Grade 9 Reviewer Periodical Exam

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

GRADE 9 REVIEWER

TEORYANG ESTRUKTURALISMO
● Ipinaliliwanag ng teoryang Estrukturalismo na maaari lamang mapalitaw ang kahulugan ng isang
bagay kung titingnan sa mas malawak na estruktura ng wika.
TULA
 Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay at hinango sa imahinasyon.
 Tulang Makabayan - ito ay naglalaman ng maalab na pagmamahal sa bayan.
 Tula ng Pag-ibig - ito ay tumatalakay sa pagmamahalan ng dalawang magsing-irog.
 Tulang Pangkalikasan - ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalikasan.
 Tulang Pastoral - ito ay naglalarawan ng katangian ng buhay sa kabukiran.

Elemento ng Tula
● Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang ginagamit ay labindalawa,
labing-anim, at labing-walong pantig.
● Tugma - Ito ay tumutukoy sa pagiging magkatunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod.
● Sining o Kariktan - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop, at maririkit na salita.
 Talinghaga - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng matalinghagang pananalita at mga
tayutay sa tula.

KASINGKAHULUGAN
● Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang
kahulugan o ibig sabihin.
HALIMBAWA:
agam-agam- hinala o walang katiyakan
kapayapaan- pagkakasundo o katahimikan
Katahimikan- kapayapaan

Matatalinghagang Salita
● Ang talinghaga ay ang malalim na kahulugan ng mga taludtod sa isang tula.
Halimbawa:
Siya ay madalas maglubid ng buhangin kaya maraming ‘di naniniwala sa kaniya.
Maglubid ng buhangin- magsinungaling
bukas ang palad- matulungin

MGA URI NG TAYUTAY


1. Pagtutulad- ito ay di-tiyak o di-direktang paghahalintulad ng dalawang magkaibang tao, bagay, hayop o
pangyayari. Gumagamit ng mga salitang naghahalintulad tulad ng tila, parang, tulad, katulad, magkasing- at iba
pa.
Halimbawa:
● Tila isang rosas ang kaniyang ganda.
● Ang pag-ibig mo ay parang lobo na may butas na habang tumatagal ay paliit ng paliit.
2. Pagwawangis- ito ay tiyakang paghahambing at hindi gumagamit ng mga pariralang gaya ng, tulad ng, at iba
pa.

Halimbawa:
● Ang iyong mga mata’y nagniningning na bituin sa akin.
● Siya ay langit na ‘di kayang abutin nino man.
3. Pagmamalabis- Ito ay lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao,
bagay, o pangyayari.
Halimbawa:

 Abot langit ang aking pagmamahal para sa’yo.


 Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak.
4. Pagsasatao- Ito ay nagpapakita ng pagsasabuhay sa isang bagay.
Halimbawa:

 Nagagalit ang mga alon.


 Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
5. Pagpapalit-tawag- Ang pagpapahayag ay nagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na
tinutukoy.
Halimbawa:

 Minana ng panganay na anak ng Hari ang korona.

DULA
 Ang dula ay pagtatanghal at pagsasabuhay ng mga pangyayaring nakaugnay sa totoong buhay
 Ang salitang dula ay nag-ugat sa salitang Griyego na drama na ayon sa diksyunaryo, ay
nangangahulugang “pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at
galaw ng mga aktor.”
MAHAHALAGANG ELEMENTO NG DULA
1. ISKRIP
 Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula dahil tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter o aktor na gumagalaw sa
tanghalan.
2. Karakter o Aktor
 Sila ang kumikilos at nagsasabuhay ng iskrip.
3. Diyalogo
 Ito ang mga binibitawang linya ng mga actor
4. Tanghalan
 Matatawag na tanghalan ang anumang tagpuan o ganapan ng isang dula.
5. Direktor
 Siya ang pinakapuso ng dula. Sa direktor nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng dula.
6. Manonood
 Hindi maituturing na dula ang isang pagtatanghal kung hindi ito mapanonood o maipalalabas.
DALAWANG PARAAN NG KARAKTERISASYON
 DIREKTANG KARAKTERISASYON
 Sa pamamagitan nito, tahasang tinutukoy ng may-akda ang katangian ng tauhan sa mambabasa.
Halimbawa:
Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo
nangingilin, Tiyo Simon?

Paliwanag: Ipinapakita rito na si Boy ay wala pang sariling disposisyon dahil nasa murang gulang pa lamang. Malinaw na
kung ano ang sinabi ng kaniyang ina, iyon ang kaniyang paniniwalaan o sinusunod.

 DI-DIREKTANG KARAKTERISASYON
 Pinaiisip muna ang mambabasa upang matukoy ang tunay na pagkatao ng isang tauhan.
Halimbawa:
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy, na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa
pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan, sa sariling
pagkamulat... ngunit kung anoman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak, malaki ang pananalig ko kay
Bathala.

Paliwanag: Sa pahayag na ito ng tauhang si Tiyo Simon, mapapansing siya ay may pagkamisteryoso. May mga
bagay na hindi niya kayang ipaalam sa pamamagitan ng pagsasalita. Mapaiisip ang mambabasa kung tunay nga
talagang nagbago na ang pananaw niya sa pagsisimba tuwing araw ng pangilin o tunay nga ba talagang
naniniwala siya kay Bathala. Ang mambabasa ang magpapasiya kung anong paniniwalaan niyang prinsipyo at
katangian.

Mga Ekspresyon sa Paglalahad ng Katotohanan

Dalawang Paraan ng Paglalahad


1. Katotohanan- anomang bagay o kaisipang napatunayan at tanggap na ng lahat na totoo at hindi na
mapasusubalian dahil suportado ng mga patunay.
Sa paglalahad ng katotohanan, gumagamit ng mga ekspresyong:
sa totoo batay sa mula kay
tunay resulta ng tinutukoy na
talaga pinatutunayan ng/ni sigurado
tiyak na sang-ayon sa/kay mababasa na

, 2. Opinyon- Anomang bagay o kaisipang nakabatay sa personal na obserbasyon na maaaring totoo o hindi, na
puwede pang pasubalian. Hindi pa ito tanggap ng lahat at wala pang sapat na ebidensiya.

Kahulugan ng Salita: Pagbabago ng Estruktura


Ang estruktura ng salita ay ang katanggap-tanggap na pagkakahanay ng mga tunog at yunit sa mga salita. Ang
isang salita ay nagbabago ng kahulugan habang nagbabago ang estruktura nito.

SALITA KAHULUGAN

simba salitang-ugat pakikiisa sa banal na gawain

nagsimba nilapian ng –nag pagtungo sa bahay-sambahan para makiisa


sa banal na gawain

simbahan nilapian ng –han lugar ng pinagdarausan ng banal na gawain

SALITANG UGAT SALITANG MAAARING KAHULUGAN


MABUO
kapatid kaputol, kadugo
patid
kapatiran samahan ng mga taong may
iisang layunin
likuran hulihan

likod talikuran magkatalikod, magkalapit ang mga


likod
tinalikuran iniwan, pinabayaan

Teoryang Dekonstruksiyon
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na walang nag-iisang paraan ng pag-unawa o pagbabasa sa
isang akda. Sa lente ng dekonstruksiyon, bubuwagin o sisirain ang nakasanayang paraan ng pag-
unawa sa isang akda at pagkatapos ay muling bubuo ng panibagong pananaw hinggil sa akda na
nakabatay sa mga ideolohiya ng realidad.

You might also like