Unang Markahang Pagsusulit Sa AP at Esp With Tos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 4
S.Y.2022-2023

KINALALAGYAN
Pag-aanalisa
Pang-unawa

BILANG NG
Paglalapat
Pagbabalik

Pagtataya

NG AYTEM
Paglikha
Kaisipan

AYTEM
LAYUNIN
1. Natatalakay ang konsepto ng bansa 1 2 2 5 1,2,3,4,5,

2. Natutukoy ang relatibong lokasyon


(relative location) ng Pilipinas batay sa
mga nakapaligid dito gamit ang 2 4 1 1 8 6,7,8,9,10
pangunahin at pangalawang direksyon ,11,12,13
3. Natutukoy ang mga hangganan at 1 1 1 2 5 14, 15,
lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang 16, 17,
mapa 18,
4. Nailalarawan ang pagkakakilanlang
heograpikal ng Pilipinas:
(a) Heograpiyang Pisikal (klima, 19,
panahon, at anyong lupa at anyong tubig) 1 1 1 1 4 20,21,22,

(b) Heograpiyang Pantao (populasyon, 1 1 2 4 23,24,25,


agrikultura at industriya) 26
5. Nailalarawan ang kalagayan ng 2 1 2 5 27,28,29,
Pilipinas na nasa "Pacific Ring of Fire" at 30, 31
ang implikasyon nito
6. Nakapamumungkahi ng mga paraan
upang mabawasan ang epekto ng 2 1 1 4 32,33,34,
kalamidad 35,
7. Nakapagbibigay ng konklusyon 2 1 1 1 5 36, 37,38,
tungkol sa kahalagahan ng mga 39,40
katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa
KABUUANG BILANG NG AYTEM 3 9 9 7 2 10 40
% NG AYTEM 7.5 22.5 22.5 17.5 5 25 100

Inihanda: Binigyang pansin:

ANICETA B. ESCABAL MILDRED L. CABUHAL


Teacher III School Principal III

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
S.Y.2022-2023

KINALALAGYAN
Pag-aanalisa
Pang-unawa

BILANG NG
Paglalapat
Pagbabalik

Pagtataya

NG AYTEM
Paglikha
Kaisipan

AYTEM
LAYUNIN
1. Nakapagsasabi ng katotohanan 2 2 1 5 1,2,3,4,5
anuman ang maging bunga nito.
2. Nakapagsusuri ng katotohanan bago
gumawa ng anumang hakbangin batay
sa mga nakalap na impormasyon

2.1. balitang napakinggan 2 1 1 1 5 6,7,8,9,10

2.2. patalastas na nabasa/narinig 1 1 1 1 4 11,12, 13,14

2.3. napanood na programang


pantelebisyon 1 1 1 1 4 15,16,17,18,

2.4 pagsangguni sa taong kinauukulan 2 1 2 5 19,20,21,22,


23
3. Nakapagninilay ng katotohanan
BATAY sa mga NAKALAP NA
IMPORMASYON:

3.1. balitang napakinggan 1 1 1 1 4 24,25,26,27

3.2. patalastas na nabasa/narinig 1 1 1 3 28,29,30

3.3. napanood na programang 1 2 3 31,32,33


pantelebisyon

3.4. nababasa sa internet at mga social 1 1 1 3 34,35,36


networking sites
4. Nakapagsasagawa nang may
mapanuring pag-iisip ng tamang
pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas 1 1 1 1 4 37,38,39,40
ng katotohanan.

KABUUANG BILANG NG 2 8 11 6 5 8 40

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

AYTEM
% NG AYTEM 5 20 27.5 15 12.5 20 100
Inihanda: Binigyang pansin:

ANICETA B. ESCABAL MILDRED L. CABUHAL


Teacher III School Principal III

Lagda ng magulang:

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

Pangalan:______________________________ Seksyon:_____________________
Petsa:_______________________ Iskor:________________

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.

1. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad
na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon,
at lahi?
A.teritoryo B.bansa C.pamahalaan D. lalawigan

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito?
A. teritoryo B. bansa C. lalawigan D. mundo

3. Ano ang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan?
A. bansa B. pamahalaan C. departamento D. organisasyon

4. Sino ang mga grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon
ng bansa?
A. pamahalaan B. tao C. soberanya D. bansa

5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa elemento ng pagkabansa?


A. May tao
B. May tao at teritoryo
C. May tao, teritoryo at pamahalaan
D. May tao, teritoryo, pamahalaan, at soberanya

6. Anong bansa ang matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas?


A. Taiwan B. Europa C. Amerika D. Cambodia

7. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nasa hilagang bahagi ng Pilipinas?


A. Taiwan C. Malaysia
B. Borneo D. Indonesia

8. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa direksyon o lokasyon ng isang lugar batay sa
kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar?
A. relatibong lokasyon
B. bansa
C. mundo

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

D. pamahalaan

9. Saang direksiyon ng Pilipinas matatagpuan ang Pacific Ocean?


A. Timog
B. Hilaga
C. Silangan
D. Kanluran

Gamit ang mapa, sagutin ang mga katanungan sa bilang 10-13.


10. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Borneo?
A. Hilagang-Kanluran
B. Hilagang-Silangan
C. Timog-Kanluran
D. Timog-Silangan
11. Anong anyong tubig ang makikita sa silangan ng
Pilipinas?
A. Java Sea
B. Indian Ocean
C. Pacific Ocean
D.South China Sea

12. Gamit ang pangalawang direksiyon, saang bahagi ng


Pilipinas matatagpuan ang isla ng Paracel?
A. Timog-kanluran
B. Timog-silangan
C. Hilagang-kanluran
D. Hilagang-silangan

13. Anong bansa ang pinakamalapit sa Pilipinas mula sa hilagang bahagi nito?
A. China B. Japan C. Taiwan D. Hongkong
14. Kung ihahambing mo sa kapuluan ng Indonesia, ano ang masasabi mo sa lawak ng teritoryo ng
Pilipinas?
A. kasinlaki B. mas maliit C. mas malaki D. malaking-malaki

15. Gaano kalawak ang sakop na teritoryo ng Pilipinas?


A. 150,000 kilometro kuwadrado
B. 200,000 kilometro kuwadrado
C. 250,000 kilometro kuwadrado
D. 300,000 kilometro kuwadrado

16. Ilang mga pulo ang bumubuo sa Pilipinas?

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

A. Ang Pilipinas ay binubuo ng 1,107 mga pulo


B. Ang Pilipinas ay binubuo ng 6,107 na mga pulo.
C. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7,107 mga pulo.
D. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 10,000 mga pulo.

17. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular na bansa ng Pilipinas?
A. layo-layo ang mga isla
B. maliit na isla ngunit matubig
C. matubig at watak-watak ang mga isla
D.binubuo ng mga kapuluan na napaliligiran ng anyong-tubig

18. Alin ang hindi kapakinabangan ng pagiging isang bansang insular?


A. Madaling masasakop ng ibang bansa ang ating bansa
B. Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal mula sa ibang bansa.
C. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin nito.
D.Ang kainaman ng mga daungan sa bansa na nagsisilbing daanan ng mga sasakyang
pandagat.

19. Alin sa mga sumusunod na salita ang tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa
isang lugar?
A. Klima
B. Panahon
C. Temperatura
D. Topograpiya
20. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran?
A. Klima
B. Panahon
C. Temperatura
D. Topograpiya

21. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?


A. Metro Manila
B. Lungsod ng Baguio
C. Lungsod ng Tagaytay
D. Lungsod ng Tuguegarao

22. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansang
tropikal?
A. Umuulan ng yelo sa lugar na ito.
B. Nasa mataas na latitude ang lugar na ito.
C. Mararanasan ang sobrang lamig sa lugar na ito.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

D. Direktang tinatamaan ng sikat ng araw ang mga lugar na ito.

23. Alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na anyong lupa?


A. burol B. bundok C. lambak D. talampas

24. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamalalim, pinakamalawak at pinakamalaki sa lahat ng
anyong-tubig?
A. Dagat
B. Golpo
C. Tsanel
D. Karagatan

25. Alin sa mga sumusunod na pananim ang nangangailangan ng katamtamang dami ng ulan?
A. tubo
B. palay
C. niyog
D. abaka
26. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?
A. Dahil makabago ito.
B. Dahil nasa sentro ito ng bansa.
C. Dahil maraming naggagandahang gusali rito.
D. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang makapag-aral at kumita.

27. Ano ang tawag sa isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at
kung saan nagaganap ang madalas namga paglindol?
A. Pacific Ring of Fire B. PHIVOLCS C. DRRMC D. Circum Pacific

28. Alin sa mga sumusunod ang sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa
ilalim ng lupa?
A. baha
B. bagyo
C. lindol
D. tsunami

29. Alin sa mga sumusunod na salita ang tumutukoy sa madalas na pagtaas ng tubig sa normal na
lebel?
A. Lindol
B. Bagyo
C. Tsunami
D. Pagguho ng lupa.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

30. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang malaking unos na mayroong marahas at
malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan?
A. baha
B. bagyo
C. lindol
D. tsunami

31. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan dulot
ng lakas ng hanging dala ng bagyo?
A. baha
B. bagyo
C. tsunami
D. storm surge

32.Kung ikaw ay nasa loob ng paaralan o gusali at biglang lumindol, alin sa mga sumusunod ang
dapat mong gawin?
A. Lumayo sa poste.
B. Lumabas ng gusali.
C. Duck, cover & hold
D. Umalis sa mga lugar na mataas

33. Anong uri ng mapa ang nagpapakita ng mga lugar na mapanganib sa baha, bagyo, at storm
surge?
A. hazard map
B. climate map
C. physical map
D. demographic map

34. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa mga paparating na bagyo at iba pang
kondisyon o kalagayan ng panahon?
A. DSWD B. DRRMC C. PAGASA D. PHILVOCS

35. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa mga pagsasanay para
sa kaligtasan ng bawat mamamayan?
A. DSWD B. DRRMC C. PAGASA D. PHILVOCS

36. Saang lugar matatagpuan ang Talon ng Maria Cristina?


A. Davao
B. Maynila
C. Laguna
D.Lanao del Norte

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

37. Anong magandang tanawin ang nasa larawan na matatagpuan sa Palawan?

A. Mayon Volcano
B. Bangui Windmills
C. Underground River
D. Banaue Rice Terraces

38. Anong magandang tanawin ang nasa larawan?


A. Banawe Rice Terraces
B. Pagsanjan Falls
C. Mayon Volcano
D. Bangui Windmills

39. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?


A. Hindi dapat ipagmamalaki ang turismo sa bansa.
B. Hindi nakaapekto ang pandemya sa turismo sa bansa.
C. Ang pisikal na katangian ng isang bansa ay walang kaugnayan sa pag-unlad nito.
D. Ang pagiging arkipelago ng bansa ay may malaking pakinabang sa pag-unlad ng bansa.

40. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng mga pisikal na katangian ng ating
bansa?
I. Walang pakinabang ang bansa sa turismo.
II. Hindi dapat ipagmalaki an gating bansa.
III.Napasisigla rin ng pagiging mayaman ng ating bansa sa mga katubigan ang mga hanapbuhay
tulad ng
pangingisda, pagbabangka at pagbibiyahe
IV. Malaki ang naidudulot sa bansa ng pagiging mayaman nito sa katangiang pisikal at
napapaunlad nito ang
ugaling Pilipino.
A. I, II B. III, IV C. I, III D. II, IV

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Lagda ng magulang:

Republic of the Philippines


Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


Pangalan_______________________ Petsa: _______________
Seksyon__________________ Iskor: _____________

Panuto : Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Napili ka ng iyong guro na siyang maging tagapagdaloy ng palatuntunan, ano ang iyong
gagawin?
A. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako.
B. Sasabihan kong ayokong maging tagapagdaloy ng palatuntunan.
C. Lalakasan ko ang aking loob at tatanggapin ang ibinigay na Gawain.
D. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap sa pagsasalita.

2. Nakita mong kumuha ng pera ang kapatid mo sa pitaka ng iyong nanay ng hindi
nagpapaalam. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin.?
A. Hihingi ako ng pera sa kanya.
B. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
C. Pababayaan ko na lamang siya.
D. Sasabihin ko sa kanya na mali ang ginawa niya.

3. Alin sa mga susunod ang HINDI tumutukoy sa katotohanan?


A. Ang pagsasabi ng kung ano ang totoo ano man ang mangyari.
B. Ang pagbabahagi ng mga kuwento na walang halong kasinungalingan.
C. Ito ay kung ano ang maganda sa pakiramdam ng tao.
D. Ang hindi pagsasabi ng kung ano ang totoo.

4. Inabutan ng inyong guro ang dalawa mong kaklase na nagsusuntukan. Nang tinanong niya
kayo tungkol sa pangyayari, walang sumagot sa inyo. Ano ang maari mong gawin upang
hindi siya magalit?
A. Hahayaan ko na lamang ang aming guro na magalit.
B. Magsasawalang kibo na lamang ako.
C. Tatayo ako at sasabihin ang totoo kung bakit sila nagsuntukan.
D. Tatawanan na lamang namin ang guro.

5. Bakit mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan?


A. Dahil ito ay nakagagaan ng konsenya
B. Dahil ito ay nagbibigay ng kapayapaan sa isip at puso
C. Dahil ito ay nakakakuha ng tiwala ng ibang tao
D. Lahat ng nabanggit.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

6. Narinig ni Anna sa kaibigang si Leslie na may paparating na malakas na bagyo sa kanilang


lugar. Inalam muna niya kung totoo ito sa pamamagitan ng pakikinig ng balita sa radyo. Anong
katangian mayroon si Anna?
A.Mapanuring pag-iisip B. Mapapaniwala
C. Malikhain D. Walang pakialam

7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapanuring pag-iisip sa mga balitang narinig?
A.Maniwala sa sabi-sabi
B. Suriing mabuti kung totoo ang balitang narinig
C. Huwag pansinin ang balitang naririnig
D. Ipaalam sa mga kalaro ang balitang narinig kahit hindi sigurado kung ito ay totoo

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dapat tularan ng batang tulad mo?
A.Ang batang na kulang ang ibinahaging balita
B.Ang batang sinusuri muna kung totoo ang balitang napapakinggan
C. Ang batang naniniwala agad sa sabi-sabi.
D. Ang batang walang pakialam kahit ano ang naririnig

9. Nakikinig nang mabuti sa Karla ng balita sa radyo upang malaman ang wastong paraan upang
maiwasan ang pagkakaroon ng covid 19 virus. Tama ba ang kanyang ginawa?
A.Opo,dahil mahalagang malaman natin ang mga paraan upang makaiwas sa covid 19
B.Hindi po, dahil aksaya lamang ito ng panahon
C.Opo, upang maipagyabang koi to sa ibang tao.
D. Hindi dapat nakikinig ng lahat ng uri ng balitang ang mga batang tulad ko.

10. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan
sa radyo?
A.Iniiwasan ko ang pakikinig ng mga balitang nakabubuti.
B.Hindi ko papansinin ang mga balitang napakinggan
C.Naikukumpara ko ang tama sa mali sa mga balitang aking napakikinggan.
D. Mas gusto kong pakinggan ang mga mararahas na balita.

11. Sinabi sa patalastas na iyong narinig na masarap ang juice na binibenta sa isang
grocery sa inyong lugar. Dahil dito, nahikayat ka at nais mo ring bumili nito. Paano
ka nakasisiguro na masarap at ligtas ang produkto?
A.Itanong sa mga kaklase kung masarap ito.
B.Bumili kaagad upang matikman.
C.Kumbinsihin ang nanay na ito ang ipabaon sa iyo.
D.Ikonsulta sa magulang kung maaaring bumili nito.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

12. May nakita kang magandang laruan sa isang patalastas, alin sa mga sumusunod ang iyong
gagawin?
A. Magpapabili sa magulang.
B. Mangungutang sa kaklase.
C. Ibibili ng laruan ang baon mo para sa isang lingo.
D. Susuriin muna kung ito ay walang halong kemikal na may masamang epekto sa iyong kalusugan.

13. Narinig mo sa iyong kalaro na may napanood siya sa isang patalastas na nakapagpapaputi ng
ngipin. Ano ang iyong gagawin?
A. Bibili ng produkto.
B. Papayuhan ang kaibigan na bumili nito.
C. Magpapabili sa magulang ng nasabing produkto.
D. Susuriin muna kung ang nasabing produkto ay pwede sa iyo.

14. Napakinggan ko sa radyo ang bagong produkto na iniindorso ng isang sikat na artista. Ano ang
gagawin ko?
A. Wala akong pakialam.
B. Bibili ako dahil gusto kong matikman.
C. Bibilhin ko kaagad dahil sikat na artista ang nag-indorso.
D. Titingnan ko muna at babasahin ang nakasulat nan nutrition fact.

15.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katotohanang bagay tungkol sa programang


pantelebisyon?
A. Mapagkakatiwalaang impormasyon mula sa pampublikong pahayag ng pamahalaan sa
awtorisadong channel ng telebisyon
B. Tsismis mula sa kabarangay
C. Narinig mula sa kapitan sa inyong lugar
D. Ibinahagi ng isang netizen sa kanyang social media account

16.May mga eksenang mapapanood sa pelikula sa telebisyon na hindi angkop saiyo at sa


nakababata mong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ilipat ang channel ng telebisyon sa mga makabuluhang palabas tulad ng knowledge channel.
B. Hayaang mapanood ang pelikula kahit may hindi kaaya-ayang palabas dahil nakawiwili ito.
C. Ipipikit na lamang ang mata sa mga eksenang di kaaya-aya at ipagpapatuloy ang panonood
dito.
D. Magwawalang-kibo na lamang kung ano ang palabas sensitibo man o
hindi.

17.Paano higit na makatutulong ang inyong mga magulang sa wastong panonood ng telebisyon?
A. Hahayaan lamang ang mga batang tulad ninyo na manood ng telebisyon ayon sa kagustuhang
palabas tulad ng cartoons.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

B. Gabayan ang mga bata sa panonood upang mabigyan kaagad ng paalaala o masagot kaagad
ang mga tanong kung sakali na may katanungan mula sa palabras.
C. Ganyakin ang mga bata na manood ng sensitibong palabras.
D. Tagalipat ng channel ang mga magulang kung saang channel nais ng mga bata.

18.Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong responsibilidad bilang isang mapanuring manonood?
A. Panoorin lamang ang mga palabras na pambata na nagbibigay-aral o mga programa na
mapagkukunan ng kaalaman o impormasyon na makatutulong sa iyong pag-aaral.
B. Iwasan ang panonood ng balita na may kinalaman sa mga sakuna, trahedya at napapanahong
isyu tungkol sa pandemya.
C. Panoorin lamang ang mga palabras na may SPG o istriktong gabay ng magulang.
D. Igugol ang buong oras sa panonood ng mga palabas ukol sa karahasan

19. Nabalitaan mo sa iyong kalaro na may kumakalat na malubhang sakit sa inyong lugar,
paniniwalaan mo ba siya?
A.Opo, paniniwalaan ko agad ang kanyang sinabi
B. Hindi po, aalamin ko muna kung totoo ang kanyang sinabi.
C. Hindi ko po siya papansinin.
D. Sasabihin ko po ito sa aking ibang kalaro.

20. Nagbakasyon si Pia sa probinsiya. Ikinuwento sa kanyng kaniyang Tiyo na maraming aswang sa
lugar nila. Ano ang dapat gawin ni Pia?
A. Maniwala agad sa tiyuhin
B. Suriin muna kung totoo ang ikinuwento ng kanyang tiyo.
C. Umalis na sa lugar ng tiyuhin
D. Awayin ang tiyuhin at sabihan itong sinungaling

21. Sinasabihan ka ng iyong kapitbahay na suspended ang pasok buong linggo d ahil sa
paparating na bagyo.
A. Sumangguni muna sa iyong guro kung tama ang ibinalita ng iyong kapitbahay.
B. Matulog na lang ulit at wag ng pumasok
C. Agad na paniwalaan ang sinasabi ng kapitbahay.
D. Huwag pansinin ang kapitbahay.

22. May naglalako ng alahas sa lugar ninyo. Ang sabi ng tindera, tunay na ginto ang
kaniyang ibinibenta kaya may kamahalan ito. Nais itong bilhin ng iyong Nanay, alin sa mga
sumusunod ang maaari mong gawin?
A. Sabihan ang Nanay na suriin muna ng mabuti ang alahas kung ito ay tunay na ginto.
B. Ipabili na agad ito sa Nanay.
C. Hingiin ang mga alahas sa tindera
D. Hayaan ang Nanay na magdesisyon dahil matanda na siya.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

23. Narinig mo na may darating na malakas na bagyo sa inyong probinsya. Alin sa mga sumusunod
ang dapat mong gawin?
A. Mataranta at magsisisgaw.
B. Pumunta agad sa evacuation center.
C. Ipamalita sa mga kapitbahay ang narinig.
D. Suriin muna kung may katotohanan ang narinig.

24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagninilay sa balitang napakinggan?
A. Nanonood ako ng mga balitang mararahas.
B. Natutuwa ako kapag may magandang balita ang programa sa telebisyon.
C. Hindi ako nanonood o nakikinig ng mga balita.
D. Nagagalit ako sa aking kapatid kapag inililipat niya sa ibang istayon ang palabas sa telebisyon.

25. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagninilay sa katotohanan?


A. Nataranta agad si Aling Marta sa kanyang narinig na balita.
B. Agad na naniwala sa Lucas na nagbulsa ng pondo ang kanilang kapitan.
C. Inalam muna ni Mang Alden kung tama ang napanood na balita tungkol sa bagyo.
D. Nagpanic buying ang pamilya Cruz dahil sa narinig na balita sa kapitbahay tungkol sa malakas
na Bagyo

26. Nanonood ng balita ang iyong kuya sa telebisyon tungkol sa lindol sa ibang bansa. Nagkataon
na may pag-uulat kayo saklase tungkol sa balitang napakinggan o napanood. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Matulog na lang.
B. Hindi papansinin ang balita.
C. Makikinood upang may maitalakay sa klase.
D. Manonood pero hindi tatalakayin sa klase ang napanood na balita.

27. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng makatotohanang balita?


A. Ang COVID 19 ay madaling gamutin.
B. May natuklasan ng gamot para sa COVID 19.
C. Saging ang pinakamabisang gamot sa COVID 19.
D. Ang COVID 19 ay isang uri ng virus na nakamamatay.

28. Napanood mo sa patalastas sa telebisyon ang isang juice drink na mainam umano sa mga bata.
Ano ang dapat mong gawin bago maniwala?
A. Pumunta sa palengke at bumili ng juice.
B. Paniwalaan kaagad ang sinabi sa patalastas.
C. Magpabili ng nasabing juice drink sa nakatatandang kapatid.
D. Tingnan ang nutrition facts kung totoong mabuti ito sa mga bata.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagninilay sa mga napapanood na
patalastas sa telebisyon?
A. Nagpabili si Ian ng bagong sapatos na napanood niya sa patalastas kahit may kamahalan ang
presyo nito.
B. Nangutang si Anna sa kanyang kaibigan ng pera upang ibili ng pampaputi ng balat na napanood
niya sa patalastas.
C. Inalam muna ni Dianne ang mga sangkap ng napanood niyang pampahaba ng buhok sa
patalastas bago niya ito binili.
D. Nagalit si Corine sa kanyang nanay ng hindi siya nito ibinili ng nauusong suklay.

30. May napanood si Myra sa isang patalastas na isang uri ng suplemento na nakapagpapatalino.
Alin sa mga sumusunod ang maaari niyang gawin?
A. Alamin muna kung tunay ang napanood na patalastas.
B. Magpabili agad sa nanay dahil baka maubusan.
C. Balewalain ang napanood na patalasta.
D. Ipagsabi ito sa mga kalaro.

31. Kung manonood ng isang programang pantelebisyon, ano ang dapat mong isaalang-alang?
A. Dapat Rated G ang panoorin ng isang batang tulad mo.
B. Panoorin lahat ng programa anumang uri ng palabas ito.
C. Piliin ang mga palabas na nangangailangan ng gabay ng magulang kahit alam mong mag-isa
ka lamang na nanonood.
D.Mga kawili-wiling palabas bagamat may mga eksenang hindi angkop sa batang tulad mo.

32. May mga eksenang mapapanood sa pelikula sa telebisyon na hindi angkop saiyo at sa
nakababata mong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ilipat ang channel ng telebisyon sa mga makabuluhang palabas tulad ng knowledge channel.
B. Hayaang mapanood ang pelikula kahit may hindi kaaya-ayang palabas dahil nakawiwili ito.
C. Ipipikit na lamang ang mata sa mga eksenang di kaaya-aya at ipagpapatuloy ang panonood
dito.
D. Magwawalang-kibo na lamang kung ano ang palabas sensitibo man o hindi.

33. Paano higit na makatutulong ang inyong mga magulang sa wastong panonood ng telebisyon?
A. Hahayaan lamang ang mga batang tulad ninyo na manood ng telebisyon ayon sa
kagustuhang palabras tulad ng cartoons.
B. Gabayan ang mga bata sa panonood upang mabigyan kaagad ng paalaala o masagot kaagad
ang mga tanong kung sakali na may katanungan mula sa palabras.
C. Ganyakin ang mga bata na manood ng sensitibong palabras.
D. Tagalipat ng channel ang mga magulang kung saang channel nais ng mga bata.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

34. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong pag-iisip sa paggamit ng internet?
A. Magpost ng masasakit na salita laban sa taong kinaiinisan gait ang Facebook.
B. Manood ng malalaswang palabas o sensitibong palabas mula sa youtube.
C. Gagamitin ko ang internet upang siraan ang aking kaibigan.
D. Gagamit ako ng google upang mas mabilis ang pangangalap ko ng impormasyon tungkol
sa aking takdang-aralin

35. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa sinasabing cyber-bullying na kadalasang nararanasan
ng mga kabataan?
E. Pag-upload ng mga salita ng Diyos na hango sa bibliya
F. Pagpo-post ng mga magagandang tanawin sa inyong lugar
G. Pagpo-post ng mga pahayag na nanlalait at nagmumura sa kaibigan
H. Pangungumusta sa mga kaibigan gamit ang messenger

36. Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang paggamit ng internet?
A. nakagaganyak ito sa mga mag-aaral dahil sa dami ng website na pwedeng buksan at
panoorin habang nagsasaliksik
B. Hindi na kailangang mag-isip dahil mayroong google na pwedeng tanungan.
C. Napabibilis ang pagsasaliksik sa mga kaalaman o impormasyong kailangan sap ag-aaral
na matatagpuan sa mapagkakatiwalaang website.
D. Maraming mga games na mada-download sa google play na nalkatutulong upang
maaliw habang nag-aaral.

37. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mapanuring pag-iisip?


A. Naniwala kaagad sa kumakalat na balita at pinagsasabi pa sa iba.
B. Basta na lamang niya sinuntok ang kanyang kapitbahay dahil na nalaman niya na
nagkakalat ito ng tsismis tungkol sa kanyang asawa.
C. Nilinaw muna niya ang buong pangyayari bago siya naniwala sa balita.
D. Naging malungkot ka dahil may nabalitaan kang kumakalat na balita na di naman totoo
tungkol sayo.

38. Nakatanggap ka ng mensahe na nanalo ka sa isang online game. Humihingi sila ng


impormasyon tungkol sa iyo. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Hindi ko na lang sila papansinin.
B. Ibibigay ko ang mga personal na impormasyon ng aking nanay.
B. Hindi ko ibibigay ang aking mga personal na impormasyon
C. Ibibigay ko ang aking mga personal na impormasyon sa kanila.

39. May nabasa ka sa facebook na humihingi ng iyong address dahil nanalo ka umano ng isang
gadget. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division Of Oriental Mindoro
Puerto Galera Central School
Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

A. Ibigay ang iyong address.


B. Ibigay ang address ng iyong kamag-anak.
C. Makipagkita na lamang sa humihingi ng address.
D. Huwag basta ibibigay ang address kung hindi nasuri ang katotohanan ng sinasabi.

40. Nabalitaan mo sa iyong kapitbahay na may gumagalang mga di kilalang tao sa inyong barangay. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Huwag ng lumabas ng bahay.
B. Paniwalaan agad ang kapitbahay.
C. Ibalita ito sa ibang tao.
D. Itanong sa inyong kapitan ng barangay kung totoo ang impormasyong sinabi ng kapitbahay.

Address: Puerto Galera, Oriental Mindoro 5203


Email: 110619@deped.gov.ph
Contact No.:(+63)917656-2081

You might also like