Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

UNANG KABANATA

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

A. Tesis na Pangungusap

Naging kaugalian na nating mga Pilipino ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan

dahil mas mura ito kaysa bumili ng sasakyan at ang pagpapalagay ng gasolina upang umandar

ito. Isa sa mga pampublikong sasakyan na ginagamit ng mga tao ngayon ay ang dyip dahil bukod

sa "common" ito ay nasama na rin ito sa kultura ng mga Pinoy. Hindi rin maiiwasan ang mga

hinaing tungkol sa dyip katulad na lamang sa problemang tinalakay sa unang talata.

Naaapektuhan ang mga sasakyan katulad ng dyip ng problema ukol sa tumataas na presyo ng

langis. Dahil din dito ay naaapektuhan din ang mga taong gumagamit nito lalo na ang mga

drayber at pasahero. Kung tumataas ang presyo ng langis ay ganon din ang pagtaas ng pamasahe

dahil bukod sa langis na siyang binabayaran ng mga pasahero, kasama na rin ang kita ng mga

driver.

B. Rasyonal

Isa sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas ay ang biglaang inflation rate o ang

sunod sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Ang mga dahilan ng biglaang

pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay ang pagpapatupad ng TRAIN Law na nasabing pangunahing

dahilan at ang iba pang dahilan ay mga isyung pandaigdig katulad na lamang ng pabago bagong

klima at ang girian sa Middle East. Ang isyu tungkol sa Middle East ang siyang naging dahilan

1
ng pagtaas ng presyo ng langis dahil ang bansang ito ang pangunahing "nagpoproduce" ng langis

at dahil nga ang bansang ito ay ang supplier ng Pilipinas.

Bagamat problema ito sa mga may edad, ay ganon din sa mga mag-aaral sapagkat sila ay

wala pang trabaho at sa araw-araw sila namamasahe. Dahil dito, ang mga mananaliksik ay

piniling gumawa ng pag-aaral ayon sa mga opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa pagtaas ng

pamasahe sa Jeep. Pinili rin ng mga mananaliksik na gawin ang pag-aaral kasama ang ilang mag-

aaral ng ilang pribadong paaralan bilang kanilang "respondents". Sa ganitong paraan ay

makakatulong ang mananaliksik sa paglikom ng mga impormasyon at opinyon at magagamit ang

mga ito upang makalutas ng problema o maibsan lamang ang lumalaking problema tungkol sa

pagtaas ng pamasahe sa dyip.

C. Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng

pagtaas ng pamasahe ng jeep sa lahat ng estudyante upang matalakay ang lahat ng aspeto ng pag-

aaral. Matutukoy din ang mga salik na nakakaapekto o nakakaimpluwensiya sa

problema.Susuriin ng mga mananaliksik ang iba't-ibang pananaw ng mga estudyante ukol dito at

makapagbigay ng mga rekomendasyon kung paano nila ito maaaring harapin. Sa pagtutuklas ng

mga karanasan ng mga respondente, makakakuha ang mga mananaliksik ng posible at maaaring

solusyon ng problema. Ang resulta ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay maaari ring maging

basehan ng iba pang mga mananaliksik.

2
D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay tumatalakay sa epekto ng pagtaas ng pamasahe sa jeep

sa mga estudyante ng mga pribado at pampublikong paaralan.

Layon nitong makatulong sa mga sumusunod:

Sa mga pamamagitan ng pannaliksik, maaring malaman kung ano ang mga epekto nito sa

mga estudyante ng pampublikong paaralan na maikukumpara sa mga nasa pribadong paaralan.

Sa mga estudyante ng Senior High, maari itong maging gabay upang magkaroon ng

kaalaman ng tamang bayad nila sa mga jeep upang hindi sila maloko at madaya. Malalaman din

nila ang kanilang kalamangan sa iba pang mga pasahero sa kadahilanang sila ay estudyante.

Sa mga mamaniliksik, na pawang nasa parehas na baiting, upang sila ay magkaroon ng

mas malalim na kaunawaan at kaalaman sa kanilang karapatan sa pagbayad ng pamasahe bilang

isang estudyante.

Sa pamamagitan ng pag-aaral nito, inaasahan na mas mabibigyang linaw ang mga

estudyante tungkol sa pagtaas ng pamasahe sa jeep at ang epekto nito sa mga estudyante.ccd

E. Delimitasyon at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga respondante sa

loob ng buong Unibersidad ng New Era. Ito ay may kinalaman lamang sa mga saloloobin,

istorya at mga ideya ng mga ika-labing isang baitang ng ABM sa paaralan ng New Era. Ngunit

ang mga lalabas na resulta ng pag-aaral ay hindi nalalayo sa mga resultang malalakap sa ibang

unibersidad. Nais makabuo ng mga mananaliksik ng 10 respondante mula sa New Era University

upang makuha ang kabuuang bilang na 10 upang maisakatuparan ang aming pananaliksik.

3
F. Inaasahang Output

Ang papel na ito ay panimulang hakbang upang malaman naming ang mga opinion ng

mga mag-aaral patungkol sa isyung dagdag pamasAng papel na ito ay panimulang hakbang

upang malaman naming ang mga opinion ng mga mag-aaral patungkol sa isyung dagdag

pamasahe sa mga pampubikong sasakyan. Nais naming malaman ang epekto nito sa mga mag-

aaral ng pampubliko at pribadong paaralan. Ang lahat ng mga mahahalagang datos na aming

makakalap ay ilalakip din bilang karagdagang pahina. Isang 30-35 na pahinang papel ang

inaasahang mabubo mula sa pananaliksik na ito. Kasama na ang talasanggunian/bibliograpiya at

apendiks sa bilang na ito.ahe sa mga pampubikong sasakyan.

G. Konseptuwal na Balangkas

INPUT PROSESO OUTPUT

Nais ng • Pagsasagawa ng Malalaman sa


pananaliksik na ito na interbyu o sarbey. pananaliksik na ito kung
malaman ang maaring sino ang
epekto ng pagtaas ng • Dokumentsyon
pinakamaapektuhan sa
pamasahe sa mga • Pagpapasagot ng mga pagtaas ng pamasahe at
estudyante, matanda o kwestyuneyr. ang porsyento ng taong
mga may kapansanan. maaring mahirapan dito.

4
H. Depenisiyon ng mga Termino

Termino Kahulugan

Implasyon Ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga

presyo ng mga kalakal(goods) at mga serbisyo

sa isang ekonomiya sa loob ng periodo ng

panahon.

Dyip Ito ay isang pampublikong sasakyan na

karaniwang sinasakyan ng mga tao araw-araw.

Drayber Ito ang nagmamaneho ng pampublikong

sasakyan (dyip) upang makarating ang mga tao

sa kanilang pupuntahan.

Pamasahe Ito ay ang salapi na binabayad sa natin upang

makarating sa ating pupuntahan.

Pasahero Ito ay ang mga taong kasama o nakasakay sa

isang pampublikong sasakyan.

I. Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang pandarayuhang panlabas ng mga manggagawang Pilipino ay nakakaapekto sa

kabuhayan ng mga pamahayan dahil sa dami ng mga padalang salapi mula sa mga

manggagawang Pilipino sa ibayong dagat. Pinalago nito ang ekonomiya ng Pilipinas at

pinaunlad ang kabuhayan ng mga miyembro ng pamahayan sa pamamagitan nang pagtaas ng

kanilang kakayahang matustusan ang kanilang iba’t ibang pang araw-araw na pangangailangan.

5
Ang isyu na tinatalakay ng pag-aaral na ito ay kung paano ginagastos ng mga pamahayan ang

mga padalang salapi partikular na sa pagnenegosyo. Ang paglago ng taong-kapital at ideyang

pangnengosyo habang nagtatrabaho sa ibayong dagat ay maaaring magamit para sa pagbuo ng

mga negosyo tulad ng maliliit na tindahan at iba pa. Ang pagnenegosyo ay nakakatulong sa

paglaki ng kita ng pamahayan. Ito ay nagsisilbing insentibo para sa pamahayan upang

magkaroon ng negosyo. Sa pag-gamit ng Qualitative Response Model (QRM), ang pag-aaral na

ito ay sinusukat ang epekto ng pagdami ng padalang salapi sa desisyon ng isang pamahayan na

magnegosyo.Binalangkas ng resulta ang proseso nang pagdedesisyon ng pamahayan tungo sa

produktibong pag-gamit ng mga padalang salapi. Sa halip na gamitin ang mga padalang salapi sa

pagkonsumo lamang, maaari itong gamitin sa pangangapital. Bilang karagdagan, ang mga

pamahayan ay magkakaroon ng ideya ukol sa iba’t ibang paraan kung paano magpalago ng

salapi. Sa kabilang dako, magkakaroon din ang pamahalaan ng ideya kung paano magbigay

suporta sa mga pamahayan sa tamang pag-gamit ng kanilang salapi. Rivera. J. P. (2011). Mga

padalang salapi salik sa pagsulong ng pagnenegosyo ng mga pamahayanang Pilipino.

Sa ating pamayanan hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin maging

pagtaas ng presyo ng langis na nagbubunsod sa pagtaas ng bayarin sa transportasyon. Sa

ganitong sitwasyon na halos walang tigil ang pagtaas ng iba’t-ibang bilihin marami ang mga

nagwewelga upang mapataas ang sahod ng mga mang-gagawa gaya na lamang ng mga operators

at drivers ngunit karamihan sa kanilang mga hinaing ay hindi nabibigyan ng aksyon ngunit sa

kagustuhan ng pagbabago ilan sa mga samahan ay naglulunsad ng welga na nagiging sanhi ng

“strike” o Tigil Pasada na nagkakaroon rin ng malaking epekto sa ating mga commuters dahil

mawawalan tayo ng masasakyan patungo saating ekswelahan maging sa trabaho. Gobyerno ang

6
siyang dalat na gumagawa ng mga aksyon ukol sa mga swesyon na ito gaya nalamang ng

pansamantalang pag alis sa Excise Tax sa gasolina at diesel. (Katigbak,2018)

Itinaas ng Land Transportation Franchising and Regulatory board o ltfrb ang mininum

fare sa mga jeep para sa mga nasa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon na kung saan ito

ay umaabot sa halagang 9 pesos. Ang minimum fare ay itinaas dahil sa mga mungkahi ng mga

tranport group tungkol sa malibis at patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo. Ayon sa SPARK o

Samahan ng Progresibong Kabataan ay hindi naman nakatulong ang pagtaas nito sa mga

pangangailangan ng mga tsuper at operator bagkus mas pinalala lamangng pagtaas ng pamasahe

ang suliranin ng mahihirap. (Pilipino Star Ngayon, 2018)

Habang pabor sa mga tsuper ng jeepney ang pisong pagtaas sa pamasahe, dagdag naman

ito sa suliranin para sa mga pasahero, ayon sa iba’t ibang grupo. Nitong Biyernes ay itinaas ng

Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P9 minimum fare sa mga

jeep para sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon. Itinaas ito kasunod ng pag-aray ng

mga transport group sa mataas na presyo ng krudo. Ngunit sinabi ng Samahan ng Progresibong

Kabataan (SPARK) at ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na pinalalala lamang ng pagtaas ng

pamasahe ang suliranin ng mga mahihirap, habang hindi nito natutuganan ang kinakaharap ng

mga tsuper at operator. Sinisi ang pagtaas ng presyo sa Tax Reform for Acceleration and

Inclusion (TRAIN) law kung saan binaba ang income tax rates ngunit kapalit nito ay mas mataas

na buwis sa krudo. Depensa naman ng mga economic manager ng gobyerno na hindi lamang ang

TRAIN ang tanging rason nito. Philstar (2018) Pagtaas ng pamasahe sa jeep dagdag sa suliranin

ng mahihirap. Pilipino Star Ngayon.

7
Ayon sa pahayagang Pilipino Star Ngayon (2016), tumaas man o bumaba ang presyo ng

langis ay meron at meron parin itong mabutu at masamang epekto. Isa ngang mabuting epekto ng

mababang presyo ng krudo ay ang paggamit ng mga tao ng sasakyan kung kaya't magreresulta

ito ng pagbili ng mga tao ng maraming sasakyan na makatutulong sa ekonomiya ngunit kapalit

din nito ay ang inaasahang matinding trapiko. May epekto rin ang murang langis para sa mga

OFW na nagtatrabaho sa Middle East. Kapag mababa ang presyo ng langis ay naaapektuhan nito

nang husto ang ekonomiya ng Middle East, ang bansang pinagkukunan natin ng langis, dahil

hihina ang ekononomiya neto na magreresulta naman ng unti unting kawalan ng trabaho ng mga

OFW.

Nararapat na maunawaan ng mamamayan ang Sektor ng Transportasyon sa pagtaas ng

pamasahe sa pampasaherong jeep. Ito ang pahayag ni Rodolfo “RJ” Javellana Jr. Pangulo ng

United Filipino Consumers & Commuters ukol sa pisong pagtaas ng pamasahe sa mga jeep sa

National Capital Region, Region 3 at 4. “Ito ay isang malungkot na balita sa ating mananakay

subalit dapat din nating maintindihan ang sektor ng transportasyon bakit po nila ito hiniling.”

pahayag ni Javellana sa Radio Veritas. Ayon kay Javellana, malaki ang naging epekto ng

ipinatupad ng pamahalaan sa reporma ng pagbubuwis o ang Tax Reform for Accelaration and

Inclusion (TRAIN) Law dahil nagdulot ito ng paggalaw hindi lamang sa presyo ng produktong

petrolyo kundi maging sa mga spare parts ng mga sasakyan. Dahil dito, napilitan ang Land

Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubahan ang kahilingan ng

transport group na magtaas ng pamasahe upang makatulong na rin sa mga tsuper.

Naniniwala si Javellana na lahat ng mamamayan sa bansa ang natamaan sa epekto ng

TRAIN Law lalo na ang mga walang hanapbuhay at maralita. Samantala, ipinaliwanag naman ni

Efren De Luna, pangulo ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) na ang

8
kahilingang taas pasahe ay epekto na rin sa halos wala nang kinikita ang mga jeepney driver.

Sinabi ni De Luna na sa karaniwang 300 pasahero ng mga jeep araw-araw 30-porsiyento dito

ibinabawas para sa 20-porsiyento na diskwento sa mga senior citizens, estudyante at mga taong

may kapansanan. Nakadadagdag din dito ang matinding pagsikip ng daloy ng trapiko sa mga

lansangan partikular sa Metro Manila na siyang dahilan para mabawasan ang biyahe ng mga jeep

sa isang araw. Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika dapat na idinadaan sa

mapayapang pakikipag-usap ng Pamahalaan lalo na sa mga usaping sumasakop sa mga sektor na

pangunahing maapektuhan ng bagong programa. (Dequia, 2018)

Hihirit ang mga transport group na gawing P12 ang pamasahe sa jeep bilang tugon sa

ikapitong sunod na linggo nitong sa Martes, Setyembre 25, 2018, na may oil price hike. Nasa

P60 na ngayon ang presyo ng kada litro ng gasolina, P47 naman ang diesel dahil sa sunod-sunod

na dagdag-presyo sa petrolyo. Hindi pa ito ang katapusan ng pag-akyat ng presyo dahil meron na

namang pagtataas bukas. Nitong Lunes, nag-anunsiyo na ang mga kompanya ng langis ng P0.40

na dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina, P0.20 naman sa kanilang kada litro ng diesel, at

P0.15 sa kada litro ng kerosene. Ito na ang ikapitong linggong may oil price hike na kung

susumahin ay aabot na sa mahigit P3 na patong sa presyo ng diesel at gasolina. Kaya hirit ng

mga transport group, pasensiya na raw sa mga pasahero pero panahon na para gawing P12 mula

sa kasalukyang P9 ang minimum na pasahe sa jeep. Pero ang ilang drayber, hindi pabor sa

paghingi ng dagdag-pasahe. (ABS-CBN News, 2018)

Ang pagtaas ng presyo ng petroleum products ang dahilan kaya maraming pangunahing

bilihin ang nagtaas ng kanilang presyo. Ang masaklap ang mga negosyante ay naging gahaman

na at hindi na nila sinusunod ang suggested retail price ng mga produkto. Kaya ang utos ni

President Duterte, arestuhin ang mga gahamang negosyante.

9
Ayon sa latest Pulse Asia survey, siyam sa 10 Pinoy ang apektado sa pagtaas ng mga

pangunahing bilihin sa loob ng nakalipas na tatlong buwan. Marami nang produkto ang tumaas

sa kabila na may SRP na sinusunod mula sa Department of Trade and Industry. Nagsimulang

tumaas ang mga pangunahing bilihin noong Enero. Kabilang sa mga pangunahing bilihin na

tumaas ang presyo ay ang bigas, asukal, gatas, de-latang pagkain, gamot, singil sa kuryente at

cellphone load.

Ang walang tigil na pagtaas ng petroleum products ay sumabay naman sa pagpapatupad

ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Kaya may mga nagmumungkahing

suspendihin ang TRAIN Law para raw gumaan ang pasanin ng mamamayan. Pero sabi ng mga

nagsulong nito, masisira ang mga pinupondohang proyekto ng gobyerno. Isa sa mga pinag-

aaralan ay ang pag-aalis ng excise taxes sa petroleum products. Sabi ng Malacañang, pinag-

aaralan na ang mungkahing ito.

Kung ang pag-aalis sa tax sa petroleum products ang makakatulong para mapababa ang

presyo, gawin ito. Hindi na dapat pang pahirapan ang mamamayan sa mataas na presyo ng

bilihin. Lalo pang aaray ang mamamayan kapag humirit ng taas sa pamasahe ang mga

pampublikong sasakyan gaya ng jeepney at bus. At lalong masisira ang bait ng mga magulang na

nagbabadyet kapag tumaas ang singil sa tubig at kuryente. Idagdag pa ang papalapit na pasukan

kung saan kailangang ibili ng uniporme, notebook, lapis at iba pang school supplies ang mga

bata.

10
IKALAWANG KABANATA

METODOLOHIYA

Sa kabanatang pangmetodolohiya makikita ang paliwanag tungkol sa "strategy" o

tinatawag na paraan ng pagsulat. Ang susunod na bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik bago

ang paglaganap ng mga datos sa pamamagitan ng interbyu o sarbey ay pagbubuo ng

pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga yunit at konseptop ng pagpili ng ankop na

metodong gagamitin, mga ipapanayam at paraan ng pangangalap ng mga datos sa isang

matalinong paraan, kaakibat din nito ang pagsukat sa usapin ng balidad at reyalididad at ang mga

pamamaraanng ginait upang makita ang kahusayan ng pananaliksik.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng isang deskriptibong metodolihiya. Ang

napiling uri ng deskriptibong pananaliksik ay ang "Descriptive Survey Research Design" kung

saan ang mga mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan o ang "survey questionnaire" para

makalikom ng mga kinakailangan na datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang

nararapat at angkop na disenyong gamitin upang mas mapadali ang pagkuha ng datos mula sa

sampung respondeng napili. Mayroon na sampu na bilang na tagasagot sa mga talatanungan na

mga mag-aaral mula sa pribadong paraalan na kung saan mas maipapakita gamit ang "survey

questionnaire" upang mas ipakita epekto ng pagtaas ng pamasahe. Lubos na nauunawaan ng mga

11
mananaliksik na nagbabagay sa pananaliksik na ito kung saan maaari ang pakikipagpanayam

upang makatulong sa pagkalap ng mga impormasyon at datos.

Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga respondante sa

loob ng buong Unibersidad ng New Era. Ito ay may kinalaman lamang sa mga saloloobin,

istorya at mga ideya ng mga ika-labing isang baitang ng ABM sa paaralan ng New Era. Ngunit

ang mga lalabas na resulta ng pag-aaral ay hindi nalalayo sa mga resultang malalakap sa ibang

unibersidad. Nais makabuo ng mga mananaliksik ng respondante mula sa pribadong paaralan ng

New Era University upang makuha ang kabuuang bilang na 10 upang maisakatuparan ang aming

pananaliksik.

B. Mga Tagatugon ng Pag-aaral

Dahil limitado sa oras, ang magiging respondent o tagatugon sa pag-aaral ng mga

mananaliksik ay ang mga estudyante sa ilalim ng mga pangkat ng ABM sa loob ng New Era

University na nagkokomyut at posibleng sumasakay sa pampasaherong dyip. Ang mga may

karanasan o kaligiran sa pagkokomyut ay kwalipikadong masarbey o makapanayam para sa pag-

aaral ng mga mananaliksik. Mayroong sampung (10) respondente na napili ang mga

mananaliksik upang sagutan ang kwestiyoneyr na nabuo.

12
C. Kinapapanayam/ Mga Kinapayaman

Pangangalap ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Naghanda ng mga

tanong ang mga mananaliksik na naglalayong makalikom ng kaukulang sagot sa mga iba’t-ibang

sitwasyon. Ito ang pinakatiyak na paraan ng paglikom ng impormasyon ng mga mananaliksik.

Dahil dito mas malinaw ay binase ito sa mga aktuwal na karanasan ng mga istudyante. Hindi

lang sa mga kwestiyoneyr kumuha ng impormasyon at mga nararapat na datos ang mga

mananaliksik. Nangalap din ng impormasyon ang mga mananaliksik na makakatulong sa

kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng mga artikulo na mahahanap sa internet.

13
IKATLONG KABANATA

Paglalahad ng Datos at Interpratasyon

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na tumugon

sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Batay sa isinagawang

pag-aaral na may paksang “Epekto ng dagdag pamasahe ng dyip sa mga ika-11 baitang na

mag-aaral ng ABM strand ng Unibersidad ng New Era” ang mga sumusunod ay

presentasyon ng mga datos na nakalap:

Ang bawat talahanayan ay nagsasaad ng bilang ng mga tugon o bawat saloobin ng bawat

respondente ayon sa isinagawang kwestiyoneyr. Nakasaad din ang porsyentong nakamit ng

bawat tugon.

1. Saan kumukuha ng pamasahe ang mga respondenteng sumasakay sa dyip?

Tugon Bilang ng mga Tugon Porsyento

Magulang 10 100%

Iba pang pagkukunan 0 0%

Mula sa napagkuhanang datos mula sa talahanayan sa itaas, tinutukoy nito na halos

karamihan ng mga estudyante ay nakakakuha ng pangbayad ng pamasahe sa dyip mula sa

kanilang mga magulang na nagpapahayag lang na wala sa aming mga respondente ang “working

student” o mga estudyanteng nag-aaral habang may trabaho.

14
2. May kamalayan ba ang mga respondente sa dagdag pamasahe na ipinapataw sa mga

pampublikong sasakyan?

Tugon Bilang ng mga Tugon Porsyento

Oo 10 100%

Hindi 0 0%

Ang ipinapahayag ng talahanayan sa itaas ay mula sa napagkuhanang datos, halos

karamihan ng mga respondente ay may kamalayan sa pabago bagong singil ng mga drayber sa

dyip. Mahihinuha mula sa datos na kaya sila may kamalayan sapagkat lagi silang sumasakay ng

pampbulikong sasakyan na dyip.

3. Anong mga positibong epekto ng dagdag singil ng mga dyip?

Tugon Bilang ng mga Tugon Porsyento

Dagdag kita ng mga drayber 5 50%

Walang positibong epekto 5 50%

Pinapakita ng mga datos sa talahanayan sa itaas na nakakakita ng mga positibong epekto

ang kalahating bilang ng aming mga respondente. Ang nakita nilang positibong epekto ng

dagdag singil ng mga dyip ay dagdag kita ng mga drayber. Mahihinuha dito na kalahati ng aming

respondente ay may kilalang naghahanap buhay na mga drayber kaya nila nasabi ang positibong

epekto na ito.

4. Anong mga negatibong epekto ng dagdag singil ng mga dyip?

15
Tugon Bilang ng mga Tugon Porsyento

Nagdudulot ng sirang 8 80%

pagbabadyet

Pagiging abusado ng mga 1 10%

drayber ukol sa diskwento

Pipiliing maglakad na lamang 1 10%

kaysa sumakay

Mula sa mga datos sa talahanayan sa itaas, maraming nakitang mga negatibong salik na

dahilan ng pagtaas ng pamasahe sa dyip. Karamihan sa mga opinyon ng mga respondente,

nagdudulot ng sirang pagbabadyet ang pagtaas ng pamasahe sa dyip. Ito ay dahil na rin siguro sa

hindi nagbabagong baon ng mga estudyante na kontradikta naman sa tumataas na pamasahe sa

dyip. Isa pang nakikitaang negatibong dulot ay ang pagiging abusado ng mga drayber ukol sa

diskwento dahil ang ilang drayber ay binabalewala na lamang ang “discount” ng mga PWD,

Senior citizen, at mga estudyante upang madagdagan ang kita nila. Huli ay ang pagpili ng mga

estudyante na maglakad kaysa sumakay. Ito ay pwedeng maging negatibong epekto dahil

mawawalan ng mga pasahero ang mga dyip at pwede ring maging positibong epekto dahil

makakadagdag naman ito ng positibong epekto sa kalusugan ng mga estudyante.

16
IKA-APAT NA KABANTA

Lagom, Kongklusyon, Rekomendasyon

A. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa layuning madetermina ang epekto positibo man o

negatibo ukol sa pagataas ng pamasahe ng pampublikong sasakyan na dyip. Ang ginamit na

pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptib at normatib na sarbey naman ang teknik na ginamit sa

pangangalap ng datos at impormasyon. Nagdisenyo ang mga mananaliksik ng kwestyoneyr na

ginamit na instrumento sa pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente. Ang pag-aaral

na ito ay isinagawa sa taong-akademiko 2018-2019.

Sa sampung (10) respondenteng estudyante mula sa ika-11 baitang ng strand ng ABM na

sumasakay ng pampublikong sasakyan na dyip napag-alamang lahat (100%) ay nakakukuha ng

pambayad ng pamasahe sa dyip mula sa kanilang mga magulang at isandaang porsyento (100%)

ay may kamalayan sa pabago bagong singil ng mga drayber sa dyip. Kalahating porsyento (50%)

naman ang nakakita ng positibong epekto ng pagtaas ng pamasahe ng pampublikong sasakyang

dyip bilang dagdag kita ng mga drayber. Walumpung porsyento (80%) ang naniniwalang

nagdudulot ng sirang pagbabadyet ang pagtaas ng pamasahe ng pampublikong sasakyan na dyip.

Sampung porsyento (10%) naman ang nagsasabi na nagiging abusado ang mga drayber ukol sa

diskwento ng mga PWD, Senior Citizen at estudyante.

17
B. Konklusyon

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na konklusyon:

1. Halos lahat ng estudyante ay sa mga magulang lamang kumukuha ng kanilang pamasahe. Ito

ay nagpapatunay na halos lahat sa kanila ay hindi pa marunong maghanap ng buhay. May mga

estudyante na mas pinipili at gugustuhin na lamang maglakad kung patuloy pa rin ang pagtaas ng

presyo ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

2. Ang positibong epekto ng pagtaas ng pamasahe ng dyip ay ang karagdagang kita ng mga

pumapasaherong drayber ng dyip.

3. Ang negatibong epekto ng pagtaas ng pamasahe ay ang sirang pagbabadyet ng mga estudyante

na minsan ay nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Hindi tumataas ang kanilang mga baon na

sumasalungat sa pagtaas ng gastusin nila.

4. Isa pang negatibong epekto nito ay ang pagiging abusado ng ilang mga drayber ng dyip na

kung minsan ay hindi na sinusuklian ng nararapat ang ilang estudyante kahit na may “discount”

pa sila. Kadalasan din ay binabalewala na lamang ang “discount” ng mga PWD.

5. Ang positibo at negatibong epekto naman ng pagtaas ng pamasahe sa pampublikong sasakyan

ay ang pagpili ng mga estudyante na maglakad na lamang upang makatipid kung kaya ay

mawawalan ng pasahero ang mga dyip ngunit ang paglalakad na ito ay maaaring madulot ng

magandang epekto sa kanilang kalusugan dahil ito na rin ay isang paraan ng ehersisyo.

18
C. Rekomendasyon

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong- pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga

mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal pangkat, tanggapan o institusyon ang mga

sumusunod na rekomendasyon:

1.Para sa mga estudyante ng Unibersidad ng New Era, dapat may kamalayan sa mga karapatan

tulad na lamang ng "discount" na maaaring gamitin kapag sumasakay sa mga pampublikong

sasakyan upang makabawas sa mataas na presyo ng pamasahe at makatipid;

2. Maging maalam sa mga balita tungkol sa mga presyo ng pamasahe sa mga pampublikong

sasakyan upang di manduruga ng mga sinasakyan natin di lang sa drayber ng dyip at sa iba pa.

3. Bilang estudyante, marapat lamang na maging wais sa pagbabadyet ng alawans/pamasahe para

sa pang araw araw na pagkokomyut.

4. Sa araw-araw na pagpasok sa eskwelahan ay magdala lamang ng sapat na salapi at ipunin ang

natitira upang makatipid at magamit pa sa ibang bagay.

5. Gumawa ng isang listahan ng ginagastos na pamasahe sa araw-araw para malaman kung

magkano ba ang nagagastos sa isang linggo.

19
TALAAN NG NILALAMAN

UNANG KABANATA

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

A. Tesis ng Pangungusap……………………………………………………………………….....1

B. Rasyonal……………………………………………………………………………………...1-2

C. Layunin…………………………………………………………………………………………2

D. Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………………………...3

E. Delimitasyon at Limitasyon……………………………………………………………………3

F.Inaasahang Awtput……………………………………………………………………………...4

G. Konseptuwal na Balangkas…………………………………………………………………….4

H. Depinisyon ng mga Termino…………………………………………………………………...5

I. Mga kaugnay sa Pagaaral……………………………………………………………………5-10

IKALAWANG KABANATA

METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………………………..11-12

B. Mga Tagatugon ng Pag-aaral…………………………………………………………………12

C. Kinapapanayam/Mga Kinapanayam……………………………………………………….....13

20
IKATLONG KABANATA

Paglalahad ng Datos at Interpretasyon……………………………………………………….14-16

IKA-APAT NA KABANATA

A. Lagom………………………………………………………………………………………...17

B. Konklusyon…………………………………………………………………………………...18

C. Rekomendasyon…………………………………………………………………....................19

21
APENDIKS

Pangalan:

Kasarian:

Seksyon:

Edad:

1. Sumasakay k aba ng papmpublikong sasakyan na dyip? Oo Hindi

2. Gaano ka kadalas sumakay ng dyip?

3. Saan ka kumukuha ng iyong pamasahe?

4. May kamalayan ka ba sa dagdagan pamasahe na pinapataw sa mga pampublikong sasakyan


katulad ng dyip? Oo Hindi

5. Nagbago ba ang iyong pagbabadyet para sa pamasahe? Oo Hindi

6. May positibo bang epekto ang pagtaas ng pamasahe ng dyip? Oo Hindi

7. Base sa kasagutan mo sa bilang 6, kung oo, ibigay mo ang iyong pananaw.

8. Ano, para sayo, ang mga negatibong epekto ng mataas na pasahe ng mga pampublikong
sasakyan?

9. Ano ang iyong mairerekomenda na solusyon para mabawasan ang mga negatibong epekto na
dulot ng pagtaas ng paamasahe sad

22
Pangalan: Hilary Odinada

Petsa ng Kapanganakan: Pebrero 11,2002

Katayuang sibil: Single

Tirahan: #85 Samonte Street Brgy. Holy Spirit Diliman Quezon City

Numero: 09214467329

KALIGIRANG PANG-EDUKASYON

Senior High School: New Era University

9 Cantral Ave., New Era, Quezon City, 1107 Metro Manila

Sekondarya: Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (2014-2018)

Elementarya: Old Balara Elementary School (2013-2014)

PMF Elizabeth Academy (2009-2013)

23
Pangalan: Shania Mae V. Delos Santos

Petsa ng Kapanganakan: May 06, 2002

Katayuang sibil: Single

Tirahan: #04 Nicanor Abelardo Street, Dona Rosario Subdivision,

Brg. Nova Proper, Novaliches Quezon City.

Numero: 09495669018

KALIGIRANG PANG-EDUKASYON

Senior High School: New Era University

9 Central Ave., New Era, Quezon City,1107 Metro Manila

Sekondarya: Grace Montessori Novaliches Quezon City

Dona Rosario Novaliches Quezon City (2014-2018)

Elementarya: Villa Verde Elementary School Villa Verde

Jordan Plains Novaliches Quezon City (2008-2014)

24
Pangalan: Jan Kristoffer B. Isip

Petsa ng Kapanganakan: Disyembre 08, 2001

Katayuang Sibil: Single

Tirahan: 009 St. Vincent Street, Damong Maliit Rd., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novlaiches,
Quezon City

Numero : 09982256776

KALIGIRANG PANG-EDUKASYON

Senior High School:New Era University

9 Central Ave., New Era, Quezon City,1107 Metro Manila

Sekondarya: Grace Montessori School of Novaliches (2014-2018)

Elementarya: Bloomridge Integrated School (2008-2014)

25
Pangalan:Joerj Martina R. San Diego

Petsa ng kapanganakan:August 30,2002

Katayuang sibil:Single

Tirahan: #12 Concepcion St. Sta.Ana San Mateo,Rizal

Numero: 09456154410

KALIGIRANG PANG-EDUKASYON

Senior High School: New Era University

9 Central Ave., New Era, Quezon City,1107 Metro Manila

Sekondarya: Eastern Star Academy

Elementarya: San Mateo Elementary School

26
Pangalan: Chryzalyn Marie B. Macalincag

Petsa ng kapanganakan: November 20, 2000

Katayuang sibil: Single

Petsa ng kapanganakan: 79 A Urbano Street Philand Brgy. Pasong Tamo, Quezon City

Numero: 09463423778

KALIGIRANG PANG-EDUKASYON

Senior High School: New Era University

9 Central Ave., New Era, Quezon City, 1107 Metro Manila

Sekondarya: Culiat High School

441 Tandang Sora Ave, Quezon City, 1128 Metro Manila

Elementarya: Pasong Tamo Elemantary School

Tandang Sora Ave, Quezon City, Metro Manila

27
Pangalan: Beau Steffi Joven

Petsa ng kapanganakan: Ika-23 ng Septyembre 2002

Katayuang sibil: Single

Tirahan: 34 A Senatorial Road Batasan Hills Quezon City

Numero: 09155184838/09566578931

KALIGIRANG PANG-EDUKASYON

Senior High School: New Era University

9 Central Ave., New Era, Quezon City,1107 Metro Manila

Sekondarya: Batasan Hills National High School

IBP Road, Batasan Hills, 1126 Quezon City, Philippines

Elementarya: Lois Charity Learning Center

47 Presidential Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126

28
Pangalan: Jerrold C. Regay

Petsa ng kapanganakan: Ika-5 ng Agosto 2001

Katayuang Sibil: Single

Address: Blk 3b Lot 18 Mahogany St. Zabarte rd. Camarin Caloocan City

Numero: 09973659181

KALIGIRANG PANG-EDUKASYON

Senior High School: New Era University

9 Central Ave., New Era, Quezon City,1107 Metro Manila

Sekondarya: Divine Grace School Quezon City, Philippines

Elementarya: Divine Grace School Quezon City, Philippines

29
Pangalan: John Abraham Siote

Petsa ng kapanganakan: Enero 16 2002

Katayuang sibil: Single

Address: Blk 7 Lot 1 Queenstown Heights 2 Barangay San Isidro Antipolo City

Numero: 09338624951

KALIGIRANG PANG-EDUKASYON

Senior High School: New Era University

9 Central Ave., New Era, Quezon City,1107 Metro Manila

Sekondarya: Sumulong Memorial High School

Elementarya: St. Clare Montessori School

30
New Era University

No. 9 Central Avenue, New Era, Quezon City

INTEGRATED SCHOOL

“Epekto ng dagdag pamasahe ng dyip sa mga ika-11 baitang na mag-aaral ng ABM strand
ng Unibersidad ng New Era”

Isang Pananaliksik na hinarap kayGng. Norcia Sartin

Ng New Era University, Main-Campus, Quezon City

Bilang bahagi ng PagtupadSa Pangangailangan ng Kursong

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang teksto Tungo sa Pananaliksik

Odinada, Hilary
Regay, Jerrold
Nisola, Jeremy
Joven, Beau Steffi
Isip, Jan Krsitoffer
Delos Santos, Shania Mae
Macalincag, Chryzalyn Marie
Siote, John Abraham
San Diego, Martina Joerj
Marso, 2019

31
Sanggunian

Dequia, N. (2018). TRAIN law, Dahilan ng pisong pagtaas sa pamasahe. Kinuha sa

https://www.veritas846.ph/train-law-dahilan-ng-pisong-pagtaas-sa-pamasahe-1/?

fbclid=IwAR00lPLoOk35LTDhDaJTJiND1jV84LVBrolMESYUMpuIcrN_3kP-EhUySbw

Dominguez, D. (2018). Hirit na suspindihin ang dagdag pamasahe sa jeep at bus ibinasura ng

LTFRB. Kinuha sa

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fradyo.inquirer.net%2F146408%2Fhirit-na-

suspindihin-ang-dagdag-pamasahe-sa-jeep-at-bus-ibinasura-ng-ltfrb%3Futm_expid

%3D.XqNwTug2W6nwDVUSgFJXed.1%26fbclid

%3DIwAR1jLo5CcW2SAsruvr7maJuZq2a59TFuBZs0Gp-

yIBn3wdH_3T82xNAI8Bw&h=AT38eE7tQg7dd5GG7x3riVmldI0jmXz946-

plcMLFxyX77Pux9xezR1mA7-

LcDoIOGDA1c5IbNU0M6ZPm3W0Vutt8FuGeEqmgNfO00xeCqw_XToqNr8EiCfou8Al-eTU-

cIfFQ

32
Katigbak, T. (2018). Suportado ko ang taas pasahe. Kinuha sa

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/10/21/1861933/suportado-ko-ang-

taas-pasahe?fbclid=IwAR2gZ2hkO9Ln-

mQdQqVFNK9zBtZWvai93VWkfy22jhSWSuV5fGViKyv937I

Rivera, J.P. , & Reyes, P. (2011). Mga padalang salapi bilang salik sa pagsulong ng

pagnenegosyo ng mga pamahayanang Pilipino. Kinuha sa

https://www.researchgate.net/publication/243971898_Mga_padalang_salapi_bilang_salik_sa_pa

gsulong_ng_pagnenegosyo_ng_mga_pamahayanang_Pilipino

Sanchez, K. (2016). May epekto tumaas man o bumaba. Kinuha sa

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2016/01/26/1546717/may-epekto-

tumaas-man-o-bumaba?

fbclid=IwAR1n4aQ3PjnUITC3OiNrolsMxbuhoixP0nidDTdnUJmBNfykr8QhTVdC9KQ

Philstar. (2018). EDITORYAL- Walang tigil na pagtaas ng gasoline. Kinuha sa

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.philstar.com%2Fpang-masa%2Fpunto-

mo%2F2018%2F05%2F28%2F1819329%2FgidxOiH1zWvB3gDu.99%3Ffbclid

%3DIwAR1Xs9iQHSMwQysiC_z_O8v0wBz1VGr5MyuwLqjwif97tHa8NwaJ91Y2f14&h=AT

38eE7tQg7dd5GG7x3riVmldI0jmXz946-plcMLFxyX77Pux9xezR1mA7-

33
LcDoIOGDA1c5IbNU0M6ZPm3W0Vutt8FuGeEqmgNfO00xeCqw_XToqNr8EiCfou8Al-eTU-

cIfFQ

Philstar. (2018). Pagtaas ng pamasahe sa jeep dagdag sa suliranin ng mahihirap. Kinuha sa

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/07/09/1832003/pagtaas-ng-pamasahe-

sa-jeep-dagdag-sa-suliranin-ng-mahihirap?

fbclid=IwAR3GvpcimzfTxO_W6nzx8A451CqrtKyA0EFSxGx6ycRrCmMnCYZcbov8M_s

34

You might also like