Professional Documents
Culture Documents
WIKA - Sistema NG Arbitraryongng (Selected Randomly) Tunog Na Pinagkasunduan NG Isang
WIKA - Sistema NG Arbitraryongng (Selected Randomly) Tunog Na Pinagkasunduan NG Isang
1. Binubuo ng tunog at kahulugan - mapapansing sa tuwing nagsasalita ang isang tao, ang
pinagtutuunan ng pansin ng mga tagapakinig ay ang bawat salitang namumutawi sa mga labi
ng nagsasalita at ito ay tahasang pinakikinggan upang agarang maunawaan ang nais ipahayag
ng tagapagsalita. Ang bawat tunog na sinasambit ng isang tagapagsalita ay inaasahang may
kahulugan. Kaya't sinasabing inaasahang may kahulugan dahil may mga pagkakataon na may
mga tunog na nalilikha ang isang tao na hindi tuwirang maunawaan ng tagapakinig ang
kahulugan.
2. May tiyak na sistema - binubuo ng mga antas o lebel ang wika - may sistema ng
palatunugan o ponolohiya, sistema ng palabuuan o morpolohiya at ang sintaks o ang pagbuo
ng mga pahayag.
3. Masalimuot - kompleks - bagama't may maayos na sistema ang wika, ang bawat sistema
ay binubuo ng mga mas maliliit na sistema na kinakailangang maunawaan upang lubusang
maunawaan ang kabuuan ng isang sistema. At sa bawat papaakyat na pag-unawa ng isang
aspekto ng sistemang ito, may mas mataas na antas ng sistema na kailangang maunawaan
upang lubusang masabi na ang isang tao ay lubusang maalam (knowledgeable) sa isang wika.
5. Malikhain - kung ang isang tula ay maaaring magkaroon ng higit sa isang kahulugan, ito ay
dahil sa likas na malikhain ang wika. Ang isang salita ay may higit sa isang kahulugan.
Bukod pa rito, ang pagpapalit ng mga bantas sa isang pahayag ay nakakapagpabago rin ng
kahulugan. Ang isang simpleng pahayag ay maaari ring sabihin sa higit sa isang pamamaraan.
Halimbawa ang I LOVE YOU - mahal kita, iniibig kita, sinasamba kita, minamahal kita, sinisinta
kita.
5. Nagbabago - ang kahulugan ng isang salita ay maaaring magbago. May mga salita ring
namamatay at may bagong isinisilang. Ang mga dahilan nito ay karaniwang ang pagbabago rin
ng mga taong gumagamit. Patuloy na umuunlad, yumayabong at lumalago ang wika sa patuloy
na pag-unlad din ng lipunan at ng mga mamamayan kung saan kabilang ang wika. Bukod pa
rito, nagbabago rin ang wika dahil sa panghihiram. Hindi maaaring hindi manghiram ang isang
wika sa iba pang wika dahil ang paglago ng wika ay nakadepende rin ng bahagya sa kontak ng
ispiker ng isang wika sa mga ispiker ng ibang wika. Sa patuloy ding pag-aaral ng mga
gumagamit ng isang wika, lumalago ang wika dahil sa mga bagong inobasyon, at mga
imbensyon.
7. Yunik - bilang ang wika isang na instrumento ng pakikipagtalastasan, wala ng upang
makahihigit pa sa wika. Maituturing ang wika pinakakumpleto bilang isang instrumento
maipaabot ang isang mensahe.
8. Nailalarawan - dahil may aspektong pasulat ang wika, maaari itong mailarawan. Bukod sa
maaaring nasa anyong pasulat ang wika, mailalarawan rin ito sa aspekto naman ng kanyang
sistema. Matutukoy kung anong aspekto ng wika ang nakasaad sa isang pahayag.
9. Ang wika ay isang aydentiti ng mga taong gumagamit nito. Agarang matutukoy kung
saan nanggaling ang isang ispiker base sa kanyang wikang ginamit.
10. Ang wika rin ay isang sandata. Alam natin base sa ating kasaysayan kung ano ang papel
na ginampanan ng mga inakda ni Rizal upang pukawin ang mga nahihimlay na isipan ng mga
Pilipino. Wika ang kanyang tanging sandata kung kaya't tunay nga na higit na makapangyarihan
ang pluma sa espada.
11. Ang wika ay ginagamit - ang halaga ng wika ay dahil sa ito ang mahalagang instrumento
sa pakikipagtalastasan.
12. Ang wika ay arbitraryo - ang mga taong gumagamit ng isang wika ay nagkasundo sa
sistema nito at sa mga kahulugan na nakapaloob sa kanilang wika.
13. Ang wika ay pinipili at isinasaayos - ang taong gumagamit ng wika ang siyang bumuo ng
wika at upang ito ay maayos na magamit sa komunikasyon, ito ay kanilang isinaayos sa
pamamaraang makabubuti sa kanila ayon sa kanilang pangangailangan.
14. Ang wika at kultura ay magkabuhol. Nailalarawan ang kultura gamit ang wika at
nasasalamin ng wika ang kultura.
3. Teoryang Yo-he-ho - ang tunog na nalikha ng tao ay bunga ng pwerang pisikal tulad ng
uhmmmmmmmm .......
KAHALAGAHAN NG WIKA
3. Nagbubuklod ng bansa - dahil may isang wika na maaaring magkaunawaan ang mga tao,
nagkakaisa ang mga taong nakatira sa isang bansa. Nakasulat an gating mga batas,
regulasyon sa wikang nauunawaan ng mga taong nakatira sa isang bansa.
Halimbawa, kapag tayo ay nagbabasa, ang mga ideya sa aklat ay naisasaisip natin. Minsan
naman, kung may naiisip tayo, giagamit natin ang wika upag maging kongkreto ang ating
kaisipan
TUNGKULIN NG WIKA:
4. Personal - daan upang maipahayag ang sarili. Mahilig akong kumain ng tsokolate.
ANTAS NG WIKA:
2. Impormal
VARAYTI NG WIKA:
Nagkakaroon ng varayti ang wika dahil sa likas na kakayahan nito na bumuo ng mga salita,
kakaibang pattern, pagbuo ng pangungusap at sariling pananda ng diskors. Ito ay dahil sa
buhay ang wika at buhay ang taong gumagamit nito na siyang dahilan ng pagbabago at
pagunlad ng wika.
a. dayalek - varayti batay sa heograpiya - halimbawa: Bisaya, Tagalog, Ilonggo. Katulad din ng
English, may British English, American English, Australian English and Philippine English at
marami pang iba.
d. Rejister ng wika - varyasyon batay sa gamit o gamit ng wika ayon sa larangan. Ito ay
itinuturing din na estilo ng pananalita. Halimbawa: kapag ang kausap natin ay isang principal,
nag-liba ang ating paggamit ng wika. Halimbawa ay ang mga taong nasa larangan ng
kompyuter, karaniwang salita nila ay program, syntax error, debug, run.
e. Mode - varayti ayon sa midyum na ginagamit, halimbawa ay pasulat o pasalita. Nag-iiba ang
mga salitang ginagamit natin sa pagpapahayag depende sa midyum na ating ginagamit. Sa
wikang Filipino, mas nagiging pormal ang wikang ginagamit kung ang mode ay pasulat keysa
pasalita.
a. 1935 konstitusyon Art 14 sek 3 - isinilang ang konsepto ng Pambansang Wika. Nakasaad
sa konstituvon ang pagpapasimula ng pagbuo at paglinang ng isang pambansang wika.
3 mahalagang kaisipan bago ang '35 konstitusyon, wala pang PW dahil bubuuin pa lamang ang
PW: wala pang katawagan ang PW, mono-based ang PW
b. 1936 - base sa Batas Komonwelt Blg. 184, nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa na
siyang naatasan na pag-aralan ang paglinang ng pambansang wika
c. 1937 - Tagalog ang naging batayan ng Pambansang Wika ayon sa Executive Order 134 na
itinalaga noong Dec. 30, 1937.
d. Aug. 13, 1959 - tinawag na Pilipino ang Pambansang Wika ayon sa Kautusang
Pangkagawaran 7 ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon.
e. 1973 konstitusyon Sek 3 Art 15 - Pinalitan ng katawagang Filipino ang Pambansang Wika
na Pilipino at nakasaad sa konstitusyon ang pagtaguyod ng hakbang upang malinang at pormal
na maadapt ang Filipino bilang Pambansang Wika. Ang Opisyal na Wika ay Pilipino at Ingles. 3
mahalagang kaisipan: ang PW na Filipino ay kasisilang pa lamang ngunit ang nucleus nito ay
Pilipino; ito ay multi-based na wika,ang F ay kumakatawan sa mga katutubong wika ng bansa
na bahagi sa pagpapaunlad ng PW.
Namatay ang katawagang PILIPINO para sa Pambansag Wika ngunit nanatili bilang opisyal na
Wika. Isinilang ang katawagang FILIPINO para sa pambansang wika
f. 1987 konstitusyon Sek 6-9 Art. 14 - PW ay Filipino, Opisyal na Wika ay Filipino at Ingles
1. Sa Tagalog, ang pangungusap ay may "ay" upang maging anyong pormal, sa Filipino
ay walang "ay" ngunit ito ay anyong pormal.
5. Ang "siya" ay hindi ginagamit sa mga di tao sa wikang Tagalog ngunit sa Filipino
ginagamit.
Walang katotohanan ang isang puna na nagsasabing mababa ang katayuan ng gramatika ng
ibang wika. Hangga't naipapahayag ng mga tagapagsalita ng isang wika ang anumang gusto
nilang ipahayag hindi pwedeng sabihing mababa ang gramatika ng kanilang wika. Kung sapat
na natutugunan ng kanilang wika ang kinakailangan nila sa pakikihalubilo sa loob ng kanilang
kulturang kinabibilangan, hindi pwedeng sabihing mababa ang gramatika ng wika nila. Kaugnay
nito mahalagang maintindihan na lahat ng wika ay may gramatika at ito'y binubuo ng
ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantics. Lahat ng wika ay mayroon nito kaya bilang
tagapagsalita o ispiker ng isang wika alam natin kung paano bigkasin ang mga tunog at mga
salita ng ating wika. Alam din nating bumuo ng mga salita at mga pangungusap at pati mga iba't
ibang interpretasyon ng mga ito.
I. Ponolohiya
Ang Pagsasalita
May tatlong salik na kinakailangan para makapagsalita ang isang tao. Ito'y ang; enerhiya,
artikulador at resonador. Ang pagsasama ng tatlong salik na ito ang lumilikha ng alon ng tunog.
Ang hangin ang siyang nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na naririnig natin.
Enerhiya naman ang gumagawa ng puwersa o presyon na nagpapalabas ng hininga mula sa
baga na siya namang nagpapagalaw sa mga babagtingang pantinig na nagsisilbing artikulador.
Ang tunog na galing dito ay minomodipika ng bibig na gumaganap bilang palatunugan o
resonador. Tinuturing na mga resonador ang bibig at ang guwang ng ilong. Upang makabigkas
ng makabuluhang tunog, pinagagana ang apat na mahalagang bahagi ng bibig, tulad ng dila at
panga, ngipin at labi, matigas na ngalangala at malambot na ngalangala
May kaugnayan ang wikang Filipino sa Malayo-Polinesyo. Si Dr. Richard Pittman, isang
lingwistikong Amerikano, ang nagsabi na ang katangiang pamponetiko ng Tagalog ay higit
kaysa Espanol at Ingles (qtd. Lachica, 2000). Ang Tagalog ay may maraming titik, at
pantignamay kaukulang tunog at bigkas samantalang hindi lahat ng titik at pantig ay binibigkas
sa Ingles. Sa Tagalog, kung paano binibigkas ang salita ay siya ring baybay at kung paano
binabaybay ay siya ring bigkas. Kaya, bahagi sa pag-aaral ng wika ang mga tunog. Ang mga
salita sa Filipino tulad din ng ibang wika ay maaaring hatiin ayon sa tunog na gaya ng:
1. Tunog Ponetiko
Ponetiko ang maagham na paglikha ng tunog sa pagsasalita. Galing ang salitang ponetiko sa
salitang Griyegong phonetikos na nangangahulugan na bibigkasin pa lamang. Hiniram natin sa
Ingles ang salitang phone (tunog) + tic at alinsunod sa tuntunin ng pagbigkas: tulad sa
ponetikong baybay. At pag-aasimila sa wikang Filipino, tinatawag natin itong ponetika o
ponetiko at tinutumbasan ng salitang palatinigan.
Saklaw sa pag-aaral ng ponetiko ang galaw at pamamaraan ng bahagi ng bibig ng tao kung
paano isinasagawa ang pagpapalabas ng tunog sa pagsasalita. Pinag-aaralan din sa ponetiko
ang wastong pagbigkas at kung paano nalilikha ang tunog. Mas higit na mauunawaan ang mga
ponetikong tunog kung gagamitan ng notasyon. Ang notasyon ang paraan ng paggamit ng
simbolo upang kumatawan sa salita at parirala. Ang notasyong [] o bracket ang gagamitin sa
transkripsiyong ponetiko. Ipinapakita sa transkripsiyong ponetiko ang kaayusan ng mga tunog
na isinaayos sa loob ng notasyon na kakaiba sa orihinal na pagkakasulat . Ang mga tunog na
ipinapasok sa notasyong bracket ay mga di-makabuluhang tunog. Halimbawa, [a,s,o], [b,o,l,a],
[b,a,g,a].
2. Tunog Ponemiko
Halimbawa:
Ang transkripsiyong ponemiko na / laba /, /ba:ga / at /paso /, ang magiging ayos ito sa
transkripsiyong ponetiko ay [l,a,b,a]. [b.a.g.a ] at [p,a,s,o].
Sa wastong pagbigkas ng mga ponemang napapaloob sa dalawang pahilis na guhit upang
maging makabuluhan ito, mahalaga ang tinatawag na glotal na tunog. Nagkakaroon ng tunog
na glotal sa pamamagitan ng konstriksyon ng glotis, Ang glotis ay ang hugis V,sa pagitan ng
vocal cords. Ang glotal ay bahaging pangartikulasyon, tulad ng / ? / o (konvensyonal) / h /.
Maaaring matagpuan ang / ? / sa unahan ng salitang nagsisimula sa patinig at maging sa pinal
na pusisyon ng patinig. Dito sumasara ang babagtingang pantinig tulad ng salitang /paso?/ na
nangangahulugang, "bagay na yari sa porselana o luwad na pinagtatamnan ng bulaklak",
Magkakaroon pa rin ng ibang kahulugan ang salita kapag lalagyan ng simbolong : tulad ng
/pa:so ?/ na nangangahulugang "nadikitan ng apoy o anumang mainit na bagay". Ang / h / ay
ginagamit lamang sa hulihan ng salita na nagtatapos sa patinig. Nakabukas ang babagtingang
pantinig kapag ito'y binibigkas. May pagkakataon ding gumagamit ito ng simbolong : (hudyat ng
saglit na pagtigil o paghinto) tulad ng salitang /ka:pah/ na nangangahulugang, "mahaba at
malapad na tela na may palamuti at kinakabit sa likod ng damit ng nagsusuot".
sa bibig
Mahalagang tandaan sa paglikha ng mga ponemang patinig ang: hugis ng mga labi, ang agwat
o layo ng naaabot ng punong dila at ang degri ng tensyon sa pagitan ng dila at mga labi.
Lumilikha ang mga ponemang patinig ng iba't ibang pusisyon ng dila sa loob ng bibig sa
pamamagitan ng paghuhugis at di-paghuhugis bilog ng labi. Ang pag-iiba ng pusisyon ng dila
ang pangunahing dahilan ng pagbabago sa mga tunog ng iba't ibang ponemang patinig.
Makatutulong sa ating pag-aaral ang tsart sa ibaba upang makilala at masanay sa iba't ibang
pagbigkas ng mga ponemang patinig sa wikang Filipino tulad ng / a /, / e /, / i /, / o /, / u /.
Makikita sa tsart paano ang pagsasaayos ng dila sa pagbigkas ng bawat ponemang patinig at
mga halimbawa sa ibaba nito.
Bukod sa mga payak na ponemang patinig, mayroon din hugnayang ponemang patinig - ang
diptonggo. Hango sa salilang ?dipthongos ng Griyego, ito'y nangangahulugang, "tambalang
tunog". Kung gayon, diptonggo ang alinmang patinigna sinusundanng malapatinig na w at y sa
loob ng isang pantig. Ang tunog nito'y nagagawa sa pamamagitan ng paggalaw ng dila mula sa
isang posisyon hanggang sa kabila. 'Ang mga diptonggo ay aw, iw, iy, ey, ay, oy at uy.
Halimbawa: awto, giliw, reyna, buhay, tuloy, aruy at iba pa. Tandaan lamang na dapat nasa
loob ng isang pantig ng isang salita ang tinutukoy na diptonggo.
Samakatuwid, kung nais nating ipaliwanag kung paano nalilikha ang tunog na kinakatawan ng
ponemang / b /, sasabihin nating ito ay pabuga, may tinig at palabi. Ang tunog naman na
kinakatawan ng ponemang / p / ay inilalarawan na katulad ng / b / subalit ang tanging kaibahan
ay walang tinig ang / p /. Pagpalit-paliting bigkasin ang / p /at / b /. Ngayon, maipapaliwanag na
ba ninyo kung bakit taning kaibahan ng dalawang ponemang ito ay may tinig ang / b / at walang
tinig ang / p /.
Paano naman mapatutunayang magkaibang ponema ang / b / at / p / Kung ilalagay ang mga
ponemang ito sa magkatulad na magkatulad na kapaligiran, makikitang ang bawat isa ay
magbibigay sa salita ng magkaibang kahulugan.
Halimbawa:
Ang salitang bala ( sangkap ng baril) . Kapag ang / b / ay pinalitan ng / p'/ ang mabubuong
salita ay pala(kasangkapang panghukay). Dito ay malinaw na mapatitibayang ang / b / at / p / ay
magkaibang ponema sapagkat nagkaroon ng pagbabago ng kahulugan ang salitang sinuri. Sa
ikadadali ng pag-unawa, tingnan ang tsart ng mga ponemang katinig sa kasunod na pahina.
Gitlapi ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang gitlapi sa
Filipino ay -in- at -um- .hal: lumakad kumain
Hulapi ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang hulapi sa
Filipino ay -an, -han, -in, at -hin. hal: talaan sulatan batuhan