Professional Documents
Culture Documents
Fil All-Topics
Fil All-Topics
Fil All-Topics
Kahulugan
- Isang proseso ng patuluyang paglikha, paglalahad gayundin naman ng paghahatid ng
mensahe makabuluhan man o hindi gamit ang nakagawiang simbolikong aksyon ng tao.
Sangkap ng Komunikasyon
- Mensahe (Tumutukoy naman ito sa impormasyong nais ipahatid ng pinanggagalingan
ng mensahe)
- Tagahatid ng mensahe (Ito ang pinagmumulang ng mensahe or tagagawa ng mensahe)
- Tagatanggap ng mensahe (Ito ang tumatanggap ng mensaheng hatid ng tagapaghatid
ng mensahe)
- Tsanel (Nagsisilbing daanan ng mensahe patungo sa tagatanggap nito)
- Feedback (Ito ay tumutukoy sa tugon ng tagatanggap mula sa mensaheng hatid ng
tagahatid ng mensahe)
- Hadlang (anumang bagay o pangyayari na maaaring makapagpabago ng kahulugan ng
isang usapan)
Uri ng Komunikasyon
- Interpersonal - Nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o maliliit na grupo
- Intrapersonal - Pansariling komunikasyon
- Pampubliko - Malaking bilang ng mga tao
- Machine-Assisted - Paggamit ng anumang uri ng teknolohiya
Anyo ng Komunikasyon
- Berbal (Paggamit ng salita)
- Di Berbal (Gumagamit ng kilos)
- Oculesics (Gamit ng mata)
- Haptics (Gamit ang paghaplos)
- Kinesics (Gamit ang galaw ng katawan)
- Objectics (Gumagamit ng bagay)
- Olfactorics (Pang-amoy)
- Colorics (Kulay)
- Pictics (Facial Expression)
- Iconics (Gamit ang mga simbolong kilala na Icons)
- Chronemics (Oryentasyon sa oras o panahon)
- Vocalis (Tunog na nalilikha ng tao)
- Proxemics (DIstansiya)
Wika
- Sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.
- Kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad
- Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit mga taong kabilang sa isang kultura.
Ng Wika
“Nais o gusto “Gawin mo “Ikaw at ako” “Ito ako e!” “Sige, “May sasabihin
ko” kung ano ang Kunwari ako sa iyo”
sinasabi ko” ganito”
KASAYSAYAN NG WIKA
Paggamit ng Katinig
● Sa pagsulat ng Baybayin, Ang Bawat Titik ay Katumbas ng Isang Pantig.
● Ang bawat titik na katinig (consonant letter) ay isang pantig na may kasamang patinig
Paggamit ng Patinig
● Madaling makita na kung may pantig na walang katinig, wala itong titik na malalagyan
ng isang kudlit. Kaya, ang dapat gamitin ay isang titik na patinig. Ang mga titik na ito ay
hindi nilalagyan ng anumang kudlit.
Ang Simbolong D
● Isa lamang ang titik ng mga Tagalog para sa da at ra. Ang pagbigkas nito ay ibinatay sa
kinalalagyan ng titik sa loob ng isang salita. Nananatili pa rin ang patakaran sa
kasalukuyang wikang Filipino na kapag ang d ay napagitna sa dalawang patinig, ito ay
karaniwang ipagpapalit sa r.
Ang Simbolong N
● Sa kasalukuyang wikang Filipino, ang ng ay itinuturing na iisang titik ngunit dalawang
titik ang kailangan upang maisulat ito, ang n at ang g.
TANDAAN
Kung ano ang pagbasa, gayon ang pagbaybay, ganon rin ang pagsulat.
PANAHON NG KASTILA
● Nagkaroon ng malaking epekto sa palikipagtalastasan sa mga katutubo ang paghahan
ng pamayanan
● Ang mga misyonerong espanyol mismo ang nag-aral og mga wikang katurbo:
● Nagtatag ang Elari ng Espanya ng mga paaralang magruturo ng wikang Kastila. sa miga
Pilipino ngunit ito ay tinutular ng miga prayle.
● Nagsulat ang mga prayle ng mga diksyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo at
kumpesyonal.
● Maraming mga kautusan at dekrito na iniutos ng Hari ng Espanya Carlos I at
Gobernador Heneral Felipe II na ituro ang wikang Kastila sa katutubo subalit hindi ito
nasusunod ng mga prayle.
● Sa pagpasok ng impluwensiya ng kulturang Kastila, ang kultura ng mga katurubo ay
naglaho kasama ang Baybayin na pinalitang ng alpaberong Romano na ABECEDARIO.
PANAHON NG PROPAGANDA
● Nagkaroon ang mga propagandista ng kilusan noong 1872 na siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik.
● Sa pagbigay ng tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora,
sumiklab ang politikal at literaturang paghihimagsik ng mga Pilipino at tuluyang
tinutuligsa ang mga Espanyol mula sa relihiyong akda tungo sa pantanghalang
● Maraming akda ang naisulat ng propagandista sa wikang Espanyol at wikang Tagalog:
Kabilang sa kanila sina Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, at
Jose Rizal.
Andres Bonifacio
● Siya ang nagtatag ng Katipunan, wikang Tagalog ang ginagamit nila sa mga kautusan at
pahayagan. Ito ang unang hakbang sa pagtataguyod ng wika.
Emilio Aguinaldo
● 1897 - ang pagkatatag ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato na nagsasaad na "Ang
wikang Tagalog ang siyang magiging opsival na wika ng mga Pilipino.
● Sa pagtatag ng Unang Republika kung saan Isinasaad sa konstitusyonal na ang
paggamit ng wikang Tagalog ay opsyonal. Sa mga nangangailangan lamang ng wikang
Tagalog ito gagamitin. Ang pamamayani ng mga Mustrado sa Asembleyang
Konstitusyonal ang naging pangunahing dahilan nito.
PANAHON NG AMERIKANO
● Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon sa pagnanais na
maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan
● Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles na kinilala sa
tawag na Thomasites.
PANAHON NG PAMAHALAANG KOMONWELT
● Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XTV - "Ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
Balarilang Tagalog
● Nang maitalaga naman ang Tagalog bilang wikang Pambansa, binuo naman ni Lope K.
Santos (Lope C. Santos sa totoo) ang balarila (gramatika) ng wikang Tagalog kaya
naman sya ang hinirang na Ama ng Balarilang Tagalog.
Mga Kaganapan
● Naganap noong 1942 - 1945.
● Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles sa bisa ng Order Militar Blg. 2.
● Ipinagamit ang wikang Nihonggo bilang wikang panturo.
● Ipinagamit din ang wikang Tagalog sa mamamayan.
Konstitusyon ng 1943
● Nakasaad na "ang Pamahalaan at magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika.
PANAHON NG PAGSASARILI
● Noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay
sa Batas Komonwelt Bilang 570.
Proklamasyon Bilang 12
● Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 12 na nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay noong Marso 26, 1954, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa.
● Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong
Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsang Linggong Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong
Manuel L. Quezon (Agosto 19).
PANAHON NG KASALUKUYAN
● Proklamasyon Blg. 19 (Agosto 12, 1986)
● Kautusang tagapagtaganap Blg. 117 (Enero 1987)
● Salitang Batas 1987
SEKSYON 6
● Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
● Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
SEKSYON 7
● Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
● Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.Dapat itaguyod ng kusa at
opsyonal ang Kastila at Arabic,
SEKSYON 8
● Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.
SEKSYON 9
● Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika
para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili;.