Konseptong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

”Impak ng paggamit ng salitang “conyo” sa epektibong pagpapahayag ng mga Mag-aaral”

RATIONALE

Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang impak ng paggamit ng salitang

“conyo” sa epektibong pagpapahayag ng mga mag-aaral. Dahil sa pag-usbong ng teknolohiya at

dinamikong pagbabago ng wikang Filipino, maraming salita ang nabubuo dulot ng

globalisasyon. Nabuo ang mga salitang “conyo” na kung saan ay gamitin sa kasalukuyang

henerasyon (GenZ). Dahil sa paglaganap ng mga salitang “Conyo,” at madalas na paggamit nito

ng mga kabataan ngayon, nalilimitahan na ang kanilang kaalaman sa bokabularyo sa wikang

Filipino.

Ang salitang “conyo” ay ang wikang patuloy na lumalaganap sa ating bansa. Ang

“conyo” ay ang paghahalo ng wikang Ingles at wikang Filipino na nakabubuo ng isang

pangungusap na kasalukuyang ginagamit lalo na ng mga nasa mataas na antas ng mga lipunan.

Ang paggamit ng “conyo” ay isa sa mga nakasanayan na ng ilang Pilipino sapagkat narito na

tayo sa panahon ng Teknolohiya na kung saan ang ating wika ay mas napapayabong sa paglipas

ng panahon.

Ayon kay Jocson, 2019 Ang wikang conyo ay yung pagsasama ng mga wika na Ingles at

Filipino na mas marami yung Ingles kaysa Filipino tapos ginagamit yung syntactic arrangement

o yung syntax ng English tapos may ilang salitang Filipino na sinasali roon. Ayon sa artikulo ni

Torrecampo (2015), ang salitang conyo ay ginagamit nang bulgar sa maraming bansa na

nagsasalita ng wikang Espanyol bilang mura o upang magsabi ng iba’t ibang emosyon na

nagpapahayag ng “F” na salita sa mga bansang nagsasalita ng wikang Ingles.


Bakit conyo? Madaming naidudulot ito sa pamumuhay ng isang tao. Una, kapag

nakasanayan na ng isang tao ang pag gamit ng conyo mahihirapan na siyang magsalita ng

Tagalog o Ingles ng tuwid. Nagiging limitado na din ang kanyang bokabolaryo. Ngunit dahil din

sa conyo, nakakalimutan na ng mga kabataan sa makabagong henerasyon ang mga malalalim na

wikang Filipino na dapat malaman ng isang mamayang Pilipino.

Malaki ang epekto ng ng wika sa ating pang araw araw na pamumuhay sapagkat bawat salita

o mga kataga na ating binibitawan ay maaring ang ating buhay ganoon din sa iba. Karamihan sa

ating mga Pilipino ay iba ang pananaw o pagtingin sa mga taong gumagamit nito. Ang ilan na

gumagamit nito ay tinatawag ng uba na pasosyal na pwedeng maka apekto sa mga gumagamit

nito.

STATEMENT OF THE PROBLEM (PAGLALAHAD NG SULIRANIN)

Bilang parte ng aming pag-aaral sa “Research”, ang mga mananaliksik ay bumuo

ng mga katanungan na may kaugnayan sa aming paksa. Ang mga suliraning ito ay

magsisilbing gabay upang mangalap ng mga impormasyon na angkop sa aming paksa.

1. Ano ang propayl ng mga respondent b1atay sa sumusunod na aspeto?

a. Edad

b. Kasarian

c. Taon

2. Mas madali bang magpahayag ng mga damdamin ang mga mag-aaral kung sila ay

gumagamit ng salitang “conyo”?


3. Nakaapekto ba ang madalas na paggamit ng salitang “conyo” sa epektibong pagpapahayag

ng kanilang damdamin sa pang-akademikong sulatin at pakikipagdiskurso?

4. Ano ang impak ng paggamit ng salitang “conyo” sa epektibong pagpapahayag ng mga mag-

aaral?

METODOLOHIYA

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan at instrumentong gagamitin

upang makakuha ng sapat na impormasyon sa gagawing pag-aaral sa suliranin,ang paksa at

pinagkunan ng datos,ang pagbuo at pagbibigay ng mga palatuntunan sa pagbuo ng mga datos at

pagtitipon at pagbibigay halaga ng mga datos,maging ang mga kagamitang pang istatistika kung

paano isinasagawa ang pag-aaral. Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng kuwantitatibong

metodolohiyang disenyo ng pananaliksik. Napili ang sarbey at obsrbasyon upang makalikom ng

datos. Naniniwala kaming mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sapagkat mas

mapadadali ang pangangalap ng datos mula sa mga repondante.

REFERENCES:

Zsgallardo, V. A. P. B. (2016, November 26). “Conyo-ing.” Usaping-Filipino. Retrieved

September 19, 2022, from https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/26/conyo-ing/

Papel sa fil 40.docx - I. panimula: Kalikasan ng Wikang Conyo Ang Wikang Conyo Ay
Lumalaganap Na Sa Bansang Pilipinas. ito ay unti-unting nagdudulot ng: Course hero.
PAPEL SA FIL 40.docx - I. PANIMULA: KALIKASAN NG WIKANG CONYO Ang
wikang conyo ay lumalaganap na sa bansang Pilipinas. Ito ay unti-unting nagdudulot ng |
Course Hero. (n.d.). Retrieved September 19, 2022, from
https://www.coursehero.com/file/51674345/PAPEL-SA-FIL-40docx/

You might also like