AP-8-quarter 1-Exam

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Unang Panahunang Pagsusulit

Araling Panlipunan 8
T.P. 2022 - 2023
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa
katangiang pisikal ng daigdig?
A. antropolohiya B. ekonomiks C. heograpiya D. kasaysayan

2. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa


kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema
ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

4. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati
sa northern at southern hemisphere?
A. equator B. longitude C. latitude D. prime meridian

5. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig?


A. Annapurna B. Lhotse C. Everest D. Makalu

6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may
magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya?
A. interaksiyon B. lokasyon C. paggalaw D. rehiyon
7. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat
kilometro kuwadrado?
A. Asia B. Europe C. Australia D. South America
8. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay
pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?
A. lahi B. relihiyon C. pangkat etniko D. wika

9. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng sumusunod maliban sa __________.


A. klima B. relihiyon C. pinagmulan D. wika
10. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinakamaraming gumagamit?
A. Afro-Asiatic B. Indo-European C. Austronesian D. Niger-Congo

11. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o
pinagmulan?
A. etniko B. paniniwala C. lahi D. wika

12. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at
ritwal ng isang pangkat?
A. etniko B. relihiyon C. lahi D. wika
13. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
A. ito ay susi ng pagkakaintindihan
B. sisikat ang tao kung marami ang wika
C. dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika
D. yayaman ang tao pag may maraming alam na wika

14. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?


A. lahi B. teknolohiya C. relihiyon D. wika

Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong.

Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala


Kristiyanismo 31.59%
Islam 23.20%
Hinduismo 15.00%
Non-religious 11.67%
Budismo 7.10%
Iba pa 11.44%
15. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa itaas?
A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo.
B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo.
C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala.
D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo.

16.Batay sa talahanayan, ang non-religious group ay binubuo ng ________.


A. 7.10% B. 11.67% C. 11.44% D. 15.00%

17. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika?


A. Ikahiya ang wikang ginagamit
B. Gamitin ang wika upang makapanglait ng ibang tao.
C. Ipagmalaki ang sariling wika.
D. Gumamit ng ibang wika sa pakikipag-usap.

18. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India?
A. Budismo B. Islam C. Hinduismo D. Shintoismo

19. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko?


A. Natuto nang magtanim ang tao. C. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
B. Naninirahan malapit sa mga lambak. D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na
yari sa bronse.
20. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?
A. Mesolitiko B. Neolitiko C. Metal D. Paleolitiko

21. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?


A. nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
B. sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.
C. dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
D. dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim

22. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:
A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.

23. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso C. Panahon ng Bronse, Tanso, at Bakal
B. Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal D. Panahon ng Tanso, Bakal, at Bronse

24. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko?


A. Agrikultura B. Irigasyon C. Apoy D. Metal

25. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan?
A. Historiko B. Neolitiko C. Mesolitiko D. Prehistoriko

26. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng
tao?
A. pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
C. ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
D. umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko

27. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Ehipto?


A. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Ehipto.
B. Ang nangunguna at bukod-tanging kabihasnan sa buong mundo.
C. Kung wala ang ilog, ang buong lupain ng Ehipto ay magiging isang disyerto.
D. Ang lupain ng Ehipto ay pinaniniwalang tahanan ng mga diyos sa buong daigdig.
28. Ano ang mahalagang epekto ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan ng
pagkontrol ng palagiang pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?
A. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
B. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
C. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
D. Nagbigay-daan ang pangyayari upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.

29. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?


A. Ehipto B. Mesopotamia C. Indus D. Tsino

30. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?


A. Walang likas na hangganan ang lupaing ito. C. Hindi nagkakaisa ang mga
mamamayan dito.
B. Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris D. Walang kasanayan ang mga tao
at Euphrates. sa pakikipagdigma.

31. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?


A. Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.

32. Ano ang naging bunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa
aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon sa Mesopotamia?
A. nilisan ng mga tao ang Mesopotamia
B. nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
C. nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
D. humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan

33. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
A. nagsilbi itong proteksyon sa kanilang lupain.
B. nadali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban.
C. naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
D. pinalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.
34. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon?
A. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan.
B. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.
C. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad.
D. Lahat ng nabanggit.
35. Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at hieroglyphics ng
mga taga Ehipto?
A. Ang mga sinaunang tao ay matatalino.
B. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.
C. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat.
D. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.
36. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-unlad ng isang pamayanan?
A. Napapaunlad ang kalagayan ng mga mamamayan.
B. Napapaunlad nito ang ekonomiya sa paggawa at kalakalan.
C. Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa
produksiyon.
D. Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
pamahalaan at batas, pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa.

37. Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang diyos?
A. Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis
B. Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng sinasakupan.
C. Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat ng araw, pagbaha at pagtubo ng mga
pananim.
D. Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapatayo ng pook-
sambahan.

38. Anong lungsod ang matatagpuan sa bahagi ng daluyang Indus River?


A. Mohenjo-Daro B. Olmec C. Harappa D. Teotihuacan

39. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga sinaunang kabihasnan ng daigdig?
A. Kabihasnang Mesoamerica C. Kabihasnang Indus
B. Kabihasnang Mesopotamia D. Kabihasnang Tsino

40. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang naniniwala sa “Mandate of Heaven.”?


A. Kabihasnang Mesopotamia C. Kabihasnang Tsino
B. Indus D. Kabihasnang Ehipto

41. Pinakamahalagang ambag ng kabihasnang ito ang pagpapatayo ng mga piramide na patunay sa
kanilang kagalingan sa larangan ng inhenyera.
A. Kabihasnang Mesopotamia C. Kabihasnang Tsino
B. Indus D. Kabihasnang Ehipto

42. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?


A. Hieroglyphics B. Cuneiform C. Pictogram D. Calligraphy

43. Sa anong kabihasnang itinayo ang Great Wall na nagsilbing tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko?
A. Kabihasnang Mesopotamia C. Kabihasnang Tsino
B. Indus D. Kabihasnang Ehipto

44. Bakit mahalaga ang Kodigo ni Hammurabi?


A. Dapat sundin ang namumuno sa lipunan.
B. Dapat sundin ang relihiyon at paniniwala.
C. Dahil mahalaga ang makapag-aral at matuto.
D. Sapagkat naging gabay ito sa aspekto ng buhay ng tao.

45. Bakit itinayo ang Great Wall of China?


A. Depensa sa bagyo C. Pananggalang sa baha
B. Depensa sa mga kalaban D. Harang sa anumang kalamidad

46. Anong mahalagang estruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito
idinadaos ang pagsamba sa kanilang diyos?
A. Templo ni Babel C. Templo ni Hammurabi
B. Templong Ziggurat D. Templo ng mega Paraon

47. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-arawaraw na
pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Kodigo ni Moses C. Kodigo ni Hammurabi
B. Kodigo ni Kalantiyaw D. Kodigo ng mga Paraon

48. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan?
A. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.
B. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang bagay
C. Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.
D. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.

49. Sa anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na


mummification?
A. Egypt B. India C. China D. Mesopotamia

50. Ano ang katawagan ng geomancy sa Tsina?


A. Yuan B. Yin C. Yang D. Feng Shui

SUSI SA PAGWAWASTO
1. C
2. C
3. D
4. A
5. C
6. C
7. C
8. D
9. A
10. B
11. A
12. B
13. A
14. B
15. C
16. B
17. C
18. C
19. B
20. C
21. D
22. D
23. B
24. C
25. D
26. D
27. C
28. D
29. B
30. A
31. A
32. B
33. C
34. D
35. C
36. D
37. B
38. A
39. A
40. C
41. D
42. B
43. C
44. D
45. C
46. B
47. C
48. D
49. A
50. D

You might also like