Dangerous Kiss Completed

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 306

StoryDownloader

Dangerous Kiss [Completed]

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five

Page 1 / 304
StoryDownloader

Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Last Chapter
Thank You!
Book 2
Epilogue

Page 2 / 304
StoryDownloader

Prologue
Copyright 2015 by FatimaLouisse
All Rights Reserve
No parts of this book may be used or reproduced in any manner whatsoever
without written permisson from the author, except in the case of brief
quotations embodied in critical articles and reviews. However, the author
explicitly does not own the rights to the image on the book cover.
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of
the author's imagination or are use fictitiously. Any resemblence to actual
person, living or dead, places and locations are purely coincidental.

Prologue

February 21, 2015


Time stamp: 10:34:22 pm
Savannah
Ang sabi nila wala na raw mas nakakatakot pa kapag nasa harap ka ng isang
baril at nakatutok ito sa pagitan ng iyong mga mata.
At habang nakatitig ka sa dulo nito ay mabilis na bumabalik sa iyong ala-ala
ang kung paano mo ginugol ang iyong buhay sa mundo kasunod nang pagsisi
sa mga desisyon na ginawa at hindi mo ginawa.
Alam ni Savannah ang bagay na'yan, dahil nakipagtitigan na siya sa dulo ng
isang baril labing limang taon na ang nakakaraan.
At inakala niyang iyon na ang pinaka-nakakatakot na pangyayaring pwede
nyang maranasan sa buhay.
Pero mali pala siya.

Page 3 / 304
StoryDownloader

May mga bagay pala na mas nakakatakot pa d'on.


Kagaya nang kinahaharap niya ngayon.
Dahil heto siya--habang nasa loob ng highly-secured vault, suot ang puting
skin-tight-overall suit at katernong skin-tight boots, na tinatawag ni Elisa na
invisibility cloak dahil sa kulay nito na nagagawa siyang itago sa mga CCTV
camera--at hawak niya sa kanyang mga kamay ang dyamanteng kailangan niya
para mapasok ang Belial Triangle, isa sa pinaka-malaking underground
syndicate sa buong mundo, ay narinig niya ang isang boses na nagpatigil sa
ikot ng kanyang mundo.
"Freeze. FBI."
And she did exactly just like that.
Natigilan siya, hindi dahil may FBI sa likod niya kundi dahil kilalang-kilala
niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Para bang lahat ng dugo
niya sa katawan ay nanlamig na naging dahilan para dumoble ang tibok ng
kanyang puso.
Lumunok si Savannah at dahan-dahang umikot paharap. Nang magtama ang
kanilang mga mata ay alam na kaagad nyang nakilala siya ng lalaking may
hawak ng baril na nakatutok sa kanya. Wala nang kwenta kung magpapanggap
siyang hindi niya kilala ang binata.
Ngumiti siya kahit na ang totoo ay gusto na nyang matumba sa sahig dahil sa
takot na bumabalot sa kanya ngayon. Dahil mas nakakatakot palang tumitig sa
dulo ng baril na hawak ng nag-iisang lalaking minahal niya at minamahal pa rin
hanggang ngayon.
Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras gagawin niya 'yun sa isang
kisap-mata. Ibabalik niya ang oras kaninang umaga at pipilitin nyang makaalis
para makasama na si Ysabelle. Pagkatapos magpapa-kalayo-layo silang
dalawa. Malayo sa lahat ng problema.
No, scratch that! Ibabalik niya ang oras kung kailan nagsimula ang lahat, labing
limang taon nang nakararaan.
Dahil mas kaya nyang talikuran ang obligasyon niya sa plano na limang taon

Page 4 / 304
StoryDownloader

nilang binuo, kaysa makipag-usap kay Marco habang may baril sa pagitan
nilang dalawa.
Huminga siya ng malalim at,
"Fancy meeting you here, Officer Joseph Marco Felizardo III."

* * * * * *
Joseph Marco
Marami na nang pinagdaanan si Joseph bilang isang alagad ng batas at sa mga
lahat ng pinagdaanan niya, iisa pa lang ang nagawang balutin ng takot ang buo
niyang pagkatao.
Hindi ang pananakot ng kanyang Mommy Sylvia sa tuwing pinipilit siya nitong
pumunta sa mga blind dates na inaayos nito para sa kanya. Hindi rin ang
pakiki-pagbarilan niya ng harap-harapan sa mga kriminal. At lalong hindi ang
bala na tumama sa kanang balikat niya noong unang sabak bilang isang pulis.
Isang pangyayari lang ang nagawa siyang balutin ng takot.
Yun ay nung araw na nakita niya kung paano impit na umiyak si Samantha
habang nakatutok dito ang baril ng kriminal na pumatay sa pamilya nito at nang
masiksahan niya ng tuluyang mawala sa kanya ang kasintahan.
Iyon ang tanging bagay na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip ni
Joseph, na hanggang ngayon ay napa-panaginipan niya pa.
Akala niya'y iyon na ang pinaka-nakakatakot na maaari nyang maranasan.
Pero nagkamali sya. Dahil may mas malala pa palang pwedeng mangyari.
At iyon ay ang maitutok niya ang hawak na baril sa babaeng kaharap.
Bagama't mata lamang ang kita niya sa suot nitong puting damit na hapit sa
maganda nitong katawan na para bang pangalawa nitong balat, ay hindi siya
maaaring magkamali.
Si Samantha ang nasa harap niya. Ang nag-iisang babaeng minahal at

Page 5 / 304
StoryDownloader

minamahal pa rin niya.


Lumunok siya at bago pa niya tuluyang mabitawan ang hawak na baril ay
hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.
"Don't move. Or I'll be force to shoot." Seryosong sabi niya kahit na hindi iyon
ang totoo.
"Really?" Humakbang ito ng isa papalapit sa kanya at, "Then do it." Hamon
nito.
Lumunok siya. Dammit!
Mas gugustuhin niya pang matanggal sa posisyon kaysa barilin ang babae sa
kanyang harap. Dahil ilang beses man niyang ulit-ulitin sa isip na hindi ito si
Samantha, ay naniniwala pa rin ang puso niya na ito ang babaeng mahal niya;
na ito si Samantha. Sa kung anong dahilan o basehan, hindi niya alam.
"I said don't move." Aniya at muling hinigpitan ang pagkakahawak sa baril at
itinutok iyon sa mismong direksyon kung nasaan ang puso nito.
Binalewala lang nito ang babala niya at muling humakbang.
"Samantha, please..."
Nakita niya kung paano namilog ang mga mata nito, kung paano ito nagtatakbo
papunta sa direksyon niya at sa isang kisap mata ay sinunggaban siya na
sinundan nang malakas na alingawngaw ng putok ng baril.

Page 6 / 304
StoryDownloader

Chapter One
Fifteen years ago, Philippines, 2000
"Marc-ko!"
Mula sa binubuong rubik's cube ay nag-angat si Joseph nang tingin at
nakangiting kinawayan ang kasintahan. Malaki ang ngiti nito habang
tumatakbo palapit sa kanya.
Tumayo sya para salubungin ang dalaga ngunit bago pa man sya
makapag-salita ay halos matumba sya nang tumalon sa kanyang bisig ang
kasintahan at pinupog ng halik ang kanyang pisngi.
"Namiss kita, Marc-ko." Anito at nagpadaus-dos pababa hanggang sa lumapat
ang paa nito sa sementadong kalye. Inayos nito ang suot na uniporme, tumayo
ng ayos, inilagay ang daliri sa sulok ng kilay at nakangiting sumaludo sa kanya.
"Sir, I love you sir!" Seryosong sabi nito.
Natatawang kinuha nya ang school bag ng nobya at inakbayan. "Hindi pa po ko
pulis, Ma'am. First year pa lang po ako, tigilan mo nga yan." Aniya at inilapit
ang labi sa tenga nito. "I love you too, Samantha."
Siniko sya nito sa tagiliran at pinisil ang kanyang pisngi. "Isang linggo tayong
hindi nagkita." Nakangusong anito. "Hay... ang hirap talaga kapag nasa college
na ang boyfriend tapos ako fourth year highschool pa lang." Maarteng
pinunasan nito ang noo at kunwa'y may ipinagpag na pawis. "Gusto ko sanang
kumain ngayon ng sushi, at jjamppong. Sino kaya ang manlilibre sakin?"
Itinuktok nito sa kalsada ang suot na sapatos at tumingin sa paligid.
Natatawang kinuha nya ang kamay nito at pinisil. "Gusto ko sanang
makipag-date sayo ng tayong dalawa lang pero... may iba akong plano
ngayon." Aniya.
Nawala ang ngiti ni Samantha at inagaw nito ang bag na bitbit nya. "Isang
linggo tayong hindi nagkita tapos..."
Inilapat nya ang isang daliri sa labi nito para pigilan ito sa pagsasalita. "Wala
akong ibang lakad. Ang gusto ko sana... sabihin na natin kayna Tito Lucas ang
tungkol sa relasyon natin." Seryosong aniya.

Page 7 / 304
StoryDownloader

Nanlaki ang mata ni Samantha at hinawakan ang kanyang braso. "Sigurado ka?
Alam mo naman na may riffle gun si Papa." Itinaas nito ang daliri at inisa-isa
ang baril ng ama."May shotgun, kalibre kwarenta'y singko, handgun at kagabi
inilabas din ni Papa at i-dinisplay sa salas namin ang samurai nya. Talaga
bang..."
Huminga sya ng malalim, inakbayan ang kasintahan at iginiya itong maglakad
patungo sa malapit na parke.
"Alam ko. Magkababata tayo at magkaibigan ang magulang natin. Alam kong
sundalo ang papa mo at marami syang... um... armas na tinatago sa bahay nyo.
Naa-alala ko pa din nang sabihin nyang hahabulin nya ng samurai ang
manliligaw sayo. Pero naisip ko lang na... kapag nalaman nya na isang taon na
nating itinatago sa kanya ang relasyon natin, baka..." Lumunok sya nang mabuo
sa isip nya ang kanyang imahe habang duguan sa salas ng bahay ng kasintahan.
Iniling nya ang ulo at hinawakan sa magkabilang balikat si Samantha upang
iharap sa kanya. "Mahal kita at ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.
Alam kong bata pa tayong dalawa at nasa highschool ka pa lang... pero,
sigurado na ako na ikaw ang gusto kong mapangasawa."
Pabirong hinampas ni Samantha ang kanyang dibdib at ngumiti, "Awtsu...
biruin mong may pagka-romantic ka pala, Officer Joseph Marco Felizardo the
third." Anito.
"Seryoso ako, Sam." Aniya.
Tumango ito at kagat ang labing tumingin sa baba. "I know. At alam mo naman
na ikaw na din ang lalaking gusto kong makasama habang buhay, diba?"
Inilapat nya ang noo sa noo ni Samantha at ikiniskis ang ilong sa ilong nito.
"Alam ko." Nakangiting aniya at iginiya ang kasintahan na maupo sa isa sa
mga silyang bato na nakalagay sa ilalim ng isang malaking puno ng parke.
Nagsalubong ang kanyang kilay nang makita nya ang putol na sintas nang suot
nitong rubber shoes. "Anong nangyari sa sapatos mo?" Tanong nya. Lumuhod
sya sa harap nito at masusing tiningnan ang sapatos ng kasintahan.
Nagtatanong ang mga mata na tiningnan nya ang dalaga. "Bakit parang sinadya
ang pagkakagupit sa sintas ng sapatos mo?"
Kinagat nito ang loob ng pisngi, inipit ang buhok sa likod ng tenga at nag-iwas
ng tingin sa kanya. "Uhmm... kasi..."

Page 8 / 304
StoryDownloader

"Kasi... what?"
Bumuntong-hininga ito at tumingin sa kanya. "Wala lang yan. Marami lang
na-iingit sakin kasi boyfriend ko ang dating heartrob ng school..." nakangising
sagot nito.
Umawang ang kanyang labi at pinag-aralan ang mukha ni Samantha. "Dahil
lang boyfriend mo ko?"
Ngumiwi ito. "Yeah. Ikaw naman kasi... bakit marami kang iniwang fans club
sa school ko."
Iniling nya ang ulo at binuksan ang zipper ng dalang bag pack. Kinuha nya ang
kanyang rubber shoes at tinanggal ang sintas nito. Walang imik na pinalitan
nya ang sintas ng sapatos ni Samantha gamit ang kanyang sintas.
"Marc-ko, kulay pula ang sintas ng sapatos mo." Nakangusong reklamo nito.
"Ano naman. Puti naman ang rubber shoes mo." Aniya.
Tahimik na pinanood lang sya ni Samantha. Maya-maya ay binulatlat nito ang
kanyang bag pack at bumunghalit ng tawa.
Nag-angat sya ng tingin mula sa ginagawa at umungol sya ng makitang hawak
na ni Samantha ang kanyang rubik's cube.
"Oooh. Mukhang may nag-aaral bumuo ng rubik's cube." Pilyang anito at
pinaikot-ikot ang hawak.
Natatawang muli nyang ibinalik ang atensyon sa pagsisintas ng sapatos ni
Samantha.
"Here." Inilapag ni Samantha sa kanyang hita ang rubik's cube, buo na ito at
sama-sama na ang mga kulay.
"Hindi ko alam kung paano mo ginagawa to." Manghang aniya habang
masusing pinag-aaralan ang bawat kulay nito.
Bago pa man sya makatayo mula sa pagkaka-luhod sa harap ni Samantha, ay
nagulat sya ng may ipinulupot ito na kung ano sa kanyang leeg.

Page 9 / 304
StoryDownloader

"Ano 'to?" Aniya.


"Necktie." Ngumiti si Samantha at inayos sa kanyang leeg ang itim na kurbata.
Hinawakan nito ang dulo at itinuro ang burda sa likod ng tela. "S. J. Samantha
at Joseph." Pilya ang ngiting hinila sya nito gamit ang kurbata at dinampian ng
halik ang pisngi. "Happy first anniversary, yats payat." Anito.
"Happy anniversary." Kinapa nya ang bulsa at mula doon ay kinuha nya ang
maliit na kahon. "Hindi 'to mamahalin pero gusto ko sanang isuot mo to."
Nahihiyang binuksan nya ang kahon at tumambad ang isang simpleng singsing.
"Joseph." Bulong ni Samantha, namamasa-masa ang mata nito sa luha ng
tumingin sa kanya.
Natatawang kinuha nya sa kahon ang singsing. "Happy Valentines, Samantha."
Aniya. "Gusto mo bang isuot?"
Pinunasan ni Samantha ang luha gamit ang likod ng palad at iniabot sa kanya
ang kamay.
"Syempre isusuot ko yan. Kahit pa nga bigyan mo lang ako ng kutsarang
iniliko o kapirasong tali." Biro nito.
Tumawa sya at isinuot ang singsing sa daliri nito. Kinapa nya ang letra na
nakaburda sa dulo ng kurbata at tumingin sa kasintahan.
"Thank you, tabs." Nakangiting aniya.
"Taaabs? Hanggang ngayon ba tabs pa din ako." Tumayo ito at hinawakan ang
bewang. "Sexy na kaya ako." Nakangising anito.
Tumayo sya at hinawakan sa kamay ang kasintahan.
"I know." Nakangiting sabi nya. "Tara na. Gusto ko nang sabihin sa papa mo
ang tungkol satin para pwede na kitang halikan ngayon." Seryosong dugtong
nya
Magkahawak ang kamay na nilakad nila ang lugar kung saan naka-parada ang
sasakyan nya.
Mahigit isang oras bago nila narating ang malaking bahay ni Samantha.

Page 10 / 304
StoryDownloader

Huminga sya ng malalim at ipinarada ang sasakyan.


"Ano? Suko ka na ba? Pwede namang wag..."
"Shh..." Inilapat nya ang daliri sa labi ng dalaga at nginitian ito. "Gusto kong
gawin 'to. Mauna ka na sa loob, susunod din ako." Aniya.
Natatawang tinanggal ni Samantha ang seatbelt at bumaba ng kotse. "Sumunod
ka kaagad. Siguradong matutuwa si Mama na makita ka." Inilagay nito ang
palad sa tapat ng labi, hinalikan at pinalipad sa hangin ang halik. "I love you,
Officer!"
Natatawang kunwa'y sinalo nya ang halik na ibinigay nito at inilagay sa tapat
ng dibdib. "I love you, too."
Pinanood nya ang kasintahan nang pumasok ito sa loob ng bahay. Nang hindi
na nya ito matanaw ay humugot sya ng malalim na hininga, hinugot ang susi at
lumabas ng sasakyan.
Kinakabahang humakbang sya palapit sa bahay pero bago pa man sya
makapasok sa malaking gate ng mansion ay nagulat na lang sya ng marinig nya
ang malakas na tili ni Samantha kasunod ng putok ng baril.
Mabilis na tumakbo sya papasok sa bahay at halos matumba sya sa
kinatatayuan sa nakita.
Nakahandusay sa sahig ang mga magulang ni Samantha at naliligo sa sariling
dugo. May tama ng baril sa dibdib ang mama ni Samantha gayundin ang papa
nito. Sa isang sulok ay patuloy na umiiyak ang limang buwang sanggol na
kapatid ni Samantha.
"Samantha." Bulong nya ng hindi nya matanaw sa paligid ang kasintahan.
Nanginginig ang tuhod na humakbang sya patungo sa kusina. Doon nya nakita
ang kasintahan, umiiyak at nakaluhod sa harap ng isang malaking lalaki na
naka-suot ng itim na taklob sa mukha. Nakatutok ang hawak nitong baril sa noo
ni Samantha.
Kapwa hindi napansin ng mga ito ang kanyang presensya, kaya't dahan-dahang
kinuha nya ang kutsilyo na nakapatong sa lamesa at mabilis na sinunggaban
ang lalaki. Sinaksak nya ang braso nito na naging dahilan para mabitawan nito

Page 11 / 304
StoryDownloader

ang baril.
Dali-daling sinipa nya palayo ang baril at nakipagbuno sa lalaki. Dinaganan
nya ito at walang habas na pinagsusuntok sa mukha.
Nakabawi ang lalaki at itulak sya nito. Gumulong sila at maya-maya pa ay ito
na ang naka-ibabaw sa kanya. Akmang susuntok ito ngunit tumigil sa ere ang
naka-kuyom nitong kamao.
"Joseph." Narinig nyang bulong ng lalaki. Mabilis na tumayo ito at humakbang
paatras. Sinamantala nya ang pagkatulala ng lalaki at agad na sinunggaban ang
kamay nito, pero bago pa man nya mahawakan ito ay naiiwas na nito ang
kamay at tanging ang suot nitong gwantes ang nakuha nya.
Nagsalubong ang kilay nya ng makita ang tattoo nito, isang maliit na tarantula.
Lumunok sya at inangat ang tingin sa mata ng kriminal. Bago pa man nya
mapag-aralan ang itsura ng lalaki, ay mabilis na nagtatakbo ito palabas.
Kilala sya ng lalaking pumatay sa magulang ni Samantha at alam nyang
pamilyar din ang tattoo nito sa kanya.
Ilang minuto syang nakatulala sa kinauupuan nang marinig nya ang hikbi ni
Samantha. Mabilis na dinaluhan nya ang kasintahan at niyakap.
Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa makarinig sila ng mahinang
ungol.
Nanlaki ang mata ni Samantha at mabilis na tumayo at tumakbo papunta sa
salas kung nasaan ang Papa nito.
Agad naman nyang dinampot ang limang buwang kapatid ni Samantha at
kinarga ito.
"Pa... Oh my God! Joseph... tumawag ka ng ambulansya... bilisan mo."
Umiiyak na sigaw nito.
Natatarantang kinapa nya ang pantalon gamit ang isang kamay at napa-ungol
nang maalalang iniwwan nya sa kotse ang aparato.
"Shit.." sigaw nya, tinakbo nya ang telepono na nakapatong sa isang sulok na
lamesa at muling napamura ng makitang putol ang linya.

Page 12 / 304
StoryDownloader

"Joseph... please... bilisan mo."


Mabilis na tumakbo sya palabas ng bahay dala-dala ang kapatid ni Samantha at
nanginginig ang kamay na tinungi nya ang kotse.
Nang mabuksan nya ang pinto ng sasakyan ay dahan-dahan nyang inilapag sa
backseat ang kapatid ni Samantha at kinuha ang cellphone.
Pero bago pa man sya makatawag ng tulong ay nagulat sya ng makarinig ng
malakas na pagsabog. Nilingon nya ang bahay ni Samantha at nanghihinang
lumuhod sya nang makitang nilalamon na ng apoy ang bahay nito.
"Samanthaaaaa....."
######
Hi! Alam kong marami pa kong on-going story at ang kapal ng mukha ko na
mag-sulat na na naman ng bago pero...tada!
Heto ang bago kong kwento at sana po ay magustuhan nyo.
Love, fattie

Page 13 / 304
StoryDownloader

Chapter Two
Joseph Marco Felizardo III
SEC Hotel Manila, Philippines.
Present time
Muling sinulyapan ni Joseph ang suot na relos at ngumiwi nang makitang
pasado alas-tres na ng hapon. Dinampot nya ang tasa nang ngayon ay malamig
na nyang kape.
"So, you're a cop?"
Nagtaas sya ng tingin at pilit na nginitian ang kaharap. Ano nga bang pangalan
nito? Lizzy? Lina? Lyka?
"Yeah... you could say that." Sagot niya kahit na ang totoo nyan ay hindi sya
pulis. Isa sya sa mga miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret
Alliance, ang lihim na sangay ng gobyerno ng Pilipinas mula sa Amerika na
tanging mga piling tao lang ang nakakaalam.
"Para sakin hot ang mga taong naka-uniporme." Kinindatan sya ng dalaga at
malagkit ang tingin na pinasadahan nito ang kanyang labi hanggang sa bumaba
ang tingin nito sa kanyang dibdib.
Parang gusto nyang tanggalin ang isa sa mga butones ng suot nyang suit at
luwagan ang kanyang necktie. Hindi dahil nag-iinit sya sa tingin ng kaharap
kundi dahil malapit na syang maalibadbaran sa presensya nito. Kanina pa nya
gustong itanong dito kung paano nito natatagalan ang napaka-raming kolerete
na nakapahid sa mukha nito, ngunit pinigilan nya ang sarili.
Alam nyang kapag ginawa nya ang bagay na 'yun ay hindi sya makakaligtas sa
sermon ng ina. Nakikini-kinita na nya ang magiging reaksyon nito..
"Isa kang Felizardo. At ang mga lalaki sa pamilya natin ay marunong gumalang
sa mga babae. Tingnan mo ang papa mo."
Right! Sa sobrang galang ng Papa nya sa mga babae na nakakasalamuha nito,
lahat sila isinasama nito sa hotel at nag-ja-jack-en-poy magdamag.
Muling sinulyapan ni Joseph ang relo at pinilit na pigilin ang ungol na gusto

Page 14 / 304
StoryDownloader

nang kumawala sa kanyang bibig.


Bloody hell. Limang minuto pa lang ang nakakalipas mula ng dumating sya
dito
para
makipagkita
sa,
hindi-na-nya-mabilang-kung-pang-ilan-sa-inireto-sa-kanya-ng-Ina,
pero
pakiramdam
nya
ay
tatlong
oras
na
Ayon kay Madam Sylvia Felizardo, kailangan nyang tumagal ng kahit
tatlongpung minuto sa mga blind dates nya bago sya makaalis. At meron pa
syang dalawangpu't limang minuto bago nya matakasan ang babaeng
pakiramdam nya ay tutunawin sya sa tingin.
Tumikhim sya at tiningnan ang dalaga. Mas mabilis sigurong lilipas ang oras
kung kakausapin nya ito.
"Ikaw, anong trabaho mo."
Nagningning ang mga mata nito, ngumiti at tinapik ang buhok papunta sa
likod. "Oh, I'm a model." Sagot nito.
"Uhh... nice." Tipid na sagot nya.
Ilan na ba ang modelong inireto sa kanya ng ina. Siyam? Isang dosena? Kelan
ba nito makukuha na hindi sya interesado sa mga modelo o sa kahit na sinong
babae na ipapain nito sa kanya.
"Yeah, and you know what...Blah. Blah. Blah. Blah."
Peke ang ngiting tumango-tango sya sa sinabi ng dalaga na kunwa'y nakikinig
sya sa mga sinasabi nito, pero ang totoo ay nasa ibang bagay ang kanyang isip.
Mas importante pa sa ginagamit na shampoo products at kulay ng manicure na
ikinukwento sa kanya ni Lizzy? Lina? Lyka? O kung ano man ang pangalan
nito.
Importanteng bagay kagaya ng kaso na hinahawakan nya ngayon. Walong
buwan nang tina-track ng kanyang team ang drug cartel ng isa sa mga notorious
drug dealer na wanted sa Amerika at dito sa Pilipinas nagtatago.
"... can you believe that? Alam ko namang maganda ako. Sino bang hindi
makakapansin nun... pero alam mo ba..." Humagikhik ang dalaga, dinampot
ang baso ng wine at iwinasiwas iyon sa ere na naging dahilan para matalsikan

Page 15 / 304

syang
StoryDownloader

ng likido ang suot nyang suit. "Oh my Goood... I'm sooo sorry!" Nanlalaki ang
matang sabi ng dalaga. Kumuha ito ng tissue at dali-daling tumayo. Lumapit ito
sa kanya at pinunasan ang kanyang damit. O mas eksakto sigurong sabihin na
hinahawakan nito ang kanyang dibdib.
Hinuli nya ang braso ng dalaga at dahan-dahan na inilayo ang kamay nito sa
kanya. "No. It's okay." Aniya.
"A-are you sure?" Nakangusong bumalik ito sa ino-okupang silya at muling
hinagod ng tingin ang kanyang dibdib. "Pwede kong ipa-laundry ang damit mo
habang naghihintay tayo sa isang hotel room... just so you know, I can give you
the best massage you---"
Umiling sya at itinaas ang kamay upang pigilan ito sa pagsasalita. "No, it's
fine." Not interested.
Tumayo sya, hinubad ang suit jacket na natapunan nito ng wine at isinampay
ito sa likod ng kanyang silya. Kasalukuyan nyang itinutupi ang dulo ng
manggas nang suot nyang white-long sleeve nang magsalita si Lyka? Lizzy?
Ah basta L ang simula ng pangalan nito.
"Oh. What's that." Sabi ng dalaga habang nakaturo ito sa kaanyang dibdib.
Sinundan nya nang tingin ang tinutukoy nito at napangiti sya ng makita kung
ano ang nakakuha sa interes nito.
"S.J? Is that a new brand of some famous clothing line or something...?"
Umiling sya at naupo. Hinawakan nya ang dulo ng suot nyang kurbata at
kinapa ang dalawang letra na nakaburda sa dulo nito. "No." Sagot nya.
"Oh. So what's that?"
"Galing sa girlfriend ko." Nakangiting sagot nya.
Nanlaki ang mata ng dalaga at mabilis na tumayo ito.
"Girlfriend? May girlfriend ka?" Galit na sigaw nito na naging dahilan para
magtinginan sa kanila ang lahat ng tao sa loob ng restaurant.
"Yes. Look, Lizzy... I'm sorry about this but--"

Page 16 / 304
StoryDownloader

"Who's Lizzy?" Singhal nito sa kanya. Dinampot nito ang baso ng wine at
mabilis na inihagis ang laman sa direksyon nya.
Awtomatikong umiwas ang kanyang katawan na naging rason para ang
dumadaang waiter sa likod nya ang matamaan ng wine nito.
"Argh... my name's not Lizzy. It's Malicia, asshole." Galit na sabi nito at
nagmartsa palabas ng restaurant.
See? Pangalan pa lang alam nyang may malisya na. Sinong normal na
magulang ang magpa-pangalan ng Malicia sa anak nila?
Natatawang dinukot nya sa likod na bulsa ng kanyang pantalon ang pitaka,
kumuha ng dalawang tig-isang libo at inilagay sa ibabaw ng lamesa.
Kinuha nya ang nakasampay na damit sa likod ng silya at naglakad palabas.
Parang nabunutan ng malaking tinik na nakahinga sya ng maluwag nang
makalabas sya. Tumawid sya sa kabilang kalye at dumiretso sa itim na kotse na
nakaparada sa tapat ng isang coffee shop. Binuksan nya ang passenger seat at
sumakay sa loob.
"Tara na." Aniya, sumandal sya at ipinikit ang mga mata.
Sumipol ang kanyang katabi at tinapik-tapik ang manibela. "Wooh, Joseph...
twenty-seven minutes and twenty-two seconds. Ang bilis mo yatang nakatakas
sa ka-date mo. Anong ginamit mong dahilan? Tinawagan ka ng boss natin? O
baka naman ang imaginary girlfriend mo na naman."
Natatawang iminulat ni Joseph ang mata at sinuntok sa braso ang kaibigan at
ka-partner nya ng limang taon bilang agent, na si Wilson.
"Oh shut up, man." Sagot nya.
"Ahh.. alam ko na. Si imaginary girlfriend nga." Natatawang biro nito at tsaka
pinaandar ang sasakyan.
Tumingin si Joseph sa labas ng kotse at kinapa ang burda ng suot na necktie.
"May girlfriend talaga ko, bok." Sagot nya.

Page 17 / 304
StoryDownloader

"Ipakilala mo muna sakin yang girlfriend mo bago ako maniwala. Limang taon
na tayong magka-trabaho pero ni hindi ko pa nakikilala yang pagsintang
pururot mo. Ang tagal na nating magkasama pero ni minsan hindi kita nakitang
tumingin sa mga babae maliban sa mga ka-blind date mo. Kung hindi lang
talaga kita kilala, iisipin kong iba ang trip mo." Nakangising sabi ni Wilson.
"Ewan ko sayo, Wilson." Natatawang aniya.
"Wag mong sabihing ang katulad ko ang gusto mo..." Inginuso nito ang labi at
kunwa'y iginalaw-galaw ang labi na parang isdang nawala sa tubig. "...ayy
Papi."
Bumung-halit sya ng tawa at iiling-iling na dinampot ang lumang rubik's cube
na ipinatong nya sa dashboard na kotse kasama ang tatlong pulang gumamela.
"Kaya hindi ka sagutin ng oo nang imaginary girlfriend-girlfri-nan mo eh.
Gumamela? Seriously Joseph?" Naiiling na sabi ni Wilson. "At bakit ba palagi
mong dala yang rubik's cube mo, bok. Ang luma na nyan, pakiramdam ko
magkakahiwa-hiwalay na yan kapag pinihit mo." Dugtong pa nito.
"Hindi mo maiintindihan kahit sabihin ko sayo, bok." Sagot nya. Tinapik nya
ang pinto ng kotse. "Dito na lang ako. Itabi mo na dyan."
Nang maihinto ni Wilson ang kotse ay agad na lumabas sya at isinara ang
pinto.
Ibinaba ni Wilson ang bintana ng kotse at sinilip sya. "Babalik ka pa ba sa
opisina?" Tanong nito.
"Oo.. saglit lang ako. May dadaanan lang ako." Aniya.
Tinapik nya ang bubong ng kotse at sumaludo sa kaibigan. Nakangiting
sumaludo rin ito sa kanya. "Goodluck sa... gumamela." Nakangising anito tsaka
pinaandar ang kotse.
Nang hindi na matanaw ni Joseph ang sasakyan ng kaibigan ay nakangiting
tiningnan nya ang hawak na gumamela. Minsan nang napasagot ng matamis na
oo ng kanyang gumamela ang babaeng minamahal. Kung sana lang ay pwede
nya ulit marinig ang sagot nito.
Bumuntong-hininga sya at mabibigat ang hakbang na naglakad.

Page 18 / 304
StoryDownloader

Halos kalahating-oras syang naglakad bago nya narating ang lugar na pakay.
Dinukot nya sa bulsa ang susi ng museo at binuksan ang kandado nito.
Humakbang sya sa loob at ipinatong sa itim na marmol ang dala-dala.
Dinampot nya sa isang sulok ang mga kandila na naiwan nya ng huli syang
pumunta dito.
Sinindihan nya ang dalawang kandila at itinirik sa magkatabing nitso na
nababalot ng itim na marmol. Matapos nyang magbigay ng galang sa mga ito
ay tsaka nya dinampot ang gumamela at rubik's cube na kanyang dala.
Huminga sya ng malalim at humakbang palapit sa ikatlong nitso. Lumuhod sya
sa harap ng puntod at sinindihan ang kulay pulang kandila.
"Tabs, Happy Valentines." Nakangiting aniya at inilapag ang tatlong pulang
gumamela sa harap nito.
Dahan-dahang inilapit nya ang kamay sa lapida at isa-isang hinaplos ang mga
naka-ukit na letra.
In the loving memory of
Samantha Fontanilla
April 01 1984 - Feb 14 2000
Ikinuyom nya ang kamao ng dumako ang kanyang daliri sa petsa ng kamatayan
nito.
Sumalampak sya ng upo sa sahig. Isinandal ang likod sa pader, ipinatong sa
tuhod ang magkabilang siko at sinapo ang ulo.
"I'm sorry, Sam. I'm sorry." Naluluhang bulong nya. Muli nyang hinawakan
ang dulo ng suot na necktie at hinaplos ang dalawang letra na nakaburda doon.
Hindi nya alam kung gaano na sya katagal nakaupo at umiiyak sa harap ng
puntod ng dating kasintahan, pero halos mapatalon sya sa gulat nang may
dumampi sa kanyang balikat.
"Joseph?"
Nag-angat sya ng tingin at halos malaglag ang kanyang panga nang makita

Page 19 / 304
StoryDownloader

kung sino ang nasa kanyang harapan.


"Samantha?" Bulong nya.
######
Ohh! Si Samantha nga kaya ang nakita niya?
Sana po nagustuhan nyo ang chapter na to and as always, thank you for
reading, commenting & voting.
Hugs, fattie

Page 20 / 304
StoryDownloader

Chapter Three
"Kuya Joseph? Anong ginagawa mo dito?"
Kumurap-kurap si Joseph at inihilamos ang kamay sa kanyang mukha.
Of course it's not Samantha. Bumuntong-hininga sya at palihim na pinunasan
ang luha.
"God, Ysabelle. Ginulat mo ko." Aniya. Tumayo sya at hinalikan sa buhok ang
kapatid. "Anong ginagawa mo dito?"
Kinagat ni Ysabelle ang labi at tumingin sa kanya. "Today is their fifteenth
death anniversary,right?" Tanong nito.
Tumango sya at inakbayan ang kapatid. "Yeah." Tipid na sagot nya.
Humikbi si Ysabelle at yumakap sa kanya. "Sana nakilala ko man lang sila. Sa
tingin mo magiging proud sila sakin?"
Hinawakan ni Joseph sa balikat ang kapatid at inilayo ito sa kanya. Pinisil nya
ang ilong nito at ngumiti. "Syempre naman magiging proud sila sa bunso nila...
running for valedictorian yata ang bunso naming si Ysay." Pagmamalaking
aniya.
Ngumiti si Ysabelle at tinapik ang buhok papunta sa likod. "Syempre naman.
Ako pa ba? Isa yata akong Fontanilla-Felizardo." Sabi nito.
Natatawang inakbayan nya ang kapatid at inilagay sa kamay nito ang natitira
pang kandila. "Bakit hindi mo muna kamustahin ang Mama at Papa mo.
Hayaan mo muna si Kuya Joseph na kausapin ang girlfriend nya, okay?"
Aniya.
Tumango si Ysabelle. Kinuha nito ang kandila mula sa kanya at tumalikod.
Walang imik na nagtungo ito sa katabing puntod ng magulang at tahimik na
nagtirik ng kandila at nagdasal.
Nakangiting pinanood nya ang kapatid at nang makuntento sya na hindi na sya
mapapansin nito ay muli nyang ibinalik ang atensyon sa puntod ng kasintahan.
"She's a great kid, Sam. Graduating na sya bilang valedictorian this March."

Page 21 / 304
StoryDownloader

Tumingin sya sa kisame para pigilan sa pag-daloy ang kanyang mga luha. "I
miss you tabs..." bulong nya. Huminga sya ng malalim upang kalmahin ang
emosyon.
Damn, professional FBI agent sya at bago sya naging team captain ng special
force division ng FBISA, ay dati syang chief lieutenant ng Philippine National
Police, pero pagdating kay Samantha nagiging iyakin sya.
Siguro nga at palaging sinasabi ng mga kasamahan nyang agent na wala syang
kinatatakutan, na wala syang kahinaan. Ang hindi nila alam may isang bagay
na kayang makapasok sa makapal na harang na ibinakod nya sa kanyang
emosyon na kaya syang patumbahin. At iyon ay ang dating kasintahan.
Lahat ng may kinalaman kay Samantha ay kaya syang paiyakin na parang isang
babae.
"... yes, Ma. Kasama ko po si kuya Joseph. Opo... sige ma... pauwi na po kami."
Nilingon ni Joseph ang kapatid, may kausap ito sa cellphone at sa tingin na
ipinupukol sa kanya ng kapatid ay alam na nyang ang Mommy Sylvia nila ang
tumatawag.
Inilagay nya ang hinlalaki sa tapat ng tenga at ang hinliliit ay sa tapat ng bibig
na kunwa'y may hawak syang cellphone. Isinenyas nya ang isang kamay at
kunwari ay hiniwa nya ang kanyang leeg at nagsalita ng walang tunog. "Ibaba
mo na.. sabihin mo kailangan kong bumalik s trabaho." Ani nya.
"Uhh..." Tumikhim si Ysabelle at sumenyas na susuntukin sya. "Ma, kasi
ano..." Huminto ito sa pagsasalita at inilayo ang cellphone sa tenga.
Naiiling na nilapitan nya ang kapatid at inagaw ang cellphone nito. "Ma.." bati
nya sa Ina.
"My God, Joseph Marco Felizardo III... anong ginawa mo sa ka-date mo
kanina..."
Napangiwi sya ng marinig ang buong pangalan. Alam nyang kapag sinabi na
ng kanyang ina ang buo nyang pangalan ay hindi na nya magugustuhan pa ang
susunod na sasabihin nito.
Huminga sya ng malalim ngunit bago pa sya makasagot ay inunahan na muli

Page 22 / 304
StoryDownloader

sya ng ina.
"Ang sabi ni Mrs. Ocampo, umuwi daw na umiiyak si Malicia."
Right! Si Malicia na puro malisya ang tingin sa kanya.
"Ma naman... parang hindi mo ko kilala." Isinuklay nya ang kamay sa buhok.
"Alam mo naman na wala pa sa isip ko ang mga bagay-bagay na yan."
Tumahimik ang kanyang
nagpapabalik-balik ito sa

ina at parang nahuhulaan na nya na


paglalakad habang kinakagat ang mga kuko.

"At kelan mo pala balak na magpakasal, huh. You're thirty-three for heaven's
sake. Kelan mo ko bibigyan ng apo..." Sabi nito.
Parang nabikig sya ng sariling laway at agad na nag-u-ubo. "What... Ma
naman."
"Kung gusto mo, Ma, ako na lang ang magbibigay sayo ng apo." Sabat ni
Ysabelle na nagka-kanda-hirap sa pagtiad upang maidikit ang tenga sa
cellphone.
"Tumigil ka nga Iz." Nanlalaki ang matang itinulak ni Joseph ang mukha ng
kapatid palayo sa cellphone at tinalikuran ito.
"A-anong sabi ng kapatid mo, Joseph. Ulitin mo nga ang sinabi ng kapatid mo."
Parang kinakapos ang hininga na bulong ng kanyang ina.
"Wala ma... wag kang makinig dito sa lukaret nating bunso." Sagot nya.
"Kayong dalawa talaga... aatakihin ako sa puso sa mga pinag-gagawa nyo."
Huminga ng malalim ang kanyang ina. "Sige na. Kailangan ko nang ibaba ang
telepono. Umuwi kayo bago mag-dinner, magluluto ako dahil uuwi ang Papa
nyo ngayon."
Ikinuyom nya ang kamao at mabilis na ibinalik ang cellphone sa kapatid.
"Umuwi ka na daw. Magluluto si Mama ng dinner." Aniya.
Nakangusong kinuha ni Ysabelle ang cellphone at idinikit ito sa tenga. "Ma...
opo, don't worry. Uuwi na po kami. Okay. Bye. We love you too... mwaps,
mwaps." Sagot ni Ysabelle at naka-kunot ang noo na pinutol ang tawag.

Page 23 / 304
StoryDownloader

"Tara, ihahatid na kita." Aniya sa kapatid bago pa man ito makapag-salita.


"Hindi ka na naman ba uuwi sa bahay?" Nakasimangot na sabi nito.
"Alam mo naman na busy ako sa trabaho..."
"Ang sabihin mo ayaw mo lang makita si Papa."
Tumango sya. "Tama ka... ayoko syang makita. Baka kapag umuwi ako
mag-away lang kami. Ayokong tumaas ang altapresyon ng Mommy natin dahil
sakin."
Nakangusong inilagay ni Ysabelle ang isang kamay sa kanyang bewang.
"Okay. Basta ipangako mo na pupunta ka sa graduation ko." Sabi nito.
"Syempre naman." Sagot nya.
"Mangako ka sa puntod ni ate Sam."
Natatawang hinawakan nya ang dulo ng kurbata at itinaas ang kamay.
"Promise."
Ngumiti si Ysabelle at parang batang tumatalon ito sa tuwa at sumigaw ng
malutong na, "Aza... promise yan ha."
Tumingin sya sa puntod ni Samantha at ngumiti. "Promise."
*-*-*-*-*-*
Kung napansin nyo po... PoV ng lalaki ang ginagawa ko at first time kong
gumawa ng story na main focus ang bidang lalaki.
So kapag medyo girly ang pagkaka-sulat, uhm.. palampasin nyo na lang muna..
Harhar.
So yan lang...
Thank you for reading!
Hugs&Kisses;

Page 24 / 304
StoryDownloader

fatimaLouisse

Page 25 / 304
StoryDownloader

Chapter Four
Savannah Elizabeth Collins
SEC Hotel New York, USA
Sinindihan ni Savannah ang hawak na insenso at inilagay sa isang mamahaling
vase. Dinampot nya ang picture frame na nakapatong sa lamesa at hinaplos ang
mga mukha ng magulang at kapatid na labing limang taon na nyang hindi
nakikita.
Pumikit sya at huminga ng malalim. Fifteen-bloody-years at hanggang ngayon
ay hindi pa nya nakukuha ang hustisya para sa pamilya.
Beep
Binitawan nya ang hawak na litrato at naglakad palapit sa floor-to-ceiling na
dingding nang kanyang pent house. Mula sa ika-apatnapung palapag ay tanaw
nya ang maliwanag na gabi sa New York dulot ng ilaw sa mga malalaking
establisyemento ng syudad.
Beep
Binuhay nya ang bluetooth earpiece device na nakakabit sa kanyang tenga na
kunektado sa kanyang cellphone at napangiwi nang salubungin sya nang
malakas na ugong mula roon.
"Damn it, Elisa..." bulong nya.
"Oops sorry. My bad. Bad service reception." Sagot ng kanyang kaibigan at
partner-in-crime na si Elisa. "Ready ka na ba, Savannah?" Tanong nito.
Tiningnan nya ang repleksyon sa dingding at tumango. "Yeah. I guess." Aniya.
Naka-suot sya ng red halter, floor-length dress na tinernuhan nya ng bagong
biling kulay pulang takong. Dumako ang tingin nya sa kanyang mukha na puno
ng kolorete ngunit elegante pa ring tingnan.
"Good." Tipid na sagot ni Elisa. "Nasa limo ang green pouch. Alam mo na ang
gagawin." Dugtong nito.
Nagsalubong ang kanyang kilay. "Green? I'm wearing a bloody red dress,

Page 26 / 304
StoryDownloader

Elisa." Hindi makapaniwalang aniya.


"Oops... again, my bad." Sagot nito. Wala syang nagawa kundi ang tawanan
ito. Hindi na bago sa kanya ang ganitong aberya kapag ipinabahala nya kay
Elisa ang lahat.
"Whatever..." nakangiting sagot nya.
"Isipin mo na lang, isa kang malaking pulang rosas at dahon mo ang dala mong
pouch." Sabi nito.
"Oh geez, thank you so much for boosting my confidence." Sarkastikang sagot
nya.
Narinig nyang tumawa ang kaibigan pero agad din itong tumigil. Tumikhim ito
at muli nyang narinig ang seryoso nitong boses.
"Nah. Don't mention it."
Nakangising hinawakan nya ang earpiece. Isa lang naman ang rason kung bakit
nagiging seryoso kausap ang kikay at makulit nyang kaibigan at mukhang alam
na nya kung bakit.
"Don't tell me malapit sayo si Mr. Nice Guy kaya ka nagkaka-ganyan."
Obserba nya.
Narinig nya ang kaluskos ng plastic, kasunod ang dahan-dahang pag-nguya ng
kaibigan.
"Pfft! What are you talking about? FYI..." Ipinagdiininan pa nito ang sinabi at
parang alam na ni Savannah na lalagyan pa ni Elisa ng air quote ang sunod na
sasabihin gamit ang daliri. "Wala akong kilalang Mr. Nice Guy."
Tumawa sya at tumango. "Whatever you say, best friend!" Aniya.
"Argh. I'm telling the truth. Wala akong kilalang lalaki na maganda ang
katawan, sexy, macho at gwapo na may isang dimples sa kaliwang pisngi at...
holy cow... tumingin sya sakin.. oh my God!" Bulong ni Elisa.
Muli syang tumawa at iniling ang ulo. "I knew it."

Page 27 / 304
StoryDownloader

"Tigilan mo nga ako, Sav." Natatawang sagot ng kaibigan. "You need to go.
Hinihintay ka na ng limo. Wag mong kalimutang dalhin yung dahon mo,
nandun ang mga gagamitin mo kasama ang invitation para makapasok ka sa
charity auction. Nandun din sa loob ang mga ID's na gagamitin mo, in case
magka-aberya. Pero tandaan mo, ikaw si Amelia Robinsons ngayong araw.
Asawa ng may-ari ng Robinsons Oil. Tatawag ulit ako sayo kapag nakapasok
ka na sa loob. But until then, wait for further notice, okay?" Seryosong sabi
nito.
Tumango sya pero nang maalala na hindi sya nakikita ng kaibigan ay mabilis
na sumagot sya. "Copy that." Aniya.
"Good and Savannah..."
"Yeah."
"Goodluck!"
Ngumiti sya. "Thanks. I gotta go, call yah later." Pagkasabi ay pinatay na nya
ang tawag.
Huminga sya ng malalim at pinlantsa ang damit na suot gamit ang kanyang
kamay.
"Piece of cake, Savannah." Bulong nya at naglakad palabas ng kanyang
penthouse.

*-*-*-*-*-*

"Miss Amelia Robinsons?" Tanong ng security guard na nakatayo sa entrance


ng charity event at naka-suot nang itim na suit. Kasakukuyan nitong tinitingnan
ang iniabot nyang inbitasyon.
"No... it's Ah-me-li-ya." Marteng bigkas ni Savannah na dinagdagan nya pa ng
kaunting English accent o kung tawagin nila nang dating nobyo ay Harry Potter
accent.
Ngumiti lang sa kanya ang security guard at iginiya sya sa loob ng
pagdadausan ng charity event.

Page 28 / 304
StoryDownloader

Nang makapasok sya ay masusing agad na pinag-aralan nya ang bawat sulok
ng silid. Sampung CCTV camera. Lahat ay may heat sensor at ibig sabihin,
kahit na mamatay ang ilaw ay kaya nitong maka-detect ng galaw ng tao.
Naglakad sya palapit sa salaming bintana na kagaya ng sa pent house nya at
sinilip ang taas na kinalalagyan nila. Fourth floor, approximately twenty feet or
more. Iginala nya ang tingin sa exit at entrance ng function room. Bawat pinto
ay may dalawang security personnel. Sinipat nya kung armado ang mga ito at
napangiwi sya ng makitang may dalang mga calibre forty five ang mga ito.
Kinagat nya ang labi at dumampot ng baso ng mojito sa tray nang dumaang
waiter. Tahimik na sinimsim nya ang laman ng baso habang pinag-aaralan ang
maaari nyang gamiting daan paalis.
Beep
Pasimpleng pinindot nya ang earpiece at halos maibagsak nya ang basong
hawak ng muli syang salubungin ng matinis na ugong.
"Bloody hell..." Bulong nya.
"Oops! Again, my bad." Sabi ni Elisa.
"Naghihirap na ba tayo at palpak na ang mga device natin o sadya lang
talagang pangit ang service reception." Tanong nya.
"Uhmm.. I'll choose the later option." Sagot nito.
"Nevermind." Pinaikot nya ang mata at muling sinimsim ang kanyang inumin.
"So... what do you think? Can you do it?" Tanong nito.
"Mas maganda siguro kung pinag-aralan ko muna ang floor plan ng building
na'to bago tayo sumugod dito." Bulong nya.
"Why? Masyado bang komplikado?" Tanong nito.
Ngumiti sya. "Hindi naman. Pero tingin ko pagpapawisan ako ng kaunti."
Naglakad sya papunta sa isang sulok, malayo sa iba para makapag-usap sila ng
hindi nya kina-kailangang bumulong.

Page 29 / 304
StoryDownloader

"Alam ko namang kaya mo yan." Sabi nito.


"Right." Binuklat nya ang green na pouch na hawak nya at kinuha mula roon
ang isang brochure. "Victoria, right?"
"Page four, auction number double zero seven three."
Binuklat nya ang brochure sa pahinang binanggit nito at nagningning ang
kanyang mata nang makita ang heart shape ruby stone na pakay nila. Ito ang
Victoria.
"Kailangan kong mag-bid sa Victoria." Aniya.
"Yeah. Kailangan mong palakihin ang bid offer sa kanya." Sagot ni Elisa.
Kinagat nya ang loob ng pisngi at nag-isip. "Paano kung walang mag top sa bid
ko. Hey there's no way that I'll spend a million dollar for this freaking stone."
Aniya.
Tumawa si Elisa. "Silly. Believe me, Sav. May mas desperado na makuha yan
kaysa satin." Dugtong nito.
Tumango sya. "Kanino ba tayo nagtatrabaho ngayon, Elisa?" Tanong nya.
Tumikhim si Elisa bagonito sumagot. "Mr. Donald Smith Jr." Bulong nito.
Kumunot ang noo nya at iginala ang tingin sa paligid hanggang makita nya ang
isang malaking banner sa gilid.
Twentieth Annual Charity Auction Event of Donald Smith's Co.
Natatawang umiling sya. "Bastard!" Bulong nya.
"My sentiments exactly." Sagot ni Elisa.
"Kung sya din naman pala ang nagpagawa ng trabahong 'to satin, sana sinabi
mo na din na luwagan nya nag security."
"Nah. Malabo. Hindi nya gagawin yan. Alam mo naman na pwede syang
masisi kapag nanakaw ang Victoria sa magiging highest bidder. Kaya kapag
nahuli ka... yari tayo, malabong tulungan tayo ng lalaking yan." Sabi ni Elisa.

Page 30 / 304
StoryDownloader

"Right! Sino bang matinong tao ang ipina-auction sa pinakamataas na halaga


ang isang bagay tapos nanakawin din pabalik. It's a win-win situation. Nakuha
na nya ang pera kukuhanin pa ulit pabalik ang bato. Smart bastard." Aniya.
'Ladies and gentlemen, we are about to start our main event for tonight. The
charity auction for the orphaned kids of the Smith's Orphanage.'
Nakangiting hinawakan nya ang suot na earpiece at bumulong. "Showtime!"

*-*-*-*-*-*
Thank you for reading!

Page 31 / 304
StoryDownloader

Chapter Five
Umuusok ang ilong na binuksan ni Joseph ang pinto ng opisina ng limampung
taong gulang na chief commander nila na si Marcus. Mabibilis ang hakbang na
lumapit sya sa lamesa nito at padabog na inilapag ang puting folder na dala
nya.
"Jesus!" Sinapo ng matandang lalaki ang kanyang puso at tiningnan si Joseph.
"Hindi ka ba marunong kumatok, Agent Felizardo? Muntik nang tumalon
paalis ang puso ko."
Hindi nya pinansin ang sinabi nito, sa halip ay galit na dinuro nya ang folder na
ipinatong nya sa mesa. "A-anong ibig sabihin nito?"
Nagsalubong ang kilay ni Marcus at kinuha ang folder na tinutukoy nito. "Oh. I
see." Kaswal na sabi nito.
"Tinatanggal nyo ko sa Black Bag Case? Pwede mo bang ipaliwanag sakin ang
nakalagay d'yan?" Galit na aniya.
Walong buwan na nyang hinahawakan ang kaso ng drug cartel na pinangalanan
nilang 'Black Bag' case, dahil sa mga itim na plastic nila nakukuha ang droga sa
tuwing nagkakaroon sila ng buy bust operation. At kung kailan malapit na
nilang mahuli ang drug lord nang grupo ay tsaka sya aalisin ng mga ito sa kaso.
"Bakit hindi ka muna maupo, Joseph?" Isinenyas nito ang itim na sofa sa tapat
ng lamesa at tumayo.
Ikinuyom nya ang kamao at tiim ang bagang na sinunod ang utos ng matanda.
Kung hindi lang ito kapatid ng kanyang ina at kung hindi lang ito ang
nagpalaki sa kanya, hindi sya mangingimi na sapakin ito kahit pa mataas ang
katungkulan nito sa FBISA.
"Kape?" Alok ni Marcus habang nagsasalin ito ng sariling kape.
"No!" Pinagkis-kis nya ang ngipin at pumikit.
Nagkibit-balikat ang matanda at naupo sa katapat na silya, hawak ang tasa ng
mainit nitong kape.
"Hindi ka namin tinatanggal sa kaso. We're just merely transferring you to

Page 32 / 304
StoryDownloader

another case, son." Sabi nito.


Muli syang humugot ng malalim na hininga at tiningnan sa mata ang kanyang
tiyuhin. "Bakit? Kung kailan malapit ko nang mahuli ang..."Tumigil sya sa
pagsasalita nang itaas ni Marcus ang isang daliri para senyasan sya na
tumahimik muna at makinig.
"Alam kong malapit nang mahuli ang drug lord nang hawak mong kaso, kaya
nga hindi ka na kailangan doon. Hayaan mo nang ang team ni Agent Blake ang
magpatuloy ng kaso."
"What? Pagkatapos naming paghirapan ng team ko ang tungkol sa black bag,
ililipat nyo lang sa kanila. No way I'm agreeing to this." Tiim ang bagang na
aniya.
"Look, Joseph. You're team is still the one taking all the credits to that case.
Alam kong importante ang kaso na'to, lalo pa't panay ang hingi ng update sa
kaso ng mga nakakataas. Pero may mas importante pang kaso na gusto nilang
unahin natin. At gusto nilang ang team mo ang humawak nito." Paliwanag ng
kanyang tiyuhin.
"What case?" Tanong niya matapos nyang pag-isipan ang mga sinabi nito.
Tumayo ang kanyang tiyuhin at umiikot sa malaking lamesang inuokupa.
Binuksan nito ang drawer at mula roon ay kinuha ang isang makapal na blue
folder. Bumalik ito sa harap nya at iniabot ang hawak.
Binuklat nya ang ibinigay nito at awtomatikong nagsalubong ang kanyang
kilay. Pinasadahan nya ng tingin ang unang pahina at ikinuyo ang kamao.
"Lupin's Case? Ililipat nyo ko sa kaso nang pagnanakaw ng mga dyamante?
From a drug's case to this?" Hindi makapaniwalang sabi nya.
Iniling ni Marcus ang ulo at naupo. "Hindi ordinaryong magnanakaw ang
pinag-uusapan natin dito, Agent Joseph." Sabi nito.
"Wala akong paki-alam kung ano ang ginagawa ng grupong 'to. Pero hindi ako
mauupo na lang at hihintayin na alisin nyo ko sa drug case na hawak ko para
lang ilipat sa pipitsuging magnanakaw na'to. " Tumayo sya at inilapag sa
lamesa ang asul na folder bago sya humakbang paalis.

Page 33 / 304
StoryDownloader

Hawak na nya ang seradura ng pinto nang muling magsalita ang kanyang
tiyuhin.
"This is not a request, agent Felizardo. It's a command. At hindi tayo
magka-usap dito bilang mag-pamangkin at mag-tiyuhin, kundi bilang superior
mo." Seryosong sabi nito.
Hinigpitan nya ang hawak sa seradura ng pinto at nilingon ang kanyang tito.
"Gather your team at the boardroom and meet me there at fourteen hundred
hour. Am I making myself clear, agent Felizardo?" Dugtong nito.
Tumango sya at tahimik na lumabas ng silid.
* * * * * *
"Bloody hell..." Sabay-sabay na sigaw ng buong team ni Joseph nang sabihin
nya sa mga ito ang paglipat nila nang hahawakang kaso.
Isa-isa nyang pinagmasdan ang mga barakong miyembro ng Special Force
double seven team, na kasama nya sa loob ng limang taon mula ng mabuo ang
Federal Bureau of Investigation Secret Alliance. Binubuo ng anim na
miyembro ang grupo nya at kadalasang sa allias lang nila tinatawag ang isa't
isa.
Si Dok, ang unang miyembro at ang isa sa pinakamagaling na medic ng FBI. Si
Snip, ang snipper nila sa grupo. Si Bob, na specialty ang mga explosive bomb.
Si Chop, ang marunong magpatakbo ng mga chopper at eroplano na ginagamit
nila. Si Sharp, na sharp shooter. Si Wilson allias Joker, na palagi silang
napapatawa kahit sa gitna ng mapanganib na operasyon. At sya, na tinatawag
ng mga ito na Kap, dahil siya ang leader ng kanilang grupo.
"F*cking hell." Tiim ang bagang na sabi ni Dok at nagpalakad-lakad sa loob ng
barracks nila. "Seryoso ba sila? Kung kailan malapit na nating maisara ang
kaso, bigla nila tayong ililipat." Anito.
"At sa pipitsuging magnanakaw?" Bulalas ni Wilson.
"Wala tayong magagawa kundi bitawan ang black bag." Aniya, isinuklay nya
ang kamay sa buhok at tumayo. "Kakausapin daw tayo ni Chief." Dugtong nya.

Page 34 / 304
StoryDownloader

Napapamurang, isa-isang nagtayuan ang mga kasama nya at sunod-sunod


silang lumabas ng silid.
Nang marating nila ang boardroom nang headquarter ay sabay-sabay na muli
silang napamura nang makitang nakaupo na sa isa sa mga silya si Marcus.
"Isang dekada na kong naghihintay." Sabi nito habang nakangisi.
Napaungol si Joseph at naupo sa katapat na silya. Nang makaupo ng lahat ng
kasamahan nya ay agad namang tumayo ang chief nila. Dinampot nito ang
remote para patayin ang ilaw sa loob at binuhay ang projector.
Humalukipkip sya at pinag-aralan ang detalye na nakasulat sa presentation na
nasa harap.
Lupin's Case
Case #: 548.396.70-004
Tumikhim ang tiyuhin nya at iminuwestra ang mga folder na naka-patong sa
lamesa sa harap nila.
Binuklat nya ang folder at tumambad sa kanya ang kopya nang ipinakita sa
kanya ng tiyuhin kanina. Inilipat nya ang pahina at pinasadahan ng basa ang
mga nakasulat.
"Ano ang importante sa grupo ng mga magnanakaw na 'to." Basag ni Snip, sa
katahimikang bumabalot sa kanila.
"It's not a group. It's a one-woman-team." Sagot ni Marcus.
Sabay-sabay na umawang ang bibig nila. "Babae?"
Tumango si Marcus at inilipat ang screen na ipinapakita sa projector.
"Recently lang nalaman na babae ang tao sa likod ng Lupin's Case." Simula
nito. "Unang nagsimula ang kasong ito last twenty ten, kasabay ng pagbuo sa
FBISA at tinawag itong Lupin's Case dahil kasinggaling nitong magnakaw si
Lupin the third. Kung kilala nyo sya." Natatawang dugtong ni Marcus at
muling inilipat ang screen.
Sabay-sabay na inilipat din nila ang hawak na folder.

Page 35 / 304
StoryDownloader

"At taliwas sa sinabi mo kanina Agent Felizardo, hindi lang mamahaling bato
ang ninanakaw ng taong ito." Itinuktok nito ang kamay sa puting black
board,kung saan nakatutok ang ilaw ng ginagamit nilang projector, at itinuro
ang unang kaso na naitala sa Lupin's Case.
"Una nyang ninakawan ang White House." Seryosong sabi nito at halos lahat
sila ay natahimik sa narinig.
Babae? Isang babae? Ninakawan ang White House?
pinaka-mahigpit ang sekyuridad sa buong mundo.
"A-anong

ninakaw

nya?"

Tanong

ni

Kung

saan

Chop.

"Good question? Anong ninakaw nya?" Inilipat muli ni Marcus ang screen at
tumambad sa kanila ang isang litrato. "Eto ang security data na naglalaman ng
maseselang impormasyon na may kinalaman sa social security ng buong
Amerika." Itinuro nito ang maliit na USB na may tatak na agila.
"WTF!" Sigaw ni Bob.
"At sa maniwala kayo at sa hindi, ginawa ng Amerika ang lahat ng magagawa
nila para ma-trace ang magnanakaw pero bigo sila. Doon unang nagsimula ang
kongklusyon na binubuo ng isang malaking grupo ang grupo ng magnanakaw
na ito."
Muli nilang inilipat ang pahina.
"Sunod-sunod ang naging tala ng pagnanakaw na ikinunekta nila sa Lupin's
Case. Mamahaling paintings, gems, rubies, diamonds, gold bars, mga artifacts
at kung ano-ano pa."
"Paano sila nakaka-siguro na ang grupo ng Lupin ang nangnanakaw nang mga
'yun?" Tanong ni Joseph. "Ang ibig kong sabihin... nagawa nyang magnakaw
sa White House kaya bakit sya makukuntento sa mga bato?" Dugtong pa nya.
Tumango si Marcus. "Ang mga batong tinutukoy mo ay hindi lang basta bato,
agent. It's worth a billion dollar kung dadalhin sa black market."
Muli silang natahimik.

Page 36 / 304
StoryDownloader

"And to answer your question about the connection of those cases to Lupin's...
simple lang, nag-iiwan sya ng marka sa bawat lugar na ninakawan nya." Sabi ni
Marcus at muling inilipat ang screen at nakita nila ang iba't-ibang kuha ng
isang kiss mark. Kulay pula ang kulay ng marka at pare-pareho ang itsura nito.
"A bloody kissmark?" Sigaw ni Wilson.
Nagsalubong ang kilay ni Joseph at muling ibinalik sa ikalawang pahina ang
folder na hawak. "Chief, ang sabi mo recently lang nalaman na babae si Lupin.
Paanong hindi nila agad nalaman na babae sya kung nag-iiwan sya ng ganyang
marka?" Naguguluhang aniya.
"Ang sabi ng grupo ng FBI na naghahawak sa kaso ng Lupins, pang-divert lang
ang kissmark na yan. Ibig sabihin inililigaw lang daw ang imbestigasyon. Para
maghanap tayo ng babae sa halip na sa isang lalaki atin ikonekta ang kaso."
Sagot ni Marcus.
Sabay-sabay silang tumango.
"At ngayon? Paano napatunayan na babae nga si Lupin?" Tanong muli ni
Joseph.
"Ahh... that's the recent case na naitala sa Lupins." Sabi ni Marcus at muling
inilipat ang screen. Isang heart-shape ruby stone ang tumambad aa kanila. "This
is the Victoria. A heart shape ruby that cost at least two point five billion
dollars. Nung nakaraang linggo, Valentines. Nagkaroon ng charity auction ang
Donald Smith's Co. Foundation para sa mga ulilang bata at isa sa kasamang
in-auction ang Victoria. Matapos umabot ng five hundred million dollars ang
bid, mas mababa sa orihinal na estimated cost ng Victoria, nakuha ito ng isa sa
nga prominenteng tao sa Amerika. Si Mr. Jason Livingston, ang may-ari ng
Livingston Oil Company." Inilipat muli ni Marcus ang screen at isang litrato ni
Mr. Livingston habang nakikipag-usap ito sa isang babae na naka-suot ng
pulang damit. Nakatalikod ang babae sa kuha ng litrato at tanging ang hubog
nang katawan lang nito ang nakikita nila. Ang isang kamay nito ay nakahawak
sa balikat ni Mr. Livingston habang halatang may ibinubulong ito sa lalaki.
"Ito ang huling tao na naka-usap ni Mr. Livingston bago matapos ang event."
Sabi ni Marcus.
"At? Sa kanya agad ibinintang ang nawalang ruby dahil lang sya ang huling
nakausap ng biktima?" Tanong nya.

Page 37 / 304
StoryDownloader

Umiling si Marcus. "No. Hindi pa sigurado ang mga imbestigador kung sya nga
ang kumuha dahil hindi pa naman kinukuha ni Mr. Jason ang Victoria ng mga
oras na yan. Pagkatapos ng event at pinuntahan na ni Mr. Jason ang Victoria
para i-claim, tanging ang lalagyan na lang ang natitira sa Victoria. Matapos
i-hold sa loob ng gusali ang lahat ng tao ay agad na tiningnan nila ang listahan
ng mga guest."
Inilipat muli ni Marcus ang screen. Ngayon naman ay litrato ng glass case ng
Victoria ang ipinakita, may bilog na butas ito sa gilid, kung saan sinasabing
kinuha ng magnanakaw ang Victoria.
Ang katabing litrato naman ay listahan ng mga bisita ng charity event at isa sa
mga pangalan ang may kulay pulang bilog.
"Amelia Robinsons... sya ang kaisa-isang tao na wala sa loob ng gusali,
matapos na i-hold at hindi palabasin ang mga tao. At matapos imbestigahan si
Amelia... napag-alaman na pangalan ito ng asawa ng may-ari ng Robinsons Oil
Company at apat na taon na itong patay."
Inilapit ni Marcus ang kuha sa glass case na pinaglagyan sa Victoria at sa isang
sulok ay kitang-kita ang pulang kiss mark na katulad na katulad ng mga
naunang marka sa Lupins Case.
"Bakit hindi nila padaanan ng DNA test o Forensic test ang kiss mark na yan.
Siguradong..."
Itinaas ni Marcus ang isang kamay upang pigilan sya sa pagsasalita. "Been
there. Done that. Pero wala silang makuhang kahit anong DNA at
pagkaka-kilalan para maituro kung sino ang nasa likod ng Lupins Case."
Sabay-sabay na napa-buntong-hininga sila.
"F*cking ridiculous and smart babe." Bulong ni Wilson.
"How about the CCTV's?" Tanong muli ni Joseph.
Nilingon nilang lahat si Marcus at pigil ang hiningang hinintay na sabihin nito
na nakuhanan sa camera ang magnanakaw.
Umiling si Marcus. "Nah. Kung wala lang ang butas sa lagayan nito at ang

Page 38 / 304
StoryDownloader

marka ng Lupin's Case... iisipin ng marami na bigla na lang naglaho ang


Victoria na parang bula."
"Mug sketch? Wala bang mug-sketch? Kahit ang mga security personnel na
nagpapasok sa kanya." Tanong pa ulit nya na sinagot muli ng kanyang tiyuhin
ng pag-iling ng ulo.
"Unfortunately, wala. Inisa-isa ang mga posibleng nakasalamuha ni Miss
Robinsons sa charity event pero pare-parehong ang asul na mata lang nito ang
kanilang nailarawan."
Umiling silang lahat.
"This woman is freaking smart ass. Kung hindi kayang hulihin ng mga FBI sa
Amerika ang babaeng yan, anong magagawa namin?" Aniya.
Naupo si Marcus sa silya nito, itinuon ang siko sa lamesa at pinag-salikop ang
palad. "Kailangan nating maglagay ng team para sa Lupins dahil..." Huminga
ito ng malalim. "Sinasabing ang magaganap na auction dito sa Pilipinas ang
susunod na target ng Lupin."
"Holy sh*t." Bulalas ni Dok.
"A-anong auction?" Kinakabahang tanong ni Joseph. Tumingin sya sa mata ng
tiyuhin at ikinuyom ang kamao.
Tumango ito na para bang naintindihan nito ang gusto nyang itanong.
"Tama ka Joseph, ang auction ng first lady ng Pilipinas ang target nila. Ang
auction ng Mama mo." Sagot nito.
*-*-*-*-*-*
Damn, dumugo ang utak ko sa sinulat ko... Lols.
Salamat sa pagbabasa. ^___^
Hugs&Kisses,
fattie; xoxo

Page 39 / 304
StoryDownloader

Page 40 / 304
StoryDownloader

Chapter Six
Agad na nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Savannah nang umapak sya sa
loob ng kanyang penthouse.
May tao sa loob.
Dahan-dahan nyang isinara ang pinto at kinuha ang tinago nyang maliit na
kutsilyo sa kanyang kanang hita.
Huminga sya ng malalim at maingat ang mga hakbang na naglakad papasok.
Wala sa salas.
Muli nyang pinakiramdam ang paligid at doon nya narinig ang kaluskos na
nagmumula sa kusina.
Pumihit sya paharap sa kusina at dahan-dahang nagtungo roon. Idinikit nya ang
likod sa pader at hinintay na lumabas ng kusina ang kung sino mang pangahas
na bumisita sa loob ng kanyang penthouse.
Nang maramdaman nyang palabas na ang kanyang bisita ay agad na
sinunggaban nya ang kamay nito, ipinilipit sa papunta sa likod ang braso,
itinulak paharap sa pader at itinapat ang hawak nyang kutsilyo sa leeg nito.
"WHAT THE HELL!" Galit na sigaw ng kanyang...
"Elisa?" Aniya at mabilis na binitawan ang kaibigan.
"Ow... oww... ooow!" Hinimas ni Elisa ang braso at nanlilisik ang mata na
tumingin sa kanya. "Babalian mo ba ako ng buto? My God! Oww..."
Nakangiwing naglakad ito papunta sa salas at sumalampak ng upo sa kanyang
sofa.
"Oops, sorry! My bad!" Nakangiting sinundan nya ang kaibigan. "Hindi ka man
lang kasi nagsabing pupunta ka dito." Nakasimangot na dugtong pa nya.
"Hello... ilang beses kaya kitang tinawagan. Saan ka ba kasi galing?"
Magka-salubong ang kilay na sabi ni Elisa.
Ipinatong nya ang hawak na kutsilyo sa coffee table at naupo. "Sa gym."

Page 41 / 304
StoryDownloader

Kaswal na sagot nya.


"Right! Nakipag-landian ka na naman sa mga instructor dun." Pinaikot nito ang
mata.
"Ako? Hindi ba mas expert ka sakin pagdating sa pakikipag-harutan sa mga--"
Natatawang tumigil sya sa pagsasalita nang tingnan sya ng masama ni Elisa.
"Okay, fine. Forget it. Bakit ka napadaan dito?"
Bumuntong-hininga si Elisa at inihagis sa kanya ang isang folder.
Mag-kasalubong ang kilay na binuklat nya ang folder at binasa ang nakasulat
doon.
"Sa Pilipinas ang sunod nating trabaho." Kaswal na sabi nito.
"What?" Namimilog ang matang sabi nya. Sinuklay nya nang kamay ang buhok
at nilapitan si Elisa. "A-anong ibig mong sabihin na sa Pilipinas ang sunod
na..." Ipinikit nya ang mata at muling tumalikod. "Si Henry? Sya ang may
pakana nito, right?" Naiinis na aniya.
"Kumalma ka nga, Van." Sabi ni Elisa.
"Kumalma? Kumalma?!" Tumingin sya sa kisame at ikinuyom ang kamao.
"Paano ako kakalma? Ang usapan namin hindi ako babalik ng Pilipinas. Wala
syang ipapatrabaho mula sa Pilipinas." Sigaw nya.
"I know... pero wala tayong magagawa. Ito ang huling ticket natin para
makapasok tayo sa Triangle." Sabi ni Elisa.
"I said no and that's final." Galit na aniya bago sya tumalikod at naglakad
patungo sa pinto ng kanyang kwarto
Bumuntong-hininga si Elisa at tumayo. "At kelan mo pa pala balak bumalik sa
Pilipinas? It's been fifteen years, Van. Fifteen!" Sigaw na sagot ni Elisa. "Dahil
lang sa ayaw mong umuwi ng Pilipinas... tatlong buwan na lang isasara na ang
kaso ng magulang at kapatid mo at kahit na mahuli mo ang pumatay sa kanila,
huli na ang lahat para mabigyan mo ng hustisya ang pagakamatay nila."
Huminto sya sa kinatatayuan at nilingon si Elisa. "Hindi pa ko handang
bumalik, Elisa." Nanginginig ang katawan na aniya.

Page 42 / 304
StoryDownloader

"Pero kailangan mo nang bumalik." Sagot nito. Naglakad ito palapit sa kanya at
niyakap sya. "Mahal mo pa ba sya?"
Huminga sya ng malalim bago sya sumagot. "Alam mong nabubuhay ako para
maghiganti sa kanya, Elisa. Kung ano man ang nararamdaman ko noon para sa
kanya, napalitan na yun ng galit at poot."
Binitawan sya ni Elisa bago bumaba ang tingin nito sa suot nyang sapatos.
"Sigurado ka?" Taas ang kilay na tanong ni Elisa. "Sa tingin ko mahal mo pa
rin sya." Dugtong pa nito at muling tinapunan nang tingin ang suot nyang
sapatos. Dinampot ni Elisa ang mga gamit na dala at naglakad papunta sa may
pintuan.
Bago ito lumabas ay muli itong lumingon sa kanya. "Kalimutan mo na sya,
Van. Makaka-sira sa mga plano natin ang nararamdaman mo para sa kanya."
Malungkot na ngumiti ito pagkatapos ay lumabas na.
Naiwan syang nakatulala sa suot nyang rubber shoes. Limited Edition ito sa
Savannah's Fashion Line. Siya mismo ang nag-disenyo ng bawat detalye nang
rubber shoes. Kulay abo ito na may mga nakadisenyong itim na guhit na parang
alon ng tubig. Naging hit ito sa mga kababaihan bilang bagong footwear na
ginagamit sa gym.
Pero alam nyang hindi ang disenyo ng kanyang sapatos ang naka-agaw sa
atensyon ni Elisa, kung hindi, ang kulay pula at lumang sintas na ipinalit nya sa
dapat sana ay kulay abong sintas nito.
Kinagat nya ang labi at hinubad ang sapatos. Inihagis nya ito sa pader at galit
na nagmartsa patungo sa kusina.
Kinuha nya ang bote ng wine, at nagsalin ng kaunti sa kanyang baso. Matapos
nyang tunggain ng isang lagok ang inumin ay agad na dinampot nya ang
cellphone at i-dial ang unang pangalan sa kanyang listahan.
"Hi, good morning! This is Mr. Collins--"
"Where's my Dad?" Putol nya sa sinasabi ng sekretarya ng Ama, na si Chelsea.
"Oh, Miss Savannah. I'm sorry, but your dad is not available right at this
moment. He's--"

Page 43 / 304
StoryDownloader

"Well, I don't care. Tell him, I want to talk to him." Pumikit sya at hinilot ang
sintindo.
Ilang minutong nanatiling tahimik ang kabilang linya bago nya muling narinig
ang boses ni Chelsea.
"I'm sorry, Savannah..."
Bumuntong-hininga sya at hinilot ang ilong. "Fine. Just tell him that I'm
coming over." 'Yun lang at agad na diniskonekta nya ang tawag.
Ibinato nya ang cellphone at agad na nawasak ito nang tumama sa pader.
"Oh, Goddamnit!" Bulong nya.
*-*-*-*-*-*
"Miss Savannah, hindi pa po kayo pwedeng pumasok, may kausap pa po ang
Daddy nyo." Nanlaki ang matang sabi ni Chelsea sa barok na tagalog nito.
Kung hindi nga lang masama ang mood ni Savannah ngayon ay malamang na
biniro na naman nya ang apatnaput limang taong gulang na sekretarya ng ama,
sa pagiging trying hard nito sa pagsasalita ng tagalog.
"Savannah... No!" Hinawakan nito ang kanyang braso at itinulak sya bago pa
man sya makapasok sa loob ng opisina ng ama.
"Oh God, Chelsea! Kakausapin ko lang si Henry!" Naiinis na humalukipkip sya
at pinaikot ang mata.
"He's in the middle of an important meeting, Savannah." Ginaya ni Chelsea ang
kanyang postura bago nito itinuro ang mahabang sofa na nasa kanang bahagi
ng silid. "Sit!" Maawtoridad na sabi nito.
Huminga sya ng malalim at nagmamartsang sinunod si Chelsea.
Nakangiti namang naupo si Chelsea sa sarili nitong upuan. "So, what's so
important that you have to talk to you Dad right now?"
Kinagat nya ang labi at tiningnan ang sekreyarya ng ama. Dalawangpu't isang
taon na itong nagtatrabaho bilang sekretarya ni Henry at si Chelsea na rin ang

Page 44 / 304
StoryDownloader

tumayo nyang ina sa loob ng labing limang taon.


Inihilamos nya ang kamay sa mukha at itinuon ang siko sa kanyang tuhod.
"Gusto nyang bumalik ako sa Pilipinas." Aniya.
Ilang sandali nanatiling tahimik si Chelsea bago ito nagsalita. "He wants you
to... what?" Tumayo ito sa kinauupuan at nagpalakad-lakad sa kanyang
harapan. "Babalik ka sa Philippines?" Naguguluhang tanong nito.
"Yeah." Tipid na sagot nya.
"What? Why?" Tanong ni Chelsea.
Inikom nya ang bibig at tahimik na pinag-isipan kung ano ano ang isasagot
nya. Walang alam si Chelsea tungkol sa ginagawa nyang pagnanakaw at gusto
nyang manatiling wala itong alam.
Humugot sya ng malalim na hininga. "I don't know. Siguro dahil sa SEC Hotel
branch in Manila."
Bago pa man makapag-react si Chelsea ay bumukas na ang pinto ng opisina ng
kanyang ama at mula roon ay lumabas ito kasunod ang isang lalaki.
Tumigil si Henry nang makita sya at agad na pinaningkitan sya nito ng mata
bago muling ibinaling ang tingin sa lalaking kausap. Hula ni Savannah ay
kaedad nya ang binata. May malaki itong pilat sa leeg at nakakatakot ang mata
nito. Nag-iwas sya nang tingin at itinuon ang pansin sa skyscrapper ng gusali
ng kanyang ama.
"Thank you, Mr. Black." Narinig nyang sabi ng kanyang ama. "Chelsea,
pakihatid si Mr. Black sa pinto."
"This way sir." Nakangiting iginiya ni Chelsea ang bisita ni Henry.
Walang imik namang lumabas ang binata at sumunod kay Chelsea. Nang
maiwan silang dalawa ay pumihit paharap sa kanya ang ama.
"To what do I owe the pleasure of this sudden visit from my precious
princess?" Nakangiting sabi nito.

Page 45 / 304
StoryDownloader

Kinagat nya ang labi para pigilan ang sarili sa pag-ngiti at sa halip ay tinaasan
nya ito ng kilay. Labing limang taon na nyang itinuturing na ama si Henry at
kahit na hindi nya aminin, ay alam nyang mahal nya ito kagaya ng pagmamahal
nya sa kanyang tunay na ama.
"We need to talk." Aniya at agad na pumasok sa opisina ng ama.
Sumunod sa kanya si Henry at nang maipinid nito ang pinto ay agad na pumihit
sya paharap dito.
"Gusto mong bumalik ako sa Pilipinas?" Magkasalubong ang kilay na aniya.
"Why?"
Nagkibit-balikat si Henry at umikot para maupo sa likod ng malaking lamesa
nito. "It's time." Tipid na sagot nito.
Naupo sya sa silya sa tapat ng lamesa nito. "Hindi pa ko handa... Biglaan
masyado at--"
Malungkot ang ngiting ginagap ni Henry ang kanyang kamay at pinisil. "I
know, sweetie. But you need to go back. It's the right time. May tatling buwan
na lang tayo para buksan ang kaso ng magulang mo at ang Full Moon Diamond
ang huling ticket natin para makapasok sa triangle. Kung gusto mong bigyan ng
hustisya ang magulang at kapatid mo... now, is the right time." Anito.
Kinagat nya ang loob ng labi at tumanaw sa malayo. "I don't have any choice,
do I?" Bulong nya.
"No. I'm sorry, sweetie." Anito.
Bumuntong-hininga sya at tumayo. "Okay, fine. I'm going back."
"That's my girl." Malawak ang ngiting sabi ni Henry.
"But I call the shots, deal?"
Sumandal si Henry at pinag-aralan kung seryoso sya. Nang makita nitong hindi
magbabagi ang isip nya ay bumuntong-hininga ito. "Okay, fine."
Ngumiti sya at tumalikod para lumabas na ng silid. Bago pa man sya
makahakbang palabas ng opisina ay muling syang tinawag ni Henry.

Page 46 / 304
StoryDownloader

"Actually, there is something that I have to tell you." Anito.


Nilingon nya ang ama. Sa kanyang labi ay nakapaskil pa rin ang malawak
nyang ngiti. "What is it?" Aniya.
Itinuktok nito ang mga daliri sa lamesa na para bang pinag-iisipan nito kung
sasabihin ba sa kanya ang bagay na halatang bumabagabag dito.
"Oh, come on Henry! Spill it." Aniya.
"Alam nilang darating ka sa Pilipinas." Sabi nito sa mahinang boses.
"And?" Kunot-noong aumandal sya sa hamba ng pintuan.
"Not you, Savannah. It's Lupin. They knew Lupin is coming to steal the Full
Moon's Diamond."
Lumunok sya. "That's uhh... not really a problem. Kilala mo ko. Kaya ko ang
sarili ko." Aniya.
Umiling si Henry at nang muling tumingin sa kanya ay malungkot na ang mga
mata nito.
"Hindi ang pagkuha mo sa dyamante ang problema ko." Lumunok ito at
pumikit. "... kundi ang anak ng presidente."
Nanlamig ang buo nyang katawan at nanatili syang nakatulala sa ama.
Si...
Si Joseph? Si Joseph ba ang tinutukoy nito.
"Tama ang iniisip mo Savannah.Si Marco ang may hawak ng Lupin Case at
ang auction ni Sylvia Felizardo ang sunod mong assignment."

*-*-*-*-*-*
Thank you for reading. ;)
Hugs&Kisses, fattie.

Page 47 / 304
StoryDownloader

Page 48 / 304
StoryDownloader

Chapter Seven
"Sav, okay ka lang ba?"
Mula sa pagkakatulala ni Savannah sa bintana ng sinasakyan nilang eroplano,
ay nilingon nya si Elisa. "Yeah. I'm fine." Aniya na sinundan nya ng ngiti.
Ilang sandaling pinag-aralan ni Elisa ang kanyang mukha bago ito nakumbinsi
sa kanyang sinabi.
"Okay. Sabihin mo lang sakin kapag may problema ha." Pinisil pa ni Elisa ang
kanyang kamay bago ito muling nagsalita. "I meant what I said, Sav. Alam ko
kung gaano kahirap sayo ang pagpunta natin sa Pilipinas, kaya kapag may
problema ka, please Savannah, magsabi ka sakin." Dugtong pa ni Elise.
Tumango sya at pinisil rin ang kamay ng kaibigan. "Fine. Kapag may
problema, sasabihin ko kaagad sayo." Sagot nya at muling ibinalik ang tingin
sa bintana.
Napakunot-noo si Savannah nang maramdaman nyang tila may nagmamasid sa
kanya. Lumipad ang tingin nya sa ikaapat na upuan sa kabilang pasilyo ng
eroplano at agad na nahuli ang dahilan kung bakit kanina pa sya hindi
mapakali. Isang lalaking nakasumbrero ang kanina pa tumitingin sa kanya.
Mabilis namang tumalikod ang binata at nag-iwas ng tingin.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Elisa nang tumayo sya.
"Sa comfort room." Tipid nyang sagot at kaswal na naglakad. Nilampasan nya
ang binata at nagtungo sa pasilyo kung nasaan ang banyo. Pero sa halip na
pumasok sya sa loob ng banyo ay lumiko sya sa maliit na pantry na
nahaharangan ng kurtina.
"Excuse me, ma'am. I'm sorry but you're not allowed here." Ang sabi ng
Pilipinang flight attendant na nag-aayos ng mga pagkain na dadalhin sa mga
pasahero.
Sumilip sya sa kurtina at nang makitang tumayo ang lalaki at naglakad papunta
sa direksyon ng banyo ay nilingon nya ang babae.
"I'm sorry. Nandito kasi ang boyfriend ko pero," kunwa'y naiiyak na pumikit
sya kahit na ang totoo ay gusto nyang ngumiwi sa sinabi, masyado pang bata

Page 49 / 304
StoryDownloader

ang itsura ng lalaki para maging nobyo nya, sana lang ay maniwala sa kanya
ang babaeng kaharap. "May kasama syang ibang babae. Pwede ba kaming
mag-usap dito kahit saglit lang." Dugtong pa nya.
Naaawang tinapik sya ng flight attendant sa balikat at tumango. Kung napansin
man nito na masyado pang bagito ang lalaki para maging nobyo nya ay hindi
nito ipinahalata."Oh, I'm so sorry. Sige lang, mag-usap muna kayo dito.
Ilalabas ko lang ang mga pagkain." Sabi nito at agad na itinulak ang push cart
ng mga pagkain at lumabas na.
Nang makalabas ang babae ay muli nyang sinilip ang binatilyo. Nakatayo ito sa
tapat ng pinto ng banyo. Pinag-aralan muna nya ang galaw ng binata. Tila hindi
mapakaling nagpapalakad-lakad iti habang hinihintay na bumukas ang pinto ng
banyo. Hindi ito mukhang spy, hindi rin naman mukhang awtoridad ng batas, at
sa tindig pa lang ng binata ay sigurado syang isa lang itong atleta.
Pero bakit kanina pa ito nakatingin sa kanya ?
Nang bumukas ang pinto ng banyo at makita ni Savannah na nagulat ang binata
nang hindi sya ang lumabas mula roon ay agad na hinila nya ito papasok sa
pantry. Ipinilipit nya papunta sa likod ang kamay nito at itinulak hanggang
tumama ang pisngi nito sa pinto ng malaking ref. Mabilis na dumampot sya ng
kutsara at itinapat iyon sa leeg ng binata.
"Anong kailangan mo sakin?" Bulong nya.
Lalo nyang idiniin ang mukha ng binata sa pinto ng ref at inulit ang tanong nya.
"Anong kailangan mo sakin? Bibigyan kita ng tatlong segundo para sumagot.
Kapag hindi ka sumagot, pipilipitin ko 'tong kamay mo hanggang sa hindi mo
na ulit ito pwedeng magamit." Banta nya
Bumilis ang paghinga ng binata pero hindi ito sumagot. Naningkit ang mata
nya, "Isa..." Hinigpitan nya ang hawak sa kamay nito na naging dahilan para
magsalita ang lalaki.
"W-wala akong kailangan sayo, okay? Bitiwan mo na ko." Nakangiwi sa sakit
na sabi nito.
Muli nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito na naging dahilan para
impit na mapasigaw ito sa sakit.
"Then why are you staring at me?" Taning nyang muli.

Page 50 / 304
StoryDownloader

"I'm sorry, hindi ko sinasadyang tingnan ka. Ka-kahawig mo lang kasi ang
dating girlfriend ng kuya ko. Yun lang 'yun." Sabi nito.
Agad na binitiwan nya ang binatilyo at itinulak ito palayo sa kanya.
Pinag-aralan nya ang mukha ng binata at bahagya syang napaatras ng makilala
kung sino ang nasa kanyang harapan. Si Andrew.
"Pasensya ka na, Miss. Hindi ko ugaling tumitig. Pero talaga kasing kahawig
mo si Ate Samantha." Sabi nito habang hinihimas ang balikat. "Obviously,
hindi ikaw si Ate Sam." Dugtong pa nito bago ito tumalikod at lumabas habang
bumubulong na hindi namang kailangang pilipitin nya ang braso nito.
Naiwan syang nakatulala. Kinagat nya ang labi at maya-maya pa ay bumigay
na ang kanyang tuhod at sumalampak sya nang pagkaka-upo sa sahig.
Hinawakan nya ang tapat ng kanyang dibdib at nang maramdamang kinakapos
sya ng hininga ay nanginginig ang mga kamay na binuksan nya ang mga
drawer ng pantry. Nang makakita sya ng plastic ay agad na tinanggal nya ang
mga laman nito, itinapat sa kanyang ilong at bibig bago sya huminga. Inhale.
Exhale. Inhale. Exhale.
"Oh my God! Ayos ka lang ba, miss." Bulalas ng flight attendant na kausap nya
kanina, sumaklolo ito sa kanyang tabi at hinawakan ang plastic na hinihingahan
nya. "Hinga lang ng malalim. Yan, tama yan. Just breathe. Tatawag lang ako
ng--"
Hinawakan nya sa braso ang babae nang akmang tatayo na ito. Umiling sya
para sabihing hindi nya kailangan ng tulong."N-no." Nanginginig ang boses na
aniya. Nang maramdaman nyang maayos na ang kanyang paghinga ay
binitawan nya ang plastik at nanlalambot na sumandal sa pinto ng ref.
Kinagat ng babae ang labi at tumango. Tumayo ito at nagsalin ng tubig sa baso
bago muling lumuhod sa kanyang tabi. "Anong nangyari? May ginawa ba
syang--"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang humahangos na hinawi ni Elisa ang
kurtina. "Savannah!" Nag-aalalang lumuhod ito sa kanyang harap at ginagap
ang kanyang kamay. "What happened?" Tanong nya.
Umiling lang sya at kahit na nanghihina pa ang tuhod ay pinilit nyang tumayo.
"I'm fine." Bulong nya. Binalingan nya ng tingin ang flight attendant, "Thank

Page 51 / 304
StoryDownloader

you." Aniya.
"Um, walang anuman. Sigurado po ba kayong ayos lang--"
"Yeah, I'm fine. Thanks." Pagkasabi nya nun ay mabilis na naglakad sya
palabas. Nag-aalalang inakay naman sya ni Elisa.
"Anong nangyari?" Bulong nito.
Ngumiti lang sya at dahan-dahang inalis ang kamay ni Elisa sa kanyang braso.
"Mamaya ko na sasabihin, okay? Bumalik ka na sa upuan natin, saglit lang
ako." Aniya at humakbang papasok sa banyo.
Nang maipinid nya ang pinto ay agad na itinuon nya ang palad sa maliit na
lababo at tiningnan ang sarili sa salamin na nakasabit sa kanyang harapan.
Hindi sya makapaniwala na hindi pa man nakakalapag ang sinasakyan nyang
eroplano sa Pilipinas ay may nakakilala na kaagad sa kanya.
Parang biglang nagsikip muli ang kanyang dibdib nang maalala kung sino ang
binatilyo na kausap nya kanina. Si Andrew, anak ng driver nina Joseph at
inaalagaan nya noon sa tuwing pumupunta sya sa bahay ng nobyo. Ang batang
para na rin nyang kapatid.
Paano sya makikilala ni Andrew gayung dalawang taon pa lang ito nang huli
nya itong makita? Isa lang ang naiisip nyang sagot. Hanggang ngayon
magkasama pa si Andrew at si Joseph.
At kung nakilala sya ni Andrew. Ano ang tsansa na hindi sya makikilala ni
Joseph sakaling magkita silang dalawa? At sigurado syang malayo sa salitang
sakali ang pagkikita nila ni Joseph. Dahil talagang magkikita silang dalawa,
kahit na ayaw man nya.
Huminga sya ng malalim at naghilamos, umaasang mabubura ang lahat ng
takot na nararamdaman nya sa ideya ng muli nilang pagkikita ng unang
lalaking minahal nya.
* * * * * * * * * * *
" Muling pinasadahan ni Joseph nang tingin ang mga flat screen TV na
nakakabit sa isang bahagi ng pader ng control room. Kunektado ang mga ito sa

Page 52 / 304
StoryDownloader

lahat ng CCTV camera na nakakabit sa bawat palapag at posibleng exit point


ng SEC Hotel, kung saan gaganapin ang auction nang first lady ng Pilipinas.
Natuon ang atensyon nya sa unang camera, nakatutok ito sa entrance ng gusali.
Naka-kunot ang noong pinindot nya ang suot na earpiece nang makitang
nakikipagtalo si Wilson sa isang lalaki na naka-suot ng itim na suit.
"Joker, anong problema?" Tanong niya. Nakita nyang pumihit patalikod si
Wilson at humarap sa CCTV camera bago nya narinig ang boses nito sa suot
nilang communicating device.
"Paparazzi." Tipid na sagot nito.
"Alam mo na ang dapat gawin, bok. Ngayon pa lang dapat maging mahigpit na
tayo. Para bukas wala nang problema." Aniya.
"Roger that." Sumaludo si Wilson at muling ibinalik ang atensyon sa kausap
nitong lalaki.
Nang makuntento si Joseph na nakapwesto na ang lahat ng kanyang tauhan at
wala nang aberya ay agad na nakahinga sya ng maluwag.
Ilang linggo silang nag-plano para maging ligtas ang gaganaping auction ng
kanyang Mommy Sylvia. Tatlong departamento ng FBI Secret Alliance ang
naka-kalat sa buong SEC Hotel bilang paghahanda sa gaganaping auction
bukas.
Nang bumukas ang pinto ng control room ay mabilis na pumihit sya paharap.
Lumawak ang ngiti ni Joseph nang makita kung sino ang nakatayo sa kanyang
harap.
"Andrew." Masayang bati nya sa binatilyo. Anak ito ng kanilang driver na si
Manong Carlos, at itinuturing na rin nya itong nakababatang kapatid.
"Kuya Joseph." Nakangiting niyakap sya ni Andrew.
"Kamusta ang naging interview mo sa UCLA?" Tanong nya.
Naupo si Andrew at ngumiti. "Okay naman. Isa pa, sila naman ang nag-alok ng
athlete's scholarships sakin. Formality na lang siguro ang interview." Anito
habang hinihimad ang balikat.

Page 53 / 304
StoryDownloader

"Anong nangyari sa balikat mo?" Tanong nya.


"Ahh, ito ba?" Iginalaw-galaw ni Andrew ang braso bago nagsalita, "Nakita ko
si Ate Samantha."
Natigilan si Joseph at namimilog ang matang tiningnan si Andrew. "A-nong...
anong nakita mo si Sam--"
"No! Ang ibig kong sabihin may nakasabay akong babae sa eroplano na medyo
kahawig ni Ate Samantha at ni Ysabelle. Hindi ko alam kung anong pumasok
sa isip ko at sinundan ko yung babae. Sabihin na lang natin na inakala nyang
may ibang ibig sabihin ang pagtingin-tingin ko." Humalaklak si Andrew at
iniling-iling ang ulo. "Damn, hindi ko alam na magaling sa self defense yung
babae."
Tama. Imposibleng si Samantha ang nakita nito. Matagal nang wala si
Samantha. Huminga sya ng malalim at nakangiting ginulo ang buhok ni
Andrew. "Sira ka talaga. Ingatan mo yang balikat at braso mo. Tandaan mo
basketball player ka at yan ang ticket mo para makapasok sa magandang
school."
Tumango si Andrew at muling tumayo. "Pano kuya Joseph, uuwi muna ko.
Dumiretso lang talaga ko dito para makita ka."
Inakbayan nya ang binata at iginiya ito palabas ng silid. "Nagkita na ba kayo ni
Ysabelle? Palagay ko, miss na miss ka na nun." Tudyo nya.
Ngumiwi si Andrew pero hindi nito naitago ang pamumula ng pisngi. "Ewan
ko sayo." Sagot ni Andrew.
Tumawa sya at tinapik sa balikat ang binata. "Mag-ingat ka sa pag-uwi, okay."
Aniya at pinindot ang panel ng elevator pababa sa ground floor.
"Ang sabi ni Tatay may dinner daw sa bahay nyo mamaya. Makakapunta ka
ba?" Tanong ni Andrew.
Ngumiwi sya at umiling, "Hindi ko alam. Baka hindi muna. Busy ako dito sa
hotel." Sagot nya.
Tumango si Andrew. "Ganun ba. Naku, panigurado ako na naman ang

Page 54 / 304
StoryDownloader

guguluhin ni Ysabelle."
Humalakhak sya. "Kahit naman nandun ako, ikaw pa din ang nakikita nya."
Pilyo ang ngiting siniko nya sa tagiliran ang binata at ginulo ang buhok nito.
"Arhg, tigilan mo nga ako." Natatawang pinalis ni Andrew ang kanyang
kamay.
Nang tumunog ang elevator bilang hudyat nang pagbubukas nito ay kapwa sila
tumigil sa pagkukulitan.
"Diretso uwi ha." Aniya. "Wag ka ng--"
Natigilan sya sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng elevator at makita ang
babaeng nakatayo sa loob.
Nanlamig ang buo nyang katawan."Samantha." Kapos ang hiningang aniya.
"Marc-ko." Sabi ng dalaga.
**********
Wahhh.... Nagkita na sila!! Oheemgee.Ano kayang mangyayari sa muling
pagkikita nilang dalawa?
At, kagaya po ng dati, maraming salamat sa pagbabasa.
Hugs&Kisses;fattie.

Page 55 / 304
StoryDownloader

Chapter Eight
"You want a drink?" Tanong ni Elisa nang makapasok sila sa penthouse ng
SEC Hotel. Dumaretso si Elisa sa maliit na bar sa kaliwang bahagi nang
malawak na kusina kung saan naka-display ang mga mamahaling alak at
nagsalin ng scotch sa dalawang baso.
Naglakad palapit si Savannah sa floor to ceiling na glass wall at sinipat ang
paligid mula sa anggulong kinatatayuan. Mula roon ay kitang-kita nya ang
parking lot ng hotel at bagamat nasa tuktok sya ng gusali ay kita pa rin nya ang
mga lalaking naka-suot ng formal suit na umaaligid sa hotel. "Nandito na ba
ang tauhan ng FBISA?" Tanong nya.
"Uh-huh." Sagot ni Elisa, naglakad ito palapit sa kinatatayuan nya at iniabot sa
kanya ang baso ng scotch. "Bukas na ang auction kaya malamang na
naghihigpit sila."
Sinimsim nya ang laman ng basong iniabot sa kanya ni Elisa bago ito inilapag
sa lamesang malapit sa kanya. "Do you think he's here?"
Tumingin sa kanya si Elisa. "I think he is."
Kinailangan ni Savannah na humawak sa dulo ng lamesa para pigilan ang sarili
na matumba. Ang isipin na nasa iisang lugar sila ni Joseph ay sapat na para
kapusin muli sya ng hininga.
"Sav, you need to get a grip of yourself." Sabi ni Elisa.
Hinawakan nya ang tapat ng kanyang puso at humugot ng malalim na hininga.
"I know." Bulong nya.
Bumuntong-hininga si Elisa at tinapik sya sa likod. "Mas maganda siguro kung
ihanda mo ang sarili mo sa posibilidad na muli kayong magkikita kaysa
paulit-ulit mong sabihin sa sarili mo na hindi kayo magkikita."
Tumango sya at muling humugot ng malalim na hininga. Tama si Elisa. Mas
maiging ihanda nya an posibilidad na muli silang magkikita ni Joseph.
Dinampot nyang muli ang baso ng scotch at inubos ang laman sa isang lagok.
Halos mapapikit sya ng gumuhit sa kanyang lalamunan ang ininom.
Nang makalma nya ang sarili ay tumayo sya ng ayos at naglakad palapit sa

Page 56 / 304
StoryDownloader

pintuan.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Elisa.
Dinampot nya ang cellphone na ipinatong nya kanina sa center table at nilingon
ang kaibigan. "Anong floor ang control room ng hotel?" Tanong nya.
Tumaas ang kilay ni Elisa at sinalubong ang tingin nya. "Bakit?"
"Kung bukas na ang auction at may posibilidad na nandun si--" Lumunok sya.
"Gusto kong masigurado kung gaano karami ang kalaban ko bukas."
Tumango si Elisa. "One floor down to us."
Muli syang tumalikod pero bago pa sya makalabas ay muli syang tinawag ni
Elisa at inihagis sa kanya ang isang maliit na USB na agad nyang nasalo.
"Para saan to?" Tanong nya.
"Ikabit mo yan sa isa sa mga computer sa control room." Sagot nito.
Tiningnan nya ang hawak at ngumiti. "Piece of cake."
"Sigurado ka bang-- I mean, paano kung nandun sya." Tanong ni Elisa.
Tumawa sya. "Akala ko ba ang sabi mo ihanda ko ang sarili ko sa posibilidad
na magkita muli kami."
"I know what I said. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala." Sagot ni Elisa.
Ngumiti sya. "Then don't worry about me. Okay lang ako." Aniya at
humakbang na papasok sa elevator.
Nang magsara ang pinto ng elevator ay agad na humugot sya ng sunod-sunod
na hininga at mahigpit na humawak sa bakal na hawakan ng elevator.
Hindi naman siguro sila magkikita ni Joseph ngayon. Sigurado syang nasa
ibaba ngayon ang binata kasama ang nga kapwa agent nito. Alam nyang hindi
ugali ni Joseph na maupo lang sa isang tabi habang ang mga kasama nito ang
gumagawa ng lahat.

Page 57 / 304
StoryDownloader

Pero mukhang hindi talaga nya kilala ang dating kasintahan at kababata dahil
nang bumukas ang pinto ng sinasakyan nyang elevator ay tumambad sa
kanyang paningin ang nag-iisang lalaking minahal nya. Ang lalaking akala nya
ay naibaon na nya sa limot. Pero ang makita ito nang harapan ay sapat na para
buhayin ang lahat nang nararamdaman nya
"Marc-ko." Kapos ang hiningang aniya. Sa sobrang bilis nang tibok ng kanyang
puso ay hindi na nya namalayan na nasabi pala nya ng malakas ang pangalan
ng binata.
Lumunok sya at lalong hinigpitan ang paghawak nya sa bakal na kanina pa
sinasakal ng kanyang kamay. Sa higpit nang pagkaka-hawak nya, pakiramdam
nya'y hindi na dumadaloy ang kanyang dugo na nagiging sanhi para magsikip
ang kanyang dibdib at manlamig ang buo nyang katawan.
Shit. Savannah, calm down.
Pinagkiskis nya ang kanyang ngipin at pinilit ang sarili na wag magpakita nang
anumang emosyon.
How could she be so stupid? Paano nya nagawang tawagin ang binata sa
pangalang ibinansag nya noong mga panahong dito pa umiikot ang kanyang
mundo. Ilang taon nyang inilarawan sa isip ang muling pagtatagpo ng landas
nila. Ilang taon nyang sinabi sa sarili na hindi sya maaapektuhan sa presensya
nito, na hindi nya maaalala ang mga nakaraan nila, na naibaon na sya sa limot
ang binata. Labing limang taon nyang sinanay ang sarili na maging manhid.
At ang labing limang taon na 'yon ay nasira lang sa loob ng ilang segundo.
Nakita ni Savannah kung paano pinag-aralan ni Joseph ang bawat detalye ng
kanyang mukha at pinilit nya ang sarili na itago ang lahat ng emosyon na
kanyang nararamdaman, kahit na halos dumagundong na ang dibdib nya sa
bilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi nya alam kung anong gagawin nya
bukod sa magpanggap na hindi sya naapektuhan.
"Are you getting in?" Kalamadong tanong nya.
* * * * *
Panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi pwedeng nasa harap nya ngayon si
Samantha. Impossibleng--

Page 58 / 304
StoryDownloader

"Marc-ko."
Halos kapusin nang hininga si Joseph sa narinig. Isa lang ang babaeng
tumatawag sa kanya ng Marc-ko at iyon ay walang iba kung hindi ang kanyang
Samantha.
Parang may sariling isip na humakbang ang kanyang mga paa. "Samantha."
Aniya.
Pero bago pa man sya tuluyang makatapak sa loob ng maliit na espasyo at
igapos sa mahigpit na yakap ang dalaga sa kanyang harapan, ay nagsalita ito.
"Are you getting in?" Tanong nito habang nakatingin sa kanya.
Lumunok sya at naka-awang ang bibig na nanatili syang nakatingin lang sya sa
dalagang kahawig na kahawig ni Samantha, habang pinag-aaralan nya ang
mukha nito.
Brown ang kulay ng buhok ng dalaga na terno sa kulay ng mga mata nito.
Matangos ang ilong, mahahaba ang pilikmata, hugis puso ang mapupula nitong
labi at walang hugis letrang J na pilat sa kaliwang bahagi ng leeg nito. Pilat na
nakuha ni Samantha nang turuan nya itong mag-bisikleta noon. Pilat na
gustong-gusto ni Samantha dahil lang hugis nito. J for Joseph, ang madalas na
sabihin nito sa kanya.
Nabura ang lahat ng iniisip nya ng kumilos si Andrew sa kanyang tabi at
akmang hahakbang papasok sa elevator. Agad na hinawakan nya si Andrew sa
balikat upang pigilan ito.
"Naiwan ko ang wallet ko sa control room, kuhanin mo muna. Sa baba na lang
kita hihintayin." Aniya at kaswal na humakbang papasok sa elevator.
Hindi na nya pinansin ang reaksyon ni Andrew at mabilis na pinindot ang panel
para magsara ang pinto. Nang sumara na ito at maiwan silang dalawa ay na
pinindot nya ang buton para sa ground floor.
Nagsalubong ang kilay nya nang makitang tanging ang floor na pinindot nya
lang ang nakailaw sa buong panel.
Saan sya bababa? Agad na nabuhay ang pagdududa nya nang maalala kung

Page 59 / 304
StoryDownloader

saan huminto ang elevator kanina. Sa palapag kung nasaan ang control room.
May posibilidad rin naman na dahil sasakay si Andrew kaya huminto ito sa
palapag nila. Pero bakit hindi pinindot ng dalaga kung saang palapag ito
bababa? At kung galing ito sa itaas na palapag, ang ibig sabihin ay sa
penthouse ito nanggaling.
Sinulyapan nya ang dalaga sa gilid ng kanyan mga mata at halos maglaho na
parang bula ang lahat ng iniisip nya nang makita ang itsura ng dalaga.
Nakatayo lang ito na para bang pinipigilan nito ang paghinga. Dumako ang
tingin nya sa kamay nito na mahigpit na nakakapit sa hawakan, na sa sobrang
higpit ay halos mamuti na ang kamay nito, indikasyon na hindi na dumadaloy
ang dugo nito sa kamay. Parang bigla nyang gustong kuhanin ang kamay nito,
at hilahin palapit sa kanya para ikulong ito sa kanyang bisig.
"Ayos ka lang b--" Hindi na nya naituloy ang sasabihin nang biglang umuga
ang sinasakyan nilang elevator at huminto ito.
"Damn" Aniya. Pinindot nya ang emergency button habang mataman nyang
pinagmamasdan ang dalagang kahawig na kahawig ni Samantha. Hindi pa rin
ito kumikilos sa kinatatayuan nito. Hindi tuloy nya maiwasang isipin na baka
takot ito sa mga lugar na masikip. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit
nakalimutan nitong pindutin ang palapag kung saan ito bababa.
Nang makarinig sya nang kaluskos sa linya ng emergency button ay agad na
humingi sya ng tulong.
"Okay po sir. Papunta na po ang maintenace ng hotel." Sagot ng lalaki sa
kabilang linya.
"Gaano katagal bago nila maayos to?" Tanong nya.
"Twenty to thirty minutes sir." Sagot nito.
Bumuntong-hininga sya. Ganung katagal? Muli nyang ibinalik ang tingin sa
dalaga at nang makita ang mukha ni Samantha sa mukha nito ay agad din syang
kumalma.
"Okay." Tipid nyang sagot bago nya binitawan ang emergency button at
sumandal paharap sa dalaga. "Mukhang matatagalan tayo dito." Aniya.
Tahimik.

Page 60 / 304
StoryDownloader

Ni hindi man lang kumilos ito.


Mataman nyang pinag-aralan ang dalaga at kahit na alam nyang hindi
magandang ugali ang tumitig sa taong hindi mo kilala ay hindi pa rin maiwasan
ni Joseph na pag-aralan ang mukha nito. Kahawig na kahawig talaga ito ni
Samantha at kinailangan nyang ikuyom ang kamao para pigilan ang sarili na
yakapin ito.
Ano ba Joseph? Hindi sya si Samantha.
Bumuntong sya at kinuha mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang
cellphone na naging dahilan para umangat ang kanyang damit at sumungaw
ang dala nyang baril na naging dahilan para mapasinghap ang babaeng kasama
nya sa loob.
Lumipad ang tingin nya sa dalaga at nagulat sya nang makitang bumigay ang
tuhod nito at sumalampak ito ng upo sa sahig habang nakatingin ito sa baril na
nakasuksok sa kanyang tagiliran.
Damn.
"I'm sorry, miss. Isa akong FBI agent at," akma nyang huhugutin ang kanyang
badge para sana ipakita iyon sa dalaga pero nagulat na lang sya ng umirit ito at
hawakan ang dibdib na tila ba kinakapos ito sa paghinga.
Sunod-sunod na napamura sya at mabilis na lumuhod sya sa harap nito.
"Calm down, I'm not going to hurt you. Shh... calm down." Bulong nya.
"Nooo!" Kapos ang hiningang sigaw nito at itinulak sya palayo.
Nakita nya kung paano nito itinukod ang kamay sa sahig ng elevator habang
pilit itong humihinga.
Shoot. Shoot. Shoot. Anong gagawin nya.
Agad na hinugot nya ang kanyang baril at itinapin iyon sa kabilang sulok.
"Calm down, miss..." Hinawakan nya ang magkabilang balikat nito at iniangat
ang mukha sa kanya.

Page 61 / 304
StoryDownloader

At parang kinapos din sya nang sariling hininga nang makitang umiiyak na ito
habang naghahabol ng hininga.
"Hey, listen to me." Tinapik nya ito. "Calm down, okay... breathe." Aniya.
Umiling-iling ang dalaga at pinilit na muli syang itulak palayo, pero dahil
nanghihina na ito ay nagawa lang ng dalaga na ilapat ang kamay sa kanyang
dibdib.
Muli syang napamura nang makitang tila hindi na talaga makahinga ang
dalaga. Panic attack. Alam nyang dumaranas ng panic attack ang dalaga. At isa
lang ang alam nyang solusyon para tulungan ito.
Huminga sya ng malalim at hinawakan sa magkabilang pisngi ang babae at
walang pag-aalinlangan na inilapat nya ang labi sa labi nito.
Samantha. Pakiramdam nya ay si Samantha ang nasa bisig nya ngayon.
Naramdaman nya kung paano natigilan ang dalaga at maya-maya pa ay
naramdaman na rin nya ang pagkalma nito.
Bumitiw ka na Joseph. Tama na.
Pero sa halip na bitawan nya ang dalaga ay ipinulupot pa nya ang braso sa
bewang nito at binuhat hanggang sa nakaupo na ito sa kanyang binti. Umungol
ang dalaga at ang kamay nito na nakalapat sa kanyang dibdib ay gumapang
paakyat sa kanyang batok at doon ay nanatili itong nakayakap. Maya-maya ang
hindi na nya namalayan na naging mapusok na ang paglalapat ng kanilang labi.
Naramdaman nyang kumilos ang dalaga at halos mag-init ang buo nyang
katawam.
"Sam." Bulong nya nang bumaba ang halik nya sa leeg nito.
Umungol ang dalaga at hinapit muli sya palapit na naging dahilan para
magwala ang kanyang libido na akala nya ay matagal nang patay kasabay nang
pagkamatay ni Samantha.
Kahit minsan ay hindi sya nakaranas ng ganitong reaksyon mula nang nawala
si Samantha. Walang babae na kayang pag-initin ang kanyang dugo sa
pamamagitan lang ng halik. Wala maliban kay Samantha at sa babaeng ngayon
ay yakap nya.

Page 62 / 304
StoryDownloader

Bumaba ang kanyang halik sa maputing balat sa pagitan ng dibdib nito at


kinailangan nyang ipunin ang lahat ng kanyang lakas para pigilan ang sarili na
sirain ang damit ng dalaga at gawin dito mismo sa loob ng maliit na espasyo
ang bagay na makakapatid sa uhaw na kapwa nila nararamdaman.
"Kuya Marco."
Kapwa sila bumitiw sa isa't isa nang makita nilang bukas na pala ang pinto ng
elevator at nakatingin na sa kanila si Andrew kasama ang ilan pang lalaki na
naka-suot nang uniporme ng hotel.
Shit.
*****
Whoops, that was Hot.
Thank you for reading.
Hugs&Kisses, fattie.

Page 63 / 304
StoryDownloader

Chapter Nine
Panaginip lang ang lahat.
Sigurado si Samantha na isang malaking bangungot lang ang lahat ng nangyari.
Na ang labing limang taon na pananatili nya sa Amerika ay isang panaginip
lang. Na hindi totoong namatay ang kanyang magulang at kapatid, na hindi sya
si Savannah Elizabeth Collins --tagapag-mana ng SEC group of company at isa
sa most wanted na magnanakaw sa buong mundo.
Hindi sya si Savannah, sya si Samantha Fontanilla, fourth year highschool at
nobyo nya ang pinaka-gwapong police cadet sa Pilipinas.
Sigurado syang ngayon pa lang ang araw na ipapa-alam nila ni Joseph ang
kanilang relasyon sa kanyang magulang. Dahil kung hindi panaginip ang buong
labing limang taon, bakit nasa harap nya ngayon si Joseph habang magkayakap
sila at pinagsasaluhan ang isang mainit at mapusok na halik?
Marc-ko.
Hindi na napigilan ni Savannah ang kanyang emosyon at agad na naglandas
ang luha nya sa kanyang pisngi. Inilapat nya ang magkabilang palad sa pisngi
ni Joseph para siguraduhing nasa harap nga niya ang kasintahan, at halos
lumundag ang kanyang puso sa sobrang tuwa nang dumaloy sa kanyang palad
ang init na nagmumula sa nag-iisang lalaking kanyang minahal.
"Samantha." Ungol ni Joseph bago bumaba ang halik nito sa kanyang leeg.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Samantha at agad na inilayo ang
mukha sa mukha ng kasintahan. Parang naalimpungatang kumurap-kurap sya.
Hindi panaginip ang lahat.
Pakiramdam nya ay tumigil ang tibok ng kanyang puso at mabilis na bumalik
sa kanyang alaala ang nangyari noon. Noong iniwan sya ni Joseph sa
panahong kailangang-kailangan nya ito sa kanyang tabi.
'Joseph... tumawag ka ng ambulansya.'
Tandang-tanda nya pa ang likod ni Joseph nang tumakbo ito palabas ng
kanilang bahay para iwanan sya.

Page 64 / 304
StoryDownloader

Mabilis na bumalik ang lahat ng sakit at kirot na naramdaman nya sa loob ng


labing limang taon. Parang napasong agad na tumayo sya mula sa kandungan
ng binata at nanginginig ang tuhod na humakbang paatras hanggang tumama
ang likod nya sa pader ng elevator na sinasakyan nila.
Hindi si Joseph ang kaharap nya.Hindi ang binatilyong itsura ni Joseph ang
nasa harap nya. Hindi ito ang kanyang Joseph.
Ito si Agent Joseph Marco Felizardo III, ang lalaking kinamumuhian nya. Ang
lalaking magdadala sa kanya sa bilangguan kapag nagpadala sya sa kanyang
emosyon.
Hindi rin sya si Samantha Fontanilla. Sya si Savannah Elizabeth Collins at ang
tanging laman ng kanyang puso't isip ay ang paghihiganti sa taong sumira ng
kanyang pamilya at walang puwang sa buhay nya ang lalaking nasa harap nya.
"Savannah."
Lumipad ang tingin nya sa pinto ng elevator at napasinghap sya ng makitang
nakatayo at nakatingin sa kanya si Elisa, katabi nito si Andrew at ang ilang
staff ng kanilang hotel na kapwa nakaawang ang labi.
Pumikit sya at isinuklay ang daliri sa buhok.
Crap!
Humugot sya nang malalim na hininga at iminulat ang mata. Pinlantsa nya ang
suot na damit --na natanggal na pala ang tatlong butones ng hindi man lang nya
namamalayan--gamit ang palad, bago sya tumayo ng tuwid. Sinubukan nyang
wag tapunan ng pansin ang lalaking kanina lang ay kasalo nya sa mainit na
halik. Sa isang delikado at mainit na halik. Muli syang huminga ng malalim
upang kalmahin ang sarili tsaka sya humakbang.
Pero mukhang hindi nagawang pakalmahin ni Savannah ang buo nyang
katawan dahil halos bumigay ang tuhod nya sa paghakbang. Bago pa man sya
matumba at humampas ang mukha nya sa sahig ay naramdaman nyang
gumapos ang braso ni Joseph sa kanyang bewang.
"Okay ka lang?" Tanong nito.

Page 65 / 304
StoryDownloader

Pinigil nya ang hininga at tiningan sa mata ang kaharap. Sa mga mata nitong
walang ipinagbago. Naglandas ang tingin nya sa ilong ng dating nobyo, pababa
sa namumula nitong labi na nalagyan ng lipstick na ginamit nya, hanggang
umabot ang tingin nya sa matigas na dibdib nito, sa dibdib na madalas nyang
sandalan noon. Tahimik na napamura sya sa iba't ibang salitang alam nya, nang
maramdaman ang kakaibang init ng kanyang katawan dahil sa pagkakalapat sa
dating kasintahan at halos magtayuan ang kanyang balahibo nang maramdaman
nya ang epekto nito kay Joseph.
Hindi ikaw si Samantha.
"I'm sorry, what?" Tanong nya na kunwa'y hindi nya naintindihan ang sinabi
nito, na kunwa'y hindi nya naramdaman ang ebidensya ng pagkabuhay ng
libido nito.
Bago pa man makakibo si Joseph ay lumapit na sa kanya si Elisa.
"Savannah, let's go." Kalmadong anito, bagamat alam ni Savannah na malayo
sa pagiging kalmado ang nararamdaman ni Elisa.
Tumango sya at muling humakbang na naging dahilan para bumitaw si Joseph
sa kanya. Nang makaagwat sya sa dating kasintahan ay agad na hinawakan nya
si Elisa sa braso.
Tumaas ang kilay ni Elisa.
"Not now." Bulong nya sa kaibigan at agad na tumalikod.
Bumuntong-hininga si Elisa at inalalayan sya sa paglalakad. Hindi pa man sila
nakakalayo ay,
"Samantha." Kapos ang hiningang sabi ni Joseph, hinuli ng kamay nito ang
kanyang kaliwang braso na naging dahilan para huminto sya sa paglalakad.
Kinagat nya ang kanyang labi para pigilan ang panginginig nito.
"Samantha..." ulit ni Joseph.
Tandaan mong hindi ikaw si Samantha.
Inipon ni Savannah ang lahat ng natitira nyang lakas para pigilan ang sarili na

Page 66 / 304
StoryDownloader

humarap sa binata, yakapin itong muli at siilin ng halik--dahil iyon mismo ang
gusto nyang gawin ngayon, kahit na paulit-ulit nyang sinasabi sa sarili na hindi
na nya mahal si Joseph.
Akma syang haharap sa binata ng maramdaman nya ang paghigpit ng hawak ni
Elisa sa kanan nyang braso.
"I'm so sorry for this trouble, Mister...?"
"Joseph. Agent Joseph." Sagot nito at nararamdaman ni Savannah na sa kanya
nakatingin ang binata.
Tumikhim si Elisa. "Agent Joseph." Ulit nito. "Thank you for, uhh, taking care
of my friend, Savannah. She's a little bit drunk and probably jet lag." Paliwanag
nito.
"Savannah." Ulit ni Joseph na para bang natauhan ito at naisip na hindi nga sya
si Samantha.
Pumikit si Savannah at huminga ng malalim. Nang magmulat muli sya ng mata
ay seryosong humarap sya kay Joseph. Pinilit nya ang sarili na wag pansinin
ang mainit na palad ni Joseph na nakahawak sa kanya braso --ang kamay nito
na kanina lang ay naglalandas sa kanyang katawan, na naging dahilan para
saglit siyang makalimot.
"I am so sorry about..." Hinga ulit ng malalim. "... that. I am clastrauphobic."
Aniya kahit na hindi iyon totoo.
Wala syang claustrophobia. Ang nangyari sa kanya kanina ay dala ng phobia
nya sa dalang baril ni Joseph. Nang sumakay si Joseph sa elevator kanina at
naiwan silang dalawa na magkasama sa maliit na espasyo ng elevator,
pakiramdam nya ay bigla syang nagkaroon ng claustrophobia. Ramdam na
ramdam nya ang presensya ni Joseph sa maliit na espasyong pinagsasaluhan
nila at kahit na gustuhin nyang huminga ay hindi nya magawa. Tuwing
humuhugot sya ng hininga ay nasasamyo nya ang mabangong amoy ni Joseph
na nagiging dahilan para bumalik ang alaala nilang dalawa noon.
Pero nang huminto ang elevator, pakiramdam nya ay titigil na ang tibok ng
kanyang puso. Pagkatapos ay nakita nya ang baril ni Joseph at parang bumalik
sya labing limang taon na ang lumipas nang makita nyang binaril sa kanyang
harapan ang kanyang Papa pagkatapos ay hilahin sya ng kriminal sa kusina at

Page 67 / 304
StoryDownloader

tutukan ng baril.
That was all it took and she was a goner.
Inatake sya ng panic attack at hindi nya inaasahan ang sunod na nangyari.
Hindi nya inaasahang hahalikan sya ni Joseph, hindi rin nya inasahang
sasagutin nya ang halik nito at lalong hindi nya inaasahan na muntik na syang
makalimot.
"Savannah." Bulong ni Joseph na para bang dismayado ito sa pangalan nya.
Mar-ko.
Nakita nya kung paano bumuntong-hininga si Joseph bago nito binitawan ang
braso nya. Pinigilan ni Savannah na salatin ang kanyang braso, ramdam nya pa
ang init ng palad ni Joseph.
"I'm sorry." Isinuklay ni Joseph ang kamay sa buhok at humakbang paatras.
Tumango lang sya bilang tugon bago sya muling tumalikod at naglakad palayo.
Hinawakan nya ang tapat ng kanyang puso. Pakiramdam nya ay muli na
namang kinuha ni Joseph ang puso nya at ngayon ay naiwan na naman syang
sugatan at nag-iisa.
*****
"I love you Samantha. Will you be my girlfriend?" Nakangiti ngunit
kinakabahang anunsyo ni Joseph nang lumuhod ito sa kanyang harapan hawak
ang tatlong gumamela --na alam nyang pinitas nito sa garden ng Mommy
Sylvia nito.
Tinutop ni Samantha ang labi gamit ang dalawang palad at naiiyak na tumango.
"Yes! Hell yes!" Sigaw nya.
Tumayo si Joseph at hinalikan sya sa pisngi. Pakiramdam ni Samantha, sya na
ang pinaka maswerteng babae sa mundo dahil mahal pala sya ng lalaking
mahal nya.
Biglang nagbago ang paligid, nawala sa harap nya ang nobyo at napalitan ng
karumal-dumal na eksena sa loob ng kanilang bahay. Nakahandusay sa sahig
ang kanyang Mommy, nakadapa at naliligo sa sarili nitong dugo.

Page 68 / 304
StoryDownloader

"Mom." Impit na hikbi nya. Humakbang sya papasok pero bago pa man nya
malapitan ang ina ay narinig nya ang ama.
"Samantha, run!" Sigaw nito na sinundan ng putok ng baril. Halos madurog ang
puso nya ng masaksihan ang pagbaril ng isang lalaking nakasuot ng bonet sa
kanyang daddy at tsaka ito humarap sa kanya.
Humakbang siya paatras, nanginginig ang tuhod at nagtatalo ang isip kung
tatakbo ba siya o dadaluhan ang daddy niya na nag-aagaw buhay. Bago pa man
sya makapag desisyon ay mabilis ang kilos na sinunggaban siya ng lalaki.
Hinila nito ang buhok niya at kinaladkad siya papunta sa kusina. Itinutok nito
ang baril sa kanyang sintido na naging dahilan para manginig ang buong
katawan nya habang patuloy syang umiiyak.
"You better pray now, kiddo." Anito.
Gusto niyang pumikit at hayaan na lang na patayin siya nito, pero ni hindi niya
magawang maalis ang tingin sa mga mata ng lalaki. Mayamya pa ay muling
nagbago ang paligid. Nasa harap na sya ng kanyang ama na naliligo na rin sa
sarili nitong dugo.

"Joseph... tumawag ka ng ambulansya." Umiiyak na sigaw ni Samantha sa


kasintahan.
Muling ibinaling ni Samantha ang tingin sa kanyang ama. Kinakapos na ito ng
hininga at may lumalabas ng dugo sa bibig nito. Ginagap nya ang kamay ng
ama at dinala sa kanyang labi.
"Dad! Dad! Daddy. Stay with me. Stay with me please, Dad, wag mo kong
iiwan." Pinunasan nya ang kanyang luha. Lumipad ang tingin nya sa kanyang
mommy at muli syang napahikbi nang makitang wala na itong buhay.
Narinig nyang umiyak ang kanyang bunsong kapatid , pero bago pa man sya
makatayo ay naramdaman nyang pinisil ng daddy nya ang kanyang kamay at
sumenyas ito na tila ba may gusto itong sabihin.

Page 69 / 304
StoryDownloader

Pinunasan nya ang luha at inilapit ang tenga sa labi ng ama.


"Sa---man....tha." Umubo ito bago muling nagpatuloy. "Scor--scorpius... Arion.
Don't--t-trust-anyone, Sammie... I-love-you." Dinala nito ang kanyang palad sa
suot nitong kwintas na hugis krus. "Se--semar--rus. Samantha, Ysabelle."
Bulong nito bago humugot ng mahinang hininga at unti-unting bumitiw sa
kanya.
"Joseph!" Sigaw nya. "Bilisan mo." Nilingon nya ang kasintahan at halos
madurog ang puso nya ng makitang nagtatakbo ito palabas. Impit na napahikbi
sya. "Marc-ko..."
Umiiyak na kinuha nya ang kwintas ng ama. "Dad... dad, please... don't leave
me. Don't..."
Napasinghap sya nang maramdaman na may humawak sa kanyang braso.
Nanlalaki ang matang nilingon nya ang isang hindi pamilyar na lalaki.
"Samantha... we need to go." Sabi nito at walang pag-aalinlangan na binuhat
sya.
"No!" Nagpumiglas sya. "Si Ysabelle... Ysabelle." Sigaw nya.
Lumabas sila sa likod ng kanilang bahay at patuloy syang nagpupumiglas
hanggang sa makarinig sya ng malakas na pagsabog.
Tumigil ang buong mundo nya nang makitang nag-aapoy na ang kanilang
bahay.
"NOOOO!" Humihingal na bumangon si Savannah. Tumingin sya sa paligid at
nang makita nyang mag-isa lang sya sa loob ng kanyang kwarto ay agad na
umiyak sya.
"Dad, Mom... Ysabelle." Umiiyak na niyakap nya ang kanyang tuhod.
Matagal na rin nyang hindi napapanaginipan ang ang pangyayaring 'yon at
alam nyang kaya bumalik sa alaala nya ang lahat ng sakit at kirot ng kanyang
puso ay dahil sa nangyari sa kanila ni Joseph.
Hindi nya alam kung gaano sya katagal na nanatiling umiiyak pero nang
kumalma sya ay agad na bumangon sya at dumiretso sa banyo para maligo.

Page 70 / 304
StoryDownloader

Matapos syang mahimasmasan ay nagbihis sya ng pulang sando at gym short,


dinampot nya ang maliit na tuwalya nya at naglakad palabas ng penthouse.
Sinulyapan nya ang na relo at napangiwi nang makitang pasado alas dos pa
lang ng madaling araw.
Nang huminto ang elevator sa palapag kung nasaan ang amenities ng kanilang
hotel ay agad na bumaba sya.
Dumiretso sya sa gym ng hotel.
"Miss Collins." Bati ng nalasalubong nyang staff ng hotel na agad na nagbukas
ng pinto papasok sa gym.
Binalingan nya ito. "I want to be alone. Don't let anyone in." Aniya kahit na
alam nyang wala namang gagamit ng gym ng ganitong dis-oras ng gabi.
"Yes, miss." Sagot nito.
Humakbang sya papasok at dumiretso kung nasaan nakalagay ang mga
treadmills. Huminto sya sa paghakbang nang makitang may tao nang
tumatakbo sa isa sa mga treadmills.
Pinag-aralan nya ang nakatalikod na lalaki. Wala itong suot na damit pantaas
bukod sa tuwalyang nakasabit sa kanang balikat nito. Malapad ang likod ng
lalaki na nangingintab na dahil sa pawis. Bawat hakbang na ginagawa nito sa
pagtakbo ay nagiging dahilan para gumalaw ang mga muscles nito sa likod.
Bumaba ang tingin nya sa ibabang likuran nito at halos mapakagat-labi sya
nang makita kung gaano ito ka-perpekto.
Para bang naramdaman ng estrangherong lalaki ang presensya nya dahil
inihinto nito ang makina ng treadmill at lumingon sa kanya.
Napasinghap sya.
Namimilog ang matang pinasadahan nya ng tingin ang katawan ng lalaki. Mas
masarap titigan ang matipuno nitong dibdib pababa sa tiyan nitong umaapaw sa
abs. Wala sa sariling binasa nya ng dila ang labi nang makita ang pawisang
katawan nito. Drop-dead-gorgeous.

Page 71 / 304
StoryDownloader

Umakyat ang tingin ni Savannah papunta sa mukha nito at muling tumigil ang
ikot ng kanyang mundo nang makita kung sino ang lalaking kaharap.
Si Joseph Marco Felizardo III.

#######
Thank you for reading!
Hugs, fattie

Page 72 / 304
StoryDownloader

Chapter Ten
Hindi alam ni Joseph kung dahil sa isang oras nyang pagtakbo sa treadmill
kaya bumilis ang tibok ng kanyang puso o dahil sa babaeng nakatayo tatlong
dipa ang layo mula sa kanya.
Iniwan nya si Joker sa control room para mag-gym at pansamantalang mawala
sa isip nya ang mismong babaeng nakatayo sa harap nya ngayon na nagawa
nanng pasukin ang kanyang isip. Pero paano nya aalisin sa isip nya ang dalaga
kung palagi nyang nakikita ito?
Lumunok sya at kahit na alam nyang hindi magandang asal ang tumitig sa
isang tao, ay ginawa pa rin nya. Dahan-dahan nyang pinasadahan ng tingin ang
dalagang kanina lang ay yakap nya sa kanyang bisig. Nakasuot ito ng puting
sando at maikling red gym shorts. Bumaba ang tingin nya mahabang binti nito
hanggang sa kulay puting rubber shoes na suot nito.
Pigil ang hiningang muli nyang ibinalik ang tingin pataas sa maganda nitong
mukha. Sa mukhang kahawig na kahawig ni Samantha. Natural na mapula ang
manipis na labi nito at alam nya kung gaano kalambot at katamis iyon,
matangos ang ilong at kulay tsokolate ang mga mata nito na na lalong
pinapaganda ng mahahaba at mapilantik na pilikmata.
Shit! Aniya sa sarili nang maramdamang nag-iinit nang muli ang kanyang
katawan. Stop ogling her! Hindi sya si Samantha.
Huminga sya ng malalalim at humakbang pababa sa treadmill. Dinampot nya
ang t-shirt na inihagis nya kanina at mabilis na isinuot iyon. Kailangan nya ng
harang sa pagitan nilang dalawa at kung ang manipis na t-shirt ang paraan para
mapigilan nya ang sarili na sunggabang muli ang dalaga, ay handa syang
magsuot ng patong-patong pa nito.
Itinuon nyang muli ang kanyang tingin pabalik kay Sam--Savannah.
"Hi... mag-gy-gym ka?" Tanong nya na agad nyang sinundan ng pagngiwi.
Syempre mag-gy-gym ito. Nasa loob sila ng gym. Ano pa nga ba ang ibang
ginagawa sa isang gym. Biglang sumagi sa isip nya ang nangyari kanina sa
loob ng maliit na espasyo ng elevator. Napalunok sya nang pumasok sa isip nya
na silang dalawa lang din ang nandito sa loob ng gym at marami silang
pwedeng gawin dito mismo sa...

Page 73 / 304
StoryDownloader

Oh, Shut it!


Naiilang na hinawakan nya ang kanyang batok at pailalim na tiningnan ang
dalaga. Parang gusto nyang iuntog ang sarili sa pinakamalapit na pader nang
makita nyang nakatingin lang sa kanya ang dalaga na para bang iniisip nito na
nasisiraan na sya ng bait.
"Uhh--tungkol dun sa--ano.." Nauutal na sabi nya. Shit! Anong nangyayari
sakin, aniya sa sarili.
Natigilan na lang sya ng marinig nyang humagikhik ang dalaga. Awtomatikong
lumipad ang tingin nya dito at nakahinga sya ng maluwag nang makitang
nakangiti na ito.
"I'm sorry. But I don't understand what you're saying." Nakangiting sabi nito.
Noon nya lang napansin na iba nga ang tono nang pananalita ng dalaga na para
bang iba ang lahi nito. At agad na napagdugtong-dugtong nya ang mga
nangyari. Damn! Hindi pala sya naiintindihan nito.
"Oh!" Tumikhim sya at muling hinawakan ang kanyang batok. "I thought
you're--"
"No worries." Ang sabi nito at napasinghap si Joseph nang humakbang ito
palapit sa kanya.
Pinigil nya ang kanyang hininga nang huminto ito sa kanyang harapan. Sa
sobrang lapit nito ay para bang muling nabuhay ang init nang kanyang
katawan.
"Want to help me?" Tanong nito sa kanya.
"Uh... help you with what?" Lumunok sya nang ilapit pa nito ang mukha sa
kanya.
Pigil ang hiningang hinintay nya ang sunod na gagawin nito. Pakiramdam nya
ay huminto ang tibok ng kanyang puso nang halos gabuhok na lang ang layo ng
labi nito sa kanyang labi. Magsisinungaling sya kapag sinabi nyang hindi nya
gustong halikan muli ang dalaga, dahil iyon mismo ang gusto nyang gawin
kasunod nang iba pang bagay na maaari nilang gawin dito sa loob ng gym.
Kaya nadismaya sya nang sa halip na lumapat ang labi nito sa kanyang labi ay

Page 74 / 304
StoryDownloader

sa kanyang tenga ito dumiretso.


"Help me to work-out?" Bulong nito sa kanya.
Pumikit sya at tahimik na napamura sa isip nya. Gaano na ba kadumi ang
kanyang isip na binigyan nya ng ibang kahulugan ang paghingi nito ng tulong.
Huminga sya nang malalim bago sya nagsalita.
"Sure." Aniya.
Humakbang palayo ang dalaga at nakangiting tumingin sa kanya. "Great."
Tumalikod ito at naglakad palapit sa binakante nyang treadmill.
Hindi nya naiwasang pagmasdan ang bawat hagis ng balakang nito sa tuwing
naglalakad. Wala pa syang nakitang babae na ganoon ka-sexy maglakad.
Bumaba ang tingin nya sa maputi at mahabang binti nito at muli syang pumikit.
Bloody hell! Umayos ka Joseph.
Inayos nya ang suot na shorts tsaka sya sumunod kay Savannah. Tinulungan
nya itong buhayin ang treadmill at i-set sa gusto nitong bilis.
"Thanks." Nakangiting sabi ng dalaga bago ito nagsimulang tumakbo.
Ilang minuto pa nyang pinanood muna si Savannah bago nya binuhay ang
katabing treadmill.
Hindi nya alam kung gaano na sila katagal na tumatakbo, kapwa rin sila
tahimik at pakiramdam ni Joseph ay mapapanisan na sya ng laway. Tumikhim
sya at palihim na tiningnan ang dalaga. Halos mawalan sya ng balanse nang
muli nyang makita sa mukha nito ang mukha ni Samantha.
"Shit!" Bulong nya at agad na tumalon pababa sa treadmill bago pa man sya
tuluyang matumba.
"Woah! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Savannah, itinigil nito ang
sariling treadmill at humarap sa kanya.
"Yeah. I'm fine." Sagot nya at bago pa man sya mawalan ng lakas ng loob na
sabihin ang kanina pa nya gustong sabihin, ay agad na nagsalita na sya.
"You--you just remind me of someone I knew." Aniya.

Page 75 / 304
StoryDownloader

Kumurap-kurap si Savannah bago ito ngumiti. "Really? Is she your special


someone?" Tanong nito.
Ngumiti sya. "Yeah. She was." Pero agad ding nawala ang ngiti nya nang
marinig ang sariling salitang binitiwan. Ni minsan hindi nya pa itinuring na
wala na si Samantha sa buhay nya at hanggang ngayon ay espeyal pa rin si
Samantha sa buhay nya. Kaya bakit ngayon madali na lang para sa kanya ang
sabihin na wala na si Samantha? Tiningnan nya sa mata ang dalagang kaharap
at parang alam na nya ang sagot sa sarili nyang tanong. Huminga sya ng
malalim at agad na itinama ang sinabi niya. "She is."
Ngumiti si Savannah. "And I remind you of her? I bet she's pretty." Anito.
Tumango sya. "Yes... she's beautiful." Aniya at pinasadahan ng tingin ang
mukha ng babaeng kaharap. Pawisan na ang dalaga at ang ilang buhok ay
nakadikit na sa mukha nito.
Hindi nya alam kung anong pumasok sa kanyang isip pero namalayan na lang
nya na hinahawi na ng kanyang kanang kamay ang buhok nito.
"Samantha." Bulong nya at dahan-dahang hinimas ang pisngi ng dalaga,
pinadaanan nya ng isang daliri ang mapula nitong labi.
Gusto nyang halikan muli ang dalaga. Yakapin ito at...
"Stop that." Kapos ang hiningang sabi nito at humakbang paatras. "I'm not
Samantha."
Natigilan si Joseph at agad na pumikit sya. Damn it! Ilang beses ba nyang
kailangang ulit-ulitin sa sarili na hindi ito si Samantha.
Nang magmulat sya ng mata ay agad na nadismaya sya nang makitang
dinadampot na ng dalaga ang tuwalya nito bago ito tumalikod at naglakad
palayo.
Ano bang problema mo Joseph?
Bago pa man sya magdalawang-isip ay agad na hinabol nya ang dalaga
hanggang sa mahawakan nya ang kamay nito. "I'm sorry... I didn't---I--"

Page 76 / 304
StoryDownloader

Napasinghap sya ng biglang humarap sa kanya ang dalaga at hinawakan sya sa


kwelyo ng suot nyang damit. Halos tumigil ang tibok ng puso nya nang
maramdaman ang bawat hininga nito sa kanyang kanang tenga.
"It's okay." Bulong nito.
Parang may sariling kamay na gumapang ang kanyang mga braso sa bewang
nito at hinapit ang magandang katawan nito palapit sa kanya.
Gaddammit, Joseph. Anong ginagawa mo?
Naramdaman nyang pumulupot din ang kamay nito sa kanya at halos manigas
ang buo nyang katawan nang halos wala nang pagitan sa kanila.
"But I won't forgive you the next time you call me Samantha." Naramdaman
nyang humaplos ang isang kamay nito sa kanyang likod at halos mapaungol
sya. "Savannah. My name is Savannah."
Pakiramdam nya ay hindi nya kayang magsalita kaya tumango na lang siya
bilang tugon.
"Say it." Sabi nito.
Lalo nya pang hinapit ang katawan nito palapit sa kanya. "Savannah." Aniya.
Narinig nyang tumawa ang dalaga bago sya itinulak nito palayo.
"Remember that, Agent!" Nakangiting sabi nito at hinalikan sya sa pisngi bago
ito humakbang palayo. Naramdaman nya kung paano nawala ang init ng
katawan nito at halos gusto nyang hilahin muli ito palapit sa kanya. "I'd love to
know you better but I need to go. How about a lunch date?" Pilya ang ngiting
sabi nito.
Lumunok sya. "Sounds good." Sagot nya.
"Okay. See you later?" Nakangiting sabi nito bago ito tuluyang tumalikod at
naglakad paalis.
Ilang minuto pang nanatili si Joseph sa kanyang kinatatayuan--habang
nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Savannah--bago sya natauhan.
Lunch? Tumingin sya sa suot na relos at napangiwi nang makitang alas-tres pa

Page 77 / 304
StoryDownloader

lang ng madaling araw.


Isinuklay nya ang daliri sa buhok at muling natigilan nang maalalang ngayong
araw ang auction ng kanyang Mommy Sylvia kaya''t hindi ito ang tamang oras
para makipag-lunch date sya sa isang babaeng kanina nya lang nakilala. Sa
babaeng kahawig na kahawig ni Samantha.
Marc-ko, bilisan mo.
Natigilan sya nang maalala ang huling beses na na nakita nya ang dating
kasintahan. Sumisigaw ito na tulong. Kung alam lang nya na iyon na pala ang
huling beses na makikita nya si Samantha, 'di sana'y hindi nya ito iniwan sa
loob. Inihilamos nya ang palad sa mukha at tumungo.
Iniling nya ang ulo para iwaksi sa kanyang isip ang mukha ni Samantha. Agad
namang napalitan ng imahe ni Savannah ang mukha ni Samantha, at kung
gaano kaperpekto ang katawan nito habang yakap nya ito. At halos muli syang
napamura sa iba't-ibang lenggwaheng alam nya nang makita ang umbok sa suot
na pantalon.
Bloody hell!
**********
"Saan ka galing?"
Halos tumalon ang puso ni Savannah sa gulat at agad na pumihit paharap kay
Elisa. Nakaupo ito sa sofa habang tumitipa sa kaharap nitong laptop.
"Jezus," hinawakn nya ang tapat ng puso at humugot nang malalim na hininga.
"... papatayin mo ba ako sa gulat? Bakit hindi mo binuksan ang ilaw." Aniya at
agad na pinindot ang switch ng ilaw.
Tumaas ang kilay ni Elisa. "What? What happened to you intuition? Hindi mo
man lang namalayan na nandito ako." Seryosong sabi nito.
Bumuntong-hininga sya at naupo sa tabi ng kaibigan. "Pagod lang siguro ako."
Aniya.
Ang nakataas ng kilay ni Elisa ay lalo pang tumaas. "Pagod? O distracted ka?"
Sabi nito at ipinihit paharap sa kanya ang hawak na laptop.

Page 78 / 304
StoryDownloader

Napasinghap sya nang makita nya ang sarili sa screen ng laptop nito habang
yakap nya si Joseph sa gym ng hotel.
Pumikit sya at kinagat ang labi. Shit!
"It's not what you think." Aniya.
Ngumiwi si Elisa at ginusot ang ilong. "Eww... alam mo bang linya lang yan
kapag nagpapaliwanag ka sa jowa mo?" Nadidring kinilabutan ito.
Hinampas nya ito sa balikat. "Yuck."
Tumawa si Elisa bago ito muling nagseryoso. "I hope you know what you're
doing, Sav. Wala sa plano natin na--"
"I know." Tumayo sya at nagpalakad-lakad sa harap ng kaibigan. "I just want
to--" Pumikit sya.
Ano nga bang gusto nya? Kausapin si Joseph at alamin kung talaga bang
nakalimutan na nito si Samantha? Hindi nya alam kung anong pumasok sa isip
nya at nilapitan nya si Joseph. Pero isa lang ang nakumpirma nya ng muli
nyang kausapin si Joseph. At iyon ay ang
malaman na hanggang
ngayon--sakabila ng nga nangyari--ay mahal pa rin nya si Joseph. Mahal na
mahal na halos magsikip ang kanyang dibdib sa sobrang pagmamahal nya rito.
Nagmulat sya nang mata at nang makita nya ang seryosong mukha ni Elisa ay
agad na natauhan sya. Sapat nang inamin nya sa kanyang sarili na hanggang
ngayon ay mahal pa rin nya ang binata at hindi na nya aaminin pa kahit na
kanino ang bagay na 'yon. Kahit pa kay Elisa na itinuturing na nyang kapatid.
"I just wanted to distract him." Aniya.
Tumango si Elisa at muling ibinalik ang tingin sa laptop. "Sana lang hindi ikaw
ang nadi-distract, Savannah. Wag mong sirain ang limang taon nating
pinaghirapan dahil lang gusto mong gumulong sa kama kasama si Joseph."
Halos masamid si Savannah sa sarili nyang laway sa narinig. "My God, Elisa."
"Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko." Tipid na sagot nito.

Page 79 / 304
StoryDownloader

Inirapan nya ang kaibigan at tumalikod para itago ang namumulang mukha.
Dahil hindi man nya aminin ay alam nya sa kanyang sarili na sumagi nga sa
kanyang isip ang bagay na 'yon. Ang makasama si Joseph sa mgadamag, sa
iisang kama, kung saan pwede nilang gawin ang bagay na hindi nila nagawa
noon.
Tumikhim sya at naglakad palayo. "Ewan ko sayo." Aniya padabog na isinara
ang pinto.
**********
"Okay, so that's it." Nakapamewang na humarap sa kanya si Elisa. "Any
question?"
Muling pinag-aralan ni Savannah ang mga exit at invisible points na itinuro ni
Elisa sa projector kung saan nakalagay ang mapa ng buong hotel. Sunod nyang
pinasadahan ng tingin kung saan nakapwesto ang mga security guard at FBISA
agent na nakakalat sa hotel. May apat na dosena ang mga unipormadong bantay
sa gusali at hindi pa nila alam kung ilan ang mga nakasibilyan.
Kinagat nya ang labi at sunod na pinag-aralan ang vault kung saan nakalagay
ang sunod na dyamanteng kukuhanin nya. May finger print security ito at eye
scanner at tanging ang first lady lang ang makakabukas nun. Sa loob naman ay
may heat sensor ang CCTV nito at may mga laser sa buong vault.
Itinuktok nya ang mga daliri sa lamesa.
"Nakuha ba ng tauhan natin ang finger print ng first lady?" Tanong nya.
"Yep." Tumango tango si Elisa at inihagis sa kanya ang isang clear plastic kung
saan nakalagay ang isang prostetic na balat sa hinlalaki.
Tumango sya. "How about her eyes?" Aniya.
Ngumiti si Elisa at muling iniabot sa kanya ang isang maliit na kahon. Nang
buksan nya ito ay napangiti sya nang makita ang contact lens sa loob.
"Hindi mo na kailangang problemahin ang CCTV, alam kong bihasa ka na sa
pag-caumoflage. Ang problema mo na lang ay ang mga laser sa loob. At
Savannah, kaya kang hiwain nun na parang isang karne." Sabi nito.

Page 80 / 304
StoryDownloader

Tumaas ang kilay nya. "Hindi mo ba pwedeng idisarma ang--"


Umiling na si Elisa bago pa man nya matapos ang sasabihin. "No. Ma ti-triger
ang sensor ng FBISA kapag ginawa ko yun." Bumuntong-hininga si Elisa.
"Kung nailagay mo lang sana yung USB na ibinigay ko sayo sa mother board
ng control room." Sabi nito.
Ngumiwi sya. "I'm sorry." Tiningnan nya ang suot na relos at makitang
alas-onse pa langng umaga ay ngumiti sya. Alas-syete pa ang auction at may
oras pa sya.
Tumayo sya at pinasadahan nang tingin ang suot nyang damit. Kulay puting
dress iyon na hanggang hita lamang. Simple at tama lang para sa planong balak
nya ngayon.
"You know what. I can do something about that USB." Nakangiting aniya.
"May lunch date pa kami ni Joseph at pwede ko siguro syang daanan sa control
room." Pilya ang ngiting aniya.
**********
Thank you for reading!
Hugs&Kisses;
fattie.

Page 81 / 304
StoryDownloader

Chapter Eleven
"Iz, nasaan na kayo?" Nakangiting inilipat ni Joseph ang hawak na cellphone sa
kabila nyang tenga at sinenyasan si Joker na mauna nang lumabas. "Susunod na
lang ako." Bulong niya kay Joker. Nang makalabas ang kaibigan ay tsaka
lamang niya muling ibinalik ang atensyon sa kausap.
"On the way na kami nina Mommy. Nandyan na ba si Andrew? Hindi ko pa
sya nakikita. Ang sabi ni Manong Arthur, nakauwi na sya galing sa Amerika.
Hello, kuya, nakikinig ka ba?" Sunod-sunod na sabi ni Ysabelle sa kabilang
linya.
Natatawang naupo sya. "Iz, hayaaan mo munang magpahinga si Andrew. Baka
may jet lag pa 'yun. Magkikita rin naman kayo dito mamaya." Aniya.
Narinig nyang bumuntong-hininga ang kapatid bago ito nagsalita. "Okay. I
guess you're right." Sagot ni Ysabelle bago ito bumulong. "Totoo bang ang
auction ni Mom ang sunod na target nang Lupin?"
Lumunok siya. "Paano mo nalaman yan?" Muli nyang inilipat ang cellphone sa
kabilang tenga at tumayo.
"Relax, kuya. Alam kong top secret ang bagay na yan. Narinig ko lang si Dad
at si Mom." Suminghot si Ysabelle. "Nag-aalala ako kuya, paano kung--"
Bumuntong-hininga siya at isinuklay ang daliri sa buhok. "Don't worry Iz,
walang mangyayaring masama kay Mom, o sayo. I promise."
Narinig nyang nagpakawala nang hininga si Ysabelle bago ito nagsalita. "I
know. Alam kong gagawin mo ang lahat to keep me and mom safe, ang
ipinag-aalala ko, eh ikaw. Kilala kita... at ayokong mawala ka rin--"
Pinilit nyang tumawa para pakalmahin ang nag-aalalang kapatid. "Malabong
mangyari yang sinasabi mo Iz, aattend pa ko sa graduation mo, remember?
Kaya naman--"
Natigilan siya nang maramdamang tila may tao sa paligid na sinundan nang
mahinang kaluskos. Sa halip na magpahalata ay kalmadong tumikhim siya.
"Iz, I need to go. Mag-ingat kayo ha. I-text mo ko kapag nandito na kayo. I
love you." Aniya.

Page 82 / 304
StoryDownloader

"Okay. I love you too, kuya." Sabi ni Ysabelle bago nito pinutol ang tawag.
Dahan-dahan nyang inilapag ang cellphone sa lamesa at pasimpleng sinulyapan
ang screen ng CCTV Camera na nakatutok sa labas ng control room. Naningkit
ang kanyang mga mata nang makita ang babaeng nakatayo sa harap ng pinto,
at dahil nakatalikod ang babae sa camera ay hindi niya makita kung sino ito.
Nang pumihit ang babae na para bang nagdadalawang-isip itong pumasok ay
tsaka lamang siya kumilos.
Dahan-dahang naglakad sya hanggang sa makalapit siya sa pinto. Inilabas niya
ang kanyang baril at huminga nang malalim bago niya binuksan ang pinto.
Mabilis ang mga sunod na nangyari. Hinawakan nya ang braso ng babae,
pinilipit papunta sa likod bago niya inilapat ang mukha nito sa pader.
"Sino ka?" Aniya bago niya itinutok ang hawak na baril sa tagiliran nito.
Naramdaman nya kung paano nanigas ang katawan ng babaeng hawak nya na
sinundan nang mabilis na paghinga nito.
Natigilan sya. Pamilyar ang pabango ng babae at--Shit! Ibinalik niya ang baril
sa lagayan nito sa kanyang likod at ipinihit ang babae paharap sa kanya.
"Savannah?" Napamura siya nang makita ang takot na takot na mukha ng
dalaga at ang umaagos nitong luha."Fûck! Savannah, I'm sorry." Aniya.
Pinahid niya ang luha ng dalaga at hinila ito para yakapin. "Shh! Don't cry. I'm
sorry."
Ilang minuto silang nanatili sa ganoon posisyon bago kumalma ang paghinga ni
Savannah. Hinawakan nya ang balikat nito at dahan-dahang inilayo sa kanya.
"I'm sorry." Ulit niya.
Tahimik na tumango si Savannah at pinahid ang sariling luha. "It's okay. It's
my fault." Anito.
Inalalayan niya ang dalaga papasok sa control room. Hinila niya ang isang
upuan at pinaupo doon ang dalaga. Hinintay nyang kumalma si Savannah bago

Page 83 / 304
StoryDownloader

sya muling nagsalita.


"What are you doing here?" Kumuha sya ng bote ng tubig at iniabot iyon sa
dalaga.
Umaliwalas ang mukha ni Savannah at tipid na ngumiti. "Remember you owe
me a lunch date?" Sabi nito.
Tumingin siya sa suot na relo at hinawakan ang batok. "Damn," bulong niya.
"I'm sorry, I can't. I'm working and--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang tumayo si Savannah at
lumapit sa kanya. Pilya ang mga ngiti nito at kumikinang ang mga mata.
Napalunok siya.
Pakiramdam niya ay aatakihin siya sa puso nang huminto si Savannah sa harap
niya hanggang sa magkalapat na ang mga ilong nila.
"Savannah." Kapos ang hiningang aniya at muling lumunok.
"Shh! You owe me an apology." Ang isang daliri nito ay naglandas sa kanyang
dibdib pataas sa kanyang leeg bago huminto sa kanyang labi.
Damn it!
"Sav--"
"Just kiss me." Mapanuksong bulong nito bago siya itinulak patalikod
hanggang sa mapaupo sya sa lamesa sa kanyang likod.
"Savannah, I don't think--" Hindi na nya natapos ang sasabihin nang lumapat
ang labi nito sa kanyang labi.
*****
Pinigilan ni Savannah ang sarili na itulak palayo si Joseph at tanungin ito kung
sino ang kausap nito kanina sa cellphone. Alam nyang babae ang kausap nito at
halos kumirot ang puso niya nang marinig ang mga katagang sinabi nito sa
kausap. I love you.

Page 84 / 304
StoryDownloader

Paulit-ulit na nag-re-replay iyon sa kanyang isip at paulit-ulit ding kumikirot


ang kanyang puso. Sa kanya dati sinasabi ni Joseph ang mga salitang iyon at
hindi niya akalaing masakit palang malaman na may iba na itong babaeng
mahal.
Parang gusto niyang iuntog ang sarili sa pinakamalapit na pader hanggang sa
matauhan siya. Bakit kayang gibain ni Joseph ang pader na binuo nya sa
kanyang puso? Bakit kaya pa rin syang guluhin ni Joseph, na ni hindi man lang
nya namalayan na nakalapit na pala ito sa pinto kanina, na nagawa syang
tutukan nito ng baril ng hindi man lang nya inaasahan. Dahil itanggi man nya
alam nya sa kanyang sarili na kaya sya umiyak ay hindi dahil sa takot nya sa
baril na hawak ni Joseph kundi dahil nasaktan sya.
At lahat ng iyon dahil lang sa tatlong salitang narinig nya. I love you.
Bago pa man muling maglandas ang luha niya, kagaya nang nangyari kanina
ay muli nyang itinuon ang atensyon sa magkalapat nilang labi.
Kinagat niya ang ibabang labi ni Joseph. Ikinawit niya ang kaliwang kamay sa
batok ni Joseph at hinila ito palapit sa kanya habang ang isa nyang kamay ay
dahan-dahang naglalandas sa computer na nasa likod ni Joseph.
Nang makapa niya ang gilid kung saan pwede nyang ilagay ang maliit na USB
na ibinigay ni Elisa ay maingat na inilagay niya iyon.
Nang makasigurado siyang ayos na ang kanyang ginawa ay agad syang
humakbang paatras kay Joseph.
"That's for forgetting about our date." Ngumiti siya at humakbang paatras.
"How about dinner? Tomorrow night?" Aniya.
Kumurap-kurap si Joseph na para bang wala pa ito sa sariling katinuan. Lalong
lumawak ang ngiti niya nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanyang labi
bago ito tumango. "Sure." Sagot nito.
Inilagay nya ang kamay sa likod at muling humakbang paatras. "Okay. That's a
date then. See yah tomorrow night, Officer." Pagkasabi niya nun ay agad syang
humakbang palabas ng control room at dumiretso sa elevator.
Sakto namang bumukas ang elevator at agad syang sumakay. Pinindot nya ang
buton pababa at nang sumara ang pinto ay agad syang sumandal.

Page 85 / 304
StoryDownloader

"Darn it, Savannah. Wag kang magpadala sa nararamdaman mo." Bulong niya
sa sarili.
Nang tumigil ang sinasakyan nyang elevator sa lobby at bumukas ito ay agad
syang humakbang palabas habang ang isip nya ay nanatili pa ring nakatuon kay
Joseph at sa salitang narinig nyang sinabi nito.
Naiinis na pumikit siya at huminga nang malalim. Nang muli syang magmulat
nang mata at humakbang paliko sa pasilyo ay may nakabanggaan siya.
"Oh my God, I'm sorry." Sabi ng dalaga at agad na pinulot ang mga dala nito
na nagkalat sa sahig.
"No. It's my fault. I'm sorry." Aniya at sinimulang damputin ang mga gamit
nang nakabanggang dalaga. "Are you okay? I'm sor--" Natigilan sya nang
makita ang mukha ng dalagang nasa kanyang harap.
No! Imposible.
Lumunok siya at nanatiling nakatingin sa mukha ng dalagang kaharap. Sa
mukha na kahawig na kahawig ng kanyang ina.
Bago pa man sya muling makapagsalita ay,
"Ysabelle!" Narinig nya ang pamilyar na boses ni Andrew at halos manlamig
ang buo nyang katawan.
Ysabelle? Imposible!
Muli nyang tiningnan ang dalagang kaharap at napasinghap siya ng makitang
nakatingin rin ito sa kanya na para bang pinag-aaralan din nito ang kanyang
mukha.
Kahit na nanginginig ang tuhod niya ay agad na humakbang siya pabalik sa
loob ng elevator. Mabilis na pinindot nya an buton para magsara agad ang pinto
nito.
"Ate Sam..." narinig nyang bulong ng dalaga bago tuluyang sumara ang pinto
nang elevator.
Nanginginig ang mga kamay na sumandal sya sa at hinawakan ang dibdib.

Page 86 / 304
StoryDownloader

"Buhay si Ysabelle. Buhay ang kapatid ko." Naiiyak na bulong niya.


*******
Nang huminto ang elevator na sinasakyan niya sa pent house nya ay agad na
dumiretso sya sa kwartong inookupa nya. Kinuha nya mula sa ilalim ng
kanyang kama ang maleta at inihagis iyon sa ibabaw ng kama. Nagmamadaling
kinuha ni Savannah ang mga gamit nya mula sa aparador at inihagis iyon sa
loob ng maleta.
"Savannah, anong ginagawa mo?" Tanong ni Elisa nang pumasok ito sa kwarto
nya.
Sinulyapan nya lang ang kaibigan at muling ibinalik ang atensyon sa
pag-eempake.
"Savannah." Malakas na sigaw ni Elisa. Hinawakan sya nito sa braso upang
pigilan sya sa ginagawa. "Anong ginagawa mo? Bakit ka nag-eempake?"
"I need to go." Aniya.
"What do you mean?" Tanong ni Elisa.
Uniling nya ang ulo. "Ayoko na, Elisa." Aniya.
"What? What do you mean?"
Pinalis nya ang kamay ni Elisa at muling itinuon ang atensyon sa pagsasara ng
kanyang maleta.
"Pwede ba Savannah. Tigilan mo nga yan. Sabihin mo sakin kung anong
problema."
"Buhay ang kapatid ko Elisa. Buhay si Ysabelle." Aniya.
Natigilan si Elisa at naupo sa kama. "Anong--anong buhay ang kapatid mo?"
Naupo sya sa tabi ni Elisa at yumuko. "Buhay si Ysabelle." Aniya.
Ilang minuto silang tahimik na nakaupo lang. Si Elisa ang unang bumasag ng

Page 87 / 304
StoryDownloader

katahimikan.
"Anong plano mo?"
Kinagat nya ang labi at tumayo. "I don't know. Pero ayoko na."
"Anong ayaw mo na?"
Nagpalakad-lakad sya. "Ayoko na. Ayoko nang gawin ang mga ginagawa ko."
Tumayo si Elisa. "What? Paano ang plano natin. Five years nating pinlano ang
bagay na 'to. Five years, Savannah. Konti na lang makakapasok na tayo sa
Triangle. Alam mong yun lang ang paraan para makilala natin ang killer ng
parents mo, Savannah."
Umiling sya. "Wala na kong pakialam Elisa. Buhay ang kapatid ko at iyon ang
mahalaga para sakin."
Isinara nya ang maleta at ibinaba ito sa kama.
"Anong balak mong gawin ngayon, Savannah? Itapon ang lahat ng
pinaghirapan natin. Kalimutan na ang mga plano natin? Para saan? Para sa
kapatid mo?"
Pumikit sya at hinugot ang kutsilyong nakalagay sa pagitan ng mga binti nya at
inihagis sa pader malapit sa kinatatayuan ni Elisa.
Nang magmulat sya ng mga mata ay galit na tinapunan nya ng tingin si
kaibigan. "Oo, kaya kong iwan ang lahat para sa kapatid ko." Aniya at naglakad
palabas. "Kahit ang saktan ka kapag pinigilan mo ko."
Bago pa pa man sya makasakay pabalik sa pent house ay narinig nya ang boses
ni Elisa.
"Anong gagawin mo? Kikidnapin ang kapatid mo?"
Humarap sya kay Elisa. "Kung iyon ang tanging paraan para makuha ko ulit
ang kapatid ko, then yes. I'm willing to do anything to get her back." Sagot
niya.

Page 88 / 304
StoryDownloader

*********
Thank you for reading!
Hugs&Kisses, fattie.

Page 89 / 304
StoryDownloader

Chapter Twelve
"What are you doing?" Tiim ang bagang na tanong ni Savannah sa apat na
lalaking humarang sa kanya sa undergeround parking lot kung saan nakaparada
ang kanyang kotse. Pare-parehong nakasuot ng itim na amerikana ang mga
lalaki at nahuhulaan na kaagad nya kung sino ang nag-utos sa mga ito
Humakbang palapit sa kanya ang pinaka-malaking lalaki at bumulong. "We've
got an order to keep you inside this premises, Miss Collins."
Binitawan ni Savannah ang hawak na maleta at humalukipkip. Naka-taas ang
isang kilay na pinasadahan nya ng tingin ang mga ito.
"Well, I don't care. Now, if you want to keep your life intact... Get. Out. Of.
My. Way." Tiim ang bagang na aniya.
"I'm sorry Miss Collins but we can't do that." Ani ng isa sa mga ito.
Pumikit siya at nagbilang ng sampu para kalmahin ang sarili. Nang magmulat
siya ng mga mata ay tinapunan nya ng matalim na tingin ang mga ito. "Then try
and stop me if you can." Aniya.
Nang hindi kumibo ang mga ito at nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanya
na para bang anumang oras ay susunggaban siya kapag sinubukan nyang
tumakas, ay agad nyang pinag-aralan ang paligid. Dalawang CCTV camera ang
nakatutok sa kanilang direksyon at sa di kalayuan ay may iba pang mga lalaki
na nakamatan sa kanya at alam na agad nyang napapaligiran sya ng mga ito.
Nagpakawala sya ng mahinang tawa at umiling. "Are you serious? Do I need to
remind you guys that I'm just a woman."
Pinaningkitan ni Savannah ng mata ang lalaking nasa kanyang harap at
humakbang palapit dito. Nakita nya kung paano lumunok ito at pasimpleng
humakbang paatras. Ngumiti sya. Nakaka-tuwang malaman na kahit na mas
marami sila and she was outnumbered, nanatiling takot ang mga ito sa kanya.
Pinindot nya ang earpice na suot at agad na kumunekta ito kay Elisa. "CCTV.
Turn it off." Tipid na aniya.
"It's Henry, isn't it?" Saad ni Elisa sa kabilang linya.

Page 90 / 304
StoryDownloader

"I think so."


Bumuntong-hininga si Elisa. "I knew this was coming. Just try and make it
quick, okay? And please, try not to break their bones."
Ngumiti sya. "No promises." Aniya at pinutol ang tawag bago niya muling
ibinaling ang atensyon sa kaharap. Pinagpag niya ang balikat ng lalaki at
napangiti nang makita kung paano ito nanginig. "Scared? Then why don't you
back off."
Lumunok ang lalaki at tumikhim. "Ginagawa lang namin kung ano ang inutos
sa amin, Miss." Sabi nito at sumenyas sa mga kasamahan nito.
Kagat ang labing tumayo sya ng ayos at tiningnan isa-isa ang mga lalaking
nakapaligid sa kanya. "Why don't we do it my way. One on one. Babae lang
naman ako at wala akong kahit na anong armas na hawak." Ani pa niya.
"I'm sorry, Miss." Paumanhin nito at sinunggaban siya.
Bago pa man siya mahawakan ng isa sa mga barakong lalaki ay agad na nyang
inunahan ang mga ito. Sinunggaban niya ang lalaking nasa harap niya, ipinilipit
ang kamay sa likod at itinulak sa bumper ng kanyang kotse at mahinang siniko
sa batok na naging dahilan para mawalan ito ng malay. Nang maramdaman
nyang susunggaban sya ng isa pa sa mga ito ay agad nyang sinipa ito sa
sikmura, ang isa ay hinawakan nya sa kwelyo ng damit at itinuon doon ang
lahat ng kanyang bigat upang mabigyan nya ng sipa ang isa pa na nasa kanyang
likod.
Mabilis na hinugot nya ang suot nitong belt at ikinawit iyon sa leeg ng lalaking
nagawa syang hawakan sa bewang at agad na itinumba ito.
"Damn it!" Bulong nya nang makitang halos napapaligiran na sya ng mahigit
pa sa sampu. Humugot sya ng malalim na hininga at kinapa ang kutsilyo na
nasa kanyang hita. Muli syang napamura nang maalalang ibinato niya iyon
kanina kay Elisa.
Oh for heaven's sake!
"Savannah. Catch." Narinig nya ang boses ni Elisa at nanlaki ang mata nya ng
ihagis nito ang kutsilyo sa kanyang direksyon. "Oh my God, I'm sorry."
Dugtong pa nito nang bumagsak ang kutsilyo tatlong dipa ang layo mula sa

Page 91 / 304
StoryDownloader

kanya.
Kung wala lang siguro sya sa ganitong sitwasyon ngayon, malamang na
nangingiyak-ngiyak na sya sa pagtawa sa kapalpakan ni Elisa.
Sinulyapan nya ang kutsilyo at kinalkula ang distansya nito sa kanya.
Lumunok sya nang makitang sinundan na isa sa mga lalaki ang direksyong
tinitingnan niya kaya't hindi na sya nag-aksaya ng panahon at mabilis na
tinakbo ang kutsilyo. Nang maunang mahawakan ito ng lalaki ay agad nyang
sinipa ang kamay nito, hinawakan sa braso at ibinalibag. Nang mabitawan nito
ang kanyang kutsilyo ay agad nyang kinuha iyon.
Nang maramdaman nyang may humawak sa kanyang balikat ay hindi na niya
napigilang mainis. "Seriously?" Bulalas niya. Hinawakan nya ang likod ng
kwelyo ng lalaki at ibinalibag ito. Sa gilid nang mata nya ay nakita nya ang isa
pang lalaki na papasugodna sa kanya. Sinalubong nya ang atake nito,
ipinulupot ang kamay nito sa likod at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.
"I said back off." Sigaw niya.
"Savannah, stop it." Umalingawngaw ang maawtoridad na boses ni Henry at
agad na lumipad ang tingin niya sa matandang nagpalaki sa kanya. "What the
heck do you think you're doing?" Galit na dugtong pa nito.
Itinulak nya ang hawak na lalaki at humarap kay Henry. "I should be the one
saying that." Lumapit sya kay Henry at seryosong tiningnan ang matanda. "I
want to quit."
Bumuntong-hininga si Henry at umiling. "Alam mong hindi mo pwedeng
gawin ang gusto mong gawin ngayon, Savannah. Wala na sa atin ang desisyon.
We're one step away from our goals at alam mong hindi ka makakawala. Not
now, Savannah." Sabi nito.
Pumikit sya at kinagat ang labi upang pigilan ang panginginig nito. "Buhay ang
kapatid ko, Henry. Buhay si Ysabelle. Wala na akong pakialam kung hindi ako
makapaghiganti sa taong sumira sa pamilya ko. Ang gusto ko lang kalimutan
ang lahat nang nangyari at mabuhay ng tahimik kasama ang kapatid ko." Kapos
ang hiningang aniya.
Nang manatiling tahimik si Henry ay nagmulat sya ng mata. Nang makita nya

Page 92 / 304
StoryDownloader

ang mata ng matanda ay agad syang napaatras.


"You knew?" Garalgal ang tinig na aniya kasabay ng pagpatak ng kanyang
luha. "All this time na inakala kong patay na ang kapatid ko, na gabi-gabi ko
syang iniiyakan, alam mong buhay sya and you kept it from me." Pinunasan
nya ang luha at muling umatras. "Why?"
Humakbang si Henry palapit sa kanya. Ang sarili nitong mga mata ay
sumasalamin sa nararamdaman nya ngayon.
"Savannah, I'm sorry. Maniwala ka sakin, matagal ko nang gustong sabihin
sayo ang bagay na yan pero--pero pinigilan nila ako. Alam nilang makakasira
sa plano kapag nalaman mong buhay ang kapatid mo." Naluluhang paliwanag
nito.
Galit na umiling sya. "No." Sigaw nya. "Wala na kong paniniwalaan sa mga
sasabihin mo." Pinalis nya ang luha at pinukol ng matalim na tingin ang
matanda.
"Savannah, please anak..." Sabi nito.
"Kung mahal mo ko bilang isang anak, hahayaan mo kong gawin ang bagay na
gusto ko." Umatras muli siya. "And I want an out." Desididong aniya.
Ang hindi pagkibo ni Henry ay itinuring nya bilang pagsang-ayon nito sa
kanyang gusto. Humugot sya nang malalim na hininga at tumalikod. Hindi pa
man sya nakaka-tatlong hakbang ay,
"I'm sorry, Savannah." Narinig nya ang boses ni Henry, kasunod nang pagkirot
nang kanyang kanang balikat. Nagawa pa ni Savannah na humarap sa lalaking
itinuring nyang ama bago sya tuluyang nawalan ng malay.
*******
Mabigat ang talukap ng mata ni Savannah at pakiramdam nya ay hindi nya
kayang imulat ito. Maya-maya ay sinubukan nyang imulat ang mata pero agad
din syang pumikit nang salubungin sya ng nakakasilaw na liwanag. Iniharang
nya ang kayang braso at kumurap-kurap.
Kulay puti ang buong paligid at mag-isa lamang sya . Naupo sya at nang
maramdaman nyang kumirot ang kanyang balikat ay agad nyang hinawakan

Page 93 / 304
StoryDownloader

ang bahaging iyon ng kanyang katawan.


Humugot sya ng malalim na hininga bago nya sinulyapan ang kanyang balikat.
Walang dugo. Bakit pakiramdam nya ay binaril sya.
Biglang nagbago ang paligid at ngayon ay nasa labas na siya ng mansyon nina
Joseph. Namilog ang kanyang mga mata nang makita nya ang labing limang
taon nyang sarili na nagpupumiglas sa mga lalaking nakahawak sa kanya.
Napasinghap pa siya ng biglang dumating si Henry.
Pamilyar sa kanya ang mga pangyayaring ito.
"Gusto kong makita si Marco. Please. Gusto ko lang syang makita." Sabi ng
labing-limang taong si Samantha.
Sumenyas si Henry sa mga kasama nitong lalaki para bitawan siya at iwan
silang dalawa. "Ano pang gusto mong malaman, Savannah--"
"Hindi ako si Savannah. Wag mo kong tawaging Savannah." Sigaw ni
Samantha.
"Two months na ang nakakalipas, Samantha. Dalawang buwan na simula nang
akalain nang lahat na kasama kang namatay ng pamilya mo. Dalawang buwan
na at ikaw na lang ang naiwang nasasaktan. Hanggang kailan mo ba balak na
hawakan ang nakaraan. You need to stop this, hindi na ikaw si Samantha, ikaw
na si Savannah Elizabeth Collins. Kailangan mo nang bitiwan ang nakaraan
alang-alang sa magulang mo."
"No... gusto kong malaman ni Marco na buhay ako. Basta kasama ko sya,
kakayanin kong--"
Natigilan ang labing-limang taong gulang nyang sarili at nakaawang ang mga
labi nito habang nakatingin sa direksyon ng bahay ni Joseph.
Lumunok si Savannah at sinundan nang tingin ang direksyon kung saan
nakatingin ang dalagitang si Samantha.
Halos magsikip ang kanyang dibdib nang muling makita ang eksenang nakita
na nya noon. Nung mga panahong hindi pa nya kanyang tanggapin ang lahat ng
nangyari. Nung mga panahong gusto nyang bumalik sa dati nyang buhay. Nung
mga panahong inisip nyang sya lang ang babaeng mahal ni Joseph. Nung mga

Page 94 / 304
StoryDownloader

panahong inakala nya na may babalikan pa sya.


Nakatayo si Joseph sa harap ng bago nitong sasakyan habang yakap at
kahalikan nito si Naomi. Ang babaeng --alam ni Samantha-- na matagal nang
may gusto kay Joseph.
Umiiyak na naupo sa lupa ang labing limang taong si Samantha habang
hinahampas nito ang dibdib.
Pumikit si Savannah at parang biglang bumalik sa kanya lahat ng galit at poot
na naramdaman nya para sa kasintahan. Bakit ba nya nagawang umasa na may
babalikan pa sya gayung nagawa na syang iwan ni Joseph nung panahong
kailangang-kailangan nya ito.
"Savannah. Wake up. Savannah!"
Nang muli syang magmulat nang mata ay hindi na sya nagulat na malamang
umiiyak na naman sya habang napa-panaginipan niya ang nangyari noon.
Bumangon sya at napangiwi nang maramdaman ang kirot sa kanyang balikat.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang saklolo ni Elisa at inabutan sya ng baso ng
tubig.
"What happened?" Nakangiwing hinawakan nya ang balikat.
Ngumiwi si Elisa. "You've been shot."
Tiningnan nya ang balikat at bumuntong-hininga. "Tranquilizer." Obserba nya
nang makitang hindi gunshot wound ang nasa balikat.
"Yeah." Tumayo ng ayos si Elisa at humakbang paatras. "Someone's here to
talk to you." Bulong nito.
Bago pa man sya makakibo ay bumukas na ang pinto ay mula roon ay pumasok
ang isang babae. Hinubad nito ang suot na salamin bago ipinakita ang dalang
badge.
Napapikit sya at agad na napamura sa iba't ibang salitang alam nya bago sya
tumayo ng ayos at sumaludo.
"I believe we have something to discuss, Agent Collins." Anunsyo nito.

Page 95 / 304
StoryDownloader

######
Ooohhh! So who the hell is that?
Pasensya na sa maikling chapter! Pero naka-ilang drafts na ako and this is the
best cliffhanger I can do.
Thank you for reading, commenting & voting!
Hugs, fattie.

Page 96 / 304
StoryDownloader

Chapter Thirteen
"I believe we have something to discuss, Agent Collins." May kinuha ito sa
bulsa at ipinakita sa kanya ang badge na dala. "Names Sandra Nichols."
Dugtong pa nito.
Lumunok si Savannah at kahit na masakit ang kanyang balikat ay agad syang
tumayo at sumaludo. Ngayon nya lang nakita ang babae sa kanyang harap pero
pamilyar ang pangalan nito. Chief Director/Colonel Sandra Nichols, ang
half-American-half-Filipino na may hawak sa grupo ni Savannah.
Nang maupo ito sa sofa na nasa gitna ng kwarto ni Savannah at sumenyas na
maaari na syang maupo, ay agad syang sumunod. Maya-maya pa ay may
inilapag itong brown envelope sa coffee table na nasa pagitan nila.
"What's that?" Tiim ang bagang na tanong nya.
"Open it and see for yourself." Seryosong sagot nito.
Lumunok si Savannah at dahan-dahang dinampot ang envelope. Muli syang
tumingin sa kaharap bago nya binuksan ang hawak. Para syang sinuntok sa
sikmura nang makita kung ano ang laman nito. Nanginig ang buo nyang
katawan at agad nyang hinawakan ang bibig.
"Natatandaan mo pa ba yan, Agent Collins?" Tanong ng babae.
Paano nya makakalimutan ang bagay na 'yon? Muli nyang sinulyapan ang mga
litrato na hawak nya. Litrato iyon ng kanilang bahay na naabo dahil sa malakas
na pagsabog.
"Why are you doing this?" Galit na sigaw nya.
"You're asking me why?" Ngumiti si Sandra, pero agad ding nabura ang ngiti
nito at naging seryoso. "Dahil balak mong sirain ang limang taon--no, make it
fifteen, dahil balak mong sirain ang labing limang taon na ginugol natin sa
planong ito, Agent Collins."
"Dahil nagsinungaling kayo sakin." Sigaw nya. "Nagsinungaling kayo tungkol
sa kapatid ko." Nanggigil na sabi nya.
"Believe me, Agent, hindi namin ginusto na--"

Page 97 / 304
StoryDownloader

Tumayo si Savannah ay inihagis ang envelope na hawak nya na naging dahilan


para kumalat ang lahat ng laman nito.
Pero sa halip na magalit si Sandra ay kalmadong sumandal ito. "Sixteen years
ago, ini-imbestigahan ng gobyerno ng Amerika ang isang underground
syndicate. Kaso ng human trafficking, child prostitution, black market,
bentahan ng droga, at murder case ang iki-nunekta sa kanila. At sa dami ng
kasong naitala, sa dami ng mga babaeng dinukot, sa dami ng mga napatay, bigo
pa rin ang Amerika na sugpuin ang grupo nila."
Ikinuyom ni Savannah ang kamao. That's it! Hindi man lang ba nila
ipapaliwanag sa kanya kung bakit inilihim nila ang tungkol kay Ysabelle?
Alam na nya ang tungkol sa sinasabi nito. Alam na nya ang tungkol sa Belial
Triangle dahil limang taon nyang pinag-aralan ang grupong iyon.
"Nandito ka ba para lang sabihin yan? Dahil kung yan lang ang dahilan,
matagal ko nang alam ang--"
"Nandito ako para ipaalala sayo kung gaano kalaki ang responsibilidad mo,
Agent." Galit na saad nito. "Kaya bakit hindi ka maupo at pakinggan kung ano
ang sasabihin ko." Dugtong pa nito.
Pinagkiskis ni Savannah ang ngipin at tahimik na naupo. Ilang minuto silang
nag-sukatan ng tingin bago muling nagsalita ang babae.
"Now, where are we..." Inayos nito ang mga litrato na nakakalat sa lamesa at
dinampot ang isa sa mga ito. "As I was saying, sixteen years ago, lumitaw ang
Belial Triangle at sa loob lang ng isang buwan, sila na ang pinaka-malaking
grupo ng sindikato sa buong mundo."
Iniharap nito sa kanya ang isang papel kung saan naka-imprenta ang simbolo
nang Belial. Isang tarantula na nasa loob ng itim na bungo.
"At dahil kalat na, hindi lang sa Amerika, kundi sa buong panig ng mundo ang
ginagawa ng grupong ito, bumuo ang gobyerno ng Amerika ng grupo na
binubuo ng mga beteranong sundalo galing sa iba't ibang bansa na magiging
undercover agents para mapasok natin ang Belial. Tinawag silang Scorpius."
Parang muling kinapos nang hininga si Savannah. Scorpius. Paulit-ulit na

Page 98 / 304
StoryDownloader

narinig nya ang huling salitang binitawan ng ama. Scorpius. Arion. Itinuon ni
Savannah ang siko sa kanyang tuhod at yumuko.
"Matapos ang anim na buwan, isang miyembro ng Scorpius ang nagtagumpay
na mapasok ang Belial at--"
Impit nang humikbi si Savannah. Hindi pa man natatapos ni Col. Nichols ang
sasabihin nito, ay alam na nya kung sino ang sundalong tinutukoy nito.
"It's my dad, right?" Umiiyak na tanong nya.
"Lieutenant Lucas Fontanilla a.k.a, Arion." Sagot nito. "You're right, Savannah.
It's your dad." Kumpirma nito.
Ang impit na iyak nya ay naging hagulgol. Hinawakan nya ang tapat ng dibdib
at mahinang hinampas-hampas iyon. "Daaad..." paulit-ulit na bulong nya.
"I'm sorry, Savannah." Malungkot na sabi nito.
Kinagat nya ang labi at sinubukang kalmahin ang sarili. Nang tumigil ang
paghikbi nya ay nag-angat sya nang tingin. "Is that the reason why--" Humikbi
sya. Hindi nya kayang sabihin.
"Yes Savannah." Sagot nito sa tanong nya. "Iyon ang dahilan kung bakit
pinatay ang magulang mo."
Lumunok sya at kinagat ang kanyang labi para pigilan ito sa panginginig. "Tell
me more."
"Nag-undercover ang Daddy mo sa drug cartel na hawak ng Belial. Naging
paborito sya ng mga drug lord dahil isa syang sundalo na may mataas na
posisyon. Akala namin iyon na ang magiging daan para makilala na natin ang
lider ng grupo, pero--" Humugot nang malalim na hininga si Colonel Nichola at
umiling. "Nagkamali kami. February 14, 2000--tumawag sya sa amin para
sabihing may naka-kilala sa kanya sa loob ng drug cartel, nalaman na isa syang
undercover agent at nagpadala ng death threat sa pamilya nyo."
Tumayo si Sandra at nagpalakad-lakad na para bang hindi nito kaya ang sunod
na sasabihin. "Sinabi namin sa Dad mo na i-evacuate na ang lugar, na
nagpadala kami ng back-up at handa na ang lahat para makalabas kayo ng
Pilipinas."

Page 99 / 304
StoryDownloader

Umawang ang labi ni Savannah at pakiramdam nya ay pinag-sakluban sya nang


langit at lupa.
Natatandaan ni Savannah ang umagang 'yon nang gisingin sya ng kanyang
ama. Balisa ito habang inihahagis sa maleta ang ilang gamit nya.
"Dad... anong meron? Bakit--bakit nag-eempake kayo?"
Isinara ng daddy nya ang maleta at hinawakan ang kanyang kamay. "Samantha,
listen--kailangan nating umalis. Handa na ang papeles natin, pupunta tayo ng
Amerika at--"
"What?" Binitawan nya ang kamay ng ama. "Dad... what do you mean?"
"Just listen to me, sweetie... please, Sam... wag ka nang magtanong."
Kasalanan nya ang lahat. Kung nakinig lang sana sya sa ama, kung hindi sana
sya tumakas para lang pumasok sa school at makipag-kita kay Joseph. Kung
sinunod nya lang ang ama, hindi sana nangyari ang lahat ng 'to. Baka sakaling
buo pa ang pamilya nya.
Hindi na napigilan ni Savannah ang sarili at muling bumuhos ang luha nya.
Hinampas nya ang dibdib.
"Kasalanan ko... kasalanan ko kung bakit namatay ang pamilya ko." Sigaw nya.

"I'm sorry, Savannah." Narinig nyang sabi ni Colonel Nichols. "Alam ko kung
anong nararamdaman mo ngayon kaya--"
"No. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, hindi mo
maiintindihan kung--"
"Alam ko Savannah, dahil nawalan rin ako ng pamilya nang dahil sa kanila.
Nawalan ako ng asawa at anak ng dahil sa kanila, kaya wag mong sabihing
hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo. Dahil hindi lang ikaw ang
nawalan." Sigaw nito.
Natigilan si Savannah at nang sulyapan nya ito ay hindi na sya nagulat nang
makita ang pangangatal ng kamay nito.

Page 100 / 304


StoryDownloader

"Kaya nga alam ko na ikaw ang tamang tao para sa trabahong 'to, Savannah.
Kinuha ka namin, binigyan ng bagong identity, dumaan sa matinding training
para maging magaling na agent... and now, ikaw na ang pinaka-magaling na
undercover agent ng CIA at ikaw ang bagong daan para mapasok natin ang
Belial," naglakad ito palapit sa lamesa at inayos ang iba pang litrato. Litrato
iyon ng mga bagay na ninakaw nya. "...dahil ikaw si Lupin."
Pumikit si Savannah. Tama ang lahat ng sinabi nito. Dumaan sya sa lahat ng
klase ng training para lang pasukin ang Belial Triangle. Pinalabas nila na na isa
syang independent courier na nag-nanakaw kapalit ng pera at nagawa nyang
nakawin ang security data ng Amerika.
Pagkatapos n'on ay naging sunod-sunod ang mga kliyente nya. Pinalabas nila
na isa na sya sa most wanted criminal na tinutugis ng FBI at CIA na naging
dahilan para maging interesado sa kanya ang Belial Triangle. At ang half moon
diamond na i-au-auction ng first lady ng Pilipinas ang huling ticket nya para
mapasok ang pinaka-malaking underground syndicate.
Huminga sya nang malalim at pinunasan ang pisngi gamit ang likod ng
kanyang palad. "I'm sorry." Bulong nya.
Muling naging seryoso ang mukha ni Colonel Nichols. "Savannah, malapit
nang matapos ang statute of limitation para sa kaso ng magulang mo at kapag
nangyari 'yon--"
"I know." Putol nya sa sasabihin pa nito.
"Kaya Savannah, hindi ka pwedeng mag-back out sa plano na to. Tandaan mo,
isa kang CIA at nangako ka na gagawin mo ang lahat para mapagtagumpayan
'to. Gawin mo to para sa pamilya mo."
"I know and I'm sorry. Nabigla lang ako nang malaman kong buhay si
Ysabelle." Aniya.
"Kapag natapos mo ang misyon na 'to, nangangako ang gobyerno ng Amerika
na ito na ang huling assignment mo at hahayaan ka na naming makasama ang
kapatid mo." Seryosong sabi nito.
Tumango sya. Para bang nakahinga ng maluwag si Colonel Nichols sa narinig.
Ilang minuto silang tahimik bago ito muling nagsalita.

Page 101 / 304


StoryDownloader

"Savannah, nung araw bago mamatay ang Daddy mo, may ipinadala syang
secret code sa amin. Nang ma-decode namin ang sinabi nya, nalaman namin na
may kasabwat na mga opisyal ang Belial sa loob ng FBI at CIA. Sinabi rin nya
na may mga pulitiko at opisyal ng batas dito sa Pilipinas ang pumo-protekta sa
grupo. Sinabi nya na kailangan nyang sabihin ng personal samin ang
impormasyong iyon dahil wala syang ibang pwedeng pagkatiwalaan. Pero
hindi na namin naabutang buhay ang Daddy mo. Alam kong naitanong na
namin sayo 'to dati, Savannah... pero wala ba talagang sinabi sayo ang Daddy
mo bago sya namatay."
Pumikit si Savannah. Nang una syang tanungin ng mga ito ay inilihim nya ang
tungkol sa sinabi ng ama dahil wala syang tiwala sa mga ito. Pero iba na ang
sitwasyon ngayon, kung ang huling salitang sinabi ng Daddy nya ang magiging
daan para malaman nila kung sino ang pumatay sa pamilya nya, handa syang
sabihin ang lahat ng sinabi ng ama bago ito binawian ng buhay.
Scorpius, Arion.... Semarus
"Semarus." Bulong nya.
Tumingin sa kanya si Colonel Nichols na parang hinihintay pa nito ang iba
nyang sasabihin.
Bumuntong-hininga sya. "I'm sorry. Pero iyon lang ang natatandaan ko."
"It's okay, Savannah." Muli itong naupo at dinampot ang envelope. May kinuha
pa itong papel sa loob. "May kailangan ka pang malaman."
Lumunok sya. Hindi maganda ang kutob nya sa sasabihin pa nito. Ibinuka nya
ang labi para magsalita pero walang salitang lumabas. Itinikom nya ang bibig at
pigil ang hiningang hinintay na magsalita ang kaharap.
"Hindi kami sigurado kung tama ang hinala namin, pero--" Inilatag nito sa
lamesa ang hawak na papel. "Sya ang huling naka-usap ng Daddy mo nang
sabihin nyang may naka-kilala sa kanya sa loob ng drug cartel."
Napasinghap si Savannah.
Nanlaki ang mga mata nya habang nakatingin sya sa litrato na nasa harap nya.

Page 102 / 304


StoryDownloader

"Kaya hindi namin sinabi sayo na buhay si Ysabelle. Dahil alam namin na
kapag nalaman mo na buhay ang kapatid mo, pipilitin mong bumalik dito sa
Pilipinas para kuhanin sya at masisira ang lahat ng plano natin."
"What do you mean? Paanong--I mean--bakit hindi nyo pwedeng sabihin sakin
na buhay ang kapatid ko? Anong--" lumunok sya at hinawakan ang kanyang
leeg. "Anong kinalaman ni Ysabelle sa taong yan?"
"Savannah. Sya ang umampon sa kapatid mo."
"What?" Kapos ang hiningang aniya.
"At kung tama ang hinala namin na may kinalaman sya sa pagkamatay ng
Daddy mo, magiging delikado ang buhay ni Ysabelle kapag nalaman ng taong
yan na buhay ka."
Muling nagsikip ang dibdib ni Savannah at habang nakatingin sya sa litrato na
naka-imprenta sa papel na nasa harap nya ay parang gusto nyang masuka.
Dahil sa harap nya ay para bang nanunuya na nakatingin sa kanya ang isang
taong itinuring na nyang pangalawang ama.
Si Joseph Marco Felizardo Jr.
Ang presidente ng Pilipinas at ang tatay nang nag-iisang lalaking minahal nya.
#####
Oh my! Sumakit ang ulo ko. Anong masasabi nyo sa nakaka-dugong
rebelasyon?
Basta ako gusto kong magpasalamat sa inyo.
T
hank you so much for reading, commenting & voting
Hugs, fattie.

Page

103

304
StoryDownloader

Chapter Fourteen
See yah tomorrow night, Officer.
Ikinuyom ni Joseph ang kamao at tiim-bagang na muling itinuon ang atensyon
sa sinasabi ng tiyuhin. Inisa-isa nito ang lahat ng mga bagay na dapat nilang
tandaan sa gagawin nilang paghuli kay Lupin.
Alam ni Joseph na bilang lider ng grupo at commanding officer, ay dapat na
pagtuunan nya nang pansin ang bawat detalye. Hindi biro ang gagawin nila. Isa
si Lupin sa pinaka-kilalang magnanakaw sa mundo at isang patunay dito ang
malaking halagang nakapatong sa ulo nito. Kagabi, nalaman nilang posibleng
may mga iba pang grupo galing sa iba't-ibang panig ng mundo ang pumuslit sa
gagawing charity auction, hindi para nakawin ang half-moon diamond, kundi
para hulihin si Lupin dahil sa malaking halagang iyon.
Alam nyang hindi lang basta misyon ang gagawin nila. Isa itong malaking
responsibilidad para sa bayan. Misyon na kailangan nyang pagtuunan nang
buong atensyon. Pero sa halip na mag-focus sya ay paulit-ulit na naririnig nya
ang boses ni Savannah.
See yah tomorrow night, Officer!
Hindi ang nakatagong pangako sa binitiwan nitong salita ang naririnig nya. O
ang mga bagay na pwede nilang gawin bukas ng gabi at lalong hindi ang imahe
nila sa iisang kwarto habang mag-kayakap at pawisan nilang isinisigaw ang
pangalan ng isa't-isa.
Isa lang ang naririnig nya sa sinabi nito na patuloy na gumagambala sa kanya.
Officer!
Salitang madalas na tawag sa kanya ni Samantha noong nalaman nitong gusto
nyang maging pulis. Officer Joseph Marco Felizardo III. Pakiramdam nya ay si
Samantha ang narinig nya kanina at walang kinalaman doon ang pagiging
magkahawig nilang dalawa. Dahil alam ni Joseph na mawalan man sya ng
paningin, makikilala't-makikilala pa rin nya si Samantha.
"... kill order authorized--"
Natigilan sya sa narinig mula sa tiyuhin at padabog na inihampas ang kamay sa

Page 104 / 304


StoryDownloader

lamesa.
"What?" Hindi makapaniwalang aniya. "Authorized by whom?"
Seryosong ang tinging ipinukol sa kanya ni Marcus. "Iyon ang order na
ibinigay sa atin. We are authorized to kill Lupin on sight."
Binuksan nya ang bibig para muling magsalita pero natigilan sya nang makita
ang tinging ipinukol sa kanya ng tiyuhin. Para bang sinasabi nitong, Wag
ngayon, Joseph.
Ikinuyom nya ang kamao at pinilit na lunukin ang nararamdaman na galit.
Hindi nya gusto ang naging utos nang nakakataas sa kanila. Isang malaking
asset si Lupin kung mahuhuli nila itong buhay. Marami silang impormasyong
mapipiga dito kung sakali. At isa pa, alam ba ng gobyerno nang Amerika ang
tungkol sa utos na 'yon?
Pinagkiskis nya ang ngipin at bago matapos ang tactical meeting nila ay halos
hindi na nya maramdaman ang panga. Hinintay muna nyang makalabas ang
buong team at nang maiwan silang dalawa nang tiyuhin ay tsaka nya ito
kinompronta.
"What the hell was that? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagong order?"
Tumayo si Marcus at tinapik sya sa balikat. "Hindi ko rin alam kung bakit
inilabas ang order na yan, Joseph. Pero wala tayong magagawa kundi ang
sumunod." Tinapik syang muli ni Marcus sa balikat bago ito humakbang
palabas ng silid.
Ilang sandali pa syang naiwang tulala bago sya natauhan. Mabilis na hinabol ni
Joseph ang tiyuhin. Naabutan nya ito bago tuluyang sumara ang sinasakyang
elevator.Humihingal na iniharang nya ang kamay para pigilan ang pagsasara ng
pinto at serysong tiningnan ang tiyuhin.
"Who gave that order?" Tanong nya kahit alam na nya ang sagot sa sariling
tanong.
"Order's from our president." Sagot nito.
Umatras sya at nang tuluyang nang sumara ang pinto nang elevator ay
nanghihinang napahawak sya sa pader.

Page 105 / 304


StoryDownloader

Galing sa Daddy nya ang utos? Pero bakit? Inihilamos nya ang palad sa mukha.
Bakit naglabas ito ng shoot to kill order? Matagal na syang miyembro nang
FBISA at sa limang taong 'yon ay hindi pa sila nagkaroon ng OP na naglabas
ng shoot to kill order. Wala maliban ngayon. Hindi nya alam kung bakit
nagbaba ng ganoong utos ang kanyang ama, pero pakiramdam nya ay may
ibang agenda ito.
Iniling nya ang ulo. Hindi iyon ang kailangan nyang problemahin ngayon. Ang
kailangan nya ay ituon ang buong atensyon sa misyon at para magawa nya
iyon, kailangan muna nyang burahin ang gumugulo sa kanya.
Mamaya na nya po-problemahin ang shoot to kill order o kung susunod sya sa
utos. Sa ngayon, may iba syang kailangang unahin.
Kinuha nya ang cellphone sa bulsa at idiniyal ang numero nang kaklase at
kaibigan nya noon sa PNP Academy na si Ryan, Chief Superintendent na ito sa
isa sa mga ahensya ng pulisya.
"Bok,kamusta na?" Bati nito.
"Ryan, bok, pwede ba kong humingi ng pabor?" Bungad nya sa kaibigan.
Tumawa ito. "It's been what? Six years at yan ang bungad mo? Okay, let's hear
it."
Huminga sya nang malalim. Hindi nya alam kung bakit ngayon lang nya naisip
ang tungkol sa bagay na'to.
"Pwede mo bang tingnan para sa'kin ang kaso ng pamilya ni Samantha? Lahat
ng impormasyon, bok. Kung sino ang nag-kumpirma sa mga bangkay at--"
Lumunok sya. "...kung ilang bangkay ang nakuha nila?"
"Okay. No problem, bok. Give me half an hour and I'll call you back." Anito at
pinutol ang tawag.
Kalahating-oras. Anong pwede nyang gawin sa loob ng kalahating-oras para
hindi sya mabaliw sa paghihintay ng resulta?
Sakto namang tumunog ang hawak nyang cellphone. Tawag mula sa kanyang
Mommy Sylvia. Niluwangan nya ang suot na necktie bago nya sinagot ang

Page 106 / 304


StoryDownloader

tawag.
"Mom?"
"Hon, nandito kami sa cafè de Elicia ng hotel. Bakit hindi mo kami samahan
mag-meryenda ng Daddy mo?"
Hinilot nya ang sintido. "I'm sorry, Mom but you know I can't. Busy kami ng
team ko sa--"
"Oh, shush! I won't take no for an answer. Alam kong busy ka, pero hindi mo
man lang ba kami pwedeng bigyan kahit na katiting na oras. Isang buwan na
tayong hindi nagkikita. Hindi mo man lang ba nami-miss ang Mommy mo?"
Damn! Kapag ganitong ginagamit na nang mommy nya ang
'hindi-ka-ba-naguguilty?' na boses nito ay wala na syang lusot.
"Okay,

okay,

"Aww,

thanks

"Mmmm-mmm."

fine.
hon.

Give

me

five

Oh,

and

Joseph..."

Tinatamad

na

minutes."

Aniya.

aniya.

"Pwese bang ayusin mo ang sarili mo. Kasama namin ang may-ari ng SEC
Hotel at ang sabi nya ipapakilala nya ang kanyang unica hija and guess what,
hindi nagkakalayo ang edad nyong dalawa. Isn't it fabulous?"
Bumuntong-hininga sya, okay, siguro umungol sya na parang galit na aso. "Not
again, Mom."
Tawa mula sa kanyang ina ang huli nyang narinig bago nito pinutol ang tawag.
******
"Why don't you join them?"
Itinaas ni Savannah ang kilay at hinawakan ang suot nyang bagong hearing
device. Mas maliit ito--para hindi makita ng iba--at nakadikit lang sa may
bukana nang kanyang tenga.
"You're really starting to creep me out, Elisa." Natatawang bulong nya.

Page 107 / 304


StoryDownloader

Nahuhula-hulaan na nyang naka-upo si Elisa sa malaking kama nito habang


pinapanood sya sa monitor gamit ang security camera ng hotel.
"Oh please... hindi ka pa ba sanay? Isipin mo na lang kunsensya mo ko. Now
back to my question. Bakit hindi ka maglakad at maupo kasama nila kaysa para
kang stalker na nagmamasid d'yan. Kanina ka pa tinitingnan ng isang
naka-sibilyang FBISA." Anito.
Hindi sya kumibo at sa halip ay muli nyang ibinalik ang tingin sa lamesang
inookupa ng mga Felizardo kasama si Henry. Walang tao sa loob ng cafè
maliban sa first family at sa paligid ay nagkalat ang presidential security.
Iginala ni Savannah ang tingin at hindi na sya nagtaka na makita ang mga
naka-civilian na FBISA na naka-kalat sa ground floor ng hotel.
Muli nyang ibinalik ang tingin sa loob ng cafè. Nakita nya kung paano tumawa
si Ysabelle sa sinabi nang itinuturing nitong ama at agad na kumirot ang
kanyang puso. Hindi nya alam kung anong mas masakit, ang malaman na
inampon si Ysabelle nang taong pumatay sa magulang nila o ang makitang
masaya ang kapatid nya kasama ang taong iyon.
Ikinuyom nya ang kamao. Lumipat ang tingin nya kay Joseph na walang imik
na nakaupo sa tabi ni Ysabelle at halos lumundag ang puso nya nang dumako
ang kanyang tingin sa labi nito.
Damn it!
Pinilit nyang tanggalin ang mata kay Joseph at sa labi nito at agad na tiningnan
ang taong pumatay sa magulang nya.
Ano kayang magiging reaksyon ng presidente ng Pilipinas kapag lumapit sya?
Ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita ang taong inakala na nitong
patay na.
Ikinuyom nya ang kamao nang maalala ang pag-uusap nila ni Chief Director
Sandra Nichols.
"Bakit kailangan kong lapitan ang taong pumatay sa pamilya ko?"
"Agent, do you know what they say about our enemy?" Nakangiting tanong ni
Sandra.

Page 108 / 304


StoryDownloader

Lumunok sya.
Ngumisi ito. "We should keep them closer."
Right! Keep your friends close and your enemies closer.
At iyon mismo ang gagawin nya. Gamit ang kamay ay pinlantsa nya ang suot
na puting knee-length-halter-dress na tinernuhan nya ng puting pumps, sunod
ay ipinagpag nya ang kamay para pigilan ang sarili na ikuyom iyon at suntukin
ang presidente ng Pilipinas, sunod ay huminga sya nang malalim tsaka sya
humakbang.
"Goodluck, Savannah." Anunsyo ni Elisa sa kanyang tenga na sinagot nya ng
ngisi nang tumingin sya sa security camera nang cafè de Elicia.
Si Henry ang unang nakakita sa kanya nang makapasok sya sa loob ng cafè.
Agad na tumayo ito at ngumiti.
"Oh, here's my daughter. Savannah come and join us." Anunsyo nito.
Tumayo ang lahat at lumingon sa direksyon nya. Nakita nya kung paano
namilog ang mata ni Joseph Jr, kung paano umawang ang labi ni Sylvia, kung
paano natigilan si Ysabelle at kung paano natulala si Joseph Marco nang
makita sya. Ipinaskil nya ang pinaka-maganda nyang ngiti at lumapit kay
Henry.
"Dad." Bati nya. "I'm sorry, I'm late." Aniya at hinalikan sa pisngi si Henry.
Ngumiti si Henry at ibinaling ang atensyon sa mga kausap nito. "Mister
President, Madam First Lady, Ysabelle, Joseph, this is my daughter, Savannah
Elizabeth Collins." Pagpapakilala nito sa kanya.
Tumingin sya sa ama ni Joseph at inilahad ang kamay. "Mister President, it's a
pleasure to meet you." Aniya na sinundan nya nang matamis na ngiti.
Ilang minuto pang nanatiling nakatingin sa kanya ang ama ni Joseph bago nito
tinanggap ang nakalahad nyang kamay. "The pleasure is mine." Anito.
Sunod nyang kinamayan ang mommy ni Joseph. "It's a pleasure to meet you
too, Madam."

Page 109 / 304


StoryDownloader

Tiningnan muna ni Sylvia ang nakalahad nyang kamay, ilang minuto pa ang
lumipas bago nito tinanggap ang kanyang pakikipag-kamay. "I--I'm sorry. I
know I'm being rude but you really look like--"
Ngumiti sya at inunahan na ang sasabihin pa sana ng first lady. "Samantha?
Yah. Someone already told me I look exactly just like her." Tiningnan nya si
Joseph at lalo pa nyang niluwangan ang kanyang ngiti.
"Oh." Nabura ang ngiti ng first lady at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila
ni Joseph. "You already met my son?"
"Fortunately, yes, we already did" Aniya at kahit na halos dumagundong ang
puso nya ay ibinaling nya ang atensyon kay Ysabelle. Parang estatwang
nakatingin lang ito sa kanya.
Pinilit nya ang sarili na ngumiti at ilahad ang kamay dito. "I see. So, you're
Samantha, right? I'll admit, we really do look--" Napasinghap sya at ni hindi na
nya nagawang tapusin ang sasabihin nang yakapin sya ni Ysabelle.
Gusto nyang yakapin din ang kapatid. Gusto nyang hawakan ang kamay nito,
sabihin kung gaano nya ito kamahal at mangako na hinding-hindi sya papayag
na magkawalay muli sila.
Pero sa halip, ay nanatili syang walang imik. Ni hindi sya kumikilos.
Maya-maya ay kusang bumitiw na si Ysabelle. Nakangiti ito kahit na may
pumapatak na luha sa mga mata nito. "Oh my God, I'm sorry. I don't know
what came over me. I just--" Ngumiti ito at pinahid ang luha. "I just want to do
that. You look like my sister." Anito.
Huminga sya ng malalim at ngumiti. "It's okay. It's nice to meet you, Ysabelle."
Masiglang tinanggap ni Ysabelle ang kamay nya at malawak ang ngiting
tumingin sa kanya. "Can I call you ate Savannah?"
Kinagat nya ang labi. "Of course." Nangangatal ang boses na aniya.
"Ate Savannah." Masayang sabi ni Ysabelle na parang tinetesting pa nito ang
tunog nang kanyang pangalan.
Lumunok sya at ngumiti. Nang mag-angat sya ng tingin at mahuli nyang

Page 110 / 304


StoryDownloader

nakatingin sa kanya si Joseph ay halos manlambot ang tuhod nya.


Hindi dahil natutunaw sya sa malagkit at nag-iinit na tingin nito, kundi dahil
para bang sinasabi nitong, I got you. I knew it's you, Samantha.
Na sinabayan pa ng boses ni Elisa sa suot nyang hearing device. "You got
caught, Savannah."
* * * * * *
"Are you okay?" Tanong ni Sylvia sa anak nang tumayo at umalis sina
Savannah at Ysabelle para magpunta sa ladies' room. Naiwan silang tatlo ng
kanyang magulang, matapos ding magpaalam ni Henry.
Tiningnan ni Joseph ang ina at pinilit ang sarili na ngumiti. "I'm fine."
Malungkot na tumingin sa kanya ang ina at hinawakan ang kanyang kamay.
"Alam ko kung anong iniisip mo, Joseph. At uunahan na kita bago ka pa
gumawa ng bagay na ipagsisisi mo. Hindi sya si Samantha, son." Anito.
Tumango sya kahit na ang totoo ay hindi sya sang-ayon sa sinabi ng ina.
Malakas ang kutob nyang iisa lang si Savannah at Samantha. Nakita nya kung
ano ang mga emosyong naglaro sa mukha ni Savannah nang yakapin ito ni
Ysabelle kanina. Nakita nya sa mga mata nito kung gaano nito kagustong
yakapin din si Ysabelle.
Aaminin nyang nabigla sya nang ipakilala ni Mr. Henry Collins si Savannah
bilang anak nito. Lahat ng pagdududa nya na si Savannah at si Samantha ay
iisa, ay biglang nabura. May sariling pamilya si Savannah, may ama at baka
nga may mga kapatid pa ito. Pero nang makita nya kung paano tiningnan ni
Savannah si Ysabelle ay muling nabuhay ang kanyang hinala.
"Why don't you get back to work and focus on your mission." Sabat ng
kanyang ama sa maawtoridad na tinig nito.
Ikinuyom ni Joseph ang kamao at sinalubong ang tingin ng ama. Hindi nya
alam kung kailan sila huling naka-usap ng ganito? O kung kailan sila nag-sama
sa iisang lugar?
Biglang sumagi sa isip nya ang nangyari noon, labinglimang taon na ang
nakakalipas, nang makita nya ang kanyang ama na lumabas sa isang motel

Page 111 / 304


StoryDownloader

kasama ang isang babae. Simula noon ay hindi na naging maganda ang
relasyon nya sa ama at hindi na nya matandaan kung kailan sila huling
nag-usap.
Ilang beses nyang gustong komprontahin ang ama pero kahit gaanong
karaming lakas na loob ang ipunin nya ay hindi nya magawa. Ilang beses na din
nyang gustong sabihin sa kanyang Mommy Sylvia ang tungkol doon pero sa
tuwing nakikita nya na magkasama ang kanyang mga magulang at nakikita nya
sa mga mata ng ina kung gaano nito kamahal ang kanyang ama ay pinipigilan
nya ang sarili.
Tumayo sya at tiim ang bagang na tiningnana ang ina. "Maiwan ko na kayo,
Ma. Sabihin mo na lang kay Ysabelle." Humalik sya sa pisngi nito bago sya
tumalikod.
"Joseph." Narinig pa nya ang boses ng ama pero hindi na syang nag-abalang
lumingon pa. Dire-diretso syang lumabas ng cafè.
Huminto lang sya sa paglalakad nang maramdaman nyang nagvi-vibrate ang
kanyang cellphone. Dinukot nya ito mula sa bulsa ng pantalon at natigilan sya
nang makita kung sino ang tumatawag.
Nanginginig ang kamay na sinagot nya ang tawag.
"Bok." Bati nya.
"Nagawa ko nang ipinapagawa mo, bok." Anito. "Listen, kaibigan kita kaya
ginawa ko to, pero sana walang ibang makaalam na sa'kin nanggaling ang
bagay na'to."
Lumunok sya. "Oo, bok."
"Joseph, damn, mabibigla ka sa sasabihin ko. According sa DNA match galing
kay Ysabelle, pamilya nya talaga ang nakuhang bangkay sa pagsabog. Pero
matapos ayusin ang mga narecover na mga buto, dalawang bangkay lang ang
sinasabing nakuha sa crime scene."
Hinigpitan nya ang hawak sa cellphone. "Sino-sino ang bangkay?"
Tumikhim muna si Ryan bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayon sa files na
nakuha ko, ang dalawang bangkay na narecover ay pagmamay-ari ng

Page 112 / 304


StoryDownloader

mag-asawang Victor at Luisa Fontanilla. Bok, hindi nakuha ang bangkay ni


Samantha. Ayon sa imbestigasyon, sinabing maaaring dahil sa lakas ng
pagsabog kaya hindi nila narecover ang buto ni Samantha."
Pinagkiskis nya ang ngipin. "Sino ang nagkompirma sa mga bangkay?"
"Your dad."
Hinawakan nya ang sikmura at nanghihinang humawak sa pader. Natatandaann
nya kung ano ang sinabi sa kanya ang ama noong gabing 'yon.
I'm sorry son, pero kasama si Samantha sa pagsabog. Wala na sya.
Iyon ang eksaktong salitang sinabi ng kanyang ama. Ito rin ang nag-asikaso ng
burol at pagpapalibing sa tatlong bangkay na nakuha sa pagsabog.
Ikinuyom nya ang kamao. Bakit nagsinungaling sa kanya ang ama?
Muli nyang itiniim ang bagang at huminga nang malalim bago sya umikot
pabalik sa loob ng cafè pero hindi pa man sya nakakapasok sa loob ay nakita
nya si Savannah at Ysabelle. Kalalabas lang ng mga ito ng banyo at isang lalaki
ang sumalubong kay Savannah.
Nakita nya kung paano umaliwalas ang mukha nito, kung paano ito nagtatakbo
palapit sa lalaki at kung paano ipinulupot ni Savannah ang braso sa leeg ng
binata at kung paano naglapat ang labi ng mga ito.
At pakiramdam ni Joseph, puso naman nya ang namatay.
#####
Sorry guys! Medyo natagalan ang update.

Anyways, thank you for reading, commenting and voting!

Hugs, fattie.

Page 113 / 304


StoryDownloader

Page 114 / 304


StoryDownloader

Chapter Fifteen
"You have to distract him."
Lumunok si Savannah at pumikit. Itinuon nya ang siko sa kanyang tuhod at
sinapo ang noo. Gusto man nyang sagutin ang sinabi ni Elisa ay hindi nya
magawa. Nasa loob sya ng isa sa mga cubicle ng ladies' room at nasa kabilang
cubicle lang ang kapatid nyang si Ysabelle.
Mabilis lang syang nagustuhan ni Ysabelle at alam nyang dapat na matuwa sya
dahil d'on. Pero ni hindi nya makausap si Ysabelle nang ayos dahil ramdam na
ramdam nya ang bawat tingin sa kanya ni Joseph. Natatakot syang malaman ni
Joseph na sya si Samantha at wala syang ideya kung bakit.
"We intercepted his phone call and--" binitin ni Elisa ang sasabihin. Hindi na
nya kailangan pang tanungin kung sino ang tinutukoy ng kaibigan.
"And?" Bulong nya.
"He was asking his friend about your case fifteen years ago," Tumigil si Elisa
at nang muli itong magsalita ay halos tumigil ang ikot ng kanyang mundo. "...
at Savannah, nakuha nya ang sagot na gusto nyang marinig. Hindi kasama ang
bangkay ni Samantha sa na-recover sa pagsabog. At this rate, posibleng
naghihinala na sya na ikaw si Samantha."
Nangatal ang kanyang labi at agad nyang kinagat iyon. Muli syang humugot
nang malalim na hininga para kalmahin ang nagwawala nyang puso.
"What--what am I going to do?" Bulong nyang ulit kahit na alam nyang
imposibleng hindi sya marinig ni Ysabelle.
"You have to distract him, Sav. I got you covered." Anito. Hindi na nya
nagawang itanong kung ano ang tinutukoy nito dahil agad na ring nagsalita si
Elisa. "Zack is here."
Tumango sya kahit na alam nyang hindi sya nakikita ng kaibigan.
"You know what to do, right?" Dugtong pa ni Elisa na muli nyang sinagot nang
pagtango.
"Ate Savannah?" Narinig nya ang boses ng kapatid at agad syang tumayo,

Page 115 / 304


StoryDownloader

kunwari ay may nag-flush sya ng toilet bago nya binuksan ang pinto. Ipinaskil
nya ang ngiti at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay.
"Are you--okay?" Nag-aalalang tanong ni Ysabelle.
Tumango sya dahil iyon lang ang kaya nyang isagot. Pakiramdam nya
nakadikit na ang dila nya sa taas ng kanyang bibig.
Ilang saglit pa syang pinagmasdan ni Ysabelle. Kagat-kagat nito ang labi at
halatang gusto pa sanang magtanong, pero sa halip ay ngumiti ito at isinukbit
ang braso sa kanyang braso.
"Let's go." Anito.
Kahit na dumadagundong ang puso nya ay pinilit nya ang sarili na humakbang.
Nang makalabas sila ng banyo ay nakita na nya kaagad si Zack.
Kaswal na nakasandal ito sa pader at nang magtama ang mga mata nila ay agad
na ngumiti ito. Sa sulok nang kanyang mga mata ay nakita nya si Joseph,
nakatingin ito sa direksyon nila ni Ysabelle.
Huminga sya nang malalim. Nang makaipon sya ng sapat na lakas ng loob ay
nakangiting tiningnan nya si Ysabelle.
"My boyfriend is here." Aniya at muling tumingin kay Zack na naglalakad na
palapit sa kanila. "Excuse me." Dugtong pa niya bago nya binitawan ang
kapatid.
Pinilit nya ang sarili na ngumiti at nagtatakbo palapit kay Zach. Pakiramdam
nya ay isa syang artista sa isang low-budget na pelikula at kailangan nyang
galingan para mapaniwala nya ang mga manonood nila.
"Zack." Masayang aniya bago nya niyakap ang kapwa agent na si Zack.
Ipinulupot nya ang braso sa leeg ng binata at idinampi ang labi sa labi nito.
Ilang beses na nilang ginawa ang bagay na 'to sa kanilang mga under cover
assignment at balewala lang sa kanilang dalawa ang paglalapat ng kanilang
labi. Madalas na magpanggap silang mag-asawa o di kaya ay magkasintahan at
kasama sa trabaho nila ang maging intimate sa isa't isa kung kinakailangan.
Trabaho lang. Isang madaling pagpapanggap.
Pero iba ang sitwasyon ngayon. Dahil ang taong kailangan nyang papaniwalain

Page 116 / 304


StoryDownloader

ay ang nag-iisang taong hanggang ngayon ay laman pa rin ng kanyang puso.


Nang alam nyang sapat na ang palabas na ginagawa nila ni zack para
ma-distract si Joseph, ay agad nyang pinutol ang halik. Agad nyang ikinawit
ang braso sa braso ni Zack.
"Let's go, please." Nanginginig ang boses na bulong nya kay Zack.
Tumango ito at sabay silang naglakad papunta sa direksyon ng elevator. Ni
hindi na nya nagawa pang magpaalam kay Ysabelle o kaya naman ay palihim
pang sulyapan si Joseph. Hindi nya kayang tingnan ang mga ito at magpanggap
pa na ayos lang sya, na masaya sya, na hindi sya si Samantha at hindi nya
mahal ang mga ito.
Humugot sya ng malalim na hininga. Gamit ang kanang kamay ay hinawakan
nya ang leeg ng suot nyang damit kung saan nakalagay ang device para marinig
ni Elisa ang mga sinasabi nya.
"Elisa..." aniya.
"Hmmm?" Tipid na sagot nito.
"Ikaw nang bahala kay Ysabelle. Keep an eye on her. If hell break loose in this
mission, itakas mo ang kapatid ko." Bulong nya.
"Savannah..." Nagdadalawang-isip na sabi ni Elisa, na para bang alam nito na
may hindi magandang mangyayari sa misyon nila.
"Please Elisa... ikaw nang bahala sa kapatid ko."
Nang makapasok sila sa elevator at sumara ang pinto nito ay agad nyang
isinubsob ang mukha sa leeg ni Zack at inilabas ang lahat ng luha na dala ng
kirot ng puso nya.
******
Ikinuyom ni Joseph ang kamao na naging dahilan para bumabaon sa palad nya
ang kanyang mga kuko. Wala syang pakialam kung dumugo man ito dahil alam
nyang hindi nya mararamdaman ang sakit n'on. Dahil hindi iyon maikukumpara
sa kirot na nararamdaman ng puso nya ngayon. Para bang may dumukot sa
kanyang puso at walang habas na pinagbabaril iyon at itinapon sa sahig.

Page 117 / 304


StoryDownloader

Mas malala pa sa sakit na naramdaman nya nang makita nyang nilalamon ng


apoy ang mansyon nina Samantha.
Mas malala pa sa sakit na kanyang naramdaman nang hindi man lang nya
pwedeng makita ang bangkay ni Samantha nang iburol nila ang mga labi nito.
Mas malala pa sa sakit na naramdaman nya nang pinipilit nyang kalimutan si
Samantha sa pamamagitan ng iba't-ibang babaeng kasama nya mawala lang ang
kirot ng kanyang puso.
Dahil mas masakit palang malaman posibleng si Samantha pala si Savannah
Elizabeth Collins at may ibang lalaki na sa buhay nito.
Nang mag-awat ang labi ni Savannah at nang lalaking kahalikan nito ay tsaka
lamang nya nalaman na pinipigilan nya pala ang paghinga.
Nang tumalikod si Savannah at maglakad ito palayo kasama ang lalaki ay
humakbang sya para sundan ang mga ito. Hindi nya alam kung bakit, pero
awtomatikong humakbang ang mga paa nya na para bang may sariling isip ang
mga ito.
Pero hindi pa man sya nakaka-tatlong hakbang ay naramdaman nyang
nag-vibrate ang kanyang cellphone. Kinuha nya ito sa bulsa at nang makitang si
Wilson ang tumatawag ay agad nyang sinagot.
"Joker?" Aniya.
"Are you secured?" Tanong nito.
"No."
"Then secure it."
Nangunot ang noo nya pero agad din nyang sinunod ang sinabi nito. May
pinindot sya sa kanyang cellphone para walang maka-intercept ng tawag nya.
Kailangan nilang i-secure ang tawag para walang makarinig ng pag-uusapan
nila kung sakali mang may taong naka-tap sa kanyang linya.
"Done. What is it?" Tanong nya.

Page 118 / 304


StoryDownloader

"Mukhang may nakapasok sa control room... may bug tayo sa mother board."
Napamura sya. "Damn! Okay, pabalik na ko, wag nyong pakialaman yan,
hahanapin natin kung kanino yan."
Pinutol nya ang tawag at malalaki ang hakbang na nilapitan ang kapatid.
Matapos nyang bilinan ang kapatid na bumalik na sa suite ng inookupa ng first
family ay agad syang nagtatakbo para bumalik na sa control room.
Kailangan muna nyang ituon ang buong atensyon sa misyon at kapag natapos
nila ito ng ayos ay tsaka nya kokomprontahin si Savannah. At sa pagkakataong
'yun, sisiguraduhin nyang hindi na nito maitatanggi ang katotohanan.
*****
Napangiwi si Elisa nang mawala ang kuneksyon nya sa tawag na pumasok sa
cellphone ni Joseph. Agad nyang kinuha ang laptop at muling sinubukan na
i-hack ang top secret information para sa assignment ng FBISA, nang hindi sya
namamalayan ng mga ito.
Bata pa lang sya ay sisiw na para sa kanya ang mga ganitong bagay. Eleven
years old sya nang makagawa sya ng isang program na kayang kayang i-hack
kahit na ang pinaka-mahigpit na security system. Iyon ang dahilan kung bakit
sya tinawag na genius at ang dahilan kung bakit bata pa lang sya ay
pinag-aagawan na sya ng mga kilalang sindikato at ng iba't ibang gobyerno.
Ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay nya noon. Kung hindi
siguro dahil kay Savannah ay matagal na syang patay. Utang nya ang buhay
nya kay Savannah at alam nyang kung malalagay sa panganib ang buhay nito
ay handa syang gawin ang lahat maprotektahan lang ang taong itinuring na
nyang kapatid.
"Aza!" Nakangiting pumalakpak sya nang mabuksan nya ang files ng FBISA.
Pinagkiskis nya ang kamay at pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat.
Umawang ang labi nya at halos mawalan ng pakiramdam ang buong katawan
nya na naging dahilan para malaglag ang laptop nya sa sahig at mawasak ito.
Huminga sya nang malalim.
Ilang minuto pa syang nanatiling tulala bago muling bumuhos ang adrenalin
nya sa katawan. Tumayo sya at agad na nagtatakbo papunta sa silid ni Henry.

Page 119 / 304


StoryDownloader

Hindi na sya nag-abalang kumatok pa, at mabilis na itinulak pabukas ang pinto.
Nag-angat ng tingin si Henry mula sa ginagawa nito at kunot-noong tumingin
sa kanya.
"What is it?" Tanong nito.
"They have an order to shoot Lupin on sight." Bulalas nya, ang kamay nya ay
nanginginig sa galit.
"I know." Sagot ni Henry at muling ibinalik ang atensyon sa kung ano mang
ginagawa nito.
"You knew? You knew and you're still here like it wasn't a big deal?" Sigaw
nya. "We are the freaking CIA, Savannah is our best agent and--" Huminga sya
nang malalim at ikinuyom ang kamao. "Sabihin mo sa FBI Secret Alliance na
CIA tayo. Na nandito tayo para pasukin ang Belial. Lupin was just a front and
they have to withdrew that fucking order to shoot Lupin on sight."
Tumayo si Henry. "We can't do that and you, of all people, should know that.
This is a secret mission and it's a protocol to keep it that way."
"I don't give a damn about that stupid protocol. We should--"
"Elisa." Maawtoridad na sabi ni Henry. "We can't. Hindi natin alam kung may
spy ang Belial sa loob ng FBISA. Tandaan mong may mga opisyal na
pumoprotekta sa Belial. Hindi natin pwedeng i-jeopardize ang misyon dahil
lang takot tayo sa order na inilabas nila. Siguro inilabas nila ang order na yan
para malaman kung totoo ba si Lupin, o ginawa lang sya ng gobyerno ng
Amerika para mapasok ang grupo nila."
"Hindi natin pwedeng isugal ang buhay ni Savannah para lang sa haka-haka
mo, Henry."
"Wag mo nang alalahanin si Savannah. Ako nang bahala sa kanya. Sinisigurado
ko sayo na walang mangyayaring masama sa kanya. Hindi ko hahayaang
mapahamak sya. Alam mong para ko na syang tunay na anak. Para ko na
kayong anak."
Ikinuyom ni Elisa ang kamao.

Page 120 / 304


StoryDownloader

"Siguraduhin mo lang Henry. Alam mo ang kaya kong gawin. At gagawin ko


ang lahat para lang masiguradong ligtas si Savannah." Tumalikod sya at
padabog na isinara ang pinto.
Nang makabalik si Elisa sa kanyang silid ay napamura sya nang makita ang
wasak nyang laptop. Bumuntong-hininga sya at binuksan ang kanyang maleta
para kumuha ng bagong laptop.
Ang hindi alam ni Elisa, habang nag-uusap sila ni Henry ay may dalawang tao
rin sa loob ng isang suite nang hotel ang seryosong nag-uusap. Lingid sa kanya,
na habang hinihintay nyang bumukas ang bago nyang laptop at habang inaayos
nya ang lahat ng monitor na gagamitin nya mamaya para sa gagawin nila ni
Savannah ay may dalawang taong nakaligtas sa pagmamasid nya.
"Kill her." Ani ng isa at inilapag ang litrato ni Savannah sa lamesa.
Dinampot ng kausap nitong lalaki ang litrato gamit ang kaliwang kamay na
bahagyang sunog ang balat. Sinadya nitong sunugin ang kamay para tanggalin
ang dating tattoo sa likod ng palad. Tattoo na nakita ni Joseph noon sa kanya.
"Bakit ko sya papatayin?" Tanong nito.
Tawa ang isinagot nito. "Bakit? Tinatanong mo kung bakit?" Nabura ang ngiti
nito at napalitan ng galit. "For a simple reason na kahawig sya ng anak ng
taong kinamumuhian ko."
"Kailangan ko bang--"
"Yes... gawin mo yan kung ayaw mong sayo ko ibuhos lahat ng galit ko. Kill
her. Now." Sigaw nito at dali-daling umalis ang lalaki dala ang litrato ni
Savannah.
#####
As promise, heto na ang update. Sana po ay nagustuhan nyo.
At kung nagustuhan nyo po ang update, sana po subukan nyong basahin ang
Oneshot Christmas Entry ko, ang Grown Up Wish List
(HAHAHA, shameless plugging)
As always, from the bottom of my heart, thank you for reading!

Page 121 / 304


StoryDownloader

Hugs, fattie

Page 122 / 304


StoryDownloader

Chapter Sixteen

"Let's scrap plan A. Looks like we have a genius hacker on board." Anunsyo ni
Hack, isa sa mga miyembro ng FBISA at magaling na hacker.
Hinimas ni Joseph ang baba, at tumango.
"I think you're right. Let's proceed to plan B." Aniya.
"Anong gagawin natin dyan?" Inginuso ni Chop ang USB na nakakabit sa
mother board ng control room.
Ngumisi si Hack. "Well. It's a bait. Aakalain nilang nabingwit nila tayo but
we're going to used it the other way around. Tayo ang bibingwit sa kanila."
Pinagkiskis nito ang kamay at sinimulan ang pagtipa sa keyboard ng laptop na
para bang nasasaniban ng ninja ang mga daliri nito.
Tahimik na naupo lang si Joseph sa sulok. Wala sa ginagawa ng kasama ang
atensyon nya kundi sa kung sino ang naglagay ng USB? Sino ang nakapasok
at-Natigilan sya. Kung meron mang nakapasok dito sa control room, ay si
Savannah yun. Posible nga kaya? Si Savannah.
Parang lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ni Joseph. Hindi pa man masyadong
natatanggap ng utak nya ang posibilidad na buhay si Samantha at ang
impormasyon na inilihim iyon ng ama, ay heto't may panibago na naman syang
problema. Paano kung si Savannah nga ang nagmamanman sa kanila? Ibig
bang sabihin nito ay kasabwat ni Lupin si Savannah?
Hinilot nya ang sintido.
"Oookay! Gotcha!" Anunsyo ni Hack at agad na nagtayuan ang lahat para
tapikin sa balikat ang kasamahan.
Tumayo si Joseph at tiningnan ang laptop ni Hack. Nagawang malocate ni
Hack kung nasaan ang kalaban. Kinapa nya ang baril na nakasukbit sa tagiliran
at tumingin sa mga kasamahan.
"Okay, men. Mukhang mahuhuli na natin si Lupin bago pa man magsimula ang

Page 123 / 304


StoryDownloader

auction." Anunsyo nya at agad na inilatag ang plano sa gagawing operation.


******
Tahimik na nakamasid si Savannah sa labas ng bintana at nakatingin sa
kawalan. Sa tabi nya ay panay ang pindot ni Elisa sa keyboard ng computer
nito na para bang wala nang bukas.
Sinulyapan nya ang suot na relo at agad na napangiwi nang makitang tatlong
oras na lang ang meron sila bago magsimula ang auction. Tatlong oras pero
hanggang ngayon ay hindi pa rin sya naiingling kumilos.
Bumuntong-hininga sya at tumayo. Naglakad sya sa kusina at binuksan ang ref.
Nagtalo pa ang isip nya kung alin sa bote ng beer at tubig ang kukuhanin. Pero
agad din nyang dinampot ang huli. Hindi sya pwedeng uminom ngayon dahil
importante ang misyong ito. Hindi pwedeng ipagsawalang bahala nya ang
plano. Sinimulan ito ng Daddy nya noon kaya tatapusin nya. Sisiguraduhin
nyang sya mismo ang huhuli sa taong pumatay sa kanyang magulang.
"You know... there's one thing that escapes your attention."
Agad na pumihit si Savannah nang marinig ang boses ni Zack. Nakatayo ito sa
may pinto ng kusina at magka-krus ang braso sa tapat ng dibdib.
"And what is that?" Taas ang kilay na aniya.
"Kung buhay si Ysabelle... sa palagay mo, paano sya nakaligtas?" Anito.
Natigilan sya. Hindi nya naisip ang tanong na yun. Kung buhay ang kapatid
nya ibig sabihin...
Napahawak sya sa tiyan. Pakiramdam nya ay may sumuntok sa sikmura nya.
"Oh God! Si Marco--" bulong nya.
Tumango si Zack at umayos ng tayo.
"Yeah. He loves you and I know you still love him." Ani Zack at tumalikod na.
Naiwan syang nakatulala, muntik pa nyang nabitawan ang hawak na bote ng
tubig kung hindi lang sya agad na napakapit sa mesa.

Page 124 / 304


StoryDownloader

All this time na kinamumuhian nya si Joseph dahil sa pang-iiwan nito sa


kanya--sa akala nyang pagtalikod nito sa kanya--yun pala ay iniligtas lang nito
si Ysabelle.
Pumikit sya at hinawakan ang tapat ng puso. Paano nya nagawang pag-isipan
ng masama si Joseph gayung alam nyang mahal na mahal sya nito. Kung nakita
man nyang nasa bisig ng iba si Joseph, alam nyang paraan iyun ng binata para
gamutin ang puso sa pag-aakalang patay na sya.
"Ooh, Marco." Napahikbi sya. Hindi makapaniwalang ilang taon nyang
kinamuhian ang lalaking mahal.
Nasa ganoong posisyon sya nang biglang sumigaw si Elisa. Agad syang
naalerto at parang bulang nawala ang lahat ng iniisip at mabilis na tinakbo ang
paglabas sa kusina.
Halos napa-awang ang labi nya nang madatnan ang kaibigan.
Ngiting-ngiti si Elisa habang nakatingin sa screen ng computer nito.
"We got 'em. They took our bait." Nakangising tumingin ito sa kanya. "Akala
ba nila ganung kadali lang nila ko mahuhuli?" Tumawa ito.
Lumapit sya sa kaibigan at sinilip ang screen ng computer nito.
"Talagang inilagay natin ang USB na yun as dummy. Ngayon, akala nila nahuli
na nila tayo. I'm sending them somewhere kung saan magagamit nila ang mga
baril at posas nila." Anunsyo pa nito at ngumisi.
Sa kabila ng lahat ay nagawa nyang ngumiti sa ginawa ni Elisa. Mas madali
nyang matatapos ang misyon, mas madali syang makakabalik sa piling ng
kapatid at nang lalaking mahal.
Ibinaling nya ang atensyon sa iba pang screen na isinet-up ni Elisa kung saan
kunektado ang bawat CCTV sa gusali. Naagaw ang atensyon nya nang makita
si Joseph na lumabas ng control room kasunod ang mga kasamahan nito.
Pinanood nya nang biglang dumating ang tiyuhin ni Joseph, at tila may sinabi
sa pamangkin na ikinagalit nito. Ilang minuto pang nag-usap ang dalawa bago
sinuntok ni Joseph ang pader sa huling sinabi ng tiyuhin.

Page 125 / 304


StoryDownloader

Sabay-sabay na sumaludo ang mga FBISA agents sa Tito ni Joseph bago


tumalikod at naglakad paalis. Nakita nyang may huli pang sinabi si Joseph sa
tiyuhin bago ito tumalikod at naglakad sa ibang direksyon na pinuntahan ng
mga kasama.
Napalunok sya.
No, Savannah! Don't even think of it! Aniya sa sarili.
Pumikit sya at nang magmulat nang mata ay agad nyang sinulyapan ang suot na
relo. Two hours and half na lang ang natitirang oras bago ang auction. Mahaba
pa ang oras na yun para sa balak.
Bago pa man sya magdalawang isip ay hinubad nya ang earpiece na suot at
padabog na ipinatong sa mesa sa harap ni Elisa.
"Turn it off." Isinenyas nya ang screen kung saan nakatutok ang camera kay
Joseph.
Nagsalubong ang kilay ni Elisa.
"Anong plano mo?" Anito.
Bago sya sumagot ay hinubad nya ang suot na relo at muling inilapag sa mesa.
Sunod ay ang suot nyang hairpin at pendant. Kinapa nya pa ang sarili at pilit na
inalala kung anu-ano pang gadgets ang ibinigay sa kanya ni Elisa.
Nang makuntentong natanggal na nya lahat ay tsaka nya tiningnan ang
kaibigan.
"Kung may masama mang mangyayari sa akin mamaya, ayokong pagsisihan na
hindi ko man lang nayakap si Marco sa huling pagkakataon." Aniya.
Namilog ang mata ni Elisa at tumayo.
"Don't tell me--"
Ngumiti sya at muling isinenyas ang CCTV.
"No peeking, Elisa." Aniya at tsaka nagtatakbo palabas ng silid.

Page 126 / 304


StoryDownloader

Dali-dali syang sumakay ng elevator. Pinindot ang palapag kung nasaan si


Joseph. Nang muling bumukas ang pinto at makita nyang pasakay na sa
kabilang elevator si Joseph ay agad syang humakbang.
Mabilis na kinabig nya si Joseph bago pa man ito makasakay at itinulak
hanggang sa lumapat ang likod nito sa pader.
Tila nabigla naman si Joseph.
"What--" Hindi na nya ito pinatapos sa pagsasalita at sa halip ay sinelyuhan nya
ang labi sa pamamagitan ng halik.
Nang mag-agwat ang kanilang labi ay diretsong tiningnan nya sa mata ang
lalaking hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nya.
"Kiss me." Aniya na tinuldukan nya nang, "Marc-ko."
######
Hi pips! I'm back. Pasensya na at natagalan. Tinapos ko lang ang isa sa mga
story ko but yeah... nandito na ulit ako.
So, anong masasabi nyo sa chaptie na to? Pasensya na at sobrang maiksi. Yan
lang ang kinaya ko. Hahaha.
Anyway, thank you for reading!
Hugs, fattie.

Page 127 / 304


StoryDownloader

Chapter Seventeen
***Sorry for the long wait but tada..here's an update for all of my readers out
there whose patiently waiting for this chapter. Hope you guys like it and happy
reading.***
Chapter Seventeen
"Please." Sabi ni Savannah at bago pa man makasagot ang binata ay agad
nyang sinunggaban ito ng halik.
Pinagapang nya ang kamay sa balikat ni Joseph, pababa sa dibdib hanggang sa
maabot nya ang dulo ng suot nitong t-shirt. Itinaas nya ang damit ng dating
kasintahan at doon muling pinagapang ang kanyang kamay.
"Christ!" Tiim-bagang na sabi ni Joseph bago nito hinuli ang kamay nya. Akala
ni Savannah ay pipigilan sya ng binata sa ginagawa. Pero nang itulak sya nito
sa pader at ilagay sa taas ang kanyang magkabilang kamay ay agad syang
nakahinga nang maluwag.
"Room." Bulong nya.
Pero parang walang narinig si Joseph at agad na siniil sya ng halik sa labi,
pababa sa kanyang leeg, habang itinutulak ang katawan para lalo silang
magkalapit.
"Marco." Bulong nya nang sipsipin nito ang balat sa taas ng kanyang kanang
dibdib. "Pleasee...."
Halos magmakaawa na sya kay Joseph para lang maibsan ang init na
nararamdaman.
Pero sa halip na gawin ni Joseph ang gusto nya ay naramdaman ni Savannah na
tumigil ito sa ginagawa. Impit syang napaungol sa protesta nang mawala ang
init ng katawan ng binata. Hirap man ay agad nyang iminulat ang mata at
nakita si Joseph na nakatingin sa kanya. Humihingal ito at dumudugo ang labi.
Sinubukan nyang pakawalan ang kamay na mahigpit na hawak ni Joseph para
sana punasan ang labi ng dating kasintahan pero natigilan sya nang marinig ang
mababa at seryosong boses nito.

Page 128 / 304


StoryDownloader

"Do you really want this?" Tanong nito. "Say stop and I will. Say yes and
there's no turning back."
Saglit nyang pinagmasdan ang mukha ni Joseph. Gusto nga ba nya? Sigurado
ba sya sa gagawin?
Nang maalala nyang posibleng ito na ang huli nilang sandali ay agad syang
tumango. Wala syang ibang gusto ngayon kundi ang mayakap ang lalaking
mahal.
"I need to hear you say it." Anito.
Lumunok sya at, "Yes. I want you and I need yo--" Hindi na nya natapos ang
sasabihin pa sana dahil sinakop na ng binata ang kanyang labi. Pinakawalan
nito ang kanyang braso at awtomatikong ipinulupot nya yun sa batok ni Joseph.
Binuhat sya ni Joseph bago ito humakbang. Hindi nya alam kung saan sila
pupunta o kung saan sya dadalhin ng binata, pero walang pakialam si
Savannah. Kasama nya si Joseph ngayon at yun lang ang mahalaga para sa
kanya.
Nang lumapat ang likod nya sa malambot na bagay ay ni hindi na nag-abala si
Savannah na alamin pa kung nasaan sila. Sa halip ay agad na lumipad ang
kamay nya sa butones ng damit ni Marco at isa-isa yung tinanggal.
Lahat nang sumunod na nangyari ay inukit ni Savannah sa isip nya. Bawat
haplos ni Joseph. Bawat halik at yakap. Bawat ungol at bawat galaw ng
katawan nito ay itinanim nya hindi lang sa isip kundi maging sa kanyang puso.
Pero ang hindi makakalimutan ni Savannah ay nung kapwa nila marating ang
sukdulan at ang pangalang binigkas ni Joseph ay Samantha. Hindi man nya
gusto ay tahimik na umagos ang luha nya. Sa kabila nang lahat, kahit na may
iba nang pagkatao si Samantha sa katayuan ni Savannah ay nakilala pa rin sya
nang kasintahan.
Alam nyang alam na nito kung sino sya. At alam nyang alam na rin ni Joseph
na alam nyang alam na nito na sya si Samantha.
"Wag mo na kong iiwan ulit, please, Samantha. Hindi ko na kakayanin kapag
nawala ka ulit." Yun ang huling sinabi ni Joseph bago ito tuluyang nilamon ng
antok.

Page 129 / 304


StoryDownloader

Tumango sya at isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata. "Hindi na ko aalis.


Pangako." Bulong ni Savannah na sinundan nya nang, "Tatapusin ko lang ang
misyong 'to at babalik na ko sayo, Marco." Hinayaan nya ang sarili na
sandaling magpalamon sa nararamdaman at impit na umiyak. Nang makalma
ay dahan-dahan syang bumangon, kinulekta ang damit at mabilis iyung isinuot.
Nang maging disente sya--kung disente ngang matatawag ang gulo nyang
buhok, ang namamagang labi at ang gusot na damit--ay agad syang
humakbang. Bago nya tuluyang pihitin pabukas ang seradura ng pinto ay
sinulyapan nya pa si Joseph.
"Hintayin mo ko, Marc-ko." Bulong nya sa hangin, tumalikod, binuksan ang
pinto at dahan-dahan yung isinira.
Ngayon lang ulit nya naramdaman na sya si Samantha at sa labing limang taon
na lumipas ay ngayon lang din nya hinayaan ang sarili na balikan sa isip ang
mga nangyari noon.
Her guard was down.
Kaya naman hindi nya inaasahan ang sunod na nangyari. Isang lalaking
nakaitim ang sumulpot sa harap nya at tinutukan sya sa tagiliran.
Pagkatapos ay parang walang anuman na tumalikod ito at naglakad paalis.
Kung gaano ito kabilis na sumulpot ay ganoon ito kabilis na nawala sa harap
nya.
Dun nya lang naramdaman ang sakit. Halos mapakapit sya sa pader nang
gumuhit ang matinding kirot sa kaliwa nyang tagiliran.
Tanging singhap lang ang lumabas sa bibig nya bago sya nanghihinang
lumuhod. Nanginginig ang kamay na hinawakan nya ang tagiliran at hindi na
sya nagulat nang makakita ng dugo.
Don't ever let your guard down, Savannah. It'll cost you your life. Always
remember that and keep your head in the game.
Paulit-ulit na narinig nya ang boses ni Henry sa kanyang isip. Salitang palagi
nitong sinasabi sa tuwing pinanghihinaan sya ng loob at nagdadalawang isip sa
gagawin.

Page 130 / 304


StoryDownloader

Dito na ba sya mamatay?


Napapikit si Savannah at isang impit na iyak ang kumawala sa kanya.
No! Hindi sya mamatay dito. Hindi sya pwedeng mamatay dito. Hindi pa
hanggat hindi pinagbabayaran ng taong sumira sa pamilya nila ang ginawa
nitong pagpatay sa magulang nya.
Humugot sya nang malalim na hininga at kahit na naginginig ang tuhod ay
agad syang tumayo.Pinagkiskis nya ang ngipin nang muling gumuhit ang sakit,
pero binalewala nya yun. Ilang taon syang nag-sanay sa ganito. Kung
kinakailangan nyang maging manhid ay gagawin nya.
Ikinuyom nya ang kamao at humakbang. Bawat hakbang ay pasakit. Sa tindi ng
kirot ay parang nagdidilim ang kanyang paningin. Pero lahat yun ay binalewala
nya. Sa halip ay sumipa ang ilang taong ensayo na kanyang pinagdaanan. Ang
maliliit na hakbang na ginagawa nya ay napalitan nang malalaki at
determinadong hakbang.
Mabilis ang mga hakbang at nakatiim ang bagang na hinabol nya ang pangahas
na taong gumawa nito sa kanya. Pumasok ito sa isang pintuan kung nasaan ang
hagdan. Nang makasunod sya ay nasa pangalawang palapag na ito mula sa
kinaroroonan nya.
Damn it!
Napamura sya nang muling kumirot ang kanyang tagiliran. Bago pa man
tuluyang bumigay ang katawan nya ay nakarinig sya nang yabag ng mga paa na
sinundan nang pagsulpot ni Zack at nang isang team ng sibilyang CIA na agad
na hinabol ang lalaki.
"Damn it, Savannah..." Galit na singhal ni Zack bago sya dinaluhan nito.
Napakapit sya sa braso ng binata at nakangising tiningnan ito.
"Don't worry. It's just a scratch." Aniya.
Mabilis na binuhat sya ni Zack at dinala sa penthouse. Halos umiyak si Elisa
nang salubungin sila sa loob. Mabilis ang bawat galaw na inilapag sya ni Zack
sa mesa ng kusina at tinabig lahat nang nakapatong doon. Lumuhod ito at agad
na pinag-aralan ang sugat nya.

Page 131 / 304


StoryDownloader

"Shit! This is worse than I thought. We need our medical team."


Tiningnan ni Savannah ang orasan na nakasabit sa dingding ng kusina at
umiling.
"We don't have enough time. Magsisimula na ang auction." Tiim ang bagang
na sabi ni Savannah at seryosong sinalubong ang tingin ng kaibigan na tahimik
na pinag-aaralan ang tama nya sa tagiliran. "Don't be such a baby and just pull
it out. "

"Shit, Savannah. I can't just pull the bullets out. Hindi ko alam kung ano ang
tinamaan ng bala. We need to wait for our medical team."
"Wala na tayong oras. Magsisimula na ang auction. Just pull it out. I'll be fine."
Aniya at pumikit.
"Wala akong anaesthetic para--"
"It's okay. Just pull it out." Aniya.
Nakarinig sya nang impit na iyak mula kay Elisa na tahimik na nanonood sa
kanila.
Bumuntong-hininga si Zack. "It'll hurt like hell." Anito.
Tumango lang sya at ngumiti. "Just do it."
Pinanood nya ang kaibigan nang kuhanin nito ang first aid kit, isang bote ng
beer bago ito muling lumuhod sa harap nya.
"I can't believe I'm doing this." Anito at naiiling na binuhusan ng alcohol ang
kamay. Sunod ay binuksan nito ang beer at ibinuhos sa sugat nya. Napakagat
labi sya nang gumuhit ang hapdi.
"Take a deep breathe and clench your teeth." Anito at sinimulang dukutin ang
bala sa tagiliran nya na naging dahilan para impit syang mapasigaw.
######

Page 132 / 304


StoryDownloader

Ooh! That was intense.


Sana nagustuhan nyo po ang chapter na 'to.
And as always, thank you for reading, commenting and voting!
Hugs.

Page 133 / 304


StoryDownloader

Chapter Eighteen
Alam ni Joseph, hindi pa man niya naimumulat ang mata, na wala na sa tabi
nya si Samantha. Ramdam nya ang malamig na espasyo na kanina lang ay
inokupa ng dalaga, gayunpaman ay inangat nya pa rin ang kamay at hinaplos
ang dapat sana ay pwesto ni Samantha sa tabi nya.
Wala.
Wala maliban sa isang malamig na kumot at unan na kaamoy ni Samantha.
Bumuntong-hininga sya at nagmulat ng mata. Iginala nya ang tingin sa paligid
at tahimik na napamura sa isip.
Fifteen bloody years at ang tanging naibigay nya lang kay Samantha sa unang
pagniniig nila ay isang hindi kumportableng kama sa isang maliit na lugar.
Kung bakit dito sa maliit na makeshift bed sa loob ng control room nya dinala
ang dating nobya ay wala syang ideya.
Naiinis na sinuklay nya ng kamay ang buhok at naupo. Para syang naubusan ng
dugo sa katawan nang tumama ang mata nya sa digital na orasang nakapatong
sa maliit na mesa sa gilid ng kama.
9:30
Thirty minutes na lang at magsisimula na ang auction. Fucking hell.
Agad syang napabalikwas nang tayo at dali-daling hinagilap ang mga damit
nya na nagkalat sa sahig. Damn it! Ano bang pumasok sa kukote nya't nagawa
nyang matulog sa ganitong kakritikal na sitwasyon.
Nang maging disente ay agad nyang dinampot ang cellphone at idinayal ang
numero ni Wilson. Itinulak niya pabukas ang pinto at natigilan nang makitang
seryoso nang nag-uusap ang buong team nya sa pamumuno ni Marcus. Ibinaba
nya ang hawak na telepono.
"Great! He's awake." Anunsyo ng kanyang tiyuhin sa boses na hindi naman
galit pero halatang hindi rin masaya.
Pinagkiskis nya ang ngipin nang maalala ang huling pag-uusap nila ng tiyuhin
at pigilan sya nitong sumama sa lugar na pinaghihinalaan ni Hack na

Page 134 / 304


StoryDownloader

pinagtataguan ng team ni Lupin. Tama naman ang tiyuhin niya nang sabihin
nitong hindi sila nakakasigurado kung talagang tama ang lugar na nakuha nila.
Hindi nila pwedeng iasa sa bahala na at haka-haka ang misyon. Ang ayaw lang
ni Joseph ay ang maiwan na walang ginagawa habang ang team nya ay
sumusuong sa delikadong sitwasyon.
"Let's get down to business." Anunsyo nya at itinuon ang kamay sa dulo ng
lamesa. "Anong balita sa Team B?"
"Na-secure na nila ang lugar. Naka-standby na ang grupo natin." Sagot ni
Chop.
Tumango sya. "Good. Now, listen. Ngayon na ang araw na hinihintay natin and
there's no room for mistakes." Aniya at lahat ay naging seryoso habang
pinaplantsa nila ang pinal na plano sa paghuli kay Lupin.
Nang matapos at isa-isang makalabas ang bawat agent ay agad syang humarap
sa tiyuhin. Bago pa man siya makapagsalita ay nauna na ito.
"May nakita kaming bakas ng dugo sa hallway kanina." Bungad nito.
Nagsalubong ang kanyang kilay. "What?"
"Naisend na namin ang dugo para makuhanan ng DNA. Ichineck ng team mo
ang mga surveillance camera pero walang kuha kung ano talagang nangyari."
Biglang rumagasa sa katawan niya ang pag-aalala. Si Samantha. Sina Ysabelle
at ang Momny nya. Bago pa man siya tumakbo palabas ay hinawakan siya ng
tiyuhin sa balikat.
"Your mom is safe and so is your sister. Don't worry about them and just focus
on this mission." Anito.
Humugot siya nang malalim na hininga at tumango. Hindi niya maiwasang
mag-alala para kay Samantha pero tama ang kanyang tiyuhin, may misyon
syang kailangang pagtuunan ng pansin.
At iyun ang gagawin niya dahil ngayong gabi ay huhulihin niya si Lupin.
* * * * *

Page 135 / 304


StoryDownloader

Iginala ni Joseph ang mata sa malaking function hall ng SEC Hotel kung saan
ginaganap ang auction ng first lady ng Pilipinas. Lahat ay nasa ayos at wala
syang nakikitang kahina-hinala maliban sa isang babae na kanina pa umiinom
ng wine at tila hindi mapakali. Blonde ang buhok nito at halatang hindi
Pilipina.
Pasimpleng sinenyasan nya ang isa sa mga sibilyang FBI Special Agent na
bantayan ang kilos ng dalaga at agad naman itong tumalima.
Hinawakan nya ang suot na necktie at hindi mapakaling inayos yun. Hindi niya
maiwasang kabahan sa gagawin nila ngayon.
"There you are, son."
Agad na lumipat ang atensyon nya sa pinanggalingan ng boses ng ina at halos
mapaungol sya nang makita ang babaeng kasama nito.
Here we go again, aniya sa sarili.
"Ma." Bati niya sa ina habang pinipilit na iwasan ang tingin ng kasama nitong
dalaga.
"I'm glad you could make it, son." Sabi ng kanyang Mommy Sylvia at agad
syang hinalikan sa pisngi.
Ngumiti sya. "Technically, Ma, I'm still on the clock." Bulong niya.
Tinapik sya ng ina sa braso. "I know and I thank you for that. Alam kong hindi
mo kami pababayaan." Bulong ng kanyang Mommy Sylvia bago nagningning
ang mata nito at binalingan ang kasamang babae. "Oh and by the way, I want
you to meet Jessica. She's Senator Gutierrez only daughter. Jessica, meet my
son, Jaseph."
Naiilang man ay pinilit pa rin nyang ngumiti.
"It's pleasure to meet you." Aniya at inilahad ang kamay.
Halos mailang sya nang hindi tanggapin ng dalaga ang pakikipag-kamay niya
at sa halip ay inilapat ang pisngi sa kanyang pisngi. Kinailangan nyang pigilan
ang sarili na wag pagkiskisin ang ngipin.

Page 136 / 304


StoryDownloader

Tinapik sya ng ina sa braso at ngumiti. "Maiwan muna kita dito. I need to
entertain our guest. Jessica, excuse me."
Bago pa man sya maka-angal ay nakalayo na ang kanyang ina at naiwan sya
kasama ang dalaga. Tumikhim sya at naiilang na nginitian ang dalaga.
"Sorry about that."
"It's okay. Actually, gusto naman talaga kitang makilala."
Sa halip na matuwa sya sa sinabi ng dalaga ay lalo syang hindi naging
kumportable. Sabihin nyo nang impokrito siya, pero alam ni Joseph kapag
interesado sa kanya ang isang babae.
Nang dumaan ang isang waiter na may dalang tray ng cocktail ay agad syang
kumuha ng dalawang baso at nakangiting inabot sa dalaga ang isa.
"It's nice to meet you, Jessica but I have to go. Excuse me." Bago pa man
makasagot ang dalaga ay tumalikod na sya at naglakad palayo.
Hinawakan nya ang earpiece na suot at nagsalita, "Report." Aniya.
"Wala namang kahina-hinala dito sa entrance. Mahigpit kami sa pagpapasok."
Sagot nito.
Tumango sya at sunod-sunod na kinamusta ang bawat grupo na naka-posisyon
sa bawat lugar ng hotel. Lahat ay maayos at naaayon sa plano.
"Si Joker? May nakakita na ba kay Joker?" Tanong niya. Kanina pa wala si
Wilson. Ayon sa mga kasamahan nila ay may kasama daw itong chicks at
huling nakita na pumasok sa isang suite.
Damn it! Kung kelan sila may misyon ay ngayon pa nawala ang isa sa
pinakamagaling na agent.
Muli nyang iginala ang tingin sa paligid at natigilan.
There.
Sa gilid ng function hall ay nakatayo ang babaeng kanina lang ay katabi niya sa
kama. Nakasuot ito ng dress na kulay green, na halos kahubog na ng katawan

Page 137 / 304


StoryDownloader

nito. Naka-puyod sa gilid ang buhok na may ilang buhok na nalaglag o


sinadyang hindi isama sa tali. Lumipat ang tingin niya sa pulang-pulang labi
nito.
Beautiful.
Napakaganda ng kanyang Samantha. Parang gusto nyang lumuhod at
magpasalamat sa Diyos dahil nabigyan syang muli ng ikalawang pagkakataon
para mahalin si Samantha.
Napansin nyang mag-isa lang si Samantha habang pinaiikot nito ang kulay
pulang likidong sa loob ng wineglass na hawak nito. Maya-maya ay bumaba
ang isang kamay ng dating kasintahan at hinaplos ang tagiliran na naging
dahilan para mapangiwi ito.
Damn. Wag mong sabihin na masyado syang naging mapusok sa pagniniig nila
na nagawa nyang saktan ang dalaga.
Pero agad syang natigilan. Naalala ang sinabi ng tiyuhin na may nakita silang
dugo sa hallway. Muling nabuhay ang pag-aalala nya para sa kasintahan.
Hahakbang na sana sya para lapitan ang dating kasintahan nang mamatay ang
ilaw.
Damn it! Mabilis na hinawakan niya ang earpiece,
"Anong nangyari?" Aniya.
"Massive brownout. May sumabog na transformer dahil sa overheat. But don't
worry, we're on it. In five seconds ay mabubuhay na ang emergency light."
Sagot ng isa sa mga agent nila at saktong nabuhay nga ang mga ilaw. Napuno
ng kulay green ang loob ng function room. "You need to calm everyone and tell
them that in five minutes gagana na ang generator. No need to worry, Cap."
"Five minutes? Wala na bang ibibilis pa?"
"Give me two." Anito.
Mabilis na umakyat siya sa podium at nagsalita.
"Everyone, stay where you are." Sigaw niya. "Nagkaroon ng brownout pero

Page 138 / 304


StoryDownloader

maayos rin agad." Aniya kahit na siya mismo ay nag-aalala. Hindi niya
pwedeng isipin na nagkataon lang ang pagkamatay ng ilaw.
Nang makalma ang lahat ay agad nyang hinawakan ang earpiece.
"Team, stay alert. Let's proceed to Plan C. Move." Aniya. Bumaba siya sa
podium at saktong bumaha ang liwanag sa loob.
Iginala niya ang tingin sa paligid at nakahinga nang maluwag nang makitang
maayos ang lahat. Ang first family ay napapalibutan ng PSG at ang bawat
bisita ay kalmado lang.
Nilingon niya ang kinaroroonan ni Samantha kanina at nanlamig nang
makitang wala na doon ang dalaga. Iginala niya pa ang tingin sa paghahanap sa
dating kasintahan at para syang tinakasan ng dugo sa katawan.
Wala si Samantha.
At masama ang kutob niya.
######
Nasaan kaya si Samantha? At nasaan kaya si Joker? Hmmm...
Anyway, maraming salamat po s patuloy na pagbabasa.
Hugs!

Page 139 / 304


StoryDownloader

Chapter Nineteen
*** Sorry for the long wait! ;)
Chapter Nineteen
"Ugh." Halos dumugo na ang labi ni Savannah sa tindi ng pagkakakagat niya.
Humihingal na pinunasan niya ang namumuong pawis at pinagkiskis ang
ngipin.
"Are you okay?" Huminto si Dr. Jonas sa ginagawa at tila pinag-aralan ang
kanyang reaksyon.
Humugot siya ng malalim na hininga at tiningnan ang doctor at kapwa CIA
agent. "I'm--fine."
"Just four more stiches and we're done." Sagot nito bago muling ipinagpatuloy
ang ginagawa.
Umungol siya. Four more stitches. Sure. She can handle that. Pero four more
stitches na walang anestisya?
Muli niyang kinagat ang labi nang maramdaman ang karayom sa kanyang
balat. Ikinuyom niya ang kamao at huminga ng malalim, hinihiling na sana
matapos na ang paghihirap niya. Wala siyang karapatang magreklamo dahil sya
ang may gusto nito. Siya ang tumanggi na magpa-injection ng pampamanhid.
Tiningnan niya ang digital na orasang nakapatong sa side table ng kama niya at
napangiwi. Kalahating oras na lang bago ang auction. Gustuhin man niyang
magpalamon sa nararamdamang sakit ay hindi pwede. Ito na ang araw na
pinakahihintay nila at hindi niya sisirain ang plano dahil sa kapabayaan niya.
"There! It will do. But after your mission--" Tumayo si Jonas at tinapunan siya
ng matalim na tingin.
"I know." Dahan-dahan siyang bumangon at pinagkiskis ang ngipin.
"Good. Now, let's wrap you up." Ani pa nito at binalutan ng gauze ang kanyang
sugat paikot sa kanyang katawan.
"Tighter, please." Bulong niya.

Page 140 / 304


StoryDownloader

Tumango lang si Jonas at agad na sumunod. Nang makatapos sila ay agad


nyang ibinaba ang suot na tsirt para takpan ang katawan.
"Take this. It will help lessen the pain." Sabi ni Jonas at iniabot sa kanya ang
dalawang tabletas at isang basong tubig na agad naman niyang ininom.
Nang makuntento si Jonas ay agad na itong nagpaalam at tahimik na lumabas.
Mayamaya ay sumungaw naman si Zack, kasunod si Elisa na namamaga na ang
mata sa pag-iyak.
Tumayo siya pero agad ding napakapit sa mesa nang tila umikot ang mundo
niya. Mabilis naman siyang inalalayan ni Zack at tiim-bagang na pinasadahan
siya ng tingin.
"Are you sure about this?" Tanong nito.
Pumikit siya. Saglit na kinalma ang sarili bago muling nagmulat. Pinalis niya
ang kamay ni Zack at humakbang patungo sa banyo.
"I'm fine." Aniya. Bago pa man niya tuluyang maisara ang pinto ng banyo ay
nakasunod na sa kanya si Elisa. Kumuha ito ng towel at tahimik na pinunasan
ang mga tuyong dugo sa katawan niya.
Pinanood niya sa salamin ang kaibigan na nangangatal ang labi sa pagpipigil ng
iyak. Bagamat masama ang pakiramdam ay pinilit niyang ngumiti.
"Hey, I'm fine. Wag ka nang umiyak." Aniya.
Tumingin sa kanya si Elisa at tuluyan nang pumatak ang luha. "Hindi mo na to
kailangang gawin, Savannah. I hate to see you like this. Paano kung--"
Humikbi ito at agad nyang niyakap ang kaibigan.
"You're such a crybaby." Natatawang aniya.
Pinunasan ni Elisa ang luha at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "I'm sorry.
Kung hindi sana ako nagpabaya, hindi sana 'to mangyayari."
"It's no one's fault, 'kay? So don't blame yourself." Aniya at tiningnan ang
repleksyon sa salamin. Nagtiim ang bagang niya nang maalala ang lalaking
bumaril sa kanya. "Nahuli ba nila?"

Page 141 / 304


StoryDownloader

Tinapos muna ni Elisa ang ginagawa, pagkatapos ay inihagis sa basurahan ang


tuwalya.
"No, I'm sorry." Malungkot na anito na sinundan ng pag-aliwalas ng mukha.
"But he's sporting a gunshot wound. Sa may hita."
Ngumiti siya. "That's good." Aniya at huminga ng malalim tsaka tumayo ng
ayos. "Let's get it done and over with."
Tumango si Elisa at pinihit na ang seradura, bago ito makalabas ay tinawag
niya ang atensyon ng kaibigan.
"Yung pangako mo, Elisa. Ikaw nang bahala sa kapatid ko."
Tumango si Elisa. "I promise." Anito bago lumabas ng banyo.
Muli nyang tiningnan ang repleksyon sa salamin at ikinuyom ang kamao.
Ngayon ang araw na tutuldukan na niya ang labing limang taong paghihirap at
gagawin niya ang lahat para makuha ang hustisya para sa magulang.
******
"Five minutes." Anunsyo ni Elisa sa suot niyang earpiece.
Tumango si Savannah at kaswal na pinaikot ang laman ng hawak niyang
wineglass. Five minutes na lang bago mamatay ang ilaw. Iginala niya ang
tingin sa loob ng malaki at eleganteng function hall ng SEC Hotel at kinalkula
ang layo niya sa pinakamalapit na exit.
"Okay." Aniya at sinimsim ang inumin habang pinapasadahan ng tingin ang
mga tao sa paligid.
Hindi na nakakapagtaka na puro bigating tao ang bisita ng first lady. Mula sa
mga kilalang pulitiko hanggang sa mga pinakabigating negosyante, lahat ay
masaya para sa pagtitipon.
Nahagip ng tingin niya ang pamilyar na bulto ng katawan ng dating kasintahan.
Awtomatikong lumundag ang puso niya at halos manlambot ang tuhod nang
maalala ang nangyari sa kanila kanina.

Page 142 / 304


StoryDownloader

Ipinatong niya ang wineglass sa bilog na mesa sa kanyang tabi bago pa man
niya yun mabitawan.
"Savannah." Narinig niyang sabi ni Elisa. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
"You don't have the luxury to be distracted. Not now."
"I'm sorry." Bulong niya. Tama si Elisa. Hindi siya pwedeng magpadala sa
damdamin. The last time she did that, she ended up with a gunshot wound.
Bago pa man niya maalis ang tingin kay Joseph ay nakita niyang lumapit dito
ang first lady kasunod ang isang babaeng halos hanggang tenga ang ngiti.
Parang mabilis na apoy na kumalat sa kanya ang selos nang makitang hinalikan
ng dalaga ang pisngi ni Joseph. Ikinuyom niya ang kamao at nag-iwas nang
tingin bago pa man siya gumawa ng bagay na pagsisihan niya--kagaya nang
hilahin ang buhok ng babae at itapon ito sa labas ng hotel niya.
"One minute." Ani Elisa at awtomatikong tumayo siya nang tuwid. Saglit
niyang hinawakan ang tagiliran at nang makuntentong ayos ang lahat ay
huminga siya nang malalim.
"Kapag namatay ang ilaw, meron ka lang five seconds bago mabuhay ang
emergency light."
"Mm-mmm." Sagot niya.
"Four." Umpisa ni Elisa. "Three. Two. One--Now!"
Namatay ang lahat ng ilaw. Mabilis at naaayon sa plano ang bawat galaw ni
Savannah. Isang lalaki ang nakasalubong niya at nang makapasok siya sa
banyo ay parang walang anumang dumaan ang lalaki, naglagay ng sign na
bawal gamitin ang banyo at kaswal na lumampas.
Nang mabuksan ang emergency light ay agad na hinubad ni Savannah ang
damit. Binuksan niya ang basurahan, kinuha mula roon ang isang plastik na
naglalaman ng white-latex overall na agad niyang isinuot. Sa loob ng
basurahan ay may isang maliit pang bag na mabilis niyang isinukbit sa likod.
Pagkatapos ay inihagis niya sa basurahan ang hinubad na damit at tsaka niya
sinindihan. Sinipa niya ang basurahan sa tapat ng smoke detector. Sunod ay
isinuot niya ang katernong puting mask bago sya umakyat sa marmol na
lababo, binuksan ang vent sa kisame at parang walang anumang umakyat doon.
Nasa ganoong posisyon siya nang mangibabaw ang nakakabinging fire alarm

Page 143 / 304


StoryDownloader

sa buong gusali.
"Lupin, do you copy?" Tanong ni Zack mula sa suot niyang earpiece.
"Copy." Aniya.
"Okay. Now move. Three meters ahead, turn left." Anito.
Kampanteng ginabayan siya ni Zack sa dadaanan niya at matapos ang halos
limang minuto ay huminto siya sa tapat ng kwartong pakay nila. Hinugot niya
mula sa buhok ang isang pin na may maliit na surveillance camera at isinuksok
iyun sa butas ng vent.
Mayamaya ay boses naman ni Elisa ang narinig niya.
"Apat na FBISA ang nasa loob. Tatlo sa sulok. Isa sa may pintuan ng vault.
Lahat armado ng riffle at tranquilizer gun." Anito na sinundan naman ni Zack
ng, "Five seconds to link the video and--you're free to go!"
Inilapag niya ang dalang bag sa harap at binuksan iyun. Kinuha niya mula roon
ang isang maliit na bilog at inihagis iyun sa butas ng vent. Tumalbog-talbog
yun na naging dahilan para maalerto ang mga FBISA.
Narinig niyang nag-kasa ng baril ang bawat isa, na sinundan nang
nakakabinging katahimikan. Mayamaya ay unti-unti nang huminto ang bola na
sinundan ng yabag ng sapatos. Isang FBISA ang lumapit doon bago iyun
sumabog at naglabas nang makapal na usok.
Napangiti si Savannah at itinaas sa ilong ang suot na mask hanggang sa mata
na lang niya ang kita.
"Showtime." Binuksan niya ang vent at maliksing tumalon sa loob.
******
Napangiti rin si Elisa sa tinuran ni Savannah. Alam niyang magiging maayos
na ang lahat at naayon sa kanilang plano.
Akala ba ng FBI ay hindi niya malalaman na dalawa ang vault. Na hindi niya
malalaman kung alin at nasaan ang peke at ang tunay? Hindi siya naging genius
na hacker para lang maloko ng mga pipitsuging miyembro ng FBISA.

Page 144 / 304


StoryDownloader

Sinulyapan niyang muli ang isa sa mga screen kung saan tahimik pero alertong
naka-kubli ang mga FBISA. Lalong lumawak ang ngiti niya. Wala man lang
kamalay-malay ang mga ito na nahack niya ang security system at sinigurado
niyang hindi muna makakalabas ang mga ito sa kinalalagyan habang
nagkakagulo naman sa kabilang vault.
"Elisa?" Narinig nya ang boses ni Zack sa suot niyang earpiece at agad syang
naalerto.
"What?" Tanong niya.
"Where is he?"
Napasinghap siya. Alam na agad niya kung sino ang tinutukoy nito. Agad na
ibinalik niya ang tingin sa screen na kuha mula sa hairpin ni Savannah at
inirewind niya kuha. Muli syang napasinghap nang makitang ang apat na lalaki
ay ang mismong apat na parte ng orihinal na team ni Joseph at nahuhulaan na
niyang nasa loob ng mismong vault ang lider ng mga ito.
"Savannah! Savannah nandyan si Joseph."
Pero sinalubong lang siya nang nakakabinging katahimikan mula sa linya ni
Savannah na sinundan pa ng pag-blangko ng lahat ng screen sa harap niya.
######
Whoops! Sana naging convincing ang pag-infiltrate ni Savannah para makuha
ang half moon diamond. Hahaha.
Anyway, pasensya na po sa matagal na update. Medyo busy lang sa personal na
buhay sa labas ng wattpad.
And as always, thank you for reading, commenting and voting. I do love to
read your comments, update pleas and death threats! Lol. Hahaha.
Love, fattie.

Page 145 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty
Napaghandaan na ng buong FBISA na maaaring magkaroon ng gulo sa hotel,
kaya nga hindi na sila nagulat nang umalingawngaw ang fire alarm sa buong
gusali.
Mabilis na nailabas sa gusali ang bawat bisita at sa tulong ng hotel security ay
ligtas ding nailabas ang lahat ng naka-check-in sa hotel. Tinipon ang lahat sa
malaking parking lot kung saan walang sinuman ang pinayagang makaalis.
Pagkatapos ay doon na nagsimula ang lahat.
Alinsunod sa kanilang plan C, kalahati ng FBI Secret Alliance ay naka-istasyon
na sa Vault One--ang pekeng vault na naglalaman rin ng pekeng dyamante.
Samantalang, ang Special Force 77 na kinabibilangan ni Chop, Dok, Snip, Bob
at pinangungunahan ni Joseph ay dumiretso sa Vault Two.
Huminga nang malalim si Joseph at inilapit ang kanang kamay sa mukha.
Itinapat niya ang pulso sa bibig bago nagsalita.
"May nakakita na ba kay Joker?" Tanong niya habang nakakubli sya sa loob ng
vault.
Si Bob ang sumagot. "Negative."
Pagkatapos ay muli silang naging seryoso. Tanging ang paghinga lang nila ang
naririnig kasabay nang pagdagundong ng kanilang mga puso.
Lumipas ang isang minuto.
Dalawa.
Tatlo.
Bawat tik-tik ng suot na relo ni Joseph ay naririnig niya.
"Chop, do you copy?" Aniya mayamaya.
Walang sagot.
"Snip? Copy!" Wala ring sagot.

Page 146 / 304


StoryDownloader

Inisa-isa niya ang buong team pero wala siyang nakuhang sagot.
Awtomatikong sumipa ang ilang taon niyang training at agad siyang naging
alerto.
Mayamaya ay narinig niya ang walang kaduda-dudang tunog ng pagbukas ng
pinto ng vault. Nakakubli man siya ay alam na agad niyang si Lupin ang nasa
loob. Ikinuyom niya ang kamao para pigilan ang sarili na lumantad na. Sa halip
ay naghintay siya ng tamang pagkakataon.
Inaasahan na rin naman niya na hindi epektibo ang laser at ang security system
ng vault kaya nga nagprisinta siyang tumao sa loob kung sakali mang mabuko
ni Lupin na dalawa ang vault nila.
Element of surprise. Pihadong hindi inaasahan ni Lupin na may kasama ito sa
loob ng vault. Dahan-dahan siyang lumabas mula sa pinagkukublihan at
sinulyapan ang team niya. Nakahandusay ang mga ito sa sahig at walang
malay. Pinagkiskis niya ang ngipin. Tanging ang pagtaas baba ng dibdib ng
mga ito ang nagsasabi sa kanya na buhay pa ang nga kasama. Pumuhit siya
paharap sa lagayan ng dyamante at saktong nakita niya si Lupin habang hawak
na nito sa mga kamay ang Full Moon Diamond.
"Freeze, FBI!" Anunsyo niya at agad na itinutok ang hawak na baril.
Ilang segundo ang lumipas, kapwa sila tahimik at nagpapakiramdaman.
Mayamaya ay unti-unting pumihit paharap si Lupin at para siyang nasuntok sa
sikmura. Kilala niya ang mga matang yun. Kahit na sa ganitong anggulo at
distansya ay hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya si Lupin.
Nanginig ang kamay niya. Gusto niyang itanggi sa sarili na hindi tama ang
iniisip niya, na hindi ang babaeng mahal niya ang nasa harap. Pero lahat ng
pagdududa at pag-aalinlangan niya ay nawala nang magsalita si Lupin.
"Fancy meeting you here, Officer Joseph Marco Felizardo the third."
Daig pa niya ang nasuntok sa sikmura sa narinig. Hindi na niya maitatanggi
kung kaninong boses yun--kay Savannah. At dahil sigurado siyang si Savannah
at si Samantha ay iisa, ang ibig sabihin ay si Samantha ang nasa harap niya. Si
Samantha si Lupin.
At ang masakit ay tinututukan niya ng baril ang kanyang Samantha.

Page 147 / 304


StoryDownloader

Dahan-dahang kumilos ang kamay ni Lupin at nang tanggalin nito ang mask ay
agad niyang nakumpirma na tama nga siya. Inilagay ni Lupin ang hawak na
dyamante sa maliit na bag na sukbit nito at ngumiti.
"Don't move! Or I'll be force to shoot." Aniya.
SOP-Kill Lupin on sight!
Parang bigla niyang narinig sa isip ang tinuran ng tiyuhin. Ngayon lang yata
siya susuway sa utos dahil hindi niya kayang barilin si Samantha. Mamatay
muna siya bago niya magawang saktan ang nag-iisang babaeng minahal.
"Really? Then do it!" Anito at humakbang palapit.
"Samantha, please..." Aniya. Hindi niya alam kung ano ang hinihiling niya sa
kasintahan. Kung gusto ba niyang sumuko na ito o sumama dito palayo.
Nakita niyang namilog ang mata ni Samantha. Akala niya ay dahil yun sa
pagbanggit niya sa tunay na pangalan nito, pero nang makita niyang lampas sa
kanya ang tingin nito ay agad siyang kinabahan.
"NOOOO!" Nagtatakbo si Samantha at yumakap sa kanya. Sinundan yun ng
nakabibinging putok ng baril na nakapagpatigil sa tibok ng puso ni Joseph.
Kapwa sila natumba. Siya ang nasa ilalim habang hindi naman kumikilos si
Samantha sa ibabaw niya.
"S-Samantha!" Naupo siya at hinawakan sa balikat ang kasintahan. Para bang
huminto ang kanyang paghinga nang makita ang dugo mula sa balikat nito.
"God, No! Samantha..." Hinawi niya ang mga buhok nito at tinapik-tapik sa
pisngi. "Samantha--please..." Niyakap niya ang kasintahan nang manatili itong
hindi kumikibo sa bisig niya. Halos manlabo ang paningin niya nang
unti-unting umagos ang kanyang luha.
"Samanthaaaa---" Sigaw niya. Dinampot niya ang baril at mabilis na lumipad
ang tingin sa may pintuan ng vault. Isang lalaki ang nakatayo mula roon.
Malaki ang katawan nito at may mahabang pilat sa leeg na umabot hanggang sa
may dulo ng labi nito. Bagamat nakakatakot ang mga mata ng lalaki ay tila
natigilan din ito nang makita ang lagay ni Samantha.

Page 148 / 304


StoryDownloader

Doon pumasok sa isip niya na hindi si Samantha ang pakay nito kundi siya.
Walang pag-aalinlangang binaril niya sa hita ang lalaki. Napaluhod ito.
Babarilin pa sana niya ito pero hindi na niya nagawa dahil humahangos na
dumating si Wilson at sinunggaban ang lalaki. Mabilis na pinosasan ni Joker
ang lalaki at tsaka ito tumingin sa kanya.
"I'm sorry." Umpisa nito.
Ni hindi niya pinansin si Wilson at sa halip ay inihagis niya ang baril palayo.
Kinapa niya ang pulso sa leeg ng kasintahan. Mahina pero meron.
Kinalas niya ang lahat ng nakakabit sa kanyang katawan. Ang bulletproof vest,
lagayan ng mga magazine ng baril at pagkatapos ay hinubad niya ang damit at
kinagat iyun hanggang sa mapunit.
Sunod ay agad niyang tinalian ang balikat ni Samantha para pigilan ang
pagdugo ng sugat nito.
Agad siyang tumayo karga-karga si Samantha. Hindi siya papayag na mawala
ulit sa kanya ang babaeng mahal. Kung kailangan niyang hubarin ang chapa
bilang alagad ng batas ay gagawin niya.
"Bok--anong ginagawa mo?" Tanong ni Wilson.
Mabibilis ang hakbang na lumapit siya sa may pintuan at sinilip kung may mga
FBISA sa paligid.
"Itatakas ko si Samantha." Aniya. Dahil iyun lang ang naiisip niyang paraan.
Hindi niya kayang isuko si Samantha sa mga FBISA.
"What?" Pabulong na sigaw ni Wilson.
Tiningnan niya ang kaibigan at ngumiti.
"Ikaw nang bahala sa team." Aniya at walang-lingon likod na nagtatakbo.
Hindi pa man nakakalayo ay may humarang na sa kanyang isa sa mga FBISA,
si Gun, ang lider ng Delta Team.
"Tigil." Anito. "Anong ginagawa mo, Agent Felizardo?" Lumipat ang tingin
nito kay Samantha bago ito muling tumingin sa kanya. "Itatakas mo si Lupin?"

Page 149 / 304


StoryDownloader

Pinagkiskis niya ang ngipin at tiningnan si Samantha. Namumutla na ang


dating mapula nitong labi. Wala siyang oras para sa ganito. Kailangan niyang
malapatan ng lunas si Samantha.
Pero anong magagawa niya? Anong laban niya sa lider ng Delta Team gayung
nasa bisig niya si Samantha at wala siyang hawak na baril?
Pumikit siya at huminga nang malalim. Nang magmulat siya ng mata ay
determinadong humakbang siya.
"Move!" Sigaw niya.
Nakipagsukatan ng tingin si Gun at umiling. "Wag mo kong subukan,
Felizardo. Hindi porke't ikaw ang may hawak ng misyon na 'to ay hahayaan na
lang kitang gawin ang gusto mo."
"Ang sabi ko umalis ka dyan." Tiim-bagang na aniya.
"You leave me with no choice, Captain." Ikinasa nito ang baril pero bago pa
man nito makalabit ang gatilyo ay tumilapon ang hawak nitong baril.
Lumingon siya at nakita si Wilson habang nakatutok ang baril nito k Gun. Ni
hindi ito tumingin sa kanya nang magsalita. "Sige na, Bok. Umalis ka na.
Gawin mo ang dapat mong gawin." Anito.
Tumango siya sa kaibigan at mabilis na nagtatakbo. Ginamit niya ang pasilyo
kung nasaan ang VIP underground parking lot at dumiretso sa isang itim na
close van na nakarehistro sa FBISA.
Itinayo niya si Samantha at niyakap para hindi ito matumba habang binubuksan
niya ang sasakyan. Nang mabuksan ay agad niyang isinakay si Samantha at
isinecure ang seatbelt. Hinawi niya ang buhok nito at saglit na nagdasal.
"Kunin nyo na pong lahat sakin, wag lang si Samantha. Pleasee..." Aniya bago
niya isinara ang pinto. Lumigoy siya papunta sa driver seat at mabilis na
sumakay.
Bago pa man niya maisara ang mga pinto ay bumukas ang pinto sa backseat at
sumakay si Wilson. Kunot-noong nilingon niya ang kaibigan.

Page 150 / 304


StoryDownloader

"What--"
"Patakbuhin mo na, Bok." Anito.
Umiling siya. "No. Hindi kita idadamay dito, Joker. Bumaba ka na. Isipin mo
ang kapatid mo." Aniya. Biglang sumagi sa kanya ang nakababatang kapatid ni
Wilson. May sakit ang kapatid ni Wilson at tanging si Wilson na lang ang
natitira nitong kapamilya.
Umiling din si Wilson. "Alam kong hindi pababayaan ng first lady si Wendy."
Anito. "Sige na, Bok. Wala na tayong oras. Sabit na rin ako dito nung binaril ko
si Gun."
Huminga siya ng malalim at tumango."Salamat, Bok." Aniya at agad na
pinatakbo ang sasakyan.
"May plano ka ba? Saan mo balak na itago si Samantha?" Tanong ni Wilson
nang makalayo na sila sa hotel.
Gamit ang kanang kamay ay sinapo niya ang noo ni Samantha at napamura.
Mataas na ang lagnat ni Samantha at kinakailangan niyang masuri ang lagay
nito. Agad niyang pinagana ang isip kung saan niya pwedeng dalhin si
Samantha at nang makapagdesisyon ay inapakan niya ng todo ang gas.
"Hold on, Samantha... ililigtas kita." Bulong niya at hinalikan ang kamay ng
kasintahan.
######
Woah, ang intense na nang mga nangyayari. Tinalikuran na ni Joseph ang
tungkulin at itinakas na niya si Samantha.
But wait--hindi ba miyembro ng CIA si Samantha. So, technically, ay hindi
naman kriminal si Samantha? Ano kayang magiging reaksyon ni Joseph kapag
nalaman niya ang totoo? At anong magiging reaksyon ni Samantha na
nagkaroon ng aberya ang plano?
Abangan sa mga susunod na updates.
Thank you for reading, commenting and voting!
Hugs, fatima.

Page 151 / 304


StoryDownloader

Page 152 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-One
**Fresh pa, walang edit-edit! Kapag may natisod kayong mali--sipain nyo na
lang. Hahaha. So... tulog na me!
Happy reading!**
-------------Inihinto ni Joseph ang sasakyan sa likod ng bahay bakasyunan na binili
niya
noong nakaraang taon. Pagmamay-ari ito ng pamilya ni Samantha noon. Nang
ma-elit ng bangko bilang kolateral sa pagkaka-utang ng nga Fontanilla, ay
ipinangako niyang bibilhin niyang muli ang bahay. Dito kasi madalas na
magbakasyon ang mga Fontanilla at alam niya kung gaano kahalaga ang bahay
na yun para kay Samantha. Walang nakakaalam na pagmamay-ari na niya ang
bahay, maging ang kanyang pamilya ay wala ring ideya. Kinumpleto rin niya
ang gamit kahit na dadalawang beses pa lang siyang nagpunta rito.
Mabilis ang naging kilos nila nang makababa ng sasakyan. Ni hindi na
nagtanong si Wison nang ihagis niya sa kamay nito ang susi ng bahay, sa halip
ay tumango at tumalikod para buksan ang bahay. Samantalang siya naman ay
binuhat si Samantha at nagtatakbo papasok sa loob.
Kinailangan nilang mangapa sa dilim dahil makakatawag pa ng atensyon kung
magbubukas sila ng ilaw. Inihiga niya si Samantha sa mesa sa kusina at agad na
hinawi ang kurtina para papasukin ang liwanag ng buwan. Sabay silang
napamura ni Wilson nang makita ang tama sa balikat ni Samantha.
"Kailangan natin siyang dalhin sa ospital." Hindi mapakaling nagpalakad-lakad
si Wilson, sa tindig at sa boses nito ay mababakas ang pag-aalala.
Umiling siya. Gustuhin man niyang dalhin si Samantha sa ospital ay alam
niyang hindi pwede. Wanted si Lupin at hindi lang ang FBI ang naghahanap
dito. May iba pang mga grupo ng mga sindikato ang naghahangad na makuha
si Lupin--patay man o buhay--dahil sa laki ng reward money na nasa ulo nito.
"We can't." Aniya, kahit na gustong-gusto na niyang buhatin si Samantha
papunta sa pinakamalapit na ospital.
Muling nagmura si Wilson at walang kibo na umalis ng kusina. Nang bumalik
ito ay may dala na itong iba't ibang size ng tuwalya, mga damit at bedside lamp

Page 153 / 304


StoryDownloader

na nahagilap sa kwarto. Inilapag nito sa mesa ang mga bitbit at itinapat ang
bedside lamp sa tama ni Samantha. Nagsalubong ang kilay nito nang tumingin
sa kanya.
"Ano pang ginagawa mo Joseph? Kung gusto mo siyang iligtas, kailangan
nating kumilos."
Paa siyang natauhan at agad na kumilos. Nagmamadaling binuksan niya ang
malaking cabinet sa isang sulok. Doon nakatago ang iba niyang baril, pero
hindi yun ang kailangan niya ngayon. Lumuhod siya at hinigit ang drawer na
nasa loob. Inilabas niya ang isang military bag at binibitbit iyun.
Hinila niya ang isang silya at doon inilapag ang bag. Nang mabuksan niya ay
kapwa sila nakahinga nang maluwag nang makita ang mga medical equipments
na itabi niya. Binili niya ang mga iyun nang maka-graduate siya bilang pulis.
Inisip kasi niya na baka balang araw ay kailanganin niya ang mga yun at hindi
nga siya nagkamali.
Nang makuntentong sapat na ang gamit nila ay agad silang nagsimula.
Itinagilid nila si Samantha at ginupit ang suot nitong damit. Nahirapan silang
tastasin ang suot ni Samantha dahil hapit iyon sa katawan. Mayamaya ay agad
nang ineksamina ni Wilson ang tama nito sa balikat. Kapwa sila may lisensya
bilang medic pero mas maraming karanasan si Wilson pagdating sa mga battle
wounds. Military doctor ito at sumabak na sa giyera noon.
"She's lucky. Hindi malala ang tama niya." Anito habang sinisipat ang tama
ninSamantha. "Palagay ko walang tinamaang buto, pero kailangan nating kunin
ang bala. Tsaka natin isasara ang sugat. Kailangan rin niyang masalinan ng
dugo pagkatapos." Obserbasyon nito at sinulyapan ang kanilang pasyente. "It's
good that she's unconscious, because it'll hurt like hell."
Ginagap niya ang kamay ni Samantha at hinalikan ang palad nito. Tinapik
naman siya ni Wilson sa balikat.
"Magiging ayos din siya." Anito.
Inilagay ni Wilson sa isang palanggana ang lahat ng mga gagamitin niya para
sa sugat ni Samantha at binuhusan ng alcohol. Sunod ay pareho silang nagsuot
ng latex gloves.
"Let's do this." Nagtanguan sila at tsaka nagsimula.

Page 154 / 304


StoryDownloader

******
Hindi mapakali na muling hinawi ni Joseph ang kurtina at sumilip sa bintana.
Tahimik pa rin ang paligid at wala namang kahina-hinala.
"Bok, tigilan mo nga yan. Kanina ka pa silip ng silip dyan."
Mula sa pagmamatiyag sa labas ay nilingon niya si Wilson, nakahiga ito sa sofa
at nakapikit. Bumuntong-hininga siya at isinuklay ang daliri sa buhok.
Dalawang araw na sila dito at alam naman niyang ligtas sila. Pero hindi pa rin
niya maiwasang mag-alala lalo na nang makita nila ang isa pang tama ng bala
sa tagiliran ni Samantha. Sariwa pa ang sugat at halatang katatahi pa lang.

Naglakad siya palayo sa bintana at sinulyapan si Samantha. Inilipat na nila ito


sa kwarto matapos ang operasyon. Kinapa niya ang braso kung saan siya
tinusok ni Wilson para sa blood transfusion para kay Samantha. Kahit papaano
ay masaya siya na may naitulong siya. Kung pwede lang niyang isalin ang lahat
ng dugo para maging maayos na ang lagay ng dating kasintahan ay gagawin
niya.
Naupo siya sa tabi ni Samantha at hinalikan ang palad nito. Humupa na ang
lagnat at bumalik na rin sa normal ang kulay nito . Ang tanging ipinag-aalala
lang niya hanggang ngayon ay hindi pa ito nagkakamalay.
Hinawi niya ang buhok nito at pinag-aralan ang mukha ng kasintahan. Hindi
niya maiwasang isipin kung bakit o kung paano ito nasangkot sa pagnanakaw.
Maraming tanong ang naglalaro sa isip niya. Ano-ano ang kinailangan nitong
gawin para mabuhay? Bakit kailangan nitong gawin ang ginagawa nito
ngayon? Bakit hindi ito bumalik sa kanya noon? Bakit binago nito ang
pangalan at nagtago sa loob ng labing limang taon?
Parang sumasakit ang puso niya kapag iniisip niya kung paano ginugol ni
Samantha ang labing limang taon? Umiiyak ba itong mag-isa tuwing naaalala
ang lahat ng nangyari? Naiisip rin ba siya nito kagaya nang ginagawa niya?
Mahal pa ba siya ni Samantha?
"Dad! Mom!" Ungol ni Samantha na humila sa kanya mula sa nakaraan pabalik

Page 155 / 304


StoryDownloader

sa kasalukuyan. Tumutulo ang luha ni Samantha at nagkakawag ang mga braso.


"Shh! It's okay." Dahan-dahan siyang sumampa sa kama at maingat na niyakap
si Samantha. "I'm here! I'm here." Paulit-ulit na bulong niya habang hinahaplos
ang buhok ng dalaga.
"Marc-ko." Impit na iyak ni Samantha. Pumikit siya. Parang alam na niya kung
ano ang napapanaginipan nito. Hindi rin tuloy niya maiwasang balikan ang
pangyayaring iyon sa isip.
At parang gusto rin niyang umiyak nang maalala ang mga huling sandali na
yun. Ang tanging pinanghahawakan na lang niya para hindi sumuko ay ang
babaeng yakap niya ngayon.
"Thank you, Samantha." Bulong niya. "Thank you for coming back." Hinalikan
niya sa noo si Samantha at hinaplos ang buhok nito para patahanin. Nanatili
siyang yakap ang kasintahan hanggang sa lamunin na rin siya ng antok.
******
"Kamusta na siya?" Tanong ni Wilson nang pumasok siya sa kusina at
maabutan itong nagluluto ng hapunan.
"Hindi pa rin siya nagkakamalay." Sagot niya.
Tumango si Wilson. "That's expected! Maraming dugo ang nawala sa kanya.
Bumabawi lang ang katawan niya pero magiginh maayos din siya. Wag ka
nang mag-alala."
Nilapitan niya ang kaibigan at tinapik ito sa balikat. "Bok, salamat! Hindi ko
alam kung paano ka pasasalamatan." Aniya.
"Pwede kang magsimula sa pamamagitan ng pag-kwento sakin kung bakit natin
'to ginagawa." Tumingin ito sa direksyon ng silid kung nasaan si Samantha.
"Sino ba siya, Bok?"
Sumandal siya at sa kabila ng pinagdadaanan nila ngayon ay nakuha niyang
ngumiti sa unang pagkakataon simula ng itakas niya si Samantha. "She's that
girl."
"Alin?" Nagsalubong ang kilay ni Wilson at mayamaya ay pumalatak ito. "That

Page 156 / 304


StoryDownloader

girl? Yung imaginary girlfriend mo? Yung may-ari ng rubiks cube at tatlong
gumamela? That one?"
Tumango siya. "Yes." Aniya.
"So, totoo pala siya. Akala ko idinadahilan mo lang siya para tumakas sa mga
blind dates mo." Nakangising anito bago naging seryoso. "Siya rin si Lupin?
Paano? Hindi ko maintindihan." Anito.
Bumuntong-hininga siya. Hindi rin niya alam kung paanong ang Samantha niya
ay naging si Lupin. Ang alam lang niya ay kung paano sila nagkahiwalay.
Nang ikuwento niya kay Wilson ang nangyari labing limang taon na ang
nakararaan ay nakanganga na ito nang matapos siya.
"Woah! That was--Christ! Hindi ko alam na may nangyari pa lang ganyan."
Anito at inihilamos ang palad sa mukha. "You still love her?" Tanong pa nito.
"Wala tayo dito ngayon kung hindi ko na siya mahal." Aniya.
Tumango si Wilson at tumawa. "Tama ka dyan. Damn! Baka wanted na rin
tayo ngayon."
Pumikit siya. "I'm sorry. Nadamay ka nang dahil sakin. Hindi ko alam kung
paano ako makakabawi sayo, Bok!"
Ngumisi si Wilson. "Hindi ako humihingi ng kapalit, Bok! Pero pagbalik natin
sa headquarters, ikaw ang gumawa ng report papers ko. Alam mo ba kung
gaano karaming report papers ang gagawin ko dahil binaril ko si Gun?"
Umiling ito at tumawa. "Alam mo naman na ayokong magsulat ng mga
ganyan."
Ngumiti siya at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Consider it done."
Sabay silang tumawa at-Natigilan nang makarinig nang lagabog sa loob ng kwarto ni
Samantha.
Nagkatinginan muna sila bago sila sabay na tumakbo papunta roon. Naabutan
nila sa sahig si Samantha. Natumba ito matapos na subukang tumayo.
"Don't!" Bulong nito nang subukang lumapit ni Joseph. Bakas pa sa boses nito
ang pagod at panghihina. "Where am I?" Tanong nito.

Page 157 / 304


StoryDownloader

Nilingon niya si Wilson at sinenyasan na siya na ang bahala. Tumango naman


si Wilson at tahimik na isinara ang pinto para bigyan sila ng pagkakataon na
makapag-usap.
Ang hindi alam ni Joseph, habang nag-uusap sila sa loob ng silid ay may
kausap na rin pala si Wilson.
"Kuya Wilson, tulungan mo ko!"
Nanlamig ang kamay ni Wilson nang marinig ang boses ng labing-limang
taong gulang na kapatid sa kabilang linya.
"Wendy? Nasaan ka?" Halos sakalin na niya ang hawak na cellphone sa
pag-aalala.
"Kuuu---"
"Wendy? Anong nangyari? Nasaan ka? Wend--"
"Kung gusto mo pang makitang buhay ang kapatid mo, sasabihin mo sakin
kung nasaan kayo."
Huminto ang ikot ng mundo ni Wilson. Ito ang pinaka-kinatatakutan niyang
mangyari, ang mamili sa pagitan ng kaibigan at pamilya.
Dahil kung pipili siya, hindi siya magdadalawang-isip na piliin ang kanyang
pamilya.
######
Eek! Cliffhanger ulit. But please don't hate me because of this. Hahaha!
So ano nang mangyayari? At sino kaya ang tumawagkay Wilson? At ano kaya
ang pinag-uusapan nina Samantha at Joseph?
Abangan sa susunod na kabanata.
And as always, thank you for reading, for taking some of your precious time to
write your thoughts about this chapter and of course for clicking that star.

Page 158 / 304


StoryDownloader

Hugs, fattie.

Page 159 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-Two
"Samantha, run!" Sigaw ng daddy niya na sinundan ng alingawngaw ng baril.
Nanginig ang kalamnan ni Samantha, hindi dahil sa takot kung 'di sa galit.
Alam niyang panaginip lang ito pero gustuhin man niyang barilin din ang
lalaking pumatay sa kanyang magulang ay hindi niya magawa.
Kagaya ng mga dati niyang panaginip ay naulit lang muli ang nangyari noon.
Bago pa man makatakbo ang labing limang taong gulang niyang sarili, ay agad
siyang sinunggaban ng lalaki, hinawakan sa buhok at kinaladkad patungo sa
kusina. Doon ay agad siyang tinutukan ng baril sa pagitan ng kanyang mga
mata habang nakaluhod, ni wala siyang magawa kundi ang impit na umiyak.
Umiling siya. Panaginip lang 'to. Alam niyang panaginip lang ito.
Pumikit siya at nang muling magmulat ng mata ay tinitigan niyang mabuti ang
mukha ng lalaki.
Sino ka?
Ngumisi ito at dahan-dahang nag-angat ng kamay, hinawakan ang suot na
maskara at tinanggal. Mabilis na gumapang sa kanya ang takot nang makita
kung sino ang nasa harapan. Si Joseph habang nakatutok sa kanya ang hawak
na baril.
"Goodbye, Samantha!" Anito at kinalabit ang gatilyo ng baril.
Umiiyak na nagmulat ng mata si Savannah. Ilang minuto ang kinailangan niya
para tuluyang pumasok sa kanyang isip na talagang panaginip lang 'yon.
Pagkatapos ay doon niya naalala ang lahat ng nangyari. 'Yung auction, ang
pagkuha niya sa half moon diamond, ang mga FBISA, si Joseph at-Namilog ang kanyang
mata at bumalikwas nang bangon. Napaungol siya nang
gumuhit ang sakit sa kanyang kaliwang tagiliran at balikat. Sinapo niya ang
huli at napangiwi.
Oo nga pala! Nabaril siya. Sinalo niya ang bala na dapat ay para kay--natigilan
siya--nasaan si Joseph? Anong nangyari?

Page 160 / 304


StoryDownloader

Iginala niya ang tingin sa paligid. Base sa liwanag na nagmumula sa siwang ng


kurtina ay dapit-hapon na. Pamilyar sa kanya ang silid. Nasaan siya? Nilingon
niya ang katabing mesa at natigilan.
Napahawak siya sa leeg at biglang tumulo ang luha habang nakapako pa rin
ang tingin sa picture frame na nakapatong doon. Family picture nila. Siya, ang
mommy at daddy niya habang kalong ang bagong silang pa lang na si Ysabelle
Napahikbi siya. Tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa kanyang paa at pilit
na inabot ang litrato kahit pa nagpo-protesta ang balikat niya. Nang
mahawakan na niya ang frame ay nawalan siya ng balanse at nalaglag sa kama.
Pero hindi niya yun ininda, sa halip ay umiiyak na niyakap niya ang larawan ng
kanyang pamilya.
"Mom, Dad!" Humagulgol siya. Miss na miss na niya ang pamilya. Miss na
miss na niya ang buhay bilang si Samantha, anak ng isang sundalo at ng isang
simpleng magbahay na mahilig magluto, ate sa bunsong kapatid at girlfriend ng
isang pulis kadete. Gustong-gusto na niyang magising sa bangungot na 'to.
"Samantha!" Bumukas ang pinto ng kwarto at mula roon ay sumungaw si
Joseph.
Akala niya nung una ay totoong panaginip lang ang lahat, na hindi naman
talaga nawala ang kanyang pamilya at siya pa rin si Samantha.
Pero nang makita niya ang lalaki na kasunod ni Joseph ay bigla siyang nagising
sa katotohanan. Na wala na si Samantha at lahat ng mahal niya sa buhay.
Ilang beses pa ba siya magigising na umaasang bangungot lang ang lahat?
Fifteen years pero hanggang ngayon umaasa pa rin siya na babalik pa ang
magulang niya.
Nang humakbang palapit si Joseph ay agad siyang umiling.
"Don't--" Bulong niya. Ni wala na siyang lakas para tumayo o maupo man lang
ng ayos.
Nilingon muna ni Joseph ang kasama, nagtanguan ang mga ito at pagkatapos ay
isinara ang pinto.
"Samantha--"

Page 161 / 304


StoryDownloader

Pumikit siya, parang kumirot ang puso niya nang marinig muli ang pangalan
mula sa bibig ni Joseph.Alam nyang alam na nito ang tungkol sa totoo niyang
pagkatao kaya wala ng kwenta pa kung itatanggi niya.
Pero gustuhin man niyang maging si Samantha ulit ay hindi na pwede. Marami
pa siyang kailangang gawin bilang si Savannah.
"Where are we?" Tanong niya. Pinilit niyang tumayo at nang makaupo na ulit
siya sa kama ay halos manlambot na siya. Damn it!
"Nandito tayo sa bahay bakasyunan nyo." Anito, nanatiling nakatayo malayo sa
kanya at nakakuyom ang kamao na para bang pinipigilan ang sarili na
sunggaban siya.
"Gaano na ko katagal dito?" Tanong pa niya at kaswal na ibinalik ang litrato sa
mesa.
"Pangalawang araw na ngayon."
Dalawang araw na siyang walang malay? Isinuklay ni Savannah ang daliri sa
buhok at napangiwi nang muling gumuhit ang matinding kirot sa balikat. Paano
na ang misyon niya?
Agad siyang natigilan. Nasaan ang half moon diamond? Inilibot niyang muli
ang tingin sa paligid at kahit na masakit ang buong katawan ay nagawa niya pa
ring tumayo para hanapin ang dyamante.
"Samantha? What the hell?" Bulalas ni Joseph nang isa-isa niyang buksan ang
drawer ng cabinet na para bang nasisiraan ng bait. Malalaki ang bawat hakbang
na binura ni Joseph ang pagitan nila, hinawakan siya sa magkabilang braso at
ipinihit paharap. "Tigilan mo yan. Makakasama sayo ang--"
"Nasaan yung diamond?"
Bumuntong-hininga si Joseph at umiling.
"Nasaan?" Sigaw niya. Hindi pwedeng wala sa kanya. Kailangan niya yun para
mapasok ang Belial triangle, para malaman kung sino ang pumatay sa kanyang
magulang at para matuldukan na ang lahat ng krimen na ginagawa ng triangle.

Page 162 / 304


StoryDownloader

"Ano bang nangyari sayo, Samantha?" Sa halip ay iyun ang naging sagot ni
Joseph. Lumipat ang mga palad nito sa kanyang pisngi at awtomatikong
napapikit siya. "Bakit hindi ka bumalik sakin? Bakit hindi ka nagpakita sakin?
Bakit hindi mo ipinaalam na buhay ka pa? All this time akala ko wala ka na."
Niyakap siya ni Joseph at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. Mayamaya pa
ay yumuyugyog na ang balikat nito tanda ng pag-iyak.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak din. Marami rin sana siyang gustong
sabihin at itanong sa dating kasintahan pero hindi niya alam kung paano o saan
sisimulan.
"Samantha." Paulit-ulit na bulong ni Joseph.
Umiling siya. "No. Don't call me that. Not yet." Bulong din niya.
Bahagyang lumayo si Joseph para tingnan ang kanyang mukha. Nagtatanong
ang mga mata nito at hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang
sitwasyon niya ngayon.
"Not yet." Ulit niya. Hindi pa siya pwedeng maging si Samantha habang siya
pa si Lupin. Delikado. Hindi lang para sa kanya kundi maging sa mga tao sa
paligid niya.
Humugot siya nang malalim na hininga, pinunasan ang kanyang luha at
bahagyang itinulak si Joseph palayo sa kanya. Ni hindi natinig si Joseph sa
kinatatayuan, sa halip ay lalong humigpit ang braso nito sa kanyang bewang.
"What do you mean?"
Muli siyang umiling. "Hindi--hindi pa ako pwedeng bumalik sa buhay ko noon,
Marco."
There. Inamin na niya ang totoo na siya si Samantha. Wala na rin naman kasing
silbi kung magsisinungaling pa siya.
Pumikit si Joseph. Para bang maiiyak ito. Kung dahil ba sa sinabi niya, o sa
ginawa nyang pag-amin, o dahil sa pagbanggit niya sa pangalan nito, o sa dahil
sa lahat ng yun, ay hindi siya sigurado.
"Bakit?" Tanong nito nang magmulat ng mata. "Bakit hindi ka pwedeng
bumalik samin? Sa akin?"

Page 163 / 304


StoryDownloader

"Hindi mo maiintindihan, Marco." Sapilitan niyang tinanggal ang braso ni


Joseph sa kanya at tsaka siya humakbang paatras.
"Pwes, ipaintindi mo sakin. Sabihin mo kung bakit hindi pwede? Makikinig
ako, Samantha."
"No." Aniya. Tumalikod siya at ikinuyom ang kamao para pigilan ang sarili na
bumalik ulit sa bisig ni Joseph. Dahil yun ang gusto niyang gawin. Ang
yakapin lang si Joseph at bawiin ang labing limang taon na nasayang nila.
Ilang minutong namayani ang katahimikan. Hindi alam ni Samantha kung ano
na ang sunod na gagawin. She was torn between leaving and staying. At
gustong-gusyo niyang piliin ang huli.
Si Joseph ang unang bumasag nang katahimikan.
"Bakit hindi mo simulan kung bakit mo ginagawa ang ginagawa mo ngayon?"
Nang lingunin niya si Joseph ay hawak na nito ang dyamante.
Kinagat niya ang labi. Inaasahan niya na titingnan siya ni Joseph na puno ng
panghuhusga matapos nitong malaman na siya si Lupin. Pero hindi yun ang
nakikita niya sa mata nito. Sa halip ay tinitingnan siya ni Joseph na para bang
gusto lang nitong maintindihan ang lahat. Na para bang kahit na ano pang rason
niya sa ginagawa ay tatanggapin nito.
Magsasalita na sana siya pero inunahan siya ni Joseph.
"No. Wag mong sagutin yan. Wala akong pakialam kahit na may tinatago ka
sakin. O kahit na ano pang nagawa mo bilang si Savannah. Lahat tatangapin
ko. Lahat-lahat." Humakbang ito palapit sa kanya. "Ang gusto ko lang,
Samantha, eh sabihin mo sakin kung bakit iniwan mo ko. Kung bakit hindi ka
nagpakita sakin. Bakit hinayaan mong maniwala ako na wala ka na. Yun lang.
Kahit yun lang."
Hindi siya kumibo. Dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong
nito.
"Please! May pumigil ba sayong bumalik sa dati mong buhay? Kaya mo ba
ginagawa 'to? Sabihin mo sakin kung bakit hindi ka bumalik bilang si
Samantha."

Page 164 / 304


StoryDownloader

Lumunok siya at huminga nang malalim bago nagsalita.


"I did." Bulong niya.
Naguguluhang tiningnan siya ni Joseph kaya naman agad niyang ipinaliwanag
ang ibig sabihin.
"Fifteen years ago... bumalik ako sayo, Marco." Pag-amin niya.
******
Binuksan ni Joseph ang bibig para magsalita pero walang lumabas na kahit
anong salita mula sa kanya. Hindi pa tuluyang pumapasok sa isip niya ang
sinabi ni Samantha, pero nang mangyari yun ay para siyang nasuntok sa
sikmura. O sa puso. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi ni
Samantha.
Ang tanging bumabalot sa kanya ay takot.
Takot sa maaaring sabihin ni Samantha.
Bumalik ito noon? Bakit hindi niya alam? Bakit hindi nagpakita sa kanya si
Samantha.
"What--what do you mean?"
Naupo si Samantha sa kama at para bang bigla itong nalungkot. Bagsak ang
balikat at tumanaw sa malayo na para bang may naalala itong isang bagay na
hindi nito gustong maalala.
"Bumalik ako." Umpisa nito. "Two months after nung pagsabog, pinuntahan
kita. Bumalik ako kasi alam ko..." Pumikit ito at nagpunas ng luha. "Alam ko
na kahit wala na ang buong pamilya ko, kahit nagbago ang lahat... nandyan ka
pa rin. Nandyan pa rin yung lalaking mahal ko at alam kong tutulungan mo
kong bumangon ulit."
Gusto niyang lapitan si Samantha pero pinigilan niya ang sarili. Hahayaan niya
itong magsalita at pagkatapos ay tsaka niya gagawin ang gusto.
Pero alam mo ba kung ano ang naabutan ko, Marco?" Tanong nito na sinundan

Page 165 / 304


StoryDownloader

ng mapait na tawa. "Ikaw... habang nakikipaghalikan sa iba. Two months,


Marco. Two months pa lang akong wala, pero ipinagpalit mo na ko."
Natigilan siya sa narinig. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto
niyang itanggi ang ibinibintang ni Samantha, pero hindi niya magawa.
Aminado siya na noong mga unang buwan na inakala niyang wala na si
Samantha ay nilamon siya ng lungkot at galit. Galit sa taong pumatay sa
kasintahan at lungkot na nawala na sa kanya si Samantha. Halos gabi-gabi
siyang gumigimik kasama ang mga kaibigan. Gabi-gabi ay iba't ibang babae rin
ang nasa bisig niya. Napabayaan niya ang pag-aaral. Sinabayan pa yun nang
galit sa sariling ama nang makita niya ito na may kasamang ibang babae. Doon
niya naisip na hindi siya tutulad sa ama. Kaya naman inayos niya ang buhay.
Para sa kanya, sa Mommy niya, para sa alaala ng kasintahan at para kay
Ysabelle.

Hindi man niya matandaan ang sinasabi ni Samantha, alam naman niya na
nasaktan si Samantha sa nakita nito noon.
"I'm sorry, Samantha." Aniya.
Umiling si Samantha.
"Nung makita ko yun... nagalit ako sayo Marco. Sa loob ng fifteen years wala
akong ginawa kung hindi ang kamuhian ka. I hate you for leaving me behind."
Humakbang siya palapit kay Samantha at lumuhod sa harap nito tsaka niya
ginagap ang mga kamay ng kasintahan.
"Hindi kita iniwan, Samantha." Tumutulo na ang luha niya habang hinahalikan
ang likod ng palad nito. "Hindi ko yun magagawa sayo. Sinubukan kong
kalimutan ka. Sinubukan kong magmahal ng iba. Pero hindi ko kaya. Hindi ko
magawang burahin ka sa puso't isip ko." Aniya.
Tumango si Samantha at hinawakan siya sa pisngi.
"Alam ko, Marc-ko! Alam ko na yun ngayon."
Wala siyang nagawa bukod ang yakapin si Samantha habang paulit-ulit na
ibinubulong ang mga katagang,

Page 166 / 304


StoryDownloader

"Thank you for coming back to me and thank you for surviving, Samantha."
Aniya. Inangat niya ang kamay para hawakan ang pisngi ni Samantha at
sinalubong ang tingin nito. "Hinding hindi na kita bibitawan ulit. Tutulungan
kitang maibalik ang dati mong buhay, Samantha. Ikaw at si Ysabelle--"
"No!" Anito. "I can't. Not yet."
"Samantha... please."
"Hindi mo naiintindihan."
Pumikit siya. Bumalik na naman sila sa simula. Paano ba niya maipapaintindi
kay Samantha na handa siyang tanggapin ang lahat?
"Then make me understand. Makikinig ako. Kahit na ano pa yan, matatanggap
ko."
Bago pa man makasagot si Samantha ay bumukas ang pinto at pumasok si
Wilson. Sa tindig at sa ekspresyon ng mukha nito ay alam na agad niyang may
nangyaring hindi maganda.
"Kailangan na nating umalis, bok. Parating na sila." Anunsyo nito.
Ni hindi na siya nagtanong pa at agad na kumilos. Nilingon niya si Samantha at
pinisil ang kamay nito. Tahimik siyang nangako na ililigtas niya si Samantha sa
lahat ng gustong manakit dito.
At yun mismo ang gagawin niya.
Kaya nga hindi niya inaasahan na sa mismong araw ding yun ay mabibigo siya
sa pangakong binitiwan. Sa halip na mailayo niya si Samantha sa gulo ay siya
pa mismo ang nagdala sa babaeng mahal sa gitna nang gulong iniiwasan.
Dahil heto sila ngayon, isang oras mula nang umalis sila sa bahay-bakasyunan,
ay hinarang sila ng anim na van at napapaligiran ng mga armadong lalaki na
alam niyang walang sinasanto.
"Ye're Lupin?" Tanong ng isa sa mga ito sa direksyon ni Samantha. Agad
niyang iniharang ang sarili sa unahan ni Samantha. Mamatay muna siya bago
mahawakan ng mga ito si Samantha.

Page 167 / 304


StoryDownloader

"I am." Sagot ni Samantha mula sa kanyang likod. Pinisil nito ang kamay niya
bago humakbang sa kanyang unahan.
"Do ye have the diamond?"
"Yes." Sagot ni Samantha at nagulat siya nang makitang hawak na nito ang half
moon diamond.
"Good." Sagot ng isa. "Welcome to Belial Triangle, Lupin."
Humakbang palayo si Samantha at nang lumingon sa kanya ay nakangisi na ito.
"Thank you for this, Officer!" Anito at halos madurog ang puso niya.
#####
Woah! So ayan na ang Belial Triangle at mukhang kahit na palpak ang misyon
ni Samantha ay intrresado pa rin sa kanya ang mga sindikato.
Anyway, anong masasabi nyo sa naging pag-uusap nina Samantha at Joseph?
At ano kaya ang susunod na mangyayari?
Basta ako... gusto kong magpasalamat. Thank you for reading, commenting &
voting. Keep it coming!
Love, fattie.

Page 168 / 304


StoryDownloader

Page 169 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-Three
*** Sorry po sa late update.:)
Ang chapter pong ito ay para sa lahat ng matiyagang naghihintay ng update at
nagpipigil na batukan ako! Thank you po sa pang-unawa :)
_________________
"Samantha, don't do this... please!"
Pinilit ni Savannah na humakbang palayo at wag tingnan si Joseph para hindi
na makita pa ang reaksyon nito sa gagawin niya. Nagdudusa rin siya at
gustuhin man niyang ipaliwanag kay Joseph ang lahat ay hindi na niya
magagawa yun ngayon.
Ito lang ang tanging paraan para mapasok niya ang Belial Triangle.
Determinadong humakbang siya palapit sa lider ng grupong humarang sa
kanila. Maitim ang lalaki at may tattoo ng cobra sa braso. Nakasuot ito ng itim
na maskara na disenyong bungo at may tatak na tarantula.
"Lupin." Pakilala niya at inilahad ang kamay.
"Cobra." Sagot nito at sa halip na tanggapin ang pakikipag-kamay niya ay
hinalikan nito ang likod ng kanyang palad.
Binawi niya ang kamay at ngumiti.
"We should go." Aniya. Hindi niya isusugal ang kaligtasan ni Joseph at nang
kasamahan nito. Mas maaga niyang mailalayo ang grupo, mas maganda.
"Samantha, no--argh..."
Nilingon niya si Joseph at halos kumulo ang dugo niya nang makitang
bumagsak ito sa lupa matapos hampasin ng hawak na baril ng isa sa mga
sindikato. Kinailangan niyang ibaon ang kuko sa palad para pigilan ang sarili
na balian ng kamay ang lalaki.
Ngumisi ang lider ng grupo at gamit ang hawak nitong M16 ay itinuro nito ang
direksyon nina Joseph.

Page 170 / 304


StoryDownloader

"Kill 'em." Anito sa kanya.


Nanlamig ang buong katawan ni Samantha sa narinig.
"What?" Ni hindi niya nagawang itago ang pag-aalala para kay Joseph.
"Kill 'em and we're leavin'!" Anito at inihagis sa kanya ang isa pang baril.
Hindi na niya napigilan ang pangangatal ng kamay habang pinagmamasdan ang
hawak na baril. Simula ng maging miyembro siya ng UCA elite group ng CIA,
ni minsan ay hindi siya humawak ng baril.
Ngayon lang.
Ngayon lang at kailangan niyang gamitin ang hawak na baril kay Joseph.
Lumunok siya at sinulyapan ang kasintahan. Nakatingin ito sa kanya na para
bang hinahamon siyang gawin ang ipinagagawa sa kanya. Dumako ang tingin
niya sa kaibigan ni Joseph, nakaluhod ito sa lupa yakap ang kapatid na babae
na pinakawalan ng grupo matapos niyang sabihin na siya nga si Lupin.
Ito ba ang kailangan niyang gawin para tuluyang mapasok ang Belial Triangle?
Ang pumatay? Ang patayin ang lalaking minamahal?
"What are ye waitin' for?"
Pumikit siya at humugot nang malalim na hininga. Itinaas niya ang hawak na
baril at itinutok iyon kay Joseph. Inilagay niya ang daliri sa gatilyo ng baril at
muling huminga ng malalim.
Kailangan niyang gawin 'to.
Wala siyang pagpipilian
Bago pa man magbago ang isip niya ay mabilis siyang pumihit pahaarap sa
lider ng grupo at doon itinutok ang hawak na baril.
Halos sabay-sabay naman na nagkasa ng baril ang lahat nang nakapaligid na
miyembro ng Belial at itinutok sa kanya.
"What are ye doin', Lupin?" Tanong ni Cobra, ni hindi mababakas ang

Page 171 / 304


StoryDownloader

pag-aalala kahit na nakatutok na dito ang hawak niyang baril.


Pinagkiskis niya ang ngipin at saglit na sinulyapan ang lahat ng nakapaligid sa
kanila. Dalawang dosena at lahat armado ng iba't-ibang klase ng baril. Kapag
nagkamali siya, utak niya ang sasabog dito.
Huminga siya ng malalim at ngumiti.
"I can't kill him. He's the president's son. We need him." Aniya.
Natigilan ang lalaki at mabilis na tiningnan si Joseph.
"He's the president's son?" Bakas sa boses nito ang pagkagulat.
Isa sa mga lalaki ang lumapit kay Cobra at may ibinulong na kung ano.
Mayamaya ay tumango ang lider at sinenyasan ang mga kasamahan.
"We're bringin' him with us. Tie him up."
"How 'bout the ot'er two?" Tanong ng isa habang nakatingin sa magkapatid.
"We're leavin' 'em here." Anito at ngumisi sa direksyon niya. "Malady, it's time
to meet our protector." Inialok nito ang braso sa kanya at kahit labag sa loob ay
napilitan siyang tanggapin iyon.
Pinilit niyang ngumiti kahit na gustong-gusto na niyang kalabitin ang gatilyo
ng hawak na baril. At isang bagay lang ang pumipigil sa kanya na pasabugin
ang utak ng lalaki sa harap niya.
"C'mon. His waitin' for ye."
At iyon mismo ang gusto niyang mangyari. Ang makilala kung sino ang
protector ng Belial dito sa Pilipinas.
Nang humakbang siya ay pasimple niyang hinawakan ang suot na relo at
pinaikot ang bilog na nakakabit doon. Tahimik na ipinagdasal niya na sana ay
mahanap sila ni Elisa.
******

Page 172 / 304


StoryDownloader

"Savannah, can you hear me."


Natigilan si Savannah nang marinig ang boses ni Elisa sa suot niyang earpiece.
Kinagat niya ang labi at tahimik na nagpasalamat na nahanap sila ng kaibigan.
Tumikhim siya ng dalawang beses para sabihin sa kaibigan na malinaw na
naririnig niya ang sinasabi nito.
Palihim na sinulyapan niya ang mga kasama sa van. Nakahinga siya ng
maluwag nang makitang tila walang nakapansin sa kaniya.
Kaswal na sumandal siya at tumanaw sa labas ng bintana.
"Pwede mo bang alamin kung saan kayo pupunta?" Tanong ni Elisa.
Humarap siya kay Cobra at halos kumulo ang dugo niya nang makitang
pinapasadahan siya nito ng malagkit na tingin. Kinailangan niyang pagkiskisin
ang ngipin para pigilan ang sarili na dukutin ang mata nito.
Bastard!
"Ye're beautiful." Anito.
Pinilit niyang ngumiti.
"Thank you! You're quite..." Binitin niya pa ang sasabihin at pinasadahan din
ito ng tingin.
"... good yourself. Mula ulo, mukhang paa."
Lalo niyang tinamisan ang ngiti. Alam niyang hindi nito maiintindihan ang
sinabi niya, at isip bata na kung isip bata pero nag-eenjoy siya.
"Thank you."
Kinagat niya ang dila at pinigilan ang sarili na humagalpak ng tawa at sabayan
si Elisa na humahagikhik na sa tenga niya. Wala siya sa posisyon na galitin ito.
Hindi niya gustong alamin kung bakit Cobra ang bansag dito.
Sa ngayon.
Pinaikot niya ang daliri buhok at sa halip ay, "So, where are we headed?"

Page 173 / 304


StoryDownloader

"We're headin' to a private Tarmac in Cavite. He's waitin' for us."


"If you don't mind me asking, who is he?" Kaswal na aniya.
Ngumiti si Cobra. "Deuce. Our protector 'ere in the Philippines."
Tumango siya. Yep, bagay na bagay. Deuche--bag!
Hindi na siya makapaghintay na makilala kung sino ang protektor ng mga ito at
hindi na rin siya magtataka kung ang taong yun ay ang mismong ama ni
Joseph.
Inilagay niya ang kamay sa tagiliran para hindi makita ni Cobra ang
pagkukuyom niya ng kamao. Kapag totoong ang presidente talaga ang dahilan
kung bakit namatay ang magulang niya, patawarin siya ni Joseph dahil talagang
hindi siya magdadalawang isip na kuhanin din ang buhay nito gamit ang sarili
niyang kamay.
An eye for an eye.
"We're 'ere." Anunsyo ni Cobra nang huminto ang sinasakyan nila at ang apat
pa nilang convoy sa isang liblib na Tarmac kung saan may isang private jet na
naghihintay sa kanila.
******
"Walk!"
Pinagkiskis ni Joseph ang ngipin nang itulak siya ng lalaki, pababa sa van,
gamit ang hawak nitong baril. Kahit na alam nyang wala rin namang
mangyayari ay sinubukan pa rin niyang higitin ang kamay sa pag-asang
luluwag ang tali na nakalagay sa braso niya.
Nope. Walang kwenta.
Kinalkula niya ang pwede niyang gawin. Marami siyang alam na paraan na
pwedeng gamitin para makatakas pero sa dami ng armadong lalaki sa paligid
nila, ay alam niyang isusugal lang niya ang sariling buhay at ang buhay ni
Samantha.

Page 174 / 304


StoryDownloader

He was outnumbered.
At hindi rin siya armado. Magawa man niyang kitilin ang buhay ng dalawang
lalaki na nasa likod niya, tiyak namang hindi lang isang bala ang tatapos sa
kaniya.
Kaya sa halip na gumawa ng kalokohan ay tahimik na sumunod na lang siya.
Nakita niya si Samantha na bumaba na rin nang sinakyan nitong van at halos
mangalaiti siya nang makita kung paano inilagay ng lider ng grupo ang kamay
nito sa likod ni Samantha. Sa oras na makawala siya dito ay talagang babawian
niya ang lalaking ito.
Lumipat ang tingin niya sa mukha ni Samantha at saglit na nagtama ang mga
mata nila. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya alam kung bakit, pero ni
katiting na galit o pagdududa kay Samantha ay wala siyang maramdaman.
Alam niyang may dahilan kung bakit ito nakikipagtulungan sa grupong ito.
Nang marinig niya kanina kung ano ang grupong kinabibilangan ng mga ito ay
agad siyang nanghina. Kilala niya ang Belial Triangle. Ito ang pinakamalaking
grupo ng sindikato sa buong mundo. Droga, prostitusyon, pagnanakaw, human
trafficking, pagpatay... ilan lang iyon sa mga ginagawa ng grupong ito. At hindi
siya magkakaila na nakaramdam siya ng saglit na galit kay Samantha. Paano
nito nasisikmura na maging miyembro ng grupong 'to.
Pero nang makita niya kanina sa mga mata nito ang takot ay agad na nagbura
ang pagdududa niya kay Samantha.
Hindi man niya lubos na kilala ang Samantha ngayon, alam naman ng puso
niya na dapat lang siyang magtiwala sa kasintahan.
At kung sakali man na totoong ganito na talaga ang buhay ni Samantha, na
talagang nakikipagtulungan ito sa mga sindikato, ay handa siyang tanggapin
iyon ng buong-buo. Handa siyang gawin ang lahat para tulungan ang
kasintahan na baguhin ang buhay nito.
"...' you deaf? I told you to walk!" Sigaw ng lalaki sa tenga nya at pakiramdam
niya ay napuno iyon ng laway. Humakbang siya, ang mga mata ay nakapako
kay Samantha.
Bawat hakbang niya ay tinutuldukan ng sundot ng baril sa likod niya hanggang

Page 175 / 304


StoryDownloader

sa makalapit sila sa Tarmac kung saan naghihintay ang isang jet. Sa paligid ay
mas doble pa ang mga nakamaskarang sindikato at lahat ay armado ng mga
bigating armas.
Unang umakyat sina Samantha at huli sila. Binati sila ng stewardess at iginiya
papasok sa loob.
Doon ay may isang lalaki na nakaupo at napapaligiran ng apat na malalaking
lalaki. Nakatalikod ito sa kanila kaya hindi agad niya nakita ang mukha nito.
Ikinuyom ni Joseph ang kamao. Hindi niya naiintindihan kung ano ang
nangyayari, pero hindi niya kailangang maging matalino para malamang ito
ang protektor ng grupo dito sa Pilipinas.
At ipinangako ni Joseph na kung sinuman ang lalaki sa kanyang harap ay
sisiguraduhin niyang magbabayad sa batas.
"Welcome to Belial, Lupin."
Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Joseph nang marinig ang pamilyar na
boses, pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng puso niya.
Hindi maaari!
Hindi pwedeng ang lalaki sa harap niya ay ang mismong lalaking
pinagkatiwalaan niya.
"No..." Bulong niya.
Pero lahat ng pagdududa niya ay naglaho na parang bula nang humarap sa
kanila ang lalaki.
Nanuyo ang lalamunan niya at halos manlambot ang kanyang tuhod. Binuksan
niya ang bibig para magsalita pero walang lumabas na kahit na isang salita.
Iniling niya ang ulo. Hindi 'to totoo.
Pero nang pangalanan ni Samantha ang lalaki sa harap nila ay alam na niyang
hindi siya nananaginip.
Totoong ang lalaki sa kanyang harap ay ang mismong lalaki na nagpalaki sa

Page 176 / 304


StoryDownloader

kanya.
"Marcus!" Aniya at sinalubong ang tingin ng tiyuhin.
******
Okay, hold that, please...bago nyo ko batuhin ng kung anumang hawak nyong
matatalim na bagay dahil bitin na naman ang chapter na 'to... hahaha
Please lang, sana maintindihan nyo po na hindi ko intensyon na bitinin kayo sa
bawat ending ng chapter. Okay fine... siguro nga gusto ko ang mga
cliffhangers, hahaha... pero kung matagal ko na kayong reader (simula pa lang
sa MTE) dapat kilala nyo ako.
Alam nyo na kaya kong mag-update ng sunod-sunod na chapter, minsan tatlo
pa (avalanche update ang tawag ko)... pero yun po ay kapag talagang bumabaha
ang ideya sa utak ko.
Sa story pong ito, aaminin ko, inspired akong isulat siya, at dahil yan sa inyo...
pero ang problema lang nahihirapan ako na bumuo ng isang chapter dahil bago
pa lang akong gumagawa ng ganitong genre. Nahihirapan talaga ko. Kailangan
maging realistic, which is... ang hirap gawin sa isang fiction... hahaha. Hindi
naman ako kagalingan.
Minsan sa loob ng isang araw, talagang nakikipagtitigan lang ako sa screen ng
cellphone ko (isa pa yan sa mga problema... ang hirap magsulat sa phone pero
wala akong magagawa kasi sira ang laptop ko, :'( so sad...
So sana maintindihan nyo po ako.
Okay lang na mag-demand ng update... keri ko na yan. Gusto ko yung
bumibisita kayo sa profile ko para ipaalala na kailangan kong magsulat. Kasi
talagang nagsusulat ako kasi iniisip ko na may naghihintay ng update.
Okay lang pong mag demand... parte yan ng pagiging reader natin... sino nga
ba naman ang magtityagang maghintay ng matagal na update. Wala.
Nakakasawa kaya, hello.
Pero sana po... maintindihan nyo rin na sa labas ng wattpad, sa likod ng screen
nyo ay may isang simpleng babae--na hindi naman kagalingang magsulat,
pabebe pa--eh may sarili rin siyang buhay. Minsan busy siya at minsan may
problema. That's life. May pagkasensitive din po ako. Hahahaha. Aminado

Page 177 / 304


StoryDownloader

naman akong balat sibuyas ako. Hindi ko alam kung kelan ako masasanay sa
mga negative comments... kaya ang gagawin ko na lang guys, buburahin ko
ang comment na talagang naoffend ako. Hahahaha. Pasensya na.. hindi kasi ako
sanay sa ganun. Sana maintindihan nyo, though... isasapuso ko ang opinyon
nyo para sa ikakabuti ko.
Mahal ko kayong lahat ng readers ko... totoo yan. Inspiration ko po kayo sa
pagsusulat. Ang hinihingi ko lang po ay pang-unawa. Palagi naman akong
nagsosorry sa late update at sana po sapat na yun para wag kayong magalit
sakin.
So... ayan, ano pong masasabi po sa big revelation na si Marcus pala ang
protector? May nakahula ba nun? Wala noh! Pati ako hindi ko yan inaasahan.
Along the way kasi, may nabago sa orihinal na plano. Hehe.
Sorry sa rant... pero nagpapaliwanag lang ako. Sana po wag akong ikumpara sa
ibang writers, please... masakit po.. hahaha.
Anyway thank you for reading, commenting and voting,
From your balat sibuyas na author,
Fattie
Ohh.. and next update is... susubukan ko bukas! Wag lang kayong magalit
sakin ;) please.
Love you all! :) peace!

Page 178 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-Four
"You!" Kunot-noo at hindi makapaniwalang bulalas ni Marcus habang
nakatingin kay Savannah.
Hindi naman nagtataka si Savannah sa reaksyon nito dahil malamang na
nasasalamin din sa mukha niya ang pagkabigla.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng pribadong eroplano
habang nagsusukatan sila ng tingin. At sa mga sandaling iyon ay parang bigla
niyang narinig sa isip ang huling sinabi ng ama bago ito bawian ng buhay.
Se--mar-us! Hindi isang riddle o parte ng huling habilin nito ang iniwang salita,
kung'di ang pangalan ng taong nagtraydor sa kaniyang ama at sa bansa.
Si Marcus!
Gusto niyang matawa at maiyak nang sabay sa napagtanto pero pinigilan
niyang magpakita ng kahit anong reaksyon.
Sa dami ng taong pwedeng maging protector ng Belial, si Marcus ang
kahuli-hulihang tao na pagdududahan niya. Isa ito sa subordinate ng kanyang
Daddy Lucas sa militar, bukod pa dun ay itinuring itong kaibigan ng kanyang
ama. Si Marcus din ang namumuno sa FBI Secret Alliance ngayon, kapatid din
ito ng first lady ng Pilipinas at alam niyang malapit ito sa pamangking si
Joseph.
Kaya nga hindi niya inaasahan na si Marcus ang protektor ng Belial.
Ikinuyom niya ang nanginginig na kamao. Hindi niya alam kung hanggang
kelan niya mapipigilan ang sarili.
"Ikaw si Lupin?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Huminga siya ng malalim at pinilit na ngumiti. "I am."
Nanatiling nakatingin lang sa kanya si Marcus. Mayamaya pa ay bumunghalit
ito ng tawa.
"Well, would you look at that. Hindi ikaw ang inaasahan kong makita bilang si
Lupin... Miss Savannah Elizabeth Collins." Anito at humakbang palapit sa

Page 179 / 304


StoryDownloader

kaniya.
"Lumayo sa kanya, h@yop ka!" Galit na sigaw ni Joseph habang nagpupulit na
kumawala.
Tinapunan ito ni Marcus nang tingin at sinenyasan ang mga tauhan. Agad
namang tumalima ang mga ito at sinuntok sa sikmura si Joseph na sinundan pa
ng isa sa panga nito hanggang sa laylay ang ulo na napaluhod si Joseph.
Kumirot ang puso ni Savannah sa nakita pero pinilit niya pa ring ngumiti.
Paulit-ulit na ipinaalala niya sa sarili na may misyon siyang kailangang tapusin.
"I'm quite surprise myself to see you here, Officer Marcus." Aniya.
Muling tumawa si Marcus.
At pagkatapos ay bigla itong naging seryoso. Lumapit pa ito sa kaniya at gamit
ang kanang kamay ay marahas na hinawakan siya nito sa pisngi.
"Sa tingin mo siguro hindi ko alam ang totoo."
Napalunok siya. Bigla siyang nakaramdam ng takot, hindi dahil sa sinabi ni
Marcus kung'di dahil sa mga mata nito. Pamilyar para sa kaniya ang mata ng
kaharap.
"Ano kaya ang sasabihin ni Lucas kapag nalaman niya na ang paborito niyang
anak ay isa nang magnanakaw? "
Natigilan siya sa narinig. Alam nito? Umawang ang labi niya. Alam nitong siya
si Samantha.
Tumawa si Marcus at marahas na binitawan ang kaniyang pisngi.
"Nagulat ka ba na alam ko ang totoo, Miss Collins? Or should I say Miss
Samantha Fontanilla?" Anito.
Kinagat niya ang nangangatal na labi at ikinuyom niya ang kamao para supilin
ang poot na bumabalot sa kaniya.
"Oh, don't look so surprised. It was quite easy to know who you are. Unang kita
ko pa lang sayo alam ko na agad na ikaw yan, Sammie." Kinilabutan siya nang

Page 180 / 304


StoryDownloader

marinig ang pet name na madalas itawag nito sa kaniya.


Inikutan siya ni Marcus at halos mangatal ang buong kalamnan niya sa
pagtitimping ilabas ang galit.
"Your dad would be so proud of you! Biruin mo, ang perpekto niyang anak ay
ang pinaka-notorious na magnanakaw! My, my... alam kong naghihintay ka
lang ng tamang pagkakataon para bumalik at maghiganti. Pero hindi ko
inaasahan na magiging magkakampi pa tayo. Afterall, ako--" Lalo pang
lumapad ang ngiti nito. "... ang pumatay sa magulang mo."
Napapikit siya. Alam na niya kung bakit pamilyar ang mata nito.
"You!" Tiim-bagang na aniya kasabay ng pagbulong ni Elisa sa tenga niya
nang, 'Savannah, calm down."
Pero hindi niya pinansin ang kaibigan. Nasa harap na niya ang taong pumatay
sa magulang niya at wala siyang pakialam kahit na dehado siya sa
pagkakataong ito.
"Tama ka. Ako nga!" Sagot ni Marcus.
"Bakit?" Hindi man niya gusto pero may bakas ng sakit ang binitawan niyang
salita. Kumikirot ang puso niya para sa ama, sa naramdaman nito ng malaman
ang pagtataksil ng kaibigan. Hindi niya lubos na maisip kung bakit nito nagawa
ang bagay na 'yon sa kaniyang magulang.
"Bakit?" Ulit ni Marcus at muling tumawa. "Dahil siya na lang palagi ang
magaling. Mas magaling ako sa kanya pero bakit kailangang magtrabaho ako
sa pamumuno niya?"
Gumuhit sa mukha niya ang sakit dahil sa narinig. "That's it?"
Huminto sa harap niya si Marcus.
"No! Maraming kasalanan ang Daddy mo sakin. Inagaw niya ang trabahong
para sakin, inagaw niya ang mga parangal na para sakin, inagaw niya ang
lahat-lahat pati na ang babaeng mahal ko."
Tumigil ang ikot ng mundo niya sa narinig.

Page 181 / 304


StoryDownloader

"Minahal ko ang Mommy mo, pero sa huli mas pinili pa rin niya si Lucas."
Umiling si Marcus at humugot ng malalim na hininga.
Hindi makapaniwalang pinag-aralan niya si Marcus, may namumuong luha sa
mga mata nito bagamat agad nitong pinunasan. Mayamaya ay kumilos si
Marcus at sa isang kisap mata ay tinutukan siya nito ng baril sa pagitan ng
kaniyang mga mata.
"W'at are ya doin', Deuce. She's Lupin. We need 'er!" Galit na sigaw ni Cobra.
"Shut up!" Sigaw ni Marcus bago ito muling humarap sa kaniya. Imposible
pero parang mas lumawak pa ang ngiti nito. "Long time no see, kiddo!" Anito
sa boses na kagaya nang sabihin nito sa kaniya, fifteen years ago, ang salitang...
'You better pray now, kiddo!
Sa halip na matakot ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya.
Isa lang ang kakalabasan ng magiging desisyon niya ngayon. Siya ang
mamatay o ito ang mawawala.
At mas gusto niya ang huling pagpipiliian.
"Savannah, don't do this." Bulong ni Elisa. Pero huli na ang lahat dahil nakapili
na siya.
"You forgot something, Marcus." Hinintay niyang magtama ang mga mata nila
bago siya nagsalita. "I'm not a kid anymore." Aniya at mabilis na inagaw ang
hawak nitong baril.
Itinutok niya iyon kay Marcus.
Hindi nakaligtas kay Samantha ang pagkilos nang isa sa mga tauhan ni Marcus
at nang magtama ang mata nila ng nasabing lalaki ay nabigla sya. Agad na
gumapang sa buong katawan niya ang takot.
Hindi dahil sa mga nakatutok na baril sa kanya kun'di dahil pamilyar ang isa sa
mga tauhan nito.
Hindi siya pwedeng magkamali. Tauhan ito ni Henry. Hindi niya
makakalimutan ang pilat nito sa mukha.

Page 182 / 304


StoryDownloader

Anong ginagawa nito dito? At bakit nandito ang tauhan ni Henry?


* * * * * *

Pakiramdam ni Joseph ay sasabog siya sa sobrang galit dahil sa narinig. Hindi


siya pwedeng magkamali sa narinig. Ang tiyuhin niya ang pumatay sa pamilya
ni Samantha. Pumikit siya at inalala ang mga sandaling yun.
Naalala niya kung paano siya nakipagbuno sa lalaking 'yon, kung paano
binanggit nito ang kaniyang pangalan at--Natigilan siya. Ang tattoo nito sa kamay
na ngayon ay napalitan ng sunog na
balat na madalas nitong itago sa suot na itim na gwantes.
Gusto niyang magwala. Sa loob ng labing limang taon ni hindi man lang niya
pinagdudahan ang tiyuhin.
Pinagkiskis niya ang ngipin. Hindi niya gusto ang ganitong lagay, ang wala
siyang magawa kundi ang panoorin ang babaeng mahal habang kaharap nito
ang taong sumira sa dapat sana ay masaya nitong pamilya.
Iniling niya ang ulo. Nanlalabo na ang mata niya dala ng pagkahilo.
Nararamdaman niya ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang noo pero hindi
iyon naging hadlang para panghinaan siya ng loob. Ngayon siya mas kailangan
ni Samantha.
Humugot siya ng malalim na hininga hanggang sa mapuno ng sapat na hangin
ang katawan. Paulit-hulit hanggang sa gumanda ang pakiramdam niya.
Naghintay siya ng tamang pagkakataon at ang pagkakataong 'yon ay dumating
nang agawin ni Samantha ang baril ni Marcus.
Lahat ay tila nabigla sa nangyari at ginamit niya ang pagkakataong 'yon para
kumilos.
Tinabig niya ang paa ng lalaking nakatayo sa likod niya hanggang sa bumagsak
ito sa sahig. Sunod ay iniuntog niya ang ulo sa lalaking nakahawak sa kaniyang
balikat. Nilundagan ni Joseph ang nakataling kamay at sa isang mabilis na

Page 183 / 304


StoryDownloader

galaw ay nadala niya ang kamay sa unahan. Mabilis ang kilos na agad niyang
sinunggaban ang isa pa sa mga lalaki, inagaw ang baril at ginawang
pangharang ang katawan nito sa balang pinapuputok ng mga ilan pang
miyembro nang sindikato.
Nang wala nang buhay ang lalaking hawak niya ay itinulak niya ito sa
direksyon ni Cobra at agad na sinunggaban ang lalaki. Alam niyang anumang
oras ay susugod na ang ilan pang mga miyembro ng sindikato na nasa labas ng
eroplano matapos ang palitan ng mga putok at alam niyang sa oras na mangyari
'yon ay wala na silang kawala ni Samantha.
They're as good as dead.
Kaya naman itinutok niya ang hawak na baril sa sintido ni Cobra at bumulong,
"Tell them to put their gun down, or otherwise I'm going to kill you."
Tinuldukan niya ang babala nang lalong pagdiin ng baril sa sintido nito.
Bagama't malaking bulto si Cobra ay tila nanginig ito sa takot at sa boses na
para bang maiiyak na ay sinabi nitong,
"Put yer gun down."
"Kick it!" Utos pa niya at agad namang sinipa ng mga ito ang baril papunta sa
direksyon niya.
Nang makuntento ay tiningnan niya ang stewardess na nangangatal sa isang
sulok habang nakatingin sa kanila.
"Hey!" Kinuha niya ang atensyon nito. "Close the door." Utos niya at agad
namang tumalima ang dalaga.
Nang maisara nito ang pinto ng eroplano ay bahagya siyang nakahinga ng
maluwag. Ang kailangan na lang niyang gawin ay itali ang mga lalaking ito at-"Put
your down, Officer!"
Nanlamig ang buong katawan niya hindi dahil sa malamig na dulo ng baril sa
likod ng ulo niya, kun'di dahil sa boses na nagsabi ng mga salitang 'yon.
Ni hindi niya magawang kumilos at humarap para tingnan kung talaga bang si

Page 184 / 304


StoryDownloader

Samantha ang nagtutok ng baril sa kanya.


Pero hindi na niya kailangan pang lumingon dahil si Samantha na mismo ang
humakbang papunta sa kanyang harapan.
"I said put your gun down." Anito na sinundan ng malakas na tawa mula kay
Marcus.
"Bakit?" Bulong niya. Naguguluhan si Joseph sa ikinikilos nito. Bakit sa kanya
nakatutok ang hawak nitong baril gayung nalaman na nito ang totoo.
"Samantha..."
"Wag mo nang hintayin na maubos ang pasensiya ko. Put your fuçkîng gun
down." Sigaw ni Samantha at halos manlumo siya.
Hinintay niyang magtama ang mga mata nila ni Samantha at nang mangyari
'yon ay hindi na siya nagdalawang isip sa sunod na gagawin.
Tanga na kung tanga pero alam ni Joseph na ang kailangan lang ulit niyang
gawin ay magtiwala kay Samantha.
At iyon mismo ang ginawa niya.
Binitawan niya ang hawak na baril. Mabilis namang kumilos ang mga tao sa
paligid niya at agad siyang tinurukan ng kung ano sa kaniyang braso. Bago siya
tuluyang mawalan ng ulirat ay narinig niya ang malamyos na boses ni
Samantha sa kanyang tenga.
"Thank you for trusting me, Marco." Bulong nito at mukha ni Samantha ang
huli niyang nakita bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.
######
Sorry fir the late update and thank you for reading, commenting and voting!

Page 185 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-Five
Nang maisara ni Savannah ang pintuan ng banyo ng eroplano ay agad na
nanlambot ang kanyang tuhod. Itinukod niya ang mga palad sa lababo para
alalayan ang sarili na wag matumba sa sahig.
Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya nang naalala ang mga nangyari kanina.
Muntik na.
Muntik na niyang inilagay, hindi lang ang kanyang buhay kun'di naging ang
buhay ni Joseph sa kapahamakan. Hindi lang 'yon, muntik na rin niyang sinira
ang mga plano nila.
Pumikit siya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang kalabitin ang gatilyo
ng baril sa sintido ni Marcus para pagbayarin ito sa mga nagawang kasalanan.
Pero nang makita niya ang tauhan ni Henry ay agad na nagbago ang isip niya.
Kailangan niyang malaman kung sino ang pinuno ng Belial. Hindi siya
matatahimik hanggang hindi niya napapatunayan na walang kinalaman si
Henry sa lahat.
Itinuring niyang pangalawang ama si Henry at hindi niya kakayanin kapag
nalaman na isa ito sa mga nasa likod ng Belial.
Humugot siya nang malalim na hininga at pinakawalan iyon. Paulit-ulit
hanggang sa makalma niya ang sarili. Pagkatapos ay binuksan niya ang gripo at
naghilamos ng mukha. Hinigit niya ang tuwalya na nakapatas sa cabinet at
ipinunas 'yon sa mukha.
"Miss Lupin?" Sinundan iyon ng tatlong mahihinang katok sa pinto at base sa
boses ay walang dudang ang stewadess nila ang nasa labas.
"What is it?" Tumayo siya ng tuwid at tsaka binuksan ang pinto. Ang
nakangiting mukha ng stewardess ang bumungad sa kanya bitbit ang isang
maliit na bag. "Mister Deuce wants you to have this. And you only have twenty
minutes before we take off. "
Tumango sya at mabilis na kinuha ang inaalok nitong bag. "Thank you." Aniya
at muling isinara ang pinto.
Binuksan niya ang bag at hindi na nagtaka ng makakita ng pamalit na damit.

Page 186 / 304


StoryDownloader

Isinara niya ang toilet seat at naupo doon. Hinubad niya ang suot at napangiwi
nang gumuhit ang kirot sa kaniyang balikat na sinundan ng pagkirot ng kaliwa
niyang tagiliran.
Napahigop siya ng hangin nang makitang dumudugo na ang bendang nakatali
sa kaniyang tagiliran. Mabilis ang naging kilos na kinalas niya ang benda,
nilinis ang kanyang sugat gamit ang first aid kit na nakita nita sa cabinet at
makalipas ang sampung minuto ay nakapagpalit na siya ng damit.
Tumayo na siya at hinalungkat ang cabinet na may pulang krus na nakagtatak
sa labas. Nakahinga siya nang maluwag nang makakita ng mga bote ng gamot.
Isa-isa niyang binasa ang mga label at nang makakita nang pwede niyang
inumin para sa kirot ay agad siyang kumuha ng dalawang tableta at ininom.
Bago siya tuluyang lumabas ng banyo ay biglang may sumagi sa isip niya.
Hinawakan niya ang tenga at pumikit, pinakinggan kung maririnig pa ba niya si
Elisa o tuluyan nang nawala ang reception niya.
"Savannah?" Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang kaibigan. Agad
niyang binuksan ang gripo at hinayaan iyong tumulo para hindi marinig sa
labas ang pakikipag-usap niya kay Elisa.
"Nakuha nyo ba ang lokasyon namin?" Bulong niya at muling naupo sa toilet
seat.
"Yes and more... nakuha na rin namin ang lokasyon ng pupuntahan nyo. Isang
isla sa pacific ocean at ang nakakagulat, wala sa mapa ang isla. Nahuli na rin
ng grupo ni Zack ang taong bumaril sayo. We run his identity in our system
and guess who? Si Agent Mendoza aka Hack. Siya ang hacker ng FBISA. One
of the best, miyembro siya ng Delta team at ikinanta na rin niya na si Marcus
ang protector ng Belial dito sa Pilipina."
Tumango lang siya kahit alam niyang hindi siya nakikita ni Elisa. Sinubukan
naman niyang magsalita pero walang lumabas na kahit ano sa bibig niya.
Iniisip niya ang magiging reaksyon ni Joseph kapag nalaman nito ang tungkol
sa iba pang miyembro ng FBISA na sangkot sa Belial. Tiyak na masasaktan ito.
Hindi niya alam kung ano ang sakit na naramdaman nito nang malaman ang
tungkol kay Marcus pero kitang-kita niya sa mga mata ni Joseph ang
pagdurusa.
"Nagpadala na ng mga submarine at chopper ang CIA pero hindi kami kikilos

Page 187 / 304


StoryDownloader

hanggat walang go signal mula sayo. Papasukin namin ang isla ng hindi
nadi-detect... kailangan kong mahack ang system sa isla."
"Miss Lupin? You have to go back to your seat. Any minute now and we're
taking off." Muling kumatok ang stewardess.
"Okay!" Sagot niya. Nang marinig niyang wala na ito sa tapat ng pinto at agad
niyang hinawakan ang tenga. "Elisa... nandyan ba si Henry?"
"Wala siya dito ngayon. Nasa tactical meeting siya with Agent Sandra."
"Okay, listen... gusto kong bantayan mo ang kilos ni Henry. At si Ysabelle.
Make sure she's safe." Aniya.
"Roger that." Sagot ni Elisa.
"Thank you Elisa." Aniya at tsaka siya humakbang palabas ng banyo.
* * * * * *
"Lupin."
Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay nilingon niya si Marcus. Halos tatlong
oras na mula nang lumipad ang sinasakyan nilang eroplano pero ngayon lang
niya nakita ang matanda. Kalalabas lang nito ng pilot's cockpit.
Naupo ito sa katapat na silya, nagsalin ng wine sa dalawang baso at inaalok sa
kanya ang isa. Pinilit niyang ngumiti at tinanggap ang inumin.
"For our success. And for our teamwork!" Anito at iniuntog ang nguso ng baso
sa baso niya.
Tahimik na sinimsim lang niya ang likido habang pinagmamasdan si Marcus at
hinihiling na sana ay masamid ito at bawian ng buhay.
"So... hindi mo ba sasabihin sa Tito Marcus mo ang dahilan kung bakit ka
nagtatrabaho bilang si Lupin?"
Gusto niyang masuka sa sinabi nito. Tito Marcus? Ang kapal naman ng apog
nitong tawagin ang sarili nito ng ganun. Talaga bang naniniwala itong
makakalimutan niya nang ganun-ganun na lang ang mga ginawa nito? Na

Page 188 / 304


StoryDownloader

pwedr talaga silang maging magkatrabaho matapos ng lahat?


Inilapag niya ang baso at ngumiti. Wala na siyang pakialam kung mahalata
nitong peke ang ngiti niya.
"Nah. It was a long story." Aniya.
Tumawa si Marcus. "Kung ganun bakit hindi mo na lang ikwento sakin kung
paano ka nakaligtas sa pagsabog?" Tanong nito na parang ang pinag-uusapan
lang nila ay simpleng pangyayari at hindi ang pangyayaring kumitil sa buhay
ng magulang niya.
Ikinuyom niya ang kamao.
Sumagi sa isip niya si Henry. Ito ang dahilan kung bakit siya nakaligtas sa
pagsabog. Bigla tuloy siyang napaisip. Kasabwat ba ito ni Marcus? Miyembro
rin ba ito ng Belial? Isa sa mga protektor ng sindikato? Kaya ba hirap ang CIA
na masugpo ang triangle?
Pero kung isa ring sindikato si Henry at kasabwat ito ni Marcus, bakit naman
hahayaan nitong mapasok niya ang Belial? Hindi ba nito sasabihin kay Marcus
na si Lupin ay isang CIA undercover agent?
Itinukod niya ang siko sa armrest at hinilot ang sintido. Sumasakit ang ulo niya
sa pag-iisip. Tiningnan niya si Marcus na tila naghihintay pa rin ng sagot sa
tanong nito.
"If you don't mind, I'd rather not talk about it." Aniya at sinalubong ang tingin
nito. "At isa pa... hind porke't nakaupo ako ngayon sa harap mo eh pwede mo
na kong kausapin na para tayong magkaibigan." Ngumiti siya. "Hindi mo
gugustuhing malaman ang mga gusto kong gawin sayo para ipaghiganti ang
magulang ko."
Gusto niyang matawa nang makita ang pagkabigla sa mga mata nito.
"How dare--"
"Hindi ako nandito bilang si Samantha. Nandito ako bilang si Lupin at hindi rin
ako nagtatrabaho para sayo."
Nang manatiling tahimik ang matanda na tila hindi makapaniwala sa mga

Page 189 / 304


StoryDownloader

sinabi niya ay muli siyang nagsalita.


"At kapag naging miyembro ako ng Belial... magtago ka na dahil babalatan kita
ng buhay. Sisiguraduhin kong magsisisi ka na hindi mo pa kinalabit ang gatilyo
ng baril mo para patayin ako nung may pagkakataon ka pa. Dahil kapag
nagkataon ikaw..." Dinuro niya ito. "Ang makikipagtitigan sa dulo ng baril ko
at hihilingin mo na sana hindi ka na lang ipinanganak sa mundong ito."
Napatayo si Marcus sa sinabi niya at humugot ng baril. Mabilis namang
kumilos si Cobra, mula sa pagkakaupo nito sa likod ay agad itong tumayo at
itinutok ang baril nito kay Marcus.
"Stop it, Deuce. We need 'er! Big boss wants to meet 'er. Now, shut up!" Anito.
Kutentong dinampot ni Savannah ang baso niya ng wine at itinaas iyon sa
direksyon ni Marcus. "Cheers!" Nakangiting aniya at sinimsim ang likido.
Nagngingitngit ang kalooban na naupo si Marcus habang masama ang tingin
nito sa kanya.
Inilapag niya ang baso ng wine at inilipat ang tingin sa pinto ng kwarto kung
saan ikinulong ng mga ito si Joseph. Sunod ay lumipat ang tingin niya sa
tauhan ni Henry na nagbabantay sa pinto. Nagsalubong ang mga mata nila at
muling nabuhay ang pagdududa niya kay Henry.
Wag naman sanang may kinalaman si Henry.
Pumikit siya at sumandal. Pinilit niyang burahin sa isip ang lahat ng problema.
Sa ngayon ang kailangan niya ay sapat na pahinga.
Lumipas pa ang ilang oras at mayamaya ay inanunsyo na ng piloto nila na
narating na nila ang Isla Miranda. Nagmulat siya ng mata at huminga ng
malalim.
Dumating na ang pinakahinihintay niyang oras.
* * * * * *
Kung titingnan sa malayo ay parang isang normal na isla lang ang Isla
Miranda. May magandang beach, puting buhangin, iba't-ibang klase ng puno at
klima na kagaya ng sa Pilipinas.

Page 190 / 304


StoryDownloader

Nang makalapag ang eroplano sa Tarmac ay sumakay naman sila sa mga


naghihintay na Limo. Hindi niya nagawang itago ang galit nang makita kung
paano binuhat ng mga ito si Joseph na parang isang sako lang ng bigas. Wala
pa rin itong malay at nagsisimula na siyang mag-alala para sa binata.
Isinakay ng mga ito si Joseph sa Limo na lulan din sila. Hindi tuloy niya
maiwasang palaging sulyapan ang dating kasintahan
"You still love him, I see." Nakangising sabi ni Marcus habang bumibyahe sila.
Pinukol niya nang masamang tingin si Marcus. "Paano mo nagagawang
sikmurain na makitang ganyan ang pamangkin mo?"
Nagkibit-balikat si Marcus. "Simple lang. Hindi ko naman talaga siya kadugo."
Anito.
Ang sabihin na nabigla siya sa narinig ay hindi sapat para ipaliwanag ang
naramdaman niya.
Tumawa si Marcus nang makita ang naging reaksyon niya. "Shocking, isn't it?
Ganyan na ganyan ang naramdaman ko, sixteen years ago nang malaman kong
ampon lang ako. Kaya pala hindi ganun ang turing nila sakin kagaya ng turing
nila kay Sylvia." Anunsyo pa nito at muling nagkibit ng balikat. "Oh well, past
is past."
Muling namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan nila at tanging ang
paghilik lang ni Cobra ang maririnig at ang mahinang andar ng makina ng
sinasakyan nila.
Minabuti na lang ni Savannah na ituon ang atensyon sa dinadaanan nila. Bawat
poste sa kalsadang nilalampasan nila ay may surveillance camera.
Kapansin-pansin din na may mga armadong lalaki sa paligid. Bagamat puro
puno at wala silang nadaraanang gusali ay mahahalata pa rin na hindi
napag-iiwanan sa makabagong teknolohiya ang lugar.
Mayamaya pa ay huminto sila sa tapat ng isang malaking gate. Sa sobrang taas
ng bakod ay halos manliit sila. Nang makapasok ang sinasakyan nila ay ilang
gate pa ang nilampasan nila. Bawat gate ay may naka-istasyon armadong
grupo.

Page 191 / 304


StoryDownloader

Ang pinakahuling gate ay may nakatatak na bungo na may tarantula at nang


bumukas iyon ay hindi mapigilan ni Savannah na makaramdam ng matinding
takot ng bumungad ang isang malaking mansyon.
Alam niya na kapag nagkamali siya ay hindi na sila makakalabas ni Joseph ng
buhay. Ito na ang magiging libingan nilang dalawa at sapat na yon para
lamunin siya ng matinding takot.
"We're here." Anunsyo ni Marcus at alam ni Savannah na wala na siyang ibang
pagpipilian pa kun'di ang magpakatatag.
Tahimik na lumabas siya ng sasakyan at sumabay ng hakbang kay Cobra at
Marcus papasok sa loob ng masyon. Pakiramdam ni Savannah ay impyerno ang
pinasok nila sa tindi ng takot na nararamdaman niya.
Bawat pasilyo na dinaanan nila ay para bang ipinahihiwatig na hindi na siya
makakalabas dito ng buhay.
Nang huminto sila sa tapat ng malaking pinto na kulay ginto ay kumatok si
Marcus at kahit wala siyang narinig na sagot mula sa kabilang pinto ay itinulak
nang pabukas ni Cobra ang pinto.
Isang malaking silid na may mahabang pasilyo na nalalatagan ng pulang carpet
ang bumungad sa kanila. At sa dulo nun ay nakaupo ang isang lalaki sa silya na
tila trono ng hari na gawa sa ginto
Humakbang sila at nang maaninag ni Savannah kung sino ang nakaupo sa dulo
ay tumigil ang ikot ng buong mundo niya.
"No!" Usal niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaking tinawag ni
Marcus at Cobra na Apollyon...
Ang lider ng Belial Triangle.
######
Holy sh--sugar! Sino kaya yun? Sino ang lider ng Belial? Sinooooo?
And... we're down by four to five chapters left! Gahhh!
At dahil malapit na tayong matapos *sigh* Guys, hihingian ko kayo ng input.

Page 192 / 304


StoryDownloader

Sino sa palagay nyo ang nakita ni Samantha? At paano nyo nakikita ang
magiging ending ng story? Tulungan nyo sana akong gumawa ng ending sa
pamamagitan ng pagbibigay ng opinyon nyo.
Hindi ko rin maipapangako na makakapag-update agad ako kasi... nakakahiya
mang aminin pero hindi ko pa nabubuo yung sunod na chapter. Ayoko namang
madisappoint kayo sa isusulat ko. Kailangan ko pa ng kaunting panahon para
maplantsa yung mga action scenes. Lol. Kaya sana bigyan nyo ko ng kaunting
panahon at pasensya. Okay?! Cool! Thanks guys.
And as always, thank you for reading, for patiently waiting, for voting and
commenting!
Hugs, fatima!

Page 193 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-Six
Hindi maitatanggi ni Savannah na nabigla siya ng makita ang lalaking nasa
harap niya. Ilang minuto syang walang kibo, hindi alam kung ano ang
mararamdaman o kung ano ang gagawin ngayong kaharap na niya ang lider ng
Belial.
Mayamaya pa ay unti-unting sumungaw ang ngiti sa labi niya hanggang sa
mauwi iyon sa pagtawa.
Palakas ng palakas na halos sumakit na ang tiyan niya.
Sa tabi niya ay tila nabigla si Marcus at Cobra, nakatingin ang mga ito sa kanya
na para bang nasisiraan siya ng bait. Hindi naman niya masisisi ang mga ito
dahil maging siya ay hindi makapaniwala sa sariling reaksyon.
Alam ni Savannah na hindi dapat siya tumatawa sa sitwasyon niya ngayon pero
iyon lang kasi ang masisikmura niyang gawin sa ngayon. Dahil kung hindi siya
tatawa ay siguradong sasabog ang galit niya o di kaya'y hahagulgol siya ng
iyak.
At malamang sa malamang ay mangibabaw sa kanya ang huli.
Dahil iyon mismo ang nararamdaman ni Savannah. Gusto niyang umiyak dahil
pakiramdam niya ay napaka-unfair ng lahat.
Bakit sa dinami-rami ng pwedeng maging lider ng Belial ay bakit ang lalaking
ito pa? Hindi na ba talaga siya pwedeng maging masaya? Talaga bang
pinaglalaruan siya ng tadhana? Bakit kung kailan akala niya malapit na niyang
maibalik ang buhay bilang si Samantha ay tsaka naman nangyari ang bagay na
'to? Wala na ba talaga siyang karapatang maging masaya?
Lalo siyang tumawa hanggang sa may namumuo nang luha sa gilid ng mata
niya.
"Un. Believable." Aniya sa pagitan ng pagtawa. "I can't believe it's you."
Huminga siya ng malalim, nananatiling nakapaskil sa labi ang malawak niyang
ngiti. "But of course, it's you!" Muli siyang tumawa.
Maraming pinaghihinalaan ang CIA sa kung sino ang lider ng Belial Triangle
at sa loob ng labing limang taon ng pag-iimbestiga ay halos hindi lang isang

Page 194 / 304


StoryDownloader

daang tao, sa iba't-ibang bansa ang kasama sa listahan nila.


Alam ng lahat na hindi basta pipitsugin ang grupong babanggain nila. Kaya nga
binuo ng CIA, katulong ng gobyerno ng America ang grupo ng Lupin--isang
magnanakaw na kayang pasukin ang lahat ng lugar, kayang nakawin ang lahat
ng walang kahirap-hirap. Isang bagay na inaasahan nilang aakit sa Belial na
maging interesado kay Lupin.
At hindi naman sila nagkamali.
Dahil heto na nga siya't kaharap ang lider ng grupo.
"At last, we've finally meet, Lupin."
Nakangiti ring anito, walang ideya sa totoong nararamdaman niya, na sa kabila
ng kanyang ngiti ay nagtatago ang kumukulong galit.
"Apollyon. Or should I say..." Sinalubong niya ang tingin nito at sinubukang
lunukin ang galit. "President Felizardo!"
Parang dinukot ang puso ni Savannah nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.
Hanggang sa maaari sana ay ayaw niyang pangalanan ito, pero kahit na
pagbali-baligtarin man niya ang kanilang sitwasyon ay iisa pa rin ang
kalalabasan ng lahat.
Na ang lalaking nasa harap niya ay dugo't laman ng lalaking minamahal niya.
Si Joseph Marco Felizardo Sr., presidente ng Pilipinas at lider ng Belial.
* * * * * *
Dalawang oras.
Ganung katagal pa lang mula nang ikulong si Joseph sa mabaho at maliit na
kwartong kinalalagyan, pero pakiramdam niya ay dalawang taon na ang
lumipas. Halos mabaliw-baliw na siya sa pag-iisip kung ano na ang nangyayari
kay Samantha. Hindi niya gusto na nakaupo lang siya dito at walang ginagawa
habang mag-isa si Samantha na humaharap sa mga taong walang dudang
halang ang mga bituka.
Ikinuyom niya ang kamao at binatak ang kamay. Lalong nagtagis ang bagang

Page 195 / 304


StoryDownloader

niya nang muling kumagat sa kanyang balat ang bakal na kadenang nakakabit
sa kanyang braso.
Damn it! Kapag nakawala siya dito ay talagang magwawala siya.
Pinagkiskis niya ang ngipin at muling pinasadahan ng tingin ang kwarto. O mas
tama sigurong sabihing kulungan. Mataas ang pader, walang bintana at ang
maliit na lampara sa sulok ang tanging nagbibigay ng liwanag sa loob ng selda.
Wala siyang marinig na kahit anong ingay mula sa labas at nakadagdag iyon sa
galit na nararamdaman niya. Tagaktak na ang pawis niya dahil sa init at tanging
ang pintong rehas lang ang nagsasabi sa kanya na kahit papaano ay
makakalabas pa siya sa lugar na ito. Sa labas ng rehas ay may madilim na
pasilyo at sa dulo ay hagdan. Hula niya ay nasa isa siyang underground cell.
Pumikit siya at sumandal. Masakit ang buong katawan niya pero hindi iyon
maikukumpara sa sakit na naramdaman niya nang malaman na isa si Marcus sa
protektor ng Belial. Itinuring na niya itong pangalawang ama at hanggang
ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman.
Mapait siyang napangiti. Marcus was a hero-figure for him. Buong-buhay
niyang hinangaan ang tiyuhin at ang malaman na ito ang pumatay sa magulang
ni Samantha ay isang malaking dagok para sa kanya. Ano pa ang mukhang
ihaharap niya kay Samantha pagkatapos ng lahat?
Iniling niya ang ulo. Hindi iyon ang dapat na iniisip niya sa mga oras na 'to.
Natigilan siya nang makarinig nang langitngit ng pagbukas ng pinto na
sinundan ng yabag ng paa. Mayamaya pa ay sumungaw ang isang lalaking may
dalang tray ng pagkain.
Agad niyang pinakiramdaman kung may kasama ba ito. Wala. Lihim siyang
napangiti.
Sumisipol na sinusian nito ang rehas. Nang bumukas iyon ay nakangising
pumasok ito.
"Ye' stink." Ginusot nito ang ilong at ibinagsak sa sahig ang hawak na tray na
naging dahilan para matapon ang ibang pagkain sa maduming sahig. Humugot
ito ng kaha ng sigarilyo, sinindihan ang isang stick at tsaka humithit. "Eat."
Anito na animo'y aso lang ang kausap.

Page 196 / 304


StoryDownloader

Pinag-aralan niya ang lalaki. Kung sa itsura lang ay talagang nakakatakot itong
tingnan. Bato-bato ang katawan at malaking bulas, walang dudang kayang
basagin ang panga niya. O ang kanyang bungo. Iniling niya ang ulo. Hindi
siguro maganda kung gagalitin niya ito.
Ikinuyom niya ang kamao. Pero ito lang din ang natitira niyang pag-asa. Hindi
siya pwedeng mag-aksaya ng oras. Bawat oras na lumilipas na nandito siya't
walang ginagawa ay maraming pwedeng mangyari kay Samantha.
Huminga siya ng malalim at muling pinag-aralan ang lalaki.
Hindi nakaligtas sa kanya ang panay na pagsulyap nito sa likod na para bang
handa na itong tumakbo palabas. Hindi rin mapakali ang mga kamay,
indikasyon na hindi palagay ang loob nito. Lihim siyang napangiti. Siguro nga't
malaki ito at naka-kadena siya pero konting tulak lang at alam niyang
kayang-kaya niyang gamitin ang takot nito para makalabas siya.
Ngumisi siya. Iginalaw niya ang braso, sinusukat kung gaano kahaba ang
kadena at kung makakakilos siya ng ayos. Nang masigurado niyang may
pag-asa ang naisip niyang plano ay agad siyang kumilos.
Sinipa niya ang tray nang pagkain. Tumama iyon sa sikmura ng lalaki.
"What the fuCk?" Galit na anito at binitawan ang stick ng sigarilyo. "Ye have a
death wish, ass'ole?" Bumunot ito ng baril at lumapit sa kanya.
Ngumisi lang siya bilang sagot na lalong ikinagalit nang lalaki.
Itinutok nito ang dulo ng baril sa kanya. "Am goin' to fuCk'ng kill ye'."
Sa lapit ng mukha nito ay halos magtalsikan na ang laway nito sa kanya.
"Oh, yeah?" Nakangisi pa ring aniya. Pasimple niyang sinulyapan ang mga susi
na nakasukbit sa bewang nito.
"Ye think I can't do it?" Hamon nito at ibinaon sa kanyang sintindo ang
malamig na dulo ng baril.
Shit.
Lumunok siya. Okay. Medyo nakakaramdam na siya ng konting kaba. Alam

Page 197 / 304


StoryDownloader

niyang isang mali lang ay pwedeng kumalat ang utak niya dito. Marami na
siyang nakasalamuhang kriminal at alam niyang wala ng mas delikado pa sa
takot na taong may hawak ng baril.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.
"Your breath stink, man." Nakakaloko ang ngising aniya."
Parang lalong nagpating ang tenga ng lalaki at agad na hinawakan ang kwelyo
ng kanyang damit. Pabalyang itinulak nito ang ulo niya sa pader.
"I don't care if yer t'e son of t'e boss. Am goin' to fuckin' put tis bullet in yer
head."
Damn! Kung may plano siyang gawin ay dapat na niyang gawin ngayon bago
pa bumaon sa kukote niya ang bala ng baril nito.
Agad na siniko niya ang kamay nitong may hawak na baril, hinawakan ang
leeg at iniuntog ang noo sa noo nito. Napahigop siya ng hangin. Damn! Mas
masakit yon kaysa sa inakala niya.
Bago pa man makahumang ang lalaki ay ipinulupot na niya sa leeg nito ang
kadenang na nakakabit sa kanya. Nagkakawag ito at sinubukan pang pumalag.
Tumama ang siko nito sa sikmura niya at napahigop siya ng hangin.
"Damn it." Aniya. "You leave me with no choice." Hindi na siya nagdalawang
isip pa at hinigpitan ang kadena sa leeg nito hanggang sa lumupaypay itong
bumagsak sa bisig niya. Niluwagan niya ang kadena sa leeg nito at bago pa
man ito bumagsak sa sahig ay kaagad niyang kinuha ang mga susi at napangiwi
nang makitang halos isang dosena ang mga iyon.
"Shit." Bulong niya nang hindi kumasya ang unang susi. Muli niyang
sinubukan. Lalong tumagaktak ang pawis niya kasabay ng pagkabog ng dibdib.
Hindi niya maiwasang dagain ng kaba sa sitwasyon niya ngayon.
Nakahinga siya ng maluwag nang sa ikatlong subok ay nabuksan ang kadena.
Ibinulsa niya ang susi, sunod ay dinampot ang baril ng lalaki at kinapa ang mga
bulsa ng suot nitong pantalon. Isa-isa niyang inilagay sa sahig ang laman ng
bulsa.
Napangiwi siya sa mga nakita. Condom? Isang kaha ng sigarilyo. Lighter.

Page 198 / 304


StoryDownloader

Candy. Resibo? At isang access card. Dinampot niya ang huli tsaka siya
tumayo.
Tatalikod na sana siya pero muli niyang binalingan ng tingin ang lalaki.
Ngayon lang niya napansin na tila nakasuot ito ng uniporme. Itim na version ng
uniporme ng sundalo. Muli siyang lumuhod
"Damn it! This is not my lucky day." Bulong niya habang isa-isa niyang
tinatanggal ang butones ng damit nito.
Limang minuto pa ang lumipas at handa na si Joseph. Suot ang medyo may
kalahihang itim na army uniform ay buong tapang siyang humakbang siya
paakyat sa hagdan. He was a man on a mission. Parang bulang nawala ang
takot at kaba niya. Ang tanging nasa isip niya ay iligtas si Samantha at
makalabas sila ng buhay sa lugar na'to.
Sa siwang ng pinto ng selda ay sinuri niya ang labas. Tahimik. Masyadong
tahimik at sa karanasan niya, indikasyon 'yon na hindi maganda ang sunod na
mangyayari. Sinipat pa niya ang lugar at nabigla siya nang makakita ng mga
lalaking nakahandusay sa lupa at duguan.
Napakunot-noo siya. Wala siyang narinig na putukan.
Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Kaya niya ito. Hinawakan niya
ang pinto at unti-unting binuksan.
Mabilis ang sunod na nangyari. May bumangga sa tagiliran niya na naging
dahilan para matumba siya. Nakadapa siya sa lupa, may nakadagan sa likod
niya at may nagdidiin sa kanyang ulo. Napapikit siya sa sakit hanggang sa
maramdaman niya ang malamig na dulo ng baril sa likod ng ulo niya.
"Where is he?"
May dumating pa at,
"Damn it, Joker. Get off! That's him."
"Captain?"
Nawala ang bigat na nasa likod niya at mayamaya pa ay nakatihaya na siya't
nasisilaw sa liwanang ng araw.

Page 199 / 304


StoryDownloader

"Captain!" Natakpan ang araw at napalitan ng apat na mukhang nakatungo sa


kanya. Kumurap-kurap siya at mayamaya ay tumawa nang makita kung sino
ang mga ito. Si Joker, Chop, Snip at Dok, suot ang kanilang caumoflage at
kumpleto ang mga armas. Agad siyang nakahinga ng maluwag. At least ngayon
hindi na siya mag-isang haharap sa Belial.
Hinawakan niya ang tagiliran. "Goddammit, Joker. Ilang beses ko.bang sinabi
sayo na hindi mo pwedeng basta i-tackle na lang ang kalaban. Paano kung
nabaril kita?" Aniya.
"Oh yeah? Hindi ka nga nakagalaw." Nakangising ani Joker.
Umiling na lang siya. Dammit! Tama ito. Ni hindi na niya nagawang lumaban.
Hindi man niya aminin ay aminado siyang nanghihina na ang kanyang
katawan at ang tanging nagtutulak na lang sa kanya na maging malakas ay si
Samantha.
"Cap, bakit kasi suot mo uniporme ng mga 'to? Muntik ka na naming mabaril.
Buti namukhaan ka ni Snip." Seryosong sabi ni Dok.
Kinilabutan siya sa narinig. Ibig sabihin naging target na siya ni Snip? Ang
pinakamagaling nilang snipper?
"Wag mong sabihing hinubaran mo 'yong lalaking may dala ng tray kanina?"
Biro ni Joker.
Natawa na lang siya dahil iyon mismo ang ginawa niya. Asahan mo si Wilson
na magbiro sa sitwasyon nila ngayon. Kaya nga joker ang bansag nila dito.
Inalalayan siya ng mga itong maupo."Anong ginagawa nyo dito? Paano nyo ko
nahanap?"
"Ano sa tingin mo ang ginagawa namin dito? We're here as your back up at
nahanap ka namin dahil sa kanila." Sagot ni Snip at tumango sa kabilang
direksyon.
Nilingon niya ang tinutukoy nito at nagulat siya sa nakita. Halos dalawang
dosena yata ng mga Amerikanong sundalo ang nandoon at lahat ay armado ng
mga highclass na armas.

Page 200 / 304


StoryDownloader

Isang babaeng may limang star sa balikat ng uniporme ang lumapit sa kanya,
kasunod pa ang isang babaeng nakasuot ng salamin at isang lalaki na kahawig
na kahawig ng lalaking sinalubong ni Savannah ng halik sa lobby ng SEC
hotel.
Agad siyang tumayo para salubungin ang mga ito. Awtomatikong sumaludo
silang lima nang makalapit ang babae sa kinatatayuan nila.
Inilahad nito ang kamay.
"Agent Sandra Nichols from Central Intellegence Agency. It's a pleasure to
meet you, Agent Felizardo." Anito.
Tinanggap niya ang kamay nito. Anong ginagawa ng CIA dito?
"This is, Elisa Collins and Agent Zachary Grant." Pakilala nito sa dalawang
kasama. "Alam kong nagtataka ka kung bakit nandito ang CIA but as much as I
would like to continue this pleasantries, I believe we don't have enough time
for this. Let's get down to business." Anito.
Humakbang ang tinawag nitong Elisa, lumuhod at inilabas sa dala nitong bag
ang dalawang laptop, isang tablet at kung ano-ano pang gadget na hindi na niya
alam kung ano ang tawag.
Seryosong nag-angat ito ng tingin sa kanila nang makitang hindi pa sila
kumikilos. "Magtititigan na lang ba tayo o ano? Five minutes lang ang
kailangan ko para ipaliwanag ang lahat. Now, shall we?"
Agad silang kumilos. Lahat ng atensyon ay itinuon nila sa dalaga at sa mga
gadgets na hawak nito.
"I've secured this area. From here to here." Itinuro nito ang lugar sa hawak na
tablet. Minarkahan nito ng asul ang safe area na tinutukoy nito. "Hindi nila
namalayan na nandito na tayo dahil lahat ng Surveillance camera sa lugar na 'to
ay kontrolado ko na. Ang problema natin ay ang lahat ng nasa labas ng safe
area. Hindi ko na kayang kontrolin 'yon ng hindi nila ko nakikita."
Tumango-tango sila.
"What we have to do is to reach this area." Itinuro nito ang isang lugar. May
limang kilometro ang layo non sa kanila. "Nakahanap ako ng blind spot kung

Page 201 / 304


StoryDownloader

saan pwedeng dumaan para marating ang lugar na 'to. Ang isa pang problema
ay ang mga gates nila. There are four highly secured gates. Lahar may bantay.
Kaya kong patayin ang alarm nila, but only for three minutes. Kapag lumampas
malalaman nila na nahack ko ang system nila. Ang problema nyo ay ang mga
bantay ng gates."
Lumipat ito sa isa nitong laptop.
"This is the image from Kira..."
"Who's Kira?" Singit ni Joker at lahat sila ay napaungol. Hindi talaga nito
kayang isara ang bibig kahit na ilang minuto lang.
"My mom." Bulong ni Elisa tsaka umiling at muling nagsalita. "She's a
satellite. Panorama. My Dad's the one who created it and he named it after my
Mom." Huminga ito ng malalim at tsaka nagpatuloy.
Mula sa kuha ng satellite ay nakita nila kung ilan ang nga bantay ng bawat gate
at kung ano ang armas ng mga ito. Minarkahan din ni Elisa ang lugar na may
mga landmine at ang mga lugar na may mga trap.
Saktong limang minuto ang lumipas at lahat sila ay handa na. Naipaliwanag na
nito ang lahat ng dapat nilang gawin at kung sino ang Belial. Binigyan sila ni
Elisa ng maliit na gadget kung saan pwede nilang makausap ang bawat isa.
Nilagyan din sila ng tracking device at sensor kung saan makikita sila ni Elisa
gamit ang Kira.
Kargado ng armas at lakas ng loob ay handa na silang tumulak para tapusin ang
mission nila na hulihin ang lider ng Belial.
Bago pa man siya tumalikod ay hinuli ni Elisa ang braso niya. Nabigla siya
nang makita ang luha sa mata nito.
"Save her, please!" Anito.
Natigilan siya. Hindi na niya kailangang itanong kung sino ang tinutukoy nito.
Hell, ni hindi na nga siya nagtaka kung bakit kilala ng isang CIA hacker si
Samantha. Sa lahat ng nangyari ay kaya na niyang sabihin kung ano ang nasa
likod ng pagkatao ni Savannah.
Tumango siya.

Page 202 / 304


StoryDownloader

"I will." Ngumiti siya at tumalikod na para sundan ang grupo.


Kung ganun miyembro ng CIA si Samantha. Isa ba itong undercover agent?
Front lang ba ang grupo ni Lupin?
Umiling siya. Matapos ng nalaman niya tungkol kay Marcus at ngayon naman
kay Samantha, wala na sigurong bagay na gugulat pa sa kanya.
"Let's move" Aniya na ang tanging nasa isip ay iligtas si Samantha at hulihin
ang lider ng grupo.
Walang kamalay-malay na ang naghihintay sa kanila ay hindi lang basta
gugulat sa kanya kundi babago sa buhay nilang dalawa ni Samantha.
######
And we're down to three last chapters!
Kyahhh.... ano nang mangyayari sa kanila ni Samantha kapag nakilala na ni
Joseph kung sino ang lider ng Belial?
Is blood really thicker than water?
Ano sa tingin nyo?
Anyways, pasensya na sa matagal na paghihintay. Ilang beses ko kasing
nirewrite ang chapter na'to bago ko naisulat ang gusto kong mangyari. I mean,
kapag binubuo ko sa isip ko napakadali lang pero kapag isusulat ko na... nada!
Hindi talaga ko natutuwa.
Pero matapos ang ilang dekada nairaos ko rin at masaya ko sa kinalabasan.
Sana nagustuhan nyo rin.
Again, maraming salamat sa patuloy na pag-aabang, pagbabasa, pagvote at
pag-comment. Sana suportahan nyo si Joseph Marc-ko "natin" at si Samantha
hanggang sa huli.
Hugs,
Fattie. :)

Page 203 / 304


StoryDownloader

Page 204 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-Seven
Sorry sa delay! But here yah go. Sana magustuhan nyo. Happy reading!
=================
Maraming nakakatawa sa sitwasyon ni Savannah ngayon at isa na dun ang
pag-upo niya sa harap ng mahabang dining table kung saan kasalo niya ang
ilang miyembro ng Belial para sa hapunan.
Para namang makakakain talaga siya. Ni hindi nga niya kayang sikmurain kahit
tubig.
Sa kanyang kamay ay pinaglalaruan niya ang kutsilyong hawak. Parang mas
gusto niyang itarak 'yon sa puso ng mga ito kaysa ipanghiwa sa steak na nasa
harap niya.
Mapait ang ngiting umiling siya. Baka bago pa niya magawa ang iniisip ay
mauna pa siyang humandusay dito. Kahit na gaano pa siya kagaling ay alam pa
rin ni Savannah na hindi niya kakayanin ang mga ito. She was outnumbered.
Sa ngayon, ang kailangan niya ay maging kalmado. Walang maitutulong sa
kanya, at kay Joseph, kung paiiralin niya ang galit. Nandito siya bilang si
Lupin, hindi bilang Savannah at lalong hindi bilang Samantha.
Nakaya nga niyang maghintay ng labing limang taon, gasino na lang ang ilang
oras o araw? Kaya niyang ngumiti at makipag-plastikan sa mga ito, basta't sa
huli ay sisiguraduhin niyang makukuha niya ang hustisya para sa magulang.
"Bakit hindi ka kumakain, Lupin? Is the food not to your liking?"
Nakataas ang kilay na tiningnan niya si Apollyon, nakaupo ito sa kabilang-dulo
ng hapag-kainan at nakatingin sa kanya gamit ang mga matang katulad ng kay
Marco.
Muling kumirot ang puso niya. Hindi niya yata kayang saktan at patayin ang
lalaking ito ng hindi sumasagi sa isip niya ang mukha ng dating kasintahan.
Paano niya haharapin si Marco kung nasa kamay niya ang dugo ng ama nito.
Ikinuyom niya ang kamao at muling ipinaskil ang peke niyang ngiti.

Page 205 / 304


StoryDownloader

"The food is great. Wala lang akong ganang kumain." Nakangiting aniya.
Saglit niyang pinag-aralan ang mukha nito, naghahanap ng kahit anong
magsasabi sa kanya na nakilala siya nito bilang si Savannah. Hindi ba't kailan
lang ay magkasalo rin silang kumain ng tanghalian kasama ang buong pamilya
nito at si Henry noong araw ng auction? Bakit parang patay-malisya lang ito?
Ni hindi nga niya makita sa mata ni Joe kung alam ba nito ang totoong
pagkatao niya; na siya si Samantha. There wasn't a spark of recognition in his
eyes. Nothing. Hindi katulad ni Marcus na kaagad siyang nakilala nang
magkita sila.
Interesting.
Tumango ito at binitawan ang sariling kubyertos.
"Then maybe we should get down to business, yes? Afterall, that's the only
reason why you're here."
Finally.
Lumawak ang ngiti niya sa narinig. Kagat-kagat na ng mga ito ang pain na
inihagis nila. Ang kailangan na lang ay hilahin niya ang hawak na fishing rod
para mahuli ang mga ito.
Binitawan niya ang hawak na kutsilyo at sinalubong ang tingin nito. Nanatili
siyang tahimik, hinihintay kung ano ang sasabihin ng lider ng Belial.
Sumenyas ito at sa isang iglap ay awtomatikong nagtayuan ang lahat at agad na
nagsilabas ng dining room. Naiwan silang dalawa, pero parang may nagsasabi
kay Savannah na hindi siya dapat makampante dahil hindi lang sila ang tao sa
loob.
Hindi na siya magtataka kung may sniper na nakatutok sa ulo niya sakaling
may ikinilos siyang hindi maganda. Kailangan nila si Lupin, yes, pero mas
mahalaga pa rin sa mga ito ang lalaking nakaupo sa harap niya.
Kaya naman, huminga siya nang malalim, nilunok ang galit at nagkunyaring
interesado siya sa kung anumang sasabihun nito.
"The triangle were very much interested in you, Lupin. " Simula nito.

Page 206 / 304


StoryDownloader

"Maingay na ang pangalan mo hindi lang sa black market, kundi sa wanted list
ng buong mundo. Let's just say that we could use your name and reputation to
expand our... business."
Ha! Business her ass.
"What do you need me for?"
Ngumiti ito.
"Kung saan ka magaling."
Tumango siya. 'Yon ang inaasahan niyang marinig.
"Then what do you need me to do?"
Malakas na halakhak ang naging tugon nito.
"I like you're straightforwardness. And you're not even scared. You really
remind me of someone I know." Anito.
Pakiramdam niya ay pumalya ang ngiting nakapaskil sa labi niya. Alam niya
kung sino ang taong iniisip nito ngayon. Ang Daddy Lucas niya. Dahil once
upon a time ay naging magkaibigan ang mga ito.
"To be honest, you're not the one I expected to see, Miss Collins. Who would
have thought that SEC's heiress is the famous Lupin."
Gumuhit muli ang ngiti sa labi niya.Yun ang unang beses na ipinahiwatig nito
na namukhaan siya nito bilang si Savannah, tagapagmana ng SEC Hotel.
Kanina niya pa hinihintay na banggitin nito ang pangalan niya.
"Does your Dad know about this? That you're living a double-life? A good
daughter by day and a notorius thief by night?"
Muling pumalya ang ngiti niya. Ilang segundong tumigil ang tibok ng puso
niya. Nung una, akala ni Savannah ay ang Daddy Lucas niya ang tinutukoy
nito, pero nang marinig niya ang iba pang sinabi nito,
"Or is he a part of it? Maybe his hotel business is only a front for Lupin?"

Page 207 / 304


StoryDownloader

Dun lang rumehistro sa utak niya na si Henry ang pinag-uusapan nila.


Nakahinga siya ng maluwag.
Hindi niya alam kung bakit ba kinakabahan siya na malaman nito ang totoo
tungkol sa totoong pagkatao niya. Siguro dahil hindi pa siya handang malaman
kung may kinalaman din ito sa nangyari sa pamilya niya fifteen years ago.
Dahil kung meron nga, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya.
"And do you know what's more interesting about you, Miss Collins?" Itinuon
nito ang buong atensyon sa mukha niya. "You resemble a certain someone that
I know. Oh and that reminds me... I saw the way my son look at you." Ngumisi
ito. "Mukhang interesado sayo ang anak ko. Gusto mo ba siyang makilala? It's
about time he forgets about that girl. I could introduce you to him. Baka
sakaling matuwa siya at maalis ang galit niya sakin." Tumawa ito. Isang
malakas na tawa na nagpakulo sa dugo niya.
Ibinaon niya ang kuko sa palad. Gusto niyang burahin ang ngiti nito. Gusto
niyang isampal dito ang totoo na siya si Samantha. Ano kayang magiging
reaksyon nito kapag nalaman na isa siyang Fontanilla?
Huminga siya ng malalim at nagdesisyon sa sunod na gagawin. Enough is
enough. Hindi na niya kayang maupo dito at magpanggap na hindi niya
gustong dukutin ang puso nito.
"You really don't like me for your son, do you? You never did." Aniya,
pinagmamasdan ang reaksyon nito. Kagaya ng iniisip niya ay agad na nabura
ang ngiti nito at napalitan ng magkasalubong na kilay.
"What do you mean?" Anito.
Siya naman ang ngumiti.
"It's been a long time, yes? The last time we saw each other. Fifteen years to be
exact, right?"
Nakita niya ang sandaling rumehistro dito ang sinabi niya at hindi napigila ni
Savannah na mapangiti nang makitang natigagal ito. Ni hindi ito nakakibo,
nanatili lang na nakatingin sa kanya.

Page 208 / 304


StoryDownloader

"Who. The. Hell. Are. You?" Tiim-bagang na anito. Sa tindi ng pagkakasakal


nito sa basong hawak ay agad iyong nabasag. Pumatak sa puting table cloth ang
dugo sa palad nito at para bang gumaan ang pakiramdam niya na nagawa
niyang galitin ito.
Sumandal siya at lalo niyang ginandahan ang ngiti.
"Sa palagay mo Mister Felizardo, sino nga ba ako?"
Alam niyang nakikipaglaro siya dito. She was taunting the devil himself.
Pwede siyang ipapatay nito ngayon at ang tanging pinanghahawakan lang niya
ay ang katauhan niya bilang si Lupin. They needer her. Or so ahe thought.
Sa halip na sumagot ito ay muli lang itong tumawa. Malakas. Para bang natuwa
pa ito sa nalaman.
"You're Samantha?" Bakas sa boses nito ang pagkamangha at tsaka muling
bumunghalit ng tawa.
Naging dahilan 'yon para muling mawala ang ngiti niya. Hindi niya alam kung
ano ang iinisip nito. Sa totoo lang ay wala siyang ideya kung bakit natutuwa pa
ito sa nalaman. Pakiramdam tuloy ni Savannah siya na ulit ang pinaglalaruan
nito.
"This..." ikunumpas nito ang pagitan nila. "is very funny don't you think? Hindi
ako makaniwalang dito tayo magkikita ulit, Samantha. Sa ganitong sitwasyon.
Ikaw, bilang si Lupin. Ako, bilang si Apollyon. Very amusing indeed."
Iniling nito ang ulo at muling humalakhak.
"You're dad would be so proud of you. Of course, he would. Look at you!"
Isinenyas nito ang kabuuan niya. "Who would have thought that you'd end up
here. Just like your father."
Unti-unting gumapang ang galit sa ugat niya. Hindi niya gusto kung ano ang
pinapalabas nito tungkol sa Daddy niya.
Tuluyan nang nawala ang ngiti niya. Alam ni Savannha na hindi na niya
kayang itago ang galit na nararamdaman. Kitang-kita na sa mukha niya ang
totoong emosyon at alam niyang nababasa 'yon ng kaharap, but quite frankly,
wala siyang pakialam.

Page 209 / 304


StoryDownloader

Muli itong tumawa nang makita ang reaksyon niya.


"I'm sorry that you have to learn the truth from me. Mahirap talagang marinig
ang totoo, and honestly, ayokong sakin pa 'to manggaling, pero kailangan mong
malaman ang totoo."
Nagpaskil ito ng malungkot na ngiti at kunyari ay nakikisimpatya sa kanya.
"You see, hija, you're Dad... he's one of Belial's protector."
Pumikit siya. Nanginginig na ang kalamnan niya sa galit at hindi niya alam
kung hanggang kailan siya makakapagpigil. Hindi niya to mapapatawad sa
paninira nito sa pangalan at alaala ng Daddy niya.
She's going to freaking kill him. Tapos ay bubuhayin niya ulit ito para muling
patayin. Paulit-ulit hanggang magsisi ito.
Ang nakangising mukha pa rin nito ang nakita niya nang magmulat siya ng
mata. And that made her blood boil.
"What? You're mad at me? You want to kill me? Put a bullet on my head?"
Muli itong tumawa.
Freaking crazy.
Ikinuyom niya ang kamao at halos dumugo na ang palad niya sa pagbaon ng
kanyang kuko. Natutukso na siyang gawin ang mga sinasabi nito at hindi siya
magdadalawang-isip sakaling magkaroon siya ng pagkakataon.
"But the question is," Ngumisi ito. "Can you do it? Do you have the guts to kill
me?"
Lalo niyang ibinaon ang kuko. Konti na lang talaga.
"Of course you can't do it." Patuloy nito na tinuldukan muli ng tawa. "Kilala
kita, Samantha. You're just like your fath--"
Hindi na niya hinayaan pang matapos nito ang sasabihin. Naputol na ang huling
pisi at ubos na ang pasensiya niya. Dinampot niya ang kutsilyong nasa harap at
inihagis iyon sa direksyon nito.

Page 210 / 304


StoryDownloader

Daplis.
Nadaplisan lang ito sa kaliwang pisngi.
"My bad." Pilit ang ngiting aniya. "I won't miss the next time."
Pagkasabi niya nun ay biglang bumukas ang pinto at dire-diretsong pumasok si
Cobra at Marcus. Nanlikisik ang mata ng mga ito habang nagpapabalik-balik
ang tingin sa kanya at sa lider ng nga ito.
"Ye 'ave a death wish?" Sigaw ni Cobra at hinatak ang braso niya na naging
dahilan para mapatayo siya. Hindi niya ito pinansin. Nanatili siyang nakatingin
sa lider ng mga ito na kasalukuyang pinupunasan ang dumudugong pisngi.
"She's got a temper." Anito, nakatingin rin sa kanya at hindi pa rin nabubura
ang ngiti.
Lalong umapaw ang galit niya. Mabilis na hinugot niya ang baril na nakasukbit
sa pantalon ni Cobra.
"Wha--" Bago pa ito makapalag ay itinutok niya sa puso nito ang baril at
kinalabit ang gatilyo. Bago pa matumba ang walang buhay nitong katawan ay
ipinulupot niya ang isang braso sa leeg ni Cobra para gawing panangga, sakto
lang dahil nang humarap siya kay Marcus ay ipinutok nito ang hawak na baril.
Tinamaan sa balikat ang katawan ni Cobra. Binitawan niya si Cobra at
hinayaan itong lumagpak sa sahig.
And then it was her turn. Siya naman ang nagpaputok. Isa sa kamay ni Marcus
na naging dahilan para tumalsik ang baril na hawak. Isa sa kanang braso at isa
sa binti.
Napaluhod si Marcus, sapo-sapo ang duguang braso habang pumapalahaw ng
iyak na akala mo'y nabasagan ng itlog. Nagtagis ang bagang niya. Kulang pa
yon sa ginawa nito sa Daddy niya.
Itinutok niya sa noo ni Marcus ang baril. Isang kalabit lang at makukuha na
niya ang hustisya para sa pamilya.
"Go on. You can kill him! I know you want to."

Page 211 / 304


StoryDownloader

Natigilan siya nang marinig ang boses na 'yon. Agad na bumaba ang tingin niya
sa duguang si Marcus at para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Parang
napasong agad niyang binitawan ang baril.
God! Anong ginagawa niya? Hindi niya gustong mamatay si Marcus dito. Not
now. Mas gusto niyang makita na nabubulok ito sa kukungan habang
pinagsisihan ang ginawa nito sa magulang niya.
Pumihit siya sa lalaking prente pa ring nakamasid limang dipa ang layo mula sa
kanya. Ni hindi nawala ang ngiti kahit pa pinatay na niya ang isa sa mga tauhan
nito. Doon lang niya napansin na hindi na lang sila ang tao sa loob.
Napapalibutan na siya ng mga armadong lalaki na ang lahat ng baril ay
nakatutok na sa kanya.
Pinagkiskis niya ang ngipin.
Isang maling galaw at maling desisyon lang ay tiyak na dito na sa lugar na'to
ang libingan niya.
Ilang minuto ang kinailangan niya para kalmahin ang sarili. Agad niyang
pinagana ang utak. Muli niyang ipinaalala sa sarili na nandito siya bilang si
Lupin. Hindi bilang si Samantha o Savannah. Nandito siya dahil kailangan ng
Belial ang abilidad ni Lupin.
At kapag ginamit niya ng tama ang barahang hawak ay may pag-asang
mailigtas niya, hindi lang ang buhay niya, kundi maging ang buhay ni Joseph.
Huminga siya ng malalim at tsaka siya ngumiti.
"Nah. I'd rather not see him dead. Marami pa kong gustong gawin sa kanya."
Aniya.
Malakas na tawa ang isinagot nito.
"As exected of you, Samantha. You didn't disappoint me." Abot-tenga ang ngiti
nito. "Now, bakit hindi ka muling maupo at kakalimutan ko ang lahat ng
ginawa mo ngayon."
Naupo siya kagaya ng sinabi nito. Parang asong sumunod sa amo. 'Yon ang
nagagawa kapag maraming baril ang nakatutok sa ulo mo.

Page 212 / 304


StoryDownloader

"Where are we? Oh yes... about your Dad." Patuloy nito. "Hindi rin naman ako
makapaniwalang may tinatagong baho ang Daddy mo. He's a great soldier.
Malinis ang pangalan.Magaling. Hindi kayang gumawa ng masama. A hero.
Yan ang akala ng lahat, but no! Your dad is just one of us. Just like me and
now, just like you.He's a villain in a hero custome."
Sumubo muna ito. Ngumuya. Uminom ng wine tsaka muling nagpatuloy.
"Hindi lang siya protektor ng Belial. Nagpapasok din siya ng drugs dito sa
bansa. He's also involve in human trafficking and prostitution. Hindi na rin ako
magtataka kung gumagamit din siya ng drugs. All in all, your dad is a fake.
He's no hero. Hindi siya dapat nakalibing sa libingan ng mga bayani." Anito.
Nanatili siyang tahimik. Kung bubuksan niya ang bibig niya, then she was
good as dead. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi kumukulo ang dugo niya sa
sinasabi nito. Ni hindi na nga niya maramdaman ang panga sa tindi ng
pagpipigil niyang irenda ang kanyang galit.
Bumuntong-hininga ito.
"What a waste. Malaki sana ang pakinabang ni Lucas. Pero masyado kasing
matanong ang Daddy mo. Masyado siyang maraming gustong malaman. And
let me tell you, no one saw my face and live. They all die."
Natigilan siya. Yon ang dahilan kaya pinatay ang magulang niya? Dahil
nakilala ng Daddy niya kung sino ang lider ng Belial?
"Is that the reason why you killed my family?"
Tumawa ito na para bang nakakatawa ang tanong niya. God, he hate this man.
Umiling ito. "No! Hindi lang 'yon ang dahilan. Masyado na kasing pumapapel
ang Daddy mo, masyadong pakitang gilas na nagugustuhan na siya ni Lucifer."
"What?"
"Oh! Of course, naguguluhan ka na." Tumawa ito. "You see, hindi naman ako
ang lider ng Belial." Anunsyo nito na talagang ikinagulat niya. "I'm just a
bishop on this game. Your dad is a pawn. And our king? We call him Lucifer."

Page 213 / 304


StoryDownloader

What the hell? Hindi ito ang lider ng Belial? May iba pang pinuno ang grupo?
"Sa tingin mo ba kaya kong bumuo ng ganitong grupo? No! I'm just a mere
senator before. Drugs lang ang hawak ko dito sa Pilipinas. Hanggang sa
nilapitan ako ng Belial. They offered me something I can't resist. Ginawa nila
kong lider ng Belial dito sa Pilipinas."
Para siyang nasuntok. Ibig sabihin malayo pa sila sa katotohanang mahuli ang
pinaka-lider ng grupo? Ibig din bang sabihin nun bawat bansa ay may
tumatayong lider ng Belial? Para siyang nanlambot sa nalaman. Fifteen years
for nothing.
"At nagugustuhan na ni Lucifer ang Daddy mo. Gusto niyang makita si Lucas
ng personal at hindi na ako magtataka kung binalak niyang ipalit ang Daddy
mo sakin. So, I have to get rid of him and Marcus was willing to do it for me."
Anito.
Pakiramdam ni Samantha ay masusuka siya. So, she was right. May kinalaman
nga ito sa nangyari sa magulang niya. Sa kanila.
"Your dad must be so proud of what you've become. Baka nga gumugulong na
siya sa libingan niya sa sobrang saya." Tumawa ito. "Sana katulad mo si
Joseph. Para maipamana ko rin sa kanya ang posisyon ko."
"You're a devil." Tiim-bagang na aniya.
"I am." Pag-amin nito. "That's why they called me Apollyon."
Hindi na napigilan ni Savannah ang kanina pa niya pinipigilang mangyari.
Umagos ang luha niya. Not because she's sad. No! But because she was mad.
Galit na galit siya sa lalaking kaharap.
"Hindi ka naman siguro galit sakin dahil sa nangyari noon? It's all in the past
and afterall, you're not here as Samantha. Nandito ka bilang si Lupin. Walang
personalan, trabaho lang."
Natawa siya. Nagbibiro ba ito? Sa tingin ba nito nandito talaga siya bilang si
Lupin? Kanina siguro, oo. Pero matapos ng lahat ng narinig niya? Imposible na
ang gusto nitong mangyari.
Screw her mission but this is personal. Very personal.

Page 214 / 304


StoryDownloader

Kaya naman muli siyang ngumiti. Yung tipo ng ngiting alam niyang babagabag
dito. The 'if-you-think-you-know-everything-then-you're-mistaken' kind of
smile.
"You think you knew everything about my dad? Nah. You don't know
anything." Binigyan niya ito ng sweet na ngiti bago dinampot ang kopita ng
kanyang wine. Sinimsim niya iyon. Dahan-dahan. Sunod ay tiningnan niya ito,
diretso sa mata, hinihintay na muling mawala ang ngiti nito.
Nang maging isang linya na lang ang labi nito ay tsaka siya tumawa. Now it's
her turn to rile him up.
"But you're right about one thing. My Dad would be so proud of me. You see,
he's an undercover agent working for Central Intellegence Agency."
Namilog ang mata nito.
"And so am I."
Bago pa man ito makapagsalita ay nakarinig na sila ng sunod-sunod na putukan
sa labas.
######
Sorry sa delay ng update. Marami akong binago at medyo kinailangan ko
talagang plantsahin ng mabuti. At tada! Yan ang nakayanan ko.
Ano pong masasabi nyo sa mga nangyari?
Nag-enjoy talaga kong isulat ang chapter na'to. Ramdam na ramdam ko si
Samantha. Hahaha!
Sana nagustuhan nyo.
Maraming salamat sa lahat ng readers at sa mga votes at syempre sa mga
nag-aabalang mag-iwan ng comment. You're awesome, guys!
See you next weekend? Or early this week kapag sinipag ako?
Love, fattie.

Page 215 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-Eight
"You shouldn't have come. For Pete's sake, Elise... this isn't a game anymore."
Galit na litanya ni Zach.
"What the hell, Zach? Sa tingin mo ba hindi ko yan alam?" Galit na sagot rin ni
Elisa at dinuro-duro ang dibdib ng binata.
Umungol si Joseph. Kanina pa niya pinakikinggan ang dalawang 'to. They've
been at it for God's knows how long.
Naiintindihan naman niya si Zach. Kung siya ang tatanungin ay hindi rin niya
gustong nandito si Elisa. Hindi naman sa minamaliit niya ang kakayahan ng
dalaga, pero kung tama ang pagkakaintindi niya na hindi pa, ni minsan,
sumabak ng personal sa ganitong klaseng misyon si Elisa ay sasang-ayon siya
kay Zach. Hindi ito dapat narito.
Pero dahil nandito na ang dalaga--matapos itong sumunod sa kanila--ay wala
na silang magagawa pa. Alangan namang pabalikin nila ito. Malayo-layo na rin
naman ang nilakad nila.
Bumuntong-hininga siya at inayos ang sukbit na semi-automatic rifle gun.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap na sa dalawa.
"Just drop it, man. She's already here and there's nothing we can do about it."
Muling nagpakawala ng mura sa iba't-ibang lenggwahe si Zach at tsaka
nagpatiuna sa paglalakad. Napailing na lang siya. Para sa taong ayaw isama si
Elisa, ay nakakatawang bitbit naman nito ang malaking bag ng dalaga na
siguradong naglalaman ng lahat ng gamit nito.
Nagpakawala rin ng buntong-hininga si Elisa bago tumingin sa kanya.
"Thanks. He's a pain in the ass sometimes." Umiling ito. "Scratch that. He's a
pain in the ass most of the time." Tumango ito, kumbinsido sa sariling sinabi.
"Definitely most of the time." Anito.
"Yeah, I can tell." Aniya.
Ngumiti si Elisa at tsaka muling itinuon ang atensyon sa hawak na gadget
habang naglalakad. Napailing siya. Kapag nadapa ito ay tiyak na magsisimula

Page 216 / 304


StoryDownloader

na naman ang litanya ni Zach. Sinenyasan niya si Joker para sundan ang
dalaga.
"Keep an eye on her." Aniya at muling naglakad. Sa totoo lang ay kanina pa
niya gustong tumakbo hanggang sa marating ang hideout ng Belial at
masiguradong ligtas si Samantha. Ang tanging pampakalma niya lang ay kapag
naiisip niyang parte ng CIA si Samantha at sigurado siyang kaya nito ang sarili.
But then again, she was alone.
Pinagkiskis niya ang ngipin at muling binilisan ang bawat hakbang.
"Stop!" Sumenyas si Elisa at awtomatikong huminto ang lahat sa paglalakad.
Nilingon nila ang dalaga, seryoso na ito nang mag-angat ng tingin mula sa
hawak na gadget. "Let's stop here." Isinenyas nito ang lugar na kinatatayuan
nila. "We should set-up here." Anito.
Hindi na nagtanong pa ang buong team ng CIA at agad na sinimulan ang
pagseset-up.

Siya naman ay agad na sinuyod ng tingin ang paligid nila. Nasa kalagitnaan pa
rin sila ng gubat, ang tanging pinagkaiba lang ay ang malaking steel gate sa
di-kalayuan. Natatabingan pa sila ng mga sanga ng puno kaya't kampante
siyang hindi sila makikita ng mga miyembro ng Belial sa kinalalagyan.
Hindi pa sa ngayon.
"Captain, catch." Paglingon ni Joseph ay saktong nasalo niya ang submachine
gun na inihagis ni Zach. Sumipol siya ng mahawakan ang baril. Lumapit siya
sa mga ito at muling sumipol.
Kumpleto ang dala ng CIA. Mula sa pistols, shotguns, submachine guns, snifer
rifles, assault rifles, machine guns, carbines, granade launchers, hanggang sa
multiple barrel firearms, ay meron.
Lahat ay naging abala.
Mayamaya pa ay ayos na silang lahat, nai-setup na nang look-out team ni Elisa
ang mga gamit nito at ngayon ay abala na ito sa pagtipa sa keyboard ng laptop.

Page 217 / 304


StoryDownloader

Lahat ay naghihintay ng hudyat mula sa dalaga.


"I'm in." Nakangiting anito at saglit na inangat ang daliri para palagutukin.
"Okay, now, let's see."
Itinuon nilang lahat ang atensyon sa ginagawa nito. Nagawang mahack ng
dalaga ang surveillance camera sa labas ng hideout ng Belial.
"Crap!" Anito mayamaya. "Hindi ko mapasok ang system nila sa loob. I can do
it, but it'll take a heap of time. We don't have any choice."
Tumango si Zach at binuksan ang isang kahon mula sa bag ng dalaga.
Tumambad sa kanila ang ilang dosena ng mga bilog na gawa sa metal.
"Ano yan?"
Ngumiti si Elisa.
"That?" May pinindot ito sa laptop at awtomatikong lumipad ang mga maliliit
na bilog sa ere. "Is my babies."
Si Zach ang nagpaliwanag. "Drones. Automatic."
Ibinalik nilang lahat ang tingin sa screen ni Elisa. May dalawa silang screen
kung saan ay kita nila ng malinaw ang feed na kuha ng mga drones.
"This is bad." Bulong ni Elisa na tahimik niyang sinang-ayunan.
Sa unang gate ay apat lang ang bantay. Hindi sila pagpapawisan sa apat na yon,
pero ibang usapan ang loob ng gate. Nagkalat kasi ang miyembro ng Belial. Sa
di-kalayuan ay ang sumunod na gate at ang sumunod pa dun at ang pang-huling
gate. Sa pinakaloob ay nandun ang malaking hideout ng Belial. O mas tama
sigurong sabihing mansyon ng Belial. Halos apat na palapag ang laki nun at sa
labas ay naroon ang karamihan ng mga miyembro.
Sumipol si Chop. "Fùcking huge! Gaano kalaking pera kaya ang inubos sa
lugar na'to."
Tumango siya. Tama si Chop. Napakalaki ng lugar at hindi biro ang
kakailanganin nilang lakas ng loob para pasukin to. Sa unang gate pa lang ay
makukuha na nila ang atensyon ng lahat. Bago pa nila marating ang pinakaloob

Page 218 / 304


StoryDownloader

ay tiyak na maaalerto na ang lahat.


Hinimas niya ang baba habang pinag-aaralan ang kuha ng nga drone. Malaking
oras na ang inuubos nila dito pa lang kaya't kailangan na niyang gumawa ng
paraan.
"The good news is..." i-zinoom ni Elisa ang kuha. "Wala silang dalang armas.
Looks like they'd just finish eating their lunch."
Napangiti ang lahat. Talk about advantage.
"So, let's scrap our plan A and plan B." Sabi ni Elisa.
"Plan C it is." Sagot niya.
"Yeah. Surprise attack." Sagot naman ni Zach na muling sinang-ayunan ng
lahat.
"Nakikita nyo 'tong apat na'to?" Itinuro niya ang apat na bantay na nakatayo sa
taas at nagmamasid. "We need to take them down, quietly, without getting any
unwanted attention from the others."
Tumango si Snipe.
"Leave it to us."
Sa plan C ay hati sa apat ang kanilang grupo. Ang Alpha, bilang offensive
team. Beta, bilang defensive team. Charlie, bilang mga snipers at Delta, bilang
look-out na kinabibilangan ni Elisa. Ito ang bahala sa likod nila habang sila
naman ang papasok sa loob.
Matapos ang saglit na pulong ay kumilos na ang lahat. Nakapwesto na sila at
hinihintay na lang na umpisahan ng Delta Team ang misyon.
Pakiramdam ni Joseph ay hindi na siya humihinga habang hinihintay ang
hudyat ni Snipe at ng mga kasamahan nito. Muli niyang sinilip ang apat na
bantay na nasa taas. Nakatayo pa ang mga ito. Pero hindi rin nagtagal ay
sabay-sabay na natumba matapos na barilin ng mga snipper nila.
Lahat sila ay nakiramdam.

Page 219 / 304


StoryDownloader

Mula sa suot na earpiece ay,


"We're good. Let's move it!" Sabi Elisa.
At doon na nagsimula ang pagpasok nila sa hideout ng Belial.
* * * * *
"What the hell is the meaning of this?" Galit na tumayo si Apollyon at
nagbabaga ang tinging ipinukol nito sa kanya. Gayunpaman, sa kabila ng galit
ay kitang-kita niya kung paano gumuhit sa mukha nito ang takot.
Dahil alam niyang alam na nito na huli na ang lahat.
Gusto niyang ngumiti at ipamukha dito na tapos na ang lahat. Pero hindi niya
magawa. Dahil alam niya na sa huli ay silang dalawa pa rin ni Joseph ang
mahihirapan.
"It's exactly what it looks like. It's over, Mister President. You're over." Aniya.
Ilang minuto itong hindi kumibo, pero mayamaya ay iniling nito ang ulo.
"Hindi ako papayag na matapos ang lahat dito. No! Akala mo ba mag-isa lang
akong mamatay dito?" Sinenyasan nito ang isa sa mga tauhan, at sa isang
kisap-mata ay may nakatutok ng baril sa magkabila ng kanyang ulo.
Dapat ay matakot na siya. Pero hindi yon ang nararamdaman niya ngayon. Ang
makita sa mukha ni Joseph Marco Felizardo Jr ang takot habang iniisip nito ang
napipinto nitong pagbagsak ay sapat na para mawala ang sarili niyang takot.
"Ang lakas ng loob mong manipulahin ako." Patuloy nito bago hinugot ang
baril sa bewang ng katabing tauhan. "Mamatay tayong lahat dito pero bago
mangyari yon, uunahin kita."
Isa sa mga tauhan nito ang lumapit at,
"We need to leave. The CIA's and the FBI's is here. Gate four and two's down.
They're forcing their way in. We can't hold them out anymore. We need to
leave or we're all gonna to die. Any minute and--"
Hindi ito pinansin ni Apollyon at sa halip ay lumapit ito sa kanya. Isa, dalawa,

Page 220 / 304


StoryDownloader

tatlong hakbang hanggang sa nakatayo na ito isang dipa ang layo sa kanya.
Itinutok nito ang baril sa noo niya.
"You messed with the wrong people." Anito.
"Hindi mo pa ikinakasa ang baril na hawak mo." Aniya na lalong nagpa-init sa
ulo nito. Ikinasa nito ang baril at idinikit sa noo niya.
Lumunok siya. Tatlo na ang baril na nakatutok sa ulo niya. Kapag nagkamali
siya, then she's as good as a bowling ball.
"Shut your fuckîng mouth." Anito at inilagay ang daliri sa gatilyo ng baril.
Then all hell break loose.
Mabilis ang sunod na nangyari.
Bago pa man maiputok nito ang hawak na baril ay may nagtutok na rin ng baril
sa ulo ng lider ng Belial. Nang tingin niya kung sino ay hindi na siya nagulat
nang makita ang tauhan ni Henry.
Naging sunod-sunod ang tutukan ng baril.
Ang isa sa dalawang nasa likod niya ay itinutok ang baril sa tauhan ni Henry,
habang ang isa ay itinutok naman sa lalaking nagtutok ng baril sa tauhan ni
Henry.
Kumilos ang ibang miyembro ng Belial pero bago pa makakilos ang mga ito ay
nagkatutukan na rin ng mga baril.
Namilog ang mata ni Apollyon habang tinitingnan ang paligid. Halos lahat ay
may tutok na baril sa kanilang mga ulo.
"What the hell is this?" Galit na anito.
Pinalagutok niya ang dila.
"Looks like you have a lot of moles inside your team." Aniya.
Siya man ay hindi makapaniwala na may mga tauhan si Henry dito. Napailing
siya. Ibig sabihin ay matagal ng alam ni Henry kung sino ang lider ng Belial

Page 221 / 304


StoryDownloader

dito sa Pilipinas at itinago nito ang totoo dahil sa kanya?


Pumikit siya para pigilan ang pag-agos ng luha niya. Hindi siya
makapaniwalang pinagbintangan niya si Henry samantalang ang gusto lang nito
ay ang protektahan siya.
Nang magmulat siya ng mata ay ang galit na mukha pa rin ng ama ni Joseph
ang nakita niya. Nakatutok pa rin ang hawak nitong baril sa ulo niya.
"You should drop your gun. Bago mo pa makalabit yan ay mauuna kang
tumumba dito." Aniya.
Umiling ito.
"Hindi lang ako ang mamatay dito, Samantha."
Idiniin nito ang baril sa ulo niya, na naging isang chain reaction sa lahat.
Idiniin
rin ng tauhan ni Henry ang baril sa ulo ni Apollyon hanggang sa bawat isa ay
sumunod na.
"Joseph..." Mula sa sulok ay narinig nila ang mahinang boses ni Marcus.
Sapo-sapo nito ang duguan braso habang nakatingin sa lider ng Belial. "Joseph
is h-here. Y-your son. He's here."
Dahan-dahan ang naging paglingon ni Apollyon at hindi makapaniwalang
tiningnan si Marcus.
"W-what?"
"Y-your son. He's here."
Nakita niya kung paano nanginig ang kamay nito sa narinig at ginamit niya ang
pagkakataong 'yon para agawin ang hawak nitong baril.
Lalong tumaas ang tensyon sa paligid pero wala, ni isa man, ang kumilos. Para
bang nagpapakiramdam silang lahat habang nagtutukan ng baril.
"Hindi dapat nandito ang anak ko." Tumingin ito sa kanya, tila nanlulumo.
"Hindi mo dapat dinala dito ang anak ko."
"It's over. Tell your men to drop their guns." Aniya.

Page 222 / 304


StoryDownloader

Umiling ito.
"Hindi mo naiintindihan. Sa tingin mo ba mabubuhay pa tayong lahat dito? Sa
oras na makapasok sila sa huling gate, magti-trigger ang bomba. Lahat tayo
mamatay dito."
Siya naman ang natigilan.
"Hindi nyo kilala si Lucifer. Hindi siya papayag na may makuha kayong
impormasyon na makapagtuturo sa kanya. Lahat tayo mamatay dito."
At bago pa siya makapagsalita ay nangibabaw ang nakakabinging alarm tanda
na nakapasok na ang back-up niya.
And then the countdown begins.
Tatlongpung minuto na lang at sasabog ang buong hideout ng Belial.
######
Gahh. So hanggang sa huli talaga may pasabog pa? Pun intented. Haha.
Hi guys, sorry sa late update, pero sana worth it naman ang paghihintay? Or
not? Pero syempre sana magustuhan nyo.
Alam kong sinabi ko na last two chapters and we're done. Akala ko kasi kasya,
but unfortunately, hindi pala. Ayokong madaliin ang mga nangyayari para lang
tapusin na. Gusto ko na naisulat ko lahat ng gusto kong mangyari.
Hindi tuloy ako sigurado kung ilan pang chapters pero sigurado ako na malapit
nang matapos, kaya kapit lang kayo, okay? This is one hell of a bumpy ride.
Anyway, as always, thank you for reading, voting at sa mga comments at
message nyo para ipaalam na nagugustuhan nyo ang Dangerous Kiss.
Next update? Kung hindi bukas, sa Tuesday, promise yan. Balak ko na talagang
tapusin ang story na'to ngayong November.
Kaya sana patuloy nyo pong suportahan ang Dangerous Kiss.
Love, fattie.

Page 223 / 304


StoryDownloader

P.S... Anong masasabi nyo sa bagong cover? Ako ang gumawa niyan at
sobrang in love ako sa naging resulta. Lol. Hahahaha.

Page 224 / 304


StoryDownloader

Chapter Twenty-Nine
Isang bala ang lumampas sa gilid ng tenga ni Joseph at agad siyang napamura.
Muntik na. Mabilis siyang tumungo, gumulong at nagtago sa pader. Nagawa na
nilang mapasok ang unang tatlong gate ng Belial at hindi yon naging madali.
Dalawa na sa hanay nila ang sugatan at bagama't mas maraming bilang ang
naitumba na nila sa kalaban ay tila hindi pa rin nauubos ang mga ito.
"Damn it!" Galit na aniya. Idinikit niya ang likod sa pader at mahigpit na
hinawakan ang baril tsaka siya huminga ng malalim. "Snipe? This is Captain.
Do you copy?"
Ilang segundo ang lumipas bago niya narinig ang boses ng kasama.
"Copy. Loud and clear." Anito.
Tumango siya. "Papasukin ko na 'to. Ikaw ng bahala." Aniya.
"Roger."
Muli siyang huminga ng malalim at sinenyasan ang ilang CIA na kasama.
Tumango si Zach nang maintindihan ang gusto niyang mangyari. Hinintay
nilang humupa ang pagpapaputok ng kalaban bago sila kumilos.
Lumabas siya sa pinagtataguan at mabilis na tumakbo, binabaril ang sinumang
makita habang si Snipe na ang bahala sa iba.
Mabilis ang mga pangyayari. Sunod-sunod ang palitan ng putukan at isa ang
tumama sa sikmura niya. Napahigop siya ng hangin sa lakas ng impact non sa
suot niyang bulletproof vest. Gumulong siya para dumapa habang patuloy pa
rin siyang binaback-up-an ng mga sniper nila.
Ramdam na niya ang pagod.
Pero hindi pa rin siya sumuko.
Hanggang sa tuluyan nilang napasok ang huling gate sa hideout ng Belial, na
sinabayan ng nakakabinging tunog na nangibabaw sa buong lugar.
Biglang tumigil ang lahat. Para bang biglang nabahag ang buntot ng mga
miyembro ng Belial at nagtatakbo paatras habang sumisigaw ng, Pull out! Pull

Page 225 / 304


StoryDownloader

out. Kung hindi lang umaagos sa buong katawan niya ang adrenalin ay
matatawa siya sa reaksyon ng mga ito.
"What the hell happened?" Naguguluhang aniya.
Si Elisa ang bumasag sa tanong nilang lahat.
"Bomb! There's a fuCking bomb!" Kumpirma nito sa suot nilang earpiece.
"Crap, crap, crap! Naactivate ang bomba. Thirty minutes. We have thirty
minutes. We need to pull out!"
Nagkatinginan silang lahat.
"We need to move." Sigaw niya. "NOW!" Pagkasabi ay agad siyang tumakbo
patungo sa direksyon ng masyon ng Belial na ang tanging nasa isip ay ang
mailigtas si Samantha.
* * * * * *
Hindi nagawang itago ni Savannah ang pagkabigla sa narinig. Seryoso ba ito?
Saglit niyang pinag-aralan ang mukha nito at nang makitang walang anumang
bakas na nagbibiro ito ay agad siyang naalerto.
May bomba?
Napalunok siya. Kailangan na nilang umalis. Ngayon na. Sinulyapan niya ang
tauhan ni Henry, pilit na hinalukay sa isip kung ano ang pangalan nito. Knight?
Black. That's it.
"Black." Sinenyasan niya ito, pero nang subukan nitong kumilos ay lalong
tumaas ang tensyon sa paligid. Muling dumiin ang mga baril na nakatutok sa
ulo ng bawat isa.
Shit!
Ilang segundo na ang sinasayang nila dito, damn it!
"Lahat tayo mamatay dito." Tiim-bagang na sabi niya kay Apollyon.
"Tama ka. Lahat tayo mamatay dito at walang makakalabas ng buhay."
Pagkasabi nun ay lalo pang tumaas ang tensyon, bawat isa ay handa ng

Page 226 / 304


StoryDownloader

kalabitin ang gatilyo ng baril nila.


Muli siyang napamura sa isip.
Humakbang si Apollyon palapit sa kanya hanggang sa ang hawak niyang baril
ay dumikit na sa dibdib nito at kung kanina ay mataas na ang tensyong
nakabalot sa kanila ay lalo pang sumagad yon.
Idiin ng todo ni Black ang baril sa likod ng ulo ng lider ng Belial at sa unang
pagkakataon ay nagsalita ito.
"Move another inch and you'll die."
Pero hindi yon pinansin ng lider ng Belial at sa halip ay ipinatong nito ang
kamay sa kamay niya at idiniin pang lalo ang hawak niyang baril sa sarili
nitobg dibdib.
"Mamatay tayong lahat kung wala sana ang anak ko dito." Simula nito sa boses
na para bang bibigay na ito anumang oras. "Pero nandito si Joseph. Nandito ang
anak ko at hindi ako papayag na mamatay siya dito. Mas gugustuhin ko pang
mamatay kaysa makita kung paano niya ko titingnan kapag nalaman niya kung
sino ako."
Umawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang sinalubong ang tingin nito.
Nang makabawi siya sa pagkabigla ay nagtagis ang bagang niya.
"You're really selfish." Asik niya dito. "Hanggang sa huli sarili mo pa din
iniisip mo. No! Hindi kita papatayin dito. Hindi ko dudumihan ng dugo mo ang
mga kamay ko. Mas gusto kong mabulok ka sa kulungan habang pinapanood
ka ng asawa't anak mo." Umiling siya at inagaw ang kamay niyang hawak nito.
"I won't give you the luxury of dying here." Aniya.
Umiling ito at sinabi ang salitang hindi niya inaasahang marinig mula sa bibig
ng lalaking nasa harap.
"You have to kill me." Hinampas nito ang dibdib. "They planted it inside my
heart. Ang tanging bagay na makakapagpatigil sa bomba." Anunsyo nito.
Muling kinuha nito ang kamay niyang may hawak na baril at itinapat sa puso
nito.

Page 227 / 304


StoryDownloader

"Kill me. Iligtas mo ang anak ko." Pagmamakaawa nito bago pumikit.
Nangatal ang kamay niya. Paano nauwi sa ganito ang lahat? Papatayin niya ba
ang lalaking 'to? Ang taong nasa likod ng pagkamatay ng magulang niya? Ang
taong gumagawa ng ilegal para sa sarili nitong kapakanan.
Biglang sumagi sa isip niya si Ysabelle. Anong magiging epekto nito sa kapatid
niya? Maiintindihan ba siya ni Ysabelle kapag pinatay niya ang taong itinuring
na nitong ama?
At paano si Joseph? Paano niya titingnan ito sa mata kung papatayin niya ang
lalaking 'to?
Kaya ba talaga niyang patayin ang taong ito?
Nakuha niya ang sagot nang bumukas ang pinto sa kinaroroonan nila at iniluwa
non ang pulutong ng mga CIA agents kasunod si Joseph. Sinuyod nito nang
tingin ang lugar at nang tumama iyon sa kanila ay nakita niya kung paano
nadurog ang puso nito.
She got her answer.
Hindi niya ito kayang patayin.
* * * * * *
Tumigil ang lahat para kay Joseph sa eksenang bumungad sa kanya. Si
Samantha habang tinututukan ng baril ang Daddy niya.
Ilang sandali siyang nanatiling nakatulala habang abala ang mga kasamahan
niya na padapain at hulihin ang mga natitirang miyembro ng Belial. Sunod ay
tinutukan ng mga ito ang ama niya.
Then realization hit him.
Anong ginagawa ng Daddy niya dito? Bakit nandito ito sa hideout ng Belial?
Humakbang siya at ibinaba ang hawak na baril.
"Dad?"

Page 228 / 304


StoryDownloader

Dahan-dahan itong humarap sa kanya at para siyang nasuntok sa sikmura nang


makita sa mata nito ang bagay na sumagot sa tanong niya. May kinalaman ang
Daddy niya sa grupo ng Belial.
Gusto niyang matawa at umiyak at magwala. Bakit pa nga ba siya magtataka.
Nasa Daddy niya ang perpektong posisyon para maging protektor ng grupo.
Para siyang nanlumo sa nalaman na agad ding sinundan ng galit. Sa lahat ng
ginawa ng Daddy niya mula ng tumakbo ito sa pulitika, ito ang hindi talaga
niya masikmura.
Nagtagis ang bagang niya.
"Goddammit! Wala na tayong oras para dyan. There's a fuCking bomb.
Twenty-two fuCking minutes. Move!" Sigaw ni Elisa sa suot nilang earpiece.
Nagtalo ang loob niya. Gusto niyang komprontahin ang ama pero alam niyang
tama si Elisa. Kailangan na nilang umalis ngayon na.
Iniwasan niya ang tingin ng ama at sinulyapan si Samantha.
"We need to move. May bomba at--"
"Patayin nyo na ko." Sigaw ng Daddy niya at hinampas ang dibdib. "Kapag
pinatay niyo ko titigil ang bomba. Yon lang ang tanging paraan. Alam ng Belial
na posibleng mangyari ang ganitong sitwasyon. Sasabog ang bomba oras na
may makapasok dito o mahack ang system. Kapag pinatay nyo ko hindi
sasabog ang lugar na'to pero lahat ng data mabubura. Kahit na anong
kalabasan, wala pa rin kayong makukuhang kahit anong impormasyon na
makakapagturo kay Lucifer."
Hindi niya pinansin ang ama at sa halip ay sinenyasan ang mga kasama na
magmadali nang lumabas.
"JOSEPH!" Muling sumigaw ang Daddy niya. "You need to kill me."
Humarap siya sa ama at galit na tiningnan ito. "Don't! Hindi ka pwedeng
mamatay dito. Wala kang karapatang mamatay dito." Aniya.
Muling nagsalita si Elise.
"What the hell? Are we seriously doing this right now. There's a freaking

Page 229 / 304


StoryDownloader

bomb. Wala tayo sa pelikula kaya mamaya na ang drama. Move. Eighteen
minutes na lang."
Lahat ay kumilos na. Tumakbo na ang ibang CIA agents palabas habang
nakaposas sa mga kamay nila ang natitirang miyembro ng Belial. Ang tiyuhin
niyang si Marcus--na duguan-- ay binitbit ni Zach palabas.
Sila na lang ni Samantha at kailangan niya munang ilayo si Samantha dito bago
niya problemahin ang ama.
"Son... wala ng oras. You need to--"
Hindi na natapos pa nito ang sasabihin dahil hinampas na ni Samantha ng baril
ang likod ng ulo nito at agad na nawalan ng malay ang daddy niya. Nang
tingnan niya si Samantha ay nagkibit-balikat lang ito.
"He talks too much." Maikling paliwanang nito at sa kabila ng sitwasyon ay
nagawa niyang ngumiti. God! Kung walang bomba sa lugar na'to ay hahalikan
niya ang babaeng nasa harap hanggang sa kapwa sila maubusan ng hininga.
Pero dahil may bomba ay,
"Goddamnit, Joseph! Wag mo nang subukang halikan si Savannah." Galit na
sigaw ni Elisa.
Doon ay awtomatikong kumilos na sila. Binuhat niya ang ama, isinampay sa
balikat at tsaka sila tumakbo palabas.
Tumakbo ng tumakbo hanggang sa kaya nila, hanggang sa makalayo sila sa
hideout ng Belial at hanggang sa tuluyang sumabog ang lugar.
* * * * * *
M
abilis ang sumunod na mga nangyari matapos ang naging pagsabog at
pakiramdam ni Savannah ay lumulutang lang siya.
Dumating ang iba pang mga mataas na opisyal ng CIA at FBISA, kasama rin
ang NBI at lokal na pulisya ng Pilipinas. Agad nilang inaresto ang mga
miyembro ng Belial at kasama na doon ang presidente ng Pilipinas.

Page 230 / 304


StoryDownloader

Ang ilang miyembro ng CIA ay maiiwan sa isla para imbestigahan ang buong
lugar. Alam nilang wala silang makukuhang anumang impormasyon na
makakapagturo sa totoong utak ng Belial, pero sapat na sa kanilang malaman
na bawat bansa--hindi man lahat--ay may tumatayong lider ng Belial.
At nahuli na nila ang lider sa Pilipinas. It was definitely a start.
"Stop moving, agent!" Sita sa kanya ng medic na tumitingin sa sugat niya sa
balikat. Pinatunog nito ang dila. "This is bad. Your wound open up. Not to
mention that wound on your side. It's hurting like hell, right? Wonder how
you've been enduring this?"
Nagkibit-balikat lang siya. Hindi niya rin alam kung bakit tila namanhid siya sa
sakit, pero lahat ng nangyari mula nang pumasok siya sa islang ito ay sapat ng
paliwanag para masagot ang tanong na 'yon.
Pumikit siya at kinagat ang labi para pigilan ang pag-ungol nang simulan
nitong gamutin ang balikat.
Damn! Wala siyang ibang gusto kundi kalimutan na ang lahat ng 'to, ibaon sa
limot ang lahat ng nangyari at mabuhay na lang ng payapa kasama si Ysabelle.
At si Marco.
Nagmulat siya ng mata at agad na sinuyod ng tingin ang paligid. Guato niyang
hawiin ang lahat ng nagkalat na tao sa paligid at hanapin ang nag-iisang
lalaking gusto niyang makita.
And then she saw him.
Nakaupo ito sa isang bato, mag-isa at mukhang pasan ang lahat ng bigat ng
mundo. Gusto niya itong lapitan at sabihin na sa kabila ng lahat ng nangyari ay
gusto niya pa rin itong makasama.
Dahil iyon ang totoo.
Wala siyang pakialam sa ginawa ng tito at daddy nito. Kaya niyang kalimutan
yon lahat. Ang gusto lang niya ay mabawi ang labing limang taong nawala sa
kanila. Iyon lang.

Page 231 / 304


StoryDownloader

Nag-angat ito ng tingin at nagsalubong ang mga mata nila.


Para bang tumigil ang ikot ng mundo at nawala ang lahat sa paligid nila. Silang
dalawa lang. Nakita niya sa mga mata nito ang pagtatalo sa gagawin, na para
bang hindi ito sigurado kung lalapit ba sa kanya o lalayo.
A wall of fear hit her.
Hindi niya kakayanin kapag lumayo sa kanya si Joseph. Not now. Not ever.
Hindi pa man natatapos ang paggamot sa sugat niya ay agad siyang tumayo,
hindi pinansin ang pagtawag ng doktor sa kanya. Humakbang siya palapit sa
direksyon nito.
Tumayo si Joseph at humakbang din palapit sa kanya.
Malayo pa rin ang distansya nila kaya tumakbo na siya. Tumakbo rin ito.
Hanggang sa konti na lang. Agad niyang sinunggaban si Joseph nang makalapit
siya sa binata at hindi naman siya binigo ni Joseph. Sinalo siya nito ng
buong-buo.
Ipinulupot niya ang braso sa leeg nito, iniyakap ang binti sa bewang at
isinubsob ang mukha sa leeg ng kasintahan.
"Marc-ko." Aniya at tsaka impit na umiyak.
"Samantha." Anito.
Lalo siyang humagulgol at tumango. That name. Pwede na ulit niyang magamit
ang pangalan na 'yon. Pwede na ulit siyang mabuhay kasama si Joseph.
"Yeah. I'm Samantha." Bulong niya.
"Thank God, you're safe." Hinalikan ni Joseph ang buhok niya at hinigpitan
ang pagkakayakap sa kanya. "I love you, tabs. I love you so much." Paulit-ulit
na bulong ni Joseph.
Tumango siya, inilayo ang mukha sa mukha nito at tsaka niya hinuli ang pisngi
ng kasintahan.
"I love you too, Marc-ko! I love you so much." Aniya at kinitalan ng halik ang

Page 232 / 304


StoryDownloader

labi nito, kapwa walang pakialam sa mga taong nasa paligid.


Fifteen years na silang naghintay at hindi na sila maghihintay pa ulit.
"It's over, love. It's over." Bulong ni Joseph at muli siyang tumango. Tapos na
ang lahat. Nakuha na ang hustisya para sa magulang at wala na siyang
mahihiling pa kung hindi ang bumuo ng simpleng pamilya kasama ang lalaking
yakap niya.
Pero mukhang hindi pa tapos ang lahat dahil humahangos na lumapit sa kanya
si Zach, namumutla ang mukha nito habang hawak ang pamilyar na sapatos.
Agad siyang namutla.
"She's gone. Elisa's gone. Everyone on Delta team is dead. Gunshot wound on
their foreheads and Elisa's missing. Oh God, she's gone."
######
Gahh... nawawala si Elisa? Why o why? Nagtataka na siguro kayo kung nasaan
siya? Gusto nyong malaman?
Nah. It's a top secret and very confidential.
But yeah, meron bang gustong humula? Nasaan nga kaya si Elisa?
Now, now, enough about her.
Anong masasabi nyo sa chapter na'to? Naiyak ako sa reunion ni Samantha at
Marco, though hindi ako sigurado kung nabigyan ng justice ang ibang scene.
Sana okay naman. Medyo nahirapan talaga ko. Gahh. Literal kong hinihigit ang
buhok ko habang nagsusulat. I can't seem to write the scene playing inside my
head.

But yeah, hope you all still like it.


Thank you for reading, voting, commenting and thank you po sa lahat nang
nagbibigay ng heartfelt messages nila.
Love you guys!

Page 233 / 304


StoryDownloader

Hug, Agent fattie.

Page 234 / 304


StoryDownloader

Chapter Thirty
Isang linggo na ang lumipas mula ng maganap ang pagsabog at marami nang
nangyari pagkatapos non.
Pinutakte ng media--mula sa iba't ibang bansa--ang balita tungkol sa presidente
ng Pilipinas. Parang apoy ding kumalat ang tungkol sa Belial Triangle at sa
balitang mayroong iba't-ibang lider ang grupo sa bawat bansa.
Awtomatikong nasibak sa pwesto ang tatay ni Joseph at ngayon ay nakaupo na
ang bise presidente nito bilang kapalit.
Nabigyan na rin ni Samantha ng hustisya ang nangyari sa magulang at nabawi
na niya ang tunay na pangalan.
Akala niya ay maayos na ang lahat pero hindi.
Isang linggo na rin kasing nawawala si Elisa at wala silang makuhang kahit
anong lead na magsasabi kung nasaan ang kaibigan niya. Ilang araw nilang
sinuyod ang isla pero hindi nila nakita ni anino ng dalaga.
Isa lang ang alam ng lahat, naglockdown ang KIRA satellite at ang security
system na ginawa ng magulang ni Elisa kasabay ng pagkawala nito at walang
sinuman ang makapagsabi kung buhay pa ba ang kaibigan niya.
But she knew better.
Kilala niya si Elisa. Hindi ito basta mawawala ng ganun na lang. Eighteen
minutes bago naganap ang pagsabog ay nakausap pa ng buong team si Elisa.
She was freaking barking at them to move their asses out of Belial's premises.
Kaya paano ito biglang nawala?
Masakit para kay Samantha ang nangyari. Elisa was like a younger sister to her
at pagkatapos ng lahat ng nangyari, ang biglang pagkawala ni Elisa ay parang
isang premonition para kay Samantha.
Na hindi na siya mabubuhay pa ng normal kagaya ng gusto niya. Na hindi na
sila magiging ayos ni Ysabelle dito at mukhang imposible na rin para sa kanila
ni Joseph na bumuo ng sarili nilang pamilya.
Isang ligo na rin silang hindi nag-uusap ni Joseph. Nakikita na lang niya ito

Page 235 / 304


StoryDownloader

araw-araw sa balita. At hindi man sabihin ni Joseph ay alam ni Samantha na


lumalayo ito sa kanya.
She knew it right there and then. Na kung kaya niyang kalimutan ang lahat,
hindi naman kayang gawin yon ni Joseph. Hindi nito kayang kalimutan ang
ginawa ng sariling ama.
Nakita niya yon sa mata ni Joseph nung nasa isla sila at natakot siya.Gusto
niyang itanggi ang nakita at paniwalain ang sarili na magiging ayos lang ang
lahat, na kakayanin nilang dalawa na kalimutan ang lahat basta magkasama
sila.
Pero niloloko lang niya ang sarili dahil hindi na nila maibabalik ang dati at
napatunayan niya 'yon ng samahan niya si Ysabelle para dalawin ang lalaking
kinamumuhian niya pero itinuring namang ama ng kapatid niya.
Kumirot ang puso niya nang maalala kung paano humagulgol ng iyak si
Ysabelle nang makita nito sa kulungan si Joseph Marco Felizardo Jr.
Hindi niya makakalimutan ang eksenang yon buong buhay niya.
"Dad." Hinawakan ni Ysabelle ang kamay nito, hinalikan at umiyak na parang
bata.
Nagtagis ang bagang niya at para siyang nasaksak sa sikmura. How ironic was
that? Nakaposas sa kulungan ang lalaking pumatay sa magulang nila habang
iniiyakan ito ng kapatid niya. Funny, kung paano sila pinaglalaruan ng tadhana.
Tumingin sa kanya si Joe na para bang nagtatanong kung bakit hindi nagagalit
sa kanya si Ysabelle sa kabila ng lahat.
Tinatanong din niya yon sa sarili. Bakit nga ba hindi niya sinabi sa kapatid
kung ano ang naging papel ng lalaking 'to sa pagkamatay ng totoo nilang
magulang?
Isa lang ang sagot.
Hindi niya gustong lumaki si Ysabelle na kagaya niya. Hindi niya gustong
mabuhay ito na puno ng poot at galit ang puso.
Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niyang ilihim ang totoo.

Page 236 / 304


StoryDownloader

But Ysabelle deserve a better life at kung ang pagiging inosente nito sa lahat ng
nangyari ang magbibigay nun kay Ysabelle, then so be it.
Sooner or later ay malalaman din naman ni Ysabelle ang totoo. Pero sa ngayon,
she likes to keep her little sister in the dark. As far as Ysabelle knows, si
Marcus lang ang pumatay sa magulang nila.
"I love you, Daddy!"
Nang sabihin yon ni Ysabelle ay hindi na niya kinaya. Agad siyang tumayo at
lumabas ng visitation room, dire-diretso siyang lumabas at nang alam niyang
hindi na siya makikita ni Ysabelle ay doon kumawala ang hagulgol na
pinipigilan niya.
Isa yon sa mga pinakamasakit na naranasan niya bukod sa masaksihan ang
pagkamatay ng magulang. And the funny thing is, iisang tao pa rin ang dahilan
ng lahat.
"Ate Sam?"
Mula sa pag-alala sa eksenang iyon sa kulungan ay hinigit siya ni Ysabelle
pabalik sa ngayon. Iniling niya ang ulo at pilit na binura sa isip ang imahe ng
kapatid habang hawak ang kamay ng lalaking iyon.
Kinagat ni Samantha ang labi at pasimpleng pinunasan ang luha.
"Hmm?" Tanong niya.
Kasalukuyan silang nasa puntod ng magulang para magtirik ng kandila at
mag-alay ng bulaklak para iparating ang balitang nakuha na nila ang hustisya
sa pagkamatay ng mga ito.
Ito ang unang beses na nadalaw ni Samantha ang Daddy at Mommy niya kaya
pinilit niyang maging masaya sa kabila ng pinagdadaanan.
Nang manatiling hindi nagsasalita ang kapatid ay sinulyapan niya ito.
Nakapikit ito at nagdadasal sa harap ng puntod ng Daddy nila.
"Ysabelle?" Untag niya dito mayamaya.
Nakita niyang kinagat ni Ysabelle ang labi bago nagsalita.

Page 237 / 304


StoryDownloader

"I lied." Simula nito.


Naguguluhang humarap siya sa kapatid.
"About what?"
Nagmulat ng mata si Ysabelle at tumingin sa kanya.
"Ginawa ko kung anong sinabi mo, ate Sam. Hindi ako nanonood ng news, I
also stayed away from social medias but I'm not a five year old kid. I'm fifteen.
Naiintindihan ko na kung anong naririnig ko sa sinasabi ng mga tao sa paligid
ko."
Napalunok siya.
"Alam ko kung sino ang totoong nagpapatay sa magulang natin. Alam ko yon."
Muli itong nag-iwas ng tingin bago tuluyang umagos ang pinipigilang luha.
"Alam ko na ang tungkol dun bago pa man tayo bumisita sa kulungan."
Nabikig siya at nag-unahan ding pumatak ang luha niya habang nakatingin sa
kapatid.
"I'm so sorry, ate Sam." Humikbi si Ysabelle. "I-I know I should hate him. Siya
ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin. Pero kahit anong gawin ko...
hindi ko kayang magalit sa kanya. I can't."
Pumikit siya.
"Siguro sa mata mo, ate Sam--isa lang siyang wala kwentang tao na hindi dapat
mabuhay sa mundo. Pero--"
Humugot ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy.
"I don't see him that way. Kapag pumipikit ako, ang nakikita ko lang eh kung
paano siya naging mabuting ama sakin. I'm stupid, right?"
Hinigit niya ang kapatid at niyakap.
"Oh, Ysabelle." Kapwa sila umiyak hangang sa wala na silang mapigang luha
sa mata.

Page 238 / 304


StoryDownloader

Mayamaya ay,
"Do you hate me now?"
Umiling siya. "No. I don't hate you, Ysabelle. I love you." Aniya at hinalikan
ang buhok ng kapatid.
Hindi niya inaasahan ang inamin ng kapatid pero hindi niya magawang magalit
sa sinabi nito. Ngayon lang narealize ni Samantha na all along ay sarili lang
niya ang ang iniisip niya.
Hindi niya inisip kung gaano napamahal sa taong yon ang kapatid. Gusto
niyang magalit din si Ysabelle sa ginawa nito sa pamilya nila, pero lahat pala
yon para lang sa sarili niyang kaligayahan.
Kung may isa mang bagay na ginawang matino ang taong 'yon? Iyon ay ang
kung paano nito pinalaki ang kapatid niya. Na sa sobrang pagmamahal ni
Ysabelle ay hindi nito magawang magalit kahit pa nalaman na nito ang totoo.
"I'm so sorry, ate Samantha."
Umiling siya at hinagod ang likod ng kapatid.
"It's okay. I'm sorry. Hindi ko alam."
Nanatili silang tahimik habang magkayakap sa puntod ng magulang hanggang
sa muling magsalita si Ysabelle.
"Ate Sam?"
"Hmm?"
"Alam kong nawawala pa rin si ate Elisa at napaka-selfish ng gusto kong
mangyari pero..."
"Pero?" Aniya ng manatiling tahimik ang kapatid.
"Gusto ko nang umalis dito. Malayo sa Pilipinas. I want to start a new life with
you." Anito.

Page 239 / 304


StoryDownloader

Tumango siya.
"Okay."
Inilayo ni Ysabelle ang mukha para tingnan siya.
"Is it really okay to leave?"
Ngumiti siya at pinunasan ang pisngi ng kapatid.
"Yeah."
"How about... how about ate Elisa?"
Tumingin siya sa malayo. Hindi niya rin alam kung anong gagawin. Nawawala
pa rin si Elisa at kung aalis sila ng bansa para na rin niyang isinuko ang
paghahanap sa kaibigan.
Pero hindi na rin niya kayang mabuhay dito. Not after all those things that
happened. Hindi niya kayang mamuhay sa iisang bansa kung nasaan ang
lalaking gusto niyang mahalin pero hindi niya magawa. Hindi niya rij kayang
manatili dito pagkatapos ng ipinagtapat ni Elisa.
Hindi na dito sa Pilipinas ang buhay niya.
Siguro nga nabawi na niya ang pangalan at ang kapatid, but that's it. Wala na
siyang ibang babalikan dito.
Huminga siya ng malalim at pilit na nginitian ang kapatid.
"Si Kuya Zach na ang bahala kay Ate Elisa mo at kahit naman wala tayo dito
hindi ibig sabihin hindi ko na siya hahanapin. She's like a sister to me."
At pinapangako niya na hahanapin niya ang kung sinuman ang taong nasa likod
ng pagkawala ni Elisa.
"... kuya Joseph?"
Natigilan siya sa narinig at tiningnan ang kapatid. Nung una, akala niya ay may
itinatanong ito tungkol sa kanila ni Joseph, pero nang makita niyang kung saan
nakatingin ang kapatid ay para bang tumigil ang pag-hinga niya.

Page 240 / 304


StoryDownloader

Wag mong sabihin...


Para bang naalerto ang buong katawan niya. Bumilis ang tibok ng puso,
namawis ang kamay at hindi alam kung saan titingin.
Hindi pa man niya nakikita kung talaga bang nandito si Joseph ay naramdaman
na niya ang prisensya nito sa kanyang likuran.
Kumawala sa kanya si Ysabelle at pilya ang ngiting humakbang palayo.
Lumunok siya, gusto niyang higiting pabalik ang kapatid at yugyugin ito
hanggang sa sabihin nitong wala naman talaga si Joseph sa likod niya.
Damn!
Anong gagawin niya?
Bakit ba nandito si Joseph?
Akala ba niya wala na silang pag-asa?
Diba isang linggo itong hindi nagparamdam?
Isa lang naman ang ibig sabihin 'nun diba? Na wala na silang pag-asa?
Napasinghap siya.
Nandito ba to para tuldukan na talaga ang kung anumang meron sila?
Kaya ba niya?
Damn! What to do?
Eh kung mag-tumbling siya para makaalis dito.
Ayaw niyang kausapin si Joseph. Natatakot siya sa maririnig, natatakot siyang
kukumpirmahin nito ang bagay na ayaw niyang marinig.
Kaya nga napakapagdesisyon na siya.
Hindi niya kayang kausapin si Joseph.

Page 241 / 304


StoryDownloader

Huminga siya nang malalim pero bago pa man niya magawa ang binabalak na
takasan ito ay naramdaman na niyang direkta na iting nakatayo sa likod niya.
At hindi na siya makagalaw.
"Samantha." Anito.
Kinagat niya ang labi at inunahan na ito bago pa man makapagsalita.
"Will you marry me, Marc-ko?"
######
Wow. Galawang Hokage.
Tag nyo ang tropa nyong hokage. Lol.
So.. seryoso na to, tapos na kong mag-plotting at tatlong chapter na lang at
tapos na tayo. Yey! Cheers yowzers!
As always, thank you for reading, voting and commenting (kahit bokya akong
makakuha ng reaksyon sa inyo :'( huhuhu
But, I still love all of you, my deities. Kahit hindi nyo ko mahal.
Hugs,
Agent Fattie
(Oooh... i love that! Agent fattie. Parang burger na para lang sa mga CIA...
wahahaha)
See you sa next update?

Page 242 / 304


StoryDownloader

Chapter Thirty-One
Hindi napigilan ni Joseph ang mapangiti nang pumasok siya sa loob ng cabin at
makita si Samantha na nakatayo sa may kusina at nagpupuyod ng buhok.
Huminto siya sa may pinto, maingat na inilapag sa gilid ang mga kahoy na
kinuha niya sa labas at tahimik na pinanood ang nobya.
Nakatalikod ito sa kanya habang itinatali ang buhok, nang maging komportable
ito sa ayos ay muling ipinagpatuloy ang paggagayat ng gulay na iluluto nito
para sa hapunan nila.
Napangiti siya, hindi makapaniwalang darating ang ganitong sandali na
makikita pa niya si Samantha na nagluluto sa kusina ng cabin na 'to. Binili niya
ang lugar dahil alam nya kung gaano kaimportante para kay Samantha ang
cabin, bagama't bihira siyang pumunta dito dahil ipinapaalala lang nito sa
kanya na wala na si Samantha.
Pero nandito ito ngayon.
Gusto niyang kurutin ang sarili para alamin kung talaga bang totoo ang lahat at
hindi panaginip lang.
Pinag-krus niya ang braso sa tapat ng dibdib at dahan-dahang sinuyod ng tingin
ang kabuuan ng kasintahan. Nakasuot ito ng puting maong na shorts, puting
sando at walang sapin ang paa. Mukha itong komportable at muli siyang
napangiti.
Sana araw-araw ganito na lang. Silang dalawa lang. Malayo sa lahat ng
problema.
Agad na nabura ang ngiti niya at umiling. Kung pwede nga lang sana na ganito
na lang sila araw-araw.
'Will you marry me, Marc-ko?'
Nang marinig niya ang naging proposal ni Samantha kanina ay talagang
nabigla siya. To say that he was taken aback was an understatement. Hindi iyon
ang inaasahan niyang marinig mula kay Samantha.
Inaasahan niya na sasabihin nitong imposible na silang mabuhay ng
magkasama. Not after what his father did. Pero ginulat siya ni Samantha at sa

Page 243 / 304


StoryDownloader

halip na sabihing lumayo sila sa isa't isa ay kabaligtaran pa ang gusto nitong
mangyari.
Gusto nitong magpakasal sila.
Halos kinailangan niyang ipunin ang lahat ng lakas at rendahan ang sarili para
wag siyang magtatalon sa saya at sumigaw sa harap ng puntod ng magulang ni
Samantha ng 'Yes, I do, I'll marry you.'
Dahil iyon din ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang makasama si
Samantha habang buhay. Tumanda kasama nito at tumira sa simpleng bahay at
bumuo ng sarili nilang pamilya. Matagal na silang naghintay.
Fifteen-bloody-long-years. Thirty-three na siya, thirty-one na si Samantha.
Hindi na sila bumabata para magpaligoy-ligoy pa.
Pero may isang bagay na pumipigil sa kanya para gawin mismo ang bagay na
gusto niyang gawin, at iyon ay ang ang ginawa ng Daddy niya sa pamilya ni
Samantha. Hindi niya kayang magpanggap na okay lang ang lahat, na kaya
niyang tingnan si Samantha sa mata nang hindi siya inuusig ng konsensya sa
ginawa ng ama.
Hindi iyon ganoong kadali.
Gusto niyang kalimutan ang lahat ng yon. But he can't. Not now. Kailangan
niya ng konting oras para tuluyang kalimutan ang lahat at sigurado siyang
kailangan din yon ni Samantha. Pareho nilang kailangan ng oras.
Siguro nga kumbinsido si Samantha na kakayanin nilang kalimutan ang lahat.
Ngayon, oo, kaya nilang papaniwalain ang sarili. Pero paano balang araw? Sa
mga susunod na bukas? Hindi niya maiwasang matakot na baka magising na
lang sila isang araw na hindi na siya kayang tingnan ni Samantha. Na baka sa
tuwing titingnan siya ni Samantha ay maalala lang nito ang ginawa ng Daddy
niya. Afterall, he's carrying the same name as his Dad. He's a fuCking the third.
Kaya nga sa halip na sagutin ang proposal ni Samantha ay niyakap na lang niya
ito. Mahigpit. Walang nagsalita sa kanila hanggang sa tumango si Samantha.
"Okay." Anito, na para bang naintindihan nito ang gusto niyang sabihin kahit
na hindi pa niya sinasabi. "Hihintayin kita, Marc-ko."
Tumango lang siya at hinalikan ang buhok nito. Hindi niya alam kung tama ang

Page 244 / 304


StoryDownloader

gagawin nilang dalawa, ang tanging alam lang ni Joseph ay iyon ang kailangan
nila.
They both needed time. To heal. And to forget.
Kapag talagang okay na sila?
Then he'll find her. Kahit saan pang lumalop ng mundo magtago si Samantha
ay hahanapin niya ito.
Pero sa ngayon, makukuntento na lang muna sila sa isang araw na ibinigay nila
sa isa't-isa, magpapanggap na hindi nangyari ang labing limang taong
bangungot na nagkahiwalay sila.
At bukas, paggising nila, ihahatid niya si Samantha sa airport at masakit man
ay pakakawalan niya ito.
Hahayaan niyang gamutin ng panahon ang sugat nila and when that time
comes? Hindi na ulit siya papayag na mawala pa si Samantha sa kanya.
"Hey, gorgeous! Anong ginagawa mo d'yan?" Nakangiting humarap sa kanya si
Samantha. "Bakit hindi ka pumasok at--" Namewang ito. "tulungan mo kong
magluto."
Natawa siya. Naiiling na dinampot ang pinanguhang kahoy at naglakad sa
direksyon ng kusina. Inilapag niya sa sulok ang bitbit at nilapitan ang
kasintahan. Muli siyang natawa nang makita ang pantay-pantay at tila sinukat
na gayat nito sa gulay.
"Wow!" Aniya at manghang pinagkumpara ang mga piraso ng carrots na
hawak. "Ni-ruler mo ba 'to, love?"
Ngumisi ito at tinapik ang buhok. "I'm a CIA undercover agent. That's a piece
of cake. No big deal."
Humalakhak siya at hinawakan ang bewang ni Samantha tsaka niya hinapit
palapit sa kanya hanggang sa magka dikit na ang buong katawan nila.
Ikiniskis niya ang ilong sa ilong nito.
"The question is..." pinisil niya ang balat sa bewang nito. "Itinuro din ba sa mga

Page 245 / 304


StoryDownloader

CIA agents kung paano magluto. Kung tama ang pagkakatanda ko, yung
sixteen years old na Samantha na kilala ko eh walang alam kundi ang
magprito."
Ginusot nito ang ilong at inilapat ang kamay sa dibdib niya para bahagya
siyang itulak.
"And your point is?" Nakataas ang kilay na anito. "Sinasabi mo bang hindi ako
marunong magluto?"
Tumawa siya. "What? Tinatanong ko lang kung marunong ka nang magluto."
Naiiling na muli niya itong hinapit palapit sa kanya.
"Of course." Gumuhit ang maganda nitong ngiti. Damn! Gusto niyang itigil ang
oras para manatili lang silang ganito. "Marami akong kayang gawin. As an
undercover agent, I have to learn everything. Mula sa pagluluto, paglilinis,
pag-babartender. Lahat! You name it, I can do it! And..."
Piangmasdan niya lang ang mukha nito habang isa-isa nitong sinasabi ang mga
kayang gawin. Itinaas niya ang isang kamay at hinawi ang mga hibla ng buhok
na nakawala sa pagkakatali nito.
"... you don't have any idea kung gaano karaming lalaki ang nagkakandarapa
sakin."
Natigilan siya. Para bang nagyelo ang lahat ng dugo at ugat niya sa katawan.
Para siyang mabibikig at pakiramdam niya anumang oras ay maiiyak siya, kaya
naman agad niyang hinila si Samantha at ibinaon ang mukha sa leeg nito para
itago ang reaksyon niya sa sinabi nito.
"Marco?" Nagtatakang anito.
Hindi siya kumibo. Para pa rin siyang nasuntok sa sikmura sa huling sinabi ni
Samantha. God! Paano kung habang malayo sila sa isa't isa ay makalimutan
siya ni Samantha? Paano kung piliin nito ang mga lalaking nagkakandarapa
dito? Paano kung mali 'tong gagawin niya? Paano kung habang malayo siya ay
makahanap ito ng iba? Paano kung-"Hey! What's wrong?" Pilit na itinulak siya ni
Samantha at nang umagwat ang
mukha niya sa leeg nito ay agad nitong hinuli ang kanyang pisngi.

Page 246 / 304


StoryDownloader

Umiling siya.
"Anong nangyari? Bigla ka na lang--" Agad nitong isinara ang bibig nang
maisip kung bakit. "Jesus. I'm kidding. Walang nakakandarapa para sakin,
okay? Fine meron. Nagkakandarapa silang tumakbo palayo. Alam mo ba kung
gaano katakot sakin ang mga kasamahan kong agents? I'm Lupin, remember?
I'm one of the best."
Pumikit siya. Hindi dapat siya nagkakaganito. Wala siyang karapatang
magpakita ng takot sa magiging resulta ng desisyon nilang dalawa. Siya ang
may gusto na maghiwalay muna sila kaya dapat ihanda niya ang sarili.
"Look at me, please."
Agad siyang nagmulat ng mata ng marinig ang garalgal na boses ng kasintahan.
"Hindi kita ipagpapalit sa iba, promise yan. Kinaya natin ang fifteen years,
gasino na lang ang ilang--wait," nagsalubong ang kilay nito. "Gaano katagal
mo kong paghihintayin this time? Wag mong sabihing fifteen years na naman?
I'll be forty-six and oh my god... magkaka-anak pa ba ko non?"
Nang makita ang natataranta nitong mukha ay hindi na niya napigilang
matawa. Oh God! Bakit ba napakaganda ng babaeng 'to. Hinila niya ito at
muling niyakap.
"Wag kang mag-alala, tabs. Hindi kita patatandain ng ganung katanda.
Hahanapin kita kaagad, kahit nasaan ka pa, promise yan."
Ito naman ang nagbaon ng mukha sa leeg niya.
"I'm going to miss you." Anito
"Mamimiss din kita."
"Tatawagan mo ba ko araw-araw?"
Hindi siya sumagot dahil hindi niya kayang mangako na kaya niyang gawin
yon. Kaya ba niyang marinig ang boses nito araw-araw habang pinipigilan ang
sarili na sumakay ng unang eroplano para lang makita niya 'to? Hindi niya
kayang marinig ang boses nito dahil siguradong lalo lang niyang gugustuhing
makita si Samantha.

Page 247 / 304


StoryDownloader

Tinapik siya ni Samantha, "Sige na.. maligo ka na, kailangan ko nang magluto.
Pagkatapos mo, kakain na tayo." Anito sa masigla, pero halatang pilit, na boses.
Binitawan niya si Samantha at agad na tumalikod. Shit! Hindi niya kayang
tingnan ang mukha nito at makita ang pekeng-ngiti na nakapaskil sa labi. Alam
niyang naintindihan na ni Samantha ang sagot niya sa tanong nito. Kaya naman
sa halip na yakapin ulit ang kasintahin at sabihing araw-araw siyang tatawag,
ay humakbang siya palayo hanggang sa makapasok siya sa banyo.
Sa buong buhay ni Joseph, ngayon lang niya kinamuhian ang pangalang
dala-dala niya.
* * * * * *
Nang tuluyan nang makapasok si Joseph sa banyo ay doon lang tinanggal ni
Samantha ang pekeng-ngiti na nakapaskil sa labi niya.
Sumandal siya sa may lababo at kinagat ang labi. Para siyang nanghina at gusto
niyang batukan ang sarili. Bakit ba puro mali ang binibitawan niyang salita?
Naiintindihan niya kung ano ang hinihiling ni Joseph sa kanya, konting oras
para makalimutan nila ang lahat. Kaya bakit ba kailangan niyang buksan ang
bibig at itanong kung tatawagan siya nito araw-araw? Mahirap na nga ang
gagawin nila bakit kailangan niya pang dagdagan?
Hinampas niya ang noo.
Crap! Kung siya lang ang tatanungin ay hindi niya gusto ang naging desisyon
ni Joseph. Bakit ba kailangan na naman nilang maghiwalay? Marami na silang
sinayang na panahon, bakit kailangang dagdagan pa nila.
Pero nang ilagay niya ang sarili sa sapatos ni Joseph ay naintindihan niya ang
kasintahan. Sa kanilang dalawa, ito ang mas nasaktan. Ito ang nagluksa ng
labing-limang taon para sa kasintahan na inakala nitong namatay. At ang
malaman na ang sarili nitong ama ang dahilan? Hindi niya kailangang maging
henyo para maintindihan kung ano ang nararamdaman ni Joseph ngayon.
Hindi lang buhay nila ang sinira ni Joseph Marco Senior. Marami pang iba.
Mga taong nalulong sa droga. Mga magulang na nawalan ng anak dahil sa
human trafficking at prostitution. Mga inosenteng bata na dinukot para ibenta

Page 248 / 304


StoryDownloader

sa mga taong halang ang bituka.


Lahat ng yon ay masakit para kay Joseph, hindi bilang alagad ng batas, kundi
bilang anak ng taong dahilan ng pagkasira ng pamilya ng iba.
Kaya, oo, naiintindihan niya si Joseph. Kung kailangan niyang maghintay ng
another fifteen years? Then she bloody will. No questions asked. Handa siyang
maghintay at maghintay at maghintay hanggang sa magamot ni Joseph ang
sarili nitong sugat.
Pagkatapos non?
Itatali na niya ito at bibitbitin sa pinakamalapit na simbahan. Okay lang sa
kanya na maging Felizardo. Okay lang na kapangalan ni Joseph ang taong 'yon.
Wala siyang pakialam. Pwede siyang husgahan ng iba, pero paki ba niya. Ang
importante, mahal niya si Joseph. Yun lang.
Huminga siya ng malalim at muling ibinalik ang ngiti.
"Okay, Samantha, magluto ka na." Pinagkiskis niya ang kamay at sinimulang
ipagluto ang lalaking paghihintayin na naman siya ng God knows how long!
Sa naisip ay napisa niya sa kamay ang hawak na kamatis.
Natawa siya. Okay, fine, medyo matatagalan pa bago mawala ang galit niya sa
pagtanggi ni Joseph sa kanyang marriage proposal. The nerve!
******
Proud na pimagmasdan ni Samantha ang mga nilutong pagkain. Ha!
Siguradong malalaglag ang panga ni Joseph sa sobrang paghanga sa kanya.
Tingnan lang niya kung tumagal ito ng isang linggo sa desisyong maghiwalay
sila.
Baka wala pang isang araw ay gumapang na ito pabalik sa kanya.
At swerte na lang nito kung magpropose ulit siya. Nah. Dapat itona ang
mag-alok sa kanya ng kasal.
Tiningnan niya ang suot na relo at natigilan. Isang oras at kalahati na ang
lumipas pero hindi pa lumalabas si Joseph sa banyo. Kunot-noong naglakad

Page 249 / 304


StoryDownloader

siya palapit sa pinto ng banyo, naririnig pa niya ang lagaslas ng shower at wala
na.
Agad na naalerto si Samantha.
"Marco?" Aniya na sinabayan niya ng katok. Walang sagot mula sa loob. What
the hell. Agad na rumagasa sa ugat niya ang pag-aalala at sumipa ang ilang
taong training sa katawan. Handa na sana siyang sipain at gibain ang pinto pero
nang pihitin niya ang seradura ay bumukas iyon.
Humugot siya ng malalim na hininga at unti-unting itinulak pabukas ang pinto
at nagulat siya sa nakita.
Nakatayo si Joseph sa ilalim ng shower, nakatukod ang magkabilang kamay sa
pader, habang naliligo suot pa rin ang damit nito ng pumasok sa banyo.
Napalunok siya. Hindi pa man, ay alam na kaagad niyang may problema.
Dahan-dahan niyang nilapitan si Joseph.
"Marco?"
Hindi ito kumibo, kaya naman hinawakan niya ito sa braso at ipinihit paharap
sa kanya. Wala siyang pakialam kahit pati siya ay nababasa na.
Nang mag-angat ng tingin si Jospeh ay nakita niya ang namumula nitong mata,
walang dudang dahil sa pag-iyak. Something inside her broke. Gusto na rin
niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili.
"Hey, what's wrong?" Nag-aalala na siya. Dalawang beses na magkasunod ng
bumigay ang emosyon nito. Kanina sa kusina at ngayon.
Umiling ito. "Nothing."
Tatalikod na sana ito pero hindi siya pumayag. Muli niyang hinuli ang braso ni
Joseph, itinulak ang malaki nitong katawan hanggang sa lumapat ang likod nito
sa pader.
"Look at me and tell me what's going on?" Diin niya.
Pumikit ito.

Page 250 / 304


StoryDownloader

"Look at me." Galit na siya. Paano niya malalaman kung anong problema kung
hindi nito sasabihin. Damn it!
"What? Ayaw mo na ba? Sabihin mo lang kung hindi mo kaya at hindi ako
aalis. Wala akong pakialam kahit na magalit ka. I'll stay here. Obviously, mas
kailangan mo ko dito."
"That's not it--"
"What? Hindi mo ko kailangan?"
Walang kwenta ang mga tanong niya, alam yon ni Samantha pero gusto lang
niyang magsalita ng magsalita si Joseph. Hindi niya gustong makita na
bumibigay na ang emosyon nito. Not now. Hindi ngayong handa na siyang
umalis para pagbigyan ang gusto nito.
"Of course I need you. I love you." Umiling ito. "But I'm a mess right now,
Sam. Ayokong makita mo kong ganito kaya nga--"
"Why not?"
Naguguluhang tumingin sa kanya si Joseph kaya nilinaw niya ang sinabi.
"Bakit ayaw mong makita kitang ganyan? Sa tingin mo ba that will make me
fall out of love with you? That's ridiculous, Marco and you know it! Wala
akong pakialam kahit dala-dala mo ang pangalan ng Daddy mo. You're not
him. You're nothing like him. Hindi ko hinihiling na kalimutan mong tatay mo
siya. No! He's your father. And I can very well accept that because I love you."
Magsasalita na sana si Joseph pero hindi niya ito hinayaan. Hindi pa siya tapos
at makikinig ito sa kanya.
"Ayokong lumayo sayo. Pero dahil iyon ang gusto mo, igagalang ko yon. Kung
gusto mo ng space. Fine. I'll give you some space. Kung kailangan mo pa ng
oras para makalimutan ang lahat. Okay, whatever! Kahit gaano katagal. Kaya
sabihin mo na sakin ang totoo ngayon habang maaga, pinapalayo mo ba ko
dahil hindi mo na ko gustong makasama? If that's what you want then say it.
Hindi yong paasahin mo ko sa paghihintay sa wala."
Ilang sandali silang nagkatitigan at nang manatiling walang kibo si Joseph ay
binitawan na niya ito tsaka siya humakbang paatras.

Page 251 / 304


StoryDownloader

"Don't break my heart, Marco." Bulong niya at tumalikod na.


Bago pa man siya makahakbang ay hinuli na ni Joseph ang braso niya at
niyakap siya mula sa likod.
"I'm sorry. God! I'm sorry." Anito.
Huminga siya ng malalim. "Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo at
dapat intindihin kita. But Goddammit, Marco, I'm shit scared. Paano kung ulitin
mo yung ginawa mo dati nung nawala ako?" Aniya.
Naaalala pa lang niya kung paano niya nakita si Joseph sa piling ng ibang
babae... para na siyang namamatay.
"I'm sorry. Ayoko din gawin 'to. Ayokong umalis ka. God! Gusto kitang itali sa
tabi ko habang-buhay but we both needed some time. Just to heal and to forget.
Hindi mo kailangang matakot, Samantha. Ikaw lang. Walang iba. Hahanapin
kita. Basta hintayin mo ko."
Pumikit siya. Hindi na talaga magbabago ang isip nito at ang pwede na lang
niyang gawin ay magtiwala sa sinabi ni Joseph.
Humarap siya dito at hinawakan ang magkabilang pisngi.
"Then please, let's just make this day a good one. Kailangan ko ng magandang
memory kasama ka para makatulog ako ng ayos sa gabi. Don't show me this
look." Isinenyas niya ang malungkot nitong mukha. "It'll just make me want to
stick by your side and apparently hindi yon ang gusto mo ngayon. Hmm?"
"Okay. I'm sorry." Anito.
Ipinulupot niya ang braso sa leeg ni Joseph.
"Stop talking and just kiss me." Aniya.
Iyon nga mismo ang ginawa ni Joseph kasunod ng marami pang bagay at
nanatili sila sa loob ng banyo hanggang sa lumamig na ang pagkaing niluto ni
Samantha para sa kanila.
******

Page 252 / 304


StoryDownloader

Matapos ang halos kalahating oras sa loob ng banyo, na sinundan pa ng isang


oras sa loob ng kwarto, ay nakakain na rin ng hapunan ang dalawa.
Pagkatapos ay inaya niya si Samantha sa likod ng cabin, kung saan siya
nag-latag ng mga kumot at unan sa damuhan.
At heto na nga sila ngayon, kapwa nakahiga at nakatanaw sa madilim na langit.
Nakaunan sa braso niya si Samantha habang magkahawak ang isa nilang mga
kamay.
"Marco?"
"Hmm?"
"Kwentuhan mo ko."
"Tungkol saan?"
"Sa fifteen years na buhay mo nung wala ako."
Pinisil niya ang kamay ni Samantha.
"Why?"
"Gusto ko lang marinig. Please?"
"Okay." Huminga siya ng malalim. "Nakatapos ako sa PMA, with flying
colors. Pumasok agad ako sa PNP. Nagtagal ako dun ng limang taon.
Napromote. Tapos nalipat ako sa FBI Special Alliance and now, I'm here."
"That's it?"
"Uhm."
"That's kinda boring." Anito.
Ngumiti siya. "It is. Kase wala ka."
Humagikhik si Samantha at ipinatong ang baba sa dibdib niya para tingnan
siya.

Page 253 / 304


StoryDownloader

"Corny!" Nakangiting anito.


"Nah. Just cheesy."
"Bleh!"
Siya naman ang tumawa. "Ikaw naman. Kwentuhan mo ko sa fifteen years na
buhay mo."
Muli itong nahiga sa braso niya at itinaas ang kamay na parang inaabot ang
mga bituin sa langit.
"Si Henry ang kumuha sakin dito. Inalagaan niya ko. Binigyan ng bagong
identity. Si Savannah." Ibinaba nito ang kamay at muling hinawakan ang palad
niya.
"Anak ni Henry si Savannah. She passed away at the age of fourteen. Nung
iniligtas niya ko, nakita siguro ni Henry ang anak niya sakin kaya inampon niya
ko. Dating CIA director si Henry. Nung magresign siya minana niya ang
business ng pamilya niya, hence... making me an heiress of a multi-billion
company. At eighteen, nagsimula akong magtrain bilang CIA agent. And now,
here I am." Aniya.
Tumango siya. Hindi niya akalaing magiging agent si Samantha. Ang alam
niya ay gusto nitong maging veterinarian. Talaga palang malaki ang nabago sa
buhay nilang dalawa.
Kung hindi siguro nangyari ang nangyari fifteen years ago, baka kasal na sila ni
Samantha, may limang anak, nakatira sa simpleng bahay habang siya
nagtatrabaho bilang pulis at si Samantha? Siguro may maliit itong veterinary
clinic.
"Naka-ilang girlfriend ka sa loob ng fifteen years?" Narinig niyang tanong nito.
Nasamid siya at dinalahit ng ubo.
Tiningnan siya ni Samantha. "What? Sobrang dami ba?"
Umiling siya at hinintay na humupa ang pag-ubo. "Christ! Wag mo nga akong
binibigla."

Page 254 / 304


StoryDownloader

"Ano nga?"
Pinisil niya ang ilong nito.
"Wala."
"Liar."
"I tried. Pero hindi ko kaya. Sinubukan kong kalimutan ka at magmahal ng
iba..." Umiling siya ng maalala ang sariling kabataan. "But I can't. Iisang babae
lang ang minahal ko and I still love her."
"I know and I love you too." Kinintalan siya ni Samantha ng halik sa labi bago
muling nahiga.
"How about you? Naka-ilan boyfriend ka?"
Dumapa ito para tuluyang nang humarap sa kanya, sa mukha ay nakapaskil ang
pilyang ngiti.
"Three." Proud na anito.
Aba't...
"Tatlo?" Hindi nakapaniwalang aniya.
Tumango ito at nagkibit balikat.
"What? You can't blame me. Akala ko nakalimutan mo na ko isang buwan pa
lang akong wala. And I need someone to help me forget about you."
"And? Minahal mo silang tatlo?"
Ngumiti ito at hinalikan ang labi niya.
"Nah. Isang lalaki lang ang minahal ko."
"Yeah?"
Tumango ito at muli siyang kinintalan ng halik sa labi.

Page 255 / 304


StoryDownloader

"Yeah. And he's... " Halik. "Joseph." Halik. "Marco." Halik. "Felizardo." Halik
ulit. "The third." Anito tsaka kinagat ang labi niya.
Umungol siya at naging dahilan yon para lalong maging mapusok si Samantha.
Pumaibabaw ito sa kanya habang tinatanggal ang suot niyang tshirt, sunod ay
tinatadtad na nito ng halik ang mukha niya, pababa sa leeg, sa dibdib habang
abala ang isang kamay sa pagbaba ng zipper ng pantalon niya.
Damn! Woman!
Hinuli niya ang malikot na kamay ni Samantha at inikot ito hanggang sa siya
na ang nasa ibabaw.
"You'll be the death of me." Bulong niya tsaka ito siniil ng halik sa labi.
Hinubad niya ang suot na sando ni Samantha at tiningnan ito sa mata. "Let's do
it my way. At kung magiging mabait ka, then later... we'll do it your way."
Yun lang at muli niyang siniil ng halik ang kasintahan.
Sa ilalim ng madilim na langit, kung saan saksi ang mga bituin ay minahal nila
isa't-isa, ibinigay ang lahat--puso, isip at kaluluwa hanggang sa kapwa nila
isinisigaw ang pangalan ng isa't-isa.
At nang sumunod na umaga, ay nakangiti pero nadudurog ang pusong inihatid
niya si Samantha sa pag-alis nito na ang tanging pinanghahawakan lang ay ang
pangako nila sa isa't isa.
Na kapag nagkita ulit silang dalawa, ay hinding-hindi na sila magkakahiwalay
pa.
######
The end!
Kidding! Two more chapters to go! Crap! Paabot nga ng tissue, kanina pa ko
umiiyak dahil sa kanilang dalawa.
Anong masasabi nyo sa naging desisyon nila na maghiwalay muna? Basta ako,
naiyak at natawa ko habang nagsusulat. I definitely lost it.

Page 256 / 304


StoryDownloader

Anyway, salamat sa patuloy na pagbabasa.


Hugs,
Agent Fattie!

Page 257 / 304


StoryDownloader

Chapter Thirty-Two
Nung unang dalawang araw na wala si Samantha sa tabi niya, ay ayos pa si
Joseph. O kung ayos ba talagang matatawag ang ginagawa niya.
He was barely eating, barely sleeping at panay ang tingin niya sa cellphone,
hinihintay na tumawag si Samantha--na isang malaking kalokohan dahil siya
ang nagsabi kay Samantha na wag tumawag sa kanya.
So yeah, ayos lang siya.
Lumipas ang isang linggo at hindi na niya kaya. Hindi na siya makatulog, ni
hindi na niya magawang kumain lalo na kapag sumasagi sa isip niya ang huling
sandaling magkasama sila.
Gusto niyang makita si Samantha at makausap ito.
Kaya nga bago pa magbago ang isip niya ay naupo siya sa kama at dinampot
ang cellphone para i-dial ang numero ni Samantha. Habang hinihintay niyang
sagutin nito ang tawag ay halos nakapagdasal na siya sa ibat-ibang
lenggwaheng alam niya para lang makausap niya si Samantha.
At siguro narinig ng Diyos ang kanyang dasal dahil narinig niya ang
mala-anghel na boses ng kasintahan sa kabilang linya.
"Marco?"
Agad na kumirot ang puso niya, sunod ay halos dumagundong ito na para bang
gusto nang lumabas sa dibdib niya at puntahan si Samantha.
Lumunok siya. Hindi alam kung ano ang sasabihin o kung ano ang uunahin
dahil sa dami ng gusto niyang sabihin. Gusto niyang sabihin kung gaano na
niya namimiss ito, kung gaano niya ka gustong puntahan ito ngayon. Gusto rin
niyang bawiin ang naging desisyon niyang lumayo muna sila sa isa't-isa, kasi
hindi niya pala kayang mawalay ulit kay Samantha. Gusto niyang sabihin kung
gaano niya ito kamahal at gustong-gusto na niya itong ayaing magpakasal.
"Marco?" Ulit ni Samantha.
Pumikit siya, ninanamnam ang boses ng kasintahan.

Page 258 / 304


StoryDownloader

"I miss you." Aniya.


Natahimik si Samantha sa kabilang linya at para bang huminto ang tibok ng
puso niya sa paghihintay sa sagot nito.
"Akala ko ba hindi natin gagawin 'to?" Anito sa mababang boses at ramdam na
ramdam ni Joseph ang sakit na nakatago sa salitang iyon.
"Akala ko kasi kaya ko." Sumandal siya sa headboard ng kama at
bumuntong-hininga. "Pero hindi pala. I miss you so much, Samantha."
Bumuntong-hininga ito.
"You're being unfair, Marco. Akala ko ba buo na ang loob mo na kailangan
natin ng space at oras para kalimutan ang lahat? Ang sabi mo wag na muna
kong tumawag sayo? Kaya nga kahit gustong-gusto na kitang tawagan,
pinigilan ko ang sarili ko, because that is what you want."
Para siyang nasuntok sa sikmura. Alam niya yon. Alam niyang tama si
Samantha at unfair ang ginagawa niya ngayon. Siya ang nagdesisyon para sa
kanilang dalawa kaya kailangan niyang panindigan 'yon. Kahit pa mahirap.
Tumikhim siya at inihilamos ang palad sa mukha.
"I-I'm sorry." Bulong niya. "You're right. I'm sorry. I just... wanted to hear your
voice."
Isang nakakabinging katahimikan ulit ang sumalubong sa kanya at parang
suntok ulit 'yon sa kanya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman, ang
gusto lang naman niya ay sabihin din sa kanya ni Samantha na-Iniling niya ang ulo.
Hindi dapat siya nagkakaganito. Ang kailangan lang ay
magtiwala siya sa sinabi ni Samantha na hihintayin siya nito. Kahit gaano pa
katagal.
Muli siyang bumuntong-hininga, hindi alam kung ano ang sunod na sasabihin o
kung paano niya tatapusin ang tawag o kung paano-"I miss you, too."
Natigilan siya. Halos mamuti ang kamay sa tindi ng pagkakahawak niya sa

Page 259 / 304


StoryDownloader

cellphone. Tama ba siya ng narinig? Idinikit niyang lalo sa tenga ang cellphone
at sa gitna ng lakas ng tibok ng puso ay pinakinggan niya si Samantha.
"I miss you so much, Marco." Anito at nagdiwang ang puso niya. 'Yon lang
naman ang gusto niyang marinig at pakiramdam niya ay kakayanin na ulit
niyang mabuhay kahit malayo kay Samantha.
"I miss you, too. God, I miss you so much." Aniya.
"This is hard, you know. Itong ginagawa natin."
"I know and I'm sorry."
"You can't keep doing this, Marco. You're making my resolve sway. Gusto
kong puntahan ka at itigil na 'tong ginagawa natin." Humugot ito ng malalim na
hininga. "But I can't. Kasi ikaw ang nagdesisyon nito at alam kong hindi ka pa
handa."
Pumikit siya at sinapo ang ulo. Kung tutuusin ay alam niyang si Samantha ang
mas nahihirapan sa kanilang dalawa. Ito ang nawalan ng pamilya, hindi siya.
Mas malaki ang isinasakripisyo ni Samantha para sa kanilang dalawa. Hindi
nga niya alam kung bakit sa kabila ng lahat ay mahal pa rin siya nito.
"I'm sorry." Ulit niya.
"Stop that. Stop saying sorry." Anito.
"I love you." Aniya, dahil iyon lang ang kaya niyang sabihin bukod sa paghingi
ng sorry.
Bumuntong-hininga si Samantha.
"I love you, too and I miss you. I need you here, Marco. I need you by my
side." Sagot ni Samantha sa boses na para bang sinusubukan kung ano ang
magiging sagot niya.
Napalunok niya. Gusto rin niya yon, kaya lang ay hindi pa siya handa. Hindi
niya pa kayang kalimutan ang ginawa ng Daddy niya.
Para bang nahulaan naman ni Samantha ang sagot niya.

Page 260 / 304


StoryDownloader

"Don't worry, naiintindihan ko, Marco. Diba nga sabi ko hihintayin kita? Kaya
nga hindi mo kailangang mag-alala. Handa akong maghintay. Kahit pa gaano
katagal."
Umiyak siya sa narinig at iyon ang huli nilang pag-uusap ni Samantha.
Marami nang nangyari pagkatapos non. Malaki ang nagbago sa buhay ng
buong pamilya niya. Kabi-kabilang kaso ang kinahaharap ng Daddy niya
habang lumipat naman ng bahay sa Cavite ang kanyang Mommy Sylvia.
Umalis din si Ysabelle para sumama kay Samantha sa Amerika, ni hindi na nga
ito nakaakyat sa entablado para abutin ang diploma.
Siya naman ay inabala ang sarili sa kabi-kabilang misyon ng FBISA, sa
pagharap sa kaso ng ama at sa pag-asikaso sa mga ari-arian nila na hindi kinuha
ng gobyerno.
Pinapagod niya ang sarili para hindi maramdaman kung gaano niya kagustong
makita si Samantha.
Ang problema lang ay tuwing sasapit ang gabi at kapag nakahiga na siya ay
doon niya muling naaalala si Samantha. Wala siyang ibang gustong gawin
kundi ang tawagan ulit ang kasintahan pero pinigilan niya ang sarili.
Hindi niya gustong guluhin ulit si Samantha kaya nga nag-isip siya ng ibang
paraan para makita man lang ito.
At iyon ay si Ysabelle.
Kinuntsaba niya ito na padalhan siya ng mga picture ni Samantha araw-araw at
ibalita kung ano ang ginagawa nito, bilang kapalit ay nagpapadala siya ng
picture ni Andrew para kay Ysabelle.
Simula nun ay nakakatulog na siya ng mahimbing na ang tanging
pinanghahawakan lang ay mga litrato ni Samantha.
Lumipas ang isang linggo. At isa pang linggo at isa pa at isa pa. Hanggang sa
namalayan na lang niya na dalawang buwan na pala ang lumipas.
"Cap?"
Mula sa picture ni Samantha na tinititigan niya ay nag-angat siya ng tingin at

Page 261 / 304


StoryDownloader

nakita na nakangisi sa kanya ang mga kasamahan sa FBISA.


Damn!
Agad niyang ibinulsa ang hawak na cellphone at tumikhim. Nasa kalagitnaan
nga pala sila ng tactical meeting para sa gagawing operasyon sa isang isla kung
saan may nagaganap na ilegal na bentahan ng mga armas. Noong isang linggo
lang ay may nasabat na kahon-kahong ilegal firearms ang Philippine Navy at
matapos ang imbestigasyon ay nahanap na nila kung saan nagaganap ang
palitan ng armas.
Kaya nga dapat doon nakatuon ang buong atensyon niya, hindi sa picture ni
Samantha habang nakasuot ng pulang bikini sa swimming pool sa rooftop ng
hotel na pagmamay-ari nito.
Stupid Ysabelle!
Muli siyang tumikhim at ipinaulit kay Bob ang mga impormasyong hindi niya
narinig.
Matapos ang kalahati pang minuto ng pagpaplano ay dinismiss na niya ang
mga kasamahang agents. Habang wala pa kasing nakukuha bilang kapalit ni
Marcus ay siya muna ang tumatayong Chief Superintendent ng Speacial
Alliance ng FBI.
Nang makalabas na ang lahat maliban kay Snipe ay agad niyang inihilamos ang
palad sa mukha. Damn! Dalawang buwan na walang komunikasyon kay
Samantha ay para bang sasabog na siya.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Snipe.
Tiningnan niya ito. Bakas din sa mukha ni Snipe ang pagod at lungkot. Hindi
niya alam ang buong kwento sa buhay nito pero alam niyang kagaya niya ay
malayo rin ito sa babaeng mahal. Bukod sa kanya ay wala ng nakaka-alam na si
Snipe ay galing din sa pamilya ng mga pulitiko.
"No!" Sagot niya.
"Bakit hindi mo pa siya puntahan?" Tanong nito.
Hindi alam ni Joseph kung ano ang isasagot. Tinatanong din niya yon sa sarili.

Page 262 / 304


StoryDownloader

Dalawang buwan na ang lumipas pero bakit hindi pa rin siya handang puntahan
si Samantha?
Tumayo si Snipe at tinapik siya sa balikat.
"You should talk to your, Dad. Yon lang ang paraan para matanggap mo ang
lahat." Anito.
Tumango siya. Madalas din iyong sabihin sa kanya ng kanyang Mommy
Sylvia, pero kahit anong pilit niya sa sarili ay hindi niya magawang bisitahin
ang ama. Ilang beses na ba siyang tumayo lang sa labas ng kulungan para lang
tumalikod ulit paalis? Hindi na niya mabilang kung ilan. Nakikita niya lang ang
ama sa tuwing may hiring ito pero yon lang. Hindi niya ito kinakausap at
hanggat maaari ay hindi rin niya gustong humarap sa media.
"You know what, Cap?" Tiningnan niya si Snipe. "Swerte ka at tanggap ka ng
babaeng mahal mo sa kabila ng lahat. Kung ako sayo, kakalimutan ko na ang
nakaraan. Past is past. Hindi mo na mababago ang ginawa ng Daddy mo."
Naglakad ito palapit sa pinto pero bago tuluyang lumabas ay muli itong
nagsalita.
"Ang magagawa mo na lang para itama ang lahat, eh ang mahalin si
Samantha." Anito bago isinara ang pinto.
Naiwanan siyang mag-isa habang pinag-iisipan ang sinabi ni Snipe. Bibihira
lang itong magsalita pero sa tuwing may sinasabi ito ay alam niyang dapat
siyang makinig.
Kaya nga nakapagdesisyon na siya.
Oras na para kausapin niya ang ama.
* * * * * *
Akala ni Joseph ay magiging madali lang ang pagkikita nilang mag-ama.
Mauupo lang naman siya at kakausapin ito. Ganung kadali lang. Ni hindi na
nga sumama ang Mommy Sylvia niya para bigyan daw sila ng pagkakataong
makapag-usap.
Pero nang makita niya itong nakaupo habang nakaposas ang kamay ay para

Page 263 / 304


StoryDownloader

siyang nabikig. Hindi siya makapaniwalang darating ang ganitong araw na


makikita niyang lugmok ang lalaking minsan ay hinangaan niya.
Ilang minuto silang nanatiling tahimik habang nakatingin sa isa't-isa. Ito ang
naunang bumasag sa katahimikang bumabalot sa kanila.
"Joseph." Anito.
Pakiramdam niya ay ang laki ng itinanda nito sa loob ng dalawang buwan.
Nadagdagan ang mga linya nito sa mukha at mas dumami ang mga puting
buhok. Malaki rin ang ipinayat nito simula ng makulong.
"I'm glad you're here." Dugtong pa nito.
Hindi siya makapagsalita. Hindi kasi niya alam kung kaya ba niyang kausapin
ito ng hindi siya magagalit.
"Hindi na pala nakaakyat man lang si Ysabelle sa graduation niya. Ang tagal pa
namang hinintay 'yon ng bunso natin." Patuloy nito. "Ang mommy mo?
Kamusta ang paglilipat ng bahay? Isang linggo ng hindi dumadalaw ang
Mommy mo. Ayoko rin namang pabalik-balik siya dito, masyadong malayo
ang Cavite para dalawin pa ko."
Ikinuyom niya ang kamao para pigilan ang sarili na umiyak, dahil pakiramdam
niya anumang oras ay maiiyak siya. Nasasaktan siyang makita ang ama sa
ganitong sitwasyon. Sanay siyang makita ito na taas-noong humaharap sa lahat.
Kahit naman nagtanim siya ng galit para sa ama ay nanatili pa rin ang
katotohanan na anak siya nito. Dugo at laman. Masakit para sa kanya ang lahat
ng nangyari.
"Mom's fine. She's coping. Si Ysabelle naman inaasikaso na ang pag-eenrol
niya sa college." Sagot niya.
Tumango ang Daddy niya.
"How about you, son? Kamusta ka?"
"Ako?" Mapait siyang ngumiti tsaka niya tiningnan ng masama ang ama. "I'm
not fine. Not in the least. You ruined our family."
Tumango ito.

Page 264 / 304


StoryDownloader

"I know. Hindi dapat ako nagpahuli ng buhay." Mapait ang ngiting anito.
Lalo niyang ibinaon ang kuko sa palad at galit na sinalubong ang tingin nito.
"Yan lang ba ang kaya mong sabihin. Na dapat hindi ka nagpahuli ng buhay?
Alam mo ba kung ano ang resulta ng gulong pinasok mo sa pamilya natin?"
"Lahat ng ginawa ko ay ginawa ko para sa pamilya natin."
"That's bullshit!" Inihampas niya ang kamao sa lamesa. "Wag mo kaming
gawing dahilan sa mga ginawa mo. Ginawa mo yon para sa sarili mo."
Pumikit ito.
"Are you even sorry for all that you've done? Sa ginawa mo kay Tito Lucas?
Kay Samantha?" Tanong niya.
Hindi ito sumagot.
"Alam mo ba kung gaano kasakit para sakin na malamang may kinalaman kayo
ni Tito Marcus sa nangyari sa pamilya ni Samantha?"
Nanatili pa rin itong walang kibo. Ang tanging indikasyon lang na nakikinig pa
ang ama niya ay panginginig ng kamay nito.
Ginamit niya ang pagkakataong yon para pagmasdan ang mukha ng ama,
naghahanap ng kahit anong magsasabi sa kanya na pinagsisisihan nito ang
ginawa, pero kahit katiting na pagsisisi ay wala siyang nakita.
Mapait ang pinakawalan niyang tawa. Kahit siguro magunaw ang mundo ay
hindi itutungo ni Joseph Marco Felizardo Junior ang kanyang ulo para humingi
ng tawad sa lahat ng kasalanan. Hindi ito ang tipo ng taong pagsisisihan ang
mga ginawa. He was too proud to do that.
Tumayo na siya. Kahit pa siguro maghapon at magdamag niyang kausapin ang
ama ay wala siyang mapapala na kahit na ano sa ama.
"I won't be back." Aniya at tumalikod na.
Bago siya makalabas sa maliit na kwarto kung saan sila nag-uusap ay narinig

Page 265 / 304


StoryDownloader

niya ang biglang pagtayo ng ama, na sinundan ng gumagaralgal nitong boses.


"I'm sorry, son. Hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari. Tama ka, sinira ko ang
pamilya natin. Pero walang gabi na hindi ko pinagsisihan ang lahat. Ilang beses
ko ng gustong isuko ang ginagawa ko, pero hindi ko na kaya. Masyado na kong
baon sa kasalanan."
Huminto siya sa may pinto, pero hindi niya nilingon ang ama.
"Hindi ko na mababago ang mga nangyari. Hindi ko na maibabalik ang dati,
pero sana... wag mong pasanin ang kasalanan ko. You deserve to be happy.
Ibigay mo kay Samantha ang binawi kong buhay sa kanya. Make her happy,
son."
Pumikit siya para sana pigilan ang pag-agos ng luha pero huli na dahil
nag-uunahan nang pumatak ang kanyang luha.
"I don't deserve anything from you, Joseph, and I'm not asking you to forgive
me. Just don't suffer because of my sin." Patuloy nito. "Puntahan mo na si
Samantha."
Nilingon niya ang ama at ang nakangiti nitong mukha ang sumalubong sa
kanya.
"I love you, son."
Nilapitan niya ang ama at agad itong niyakap. "Thank you, Dad."
Matagal pa siguro bago niya tuluyan mapatawad ang ama sa lahat ng ginawa
nito at matagal pa rin bago nito pagsisihan ang mga nagawa. Pero sa ngayon,
ayos na sa kanya na nakahakbang na sila ng isa.
Ang mahalaga lang sa ngayon ay handa na siyang puntahan si Samantha.
******
Inayos kaagad ni Joseph ang lahat ng dapat niyang ayusin. Kinausap niya ang
kanyang Mommy Sylvia tungkol sa balak na pagtira sa ibang bansa kasama si
Samantha, gusto sana niyang isama ang ina pero tumanggi ito, kailangan pa
raw ito ng kanyang ama.

Page 266 / 304


StoryDownloader

Nag-resign din siya bilang miyembro ng FBI Special Alliance, at hindi naman
ikinagulat iyon ng mga kasamahan niya. Mas nagulat pa nga ang mga ito na
inabot ng dalawang buwan ang resignation niya.
Nang maayos niya ang lahat ay halos hindi na siya makatulog sa paghihintay sa
flight niya bukas ng gabi. Kinailangan niyang ipunin ang lahat ng lakas para
pigilan ang sarili na wag sabihin kay Samantha, lalo na kay Ysabelle ang balak.
Kaya naman nakuntento na lang siyang tawagan si Ysabelle.
"Akala ko hindi ka na tatawag, kuya." Iyon kaagad ang bungad sa kanya ni
Ysabelle ng sagutin nito ang tawag niya. "I have news for you. May nakuha
nang lead sina ate Sam kung nasaan si ate Elisa. I think mahahanap na natin
siya."
"Really? That's good. Ano pang balita?" Aniya.
"Nah. That's all I've got. Classified info ang tungkol kay ate Elisa. Anyway,
gusto mo ba ng bagong picture ni ate Samantha?" Anito.
Bago pa siya makasagot ay,
"She's here. Wait!" Anito at narinig nga niya ang boses ni Samantha na
sinundan ng yabag ng pagtakbo ni Ysabelle at-- "Oh!" Gulat na anito.
Pinakinggan niyang mabuti ang pinag-uusapan ng magkapatid at para siyang
nasuntok sa sikmura sa mga narinig.
"May kasama ka pala. Who is he?" Tanong ni Ysabelle at para bang bahagyang
humina ang mga naririnig niya. Hula ni Joseph ay sinubukang takpan ni
Ysabelle ang cellphone nito para hindi niya marinig.
"This is Rick. Rick, this is my sister, Ysabelle." Narinig niyang sabi ni
Samantha at pakiramdam niya ay naubusan siya ng hangin sa katawan. Agad
siyang nilamon ng selos. Who the hell is Rick?
"Hey. Nice to meet you." Sabi ng isang baritonong boses na nakapag-paikot sa
sikmura niya.
"Oh, uhm... nice to meet you too?" Sabi ni Ysabelle at hanggang dun na lang
ang narinig niya dahil pinatay na nito ang tawag. Ilang beses niyang tinawagan

Page 267 / 304


StoryDownloader

ang kapatid pagkatapos nun, pero hindi na ito sumasagot.


Hindi tuloy nakatulog si Joseph ng gabing 'yon. Ayaw man niya ay
pabalik-balik sa isip niya ang narinig. May kasama si Samantha na ibang lalaki
at Rick ang pangalan.
Ikinuyom niya ang kamao. Gusto niyang itatak iyon sa mukha ng lalaking
umaaligid-aligid kay Samantha.
Hindi niya gusto na nilalamon siya ng selos. Wala siyang karapatan na
pagdudahan si Samantha o kuwestyunin ang ginagawa nito. Dahil technically,
ay wala naman silang opisyal na label sa kanilang relasyon.
Kaya nga pinilit niyang kalimutan ang narinig, kahit na imposible yung gawin.
Ang mahalaga ay pupuntahan na niya si Samantha at kung kinakailangan niya
ulit na ligawan ito ay gagawin niya.
He had to win her heart.
At pagkatapos ay aalukin niya ito ng kasal.
Pagkatapos ay sasapakin niya si Rick.
Iyon ang nasa isip niya ng sumunod na araw ang habang nagbibyahe siya
papunta sa airport kasama ang ina at ang kanyang dating team.
Hanggang sa makatanggap siya ng tawag galing kay Ysabelle.
"Kuya, Joseph. Si Ate Samantha--" Umiiyak na anito. "Nandito kami sa ospital.
Nag-collapse si Ate Samantha!"
Iyun lang at huminto na ang ikot ng buong mundo niya.

Page 268 / 304


StoryDownloader

Chapter Thirty-Three
Wala pang tulog si Joseph mula nang matanggap niya ang tawag ni Ysabelle.
Sa buong biyahe ay halos mabaliw-baliw na siya sa pag-aalala kay Samantha.
Pakiramdam niya ay napakabagal ng sinasakyan niyang eroplano at wala
siyang ibang gustong gawin kundi ang hilahin ang oras. Kaya nga nang
lumapag ang sinasakyan sa LAX at bigyan sila ng signal na pwede na silang
tumayo ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Siya yata ang pinaka
kauna-unahang bumaba ng eroplano, pumila sa pagkuha ng bagahe at sa isang
kisap-mata ay bumibyahe na siya papunta sa SEC Hotel.
Ilang beses niyang sinubukang tawagan si Ysabelle pero nakapatay ang
cellphone nito. Sapat na 'yon para lalo siyang lamunin ng kaba at takot. Hindi
iilang beses niyang sinuklay ang buhok gamit ang namamawis na kamay. Nang
makarating ang sinakyang taxi sa hotel, ay agad siyang nagbayad at
dire-diretsong pumasok sa loob hanggang sa reception desk.
Kinailangan niyang humugot ng ilang malalim na hininga bago niya nagawang
itanong kung nasaan si Samantha. Ilang minuto yata siyang tiningnan ng babae
sa kanyang harapan, na para bang wala tong ideya kung sino ang hinahanap
niya, bago niya naalala na hindi Samantha, kundi Savannah ang pangalan ng
kasintahan dito.
Matapos na itama ang ibinigay na pangalan at matapos niyang magpakilala ay
nakangiting sinabi ng babae na hindi daw nito pwedeng ibigay ang
impormasyong gusto niyang marinig.
Goddamnit!
Pumikit siya at nagbilang ng sampu para kalmahin ang sarili. Anong gagawin
niya? Damn it! Parang nasasakal na tinanggal niya ang isang butones ng suot
na polo at isinuklay ang daliri sa buhok. Gusto na niyang umiyak dito at
magmakaawa na dalhin siya kay Samantha, dahil wala na siyang ibang gusto
kundi ang makita ang babaeng hindi mabura-bura sa isip at puso niya.
Muli niyang kinuha ang cellphone sa bulsa, idinayal ang numero ni Ysabelle at
hindi tinigilan hangga't hindi niya nakakausap ang kapatid.
Sa ika-labing anim na subok sa number ni Ysabelle ay doon lang nito sinagot
ang tawag at hindi niya alam kung sasakalin ba ang kapatid o yayakapin ito.

Page 269 / 304


StoryDownloader

"Thank God, Ysabelle, kanina pa kita tinatawagan. Nasaan ka? Si Ate


Samantha mo? Anong nangyari? Nasaan kayo? Bakit dinala sa ospital ang ate
mo? Anong nangyari? Bakit--"
"Kuya!" Saway ni Ysabelle sa kanya sa boses na tila kagigising lang yata.
Humugot siya nang malalim na hininga. Ramdam na niya ang pagod at antok
sa halos isang buong araw na biyahe at ang tanging gusto na lang niya ay ang
makita si Samantha.
"Ysabelle, please! I just want to see your sister."
"Nandito ka?" Gulat na sabi ni Ysabelle na tila bumalikwas ng bangon. "Dito?
As in dito sa New York?"
"Yes. Nandito ko sa lobby ng SEC Hotel." Sagot niya.
"Okay! Give me ten minutes. No. Give me five. Bababa na ko diyan." Anito
bago naputol ang tawag.
Limang minuto nga ang lumipas bago nagtatatakbong nilapitan siya ni Ysabelle
at sumalubong ng yakap. Natuwa man siyang makita ang kapatid ay hindi niya
magawang ngumiti dahil bumabaha pa rin ang kaba sa buong sistema niya para
kay Samantha.
"Anong nangyari sa ate mo? Nasaan siya?" Bungad niya matapos na
humiwalay sa pagkakayakap ang kapatid.
Kinagat ni Ysabelle ang labi at tumingin sa malayo. "Well..."
Pinigilan niya ang sarili na alugin ang kapatid para pagsalitain ito at sa halip ay
hinintay niya ang sasabihin nito.
"Well, what?" Aniya nang manatili itong walang kibo.
"She's not here." Bulalas nito na talagang ikinabigla niya.
Bumagsak ang balikat niya. Anong wala si Samantha dito?
"What--" Inihilamos niya ang palad sa mukha. "Why? I mean, where. Where is
she?" Dumadagundong ang puso niya habang muling hinihintay na sumagot

Page 270 / 304


StoryDownloader

ang kapatid.
Tiningnan siya ni Ysabelle at isang tingin pa lang ay alam na niyang hindi niya
magugustuhan ang kung anumang sasabihin nito.
******
Hindi na maramdaman ni Joseph ang palad sa tindi nang pagkaka-kuyom niya
sa kamao. Gusto niyang magalit. Paanong hindi? Eh nalaman niyang kahit na
hindi pa maganda ang pakiramdam ni Samantha ay nagdesisyon itong lumabas
ng ospital para pumunta sa CIA Headquarters.
"Relax, kuya! Breathe." Sabi ni Ysabelle habang nagmamaneho ito. Ayaw sana
niyang payagan ang kapatid na mag-drive pero nang ipakita nito ang lisensya at
ipinagmalaking si Samantha ang nagturo dito na magmaneho ay hindi na siya
kumontra pa. Isa pa ay hindi rin naman siya makakapagmaneho kapag ganitong
wala pa siyang tulog at nag-aalala siya kay Samantha.
Humugot siya nang malalim na hininga para kalmahin ang sarili.
"Bakit nag-collapse ang ate mo?"
Nagkibit-balikat si Ysabelle. "'Don't know. Sabi ng doktor, mababa daw ang
blood pressure ni ate. Kulang sa tulog at kulang sa sustansya. Stress din daw.
Pero ewan ko. Hindi ko naman direktang naka-usap yung doktor. Pinalabas ako
ni ate nung pumasok na yung doktor para sabihin yung resulta." May halong
tampo na sabi nito.
Parang tinamaan ng uppercut si Joseph sa mga sinabi ni Ysabelle. Kulang sa
tulog. Kulang sa sustansya. Stress. Damn it! Goddamnit! Siya ang may kasalan
kung bakit!
Gustong umiyak ni Joseph. Pinagsisihan niya ang naging desisyon na
maghiwalay muna sila. Dahil kung meron mang siyang natutunan sa dalawang
buwan na pagkawalay kay Samantha, yon ay ang katotohanan na imposible
nilang makalimutan ang nakaraan. Na hindi nila mababago o mabubura ang
nangyari na. Ang tanging magagawa na lang nila ay tanggapin ang lahat.
"Kamusta si Mom?"
Nilingon niya ang kapatid.

Page 271 / 304


StoryDownloader

"She's fine. Nagvo-volunteer siya sa isang orphanage. Ayos na rin siya sa


Cavite. Miss ka na niya."
Nakita niyang humigpit ang kapit ni Ysabelle sa manibela.
"Hmm mmm." Tatango-tango lang na sagot nito. "How about--" Tikhim.
"Kamusta si Da--Mister Felizardo?"
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagpreno ni Ysabelle sa dapat sana ay itatawag
nito sa Daddy nila. Hindi naman niya masisisi ang kapatid kaya pinili na lang
niyang wag pansinin. Alam niyang nahihirapan din si Ysabelle lalo pa't lumaki
itong Daddy's girl, para lang malaman sa huli na ang itinuring pala nitong ama
eh ang dahilan ng pagkasira ng pamilya nila ni Samantha.
"He's fine." Tipid na sagot niya.
"I'm sorry, kuya. It's just that..." Humugot ng malalim na hininga si Ysabelle.
"Ayokong maging unfair kay ate Samantha. She's trying her best to forget the
past and I don't want to hold her back." Paliwanag ni Ysabelle.
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ng kapatid.
"Silly. It's okay, brat! Hindi mo kailangang mag-explain." Aniya at mula doon
ay naging komportable na ulit sila.
Mag-iisang oras din ang naging byahe nila ni Ysabelle bago nila narating ang
headquarters ng CIA. Bumaba rin ang kapatid niya at sinamahan siyang
pumasok sa loob suot ang isang ID. Nang tanungin niya ang kapatid ay ngumiti
ito,
"I'm Lupin's sister, so I'm kinda famous here." Sagot nito.
Nagawa niyang ngumiti sa sinabi ng kapatid. Sinamahan siyang umakyat nito
hanggang sa tenth floor. King nasa ibang pagkakataon siguro siya ay
magagawa pa niyang mamangha sa itsura ng headquarters ng CIA, pero dahil
dumadagundong ang puso niya sa halo-halong emosyon ay walang kibo na lang
na sinundan niya ang kapatid. Iginiya siya ni Ysabelle papunta sa opisina daw
ni Samantha at nang ituro nito ang saradong pinto sa dulo ng pasilyo ay
nakangiting tinapik siya ni Ysabelle.

Page 272 / 304


StoryDownloader

"Goodluck, Kuya!" Anito at tumalikod na.


Nanatili siyang nakatulala sa nakapinid na pinto ni Samantha, hindi alam kung
ano ang gagawin. Matapos na humugot ng ilang malalim na hininga ay tsaka
lang niya nagawang humakbang. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa nakatayo na
siya sa harap ng pinto ni Samantha.
Agad niyang inayos ang sarili. Sinuklay ang buhok gamit ang kamay, inayos
ang gusot na polo at nang maging disente ay tsaka lang siya kumatok.
"Wait a sec," sagot ni Samantha sa loob at halos sumabog sa saya ang puso
niya nang marinig ang boses nito.
Mayamaya ay bumukas ang pinto at nasa harap na niya si Samantha. Hindi
niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayong nasa harap na niya ang
kasintahan. Kinailangan niyang ibaon ang kuko sa palad para pigilan ang sarili
na higitin ito at yakapin.
Kapwa sila walang kibo habang nakatingin sa isa't isa. Nakatulala si Samantha
at para bang hindi makapaniwala na nandito siya. Unti-unting gumuhit sa labi
niya ang ngiti at,
"Hey!" Aniya.
Hindi ito kumibo at nanatiling nakatingin sa kanya. Seryosong nakatingin sa
kanya at ni hindi na niya mabasa ang emosyon nito. Wala siyang ideya kung
masaya ba ito na nandito siya.
At sapat na yon para kabahan siya ulit.
"Uh," Tumikhim siya at pumihit sa pagkakatayo. "H-how are you? I heard what
happened and..." Wala pa rin. Damn it! Tikhim ulit. "Listen, Samantha, I--"
Hindi na niya nagawang matapos ang sasabihin dahil nakita niyang kumilos si
Samantha at akala niya ay yayakapin siya niyo at magiging ayos na ang lahat.
Kaya nga nabigla talaga siya ng sumarado ang pinto, nang may malakas na
bam! At naiwan siyang nakatanga sa harap ng saradong pinto ni Samantha.
What the hell happened?

Page 273 / 304


StoryDownloader

* * * * * *
Ilang minutong nakatulala si Samantha, hindi pa rin alam kung talaga bang si
Joseph ang nakatayo sa labas ng pinto niya. Baka naman namamalikmata lang
siya? Imposible namang nandito si Joseph!
Tama! Hindi naman siguro si Joseph ang nakatayo sa labas at pinagsaraduhan
niya ng pinto.
Oh God! Pinagsaraduhan niya ng pinto si Joseph!
Napahawak siya sa leeg at hindi mapakaling naglakad-lakad sa loob ng opisina
niya. Ano bang iniisip niya at padabog niyang isinara ang pinto na halos
mayanig na ang buong pader? Paano kung si Joseph nga ang nasa labas? God!
Si Joseph nga yata talaga ang pinagsaraduhan niya ng pinto.
Huminto siya sa paglalakad at dahan-dahang ibinaba ang palad sa kanyang
puson. Oh God! Alam na ba ni Joseph?
Nahigit niya ang hininga nang muling maalala ang sinabi ng doktor,
"Congratulations, Miss Collins, you're eight weeks pregnant!"
Damn it! Nalaman ba ni Joseph ang tungkol sa ipinagbubuntis niya kaya to
nandito ngayon?
Iniling niya ang ulo. Hindi alam ni Samantha kung matutuwa ba siya o maiiyak
sa nalaman. Hindi rin naman kasi niya napag-iisipan kung sasabihin na ba niya
kay Joseph, dahil honestly, hindi pa niya alam kung ano ang nararamdaman.
May isang bahagi sa puso niya--malaking bahagi--ang masaya sa balitang
buntis siya. Paanong hindi? Eh matagal na niyang pangarap na bumuo ng
pamilya kasama si Joseph.
Pero may isang bahagi rin sa puso niya ang nilalamon ng takot.
Nung araw kasi na inihatid siya ni Joseph sa airport, two months ago, at
makaalis ang sinasakyan nilang eroplano ni Ysabelle ay biglang gumaan ang
pakiramdam niya.
Doon niya na-realize na tama nga si Joseph. Kailangan nila ng panahon at oras
na malayo sa isa't isa para gamutin ang mga sugat nila. Unti-unting

Page 274 / 304


StoryDownloader

naintindihan ni Samantha na ang naging desisyon ni Joseph ay hindi lang para


sa sarili nito, kundi mas para sa kanya. Dahil sa kanilang dalawa ay siya ang
may mas malalim na sugat na kailangang gamutin. Siya ang nagtanim ng galit
sa loob ng labing limang taon at alam ni Samantha na hanggat hindi niya
nagagawang gamutin 'yon ay hindi sila magiging masaya ni Joseph. Darating at
darating ang araw na kamumuhian niya ang pangalang dala-dala ng lalaking
mahal at hindi niya 'yon gustong mangyari. Alam niyang alam din yon ni
Joseph kaya nga ito na ang nagtulak sa kanya palayo.
So, she did what she had to do.

Sinubukan niyang kalimutan ang lahat.


Ginugol niya ang oras sa pagbuo ng bagong memories kasama si Ysabelle.
Araw-araw silang magkasama habang ginagawa niya ang lahat ng bagay na
pangarap lang niyang gawin noon para sa bunsong kapatid. Ipinagluluto niya si
Ysabelle, iginagala ito sa mga paborito niyang lugar, nakikipag-kulitan at
marami pang bagay kung saan mas nakilala nila ang isa't isa.
Ang pinakapaborito niya ay kapag nakahiga silang dalawa sa salas at
nagkukwentuhan ng mga bagay na nangyari sa loob ng labing limang taon na
nagkahiwalay sila. Gustong-gusto niya ang mga kwento ni Ysabelle tugkol sa
crush nitong si Andrew at mga kwento nito tungkol kay Joseph.
Everything was going fine. Hanggang sa napansin niya na sinusubukan ni
Ysabelle na wag pag-usapan ang tungkol sa naging buhay nito sa Pilipinas.
And then, suddenly, she was hit with a scary realization.
Na imposibleng makalimutan nila ang lahat ng nangyari.
Imposibleng makalimutam niya na ang lalaking tumatayong ama, hindi lang
kay Ysabelle kundi pati kay Joseph, ay ang lalaking kinamumuhian niya. Na
ang tanging paraan lang para makalimutan niya ang lahat ay kalimutan muna
ang nararamdaman niya para kay Joseph. Kahit pansamantala. O kung talaga
bang posible ngang maibaon talaga niya ang nararamdaman para sa kasintahan.
And that's what she did.

Page 275 / 304


StoryDownloader

Hanggang sa unti-unti na siyang nasasanay na malayo siya kay Joseph.


Unti-unti na niyang nagugustuhan ang buhay nila ni Ysabelle ngayon, yung
silang dalawa lang at malayo sa lahat ng makakapagpa-alala sa kanila ng
mapait na nakaraan. Unti-unti na rin niyang nakakalimutan na kailangan niyang
hintayin si Joseph.
Pero nang malaman niyang buntis siya? Sapat nang dahilan yon para muling
makapasok si Joseph sa puso't isip niya. And the worst part? Hindi na siya
sigurado kung anong gagawin niya.
Paano niya sasabihin kay Joseph na magkaka-anak sila gayung hindi na siya
sigurado kung kaya pa niyang kalimutan ang lahat? Paano sila magiging
masaya kung hinihila sila ng nakaraan?
Damn!
Hindi pa siya handa! Kaya bakit nandito si Joseph? Hinimas niya ang puson at
pumikit.
"Babe, anong gagawin ni Mommy?" Bulong niya at mayamaya pa ay nakuha
niya ang sagot.
Kailangan nilang mag-usap ni Joseph. Simple as that. Kaya naman humugot
siya ng malalim na hininga, naglakad palapit sa pinto at hinila yon pabukas.
"We need to talk." Anunsyo niya sa tulalang si Joseph.
******
Hindi maganda ang pakiramdam ni Joseph sa mga nangyayari. Mula ng umalis
sila ni Samantha sa CIA headquarters hanggang sa ihatid sila ni Ysabelle sa
isang restaurant, ay wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.
Don't get him wrong.
Marami siyang gustong sabihin kay Samantha. Ang hindi lang niya alam ay
kung paano at saan siya magsisimula. Gusto niyang kamustahin si Samantha.
Yakapin at siguraduhing maayos na ang lagay nito. Gusto rin niyang marinig
ang mga ginawa nito sa loob ng dalawang buwan, itanong kung namiss ba siya
o kung mahal pa ba siya ni Samantha.

Page 276 / 304


StoryDownloader

At sa dami ng tanong na naglalangoy sa isip niya, iisa pa rin ang


nangingibabaw, at iyon ay bakit siya pinagsarhan ng pinto ni Samantha kanina?
Damn it! Pakiramdam ni Joseph ay narinig niyang nag-crack ang puso kanina
kasabay ng malakas na lagabog ng pintong isinara ni Samantha.
Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng takot. Nararamdaman niya'y may
sasabihin sa kanya si Samantha na babasag sa puso niya.
"So, anong ginagawa mo dito?" Kaswal na tanong ni Samantha matapos umalis
ang waiter na kumuha ng order nila. Isang tasa ng kape para sa kanya, orange
juice at macaroons naman ang kay Samantha. Sa sobrang tahimik ng restaurant
na kinaroroonan nila, pakiramdam niya ay naririnig niya ang bawat tibok ng
nagmamartsang puso.
Tumikhim siya. Sasagutin ba niya ang tanong ni Samantha? Ibinulsa niya ang
kamay at sinalat ang maliit na kahon na para bang lalong bumibigat sa loob ng
kanyang bulsa. Dahil kung sasagutin niya ang tanong nito, ay kailangan niyang
ilabas ang kahon.
Ilang minuto siyang hindi makapagsalita.
"Samantha, I--" Bago pa man siya makaporma ay dumating na ang waiter nila,
oh siguro manager ng restaurant dahil iba ang dating nito, kasunod ang waiter
dala ang order nila.
"Savannah! What a pleasant surprise?" Masiglang bati ng binata at agad na
hinalikan sa magkabilang pisngi si Samantha.
Naikuyom niya ang kamao sa kahong nasa bulsa.
"Hi, Shaun." Bati ni Samantha.
"Who do you have here? Boyfriend?" Tanong nito at tumingin sa direksyon
niya. Maging siya ay natigilan habang hinihintay ang sagot ng dalaga.
Tumawa si Samantha.
"Just... someone. He's a childhood friend." Sagot ni Samantha.
Para bang dinukot ni Samantha ang puso niya, inihagis sa labas ng restaurant at
nasagasaan ng mga mamahaling sasakyan na dumadaan. Ganung kasakit ang

Page 277 / 304


StoryDownloader

sinabi nito.
Just... someone? A childhood friend? Yun na lang siya para kay Samantha?
Fuçk! That hurts!
Para siyang maiiyak. Pakiramdam niya binibiyak ang puso niya. May nagawa
ba siyang mali? O talagang mali ang naging desisyon niyang maghiwalay muna
sila? Hindi na ba siya mahal ni Samantha? Ganun na lang? Wala na ba silang
pag-asa? Nakahanap na ba to ng iba?
Ganun ang tumatakbo sa isip niya na ni hindi na niya namalayan na nakaalis na
pala ang kaibigan ni Samantha at naiwan na ulit silang dalawa.
"Marco? Okay ka lang?" Tanong ni Samantha.
Nanginginig ang kamay na inabot niya ang baso ng tubig at nilaklak ang laman.
Pagkatapos ay maka-ilang ulit siyang humugot ng malalim na hininga pero
bigo siyang pakalmahin ang nadudurog niyang puso.
Sa halip ay mapait ang ngiting sinalubong niya ang tingin ni Samantha.
"Just someone?" Hindi makapaniwalang aniya. "A childhood friend!?"
"Oh, come on! I'm just kidding." Natatawang sabi ni Samantha, pero kahit
anong pilit niya ay hindi pa rin niya makita kung ano sa sinabi nito ang
nakakatawa. Pero mabuti na rin na tinatawanan ni Samantha ang sariling salita.
Ibig sabihin ay may kapiranggot pa siyang pag-asa.
"You don't sound like you're kidding." Bulong niya na ni hindi umaagwat ang
mga ngipin.
"Ano bang dapat na sinabi ko? Na boyfriend kita? Pero cool-off tayo?"
Nakangiti pa rin, pero halatang seryoso, na sagot ni Samantha. "Ano ba tayo
ngayon, Marco?"
Umayos siya ng pagkakaupo at kinuha ang palad ni Samantha, ikinulong sa
kamay niya at pinisil.
"You're the only woman I've ever love, Samantha. I'm sorry kung pinaghintay
kita. Alam kong napaka-selfish ng hiningi ko, pero ngayon okay na ko."

Page 278 / 304


StoryDownloader

Pinisil ni Samantha ang kamay niya.


"Pero ako hindi pa." Sagot nito sa mababang boses.
Napalunok siya. Tama ba siya ng narinig? No! Hindi pwede.
"Humingi ka ng konting oras sakin Marco at pumayag ako. Kasi, tama ka.
Kailangan nga natin ng oras."
Pumikit siya. Shit! Pakiramdam niya alam na niya kung ano ang sunod na
sasabihin ni Samantha.
"This time, ako naman ang hihingi ng kaunting oras, Marco."
Lumunok siya at tumango.
Naiintindihan niya kung ano ang hinihingi ni Samantha at sa totoo lang wala
siyang karapatang magalit o magreklamo. But it still hurt nonetheless. Ganito
rin kaya ang naramdaman ni Samantha nung sinabi niyang kailangan niya ng
space? Probably mas masakit pa dito ang naramdaman ni Samantha, kaya sino
siya para tumanggi ngayong ito naman ang humihiling sa kanya.
"Okay." Bulong niya.
"Thank you, Marco. I just... need some time to--" ngumiti ito. "figure out my
feelings."
Gusto niyang tanungin kung anong feelings ang tinutukoy nito. Feelings para
sa kanya? Sa sitwasyon nila? O sa nakaraan? Pero nilunok niya ang gustong
sabihin.
Nung siya ang humiling ng konting oras, nakangiting pumayag si Samantha.
Walang tanong-tanong. Basta maghihintay lang sa kanya.
Kaya iyon din dapat ang gawin niya.
Pero bago yon, gagawin din niya ang ginawa ni Samantha two months ago
kahit na alam na niya ang magiging sagot nito.
Dinukot niya ang maliit na kahon sa bulsa, inilapag yon sa mesa at,

Page 279 / 304


StoryDownloader

"Will you marry me, Samantha?" Nakangiting tanong niya na sinagot ni


Samantha ng malakas at nakakahawang tawa.
######
Akala nyo ending na? Well iyon din ang akala ko. Pero maling-akala lang pala.

Forgive me guys, pero nung tinype ko kasi yung akala ko last chapter na.
Takte... napakahaba pala. 7K plus plus plus words.
So hinati ko.
Kaya yung happily ever after nila eh next chapter pa, na bukas ko na ipopost.
Okay? Hahaha. Sorry naman.
But anyway, titirisin ko na tong si Samantha at Marco ee. Isang cool-off pa
ulit? Pisti oh! Lol. Pero feeling ko gumaganti na lang si Samantha eh! Brat!
Thank you sa lahat ng nagbabasa.
Hugs, fattie ;)

Page 280 / 304


StoryDownloader

Last Chapter
Pawisan at hingal na hingal na muling ibinaba ni Joseph ang buong katawan sa
sahig at,
"Thirty-four." Patuloy niya sa pagbibilang niya sa ginagawang push-up. Muling
itinulak ni Joseph ang sarili pataas at ipinikit ang mata para muling iwaksi sa
isip ang ginawang pagtanggi ni Samantha sa proposal niya.
Damn it!
Bumigay ang kanyang kamay at pawisan siyang natumba sa sahig. Naiiling na
ipinihit niya ang katawan patihaya, itinaklob ang braso sa mata at humugot ng
malalim na hininga.
Ganito pala kasakit ang ginawa niya kay Samantha two months ago. Parang
gusto tuloy nyang bugbugin ang sarili nang, dahil kung nasasaktan siya ngayon,
pihadong mas nasaktan si Samantha.
Napabuntong-hininga siya at agad na tumayo. Wala na siyang magagawa pa
kundi ang hintayin ang kasintahan. It took him two months to heal his wounded
heart. At kung mas matagal pa doon ang kailangang oras ni Samantha, then so
be it. Handa siyang maghintay. Kahit na hindi na siya sigurado kung may
hihintayin pa nga ba siya.
Pakiramdam kasi ni Joseph ay nakahakbang na si Samantha palayo sa kanya.
Para bang nasanay na 'to na wala siya. Na magiging masaya si Samantha kahit
pa hindi na siya ang kasama.
Damn it! Paano kung ganun nga ang mangyari? Paano na siya?
Nanlulumong naupo si Josephsa kama. Hindi niya napaghandaan ang
posibilidad na 'yon dahil ni hindi naman pumasok sa isip niya na tatanggi si
Samantha sa alok niyang kasal. Kaya nga wala siyang ideya kung paano siya
mabubuhay sakaling magmahal ito ng iba.
Nung inakala niyang namatay si Samantha sa pagsabog, fifteen years ago,
nawalan na talaga siya nang ganang mabuhay. Ginugol niya ang lahat ng oras
sa mga misyon at ni wala siyang pakialam kung doon na siya mamatay.
Itinanim na rin niya sa isip na tatanda siyang mag-isa dahil wala na siyang
ibang mamahalin ng higit pa sa pagmamahal niya sa kasintahan.

Page 281 / 304


StoryDownloader

Pero ngayong nagkita ulit sila ni Samantha? Ngayong nabigyan sila ng isa pang
pagakakataon? Syempre wala siyang ibang gusto kundi ang makasama 'to
hanggang sa tumanda siya.
Kaya nga paano na siya kung makahanap ng iba si Samantha?
"Ah, damn it!" Naiinis na sinuklay niya ang buhok. Alam na rin naman kasi ni
Joseph ang sagot sakali mang mangyari ang bagay na 'yon.
Hindi siya lalayo. Mananatili siya sa buhay ni Samantha kahit pa may mahal na
itong iba. Kahit bilang bodyguard. O di kaya'y kaibigan lang. Siguro magiging
ninong din siya ng magiging anak nito, magiging kumpare ng asawa ni
Samantha habang pinipigilan ang sarili na pumaslang.
Natawa siya sa naisip, na sinundan kaagad ng paggapang ng kilabot sa buong
katawan niya.
Shit! Syempre hindi niya yun kaya. Hindi niya kayang tumayo na lang sa
sideline habang pinapanood ang ibang lalaki na umaaligid-aligid kay
Samantha.
Kaya nga dapat siyang gumawa ng paraan.
Tumayo siya, ni hindi na nag-abalang isuot ang hinubad na sando at tanging
pantalon lang ang suot na agad na lumabas ng kwartong inookupa sa penthouse
ng SEC Hotel. Matapos kasi ng pag-uusap nila ni Samantha sa restaurant
kanina ay tinanong siya nito kung may matutuluyan na ba siya. Syempre sinabi
niyang wala. Mabuti na lang at kahit na humingi si Samantha ng kaunti pang
oras ay pumayag itong dumito muna siya.
Desidido ang bawat hakbang na tinunton niya ang daan papunta sa kwarto ni
Samantha. Hindi pa man nakakailang hakbang ay naagaw na ang kanyang
atensyon ng liwanag na nanggagaling sa kusina.
Tahimik na pumihit siya papunta doon at natigilan ng makita si Samantha.
Nakatayo ito sa harap ng ref at nagsasalin ng gatas sa baso suot lang ang
manipis na nightgown nito at wala na.
Pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan habang pinapasadahan ng

Page 282 / 304


StoryDownloader

tingin ang dalaga mula ulo hanggang sa walang sapin na paa. Sinundan niya ng
tingin nang dalhin ni Samantha ang baso sa labi nito at inumin ang laman.
Bawat lagok ay para bang lalong nagsisikip ang suot niyang pantalon.
Jesus Christ!
Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang lapitan si Samantha, yakapin ito at
tadtarin ng halik mula ulo hanggang talampakan. Bago pa man niya mapigilan
ang sarili ay tila may sariling isip na humakbang ang mga paa niya at dinala
siya palapit sa kasintahan hanggang sa-"Damn!" Daing niya nang bigla siyang itulak
ni Samantha sa pader at tutukan
ng kutsara sa leeg. Sa kabila ng pagkabigla ay nagawa niyang tumawa. Damn!
Nakalimutan niyang isa ito sa pinakamagaling na agent ng CIA.
"Marco?" Agad siyang binitawan ni Samantha at humakbang paatras.
Hindi siya kumibo at sa halip ay tahimik na inabot ang katawan nito. Inilagay
niya ang palad sa magkabilang bewang ni Samantha at hinapit ito palapit sa
kanya.
Nahigit ni Samantha ang hininga.
"Marco!" Saway nito tsaka pilit na kumawala mula sa kanya at pumihit
patalikod. "Hindi ba napag-usapan na natin, to? Konting oras lang naman ang
hinihingi ko. Sabi mo maghihintay ka hanggang sa maging handa ako."
"I know." Bulong niya. Humakbang siya palapit kay Samantha hanggang sa
dumikit ang katawan niya sa likod nito. "I know but I want you. Hindi ba ko
pwedeng humingi rin ng isang gabi? Kagaya nung huli?" Dugtong niya.
Muli niyang inilagay ang kamay sa bewang ng dalaga at pinagapang ang palad
sa tiyan nito. Naramdaman niya ang biglang paninigas ng katawan ni Samantha
at natakot siyang baka biguin siya nito.
"Please? Gusto lang kitang yakapin ngayong gabi. Kahit isang gabi lang.
Pagkatapos ibibigay ko na yung hinihingi mo." Puno ng pagsusumamong sabi
niya habang taimtim na nagdadasal na pumayag ito.
Bumuntong-hininga si Samantha, hinawakan ang mga palad niya at saka
pumihit paharap sa kanya. Ilang minuto lang itong nakatingin sa kanya bago

Page 283 / 304


StoryDownloader

tumaas ang kamay at inilapat sa pisngi niya.


"Okay." Bulong nito.
Ilang minuto yata ang lumipas habang pinoproseso ng isip niya ang sinabi ni
Samantha. And when it finally sink in, he was beyond happy. Para siyang
sasabog sa sobrang saya. Kaagad niyang ibinaba ang labi sa labi ni Samantha at
marahan itong hinalikan. Lasang gatas. Hinapit niya pa palapit si Samantha at
kinintalan ng mumunting halik ang labi nito. Halik. Halik. Halik. Kagat.
Ang marahang halik na pinagsaluhan nila ay agad na nauwi sa mas mapusok at
mainit na halik. Para siyang mababaliw na ni hindi na niya napigilang
umungol. Ibinaba niya ang kamay sa pang-upo ni Samantha at kinarga to.
Ipinulupot nito ang binti sa bewang niya kaya't agad niyang isinandal ang likod
nito sa pader.
Nag-agwat ang labi nila pero mabilis din niyang ibinaba ang halik sa leeg ni
Samantha habang ikinikiskis ang nagsisikip na pantalon sa katawan ng dalaga.
"Room!" Bulong ni Samantha sa pagitan ng mahinang paghalinghing."Si
Ysabelle, b-baka magising."
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na tinunton ang kwarto ni
Samantha. Nang makapasok sa loob at maisara niya ang pinto ay muli niya
itong hinalikan hanggang sa maihiga ito sa kama.
"Marcooo..." Ungot ni Samantha nang umagwat siya para hubarin ang
pantalon.
"I know, love." Aniya. Mabilis na hinubad niya ang natitirang saplot at sa isang
iglap ay muli nang magkadikit ang katawan nila.
At buong magdamag niyang ipinaramdam sa bawat halik at pag-ulos ang
pagmamahal niya kay Samantha habang paulit-ulit niyang ibinubulong kung
gaano niya ito kamahal. Umaasa siyang paggising nila kinabukasan ay
magbago na ang isip ng babaeng mahal at tatanggapin na ang alok niyang
kasal.
Kaya nga para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang paggising niya
kinabukasan ay wala na si Samantha sa tabi niya.

Page 284 / 304


StoryDownloader

Damn! Ano bang dapat niyang gawin?


Yeah! Oras na para lumapit siya kay Henry.
* * * * * *
"You're blooming."
Mula sa paglalagay ng bala sa hawak na baril ay nilingon ni Samantha ang
kapapasok lang na si Alyssa, ang nag-iisang Pilipina na miyembro ng Special
Operation and Secret Intellegence ng CIA.
"What?" Nakaigkas ang kilay pero nakangiting tanong niya.
"Sabi ko blooming ka. You have that-" Isinenyas nito ang mukha niya. "Look.
It's written all over your face."
"What look?"
"That look. Like someone who spents the night with a special someone doing
God knows what."
Natatawang inirapan niya 'to. "Oh puh-lease, shut up." Tumayo siya at
dinampot ang shades at earphones. Bago pa man siya makahakbang para
pumwesto sa shooting range ay,
"Dapat hindi ka na humahawak ng baril." Sabi ni Alyssa. Nang lingunin niya
ito ay nagulat siya ng makitang nakatingin ito sa puson niya.
Napalunok siya.
"H-how--"
"I'm also a woman, that's why." Sagot nito.
Napaupo siya at inilapag ang hawak na baril sa lamesa. Right! Hindi na dapat
siya humahawak ng baril. Inilagay niya ang palad sa puson at pumikit.
Nakasanayan na kasi niyang pumunta dito sa CIA shooting range nitong
nagdaang dalawang buwan. Paraan niya yon para abalahin ang sarili dahil hindi
pa siya pwedeng tumanggap ng undercover mission. Na pabor sa kanya dahil
ayaw muna niyang iwanan si Ysabelle at dahil wala pa ang partner niyang si
Elisa.

Page 285 / 304


StoryDownloader

Kaya naman paggising pa lang niya at mabungaran niya si Joseph ay naisip


niya agad na dito pumunta. Bakit? Simple lang, para pigilan ang sarili na
gisingin sa halik si Joseph at sabihing hindi talaga niya kailangan ng space at
oras.
Dahil iyon ang totoo. Gusto lang niyang gumanti sa ginawang pagtanggi ni
Joseph sa marriage proposal niya two months ago kaya sinabi niya ang bagay
na 'yon.
At nag-eenjoy siyang pahirapan ito ng kaunti bilang ganti.
Kung meron man siyang natutunan sa lumipas na dalawang buwan, iyon ay ang
imposibleng makalimutan nila ang nakaraan. Hindi na nila mababago o
mabubura ang mga nangyari. Ang magagawa na lang nila ay tanggapin ang
lahat. Iyon lang.
Ang problema na lang talaga niya ay kung paano sasabihin kay Joseph ang
tungkol sa ipinagbubuntis niya.
"Come on, Lupin. Bakit hindi mo na lang ako samahan na pumunta sa ground
para tingnan ang mga bagong trainees?" Tanong ni Alyssa.
Ngumiti siya at tumayo. Wala naman siyang gagawin ngayon. Pinapakaba niya
pa si Joseph kaya mabuti na rin kung hindi muna sila magkikita. "Fine. Lead
the way."
Si Alyssa ang nagdrive papunta sa training ground. Malaki ang lugar, may
labing tatlong obstacle course, dalawang mess hall at gusali na may anim na
palapag na tumatayong barracks ng mga CIA trainees. Gumaan kaagad ang
pakiramdam ni Samantha nang umapak siya sa lugar. Dito kasi niya ginugol
ang halos sampung taon ng buhay niya.
Dumiretso sila sa loob at papunta sa ground. Nagsisimula na ang training ng
dumating sila at halos kalahati na sa mga bagong trainees ang sumuko na sa
ika-limang obstacle course pa lang.
Naupo sila ni Alyssa at seryosong nanood. Kapwa nila alam kung gaano
kahirap makapasa sa unang training pa lang. Kadalasan, dito pa lang ay
nauubos na kaagad ang mga gustong maging agents.

Page 286 / 304


StoryDownloader

Ilang oras pa at halos fifteen na lang sa original na forty ang natira. Agad silang
lumapit ni Alyssa para lapitan si Rick, ang tumatayong head trainer.
Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit kay Rick ay nagkagulo na. Mabilis ang
sunod na nangyari. Isa sa mga nakapasang trainee ang sumugod at sinuntok si
Rick diretso sa panga nito.
At ang tanging nagawa na lang niya ay ang matulala nang makita kung sinong
sumuntok kay Rick.
Si Joseph Marco Felizardo fucking the third.
******
Hindi makatingin si Joseph sa nagbabagang mata ni Samantha. Pakiramdam
niya kapag sinalubong niya ang tingin nito ay walang-buhay siyang babagsak
sa sahig.
"Fuçk!" Napahigop siya ng hangin nang idiin ni Samantha sa kanyang noo ang
hawak na ice bag. "Dahan-dahan lan--" nalunok niya ang dapat sasabihin ng
makita ang nag-aapoy nitong tingin.
Damn! Hindi niya gusto ang ganitong tingin ni Samantha. Pero ano bang
magagawa niya? Wala. May kasalanan siya kaya dapat lang ang ganito sa
kanya.
"What the hell are you thinking?" Tiim-bagang na singhal ni Samantha sa
kanya at agad siyang napangiwi.
Mula ng awatin siya nito sa pakikipag-palitan ng suntok at hilahin siya paalis sa
training ground hanggang sa makauwi sila sa hotel ay hindi kumibo si
Samantha. Ngayon lang.
"Bakit nandun ka? Anong ginagawa mo dun? Damn it, Marco, bakit mo
sinuntok si Rick?"
Hindi siya sumagot. Anong sasabihin niya? Na wala lang. Trip lang niya dahil
Rick ang pangalan nito. No way. No fucking way.
"

Page 287 / 304


StoryDownloader

You know what? I don't even want to talk to you right now." Itinulak ni
Samantha sa kamay niya ang ice bag, tumayo at naglakad paalis.
Bumuntong-hininga siya. Hindi ganito ang inaasahang mangyari ni Joseph.
Ang gusto lang naman niya ay ipakita kay Samantha na dito na niya balak
tumira kasama nito. Kaya nga nagdesisyon siyang pumasok bilang agent ng
CIA. Lumapit pa siya kay Henry para mapadali ang proseso. At dahil siguro
dati siyang miyembro ng FBI Special Alliance ay diretso training na kaagad
siya. Napakadali nga lang para sa kanya ang mga obstacle course. He had
worse. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang ugali ng lalaking tumatayong
trainer nila.
Kaya nang malaman niyang Rick ang pangalan ng hinayupak, parehong Rick
na narinig niya nung araw na tinawagan niya si Ysabelle at malamang may
kasama si Samantha? He saw red. At bago pa niya mapag-isipan ang gagawin
ay nasapak na niya si Rick, na nauwi sa palitan ng suntok sa pagitan nila
hanggang sa awatin sila ni Samantha.
Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga. Damn! Sa halip yata na
mapalapit siya kay Samantha ay lalo pa yata niyang inilayo ito.
Nagulat siya nang biglang bumalik ulit si Samatha at nakapamewang na
lumapit sa kanya. Napalunok siya.
Ilang minuto itong nakatingin lang sa kanya bago bumuntong-hininga at
nagsalita.
"I'm very disappointed with you, Marco." Malungkot na anito bago kinuha ang
palad niya at inilagay doon ang maliit na kahon na pamilyar sa kanya.
Para siyang naubusan ng hangin sa katawan habang nakatingin sa kahong
ibinigay niya kay Samantha.
"Yan ang sagot ko sa marriage proposal mo, Marco."
Namumutlang nag-angat siya ng tingin. Gusto niyang itanong kung bakit nito
ibinabalik ang kahon, pero nang makita niya ang walang-reaksyong mukha ni
Samantha ay parang tumigil yata ang tibok ng puso niya.
"W-what? Why? Samantha?" Hindi
pabalik-balik ang tingin sa kahon

makapaniwalang aniya habang


na hawak at kay Samantha.

Page 288 / 304


StoryDownloader

"That's my answer, Marco." Sabi nito at tumalikod na tsaka muling lumabas.


Hindi na niya nagawang habulin pa si Samantha dahil ni hindi nga siya
makakilos.
Tumigil na yata ang tibok ng puso niya at daig pa niya ang nabaril sa puso.
God! He mess it up. Wala na siyang pag-asa kay Samantha. Wala na!
Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha habang hawak ang kahon ng
singsing. Tuluyan nang nadurog ang puso niya at wala siyang ibang pwedeng
sisihin kundi ang sarili.
******
Hindi na nakita pa ni Joseph ni anino ni Samantha mula ng ibalik nito ang
singsing sa kanya. At halos dalawang araw na ang lumipas mula nun. Miski si
Ysabelle ay ayaw sabihin sa kanya kung nasaan si Samantha.
Kaya nagdesisyon na siyang umalis. Kahit ayaw niya ay wala na rin namang
kwenta kung magtitigil pa siya dito. Wala na siyang dahilan. Ayaw na ni
Samantha. Mahihirapan lang siya kung ipagpipilitan niya ang sarili. Lalo na si
Samantha at ayaw na niyang mahirapan pa ito ng dahil sa kanya.
Armed with nothing but a shattered dreams and brokenheart ay sumakay na
siya ng eroplano pabalik sa Pilipinas nang hindi man lang nakikita si Samantha.
Kalilipad pa lang ng eroplano ay parang gusto na niyang umatungal ng iyak.
Inilabas niya ang kahon mula sa bulsa at tinitigan 'yon, umaasang biro lang ang
lahat.
Bumuntong-hininga siya at binuksan ang kahon.
At tumigil yata ang ikot ng mundo niya.
Natulala siya.
Kumurap-kurap habang nakatingin sa laman ng kahon. Hindi singsing ang
laman kundi... damn! Hindi niya alam kung anong tawag sa maliit na papel na
nasa loob.

Page 289 / 304


StoryDownloader

Lumunok siya at nangangatal ang kamay na hinawakan ang braso ng


stewardess na dumaan sa tabi niya.
"W-what is this?" Inabot niya ang kahon dito.
Kunot-noong pinag-aralan nito ang laman ng kahon at mayamaya ay
nakangiting tumingin sa kanya.
"It's an unltrasound result, Sir!" Anunsyo nito. "Its a baby."
Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang ibinalik an tingin sa maliit na
papel na nasa loob ng kahon. Nangangatal ang kamay na kinuha niya yon at
pinagmasdan ang maliit na picture na hindi niya maintindihan kung anong
itsura.
Baby? Baby nila ang maliit na.picture na 'to? Nakangiti at naiiyak na hinaplos
niya ang litrato.
Pinihit niya patalikod ang picture at napamura siya nang mabasa ang
sulat-kamay ni Samantha.
"Yes. I'll marry you, Marco"
Napatayo siya. "I need to get off this plane." Anunsyo niya.
Halatang nagulat ang stewardess at nang makabawi ay mahinahon nitong
ipinaliwanag na hindi na siya makakababa dahil nakalipad na ang eroplanong
sinasakyan nila.
Wala siyang nagawa kundi ang maupo at muling pagmasdan ang larawan ng
baby nila ni Samantha. Halo-halo ang emosyon niya, naiiyak at natatawa siya
ng sabay.
Sa buong byahe tuloy ay ni hindi nagawang makatulog ni Joseph. Wala siyang
ibang gustong gawin kundi ang bumalik kay Samantha.
Nang mag-touch down ang sinasakyang eroplano sa Pilipinas ay
nagmamadaling bumaba si Joseph, kinuha ang bagahe at muling nagpabook ng
pinakamaagang ticket pabalik sa New York. Swerteng may isa pang spot sa
paalis na eroplano na agad nyang kinuha.

Page 290 / 304


StoryDownloader

At wala pa mang tatlong oras mula nang tumuntong sa Pilipinas ay nakasakay


na ulit siya pabalik ng New York.
Pagod siya, oo, sino bang hindi eh ginawa niyang kapitbahay lang ang
Amerika. Pero hindi natalo ng pagod ang nararamdaman niyang saya.
Excited siyang makita si Samantha at yakapin ito at halikan ng paulit-ulit kahit
pa pinagod siya nito sa halos humigit-kumulang na fourty-eight hours na
byahe.
Nang makababa ulit ang eroplanong sinasakyan sa New York ay dali-dali na
naman siyang bumaba at nagtatakbo palabas ng airport. Ni hindi na niya kinuha
ang bagahe. Wala na siyang pakialaman basta ang gusto lang niya ay makita si
Samantha.
And then he saw her.
Hila-hila ni Samantha ang isang maleta at tumigil rin nang makita siya. Nakita
niya ang pagguhit ng relief sa mukha ito na sinundan ng ngiti.
Ngumiti rin siya.
At nagmamadaling tinakbo ang natitirang espasyo sa pagitan nila. Kaagad
niyang niyakap si Samanta at hinalikan sa noo.
"I've missed you so much, love!" Aniya.
Ipinulupot nito ang braso sa kanya.
"You're stupid. Bakit umalis ka? Hindi mo ba nakita yung laman ng kahon?"
Natatawang hinigpitan niya ang yakap.
"I'm sorry."
"Akala ko ayaw mo sa baby natin kaya ka uma--"
Hindi na niya ito pinatapos sa sinasabi at agad na inilapat ang labi sa labi nito.
"I love you, Samantha." Aniya tsaka siya lumuhod at hinalikan ang ilalim ng
pusod nito. "And I love our baby. Thank you, love."

Page 291 / 304


StoryDownloader

Natatawang pinunasan ni Samantha ang luha.


"Should've said it the simple way. Napagod ka pa tuloy sa byahe."
"Nah. It's okay. I wouldn't have it any other way." Muli niyang kinintalan ng
halik ang puson nito at tsaka..."Savannah Elizabeth Collins, my Samantha
Fontanilla, will you marry me?"
Nakangiting ipinakita ni Samantha kung saan nakasuot na ang singsing.
"Yes! Yes!Of course, I'll marry you." Sagot nito.
Humalakhak siya at tumayo.
Binuhat niya si Samantha at siniil ng halik hanggang sa kapwa sila maubusan
ng hininga, at hanggang sa lapitan sila ng security guard para awatin dahil
nakatayo pala sila sa entrance ng airport at marami na silang audience.
"Marco?"
"Hmmm..."
"Thank you for loving me all this years."
Ngumiti siya. "You're welcome. And Samantha?" Hinintay niyang tumingin ito
sa kanya bago siya nagsalita. "Thank you."
"Thank you for what?"
"For loving me despite my name."
Ngumiti si Samantha.
"You're welcome, Joseph Marco Felizardo the third."
The End
###########
Awww! Sweet

Page 292 / 304


StoryDownloader

Sana po nagustuhan nyo ang roller coaster na happily ever after nila.
Hugs everyone,
Fattie.

Page 293 / 304


StoryDownloader

Thank You!
Hi Agents!
Una sa lahat, gusto ko munang magpasalamat sa inyong lahat para sa
pagsubaybay at pagsuporta sa Dangerous Kiss. Naappreciate ko po ang bawat
votes, comments, messages at pag-add ng story nina Joseph at Samantha sa
reading list nyo.
Maraming maraming maraming salamat po.
Sa totoo lang, nung unang pumasok sa isip ko ang story na'to, hindi
ako.sigurado kung kakayanin ko. Bago kasi para sakin ang genre ng story.
Alam nyo namang mas komportable akong magsulat ng romance.
Nung una, purong action lang talaga ang balak ko, tipong si Samantha lang ang
bida at siguro slight na romance, pero habang sinisimulan ko na... naisip kong
gawing mas malalim yung kwento. Kaya ipinasok ko yung love story nila ni
Marco. Na feeling ko eh okay naman. Diba?
Naging smooth ang pagpaplano ko, hanggang sa hinihingi na nung kwento
yung mga action scenes na talagang nagpahirap sakin. Haha. Hindi lang iilang
beses akong nag-edit, nagbura, at nagrevise ng isang chapter. Seryoso, na-stress
ang bangs ko. Hahaha! Pero at the same time, eh nag-enjoy naman ako. Lalo na
nung nagsisimula ng mapansin ng mga readers yung story.
Hindi ko akalain na magiging okay naman yung feedback nyo kasi feeling ko
talaga ang lame nung mga action scenes. Lol. Pero ayun, nairaos naman at
mukhang okay pa sa okay ang kinalabasan.
Alam ko din na marami sa inyo, or at least merong ilan, na disapppointed sa
story. At hindi ko naman po kayo masisisi. Aware naman ako na hindi lahat ng
readers kaya kong i-please. Pero ang mahalaga para sakin, eh naisulat ko ang
story na 'to at nai-share ko sa inyo. So worth it ba para sakin? Hell to the big
yes!
Sobrang worth it na yung story--na hindi ako sigurado nung simula--eh natapos
ko na, with or without flying colors.
At kayo po ang isa sa nga dahilan kung bakit. Nah! Kayo po ang
pinakamalaking dahilan kung bakit natapos ko.

Page 294 / 304


StoryDownloader

Kaya naman, mula po sa akin, kay Joseph Marco at Samantha, ay


maraming-maraming-maraming salamat po sa lahat ng readers, rereaders,
followers at silent readers dyan sa tabi-tabi. I love you guys! Big hugs!
Sana po hindi kayo magsawa na suportahan ako. Kahit na medyo matagal ako
bago mag-update at kahit na marami pa kong on-going stories na hindi ko alam
kung kailan ko matatapos.
Hahaha! So, cheers sa lahat ng mga mahal kong AGENTS!
Love,
fattie.
P.S.
Gusto nyo rin ba ng Epilogue? Kasi sa totoo lang wala yun sa plano ko. Pero
syempre kapag gusto nyo eh di gagawa ako. Ganun kayo kalakas sakin ehh! ;)
P.P.S
At gusto nyo bang malaman kung nasaan si Elisa? Yes? Up na po ang
prologue. Hanapin nyo na lang sa wall ko ang "DANGEROUS PAST"

Page 295 / 304


StoryDownloader

Book 2
DANGEROUS LOVE SERIES: BOOK 2
presents
"DANGEROUS PAST"

She's a hacker. He's a soldier.


She's running away from her past. He's fighting a battle from his past.
But what if their past collides?
Join their journey as they tried to revisit an unforgettable love of a 'Dangerous
Past'

Page 296 / 304


StoryDownloader

Epilogue
Hinigpitan ni Joseph ang kapit sa hawak na baril at idinikit pang lalo ang likod
sa pader. Binilang niya ang bawat hininga habang nakatuon ang atensyon sa
loob ng silid na papasukin, pinakikinggan ang buong paligid.
Nakarinig siya ng kaluskos mula sa loob.
Lumunok siya.
Sa gilid ng mata ay nakita niya ang isang anino na kumilos sa loob. Na
sinundan ng yabag. Papalapit ng papalapit sa pinagtataguan niya.
Hinigit niya ang hininga. Naghihintay ng tamang tiyempo para sumugod. He
can't jeopardize this mission. Nakasalalay dito ang buhay ng-"Itaas ang kamay."
Natigilan siya ng makita ang baril na nakatutok sa kanya. Awtomatikong
binitawan niya ang baril at itinaas ang kamay.
Lunok. Pasimpleng sinulyapan ni Joseph ang loob ng silid at napangiwi nang
makita ang apat na taong gulang na anak na si Sahara. Nakaupo ito sa sulok,
nakatali ang kamay at may busal sa bibig.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa kalaban. Seryoso ang mukha nito bagama't
halatang nagpipigil ng tawa. Sinulyapan niya ang hawak nitong baril. Madali
lang siguro niyang maaagaw ang baril kung-Bang!
Bago pa man niya matapos ang iniisip ay nakalabit na nito ang baril diretso sa
kanyang dibdib. Nasapo ni Joseph ang ngayon ay duguang dibdib, bumigay ang
tuhod niya at dahan-dahan siyang lumuhod. Nagawa pa niyang tingnan ang
anak bago siya walang-buhay na bumulagta sa sahig.
Namayani ang katahimikan.
Na sinundan ng matinis at maliit na tili.
"Daaaad-dy!"

Page 297 / 304


StoryDownloader

Narinig niya ang maliliit na yabag na papunta sa kanyang direksyon bago niya
naramdaman ang anak sa kanyang tabi.
"Daddy! Are you okay?" Gumagaralgal na ang mumunting boses. Pinigilan ni
Joseph ang mapangiti nang maramdaman ang maliliit na palad na tumatapik sa
kanyang pisngi. "You killed our Dad! Isusumbong kita kay Mommy!" Sabi pa
nito at pumalahaw na ng iyak, na sinundan ng isa pang iyak.
Agad na nagmulat ng mata si Joseph.
Natawa siya nang makita ang dalawang anak na nagpapaligsahan na sa
pag-iyak. Ang panganay niyang si Samuel?limang taong gulang?ay nakatayo
habang umiiyak at sa kamay ay hawak ang laruang baril nito. Habang ang
bunso niyang si Sahara ay nakahawak sa kamay niya at umiiyak.
Natatawang naupo siya at kinalong ang kanyang bunso. Hinawakan naman niya
ang kamay ng kanyang panganay at inalalayan itong maupo sa kabila niyang
hita.
"Hey, buddies! Stop crying. Okay lang si Daddy."
Humihikbi pang pinunasan ni Sahara ang luha at tumingin sa kanya.
"I don't wanna play anymore! Sammy's keeps killing you, Daddy."
Yumakap naman sa kanya si Samuel.
"But you're not supposed to die, Daddy. You're the hero and I'm the villain."
Anito.
Humagalpak siya ng tawa at hinalikan sa buhok ang dalawang anak na patuloy
pa rin sa paghikbi.
"I'm sorry. I won't die anymore."
"Laro ulit tayo?" Tanong ni Samuel, pinunasan ang luha at nagniningning ang
matang tumingin sa kanya. "Pwede ako naman ang hero?"
"No!" Reklamo ni Sahara. "Then, Daddy's gonna die again. I don't want to play
anymore." Anito at muli na namang umiyak.

Page 298 / 304


StoryDownloader

Uh-oh!
"Shh, Princess! Baka marinig tayo ng Mommy mo! Magagalit 'yon kapag
nalamang naglalaro tayo ng baril-barilan." Aniya at hinagod ang likod ng anak,
sinusubukang pakalmahin ang papalakas ng papalakas na iyak nito.
"Too late!" Narinig ni Joseph ang pamilyar na boses at awtomatikong nagwala
ang puso niya.
Lumipad ang kanyang tingin sa pintuan ng nursery room at halos mag rigodon
ang puso niya nang makitang nakatayo si Samantha doon. Nakahalukipkip ang
kamay nito sa tapat ng dibdib, habang tumatapik ang isang paa sa sahig.
Agad na gumuhit ang ngiti sa labi niya nang masilayan ang asawa.
"Samantha!" Bulong niya. Gusto niyang magtatakbo papunta sa asawa at
yakapin ito pero bago pa man niya magawa ay naunahan na siya ng kanyang
dalawang bulinggit.
"Mommy!" Parang lumilipad na agad na nagtatakbo ang bunso niyang si
Sahara at agad na itinapon ang sarili kay Samantha. Kasunod naman nito si
Samuel na agad na ibinato ang laruang baril kung saan bago nagtatatakbong
yumakap din sa ina.
Tumayo siya.
"Mommy, binaril ni Sammy si Daddy!" Sumbong ni Sahara at ipinulupot ang
braso sa leeg ni Samantha.
"I did not!" Tanggi ni Samuel at ibinaon ang mukha sa tiyan ni Samantha.
Natatawang nilapitan niya ang tatlo at binuhat si Samuel para mahalikan nito sa
pisngi si Samantha. Sunod ay siya naman ang naglapat ng halik sa labi ng
asawa.
Matalim pa rin ang tingin ni Samantha sa kanya.
"Hindi ba ang sabi ko bawal na maglaro ng baril-barilan." Anito na sa
dalawang anak nakatingin pero alam niyang siya ang kausap.

Page 299 / 304


StoryDownloader

Kinagat niya

ang labi at pa-inosenteng tiningnan ang asawa.

"Hindi ako!" Itinaas niya ang dalawang kamay. "Silang dalawa ang nag-aya
sakin maglaro." Aniya.
Sabay na tumingin sa kanya ang dalawang anak at napaatras si Joseph nang
makita ang inosente pero matalim na tingin ng dalawa na sinamahan pa ng
paghaba ng nguso.
"No!" Sabay na sabi ng mga ito.
"Si Daddy ang nagsabi na pwede kaming maglaro ng baril-barilan." Dugtong
pa ni Samuel.
Pinaglapat ni Joseph ang labi at guilty na nagbaba ng tingin bagamat hindi pa
rin niya mapigilan ang mapangiti. Saglit siyang nag-angat ng mukha para
palihim na tingnan ang asawa at nang makitang masama ang tingin nito sa
kanya ay muli niyang ibinaba ang tingin.
"Loves," nakangiting kinintalan ng halik ni Samantha sa buhok at labi ng
dalawang anak tsaka muling nagsalita. "Nasa ibaba si Tita Ysabelle, bakit hindi
nyo muna bigyan ng kiss si Tita?"
Narinig niyang sabi ni Samantha na sinundan pa ng,
"I just need to talk to Daddy."
Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Uh-oh! Lagot! Mukhang seryoso ang
asawa niya. Sa loob ng limang taong pagsasama nila ay bibihira lang niya
narinig ang ganitong klase ng timbre ng boses nito.
Nung una ay nang sabihin nitong babalik na ito sa misyon at ang sunod ay nang
makarinig sila ng balita tungkol kay Elisa.
Excited na nagtatakbo ang dalawang anak nila palabas ng silid at naiwan silang
dalawa. Isinara niya ang pinto at agad na hinapit ang bewang ng asawa palapit
sa kanya at dinampian ng halik sa labi.
"Kamusta ang lakad nyo ni Ysabelle? Anong sabi ng Dean ng school sa ginawa
niyang panununtok ng kaklase?" Tanong niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin
makapaniwala na lumalabas ang pagiging rebelde ng kapatid na si Ysabelle. Sa

Page 300 / 304


StoryDownloader

edad na bente-uno ay palagi itong napapasok sa gulo.


Hindi sumagot si Samantha,mataman pa din itong nakatingin sa kanya at
napailing siya.
"I'm sorry, Love. Hindi na mauulit, promise. Wala lang kasi kaming magawa.
Naubos na namin ang lahat ng Disney movies, napanood ang lahat ng series ng
Transformer at bored na ang dalawang bata." Litanya niya.
Ikaw ba namang tumambay sa bahay ng mahigit-kumulang na dalawang buwan
bilang house husband? Malamang maubusan talaga sila ng gagawin ng mga
anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Joseph na nandito
lang siya sa bahay nila at inaalagaan ang mga anak. Not that he was
complaining, no! Nag-eenjoy siya sa ginagawa and he wouldn't have it any
other way. Masaya siya na kasama sa bawat araw ang dalawang buliit na lalong
nagpapasaya sa buhay niya, pero minsan ay hindi niya maiwasang hanapin ang
buhay bilang isang agent.
Suspendido kasi siya ngayon sa Central Intellegence Unit, matapos na lumabag
sa isa sa mga SOP ng misyon nila. Pero pinagsisisihan ba niya ang ginawa.
Syempre hindi. Kung hindi niya ginawa ang ginawa ay may isang inosenteng
buhay na madadamay.
Hinawakan ni Samantha ang pisngi niya at kinintalan siya ng halik sa labi.
"Naiinip ka na ba dito sa bahay?" Tanong nito.
Umiling siya at ngumiti. "Minsan pero mas lamang ang saya. Natutunan ng
isulat ni Sahara ang letter Q niya, malapit na kaming makarating sa Z. Si
Samuel naman, marunong na sa subtraction. See! Magaling akong tutor."
Tumawa si Samantha at oarang musika yon sa pandinig at sa puso niya. Damn!
Five years na silang kasal pero kaya pa rin nitong pahinain ang tuhod niya.
Niyakap niya ang asawa at dinampian ng halik sa labi.
"So? Kamusta ang lakad nyo?" Tanong niya habang humahakbang paatras
hanggang sa mapaupo siya sa kama at kalong niya ang asawa.
Nakangiting ikinuwento ni Samantha ang nangyaring pakikipag-usap sa Dean
ng University ni Ysabelle. Natatawa na lang siya sa proud na mukha ng asawa

Page 301 / 304


StoryDownloader

ng sabihin nito kung gaano kalaki ang black eye ng Amerikanong sinuntok ng
kapatid. Si Samantha lang ang proud na proud sa kapatid sa mga ginagawa
nitong kalokohan.
Nang matapos itong magkwento ay agad niya itong inihiga sa kama at pilyo
ang ngiting pinagsayaw ang kilay.
"And now? Pwede na ba nating pag-usapan kung gaano kita namiss?"
Umiling si Samantha.
"Pero may sasabihin pa ko." Anito.
Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at kinagat ang parte na alam niyang
kahinaan ng asawa.
"M-Marco, wait... may sasabihin pa k-ko, ooooh!" Halinghing nito ng dilaan
niya ang pulso sa leeg nito.
"Then talk. Marunong akong magmulti-tasking. I'm a house husband.
Managing household chores and two adorable kids is nothing. Pleasuring my
wife while she's talking--"
Hinampas siya nito sa balikat at napangiwi siya. Damn amasona!
"I'm serious." Seryosong sabi ni Samantha. Bumuntong-hininga siya at nahiga
sa tabi ng asawa.
"Okay, fine, spill it." Aniya.
Dumapa paharap sa kanya si Samantha.
"Tumawag sakin ang head office and..." simula nito habang pinapaikutan ng
daliri ang tattoo niya sa kaliwang tadyang. Tattoo ng pangalan ng asawa at ng
dalawa nilang anak.
"And..." aniya habang pinipigilan na humalinghing sa sarap ng ginagawa ni
Samantha sa tadyang niya.
"And, tinatapos na nila ang suspensyon mo. Kailangan ka daw sa isang
misyon." Anito.

Page 302 / 304


StoryDownloader

Nabuhay ang dugo niya sa narinig, pero nang makita ang mukha ng asawa ay
natigilan siya. Mukhang hindi pa ito tapos sa sinasabi.
"What's wrong love?" Hinapit niya ito at niyakap.
"Dapat magkasama tayo sa misyon na 'yon. Alam mo naman kung gaano ko
kagusto na maging partner tayo diba?"
Ngumiti siya.
"Then pwede naman na..."
"No! Kasi nag file ako ng leave."
Nabigla siya.
"Bakit naman?" Agad din niyang nakuha ang sagot. "Dahil sa mga bata ba?
Kung mag-aalaga lang naman, nandyan naman--"
Umiling si Samantha. "May iba lang dahilan."
Napaisip tuloy siya. Tumigil lang sa misyon si Samantha nung nawala si Elisa,
sunod ay nang ipagbuntis nito si Samuel, na nasundan agad nang ipagbuntis
naman nito ang bunso nilang si Sahara at-Napalunok siya. Tama ba siya ng iniisip?
Tiningnan niya ang asawa at nang
makita ang nakangiti nitong mukha ay para bang lumundag ang puso niya sa
sobrang saya.
"Don't tell me..."
"Yes! I'm two months pregnant." Nakangiting anunsyo nito.
Walang mapaglagyan ang saya na agad niyang pinaulanan ng halik ang asawa.
Two months pregnant?
"Ibig sabihin nabuo nung..."
Tumawa si Samantha, tawa na halos tumagos sa buo niyang pagkatao, tawa na
hanggang ngayon ay hindi siya nagsasawang marinig at kahit kailan ay hindi

Page 303 / 304


StoryDownloader

niya pagsasawaang marinig.


"Yep. That one. Made because of your dangerous kiss." Sagot nito at
nakangiting ginawaran siya ng halik na mauuwi pa sana sa iba pang bagay
kung hindi lang bumukas ang pinto at sinugod sila ng dalawang bulilit na
nabuo rin dahil sa delikadong halik.
The End
Sana po nagustuhan nyo ang epilogue.
From the bottom of my heart, nagpapasalamat po kami nina Joseph Marco at
Samantha.
Hugs everyone,
Agent fattie.

Page 304 / 304

You might also like