Esp6 Q1M3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Pasya Mo, Pasya Ko:
Sa Ikabubuti ng Buong Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 3: Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Buong Pamilya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ronnie D. Endico, T-II
Editor: Ma. Sairah N. Hong, EPS-I
Tagasuri: Regina O. Baron, P-I
Ma. Bella A. Victorio, P-I
Mary Grace G. Hilarion, P-I
Tagalapat: Febie Lee B. Pelitro, T-II
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. - SDS
Levi B. Butihen- ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza- CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente- Division OIC-LRMDS In-Charge
Jesus V. de Gracia- Division ADM Coordinator
Sairah N. Hong – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, Koronadal City, South Cotabato
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Pasya Mo, Pasya Ko:
Sa Ikabubuti ng Buong Pamilya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng
Buong Pamilya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng leksyon o aralin na
nauukol sa pagdedesisyon sa sarili na
sinusuri nang mabuti bago bumuo ng
tiyak na desisyon. Ito rin ay naglalaman
ng mga gawain at gabay para sa mag-aaral
na angkop sa kanilang kasanayan bilang
mag-aaral sa ikaanim na baitang.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Self-Learning Module


(SLM)l ukol sa Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Buong Pamilya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
Subukin na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito
ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula
sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang maisakatuparan at maisabuhay ang


Yunit I-Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya ng Edukasyon sa
Pagpapakato 6. Ito ay may pamagat na Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Buong
Pamilya na binubuo ng mga konseptong Pagkamahinahon (Calmness) at
Pagkabukas-isipan (Open-mindedness).
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Maisagawa ang mga hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng bawat miyembro
ng pamilya.

Subukin

Panuto: Isulat sa patlang ang Opo kung ang sitwasyon ay iyong ginagawa at
Hindi po naman kung hindi.

_______ 1. Sinasabi ko kung ano ang nasa aking isipan kahit alam kong may
masasaktan na iba.
______ 2. Nakapagbibigay lamang ako ng pasiya kung alam kong ang magiging
resulta nito ay para sa ikabubuti ng nakararami.
______ 3. Nagtatampo ako kapag hindi nakikiayon ang iba sa aking pasiya.
______ 4. Kahit na sinasalungat ng iba ang aking pasiya, inuunawa ko ang
mga ito.
______ 5. Ayaw kong masisi ako ng iba kaya hindi ako nagpapasiya.
______ 6. Naninindigan ako kung ano ang totoo at makabubuti sa lahat bago
ako magpasiya.
______ 7. Pabigla-bigla ako sa pagpapasiya dahil gusto kong may sagot agad
ako sa suliranin.
______ 8. Nagtitimpi ako kung mahinahon akong kinakausap ng iba.
______ 9. Iniisip ko muna ang mga maaaring kalalabasan ng aking pasiya bago
ako gumawa nito.
______10. Sumasakit ang ulo ko kapag nag-iisip kaya umiiling na lang ako
kapag tinatanong.

1
Aralin
Pasya Mo, Pasya Ko: Sa
3 Ikabubuti ng Buong Pamilya
Kumusta ka na?
Sa nakaraang mga aralin iyong naipakita at naisapuso ang iba’t
ibang konsepto sa pagbuo ng isang natatanging desisyon.
Ngayong Linggo, matututunan mo naman ang isang
panibagong aralin.
Tara, simulan na natin!

Basahin at unawain ang isang sitwasyon sa ibaba kung paano


nakaapekto ang social media sa pagkakaibigan nina Phoebe at Lina.
Simulan mo na!

Best Friends
Si Phoebe at Lina ay matalik na magkaibigan.
Ang pagkakaibigan nila ay nagsimula noong sila ay nasa elementarya hanggang
ngayong nasa kolehiyo na sila. Isang araw, nabasa ni Phoebe ang post ni Lina sa
social media na patungkol sa paninira nito sa kanya. Sumama ang loob nito sa
kanyang kaibigan.

Kung ikaw si Phoebe, ano ang iyong mararamdaman?

Sagot: ____________________________________

Balikan

Muling balikan sa isipan ang mga pangyayari sa kuwento ng


buhay ni Gustin.
Ano ang naging desisyon ni Gustin?
Sa palagay mo para kanino ang naging desisyon ni Gustin?
Mahalaga ba na may magandang ugali tayo upang
makapagdesisyon ng tama?
Halika! Balikan natin at suriin ang mga
sumusunod na sitwasyon.

2
Panuto: Basahin at suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagpapahayag ng tamang desisyon at MALI naman kung ito ay
nagpapahiwatig ng maling desisyon.

______1. Pangarap ni Nico na maging tanyag na abogado. Sa hirap ng kanilang


pamumuhay siya ay nagsusumikap sa pag-aaral upang maging iskolar
sa unibersidad ng bayan.
______2. Laging nagbubulakbol si Samatha. Pinagwawalang-bahala niya ang pag-
aaral dahil mayaman ang kanilang pamilya.
______3. Iniipon ni Carlito ang kanyang baon dahil nais niyang sorpresahin ang
kapatid sa kanyang kaarawan.
______4. Ipinaayos ng pamilya Cruz ang kanilang bahay. Bago ito nangyari,
pinagkasunduan ng bawat kasapi ang nasabing desisyon.
______5. Lahat ng kasapi ng pamilya Reyes ay napag-usapan na ipamigay ang
mga anak ng kanilang aso dahil hindi na matustusan ang pagpapakain
sa mga ito ngunit hindi pumayag ang kanilang bunso na si Marta.

Tuklasin
Halika, basahin at unawain natin ang kuwento na
may pamagat na “Isang Mahirap na Desisyon” ni
Constancia Paloma.

Isang Mahirap na Desisyon


Constancia Paloma

Sa Makati naninirahan ang pamilya nina Nelia. Doon na ipinanganak ang kanilang
mga magulang. Ang bahay na kanilang tinitirhan na lamang ang natitirang maliit na
bahay doon dahil napaligiran na ito ng matataas na gusali at malalaking kumpanya.
Masaya silang naninirahan doon dahil malapit sila sa bilihan ng kanilang mga
pangangailangan at malapit din sa kaniyang paaralan. Pati ang kapatid niya na si
Leah, na pangalawa sa panganay ay sa Makati rin nagtatrabaho. Ang tanging malayo
lang ang trabaho ay ang tatay nila na nagtatrabaho sa Dasmariñas, Cavite.
Isang gabi, nakita nilang magkakapatid na seryosong nag-uusap ang kanilang ama
at ina. Mayroon din silang hawak na mga sulat. Naging suliranin para sa mga
magkakapatid ang nakita nilang iyon, lalo na nang naulit pa ito ng ilang beses.
“Wala na kayang trabaho si tatay?” ang tanong ni Nelia sa sarili. Pero sa tingin niya,
hindi naman masyadong seryoso ang sitwasyon. “Ano nga kaya ang problema ng
ating pamilya?” tanong naman ng kanilang panganay na si Tom. “Malalaman din
natin ‘yun kapag handa na silang ipaalam sa atin ang problema, dahil kung mayroon
mang dapat bigyan ng pasya dapat kasama tayong magbibigay ng ating sari-sariling
pasiya hanggang tayo ay makabuo ng pasya”, ang sabi naman ni Leah.

3
Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang araw ng
Linggo, pagkatapos ng hapunan, pinulong ng mga magulang nila ang tatlong
magkakapatid at ipinaalam ang sitwasyong dapat bigyan agad ng pagpapasiya.
“Mga anak, “ang bungad ng kanilang ama. Kailangan nating pagpasyahan kung
papayag tayo na bilhin ng katabi nating mall ang ating bahay at lupa. Mukha na
tayong kawawa dito.”

Isa pa, mga anak, kahit sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong squatter
dito. Kaya, nang sinabi ng inyong ina na papayag na siya na ipagbili ang ating bahay
at lupa, pumayag na ako. “Ang inyong pasiya na lamang ang aming hihintayin,” ang
paliwanag ng kanilang ama.
“Oo nga, Tatay. Mukha na nga tayong kawawa dito, pero patagalin pa natin para
tumaas pa ang halaga ng ating bahay at lupa”, ang paliwanag
ni Tom.

“Ikaw Leah, anong pasiya mo? “Ang tanong ng kaniyang ina. “Okey lang po sa akin
kasi kailangan na. hindi na talaga tayo bagay dito.”

“A, ewan sa inyo! “ang sigaw ni Tom. “Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip ko kaya
gusto kung pataasin pa ang halaga ng ari-arian natin!” sabay alis ni Tom at
nagkulong sa kuwarto.

“Ikaw, anak?”, ang tanong ng nanay niya kay Nelia. “Kahit po malalayo ako sa mga
kamag-aral ko at kaibigan, payag po ako na iwanan na natin ang bahay na ito kasi
kailangan na,” ang sabi ni Nelia. “Aba, kahit bunso, bukas ang isipan, a!” ang
nakangiting sabi ng kanilang nanay. “Hayaan ninyo, susundan ko sa kuwarto ang
kuya ninyo. Paliliwanagan ko,” ang dugtong ng kanilang nanay.

Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa salas at sinabi ni
Tom na dahil siya lang ang may ibang pasya, at napagpaliwanagan naman siya ng
kaniyang ina na ang tawad na tatlong milyong piso para sa maliit na bahay at lupa
ay malaki na ring maituturing.

Napagkasunduan rin ng mag-anak na sa Dasmariñas na sila bumili ng bahay at


lupa at doon na rin sila lahat magtatrabaho at mag-aaral.
Dahil sa pagkabukas-isipan at mahinahong usapan, nagkaisa ang
buong pamilya.

4
Suriin

Gaano mo kaya naunawaan at naisapuso ang kuwentong nabasa?


Halika, sagutin natin ang mga sumusunod na katanungan!

1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. May katuwiran ba si Tom na huwag pumayag sa pasiya ng buong pamilya na


ipagbili ang kanilang bahay at lupa?
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang batayan sa wastong pagpapasiya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya? Ano ang mabuting


naidudulot nito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng pamilya, ano ang magiging pasiya mo?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pagyamanin

Batay sa kwentong nabasa at nasuri, ayusin ang mga


hakbang na dapat sundin sa paggawa ng isang
pasya. Isulat ang bilang 1-5 sa patlang base sa
tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

______Gumawa ng pasiya
______ Alamin ang suliranin
______ Pag-aralan ang kinalabasan ng ginawang pagpapasiya.
______ Isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat solusyon
______ Kumuha ng impormasyon at pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon
5
Isaisip

Ang pagpapasiya ay maituturing bilang isang prosesong pangkaisipan na


nagreresulta sa pagpili ng pinakamabuting kalalabasan. Ang pasiya ay pinagtibay
sa isip at kalooban na dapat gawain. Malaki ang maitutulong ng pagkamahinahon
kapag pinag-usapan at pinag-isipan ang magiging pasiya.
Ang ugaling pagkamahinahon ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang taong
nagpapakita ng ganitong pag-uugali sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya,
maayos, at maunlad ang buhay. Iniiwasan niyang gumawa ng mali at nakangiti pa
rin habang siya ay kinakantiyawan o tinutukso. Palagi siyang nag-iisip ng maganda
sa kapwa.

Isagawa

Gawain

Sagutin.
1. Nagkataong wala ang inyong mga magulang, kayong magkakapatid ang naiwan
sa bahay nang dumating ang inyong Tiyo Lolito at gusto niyang hiramin ang
sasakyan ninyo na nakaparada sa inyong garahe. Ano ang gagawin mo bilang
isang anak? Bakit?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Napagpasyahan ng iyong ina na huminto ka muna sa iyong pag-aaral dahil


nahihirapan siya na sabay-sabay kayong magkakapatid na nag-aaral at hindi
niya ito kayang tustusan. Sa kabilang banda, ang iyong ama at kapatid ay ayaw
na huminto ka sa pag-aaral dahil gagawan nila ito ng paraan. Bilang isang
anak, ano ang magiging pasiya mo? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
Tayahin

Panuto: Kulayan ang masayang mukha kung ikaw ay sumasang-ayon sa


ipinapahiwatig ng pangungusap at malungkot na mukha kung hindi.

1. Naging bukas ang isipan ni Maria sa mga mungkahi ng


kanyang mga kapatid na pagtulungan nila ang
pagpapagamot ng kanilang inang maysakit.
2. Napagpasiyahan ng pamilya Dela Cruz na magtipid
ngunit nagpilit na magpabili ng bagong sapatos si Ariel
kahit alam niyang maaapektuhan ang badyet ng pamilya.
3. Naging kasanayan na ng pamilya ni Clara na konsultahin
lagi ang mga miyembro ng kanilang pamilya sa mga
desisyon o pasyang gagawin na naaayon o nakakaapekto
sa kanila.
4. Sa pagpupulong ng pamilya ni Mang Isko nilalaanan nila
ng panahon o oras na makapagpahayag ng saloobin ang
bawat miyembro bago magpasya sa isang isyu.
5. Si Jocelyn ay nakikinig nang mabuti sa opinyon ng
kanyang mga kapatid habang sila ay nagpupulong
tungkol sa problemang kanilang kinakaharap.
6. Iniisip nang mabuti ni Carl ang kanyang mga sasabihin
sa kanilang pagpupulong kung ibebenta ba nila ang lupa
ng kanilang pamilya sa probinsiya.
7. Ibinenta ng kuya ni Helen ang alagang manok ng tatay
nila kahit na napagkasunduan na ng pamilya na hindi ito
ibebenta.
8. Nagalit si Allan sa kanyang mga kapatid dahil hindi siya
kinunsulta nang ibinenta ang bahay na kanilang minana
sa kanilang magulang.
9. Sinusuri nang mabuti ng pamilya Santos ang mga
magiging resulta o bunga ng kanilang desisyon sa bawat
suliraning kinakaharap nila.
10. Nais ng nanay ni Alex na bumili ng bagong kabinet ngunit
napagkasunduan ng buong pamilya na unahin muna ang
matrikula ng bunsong kapatid ni Alex.

7
Karagdagang Gawain

Balikan ang mga pagkakataon kung saan ang inyong pamilya ay gumawa ng
pasiya/desisyon sa isang sitwasyon/suliranin. Gumawa ng isang Journal at gawing
gabay ang mga sumusunod na mga katanungan:

 Anong sitwasyon/suliranin ito?

 Ano ang naging pasiya ng pamilya niyo?

 Ano ang naging bunga nito?

8
9
Subukin Suriin Pagyamanin
1. Hindi po Mga posibleng sagot: 4 Gumawa ng
pasiya
2. Opo 1. Ang naging 1 Alamin ang
3. Hindi po problema ng suliranin
4. Opo pamilya Gomez ay 5 Pag-aralan ang
5. Hindi po nang hindi kinalabasan ng
6. Opo ginawang
pumayag si Tom na
7. Hindi po pagpapasiya.
ipagbili kaagad ang 3 Isaalang-alang
8. Opo kanilang bahay. ang maaaring
9. Opo 2. Oo, dahil gustong ibunga ng bawat
10.Hindi po niyang pataasin pa solusyon
ang halaga ng ari- 2 Kumuha ng
arian nila. impormasyon at
pag-aaral ang
Balikan 3. Kailangan sa
lahat ng posibleng
wastong solusyon
1. Tama pagpapasiya una,
2. Mali kayo ay mag usap
3. Tama ng masinsinan at
4. Tama ipaliwanag ng
5. Mali mahinahon sa isa’t
isa ang mabuting at
hindi mabuting
kalalabasan ng
iyong pinag-
uusapan.
4. Mahalaga ang
pagiging mahinahon
sa pagpapasiya
upang magkaroon
ng magandang
resulta at
magdudulot ito ng
tamang pagpapasiya
Susi sa Pagwawasto
10
Isagawa Tayahin
Posibleng sagot: 1.
2.
1. Sasabihin ko sa aking Tiyo Lolito na
3.
hintayin nalang niya muna ang aking
4.
mga magulang dahil hindi ako
5.
makagpasiya sa bagay na ito, dahil
6.
kung papayag ako baka ako ang
7.
mapagalitan.
8.
2. Ang aking magiging pasya ay kung 9.
magagawan ng paraan ng aking ama at
10.
kapatid ipagpapatuloy ko ang pag-aaral
at ako mismo ay magtitiis upang
makapagtapos.
Sanggunian

Peralta, G. A., Ylarde, Z. R. (2016) Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6,


pahina 20-22. Vibal Group, Inc.

11
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like