Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10-3
Filipino 10-3
Filipino 10-3
UNANG MARKAHAN
Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksiyon: Iskor:
GAWAING PAMPAGKATUTO
Pag-uugnay ng kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
PANUTO
Basahin at unawain ang sumusunod na akda. Pagkatapos, sagutin ang kasunod
nitong mga gawain nang katapatan.
Gawain 1
Basahin ang mga sumusnod sa pangungusap. Isulat sa talahanayan sa ibaba ang
salitang-ugat ng mga salitang may salungguhit. Pagkatapos, tukuyin ang kahulugan ng mga
ito.
1. Nang malalang na ang lalaki, nagpasiya si Jupiter na lumalang ng babae upang
ipadala sa daigdig.
2. Ipinagbilin ni Jupiter kay Pandora na huwag itong ihiwalay sa kaniyang piling, at
huwag na huwag itong bubuksan.
3. Masarap siyang magluto, laging abala sa paglilinis ng bahay, mahusay maghabi at
higit sa lahat, tumatalima sa bawat naisin ng kaniyang asawa.
4. Hindi kailanman nawaglit sa kaniyang isip ang kahong yari sa garing na kaniyang
dala.
5. Dahil sa ipinagkaloob na pagkausyoso, dumating ang panahong hindi na niya
mapaglabanan ang tuksong malaman kung ano ang laman nito.
6. Ilang saglit lamang at ang silid ay napuno ng maliliit at nagliliparang kulisap.
7. Lumilipad na umuugong, at palibot–libot sa dingding hanggang makalabas ng
bintana.
8. Mula noo’y naglipana na ang mga kulisap na pinagmulan ng kapahamakan, salot at
lumbay.
9. Isang malaking kamalian ang pagkapagpalaya sa kanila.
10. Kung nakawala ang pag-asa, lalong magiging kahambal-hambal ang kalagayan
sadaigdig. Sa kabutihang palad, naiwan ito.
SALITA SALITANG-UGAT KAHULUGAN
1.
2.
3.
HALIMBAWA
Gawain 2
Suriin ang kayarian ng ilang mga salitang ginamit sa akdang binasa. Tukuyin kung ito ay payak,
maylapi, inuulit, o tambalan. Pagkatapos, ibigay ang kahulugan ng mga ito batay sa kayarian.
PANGWAKAS/REPKSIYON
Mula sa mga isinagawang gawain, mahalagang maging mapanuri, at maging matiyaga sa
pagkilatis ng mga salitang gingamit sa isang akda. Ito ay nakatutulong upang mapadali ang pag-
unawa sa anumang uri ng akdang pampanitikang binabasa.