DLP 8-Panahon-ng-Amerikano-at-Hapon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City

Pangalan: Emmanuel Jr D. Misola


Antas / Strand / Seksyon: 11 - STEM 7
Petsa: Oktubre 13, 2022
Guro: Ma’am Camille Zoleta

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Sanggunian: Phoenix Publishing House: Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Paksa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Ikatlong Bahagi) Uri ng Gawain: Concept Notes
Panahon ng Amerikano at Panahon ng Hapon Gawain Bilang: 8
Layunin:
- Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mg pangyayaring may kaugnayan sa pag – unlad ng Wikang
Pambansa.
- Napapahalagahan ang positibong dulot ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang
pambansa sa pamamagitan ng debate.
- Nakasusulat ng haiku batay sa mga paksang ibinigay.

PANIMULA
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Panahon ng mga Amerikano

⮚ Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante


Dewey.
⮚ Ingles ang nagging wikang panturo noong panahong ito.
⮚ Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo nang panahong iyon. Sa dinami – rami ng wika’t sa
Pilipinas ay isang wikang dayuhan ang naging wikang panturo at ito rin ang ginamit sa wikang
pantalastasan. Buhat sa antas primary hanggang kolehiyo, Ingles ang naging wikang panturo.
⮚ Ang komisyong pinangungunahan ni Jacon Schurman ay naniniwalang kailangan ng Ingles sa
edukasyong primary. Nagtakda ang komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika – 21 ng Marso, 1901 na
nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo.
⮚ Hindi naging madali para sa nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag – aaral sa
ikauunawal nila ng tinatawag na tatlong R (Reading, wRiting, aRithmetic). Hindi maiwasan ng mga guro
ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag – aaral.
⮚ Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa
panahon ng bakasyon ng mga mag – aaral. Nang sumunod na taon, may ipinakilalang bill sa Asembleya
na nagmumungkahi sa paggamit ng mga diyalekto sa pambayang paaralan ngunit ito ay hindi napagtibay.
⮚ Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles na kilala sa tawag na Thomasites.
⮚ Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte ay nagpahayag ng kanyang panayam
ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. Sumang-ayon kay Bise
Gobernador Heneral George Butte sila Jorge Bocobo at Maximo Kalaw.
⮚ Ayon sa Kawanihan ng Pambayang Paaralan, nararapat na Ingles ang ituro sa pambayang paaralan. Ilan
sa mga kadahilanan ay:
(1) Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay mag-reresulta sa suliraning administratibo.
(2) Ang paggamit ng iba’t-ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyolanismo sa
halip na nasyonalismo.
(3) Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular.
(4) Malaki ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang
maging wikang pambansa.
(5) Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
(6) Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
(7) Ang ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham. Dahil nandito na ang wikang
Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
(8) Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.

⮚ Kung ang tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang Ingles ay maraming dahilan, ang nagtataguyod naman
ng paggamit ng bernakular ay may katwiran din. Ito ay ang mga sumusunod:
(1) "Walumpong porsiyento ng mag-aaral ang nakaaabot ng hanggang ikalimang grado lang kaya
pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa
kanilang sosyall at praktikal na pamumuhay
(2) "Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primary.
(3) Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito
sapagkat isang porsiyento lamang ang tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles.
(4) "Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi naman
natututo ang mga mag – aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang kahaharapin nila sa
kanilang pang – araw araw na pamumuhay.
(5) Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo.
(6) Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikakabuti ng lahat katulad ng paggamit ng
bernakular.
(7) "Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
(8) "Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan
lamang na iyo ay pasiglahin.

⮚ Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa ang Kawanihan ng Pambayang
Pagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin. Ito ay ang mga sumusunod.
(1) Paghahanap ng gurong Amerikano lamang
(2) Pagsasanay samga Pilipinong maaaring magturong Ingles at ibapang aralin
(3) Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng
edukasyon.
(4) Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan.
(5) Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles.
(6) Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan, Pag-alis at pagbabawal ng wikang
Espanyol sa paaralan

⮚ Nagsagawa ang mga Amerikano ng mga pag – aaral, ekspirimento at sarbey upang malaman kung
epektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Ang unang pagsisiyasat ay ginawa ni Henry Jones
Ford.
⮚ Iniulat na "gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng milyon- milyon para maisulong ang paggamit
ng Ingles 8/4upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at mga dayalek sa mga ordinaryong usapan,
at ang Ingles ang sinasalita ay kay hirap makilala na Ingles na nga.”
⮚ Ayon sa surbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey Commision na
pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan nila na ang kakayahan makaintindi ng mga kabataang
Pilipino ay mahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan paglabas ng paaralan.
⮚ Ayon kay Najeeb Mitri Saleeby kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi
pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular.
Iginiit din ni Saleeby na makabubuti kung magkakaroon ng isang pambansang wikang hango sa
katutubong
wika nang sa gayun ay maging malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon ng buong bansa.
⮚ Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang
pambansa. Ang panukala ay sinusugan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang pangulo ng
Pamahaalang Komonwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang Probisyong pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 3
ng Saligang Batas ng 1935. Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad
ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika – 13 ng Nobyembre, 1936.
⮚ Ipinalabas noong 1973 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na
Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambansa

PANAHON NG HAPON
⮚ Pinagbabawal ang pag gamit ng wikang Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Maging ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko tungkol sa Amerika ay ipinagbawal din
⮚ Ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang tagalog sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan. Masasabing ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
⮚ Sa panahong ito ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag uutos na gawing opisyal na wika
ang Tagalog at ang wikang hapones (Nihonggo)
⮚ Itinatag ang tinatawag na Philippine Executive Comission na pinamunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad
ang komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa
Pilipinas.
⮚ Binuksan muli ang paaralang bayan sa lahat ng mga antas. Itinuro ang wikang nihonggo sa lahat. Ngunit
binigyan diin ang paggamit ng tagalog.
⮚ Ang GOBYERNO-MILITAR ang nagturo ng Nihonggo sa mga guro paaralang-bayan.
⮚ Ang mga nagsipag tapos ay binibigyan ng katibayan. 3 uri ng katibayan: Junior, Intermediate, Senior
⮚ Isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa paglilingkod sa Bagong Pilipinas. Ang pagpapabuti ng
edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng
Imperyong Hapones. Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito. Pangunahing proyekto ng
kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan. Katulong nila sa proyektong ito
ang Surian ng Wikang Pambansa.
⮚ Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ni wikang pambansa at liberal na aral sa
tradisyon ng mga Amerikano. Nagkaroon din ng debate sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa
Tagalista.
⮚ Nagkaroon din ng argumento ang mga Tagalog sa di Tagalog. Isa rin sa usapin sa pagitan ng mga
Tagalista laban sa mga may kaalamang panlingguwistika.
⮚ Si JOSE VILLA PANGANIBAN ay nagturo ng Tagalos sa mga hapones at hindi tagalog. “A Short to the
National Language” ibat ibang pormularyo ang kanyang ginawa upang lubos na matutunan ang wika.
⮚ Noong mga panahong ito napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat
gamit ang wikang ito.

Gawain Bilang 1
Panuto: Gamit ang fishbone organizer sa ibaba, ilahad ang naging sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
panahon ng Amerikano at Hapon.
Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutunan.
1. Paano nabago ng pananakop ng mga Amerikano ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas?
● Para sa akin nabago ang sitwasyon dahil itinuro at hinikayat ng mga Amerikano na turuan ang mga
Pilipino ang kanilang wikang Ingles. At maayos ang edukasyon nito.
2. Masasabi mo bang nanganib ang wikang Tagalog noong panahon ng mga Amerikano? Bakit?
● Ang masasabi ko ay Hindi, hindi naman ibinura ang ating wikang Tagalog noong sila
nagpapalaganap at tinuturo ang wikang ingles dahil ang kanilang motibo ay tungkol lamang sa pang
edukasyonal na sistema ng Pilipino.
3. Makatwiran lang bang hinding wikang Ingles ang naging wikang pambansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
● Para po sa akin ang masasabi ko ay dapat ang wikang Ingles ang wikang pambansa dahil ito ay
nagtuturo ng maayos at ginagamit ng maayos sa pag kokomunika sa bawat tao.
4. Bakit sinasabing ang panahon ng mga Hapones ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog? Paano
nangyari ito?
● Dahil noong panahon ng Hapones ipina bukas ulit ang mga paaralan ngunit kailangan nila gamitin at
matuto ang wikang nihongo at pinayagan din na gamitin ang wikang tagalog din sa panahon na iyon.
5. Masasabi mo bang naging maganda ang epekto sa wikang Tagalog ng pananakop mga Hapones? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
● Ang masasabi ko ay maganda din naman ang epekto dahil magagamit ulit natin ang ating wikang
tagalog kahit tayo ay sinakop ng mga hapones sa panahon na iyon.

You might also like