Unang Markahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN

Modyul 1 – Kontemporaryong Isyu


https://youtu.be/hkk0VUIMkjo
● Kontemporaryong Isyu
⮚ Anumang pangyayari, paksa, tema, opinyon, o ideya na may kaugnayan kasalukuyang panahon
⮚ "Kontemporaryo", tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan at maaaring makaapekto sa
buhay ng mga tao sa lipunan.
"Isyu", tmutukoy sa mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o
batayan ng debate.
⮚ Maaaring ito’y umiral sa nakalipas na panahon at nananatiling litaw ang epekto nito sa
kasalukuyan. Ito ay nagdudulot ng malawakang epekto maaaring positibo o negatibo sa buhay ng
mga tao.
● Mga Disiplina sa Kontemporaryong Isyu
1) Kasaysayan - mahalagang pangyayari sa nakaraan.
2) Ekonomiks - pangangailangan ng tao.
3) Agham Pampolitika- batas at pamamahala.
4) Sosyolohiya - relasyon, ugnayan at interaksyon.
5) Heograpiya - pisikal at pantaong katangian ng isang lugar.
6) Antropolohiya - tao at kanyang kultura.
● Apat na Uri ng Kontemporaryong Isyu
1) Isyung Panlipunan –
Ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto sa
iba't- ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan,
pamahalaan at ekonomiya.
2) Isyung Pangkalusugan –
Ito naman ang mga isyung may kaugnayan sa kalusugan na maaaring
nakabubuti o hindi nakabubuti sa lipunan.
3) Isyung Pangkalakalan –
Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo, kasama nito
ang mga usapin o isyung pang-ekonomiya.
4) Isyung Pangkapaligiran –
Ito ay mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at usapin sa pagpapaunlad at
tamang pangangalaga sa ating kalikasan.
● Kahalagahan ng Pag-aaral ng Isyung Panlipunan
● Kaalaman –
Pagkakaroon ng kaalaman sa isyu o mga suliranin sa lipunan. Nasusuri
ang mga sanhi at epekto ng kinakaharap na suliranin.
● Kasanayan/Kakanyahan –
Ito ang ating mga skills at competencies, kakayahang maging mapanuri at
mapagmatiyag. Ilan sa mga halimbawa ng Kakanyahan ay (1) Pagtukoy sa
mga pinanggalingang impormasyon, (2) Pagkumpara sa katotohanan at
opinyon at (3) Hindi pagkiling sa bias.
● Kamalayan –
"Awareness", pagkakaroon ng pang-unawa sa mga pangyayari sa paligid.
● Angkop na solusyon –
Pagbibigay solusyon sa mga suliraning kinakaharap.
● Pagsali sa Organisasyon –
Pakikisama sa grupo ng mga tao na may kaparehas na layunin o
paniniwala gaya mo.
● Aktibong Mamamayan –
Maituturing na isang produktibong bahagi ng lipunan.

● Lipunan
⮚ Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
o Istruktura ng lipunan
o Kultura - tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa
isang lipunan. 
● Istruktura ng Lipunan
⮚ Institusyong Panlipunan - organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan
1) Pamilya - basikong yunit ng lipunan; dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang
nilalang
2) Paaralan - nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na
naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang sa mamamayan
3) Ekonomiya - paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
4) Pamahalaan - nagpapatupad ng mga batas.
5) Simbahan - pagpapatibay ng moral at ispiritwal na dimensiyon ng mga tao.

● Social Group - dalawa o higit pang taong may magkatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo sa isang ugnayang panlipunan
1) Primary Group - tumutukoy sa malapit sa impormal na ugnayan ng mga indibidwal
2) Secondary Group - binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.

● Social Status - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan


1) Ascribed Status - nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak.
2) Achieved Status - nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap.

● Social Roles - tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.
● Kultura
● Materyal na Kultura - bagay na gawa ng tao na nakikita at nahahawakan.
● Di-materyal na Kultura - bagay na gawa ng tao na hindi nakikita at hindi nahahawakan ngunit
nararamdaman.
1) Paniniwala - kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo;
batayan ng pagpapahalaga
2) Pagpapahalaga – batayan ng pagkilos na katanggap-tanggap sa grupo ng mga tao o
lipunan sa kabuuan.
3) Simbolo - paglalapat ng kahulugan sa isang bagay
4) Norms - tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa
isang lipunan.
a. Folkways – pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan
b. Mores - tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos; standard/legal na batas
Modyul 2 – Suliraning Pangkapaligiran
● Solid Waste
https://youtu.be/dnzaCaM0XnA
⮚ Tumutukoy sa mga basura na nakikita at nahahawakan at inuuri bilang domestic, industrial, bio-
medical, nuclear at e-wastes o electronic wastes.
⮚ Samantalang tinatawag namang Waste o Basura ang anumang bagay na itinuturing na wala nang
halaga at pakinabang.
● Kaakibat na Suliranin
1) Polusyon –
Tumutukoy sa pagdumi ng kalupaan, katubigan at atmospero na bunsod ng
pagtatapon ng basura kung saan-saan.
2) Open Dumpsite –
Pagkakaroon ng gabundok na basura dahil sa hindi maayos na pagtatapon.
3) Reclamation –
Tumutukoy sa pagkasira ng kabundukan, kagubatan at maging dalampasigan
dahil sa pagtatambak ng mga basura dito upang gawing kalsada, istraktura at
pabahay.
● Sanhi
1) Throw-away Attitude –
Tumutukoy sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura dahil sa
maruming kapaligiran at hindi mahigpit na pagpapatupad ng batas.
2) Plastic Mismanagement –
Tumutukoy sa hindi tamang pamamahala at pang-aabuso sa paggamit ng
tinuturing na pinakamaraming klase ng basura at kinakalat kung saan-saan.
3) Pagbebenta ng Tingian o Retail –
Sistema ng pagbebenta ng produkto na nagdudulot ng tambak na basura.
● Epekto
1) Pagbaha –
Dahil sa tambak na basura, ang ilan sa mga ito’y bumabara sa kanal na
maaaring magdulot ng pagbaha.
2) Infestation –
Pagdami ng lamok, ipis, daga, bangaw, langaw at uod sa mga basura.
3) Garbage Slide –
Ang mga tambak na basura na nagmistulang mga bundok ay guguho at
makasisira ng pamayanan at makasasakit ng mamamayan.
● Solusyon
1) National Solid Waste Management Act –
Kilala rin ito bilang R.A 9003 na layuning mabawasan ang dami ng mga
basura sa bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga plano.
2) Plastic Regulation –
Ito ay paglilimita at pagbabawal sa paggamit ng mga plastic.
3) Closed Dumpsite –
Pagpapasara sa mga dumpsite upang matugunan ang problema sa basura.
● Deforestation
⮚ Ito ay ang pag-alis ng mga puno at iba pang likas na kaanyuan ng mga kabundukan o kagubatan
para gamitin sa pang-ekonomiyang pagsulong.
⮚ Ito ay kitang-kita sa mga tropikong lugar na maraming kagubatan.
● Kaakibat na Suliranin
1) Depletions of Natural Resources –
Lumiliit ang bilang at nauubos ang ating mga puno at iba pang resources
mula sa bundok at gubat.
2) Flash Flood –
Tumutukoy ito sa kagyat na mataas na pagbaha sa mga mabababang lugar
tuwing may malakas na pag-ulan o kahit na walang nararanasan na pag-ulan
sa lugar.
3) Global Warming –
Tumutukoy ito sa pagtaas ng temperatura ng mundo dahil sa greenhouse
effect at pagkabutas ng ating ozone layer.
● Sanhi
1) Illegal Logging –
Tumutukoy ito sa walang pahintulot sa kinauukulan na pagputol ng puno
para sa pansariling kapakinabangan.
2) Kaingin System –
Tumutukoy ito sa pagpuputol at pagsusunog ng kagubatan upang makalikha
ng uling at mataniman ang lugar na dating puro puno.
3) Population Explosion –
Tumutukoy sa mabilis na pagtaas ng antas ng bilang ng tao na nagdudulot ng
mataas na pangangailangan sa mga bagay na galing sa kabundukan
at kagubatan.
● Epekto
1) Wildlife Extinction –
Ang pagdami nito ay dahil sa pagkasira ng kanilang mga tahanang
kabundukan at kagubatan.
2) Forest Fire –
Maaari din itong sanhi ng deforestation pero dahil sa pagtaas ng temperatura
ng mundo ay nasusunog ang mga natitirang kagubatan na minsan ay lumalala
pa at nadadamay ang mga karatig bayan at lungsod.
3) Smog –
Pinaghalong usok at hamog na nakakaabala sa mga mamamayan dahil
sagabal sa trapiko at nakakapinsala pa sa kalusugan. Pagbalik sa atin ng
polusyong ginagawa natin sa hangin.
● Solusyon
1) Reforestation –
Ang pagbuhay at pagbangon ng mga nasirang kabundukan/kagubatan
sa pamamagitan ng pagtatanim ng bagong binhi ng mga puno.
2) National Integrated Protected Areas –
Batas na nagtatalaga ng mga kagubatan/kabundukan bilang protected areas
na hindi dapat linangin dahil para ito sa susunod na henerasyon at para
balance ang kalikasan.

3) Indigenous People’s Rights Act –


Batas na nagsasaad na ang mga katutubo lamang ang maaaring tumira sa mga
kabundukan at kagubatan dahil sila ay mga tumutulong sa mga forest ranger
bilang mga preserver of nature.

● Pagmimina
⮚ Ito ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga yamang mineral mula sa lupa.
● Kaakibat na Suliranin
1) Quarrying o Pagtitibag –
Kahalintulad ng pagmimina ngunit hindi ito bumubutas at humuhukay sa
ilalim ng lupa bagkus gumagamit ito ng mga explosive devices upang
makuha ang mga yamang mineral sa mga kabundukan.
2) Mine Tailing –
Tumutukoy ito sa pagtaas ng mga nakalalasong kemikal sa mga
isinasagawang minahan at tibagan.
3) Mudslide/Rockslide –
Ang pagbaba ng mga putik at malalaking bato sa mabababang lugar na
peligro sa ari-arian at buhay ng tao.
4) Mountain Denudation –
Ang pagkasira ng mga kabundukan at kagubatan na pagsasagawaan ng
pagmimina.
● Sanhi
1) Mining Liberalization Act –
Ang pagpayag natin sa mga dayuhang kompanya ng pagmimina na pumasok
sa ating bansa at kuhanin ang ating mga mineral resources.
2) Unemployment –
Ang paglaganap nito bunsod ng kahirapan at kawalan ng opurtunidad ng ilan
nating kababayan kaya’t sila ay nagsasagawa ng delikado at tradisyunal na
pagmimina na nakakasira ng ating kabundukan.
3) Urbanization –
Ang paglaganap nito upang mamuhay tayo ng komportable at maalwab na
nagdudulot naman ng walang habas na pagkaubos ng ating mineral
resources at pagkasira ng balance of nature.
● Epekto
1) Ecological Imbalance –
Nasisira ang mga pamayanan at komunidad sa paligid ng minahan dahil sa
mga sakahan at taniman ay natutuyo, mga katubigan ay nakokontamina, mga
hayop ay namamatay, ang mga tao ay nagkakasakit at yung iba ay
namamatay.
2) Gina Lopez –
Dating kalihim ng DENR na hindi naprubahan ng Kongreso ang pagluklok
sa kanya sa puwesto ni Pangulong Duterte dahil naniniwala siya na
kailangan wakasan na ang anumang uri ng pagmimina kahit ito ay legal na
naitayo dahil walang pakinabang dito ang mga tao dahil sinisira nito ang
kalikasan at ang mundo.
● Solusyon
1) Sustainable Development –
Ito ang dapat na uri ng pag-unlad na dapat isipin kung saan
naisasaalang-alang ang katarungann pangkapaligiran. Mabagal ngunit tuloy
tuloy na pag-unlad na hindi nasisira ang kalikasan dahil sa responsible ang
paggamit nito.
2) Responsible Mining Act –
Tumutukoy ito sa responsableng pagmimina na dapat sundin nang lahat ng
pinahihintulutang minahan local man o dayuhan na kailangang tutulungan
nilang makapamuhay ng maayos ang mga komunidad sa paligid ng minahan
at dapar maibalik nila sa dating ayos at ganda ang mga lugar na kanilang
napagminahan sa mga susunod na panahon.
● Migrasyon
⮚ Ito ay tumutukoy sa proseso ng paglipat ng tao mula sa isang pook o teritoryong political
patungo sa ibang lugar upang doon manirahan nang pansamantala o permanente.
⮚ Panloob na Migrasyon – tumutukoy sa migrasyon na sa loob lamang ng bansa.
⮚ Migrasyong Panlabas – ito naman ang tawag kapag ang mga tao ay lumipat na sa ibang bansa
upang doon manirahan o manatili ng matagal na panahon.
● Kaakibat na Suliranin
1) Squatting –
Tumutukoy sa pag-angkin at walang pahintulot na paninirahan ng mga tao sa mga bakanteng
lugar, mga delikadong lugar at gayundin sa mga dating kapunuan at daanang tubig na nagdudulot ng
pinsala sa kapaligiran
2) Mountain Top Resort –
Pagtatayo ng mayayaman sa mga kabundukan na nakakasira ng kalikasan.

3) Land Conversion –
Pangyayari kung saan ang mga dating taniman, sakahan at palaisdaan ay
ginagawang daanan, tulay, pabahay, seaport, airport at mga ecozones.
● Sanhi
1) Kahirapan –
Ito ang nag-uudyok sa tao na sumiksik sa kalungsuran at yaong iba ay
tumira sa kabundukan at kagubatan para may pagkakitaan.
2) Kawalan ng sapat na pagkain –
Ang kawalan nito ay nagreresulta ng pagsulpot ng mga problemang
panseguridad at pangkalikasan sa mga malalaking lungsod at bayan.
● Epekto
1) Urban Decay –
Ang pagkapangit ng lungsod o bayan dahil sa paglitaw ng mga problema sa
basura, trapiko, polusyon, baha, smog squatter atbp.
2) Decentralization –
Problema na dulot ng pag-iwan ng mga tao sa kanayunan at napabayaan na
ang mga sakahan, taniman at palaisdaan dahil lahat sila ay sumisiksik sa
lungsod at bayan para sa mas magandang tarabaho.
● Solusyon
1) Urban Planning –
Isa sa mga adhikain ng Pangulong Duterte kung saan pinaglalaanan ng
pansin ang imprastruktura, kabuhayan at pag-unlad ng mga kanayunan sa
probinsya.
2) Vertical Housing –
Uri ng pabahay kung saan hindi malaking hektarya ng lupa ang gagamitin
para magkaroon ng tirahan ang maraming populasyon bagkus ilang mataas
na gusali lamang.
Modyul 3 – Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot
ng Suliraning Pangkapaligiran
DISASTER MANAGEMENT
● Carter (1992) Isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy
ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
● Onidz at Rodito (2009) tumutukoy sa iba’t-ibang gawain na binuo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng
sakuna, kalamidad, at hazard.
● Red Cross Disaster Management - Isang ahensiya na may administratibong desisyon, at gawain patungkol sa
bawat yugto ng isang sakuna. 

Mga Termino at Konsepto:


● Hazard 
banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng tao.na maaaring sanhi ng pinsala, buhay, ari-arian, at kalikasan. May
dalawang uri ng hazard, ito ay ang

Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard - ito ay mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
Halimbawa nito ay ang mga basura na itinatapon kung saan saan at maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika.

Natural Hazard - ito naman ay mga hazard na dulot ng kalikasan. Halimbawa nito ay ang lindol, tsunami,
landslide, at storm surge.

● Disaster
mga pangyayari na nagdudulot ng pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay maaaring
resulta ng hazard, vulnerability o kahinaan, at kawalan ng kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga
hazard.

● Vulnerability
Kahinaan ng tao, lugar, at imprastraktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. 

● Risk
Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhat dulot ng isang kalamidad o sakuna.

Dalawang Uri:
Human risk at stractural risk

● Resilience
I\kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epektoo ng kalamidad. 

National Disaster Risk Reduction Management Council (RA 10121)

● Philippine Disaster Risk Reduction Management Council 


Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ay may
dalawang pangunahing layunin 

1. Ang suliranin na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat paghandaan at hindi lamang haharapin sa panahon
ng pagsapit ng iba't ibang kalamidad; at
2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang maiwasan at mapababa ang pinsala at panganib
na dulot ng iba't ibang kalamidad. 
Community-Based Disaster and Risk Reduction Management Approach (CBDRRM)

● Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang paraan upang ang mga
mamamayan ang siyang tutukoy, sususri, tutugon, susubaybay, at tataya sa mga risk na maaari nilang maranasan
lalo na ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad. 

● Top-down Approach 
Lahat ng gawain mula sa  pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mga mas
nakatataas na tanggapan ng ahensya o pamahalaan.

● Bottom-up Approach
Binibigyang pansin ang mga maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga hazard, kalamidad at pangangailangan
ng pamayanan. Ang pangunahing karanasan ng mga tao sa disaster prone area ang siyang batayan. 
Modyul 4 – Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa
Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

CBDRRM
~ Community Based Disaster Risk Reduction Management
⮚ Tumutukoy sa mekanismo patungkol sa kahandaan ng isang pamayanan o pinakamababang yunit ng
pamahalaan sa panahon ng mga sakuna

CBDRMA
~ Community Based Disaster Risk Reduction Management
⮚ Pagbuo ng plano/patakaran sa pagharap ng mga suliranin, isyu at hamong may kaugnayan sa
kapaligiran.

2 uri ng CBDRRM APPROACH


~ Top down approach - galing sa pamahalaan
● Generic
● Pulitika
Siya ang nagpapasimuno sa pagpopondo.
~ Bottom Up approach- sa pamayanan lamang
● Specific

Katangian ng Bottom-up Approach


1. Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan
2. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na Bottom-up approach ang pagkilala sa mga
pamayanang may maayos na pagpapatupad nito.
3. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan.
4. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at
vulnerabilities na nararanasang kahinaan sa kanilang lugar.

Sila din ay matatawag na cluster approach.


Modyul 5 – Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan

CBDRRM PLAN
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION
⮚ Sa bahaging ito ng disaster management plan, itinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa
pagharap sa iba'tibang suliraning pangkapaligiran

Hazard assessment- tumutukoy sa pagsuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung
ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.

Vulnerability assessment- tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o
bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.

Capacity plan- sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. Mayroon itong tatlong
kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Paguugali ng mamamayan tungkol sa hazard.

Disaster risk assessment - tinataya ang mga maaaring maging pinsala ng kalamidad upang mabawasan ang
malubhang epekto nito

DISASTER PREPAREDNESS
⮚ Tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o
hazard.
✔ TO INFORM
✔ TO ADVICE
✔ TO INSTRUCT

DISASTER RESPONSE
~ ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.

ASSESSMENT:
● Needs Assessment - kung ano-ano ang mga pangangailangan ng mga nasalanta
● Damage Assessment - kung gaano kalawak ang naging pinsala ng kalamidad
● Loss Assessment - kung gaano karami ang nawalan ng ari-arian, nasirang imprastraktura at nawalan ng
buhay.
● Disaster Rehabilitation and Recovery- ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at estruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating
kaayusan at normal ang daloy ng pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.

You might also like