Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BALITANG ISPORTS

Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris
Olympics

Gagawin ng Pinay weightlifting star na si Hidilyn Diaz ang lahat para

muling masungkit ang medalya para sa Pilipinas sa nalalapit na 2024 Paris

Olympics bago opisyal na magretiro.

Dalawang taon mula ngayong araw, muling iwawagayway ni Hidilyn

ang Pilipinas sa inaabangan nang 2024 Paris Olympics.

Nauna nang ipinagpaliban ng bagong kasal na si Hidilyn at kaniyang

coach-husband na si Julius ang kanilang honeymoon para paghandaan

ang huling bira ng weighlifting champion.

Sa tulong ng Team HD, buo ang tiwala ng atleta na muli niyang

maiuuwi ang medalya para sa Pilipinas.

Tila desido naman na si Hidilyn na magretiro at bumuo ng pamilya

pagkatapos ng kaniyang Paris Olympic bid.

Para sa Balitang Isports , ______________________________.


BALITANG INTERNATIONAL

White House, umaasang huhupa ang tensyon matapos ang Taiwan

visit ni Pelosi

Umaasa ang White House na hindi na lalala pa ang tensyion sa

pagitan ng Washington at ng Beijing matapos ang nagpapatuloy na Asian

trip ni US House Speaker Nancy Pelosi kung saan ay kabilang ang Taiwan.

Sa pulong balitaan, sinabi ni White House National Security

spokesperson John Kirby na mayroon naman talagang karapatan si Pelosi

at ang delegasyhon nito na bumisita sa Taiwan.

Wala rin aniya itong nilalabag sa soberanya ng China pati na rin ang

pinaiiril nitong ‘one-China’ principle.

Umaasa ang White House na hindi na ito lalala pa bilang isang krisis

lalo na’t wala raw silang nakikitang dahilan para palalimin pa ang isyu.

Sa pulong, binalaan nila ang Washington na kaagad na baliktarin ang

mga posibleng epekto ng pagbisita ni Pelosi sa Taiwan lalo na’t seryoso

ang mga consequences nito.


BALITANG NATIONAL

Shifting sa schedule ng mga mag-aaral ngayong pasukan, pinag-

aaralang ipatupad ng DepEd

Pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon

o pagdadagdag ng shift sa schedule ng mga estudyante para sa nalalapit

na pasukan ngayong Agosto.

Sa isang panayam, ipinunto ni DepEd Spokesperson Michael Poa na

sa ngayon ay target nila na magkaroon ng pang-umaga at panghapon na

klase sa bawat public schools, ito ay kung marami ang bilang ng mga

estudyante sa isang section at baitang.

Aniya, ngayong inaasahan na ang pagbabalik sa eskwelahan ng

maraming mag-aaral, isa sa mga prayoridad ay ang mapanatiling ligtas ang

mga ito laban sa covid-19.

Higit dito ang pagsunod nila sa health protocols lalo na ang social

distancing.

Kaya naman sinabi ni Poa na posible nilang ikonsidera ang shifting

sa pagpasok ng mga bata ngayong school year 2022-2023.


“Division School Press Conference, Muling Namayagpag”

Umarangkada na naman ulit ang isa sa pinaka inaabangang laban ng

taon, ang Division School Press Conference (DSPC) na ginanap nitong ika-

2 hanggang sa ika-4 na Setyembre, taong 2015 sa Tarlac West Cental at

Sto. Cristo Integrated School.

Humigit kumulang isanglibong mga estudyante o young journalist ang

dumalo rito upangm makipagsapalaran patungo sa regional school

press conference (RSPC) na gaganapin naman sa Baler, Aurora.

Buong pwersang ibinigay ng mga kalahok ang kanilang makakaya,

hindi basehan kung galing man sa pambribado o pampublikong

paaralan.

Kabilang sa mga katigorya ng laban ay pagsulat ng lathalain, balitang

pampalakasan, pagsulat ng editoryal, pagsulat ng balita, pagguhit sa

editoryal, broadcasting at ang pinakabago sa lahat ang online publishing.

Bandang huli ay itinanghal na ang mga kampyon na tutungo sa Baler,

Aurora upang makipagsapalaran sa RSPC 2015.

You might also like