralin 1b - PAGBABAGO SA LIPUNAN SA
ILALIM NG PAMAHALAANG KOLONYAL
(Pamahalaang Lokal)
Week 2
MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

SECTION:_______________________________________

1
Araling Panlipunan 5
Aralin 1b: Pamahalaang Lokal
Gawain 1: Basahin at unawain ang talata.
PAMAHALAANG LOKAL
Sa simula ng pananakop, hinati ng mga pinunong Espanyol ang Pilipinas sa mga enconmienda.
Matatandaan na ang encomienda ay karapatang ibinigay ng hari sa tapat na sundalo at misyonero ng
Espanya na maglikom ng buwis mula sa particular na lugar o teritoryo na itinalaga sa kanila. Iginawad ang
karapatang ito dahil sa malaking tulong nito sa pagpapatahimik ng mga panahanang pook sa kolonya.
Nang lumaganap ang pagmamalabis ng mga enkomendero, binuwag ang encomienda. Pinalitan ang mga
ito ng iba’t ibang yunit ng pamahalaang local. Nagkaroon ng mga lalawigan : alcaldia o lalawigang tahimik
na at corregiminto o lalawigang may nagaganap pang kaguluhan
Ang mga alcaldia ay pinamumunuan ng alcalde-mayor. Siya ang kinatawan ng gobernador-heneral. Mga
tungkulin niya ang mangulekta ng buwis, magpanatili ng katahimikan at kaayusan, magbigay ng lisensya
sa kalakalan at mangasiwa sa mga gawaing panrelihiyon.
Ang corregidore o ang pinuno ng corregiminto ay may tungkuling magpatahimik ng mga pook na may
kaguluhan pang nagaganap noon. Siya ay kinatawan din ng gobernador-heneral.
Ang bawat pueblo o bayan ay may isang poblasyon o kabisera na sumasakop sa ilang baryo o sityo. Nasa
poblasyon ang simbahan at kumbento, ang tribunal o mga hukuman, ang paaralang publiko at ang tirahan
ng mayayamang tao.

PAMAHALAANG PAMBAYAN
Ang mga lalawigan noong panahon ng mga Espanyol ay nahahati sa mga pueblo o bayan.
Tinatawag na gobernadorcillo ang pinunong pambayan. Sa mga unang bahagi ng pananakop, ang mga
gobernadorcillo ay inihahalal ng mga lalaking Indio o Pilipino na may-asawa. Nang lumaon, ang paghalal
sa kanila ay napunta sa 12 cabeza de barangay na ang mga apo o kamag- anak ng
May mga katulong sa pangangasiwa sa mga pueblo ang gobernadorcillo. Bilang pinunong bayan, marami
siyang karapatan tulad ng hindi pagbabayad ng buwis at pagiging kabilang sa principalia o pangkat ng
mataas na tao sa kolonya.

PAMAHALAANG PANGLUNSOD

Nagkaroon ng mga lungsod noong panahon ng mga Espanyol. Ang mga baying may malalaking
populasyon at naging aktibo sa pulitika, kabuhayan at kalinangan ay binigyan ng tanging pahintulot
upang maging lungsod. Napailalim ang lungsod sa isang konseho o ayuntamiento na binubuo ng dalawang
alcalde-ordinario, anim hanggang 12 regidores o konsehal, isang escribano o kalihim at isang alguacil-mayor o
punong constable

Ang Maynila ang lungsod na pinagkalooban ng opisyal na escudo ng hari ng Espanya. Ito ang
naging kabiserang lungsod ng kolonya noong ika-19 ng Nobyembre 1595.

PAMAHALAANG PAMBARANGAY

Ang bawat barangay ay mayroon ding mga pinunong tinatawag na cabeza de barangay na pawing
mga datu o pinuno ng tribu. Sila ang nangangasiwa sa kapakanan ng mga nasasakupang pamilya.
Kabilang sila sa principalia kaya nagtatamasa sila ng karapatang ipinagkaloob ng pamahalaang kolonyal.
Halimbawa, hinsi sila nagbabayad ng buwis at libre rin sila sa polo o sapilitang paggawa.

Ang cabeza de barangay ang itinuturing na maliit na gobernadorcillo sa mga kanayunan.

2
Araling Panlipunan 5
Gawain 2: Piliin ang tamang katawagan na binibigyang- kahulugan sa mga pangungusap sa
ibaba mula sa listahan sa kanan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A B
_____ 1. cabeza de barangay a. pinunong pambayan
_____ 2. regidores b. isang konseho
_____ 3. escribano c. punong constable

_____ 4. Gobernadorcillo d. lalawigang tahimik


_____ 5. alcalde-mayor e. konsehal
_____ 6. alcaldia f. pangkat ng matataas na
tao sa kolonya
_____ 7. ayuntamiento g. pinuno ng barangay
_____ 8. corregidore h. pinuno ng corregiminto
_____ 9. Principalia i. namumuno sa alcaldia
_____ 10. alguacil-mayor j. kalihim

Gawain 3: Kung ikaw ang pamimiliin, alin sa mga sumusunod ang nais mong gampanan bilang
isang pinuno ng pamahalaan noong panahon ng Espanyol. Bakit? Isulat ang iyong sagot sa
loob ng kahon

a. Gobernadorcillo d. Escribano
b. Cabeza de barangay e. Corregidore
c. Alcalde-mayor f. Alguacil-mayor

Sangunian sa paggawa ng sagutang papel:

Priscilla D. Sanchez, Ph.D. Chief ES, Curriculum Implementation Division LEARNING RESOURCE
MANAGEMENT AND DEVELOPMENT: ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 (Quarter 3)

Patnubay ng guro YUNIT III - PAMUNUANG KOLONYAL NG ESPANYA (Ika 16th hanggang
17th siglo)

3
Araling Panlipunan 5

You might also like