Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Jose Rizal Institute

Parang Parang, Orani Bataan


Tel#:PLDT- (047) 638-1210
Globe - 0917 – 636 – 9180, TNT – 0912 – 647 - 6806

FILIPINO 7 (1st Monthly Examination)


A. Maramihang Pagpipilian
1. Ang akdang si “Si Usman, Ang Alipin” ay nabibilang sa anong uri ng panitikan?
a. Maikling kuwento
b. Pabula
c. Kuwentong- bayan

2. Ano ang kautusang binuo ni Sultan Zacaria?


a. Ang mga lalaking magtatangkang umibig sa kanyang anak ay ipakukulong
b. Ang mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitilin at maglaho
c. Ang mga lalaki sa kanilang kaharian ay bubuo ng samahan laban sa mga kaaway

3. Ano ang naging sanhi ng pagkamatay ni Sultan Zacaria?


a. Pagsumpa ng diwata
b. Isang malaking bato na bumagsak sa kanyang ulo mula sa lindol
c. Labis na kalungkutan sa pagkawala ng kanyang anak na dalaga

4. Ito ang naisip na paraan ni Potre Maasita upang mapigilan ang kamatayan ni Usman.
a. Siya ay nagpanggap na guwardeya upang pakawalan si Usman
b. Lihim siyang nagpapadala ng mga mensahe sa mga guwardeya
c. Sinunog ang kanilang kaharian upang magkagulo

5. Sino ang kinikilalang ama ng sinaunang pabula?


a. Planudes
b. Aesop
c. Romulus

6. Sa kanyang pananaliksik ibinatay ang pabulang “Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti”.
a. Arthur P. Casanova
b. Dr. Nagsura Madale
c. Victoria Adeva

7. Ito ang uri ng panitikan na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop o bagay.
a. Epiko
b. Pabula
c. Kuwentong-bayan

8. Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan


a. Epiko
b. Pabula
c. Dula

9. Ito ang kasingkahulugan ng salitang “torohan”.


a. Gubat
b. Palasyo
c. Ilog

10. Ano ang inaasahang mangyari sa tuwing malalanta ang tanim na rosas ng kapatid ni Tulalang?
a. Kagalakan
b. Panganib
c. Bagyo
Jose Rizal Institute
Parang Parang, Orani Bataan
Tel#:PLDT- (047) 638-1210
Globe - 0917 – 636 – 9180, TNT – 0912 – 647 - 6806

B. Pahayag
1. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Huwag kang mag-alala sa inyong pagkain, Tulalang.
Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo.”
a. Agio
b. Mahiwang matanda
c. Macaranga

2. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala
po siyang kasalanan.”
a. Potre Maasita
b. Donya Victoria
c. Macaranga

3. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Tulalang, papayag akong pakasal sa iyo upang magkaroon
ng bagong hari sa aming kaharian.”
a. Potre Maasita
b. Macaranga
c. Donya Victoria

4. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ni Allah
at hindi ko kayo pababayaang magutom.”
a. Lalapindigowa-i
b. Usman
c. Tulalang

5. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Tulalang, hinahamon kita! Kung hindi ka makikipaglaban
sa akin ay sasakupin ko ang buo mong kaharian.”
a. Higante
b. Agio
c. Zacaria

C. Short Answer
1. Anong katangian ng mga Maranao ang taglay ni Lalapindigowa-i batay sa kwento?
2. Paanong lumiit ang bewang ni Lalapindigowa-i?
3. Ito ang sinapit nina Orak at Odang ng sila ay magsawa nang magdala ng pananghalian ng kanilang asawa.
4. Bigyang pakahulugan ang pahayag na ito “Mapayapa at masaganang pamayanan ang hatid ng mahusay at
matapat na pinuno.
5. Bigyang pakahulugan ang pahayag na ito “Ang anumang kakulangan o kapintasang taglay mo, hindi dapat
maging hadlang sa iyong pagiging mabuting tao.”

D. Pagsulat ng pangungusap gamit ang mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari,
panghihikayat at pagpapahayag ng saloobin

1. Sumulat ng pangungusap gamit ang mga pang-ugnay na nagpapahayag ng sanhi o dahilan:


a. dahil
b. sapagkat

2. Sumulat ng pangungusap gamit ang mga pang-ugnay na nagpapahayag ng epekto o bunga:


a. kaya naman
b. bunga nito

3. Sumulat ng pangungusap gamit ang mga pang-ugnay na nagpapahayag ng pagsang-ayon:


a. totoo
b. sigurado
Jose Rizal Institute
Parang Parang, Orani Bataan
Tel#:PLDT- (047) 638-1210
Globe - 0917 – 636 – 9180, TNT – 0912 – 647 - 6806

4. Sumulat ng pangungusap gamit ang mga pang-ugnay na nagpapahayag ng pagtutol:


a. hindi
b. ngunit

5. Sumulat ng pangungusap gamit ang mga pang-ugnay na nagpapahayag ng saloobin


a. sa palagay ko
b. hinuha ko

2ND Monthly

1. Ito ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli, at masining na paraan.


a. Nobela
b. Maikling Kuwento
c. Tula

2. Sa bahaging ito ng banghay bumababa ang takbo ng kuwento.


a. Tunggalian
b. Kakalasan
c. Wakas

3. Ito ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya o malungkot.


a. Wakas
b. Simula
c. Gitna

4. Sino ang kinikilalang ama ng maikling kuwento?


a. Arthur P. Casanova
b. Deogracias A. Rosario
c. Dr. Nagsura Madale

5. Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito.


a. Gitna
b. Simula
c. Wakas

6. Sa bahaging ito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.


a. Kakalasan
b. Simula
c. Kasukdulan

7. Ito ang uri ng tauhan na nagbabago ang kanyang katangian sa simula hanggang sa matapos ang
kuwento.
a. tauhang lapad
b. tauhang bilog
c. tauhang ganap

8. Ito ang uri ng tunggalian na nangyayari mismo sa loob ng isang tao kagaya ng kaniyang sariling
konsensya, moralidad at paniniwala.
a. tao laban sa tao
b. tao laban sa kanyang sarili
Jose Rizal Institute
Parang Parang, Orani Bataan
Tel#:PLDT- (047) 638-1210
Globe - 0917 – 636 – 9180, TNT – 0912 – 647 - 6806

c. tao laban sa kalikasan

9. Nakasaad dito ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento.
a. Tagpuan
b. Kakalasan
c. Banghay

10. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


a. Buod
b. Banghay
c. Kakalasan

11. Sa seremonyang ito gumugunting ng buhok ang Imam sa sanggol at inilalagay ito sa mangkok na may
tubig.
a. Bang
b. Penggunting
c. Pagislam

12. Sa seremonyang ito babasahan ng dasal ng isang Imam sa kanang tainga ang sanggol upang maikintal
sa isip ng sanggol ang pangalan ni Allah, ang kanilang Diyos.
a. Bang
b. Penggunting
c. Pagislam

13. Sa seremonyang ito binibigyan ng pangalan ang sanggol.


a. Bang
b. Penggunting
c. Pagislam

14. Ang pagislam ng mga Muslim ay kahalintulad ng seremonya ng _________ sa mga Kristiyano.
a. Pagkukumpil
b. Pagbibinyag
c. Pagkukumpisal
15. Kalian isinasagawa ang pagislam sa buhay ng isang sanggol?
a. ikapito hanggang ikasampung taon
b. ikalima hanggang ikawalong taon
c. ikadalawa hanggang ikasampung taon

16. Ayon kay Arrogante (1991), ang _____ ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay na ipinamamalas
sa tanghalan.
a. Tula
b. Dula
c. Pabula

17. Ito ang dulang panlansangan na isinasagawa tuwing disyembre 24 ng gabi bago mag-misa de gallo na
kung saan sina Jose at Maria ay naghahanap ng bahay na masisilungan at mapagsisilangan kay Hesus.
a. Tibag
b. Panunuluyan
c. Moriones
Jose Rizal Institute
Parang Parang, Orani Bataan
Tel#:PLDT- (047) 638-1210
Globe - 0917 – 636 – 9180, TNT – 0912 – 647 - 6806

18. Ang dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang marangyang parada ng mga sagala at
konsorte ang nagaganap.
a. Santakrusan
b. Senakulo
c. Moriones

19. Inilalarawan sa dulang panlansangan na ito ang simula ng lahat. Mula sa paglalang kay Eba at Adan, ang
pagsilang kay Hesus, ang kanyang kamatayan, at muling pagkabuhay.
a. Moriones
b. Senakulo
c. Tibag

20. Ang dulang panlasangan na ito ay itinatanghal bilang isang serye, mula Lunes Santo hanggang Sabado
de Gloria.
a. Senakulo
b. Tibag
c. Moriones
Pahayag
1. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah.
Dininig din niya ang ating panalangin.”
a. Tarhata
b. Ibrah
c. Imam

2. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Kaygandang pangalan, Abdullah. Bagay na bagay
talaga sa ating anak.”
a. Aminah
b. Ibrah
c. Tarhata

3. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay
imbitado kayong muli.”
a. Ibrah
b. Aminah
c. Imam

4. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa’y
panatilihin mo ang magagandang aral niya.”
a. Ibrah
b. Tarhata
c. Imam

5. Tukuyin kung sino ang nagwika ng pahayag na ito “Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang
huling yugto ng pagislam ni Abdullah.”
a. Imam
b. Panauhin
c. Aminah

You might also like