Second Chance

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ni Ferl Diane S.

Siño

Advertisements

REPORT THIS AD

I. KWENTO O BANGHAY

Ang pelikulang A Second Chance ay isang pelikulang Pilipino na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz
(Popoy) at Bea Alonzo (Basha) sa direksiyon ng isang batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina. Ang
pelikulang ito ay sequel sa pelikula ni Molina noong 2007 na One More Chance. Ito ay ipinalabas noong
Nobyembre 25, 2015 at pumatok ito sa takilya kaya sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas nito sa
mga sinehan ay kumita ito ng ₱43 milyon at umabot ng mahigit ₱556 milyon ang kinita nito sa iba’t
ibang panig ng mundo.

Ang pelikulang ito ay tungkol sa unang pitong taon ng pagsasama bilang mag-asawa nina Popoy at
Basha. Ang kwento ay nagsimula sa pagbibigay daan ni Popoy sa kanilang pagmamahalan ni Basha –ang
kanilang pagpapakasal. Mas pinili at inuna ni Popoy ang pagpapakasal kay Basha kaysa ipagpatuloy ang
pagtupad ng kanyang pangarap sa Europa. Binuo nila ang kanilang mga pangarap bilang mag-asawa na
makapagtayo ng negosyo na aakma sa kanilang propesyon bilang inhinyero at arkitek.

Walang perpektong relasyon at ang lahat ay dumaranas ng mga problema o hamon sa buhay. Sa
kanilang ika-pitong taon ng pagsasama ay mayroong matinding pagsubok ang dumating sa kanila
nakaapekto ng lubos sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Sobrang dinamdam ni Basha nang siya ay
makunan at pinilit ni Popoy na itago ang nararamdamang lungkot at pagkadismaya dahil sa nangyari.
Pagkatapos naman noon ay gumuho ang parte ng gusali na ipinapatayo ni Popoy at dahil doon,
kinailangan niyang gastusan ang nasira upang hindi mawala sa kanila ang proyekto. At sa mga “bidding”
naman ay hindi sila pinalad at higit sa lahat, nabaon ang kompanya nila sa utang.

Nagpatuloy na magsumbatan ang mag-asawa dahil sa nangyari sa kanila ngunit tinutulungan naman sila
ng kanilang mga kaibigan upang magka-ayos. Sa paglipas ng mga araw, nagbago ang bawat galaw ng
dalawa. Nilihim ni Popoy sa asawa ang tunay na estado ng kanilang kompanya. Ngunit nagpumilit si
Basha na magtrabaho dahil pakiramdam niya ay may mali na sa mga nangyayari at doon niya natuklasan
ang tunay na kalagayan ng kanilang negosyo at unti-unti siyang nawalan ng tiwala kay Popoy. Inayos ni
Basha ang mga dapat ayusin sa kompanya. Hindi pumayag si Basha sa gusto ni Popoy tungkol sa
Calamity Proof Structure na nais nitong ipatayo kaya ipinahinto niya ito. Lumayo sila sa piling ng isa’t isa.
Plinano ni Popoy na pumunta ng Europa upang tuparin ang kanyang pangarap. Sa huli ay nagkabalikan
sila at nangakong mas pagtitibayin pa ang kanilang relasyon.

Masasabing naging kawili-wili ang banghay ng pelikulang ito dahil bukod sa pagiging payak ay nag-iwan
ito ng kapani-paniwalang mga pangyayari at kakintalan sa mga manonood. Mapapansin din ang natural
na daloy ng mga pangyayari at ipinakikita kung ano talaga ang realidad ng buhay lalo na sa relasyon ng
mag-asawa. Bagaman madaling nahulaan ang wakas ng pelikulang ito ay naging kasabik-sabik pa din ang
bawat eksena at tagpo sa pelikula.

II. TEMA

Maganda at mahusay ang tema ng pelikulang ito na talaga namang makikita ng mga manonood na
pinag-isipang mabuti. Ang tema ay angkop para sa lahat kung saan ipinararating nito na ang lahat ng tao
ay nagkakamali ngunit hindi iyon sapat na rason o dahilan upang layuan at iwanan natin sila, bagkus ito
dapat ay maging dahilan upang matulungan natin sila dahil lahat ng tao ay may karapatang mabigyan ng
pangalawang pagkakataon para maitama at maiayos ang kanilang nagawang pagkakamali.

III. KARAKTER AT PAGGANAP

Ang pelikulang A Second Chance ay pinagbibidahan ng kapita-pitagan at mahusay na aktor at aktres na si


John Lloyd Cruz na gumanap bilang Popoy at si Bea Alonzo na gumanap bilang Basha. Hindi
matatawaran ang husay ng pagganap nina Bea at John Lloyd bilang mag-asawa at napakaganda ng
kemistri ng dalawang ito kapag sila ang nagsasama sa pelikula. Ang pag-arte o pagganap ni Bea bilang
Basha ay talagang napakagaling at nagampanan niya ng maayos ang papel bilang asawa ni Popoy. Ang
kanyang pag-arte ay puno ng emosyon at makikita na talagang isinapuso niya ang karakter. Ang pag-arte
o pagganap naman ni John Lloyd bilang Popoy ay hindi rin matatawaran dahil napakagaling din niyang
naipakita sa mga manonood ang karakter na si Popoy at talagang madarama ng mga manonood ang
emosyong inilalabas nito. Ang mga linya na kanilang binitawan sa pelikula ay tumatak sa maraming
manonood.

Nabigyan naman ng dalawang artistang ito ng hustisya ang mga karakter na kanilang ginampanan at
naiatang sa kanila. Hindi nila binigo ang mga manonood sa kanilang pag-arte at nahigitan pa nila ang
ekspektasyon sa kanila ng mga tao. Kapansin-pansin din ang dedikasyon ng mga aktor at aktres na
gumanap dito bukod sa mga bida. Maliit man ang gampanin ng ilang artista, nakatulong pa rin ito upang
maiparating ang maayos na mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari at nasuportahan
nila ang takbo ng kwento ng pelikula.

IV. ISKRIP

Ang iskrip ay mayroong malaking gampanin na ginampanan sa pelikulang ito at naging malaki itong
tulong upang mas maipakita at maging malinaw ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga
manonood. Naging makatotohanan ang mga pag-uusap at palitan ng mga linya ng mga aktor at aktres.
At talaga namang tumatak ang mga linya ng mga aktor at aktres sa pelikula gaya na lang ng sinabi ni
Popoy (John Lloyd), “sa lahat ng siguro, isa lang ang sigurado ako, Bash. Mahal na mahal kita.” At ang
sinabi ni Basha (Bea) na, “kung gaganituhin mo lang din ako eh di sana hindi na tayo nagbalikan.” At isa
pang linya na sinabi naman ni Krizzy (Dimples Romana), “kung nahihirapan kang pagkatiwalaan siya,
pagkatiwalaan mo muna ang pagmamahal mo sa kanya.”

Sa pamamagitan ng iskrip, naging organisado ang daloy ng banghay. Mawawalang bahala ang banghay o
ang mga pangyayari kung wala ang iskrip na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula. Sa
pamamagitan din nito ay mas nadama ng mga manonood ang kwento ng pelikula.

V. SINEMATOGRAPIYA

Sa simpleng storya at takbo ng pelikula nakita na kung ikukumpara  ito sa henerasyon ngayon, higit na
yumaman ang sining ng sine ngayon. Ang mga disenyo ay simple lamang at akmang-akma sa nais
ipahiwatig ng storya. Kung kaya mas napagtuunan ng pansin ang pagsulat, pagplano, at pagpapaganda
ng storya.

Mapapansing ang kamera ay ginamit at pinagalaw nang maayos simula sa umpisa hanggang sa
magwakas ang kwento upang mas mabigyang-diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula.
Ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo at gumamit ng iba’t ibang layo ng kamera sa
kinukunan. Malimit na ginagamit ang pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa tuwing mayroong
matinding mga linyang binibitawan. Sa pamamagitan nito, mas naipakikita ang emosyong namayani sa
mga tauhan sa pelikula.

VI. MUSIKA

Ang musika at tunog ay naging malaking tulong sa pelikulang ito dahil sa pamamagitan nito ay napalitaw
ang kahulugan ng storya at napatingkad ang atmospera at damdamin upang ang bawat eksena ay tunay
na madama ng mga manonood. Nakatulong ang musika at tunog sa pagpapadama ng tunay na
kalungkutang kalakip ng pelikulang ito.

Ang kantang “I will be here” ni Juris ay akmang-akma sa pelikula dahil ang mensahe ng kantang ito ay
umaangkop para sa storya ng pelikula. Dahil sa pagdaragdag ng mga ganitong musika at tunog, mas
naantig ang damdamin ng mga manonood at mas nakita nila ang katotohanan ng bawat emosyong
nakikita sa mga tauhan ay nangyari sa totoong buhay.

VII. EDITING

Naipamalas sa pelikula ang natural na daloy ng mga pangyayari sa mga nasaksihang eksena, mapapansin
ang mahusay at maayos na pagkaka-edit dahil hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula umpisa
hanggang sa katapusan ng pelikula. Dahil dito, mas nabigyang-daan ang tunay na nilalaman nito upang
makita ng mga manonood. Ang pag-edit ay talagang nakatulong para matuklasan at tunay na
maunawaan ang paksa, banghay, at iba pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng hindi pagsama ng mga
bahaging hindi naman ganoon kahalaga, mas madaling naunawaan ang takbo ng storya at mas gumanda
ang laman ng pelikula dahil detalyado ang pagpapalabas ng bawat bahagi at walang nakasagabal sa
daloy ng pangyayari.

VIII. KABUUANG DIREKSIYON AT PRODUKSIYON

Sa umpisa pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari at


hanggang sa matapos ito ay maayos pa din ang takbo ng kwento. Dahil dito, masasabi naging
matagumpay ang direksiyon ng pelikulang ito. Kitang-kita ang kontrol ng direktor sa tagpuan, pagganap
ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o
pagdaragdag ng iskrip dito.

Sa kabilang banda, naisakatuparan din naman sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, makeup,
kasuotan, at kagamitan na nagpalitaw ng panahon, kapaligiran, at katauhang hinihingi ng realidad ng
pelikula. Halimbawa na lamang sa kasuotan, nabigyang-diin ang ganap ni Popoy bilang inhinyero sa
pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme ng tunay na inhinyero at nabigyang-diin din ang naging estado
sa buhay ni Basha noong sila ay medyo kinapos na sa salapi ay pangkaraniwang damit na lamang ang
kanyang sinuot. Sa lahat ng ito, masasabing naging matagumpay ang direktor at buong production team
sa pag-abot ng tunay nilang layunin.

IX. ARAL AT PAGPAPAHALAGA

Tunay ngang maraming aral ang mapupulot sa pelikulang ito gaya na lamang ng ang pagpapatawad ay
isang bagay na nakapagpapalaya sa iyo dahil kapag ang tao ay nagpatawad mas gumagaan ang buhay.
Isa pa ay huwag parating pairalin ang ego at pride dahil kung mayroong taong importante ay mas iiral
dapat ang pagmamahal para sa taong iyon kaysa sa ego at pride. Ipinahihiwatig din ng pelikulang ito na
kahit anong pagtatago ang gawin mo sa katotohanan, lalabas at lalabas pa din ito kaya mabuting sa una
pa lang ay sabihin na kung ano ang problema dahil walang mabuting naidudulot ang pagsisinungaling.
Ipinakita rin sa pelikula na sa kahit ano mang relasyon, huwag hayaang sirain ito ng sariling ambisyon at
pagmamahal sa pera. At panghuli ay hindi masusukat o mahuhusgahan ang isang tao base lang sa
kanyang maling nagawa dahil lahat naman ng tao ay nagkakamali at may karapatang mabigyan ng
pangalawang pagkakataon para maitama ang pagkakamaling nagawa.

X. REKOMENDASYON

Inirerekomenda lamang na mas gawing kapana-panabik ang wakas at huwag gumamit


ng “predictable” na wakas ng storya dahil kung makabubuo ng kakaibang wakas ay makatutulong ito
para mas mapaganda ang pelikula.

Sa kabuuan ay naging maganda naman ang takbo ng pelikula at maayos itong nailahad at naipakita sa
mga manonood kaya naman naging patok ito sa maraming Pilipino at maraming mga manonood ang
tiyak na nakapulot ng mga aral na nais iparating sa mga manonood ng pelikula na hindi lamang ito para
sa mga mag-asawa o sa mga nagmamahalan, kung hindi para rin sa lahat.

Aaquil is a farmer and Kapitan Badi, a chieftain in his barrio, is concerned about the
future of their barrio’s children. Kapitan Badi shares the sentiments of Aaquil that most
of the farmers in their place do not know how to read and write. No teachers, no
doctors, no medicines and no education for their barrio.The volunteer teachers from
town and the city are afraid to teach in their barrios because it is very dangerous. There
are still on-going manhunt operations of the military against the rebels in their place.
Badi is expressing regret about the small school in their barrio that was destroyed and
burned down by the military during the encounter. The military thought the small
school was used by the rebels as their hide-out.

Until one day the farmers set up a small customized school near the house of Kapitan
Badi. Aasim, a smart young boy suggested that his Manong Aaquil will be their
temporary teacher as Aaquil taught him how to read. Badi agrees to what the young
boy Aasim suggested as he brings up to everyone that Aaquil will have a lot of time to
teach the children because he has no family anyway.

Aaquil agrees to teach the young ones eventhough he knows that he is illiterate. How
has he managed to keep them from finding the truth? In order his pupils will not
suspect him. Aaquil bought a recorded tape of the alphabet or English words that could
help him and the children learn while listening to it. Aaquil and Aasim friendship
became stronger. Aaquil honestly admitted to Aasim that he doesn’t know how to read
and write and that he was only forced to teach in order to help the hopeless children.
Aasim is an intelligent boy as his teacher in the past taught him well. Aaquil asks Aasim
to help him read and write and luckily Aasim agrees. One day, Aasim mother dies and
he asks Aaquil if he could be Aasim’s father now that his parents are both dead.

Tatang Badi is sick. Tatang Badi asks Aaquil to go to the town health center and request
for medicine for him. When Aaquil is in town he found out that the health center was
moved to another town. He steals medicine to save Tatang Badi’s life. The military has
captured Aaquil for stealing medicine. The soldiers suspect him as one of the rebels and
he disappears.

Aaquil fails to return. Feeling hopeless,abandoned and confused, his pupils decide to
commit themselves to a rebel organization. These children learn to use guns like skilled
warriors. They mercilessly shoot at their enemies, whom they accuse of being the
reason for their failure to pursue their dreams. The story depicts how the cycle of anger
and vengeance continues when education is ignored and neglected.

Cast
Alfred Vargas
Marc Justine Alvarez
Miggs Cuaderno
Micko Laurente
Lou Veloso
James Blanco
Mon Confiado
Loren Burgos
Kiko Matos
Liane Valentin
Marife Necesito
 
Written and Directed By
Perry Escaño
Screenplay By
Perry Escaño
Produced By
MPJ Entertainment Productions
Release Date
September 2017
Studio
MPJ Entertainment Productions and Alternative Vision Cinema
 
Facebook.com/AngGuroKongDiMarunongMagbasa/
 
About
As an extremist group trains children to fight the government, an illiterate farmer pretends to read while
he attempts to play the role of a teacher to maintain the kids’ faith in education.

You might also like