Mga Uri NG Maikling Kwento (WR)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

d

Republika ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan
Lingayen Kampus
Lingayen, Pangasinan

MGAURI
MGA URI NG
NG
Maikling Kwento

Ipinasa nina:
Caasi, Lea Q.
Camero, Cherry Rose R.
Gallaza, Elyson C.
Marcellano, Albert F.
Vargas, Joana Faye R.
III-BSEd Filipino

Ipinasa kay:
Bb. Mary Grace E. Ubando
Instruktor
TALAAN NG
NILALAMAN
I. Panimula…………………………………………………………..1

II. Mga Uri ng Maikling Kwento

a. Batay sa Paksa………………………………………….……2

b. Batay sa Namamayaning Sangkap Na Ginamit…………..3

c. Batay sa Pamamaraan Ng Pagkakasulat………………….5

III. Konklusyon………………...……………………………………7

IV. Sanggunian…………………………………………...………...7
I. Panimula
Ayon sa kinikilala ng mga dalubhasa na ama ng makabagong
maikling kwento na si Edgar Allan Poe, “Ang maikling kwento ay isang
akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa
buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Ito ang
nagsisilbing tela na nagbubuklod sa ating mga kaisipan at damdamin na
maaaring magamit upang magturo ng mga aralin, magpakilala ng
bagong ideya, at magbahagi ng ating kultura.

Bilang isang akdang pampanitikan, walang hanggan ang maaaring


paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y maaring
maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin
namang patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi
maipaliwanag ng kaalaman. Ang kathang ito ay maikli lamang kung
kaya’t ang pagbabasa nito ay maaring matapos sa isang upuan o isang
impresyon lamang. Ang mga pangyayari sa akdang ito ay karaniwang
nagmula sa malikot na imahinasyon ng manunulat, maaari ding ito ay
nakabatay sa sariling karanasan ng may akda. Layunin nitong
magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan, at mag-iwan ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa. Ito ay isang mahalagang bahagi ng ating panitikan
na sumasalamin sa malalim nating paniniwala, kultura, kaugalian at
pagkakakilanlan.

Katulad ng mga sangkap na panretorika, sumisimbolo ang maikling


kwento sa tungkuling magkintal ng isang bagay sa isip ng mambabasa
upang iyon ay maging ganap na bahagi ng kanyang pang-unawa at
kaalaman. Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari itong magtaglay ng
kawilihan at kapupulutan ng magandang aral.

1
II. Mga Uri ng Maikling
Kwento
a. Mga Uri Ng Maikling Kwento Batay sa Paksa

Kwentong Katatawanan
 Isa sa pinakamahirap na sulatin ang isang kuwentong katatawanan.
Hindi pilit ang sitwason o sangkap na gagamitin sa pagpapatawa.
 Ang kwento ng katatawanan ay naglalayong makapagbigay ng aliw at
saya sa mga mambabasa. Masigla at nakaka-aliw ang daloy ng mga
pangyayari sa akdang ito.
 Halimbawa: Matalino Ang Inaanak Ko ni Fernando L. Samonte

Kwentong Puno ng Drama


 Ito ay kwentong tumatalakay sa mga makabagbag-damdaming
pangyayari sa buhay. Madalas na sa emosyon ng tao nakasalig ang
paksa, kagaya ng kasawian, pangungulila, kalungkutan, o kaya ay
pagdurusa dahil sa mga waring hindi makakayanang pagsubok na
may kaakibat na pagtitiiis
 Halimbawa: Pighati ni Liwayway A. Arceo.

Kwento Ng Romantikong Pakikipagsapalaran


 Kuwento rin ng pag-ibig at romansa ngunit ito ay katatampukan ng
mapanganib na pakikipagsapalaran.

Kwentong Pangkasaysayan
 Nakasalig ang mga sangkap ng mga kwentong ito sa kasaysayan.
Maaaring ito ay pumapaksa sa mga makasaysayang pook, sa mga
bantog o kilalang tao, o mga dakilang pangyayari o panahong malaki
ang naging bahagi sa kasaysayan.
 Halimbawa: Isang Umaga Sa Buhay ni Gregorio Aglipay

Kwento tungkol sa Digmaan


 Pumapaksa ang kwentong ito sa mga karanasan sa larangan ng
pakikidigma. Ito ay maaaring labanan ng pangkat laban sa isang
pangkat, tribu laban ng isang tribu, lahi laban sa ibang lahi o bansa
laban sa isang bansa.
 Halimbawa: Kamatayan Sa Gulod ni Manuel J. Ocampo.

Kwento tungkol sa Trahedya


 Ang kwentong ito ay laging nagwawakas na malungkot.
 Kabaligtaran ito ng ng Kwento tungkol sa Tagumpay o success story.
 Halimbawa: Ang Mangingisda ni Ponciano B. Peralta Pineda.

2
Kwento ng Kababalaghan
 Ito ay kwento tungkol sa mga bagay na hindi kapanipaniwala at
mahirap maipaliwanag. Karaniwan itong nagpapakita ng misteryo at
mga nakakatakot at hindi normal na pangyayari.
 Madalas na mga aswang, kapre, tikbalang, mangkukulam,
karunungangitim, ang pinapaksa.
 Halimbawa: Ang AswangSa Baryo Dekada Sitenta

Kwento Ng Pag-ibig
 Ito ay ang mga kwento kung saan ang diin ay ang pag-iibigan ng mga
pangunahing tauhan at ang katambal nito.
 Kadalasan, ang mga ganitong kwento ay ang gustung-gustong unang
paksa ng mga baguhan.
 Halimbawa: Damdamin ni Corazon ni Gloria Villaraza Guzman.

Kwentong tungkol sa Tagumpay


 Laging masaya ang wakas ng ganitong uri ng maikling kwento.
 Pangunahing paksa nito ay ang hirap, pagpapasakit at pagtitiis ng
bida upang makamit ang kanyang tagumpay.

Kuwento tungkol sa Hayop


 Sa kwentong ito ang mga hayop mismo ang mga protagonist, at
madalas na sa punto-de-bista nila isinulat ang kwento.
 Halimbawa: Sa Daigdig Ng Mga Isda ni Firmo A. Estocapio.

Kwento tungkol sa Palakasan


 Ito ay kwento tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga atleta sa
larangan ng palakasan kagaya ng boksing, basketball, bowling,
karate at iba pa.
 Halimbawa: Mabangis Na Kamay, Maamong Kamay ni Pedro S.
Dandan.

Kwentong Pang-okasyon
 Ito ang kuwentong sadyang sinulat para sa natatanging okasypn,
gaya ng kuwentong Pamasko, kuwentong pang-Araw Ng Mga Puso,
kuwentong pang-Mahal Na Araw, kuwentong pang-Araw ng
Kalayaan at marami pang iba.

b. Uri Ng Maikling Kwento Batay sa Namamayaning Sangkap na


Ginamit
Ayon kay Robert Louis Stevenson, bantog na manunulat ng Nova
Scotia, may tatlong mahahalagang elemento sa pagbuo ng isang
kuwento:

 10 banghay na lalapatan ng karakter o tauhan at pangyayari


 20 karakter na ibabagay sa pangyayari

3
Batay sa mga elementong ito, mauuri ang mga kuwento gaya ng sumusunod:

Kwentong Pangtauhan
 Ito naman ay isang uri ng maikling kwento kung saan ang interes at
diin ay nasa pangunahing tauhan.
 Higit na binibigyang-halaga ang aksiyon, pananalita, pag-iisip o
kasinuhan nito.
 Halimbawa: Kwento Ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute

Kwento ng Dramatikong Pangyayari


 Umiikot ito sa kahalagahan ng pangyayari na ihahabi sa kwento.
 Higit na binibigyang-halaga ang katuturan ng pangyayari kaysa mga
karakter o tagpuan (setting).
 Halimbawa: Alitaptap Sa Gabing Maunos ni Lamberto E. Antonio.

Kwento ng Katutubong Kulay


 Ito naman ay tumutukoy sa mga kapaligiran, tradisyunal, kultura at
hanapbuhay ng mga lokal o mga nakatira sa isang pook.
 Halimbawa: Kasalan sa Nayon ni Eleuterio P. Fojas

Kwentong Naplano
 Ito ay isang kuwentong may plano.
 Ibig sabihin, isa itong kwentong de-kahon, may pormula na
kinakailangang sundin ng kwentista.
 Halimbawa: Tatlong Kuwento ng Buhay Ni Julian Candelabra ni
Lualhati Bautista.

Kwentong May Banghay


 Ito ay isang uri na nagbibigay diin sa mga maayos na daloy na mga
pangyayari o tinatawag ding banghay.
 Nakatuon ang pansin sa malulubhang pangyayayri at suliraning
kailangang harapin o bigyang-lunas ng pangunahing tauhan.
 Halimbawa: Impeng Negro ni Rogelio R. Sicat

Kwentong Walang Banghay


 Nakasalig ang kwento sa emosyonal at dramatikong epekto ng
pagtatalakay sa mga ideya o pangyayaring nakapaloob dito.
 Binibigyang-diin dito ang mood (lagay ng loob) o feeling (damdamin)
na ibig ipadama ng kwentista. Ang sangkap na ito ay sangkap na
upang mabigyang-buhay ang kwento.
 Halimbawa: Banyaga ni Liwayway A. Arceo.

Kwentong may Batayang-diwa


 Ang batayang-diwa ay maaring isang linyang pangungusap na
sasaligan ng kwento.
 Halimbawa: ang batayang-diwa na: “malas ang numero trese,”
Malas nga ba ang numerong ito?

4
c. Mga Uri Ng Maikling Kwento Batay sa Pamamaraan ng Pagkakasulat

Kwentong Panay Diyalogo


 Lubusang diyalogo ang kabuuan ng kuwento. Kung sakali mang
magkaroon ng pagsasalarawan, mangyayari lamang iyon sap ag-
uusap ng mga tauhan sa kuwento.
 Halimbawa: Perang Hapon ni Reynaldo A. Duque

Kwentong Walang Diyalogo


 Ito ay kabaligtaran ito ng kuwentong panay diyalogo. Nakasalalay
nang lubusan ang uring ito ng kuwento sa madamdaming husay ng
kuwentista sa pagsalaysay (narration).
 Halimbawa: Bituin Sa Palasingsingan ni Federico Licsi Espino Jr.

Kwentong Binubuo ng mga Episodiya


 Ito ay uri ng kuwentong nahati-hati sa maraming bahagi na
kadalasan ay may numero.
 Sadyang ganito ang pagkakasulat upang mapaghihiwalay ang mga
tagpo at pati na rin ang punto-de-bisita (point of view).
 Halimbawa: Mapanglaw Ang Mukha Ng Buwan ni Efren Reyes
Abueg.

Kwentong Tradisyonal
 Tradisyonal ang tawag kapag ang kuwento ay nasulat sa karaniwang
anyo. Isinusunod ang porma nito sa kombensiyonal na anyong
nakilala ang kuwento bilang uri ng sining.
 Halimbawa: Damdamin ni Corazon ni Gloria Villaraza Guzman

Kwentong Epistolaryo
 Ang kwento ay sinulat na waring kabuuan ng isa o maraming sulat.
 Halimbawa: Sulat Mula Sa Libon ni Generoso R. Taduran, Jr.

Kwentong Nasulat sa Anyong Talaarawan


 Ang kwentong ito ay parang diyaryo (diary) o talaarawan ang
pagkakasulat . Madalas na may petsang nakatala sa bawat eksena.
 Halimbawa: Talaarawan Ng Isang Isisilang Catalina V. Santos.

Kwentong Nagdaraan sa Daloy ng Kamalayan


 Sa uri ng kuwentong ito, dumaraan lamang ang pangyayari o mga
pangyayari sa isip ng pangunahing tauhan.
 Si James Joyce, isang manunulat na Irish, ang pinakabantog sa
mga nagbunsod sa ganitong uri ng pagsulat ng maikling kuwento.
 Halimbawa: Gamugamo Sa Kalawakan ni Dong A. delos Reyes.

5
Kwentong Binubuo ng mga Magkakahiwalay na Pangyayari
 Uring may iba’t ibang pangyayaring nakapaloob sa iisang kuwento.
 Karaniwan, may iba’t iba ring tauhang hindi makakamit sa
pamamagitan ng mga pangyayari na mag-uugnay sa mga tauhan.
Karaniwan din, isinasaad ang mga pangyayaring ito sa pamamagitan
ng pag-uulat.
 Halimbawa: Isang Lumang Kuwento ni Jun Cruz Reyes.

Kwentong Waring Sinasadyang Guluhin ang Pagsasalaysay


 Ayon kay Domingo G. Landicho sa kanyang aklat na Manwal Sa
Pagsulat Ng Maikling Kuwento, ang mga ganitong kuwento ay may
sikolohikal na batayan.ang diwa ng ganitong kuwento, ayon sa kanya
ay parang inaapuhap sa dilim, walang katiyakan ang damdaming
lumilitaw.
 Gayon man, ang damdaming ito ay nahuhubog hanggang sa
lubusang maipahayag ng kuwentista ang gustong sabihin.
 Halimbawa: Huwag Mong Kukuwentuhan Ang Batang Si Wei-
Fung ni Ricardo Lee.

Kwentong Kusang Pinuputol Para Ibigay sa Mambabasa ang


Interpretasyon sa Katapusan
 Sa ganitong uri ng kuwento, ayon pa rin kay Landicho, ang babasa
ang pinag-iisip ng manunulat upang gumawa ng sariling konklusyon.
 Sa ganitong kuwento, kailangang magiging malinaw sa babasa ang
kasukdulan bago pa man putulin ng kuwentista ang kuwento.
 Ang interpretasyon, kung gayon ay malinaw at nabigyang-daan na ng
awtor bago dumating ang denoument o kakalasan.
 Halimbawa: Bakya ni Hernando R. Ocampo.

Kwentong Eksperimental
 Uri ng kuwentong hindi sumusunod sa mga establisado o
kumbensiyonal na anyo ng maikling kuwento.
 Kung minsan, tinatawag din itong kuwentong avant-grade.
 Halimbawa: Huling Pagsusulit ni Ronald de Leon

6
III.
Konklusyon
Ang bawat kwento ay mayroong kapupulutang ng aral. Kahit
ang mga kwentong maikli, ay posibleng maglaman ng mga aral na
maaari nating dalhin sa buong buhay natin. Tulad ng nobela at dula,
ang maikling kwento ay isa ring panggagad ng realidad, paggagad ng
isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Kung titignan natin, ang maikling kwento ay hindi ganun kahirap


isulat. Pero, ito ay kabaliktaran. Minsan, mas mahirap isulat ang
maikling kwento sapagkat mas mahirap ipasaloob ang mga
mahahalagang aral sa isang maikling paksa. Sa pag-aaral natin ng
maikling kwento, natutunan natin kung paano palawakin ang mga
matatalinghagang mensahe ng isang paksa. At bilang isang mag-
aaral, to ay mahalagang kasanayan na kailangan nating matutunan
dahil ito ang nagpapakita ng ating pag-uunawa sa kwentong nabasa.

Bukod dito, ang mga maikling kwentong ito ay parte na ng ating


kultura. Kaya naman, kung ating pag-aaralan ang mga ito tiyak na
makakakuha tayo ng bagong kaalaman tungkol sa ating tradisyon at
kaugalian hindi lamang sa atin kundi pati sa iba’t-ibang panig ng
bansa.

IV. Sanggunian
 Mga Halimbawa at Uri ng Maikling Kwento_Nakuha Mula Sa_
https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/09/halimbawa-ng-mga-
maikmaiklingkwento/?
fbclid=IwAR3GpD7UGlxlVls4zza_BYUu9oWIEqHNRmF_T7Mc4Ulh3qB
w5dO4pDhfdpI

 Mga Uri ng Maikling Kwento_Nakuha Mula Sa_ https://www.scribd.


com/presentation/358796121/Mga-Uri-Ng-Maikling-Kuwento?fbclid=IwA
R24rWf77A4uq7C-T1U-y08duaAiPF3blkpxUtlOnMFmdGw5bOuhy3xh-l4

 Uri ng Maikling Kwento_Nakuha Mula Sa_ https://www.coursehero.


com/file/93205214/Angelique-Joy-Gdocx/?f bc lid=IwAR33USL
mnqmwm RY5p4LC8IsKVAFp0mCejLNbbw9ER4z-3wQNt2EiTrSogJs

You might also like