Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA BIAK-NA-BATO

Ang pagnanais ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling pamahalaan at bansa ay lalong umigting sa
mga sunod-sunod na labanang nangyari sa ating kasaysayan. Nais nang lumaya ng mga Pilipino bilang
kolonya ng Espanya. Sa San Miguel, Bulacan minsang lumakad at nagpahinga ang ating magigiting na
bayani. Saksi ang ganda ng kaliksan ng Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan.
Sa araw na ito, malalaman natin kung paano tayo nabigyan ng unti-unting liwanag at pag-asa para
makamit ang Kalayaan. Sunod-sunod na labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol ang naganap
matapos ang unang Sigaw ng Himagsikan at Kumbensyon sa Tejeros. Sunod-sunod din na pagkatalo sa
labanan ang naranasan ng mga hukbo ni Emilio Aguinaldo sa Cavite kaya’t sila ay umatras patungo sa
Batangas. Hindi nagtagal ay nagtungo sila sa Bulacan upang maiwasan ang malaking puwersa ng mga
Espanyol.
Lagi nating naririnig ang kantyawang “Ang matapang na tao ay hindi tumatakbo sa anumang laban”, ngunit
bakit nga ba umatras sa labanan at nagtungo sa magubat na lugar ng San Miguel, Bulacan ang hukbo nila
Emilio Aguinaldo? Ito ang ating aalamin ngayon kaya makinig ng mabuti. Babalikan natin ang nakaraan
kung saan nagging saksi ang Biak-Na-Bato sa ating makulay na kasaysayan.

Masyadong mainit na ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Espanyol.maraming Pilipino na
ang nagbuwis ng buhay. Marami na ang sugatan. Marami na ang mahina. Kailangan nilang umiwas sa
hukbo ng kalaban upang makabawi nang lakas at makapag-isip ng bagong paraan upang magwagi sa
himagsikan. Mula sa Talisay, Batangas, ay dumaan ang hukbo ni Emilio Aguinaldo sa Morong hanggang
marating nito ang Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan. Dito niya pinulong ang mga pinuno ng kanyang
mga hukbo upang bumuo ng Saligang Batas bilang tanda ng isang malayang bansa. Sa pangunguna ni
Isabelo Artacho, at Felix Ferrer – sinulat nila ang Konstitusyon ng Biak-Na-Bato na pinagtibay noong
Nobyembre 1, 1897.

(Teka mga bata, kung mayroon ng Konstitusyon, ano kaya ang mangyayari sa Katipunan o KKK na
itinatag ni Andres Bonifacio?) Bibigyan kita ng clue. Ika-1 ng Nobyembre, 1897 – ano ba ang
ipinagdiriwang nating mga Pilipino sa petsang ito? Sagot: Araw ng mga Patay
Dito ko iuugnay ang nagyari sa Katipunan. Sa araw na iyon nagwakas ang Katipunan. Namatay ang
samahang Katipunan dahil ito ay napalitan na nang isang Pamahalaang may konstitusyong sinusunod.
Nawala man ang samahang Katipunan o KKK, ang mga kasapi nito ay patuloy pa ding nakipaglaban para
makamit ang Kalayaan.

Pagkatapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang Republika ng Biak-Na-Bato.
Ang mga nahalal na opisyal ay sina Emilio Aguinaldo bilang pangulo, at Mariano Trias bilang
pangalawang pangulo. Habang patuloy ang mga labanan, nagpasya si Pedro Paterno na mamagitan upang
mahinto ang digmaan. May mga Pilipinong nais tapusin ang laban sa madugong paraan, may ilan naman na
umaasang maayos ang lahat sa pamamagitan ng kasunduan. Sa pamamagitan ni Paterno, nabuo ang
Kasunduan sa Biak-na-Bato. Lumagda sa kasunduang ito si Paterno bilang kinatawan ng mga
rebolusyunaryo at si Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera.

(Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng Kasunduan?) Ito ang tawag sa pasalita o pasulat na dapat gawin ng
dalawang panig sa kasunduan ng biak-na-bato. Ang 2 panig ay ang mga Rebolusyunaryo at Espanyol.
Ang ilan sa probisyon ay ang sumusunod:
1. Pagpunta sa Hongkong ng mga pinuno ng rebolusyon.
2. Pagsuko ng mga armas at sandata ng mga rebolusyonaryo.
3. Pagbabayad ng halagang 1, 700, 000 Mexican Peso sa mga rebolusyonaryo at kanilang pamilya.

Pansamantalang umiral ang kapayapaan dulot ng kasunduan sa biak-na-bato. Ngunit may iilang patuloy na
nagaganap na labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol ay hindi rin sinununod ng mga Espanyol ang
kasunduan at hindi ibinigay ang natitirang halaga o salapi. Samantala, nagtungo sa Hongkong si Aguinaldo
at ang ilang kasapi ng kilusan ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pamahalaang rebolusyonaryo.
600,000 Mexican Peso lamang ang ibinayad ng mga Espanyol sa mga Pilipino. 400,000 ang napunta kay
Aguinaldo at 200,000 naman sa mga kawal na Pilipino. Ginamit ni Emilio ang halagang 400,000 sa mas
malaking labanan.

You might also like