Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PERFORMANCE TASK BILANG 2

PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO


A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng maikling kuwento. Pagkatapos ay suriin ang
kuwento batay sa element nito.
Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia
May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang imik.
Madalas ay nag - iisa siya. Lagi siyang nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Lagi siyang nakayuko, mailap ang
mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang kanyang kalagayan kung ihahambing sa mga
kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa
paaralan. Madalas ay tinutukso siya dahil sa kaniyang damit. Ang kaniyang damit, kahit malinis ay halatang luma na, palibahasa
ay kupas na at punung-puno pa ng sulsi.
Kapag oras ng kainan at labasan nag kani-kaniyang pagkain, halos ay ayaw niyang ipakita ang kanyang baon. Itatago
niya sa kanyang kandungan ang pagkain, pipiraso nang kaunti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase
kung ano ang dalang pagkain. Sa sulok ng kanyang mata’y masusulyapan niya ang mga pagkaing dala ng kanyang mga kaklase
gaya ng mansanas, sandwiches, mga imported at mamahaling tsokolate .
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagtatapos sa kanyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang
kanyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nila na ang kanyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y
walang palaman.
Kaya lumayo siya sa kanila. Siya ay naging walang kibo at mapag -isa.
Ang nangyayaring ito ay batid ng kanyang ina. Pag uwi sa bahay, madalas siyang umiiyak dahil sa panunukso ng mga
kaklase at siya’y nagsusumbong sa ina. Mapapakagat - labi ang kanyang ina, matagal itong hindi makakibo, at sabay haplos nito
sa kanyang buhok at may pagmamahal na sasabihin sa kanya, “Bayaan mo sila, anak, huwag mo silang pansinin. Hayaan mo,
kapag nagkaroon ng trabaho ang iyong ama, makapagbabaon ka na rin ng masasarap na pagkain. Maibibili rin kita ng maraming
damit.”
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama ay hindi pa rin nakakuha ng trabaho kaya ganoon pa rin ang kanilang
buhay. Ang bata naman ay unti-unting nakauunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin
ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya nagsusumbong
sa kanyang ina.
Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kanyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang
kanilang pang-aasar. Lumang damit. Di-masarap na pagkain. Mahirap. Pilit na ipinasok nila sa kanyang isip.
Hanggang nang isang araw ay natuto siyang lumaban.
Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang natutong sumagot ang mahirap na batang babae na laging luma, kupas at
puno ng sulsi ang damit. Ang batang babae na ang laging baon ay tinapay na walang palaman. Isa na naman iyong
pagkakataong walang magawa ang kanyang mga kaklase kung hindi ang tuksuhin siya.
“Alam ninyo,” sabi niya sa malakas at nagmamalaking tinig, ”ako’y may sandaang damit sa bahay.”
Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase. Hindi sila makapaniwala. “Kung totoo iyan ay bakit lagi na lang luma ang
isinusuot mo?”
Mabilis ang sagot niya, “dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa amin para kami maniwala!” iisang sabi nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto ninyo ay sasabihin ko na lang kung ano ang tabas,
kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may ribbon o may bulaklak.”
At nagsimula na nga siya sa kanyang pagkukwento. Paano ay inilalarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat
isa sa kanyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pamparti. Makintab na rosas ang tela na maraming
mumunting bulaklak, bolga ang manggas, may tig-isang ribbon sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O
kaya ay ang kanyang dilaw na pantulog na may burda. O ang kanyang puting pansimba na may malapad na sinturon at malaking
bulsa.
Mula noon ay naging kaibigan na niya ang mga kaklase. Ngayon, siya na ang laging nagsasalita at sila ang nakikinig.
Lahat sila ay natutuwa sa kanyang kwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagiging mahiyain. Naging
masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit na ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang
baong mansanas o sandwich.
Isang araw, hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaing may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw at
ng sumunod pang araw. Pagkaraan ng isang linggong hindi pagpasok ay nag-alala ang kanyang mga kaklase at guro.
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal ng absent sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira
at nakagiray na sa kalumaan.
Lumabas ang isang babaing payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Sila ay pinatuloy at nakita nila ang maliit na kabuuan
ng kabahayan na salat na salat sa marangyang kasangkapan. Sa isang sulok ay isang lumang papag at doon nakaratay ang
batang babaing may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunan ng pansin kundi ang mga
papel na maayos na nakadikit sa dingding sa may tabi ng papag. Lumapit sila sa sulok at nakita nilang ang mga papel na
nakadikit sa dingding ay yaong mga drowing ng bawat isa sa sandaang papel. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang
kanyang naikuwento. Totoo at naroroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pamparti. Naroroon din ang drowing ng kanyang
damit pantulog, ang kanyang pansimba, ang mga sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga
kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago at iniingatan sa bahay. Sandaang damit na pawang drowing lamang.

Elemento ng Kuwento
a. Tauhan- Nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kng ano ang papel na gagampanan ng bawat
isa.Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan.
b. Tagpuan- Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan
naganap ang kuwento.
c. Saglit na kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
d. Tunggalian- Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
e. Kasukdulan- Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
f. Kakalasan- Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
g. Katapusan- Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.
B. Pagsusuri ng Maikling Kuwentong “Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia”

PANGALAN:_______________________________________ BAITANG/PANGKAT: ___________________________

SANDAANG DAMIT NI FANNY A. GARCIA

MGA TAUHAN TAGPUAN

SIMULA

SAGLIT NA KASIGLAHAN

TUNGGALIAN

KASUKDULAN

KAKALASAN

KATAPUSAN
PERFORMANCE TASK BILANG 3
PAGGAWA NG TRAVEL BROCHURE
1. Bumuo ng isang ng travel brochure na makatawag-pansin makaakit sa mga turista na dalawin, puntahan at
pasyalan ang iba’t ibang lugar sa Mindanao.
2. Ang travel brochure ay naglalaman ng tradisyon, kultura, magagandang tawanin, at pagkaing ipinagmamalaki
ng Mindanao.
3. Gamitin ang mga natutuhan tungkol sa pagbuo ng proyektong panturismo.
4. Magsaliksik ng mga impormasyong tungkol sa lugar upang makabuo ng makatotohanang travel brochure.
5. Maging malikhain sa pagsasaayos ng mga larawan at higit sa lahat gawing malinis ang iyong gawa upang
lubusan itong mapahalagahan ng iyong target na customer.
6. Gumamit nang wasto at angkop na wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at
mapanghikayat na travel brochure.

Halimbawang Travel Brochure

______________________________________________________________________________________________

PERFORMANCE TASK BILANG 3


PAGGAWA NG TRAVEL BROCHURE
1. Bumuo ng isang ng travel brochure na makatawag-pansin makaakit sa mga turista na dalawin, puntahan at
pasyalan ang iba’t ibang lugar sa Mindanao.
2. Ang travel brochure ay naglalaman ng tradisyon, kultura, magagandang tawanin, at pagkaing ipinagmamalaki
ng Mindanao.
3. Gamitin ang mga natutuhan tungkol sa pagbuo ng proyektong panturismo.
4. Magsaliksik ng mga impormasyong tungkol sa lugar upang makabuo ng makatotohanang travel brochure.
5. Maging malikhain sa pagsasaayos ng mga larawan at higit sa lahat gawing malinis ang iyong gawa upang
lubusan itong mapahalagahan ng iyong target na customer.
6. Gumamit nang wasto at angkop na wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at
mapanghikayat na travel brochure.

Halimbawang Travel Brochure

You might also like