Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: ________________________________________________________
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Sanggunian: Phoenix Publishing House: Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Paksa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Huling Bahagi) Uri ng Gawain: Concept Notes
Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan Gawain Bilang: 9
Layunin:
- Naiisa – isa ang mga naging epekto ng pananakop ng mga dayuhan sa kasaysayan ng ating wikang pambansa.
- Nakapagbibigay ng sariling opinyon o pananaw tungkol sa naging takbo ng mga pangyayari sa kasaysayan ng
ating wikang pambansa.
- Naisasabuhay ang mga tanyag na taong nabanggit sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa

PANIMULA
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan

- Noong Hulyo 4, 1946, ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili. Ipinahayag na ang
wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog at Ingles batay sa Batas Komonwelt Bilang 570.
- Naramdaman pa rin ang impluwensiyang pang – ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano.
- Nakaapekto ito sa sistema ng ating edukasyong tumutugon sa pangangailangan ng mga korporasyon at
kompanya.
- Ang mga pelikulang Pilipino at komiks ay gumagamit ng wikang Filipino, naging paboritong midyum pa
rin ang Ingles.
- Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula Tagalog, ito ay naging Pilipino
sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng
Edukasyon.
- Nilagdaan naman ni Alejandro Roces at nag – utos na simulan sa taong – aralan 1963 – 1964 na ang mga
sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Pilipino.
- Noong 1963, ipinag – utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Piliipino. Ito ay batay sa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal.
- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag tatadhana ng
pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24,
1967.
- Noong Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum Sirkular
Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga
transaksyon ng pamahalaan.
- Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag
uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaang gamitin ang
wikang Pilipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman ay sa lahat ng
opisyal na komunikasyon at transaksiyon.
- Noong Hunyo 19, 1974, ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim Juan L.
Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s 1974 ang mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
- Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng bagong batas
ang Constitutional Commision. Sa Saligang Batas 1987, nilinaw ang mga kailangang gawin upang
maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing ang terminong Corazon Aquino ay isinulong ang wikang
Filipino.
- Ang Artikulo ng XIV ng Saligang Bats 1987 ay nagsasaad ng sumusunod:
SEK. 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
SEK. 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
- Tinupad ito ng Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Executive Order NO. 335, ito ay “Nag
– aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya na magsagawa ng mga hakbang
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal ng mga transaksiyon, komunikasyon at
korespondensiya.

Gawain Bilang 1
Panuto: Magsasaliksik ng mga pananaw ng iba’t – ibang awtor tungkol sa naging takbo ng mga pangyayari sa
kasaysayan ng ating wikang pambansa. Isusulat sa kahon ang iyong nasipi at ilahad ang iyong pananaw ukol
dito. Isulat kung ikaw ay sumasang – ayon o sumasalungat sa kanilang pananaw at pangatwiranan ito.

Gawain Bilang 2 DLP 9


Panuto: Isulat ang mga pangyayaring nagpakitang muntik nang maisantabi ang pambansang wika. Isulat ang
pangyayari sa loob ng kahon.

Panahon ng
Panahon Panahon Pagsasarili
hanggang
ng ng kasalukuyan
Amerikano Hapones

Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan.
1. Naging mabilis ba ng pagsulong ng ating wika pagkatapos nating makalaya sa mga nandayuhan sa ating
bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Sa iyong palagay, epektibo bang naipatupad ang mga batas o proklamasyong nabanggit? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

You might also like