Arpan6 4Q TQ

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Gov. A. Quibranza Prov’I Gov’t Compound
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan : ____________________________________ Baitang : ______________ Iskor :_________

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang ibig sabihin ng “Snap Election”?
a. Pambansang Halalan b. Halalang Lokal
c. Halalang Pambarangay d. Dagliang Halalan

2. Sino ang itinurong salarin sa pagpaslang kay Benigno Aquino Jr. na agad ding pinatay ng mga awtoridad?
a. Eduardo Cojuangco Jr. b. Rolando Galman
c. Luis Jalandoni d. Jose Maria Sison

3. Anong mahahalagang pangyayari ang naganap sa kasaysayan ng Pilipinas noong Pebrero 22-25, 1986?
a. EDSA People Power I b. Pagdeklara ng Batas Militar
c. Pagkamatay ni Benigno Aquino Jr. d. Jabidah Massacre

4. Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod na mga kilos-protesta laban sa administrasyong Marcos?
a. Paglabag sa karapatang pantao
b. Malawak na katiwalian sa pamahalaan
c. Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
d. Pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan

5. Anong pangyayari ang ginamit ni Pangulong Ferdinand E. Marcos upang suspindihin ang “writ of habeas
corpus”?
a. Jabidah Massacre b. Pagkamatay ni Benigno Aquino Jr.
c. Pagkamatay ng tatlong pari d.Pagsabog ng Granada sa Plaza Miranda

6. Ano ang kinahinatnan ng Oplan Merdeka?


a. Jabidah Massacre b. Pagkamatay ni Benigno Aquino Jr.
c. Pagkamatay ng tatlong pari d.Pagsabog ng Granada sa Plaza Miranda

7. Naging diktador ba si Pangulong Ferdinand E. Marcos? Bakit?


a. Hindi, dahil sinikap niyang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
b. Oo, dahil sinuspendi niya ang writ of habeas corpus.
c. Hindi, dahil isinulong niya ang panrehiyong kapayapaan at katatagan.
d. Oo, dahil sunud-sunuran siya sa mga military.

8. Natugunan ba ng pamahalaang Marcos ang suliranin ng mga magsasaka? Bakit?


a. Hindi, dahil sa kakulangan ng pondo ng pamahalaan at pagtutol ng mga may-ari
ng lupain.
b. Oo, dahil naglaan ng malaking pondo ang pamahalaan dito.
c. Hindi, dahil sa mga natural na kalamidad.
d. Oo, dahil ibinigay ng mga may-ari ng lupa ang kanilang lupain sa mga magsasaka.

9. Kailan winakasan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar?


a. Pebrero 22, 1986 b. Agosto 21, 1983
c. Enero 17, 1981 d. Setyembre 21, 1972

10. Gumawa ng isang poster. Alin dito ang HINDI nagpakita ng kilos protesta.
a. Larawan ng mga taong nagdadala ng banderitas.
b. Larawan ng mga taong nagdadala ng mga karatula.
c. Larawan ng mga taong sumisigaw ng hustisya.
d. Larawan ng mga taong nagdiriwang ng kanilang tagumpay.

11. Ang ______ ay isang prosesong konstitusyonal na makapagpapaalis sa tungkulin ng isang pinuno ng
pamahalaan tulad ng pangulo bago matapos ang panahon na kanilang panunungkulan.
a. imprisonment b. impeachment c. promotion d. execution

12. Ilan sa mga sumusunod ang mga suliraning kinaharap ni Pangulong Ramos sa kanyang administrasyon
maliban sa _______________.
a. Dahil sa pag-alis ng control sa presyo ng langis tumaas ang presyo ng mga bilihin.
b. Umangat ang kaunlaran ng bansa ngunit ang dating mayaman lamang ang
lalong yumaman at ang mahihirap ay hindi gaanong natulungan.
c. Marami ang katiwaliang naganap, tulad ng nawawalang mga pondo ng
gobyerno na tinawag na pork barrel.
d. Naging limitado na ang kriminalidad tulad na paggamit ng ipinagbabawal na
gamut o droga.

13. Sa pamumuno ni Pangulong Estrada, binigyan ng priyoridad ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa ngunit
marami ang naging hadlang sa kanyang mga programang pangkabuhayan, kabilang dito ang ______________.
a. Malaking pagkakautang ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa na umabot sa $45 bilyon.
b. Ang pagbaba ng presyo ng gasoline at mga bilihin.
c. Ang pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa.
d. Umangat ang kaunlaran ng bansa.

14. Ang Kalihim ng pagsasaka sa ilalim ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay si
________________.
a. Emmanuel Maliksi b. Emmanuel Vergara
c. Emmanuel Piňol d. Emmanuel Soliman

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging programa ni dating Pangulo Gloria Arroyo?
a. Pag-akit sa mga local at dayuhang mamumuhunan.
b. Pagbuo ng mga livelihood program para sa mga walang trabaho at out of the
school youth.
c. Pagpapatibay ng batas hinggil sa Power Reform Program Act, Anti Money
Laundering Act at E-vat.
e. Pagpapatupad ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program

16. Isa sa mahalagang naging programa ni dating Pangulo Noynoy Aquino kung saan sa ilalim ng batas na
ipinatupad ay higit na humaba o tumagal ang pag-aaral ng mga mag-aaral na Pilipino sa ilalim ng basic
education.
a. Abot Alam Program b. 4Ps Program
c. K to 12 Program d. Kariton Klasrum

17. Programang pang-ekonomiya ni Pangulong Fidel V. Ramos na naglalayong mabawasan ang kahirapan at
matamo ang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagsasapribado ng mga negosyong pag-aari ng
Estado, pag-aalis ng mga regulasyon sa negosyo at pagbubukas ng bansa sa dayuhang mamumuhunan.
a. Philippines 2000 b. Sustainable Development c. Moral Recovery Program d. RA 6655
18. Bakit naharap si Pangulong Estrada sa Impeachment Trial?
a. Inakusahan si Pangulong Estrada na sangkot sa illegal na sugal na jueteng.
b. Lubhang lumala ang katiwalian sa pamahalaan.
c. Paglaki ng utang ng bansa.
d. Paglobo nang husto ng kakulangan sa budget ng pamahalaan.

19. Pangulong Rodrigo Roa Duterte: Build, Build, Build Program


Benigno “Noynoy” Aquino: _________________
a. Daang Matuwid b. Strong Republic
c. Oplan Tukhang d. Philippines 2000

20. Joseph E. Estrada : Enhanced Retail Access for the Poor


Gloria Macapagal Arroyo: ___________________________
a. Angat Pinoy b. Asset Privatization Trust
c. Trade Liberalization d. Kalahi Program (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan)
21. Ano ang nakasaad sa Proklamasyon Bilang 3 na nilikha ni Pangulong Corazon Aquino?
a. Pagpapahayaag ng pambansang alituntunin sa pagpapatupad ng mga
pagbabagong hinihingi ng mga mamamayan.
b. Paggamit ng probisyonal o panasamantalang konstitusyon.
c. Pagtiyak ng maayos at payapang transisyon ng pamahalaan sa ilalim ng bagong
konstitusyon.
d. lahat ng nabanggit

22. Kailan pinagtibay ng sambayanan ang Saligang Batas 1987?


a. Pebrero 2, 1987 b. Marso 1, 1987
c. Enero 2, 1987 d. Abril 2, 1987

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa karapatan ng mga mamamayan ayon sa Saligan Batas 1987?
a. Karapatang mabuhay, maging Malaya at magkaroon ng ari-arian at pantay na pangangalaga ng
batas.
b. Karapatang maging pribado ang pakikipag-ugnayan o komunikasyon.
c. Dapat isa lang ang pipiliing relihiyon.
d. Karapatang manirahan at makapaglakbay.

24. Saan dito ang nagpapakita ng Suliraning Pampolitika?


a. Pagkakaroon ng malakihang kickback sa mga proyekto ng pamahalaan
b. Pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamut
c. Pagdami ng mga basura at pabrikang nagbubuga ng maitim na usok sa
kapaligiran.
e. Pagtaas ng bilang ng krimen sa bansa.

25. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ano ang tungkulin ng mamamayang Pilipino sa sinasabing “Karapatang
magsalita at maglimbag”?
a. Tungkulin ng mamamayang magsalita at maglimbag nang hindi nakasasakit at
nakasisira sa pagkatao ng kapwa o magsasabi ng totoo.
b. Tungkulin ng mamamayan na isiwalat lahat ang mga nalalaman na walang pag-
alinlangan kahit mayroong nasasaktan.
c. Tungkulin ng bawat tao ang hindi pagsali sa mga kalakaran o isyu n gating bansa
para iwas gulo.
d. Tungkulin ng bawat Pilipino ang agad-agad ng maghusga sa iba kapag may
ginawang katiwalian.
26. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa grupo na nagpapaliwanag kung bakit dapat gampanan ng bawat
Pilipino ang mga tungkulin?
a. Para sa ikabubuti ng sarili
b. Para maging mapayapa ang pamayanan
c. Para yumaman at maging tanyag sa lahat
d. Upang maging kaagapay ng bansa sa pag-unla

27. Si Arah ay inuutusan ng kanyang Ate Hilda sa pagbili ng mga kagamitan sa paaralan. Binigyan siya ng
dalawang daan ngunit may sukli pa itong beynte. Ano dapat gawin ni Arah?
a. Ihuhulog sa alkansya. b. Itatago para pandagdag baon sa paaralan.
c. Ibili ng pagkain sa tindahan. d. Isauli kay Ate Hilda ang sukli.

28. Maganda ba ang magiging epekto sa pagkakaroon ng Liberalisasyon bilang isa sa mg pangunahing
patakaran ng globalisasyon? Bakit? Ipagtanggol ang iyong kasagutan.
a. Oo, dahil nabibili ang mga produktong gusto natin.
b. Oo, dahil maraming mga dayuhang mamumuhunan sa ating bansa
c. Oo, dahil bababa ang mga presyo ng bilihin at Malaya tayong makabili ng
marami.
e. Hindi, dahil magkakaroon ng kompetisyon na tatalo agad sa mga produktong
Pilipino na makakapatay sa ating lokal na sektor at maging mitya ng pagkalugi at pagsara ng
mga negosyo sa bansa.

29. Bumuo ng akrostik mula sa mga titik ng salitang “Pagkakaisa” Gumamit ng salita o pariralang tumutukoy sa
pagkakaisa ng mamamayan at pamahalaan para sa ikabubuti at ikauunlad ng bansa. Hanapin sa ibaba ang hindi
naiiba.
a. P- agtutulungan at b. P- ahamak c. P- agtutulungan natin d.P- ilipinong ang
A- ktibo sa A- ng dulot sa mga A- ng pagbabago ng A- adbokasiya ay
G- awaing G- alit at G-obyerno ipaglaban ang
K- anais-nais na bagay K- uripot na walang K- alayaan ng karapatan
upang A- lam gawin A- ting pagboto at pagpili G- amit ang talim ng
A- Ng bansa ay K- undi ng utak.
magkakaroon ng A- ng mag- K- kandidato K- aayusan ang
K- aunlaran I- iwan ng A- ng ating pagtuunan ng A- dhikain at
A- at kapayapaan na dapat S- sakit sa pansin. K- apayapaan ang
I- sa alang-alang upang A – kin I-boto natin ang mga taong A- aabutin
S- eguridad ng mamamayan hindi uunahin ang I- isa an gating
ay S-ariling interes kundi hangad at
A – abutin A –ng makakabuti sa lipunan. S- arili ay iaalay sa
A – king mahal na
Pilipinas

30. Buuin nang maayos ang parirala . Hanapin sa ibaba ang tamang mga salita.
BALIGLOYONSAS AS NINSURALI
a. Suliranin sa global b. Suliranin globalisasyon sa
c. Suliranin sa globalisasyon d. Sa suliranin globalisasyon

31. Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pang-
ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at kultura.
a. corruption b. open trade c. Globalisasyon d. terorismo

32. Ito ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouses na nagpapainit sa mundo.
a. Deforestation b. Climate Change d. Rainfall Pattern d. toxic waste

33. Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot ng pagtangkilik sa ating sariling produkto?
I. Nagdudulot ng mas maraming hanapbuhay sa loob ng bansa.
II. Nagpapalakas sa mga local na industriya at negosyo.
III. Nakatutulong upang magkaroon ng mas malaking kita ang pamahalaan.
IV. Napauunlad at naipakikilala ang kulturang Pilipino.
a. I,II,III b. II,IV,I c. III,IV,I d. Lahat ng nabanggit

34. Paano nakatutulong ang pagtitipid ng enerhiya sa pag-unlad ng bansa?


a. Sa tamang pagtitipid ay nababawasan ang ating inaangkat na langis sa ibang
bansa.
b. Nakapagtatrabaho nang maayos ang mga manggagawang nasa pabrika o
pagawaan dahil maiiwasan ang pagkawala ng kuryente.
c. Tataas ang dami kalidad ng produksyon gayundin ang kita ng mga manggagawa.
d. Lahat ng nabanggit

35. Upang makatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ating bansa nararapat lamang na ang mga mamamayan
nito ay ____________.
a. Maging bahagi sa pagtitinda ng produkto ng ibang bansa.
b. Tangkilikin ang mga imported na produkto.
c. Mag-ipon upang makabili ng mamahaling produkto ng ibang bansa.
d. Tangkilikin ang sariling produkto.

36. Suliraning panlipunang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan na kung saan maigting na kinokontrol ng
ating pamahalaan lalo’t higit ang mga kapulisan. Isa sa mga paraan upang masugpo ito ay tinatawag ng PNP na
Oplan Tokhang.
a. Problema sa Kahirapan b. Malaking bilang ng Populasyon
c. Suliranin sa ipinagbabawal na Gamot d. Korapsyon sa Pamahalaan
37. Ito naman ang tawag sa paghingi ng anumang bagay o halaga bago gawin ang isang proyekto o transakyon
na masasabing isang uri din ng katiwaliang laganap ngayon sa pamahalaan.
a. Panunuhol o bribery b. Pangingikil o Extortion
c. Nepotismo d. Paglustay

38. Anong tawag sa uri ng polusyon na kung saan nakapagdudulot ng iba’t ibang sakit lalo na sa baga.
Gayunpaman, isa sa pinakamatinding bunga nito ay ang pagkasira ng ozone layer na nagsisilbing proteksyon ng
mundo mula sa matinding sikat ng araw?
a. Polusyon sa Tubigb. Polusyon sa Hangin c. Ingay d. Wala sa nabanggit

39. Bilang isang mamamayan, paano natin maipapakita ang pagpapaunlad at pagpapabuti ng mga produkto n
gating bansa?
I. Pagiging alerto sa mga pinanggalingan ng mga produktong ating binibili.
II. Pagsaalang-alang sa epekto ng ating pagkonsumo sa ibang tao, sa ating lipunan,
sa lokalidad at sa ating bansa.
III. Pagpapahalaga sa mga produkto ng ating kapwa Pilipino.
IV. Pakikipagtulungan upang maprotektahan at maisulong ang ating mga interes
bilang mga konsyumer, bilang Pilipino at bilang bansa.
a. I,II,III b. I,III,IV c. II,III,IV d. Lahat ng nabanggit

40. Tapusin ang naturang pahayag: Kung lagi nating tatangkilikin ang mga Produktong Pilipino
_______________________.
a. Maraming mga Pilipino o mga mamamayan na aalis ng bansa.
b. Mataas ang gastusin para sa mga produkto mula sa ibang bansa.
c. Maipapakita natin ang pagmamahal sa ating bansa at ang nationalismong
kaisipan sa pagtangkilik ng gawang Pilipino.
d.Maraming mga dayuhan ang mag-aangkat ng kanilang produkto na tatangkilikin
nating mga Pilipino.
41. Ang mga sumusunod ay mga gawaing makakatulong upang makatipid sa paggamit ng enerhiya maliban sa
isa.
a. magbukas ng ilaw kung kailangan lamang
b. palambutin muna ang frozen food bago ito lutuin
c. huwag tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit
d. ipunin ang labada tuwing gagamit ng washing machine

42. Bakit mahalaga ang pagtitipid ng enerhiya at ang kaugnayan nito sa pag-unlad ng bansa?
a. ito ay maaaring maubos at nakatutulong din sa kaunlaran ng bansa
b. mababa ang kita ng mga tao
c. umaasa ang mga mamamayan sa tulong at serbisyo ng pamahalaan
d. marami na ang mga taong gumagamit ng enerhiya

43. Alin sa mga ahensya ng pamahalaan na tumulong sa pangangalaga ng kapaligiran?


a. DENR b. DepEd c. LTO d. DSWD

44. Paano nakatutulong ang pagtitipid ng enerhiya sa pag-unlad ng bansa?


a. sa tamang pagtitipid ay nababawasan an gating inaangkat na langis sa ibang
bansa
b. nakapagtatrabaho nang maayos ang mga manggagawang masa pabrika o
pagawaan dahil maiiwasan ang pagkawala ng kuryente
c. tataas ang dami at kalidad ng produksyon gayundin ang kita ng mga
manggagawa
d. lahat ng nabanggit

45. Ano ang ibig sabihin ng enerhiyang hydro-electrical?


a. ito ay galing sa init ng araw
b. ito ay galing sa init na nagmula sa ilalim ng lupa at mga bulkan
c. ito ay galing sa mabilis na pagbagsak ng tubig mula sa mataas na lugar o talon at
dumadaan sa grid para maging kuryente
d. ito ay nanggagaling sa gas na naipon sa ilalim ng lupa milyun-milyong taon na ang
nakalipas
46. Ang muling paggamit ng mga bagay na patapon ay hindi lang solusyon sa pagkaubos ng ating likas na
yaman, solusyon din sa suliranin ng _____________.
a. kahirapan ng pamumuhay b. polusyon sa basura
c. kakulangan sa panustos d. lahat ng nabanggit

47. Ito ang pinakamahalagang yaman ng bansa. Dito nakasalalay ang kaunlaran ng isang bansa.
a. Yamang Tubig b. Yamang Lupa
c. Yamang Mineral d. Yamang Tao

48. Bilang isang mamamayan ng bansa, paano mo maitataguyod ang kaunlaran nito?
I. Pagpapawalang-bahala sa mga batas, programa at Gawain ng pamahalaan.
II. Pakikilahok sa pagpapatupad ng mga Gawain sa komunidad.
III. Pagtulong, Pakikiisa at Pakikilahok sa mga programa at Gawain ng pamahalaan
para sa kaunlaran.
IV. Pagbibigay ng mahalagang suhesyon na makatutulong sa pagpapaunlad ng
inyong kumunidad.
a. I,II,III b. IV, III, II c. I, IV, III d. IV, I, II

49. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pakikibahagi sa mga gawaing pampamayanan?
a. Makilahok sa mga Clean-up Drive ng barangay.
b. Tumulong sa pagbabantay at pag-aalaga n gating likas na yaman.
c. Sumali sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga ordinansa ng barangay.
d. Manatili sa bahay sa panahong may Gawain o proyekto ng barangay.

50. Ang inyong punong barangay ay naghikayat sa mga kabataang tulad mo na gumawa ng mga placard o
karatula tungkol sa Solid Waste Management. Alin dito ang maari mong isulat.
a. Basura Mo, I-segregate Mo, Kolektahin Ko
b. Ayoko na ng Baha kaya hindi na ako Magkakalat
c. Bayan natin sana’y bigyang pansin, Basurang itinapon dapat damputin
d. Lahat ng nabanggit

******* GOD BLESS *******


KEY ANSWERS

1 D 11 B 21 D 31 C 41 C
2 B 12 D 22 A 32 B 42 A
3 A 13 A 23 C 33 D 43 A
4 D 14 C 24 A 34 D 44 D
5 C 15 B 25 A 35 D 45 C
6 A 16 C 26 C 36 C 46 D
7 B 17 A 27 D 37 B 47 D
8 A 18 A 28 D 38 B 48 B
9 C 19 A 29 B 39 D 49 D
10 D 20 D 30 C 40 C 50 D

You might also like