Scrapbook

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN

SCRAPBOOK
Submitted by:
Submitted to:
Marian V. Remedio
MRS. WILNOR N. TACTICA
VI-AMETHYST

G PILIPINO SA PAK
GIN IKI
AN P
AT AG

AT

LA
AN

BA
G

NP
M
YON NG

ARA S
A KALA
RIBUS

Y
T

A
N

A
O

N
K

Kilalanin ang ilan sa mga Pilipinong nagpamalas ng


angking tapang at pagmamahal para sa Inang Bayan.
Ang hindi marunong
lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa
paroroonan.
Jose Rizal
Doktor, manunulat, at repormista - ito ang ilan sa
pagkakakilala natin sa Pambansang Bayaning si Jose Rizal. Sa
kabila ng pagsulong niya ng mapayapang reporma noong Jose Rizal
panahon ng Kastila, naging inspirasyon siya at mga akda niya
ng rebolusyon para sa kalayaan ng Pilipinas. Pinakamahalaga
dito ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo,” mga
nobelang naglantad ng mapang-abusong pamamalakad ng
mga dayuhan. Isa rin siya sa mga lider ng Kilusang
Propaganda at tagapagtatag ng La Liga Filipina. Nang
sumiklab ang himagsikan noong 1896, idiniin siya na
nakibahagi dito at saka hinatulan ng kamatayan. Sa gabi bago
siya barilin sa Bagumbayan, isinulat niya ang kanyang huling
akda, ang tulang “Mi Ultimo Adios” o “Ang Huling Paalam.”
Si Gabriela Silang, na may buong pangalang María Josefa
Gabriela Cariño Silang, ang asawa ng lider ng Ilokanong
RIELA SILA
maghihimagsik na si Diego Silang. Si Gabriela Silang ay
AB NG
ipinanganak sa Barangay Caniogan, Santa, Ilocos Sur noong
Marso 19, 1731. Ang mga tao sa Abra ay nagsasabing siya ay G
ipinanganak sa Pidigan, Abra (ang dalawang lugar na ito ay
hindi malayo sa isa't isa, at ang Abra ay hindi isinama bilang
isang lalawigan hanggang sa unang bahagi ng ika-20 siglo).
Siya ay inampon ng isang mayamang negosyante na si Tomás
Millan, na naging asawa niya sa edad na 20, ngunit namatay
pagkatapos ng tatlong taon. Noong 1757, siya ay muling
ikinasal sa edad na 27 taong gulang kay Diego Silang.
ilio Jacinto
Si Emilio Jacinto ay isa sa mga magigiting na

Em Heneral ng Katipunan at kinilalang "Utak ng


Himagsikan." Sumapi siya sa Katipunan sa edad na
20 at naging pangunahing kalihim at kanang kamay
ng Supremo. Patnugot rin siya ng pahayagan ng
Katipunan na "Kalayaan," kung saan ginamit niya sa
panulat ang alyas na "Dimas-Ilaw." Ilan sa mga
mahahalagang akda niya ang "Kartilya ng
Katipunan" at “Mga Aral ng Katipunan ng mga
A.N.B,” na pangunahing gabay ng mga kasapi sa
kilusan. Sinulat din niya ang koleksyon ng mga
sanaysay na "Liwanag at Dilim," na tumatalakay sa
diwang ipinaglalaban ng rebolusyon.
IO AGUINA
Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay

IL LD
isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang
lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang

M Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang


presidente ng isang konstitusyunal na republika sa

O
Asya. Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa
E

unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng


Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos
ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa
wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901) . Siya ay
nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang Amerikano
noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos
ang kanyang pagkapangulo.
Melchora Aquino
Si Melchora Aquino ang tinaguriang Ina ng Rebolusyong Pilipino
noong panahon ng Kastila. Nasa edad 84 na siya nang sumiklab
ang himagsikan at nagpasya siyang suportahan ang Katipunan.
Kaya naman, nakilala siya sa bansag na “Tandang Sora.”
Kinupkop at pinakain niya ang mga rebolusyonero at inaruga ang
mga sugatan hanggang sa gumaling sila. Nang ikulong siya ng
mga awtoridad, hindi siya nagbunyag ng anumang impormasyon
tungkol sa Katipunan. Bago siya ipinatapon sa Guam bilang
parusa, sinabi rin niya na kung mayroon man siyang siyam buhay,
iaalay niya ang lahat ng ito para sa kanyang bayan.
APOLINARIO MABINI
Madalas bansagan si Apolinario Mabini (A·po·li·nár·yo Ma·bí·ni) bilang “Utak ng
Himagsikang Filipino” at “Dakilang Lumpo” dahil sa kaniyang mga akda at naging
mahalagang tungkulin noong panahon ng Himagsikang Filipino.
Isinilang siyá noong 23 Hulyo 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas. Ikalawa siyá sa
walong anak nina Inocencio Mabini, isang maralita, at Dionisia Maranan, isang tindera
sa palengke. Namasukan siyá bago natanggap na iskolar sa Colegio de San Juan de
Letran noong 1881 at nakapagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas
noong 1894. Sumapi siyá sa La Liga Filipina at naging aktibo sa Kilusang
Propaganda. Nang itatag ang Katipunan, hindi siya sumali dito. Nagkasakit siyá at
naging lumpo makaraan ang dalawang taon. Sa pagsiklab ng Himagsikang 1896,
pinaghinalaan siyáng Katipunero ng mga Español at dinakip. Dahil maysakit, hindi
siyá ibinilanggo kundi ipinadala sa ospital ng San Juan de Dios at nanatili roon
hanggang mabigyan ng amnestiya. Nakita niya pagkaraan ang kabuluhan ng layunin
ng Katipunan na ibagsak ang pamahalaang Español.
Marcelo H. del Pilar
Si Marcelo Del Pilar ay isang repormistang manunulat ng Kilusang
Propaganda noong panahon ng pananakop ng Kastila. Isinulong niya at
ng mga kasamahan ang karapatan para mga Pilipino at representasyon
sa pamahalaan ng Espanya. Nilantad rin niya ang pang-aabuso ng mga
prayle sa pagtatanghal ng mga satirikong tula at paglathala ng
protestang bersyon ng mga dasal. Gamit ang pangalang Plaridel, naging
patnugot at manunulat siya ng mga progresibong pahayagan gaya ng
Diyaryong Tagalog at La Solidaridad. Dahil dito, kinikilala si Del Pilar
bilang Ama ng Peryodismong Pilipino (Father of Philippine Journalism).
Si Diego Silang ay isa sa mga lider ng himagsikan sa

iego Silang
D
Hilagang Luzon noong panahon ng Kastila. Ipinaglaban
niya ang pagtutol sa pagbubuwis at pang-aabuso ng
mga mananakop sa Ilocos. Napatalsik ng kaniyang
grupo ang mga Kastilang opisyal noong 1762 at naiupo
sa puwesto ang mga mamamayan. Sa kabila ito,
namatay siya sa kamay ng ilang mga kaibigang
kinasabwat ng mga prayle para sa kanyang
asasinasyon. Upang ipaghiganti siya at ipagpatuloy ang
kanilang laban, bumuuo ng sariling hukbo ang asawa
niyang si Gabriela at naging bahagi rin ng rebolusyon
para sa kalayaan ng bansa.
Lapu-Lapu Si Lapulapu o Lapu-Lapu ay ang datu ng Mactan, Cebu
sa makasaysayang Labanan sa Mactan noong Abril
1571. Bunga ito ng pagtanggi ng datu sa pagdating ng
manlalakbay at konkistador para sa Espanya na si
Ferdinand Magellan. Natalo ni Lapu-Lapu at kanyang
mga mandirigma ang grupo ni Magellan na may mga
baril at baluti (o armor), gamit lamang ang mga pana at
sibat. Dahil sa pambihirang tagumpay na ito, apat na
dekada pa bago nabalik ang mga kolonisador sa
Pilipinas. Kaya naman, tinaguriang kauna-unahang
bayaning Pilipino si Lapu-Lapu.
HENERAL ANTONIO
LUNA
Si Antonio Luna de San Pedro y Novicio-Ancheta ay isinilang noong
Oktubre 29, 1866, sa distrito ng Binondo ng Maynila, ang ikapitong anak
ni Laureana Novicio-Ancheta, isang Spanish mestiza, at Joaquin Luna de
San Pedro, isang tindero. Si Antonio Luna ay isang magaling na
estudyante na tinuruan ng isang guro na tinatawag na "Maestro Intong"
mula sa edad na anim at nakatanggap ng Bachelor of Arts mula sa
Ateneo Municipal de Manila noong 1881 bago nagpatuloy sa kanyang
pag-aaral sa kimika, musika, at literatura sa Unibersidad ng Santo Tomas.

You might also like