Masdan Mo Ang Kapaligiran - 4 17 2020 Edited

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Republic of the Philippines Department of Education Region VI– Western Visayas

Schools Division of Roxas City Curriculum Implementation Division LEARNING


RESOURCES MANAGEMENT SECTION Roxas City

Copyright 2020

Section 9 of Presidential Decree no. 9 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of
the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed through the Curriculum implementation division
(CID) of the Schools division of Roxas City. It can be reproduced for educational purposes
and the source must be clearly acknowledged. The material maybe modified for the
purpose of translation into another language but the original work must be acknowledged.
Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a
supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the
copyright is attributed. No work maybe derived from any part of this material for
commercial purposes and profit.

READING MATERIAL FOR GRADE 6


“MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN”

Isinulat ni: Inilarawan ni:


FERCEL A. DE GUZMAN FRITZ J. JUELE

Division Quality Assurance Team Members:


RENITA A. MENIA S. ALVIDERA Jackielyn S. Cabangal, RL
BOCALID EPS, EPS, Edukasyon sa Pagpapakatao Librarian II
Filipino
JOCELYN D. SUNSONA, Ph.D.
Public Schools District Supervisor

Recommended for the use of the Schools Division:


MARVIC S. MARTIREZ, Ph.D.
Chief, Curriculum Implementation Division
FERDINAND S. SY, Ph.D., CESO VI
Assistant Schools Division Superintendent

Approved for the use of the Schools Division:


FELICIANO C. BUENAFE JR., CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Karapatang - ari ng
Departamento ng Edukasyon
Rehiyon VI
Schools Division ng Roxas City

Filipino
Maikling Kwento
(KEY STAGE 2)
2020
PAUNA
Ang aklat na ito ay ginawa para sa
iyo.
Ang nilalaman ng kwentong ito ay nababatay
sa mga gawaing dapat isagawa upang mapanatili
ang kalinisan, kalusugan at pag-iingat sa sarili na
dapat pag-aralan bilang isang bata.
Sana magustuhan mong basahin ito.

Learning Competency for EsP Grade VI

Nagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas


pambansa at pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa
kapaligiran.
(EsP6PPP– IIIf-37)

Ang May Akda


1
Isang araw, masayang gumising si Ana. “Magandang umaga
Tatay.” Ang masayang bati ni Ana sa kanyang Tatay.
“Magandang umaga din sa iyo pinakamamahal kong anak. Sige
maupo ka na at pinaghanda kita ng paborito mong almusal.”Ang
tugon ni Tatay kay Ana.
“Maraming salamat Tatay, kahit wala si nanay dahil nasa ibang
bansa, ay inaalagaan mo ako.” Ang sabi ni Ana sa kanyang Tatay na
nakangiti.
“Anak, gusto mo bang mamasyal tayo? Saan mo ba gustong
mamasyal ngayong sabado ng umaga?”
“Yehey! Talaga tatay? Sobrang saya ko po tay, kasi
makapapasyal na naman tayo at marami na naman akong makikita.
Gusto ko sana tay, doon sa naririnig ko palagi sa aming guro, malinis
daw doon, sariwa ang hangin at maganda ang kapaligiran.”
“At saan naman yon anak,” tanong ng kanyang tatay. “Tatay, sabi
ng guro namin Capiz Bay daw ang tawag
sa lugar na yon,” sagot ni Ana.
“Sige anak, tumayo ka na diyan at magbihis ka na para makaalis
na tayo nang maaga.”

2
3
Nagsimulang maglakad si Ana at ang kanyang Tatay patungong
Capiz Bay. Sa kanilang paglalakad nag –uusap ang mag-ama na may
tuwa sa kanilang mga mukha. Nasasabik na din ang mag-ama na
makita ulit ang lugar na ito.
“Tatay, tingnan mo ang kapaligiran, sobrang gandang
pagmasdan. Luntian ang mga dahon ng puno at mayayabong pa ang
mga ito.”
“Aba! Syempre naman anak, luntian ang dahon ng mga
punongkahoy na yan dahil umulan kagabi. Katulad pa rin pala ng dati,
mayabong pa rin ang mga puno sa daanan papasok at parang halos
walang pinagbago ang lugar na ito.” Ang pagsasariwa ng Tatay sa
lugar at sabay ngiti nito.
“Talaga tay, nakapunta ka na pala dito dati? Sobrang saya ko
tay! Totoo pala ang sinasabi ng guro ko,na papasok ka palang sa
Capiz Bay maganda na ang lugar. Halos wala na ring nakatirang tao
tay, kasi parang kakaiba ito sa lahat na napuntahan natin.” Wika ni
Ana.
“Kaya Ana, dapat nating pangalagaan ang mga lugar na katulad
nito, nang sa ganoon ay meron pa tayong malinis na kapaligiran.”
Ang seryosong bigkas ng Tatay kay Ana.
“Sang-ayon ako sayo Tay!” Sabi ni Ana sa kanyang Tatay.
Nagpatuloy sa paglalakad ang mag-ama at masaya na nag-
uusap.

4
5
Sa kanilang mahabang paglalakad patungo sa lugar na
pupuntahan ay nakarating din ang mag-ama.
“Anak nandito na tayo sa Capiz Bay, sobrang nakahahalina pa
rin ang lugar na ito, naalala ko ang aking kabataan.” Ang natutuwang
sabi ng Tatay.
“Wow! Sobrang ganda tay, ang linaw ng tubig sa dagat at kulay
asul pa sa gitna. Tingnan mo tay, malayang lumilipad ang mga ibon
mula sa matataas na mga puno at may tumatalon pa na mga isda sa
dagat.” Wika ni Ana sa kanyang Tatay habang nawiwili sa mga
nakikita niya sa paligid.
“Masaya ako na masaya ka Anak. Ang mga ibon na yan ay
katulad din sa ating mga tao malaya silang namumuhay at natatamasa
ang mga biyayang binibigay ni Inang kalikasan. Sila din ang
tumutulong sa pag balanse ng ating kapaligiran.” Ang matalinong
pagpapaalala ng Tatay.
“Opo tay, yan din ang sabi ng aking guro at itunuturo niya sa
amin. Kailangan daw nating sundin ang mga nakatalagang batas at
kautusan para patuloy na mapangalagaan natin ang ating Inang
kalikasan. Kinakailangan din natin na makiisa sa mga gawain na
nagpapakita ng pagmamahal sa ating paligid katulad ng pagtatanim ng
mga puno at huwag hulihin ang maliliit na isda sa dagat.” Salitang
mula kay Ana, na kinagulat ng Tatay nito na sa murang edad ay alam
na ang mga dapat gawin upang ma protektahan ang kalikasan.

6
7
Nagpatuloy ang paglakad ng mag-ama sa dalampasigan at
nakarating ito sa itaas na bahagi ng Capiz Bay. Dito makikita ang
maraming mga bulaklak at mga hayop na malayang naninirahan sa
lugar na ito. Napahinto ang mag-ama habang pinagmamasdan ang
kalikasan.
“Ana, tama kanina ang lahat ng iyong mga sinabi at binabati kita
dahil nakikinig ka nang mabuti sa iyong guro. Sang-ayon din ako sa iyo
na kinakailangang sundin ang batas na itinalaga ng pamahalaan natin sa
pangagalaga ng kalikasan.” Isang positibong pagsang-ayon ng Tatay.
“Syempre naman tay, nakikinig ako sa aming guro dahil gusto
ko maging isang sikat na Abogado balang araw para maipaglaban at
maproteksyonan ko ang ating kalikasan. Gagawa ako tay ng
maraming batas, nang sa ganoon walang magtangkang wasakin ito.”
Pagmamalaki na sinabi ni Ana sa kanyang Tatay.
“Sige anak, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo at sa iyong
ambisyon.” Maluha-luhang sabi ni Tatay kay Ana.
“Tay, maihahambing ko ang lugar na ito sa isang paraiso.
Payapa at malayo sa polusyon katulad ng usok na lumalabas sa mga
tambutso ng mga sasakyan. Ang dahan-dahang pagkasabi ni Ana.
“Ana, isa itong paraiso sa lupa na regalo sa atin ng Maykapal
kaya tutulong tayong ingatan ito.

8
9
At nagpasya ang mag-ama na umuwi na mula sa napuntahang
kapaligiran na paraiso nila kung ituring.
“Anak, pangako ko sa iyo na babalik tayo sa lugar na ito kasama
ang iyong Ina na nasa ibang bansa. Nangungulila na ako sa kanya,
mabuti na lamang at nandito ka sa tabi ko.” Sabi ng ama sa Anak.
“Opo Tatay, para akong nanaginip na ayaw ko nang magising.
Sariwa ang hangin, maamoy mo ang bango ng bulaklak, maririnig mo
ang huni ng mga hayop at lagaslas ng tubig mula sa dalampasigan.”
Ganoon nalang ang pagkalarawan ni Ana sa kanyang nakita.
Umuwi ang mag-ama na masaya at si Ana ay may bagong
kaalaman na pwedeng ibahagi sa mga kaklase sa paaralan.

WAKAS……...

10
Mga Tanong

1. Sino ang bata sa kuwento?

2. Sino ang kasama ni Ana sa kanyang pamamasyal?

3. Anong lugar ang gustong puntahan ni Ana?

4. Ano–ano ang mga nakita ni Ana sa lugar na pinuntahan nila?

5. Ano ang dahilan kung bakit mala-paraiso ang lugar na kanilang


pinuntahan?

6. Kung ikaw si Ana, magiging masaya ka rin ba sa pinuntahan


nilang lugar? Bakit?

7. Dapat bang protektahan laban sa mapang- abusong mga tao ang


ating kapaligiran? Bakit?

8. Sa inyong palagay tama ba lahat ang mga sinabi ni Ana sa


kanyang ama? Bakit?

9. Paano mo maipakita ang matalinong pangangalaga ng ating


kapaligiran?

10. Kung ikaw si Ana, susundin mo rin ba ang mga nakatalagang


batas at kautusan para maipagtuloy na mapangalagaan ang ating
Inang kalikasan? Pangatwiranan.
11.

You might also like