Professional Documents
Culture Documents
Memo Adyenda Katitikan NG Pulong
Memo Adyenda Katitikan NG Pulong
Adyenda
Kahalagahan:
Ito ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. Ito ay ibinabatay sa adyendang
unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon - maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte - maaaring
maikli at tuwiran o detalyado.
Kahalagahan ng Katitikan
Habang nagpupulong
Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.
Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
Tandaan: Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Nagsusulat nito upang
ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng
kalahok.
Pagkatapos ng Pulong
Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanunginagad pagkatapos ng pulong ang
namamahala rito o ang iba pang dumalo.
Repasuhin ang isinulat.
Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa
pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong. -Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa
mga namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon.
Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi ng kopya
sakaling may humilin na repasuhin ito sa hinaharap. -Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung
wasto ang baybay ng salita, bantas, at iba pa.