Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Baitang 10

WALANG PAGBASA KUNG WALANG PAG -UNAWA

Ano ang kahalagahan ng pagbasa? Kailan masasabing tayo ay marunong bumasa? Sa maikling sabi, ano ang
pagbasa?
Sinasabing walang pagbasa kung walang pang-unawa. Ginagamitan natin nang masusing pag-iisip ang anumang
bagay na nakalimbag o nakatala bago natin ito mabigyan ng kahulugan upang patunayan na ang ating natunghayan o binasa
ay ating nauunawaan. Ang pagbasa ay nangangailangan nang mahusay na pagkilala, pagbibigay interpretasyon, pagkuha at
pang-unawa ng mga ideya at kaisipan mula sa simbolong nakalimbag. Samakatuwid, ang pagbasa ay pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa anumang simbolo o salitang nakalimbag; ngunit isadiwa nating kapag walang pag-unawa ay walang
pagbasa at maaaring pagsasatinig o paggagad lamang sa mga salitang nakatala ang isinasagawa natin at hindi ang pagbasa.
Napakahalaga ng pagbasa sa ating pamumuhay, iba-iba ang dahilan kung bakit tayo nagbabasa. Nagiging sandata
natin ito sa pagdukal ng karunungan, pagpapaunlad sa sarili at pagkuha ng mga impormasyong may kinalaman sa ating
kapaligiran. Sa isang mag-aaral, karaniwan na ang kumalap ng impormasyong may kaugnayan sa kaniyang aralin. Sa ibang
mambabasa, ang pagbabasa ay isang paglilibang upang mapahinga ang pagal na isipang maaaring binabalot ng samo’t saring
suliraning hamon ng buhay.
Ang mga kaalaman na ating natutuhan sa pagbabasa ay patnubay natin sa pansarili at pangkabuhayang kaunlaran.
Nalulutas din ng pagbasa ang mga problemang kailangan ng tiyak at dokumentadong kasagutan. Ang paulit-ulit na pagbasa
ay nakatutulong nang malaki sa paghubog ng ating pagkatao.

MGA KATANUNGAN
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
A. Pagsasalita C. Pagbasa
B. Pag-unawa D. Pagsusulat
2. Ang teksto ay nagsasabing walang pagbasa kung walang ______________.
A. ginagawa C. binabasa
B. pang-unawa D. babasahin
3. Ang pagbabasa ay ginagamitan natin nang ____________ upang mabigyan ng kahulugan ang binasa.
A. masusing pagbabasa C. masusing pagkilala
B. masusing pagpapakahulugan D. masusing pag-iisip
4. Ang mga sumusunod ay kailangan sa pagbasa maliban sa isa. Ano ito?
A. mahusay na pagkilala C. pag-unawa ng mga ideya
B. pagbibigay interpretasyon D. malinaw na mga mata
5. Ito ay pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa anumang simbolo o salitang nakalimbag.
A. Pagsasalita C. Pagsasalita
B. Pagbasa D. Pagsusulat
6. Ang pagbabasa ay nagiging sandata natin sa pagdukal ng karunungan, pagpapaunlad sa sarili at pagkuha
ng mga impormasyong may kinalaman sa ating kapaligiran.
- Ang pangungusap ay nagpapahayag na ang pagbabasa ay _____________________.
A. nararapat C. nakalilibang
B. napakahalaga D. kailangang-kailangan
7. Sa isang mag-aaral, karaniwan na ang kumalap ng impormasyong may kaugnayan sa kaniyang aralin.
- Ang pangungusap ay nagtataglay ng kapakinabangan ng ___________ sa kaniyang pagbabasa.
A. guro C. mag-aaral
B. mambabasa D. Lahat ng nabanggit
8. Ang pagbasa ay pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa anumang simbolo o salitang nakalimbag.
- Ang inilahad ay ang _________________ ng pagbasa.
A. simbolo C. kahulugan
B. kapakinabangan D. tungkulin
9. Sa ibang mambabasa, ang pagbabasa ay isang paglilibang upang mapahinga ang pagal na isipang maaaring
binabalot ng samo’t saring suliraning hamon ng buhay.
- Ang “pagal” ay nangangahulugang _____________.
A. mahina C. pagod
B. mabagal D. pudpod
10. Kailan masasabing tayo ay marunong ng bumasa?
A. Kapag mabilis ng magbasa
B. Kapag malakas magbasa
C. Kapag ginamitan nang masusing pag-iisip ang binasa
D. Lahat ng nabanggit

You might also like