Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

RADIO-BASED INSTRUCTION (RBI/ PLUG & PLAY)

Grade Level and Learning Area: Grade 6- ESP


Quarter 1 Week 4

Paksa: Pasya mo, Pasya ko: Ikabubuti ng Ating Silid-Aralan


Tagal ng Oras/length: 22 minutes
Manunulat: Rodelia G. Bongolan
Layunin: Maisasagawa ang mga hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasiya ng guro at mga mag-aaral sa
loob ng silid-aralan
Aralin: Unang Markahan, Ika-apat na Linggo (Quarter 1 Week 4)

Radio Host/Teacher
Greetings Magandang Araw sa aming minamahal na mag-aaral, lalo na sa ika- anim
(max. of 30 na baitang. Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa Esp! Nagagalak kami
seconds) na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang
inyong lingkod Teacher Delia mula sa Badtasan Elementary School.
Siguraduhing nasa lugar kayo na komportable at maayos na maririnig ang
ating broadcast. Panatilihing makinig ng maayos at mabuti upang inyong
maunawaan at maintindihan ang ating aralin sa araw na ito. Isulat kung may
mga katanungan kayo at itanong ito sa inyong subject teacher o di kaya sa
inyong adviser. Handa na ba kayo?
Sa puntong ito, nais kong kunin n'yo ang inyong kopya sa ating Learning
Activity Sheet sa unang markahan, ika-apat na linggo tungkol sa " Pagiging
mapanuri, Taglay ko! ". May kopya naba ang lahat? Magaling! Simulan na
natin.
Review of Bago natin sisimulan ang ating bagong leksyon, nais ko munang ipaala-
Previous ala sa inyo ang leksiyon natin noong nakaraan tungkol sa Mahirap man ang
Lesson Gawain, Kakayanin Ko.
(max. of 1
Lagi nating tandaan na sa panahong nahaharap tayo sa pagsubok,
minute)
kailangang mag- isip ng mabuting bagay at gumamit ng mapanuring pag-iisip
sa mga pagkakataong ganito upang mabigyan ito ng tamang desisyon at
magdudulot ng tamang resulta.

Maaaring ikapahamak mo ang pagpasiya agad-agad. Pag-isipan ng ilang


beses bago isagawa ang pagpapasiya upang maiwasan ang anumang kaguluhan.
Palawakin ang iyong pag-iisip at suriin ito upang makatulong sa pagbuo ng
isang desisyon.

Introductio Ngayong araw, ang ating leksyon ay tungkol sa maisasagawa ang mga
hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon sa
n of the
pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasiya ng guro at mga mag-
New Lesson aaral sa loon ng silid-aralan.
Handa naba kayong matuto sa ating panibagong leksyon? Magaling! Ihanda
in LAS 1 ang iyong ballpen,papel at kopya ng learning activity sheets .
(max. of 30 Umpisahan natin sa unang gawain sa inyong Activity Sheet( LAS 1).
seconds)
Lesson Ito ang lagi nating isa-isip at tatandaan;
Proper Ang pagpapasiya ay maituturing bilang isang prosesong pangkaisipan na
(Concept nagreresulta sa pagpili ng pinakamabuting kalabasan. Ang pasiya ay pinagtibay
Digest) sa isip at kalooban na dapat Gawain. Malaki ang maitutulong ng mapanuring
(max. of 5 pag-iisip at pagkabukas-isipan kapag pinag-usapan ang magiging pasiya sa loob
minutes)) ng isang silid-aralan.
Sa pagpaplano o pagpapasiya, ang mungkahi ng bawat isa ay mahalaga.
Dapat isaalang-alang ang tinig niya o tinig nila upang ito’y maging isa.
Naintindihan ba mga bata? Magaling! Magaling!
Instruction Ngayon isantabi muna ninyo ang inyong notes at ihanda ang inyong
for Activity ballpen, papel na susulatan at kopya ng inyong LAS at ating sasagutan ang
1 unang gawain.
(max. of 3 Basahin natin ng sabay-sabay ang panuto.
minute) Panuto: : Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang saloobing
naipapahayag at isulat naman sa linya ang tamang hakbangin kung ang
sitwasyong nais ipahayag ay mali. Gawin ito sa iyong sanayang papel.
Simulan natin sa unang bilang, Handa naba kayo? (pause) Magaling!

___1. Ipinagyayabang ang tamang mungkahi sa loob ng silid- aralan.

Para sa pahayag na ito ,ipagyayabang mo ba ang iyong mungkahi kapag ito ay


tama? Halimba sa lahat ng mga kaklase mong nakapag bigay ng mungkahi ang
iyong mungkahi ang siyang tama. Dapat mo ba itong ipag- yabang? Tama!
Hindi, ito dapat ipag yabang, bagkus ipakitang ikaw ay masaya na nagpapakita
ng kababaang loob.

Kaya niyo na bang sagutan ang bilang pangalawa hanggang panglima? Ating
basahin at unawain ang mga sumusunod;

____2. Kusang- loob na nakikiisa sa mga Gawain sa nais isagawa ng mga


kaklase.

____3. Pamimintas sa maling desisyon ng ka grupo.

____4. Pagtulong sa paghanap ng solusyon para maisaayos ang silid-aralan.

____5. Pagrespeto sa mga naging mungkahi ng kanyang mga kaklase sa


isinagawang pagpupulong.
Tandaan kapag kayo ay tapos na, huwag kalimutan i review ng maayos ang
inyong sagot.

GOOD LUCK!
Introductio Tapos naba kayo sa unang gawain? Magaling! Ngayon dadako naman tayo sa
n of the pangalawang gawain. Handa naba kayo? (pause)
New Lesson Naway nakatutok parin kayo sa pakikinig.
in LAS 2 Isigaw ang “Ako pa! Handang handa na!” kung kayo ay handa na!
(max. of 3 Sa pangalawang gawain layunin nitong maisasagawa ang mga hakbang na
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon sa pamamagitan ng
min.)
pagsang- ayon sa pasiya ng guro at mga mag-aaral sa loob ng
silid-aralan.
Lesson Ito ang lagi nating isa-isip at tatandaan;
Proper Lahat tayo ay may kalayaan na magdesisyon o magpasya, Natatamasa
(Concept natin ang kalayaan sa pagpasiya sa pagpili kung ito ay tama o mali. Bilang mag-
Digest) aaral, kailangang makilahok sa mga Gawain sa loob ng silid -aralan. Dapat
(max. 0f 5 isaalang- alang ang pasya ng guro at mga kapwa mag-aaral bago ang
minutes)) pansariling kapakanan. Makilahok sa pag- gawa ng mga hakbag para sa iisang
desisyon na sasang-ayunan ng nakararami.

Instruction Ngayon, handa naba kayo sa ating pangalawang activity? Mahusay! Alam kong
for Activity masasagot niyo ito dahil kayo ay nakikinig sa ating talakayan kanina.
2 Tingnan ang iyong kopya sa Learning Activity Sheet ( LAS 2) at ating sagutan
(max. of 3 ang mga katanungan dito.
minute))

Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ito ay hakbang na makatutulong


sa pagbuo ng isang desisyon sa loob ng silid-aralan at
naman kung hindi.
Umpisahan natin sa unang bilang;

___1. Tanggapin ang mga mungkahi ng mga kaklase tungkol sa suliranin o


sitwasyong pinag-usapan.

Tama! Ang sagot ay .Napakahusay! Nakinig nga kayo sa ating talakayan


kanina.

Ngayon, kayo na ang sasagot para susunod na bilang. Unawain at basahing


mabuti ang mga pahayag.

___2. Isaalang-alang ang mga ideya ng mga kaklase tungkol sa proyektong


gagawin.

___3. Gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang gawaing pinapagawa ng


guro.

___4. Pakikipagtulungan sa ibang pangkat upang matapos sa takdang oras ang


mga gawaing ibinigay ng guro.
___5. Ipagsawalang bahala ang mga suhestiyon ng bawat kasapi ng grupo.

Tapos na ba mga bata? Magaling! Binabati ko kayo at nasagutan ninyo ang mga
katanungan.


Introductio Ngayon naman ay dadako tayo sa pang huli nating aralin.Bago tayo
n of the magsisimula sa ating panibagong activity, pumalakpak tayo ng Let’s Go! Pag
New Lesson bilang ko hanggang tatlo, sabay sabay tayong papalakpak. 1, 2, 3… (palakpak)
in LAS 3 Ayan, alam kong naibsan ang inyong ngalay o di kaya pagod.
Kumusta ang inyong pakiramdam? (pause)
Alam kong handa na uli kayo sa ating mga gagawin. Kaya, kunin uli ang inyong
Learning Activity Sheets at basahin natin ng sabay sabay ang isang tula.
Lesson Tayo’y Makilahok……… Makilahok
Proper Tayo’y makilahok sa lahat ng Gawain, Sa ating samahan lalo na’t may usapin
(Concept Pagkat ang desisyon sa bawat gagawin, Ay dapat maging Mabuti ang simulain
Digest) Saan man dumako ang usapan, Sumaling palagi sa plano ng samahan
Pagkat desisyon ng lahat ay kailangan, Upang di tayo mag mistulang tanga
Kapag may nangyari tayo’y may alam na, At di magtatanong na tila ibang-iba
Instruction Naintindihan ba ang binasang tula mga bata? Magaling!
for Activity Ngayon ay dadako tayo sa ating pang huling gawain.
3 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katangungan:
1. Ano ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?
2. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain sa samahan/ silid- aralan?
3. Ipaliwanag: “Tayo ay makilahok sa tuwi-tuwina upang di tayo mag ,istulang
tanga.”
4. Bakit mahalaga ang paglahok sa pagpaplano ng proyekto ng samahan?
5. Ipaliwanag: “ Ang pasya ng nakararami ay dapat na laging mamayani.”
Reminders Kung tapos na kayo sa lahat ng gawain, siguraduhing ito'y naka alinsunod
and sa panuto o sinabi ng inyong guro. Kung kayo ay sinabihan na hindi isulat ang
Goodbyes sagot sa acitivity sheet, ilipat niyo ang ang inyong mga sagot sa inyong
(max. of 1 sagutang papel at wag kalimutan ilagay ang inyong pangalan, seksyon, at
minute) pangalan ng inyong guro.
Naway naintindihan ninyo ang ating leksyon sa araw na ito. Kung meron
pa kayong karagdagang katanungan maaari ninyo itong isulat sa likod ng
activity sheet para agad mapuna ng inyong subject teacher.
At dito nagtatapos ang ating paaralang panghimpapawid gamit ang radyo.
Muli ito ang inyong lingcod Teacher Delia mula sa Badtasan Elementary
School. Nagpapa alala na panatilihing magsuot ng facemask,at panatilihin ang
isang metrong distansya para maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang virus.
Maging ligtas tayo habang natututo sa ating tahanan.
Bye kids.!

You might also like