Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10-4
Filipino 10-4
UNANG MARKAHAN
Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksiyon: Iskor:
GAWAING PAMPAGKATUTO
Pagtukoy sa mensahe at layunin ng napanood
PANUTO
Gawain 1
Punan ang tsart sa ibaba ng pangalan ng tauhan sa napanood at isulat ang mga
katangian na nais at hindi nais tularan. Ibigay ang iyong dahilan o opinyon kung bakit nais o
hindi mo sila nais tularan.
Gawain 3
Ipaliwanag kung ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Ikaw ay si Neptuno, ang diyos ng karagatan. May mga batas at alituntunin kang
ipinatutupad upang mapangalagaan ang iyong kaharian. Lahat ng iyong nasasakupan
ay sumusunod dito. Ngunit ang mga mangingisda ay walang sawang humuhuli ng
mga lamang-dagat at patuloy ang paggamit ng dinamita na sanhi ng pagkasira ng
karagatan. (5 puntos)
2. Ikaw ay isang mangingisda. Salat na salat ang iyong pamilya sa buhay. Minsan, halos
lumiliban kayo sa hapag-kainan dahil kulang ang iyong kita sa pangingisda. Isang
araw, sa iyong pangingisda, napadpad ka sa dakong masagana ang huli. Naisip mo na
mas malaki ang iyong kikitain kung gagamit ka ng dinamita sa pangingisda. Sa
pamamagitan ng paggamit nito, mahuhuli mo lahat pati maliliit na isda at
matutustusan mo ang iyong pamilya. (5 puntos)
3. Ikaw ay isang environmentalist. Isa sa iyong mga programa ang pagpapanatili ng
kalinisan sa mga anyong-tubig. May malaking kompanya na nagbabalak magpatayo
ng pabrika sa iyong lugar. Bagamat ito ay naglalayong magbigay ng trabaho sa mga
taong nakatira sa iyong lugar, nagbabadya naman ang polusyon sa katubigan. (5
puntos)
PANGWAKAS/REPLEKSIYON
Matapos kong sagutan ang mga gawain, natutunan kong