Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Uhaw na Pag-ibig (Buod o Synopsis)

Ang Filipino ay mahilig mangarap at isa sa kanilang pangarap ay ang mapabuti ang buhay. Isang paraan
ay manirahan at maghanap nang mabuting trabaho sa ibang bansa.

Ang “Uhaw na Pagibig” ay nagsasalaysay sa buhay nang isang Filipina. Siya si Vivian na nagasawa at
nabigo. Naghahanap nang tunay na pagibig na magbibigay sa kanya nang kasayahan at pinansiyal na
securidad.

Ito ay halos hango sa tunay na buhay ni Vivian. Isang trenta’y kuwatro anos na babae na nakatira sa
siyudad nang Portland Oregon.

Si Vivian ay isang magiliw na ina sa kanyang mga anak at mabait na kaibigan. Marami siyang kapwa
Filipina na tumulong sa kanya lalo na sa pagpasok sa trabaho isa dito sa United States Postal Office at sa
AMF Bowling Lanes.

Ang tanging kalbaryo niya ay ang ngalan nang pagibig. Ito’y wari’y pansamantala lamang o kaya mailap
at parang isang hayop na mahirap amuin. Siya ay nananalig na balang araw ay makakamtan niya ang
kanyang inaasam na kaligayan na madudulot nang pagibig na minimithi para sa kanya at sa kanyang
pamilya.

Sinubukan niyang magsikap sa trabaho pero laging siyang natatalisod sa kanyang kahinaan. Siya ay
laging naghahanap, nangangapa ‘di mawari kung sasala sa init o sa lamig.

Ang kanya paulit ulit na pagkulong at alitan sa mga lalaki na nakakaugnay sa kanya ay ‘di niya waring
matarok .

Dito nakasalalay ang misteryo nang kanyang kinabukasan. Si Vivian ay nakibaka sa mga lalaking naging
bahagi nang kanyang buhay tulad ni Chris Anderson, na may anak siyang apat. Si Earl Cunningham, na
may anak siyang isa. Si William at si Andre…

Kahit ano man ang tingin natin kay Vivian, huwaran o isang huwad na Filipino na binigyan nang
pagasang mamuhay sa Amerika. Huwag natin sana siyang husgahan .
Itong salaysay nang buhay ni Vivian ay nagpapakita na ang Filipino ay kailang gumising sa katotohanan
(maasim man o matamis o may halo man ) at maging matapang kahit anong kalbaryo o balakid ang
kanyang tinatahak o kanyang maaring haharapin.

Ang hirap sa ibang mga Filipino parang si Icarus na mahilig lumipad at lumapit sa Araw dahil pag
napaso na nang ilang ulit hindi parin madala.

Sana magbigay itong salaysay ni Vivian nang liwanag sa ating buhay at patuloy tayong tumulong sa ating
mga kapos palad na mamamayan at wari’y tignan natin ang sarili sa salamin hindi para humusga nang
mga pagkakamali kundi para maintindihan nating ang ating sarili at matutunan nating mahalin ito para
tayo ay may sariling bait at mahal at takot sa Diyos.

You might also like