LET QUESTION Gen Ed 2012

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

LET QUESTIONS Gen Ed FILIPINO 2012-2021

1. Sa salitang sinukuan, and salitang ugat ay __________


a. Suko
b. Sinuko
c. Sikuan
d. Sukuan
Answer: A
Rationalization: Ang salitang-ugat ay tumutukoy ito sa salita na may buong pagkilos. Ito
ay mga salitang hindi na dinadagdagan ng panlapi. Sa wikang ingles ito ay tinatawag na
root word.

2. Ang pagpapalitan ng mga opinion, ideya at ng salaysay na gumagamit ng mga sagisag ay


tinatawag na ______
a. Paglalahad
b. Pakikinig
c. Pagtuklas
d. Talastasan

Answer: D

Rationalization: Ang pakikinig ay isang makapangyarihang intrumento ngkomunikasyon


na nagsisilbing impluwensya upang makipag-usapnang mabuti (John Marshall).Ito ay
kombinasyon ng kakayahang makarinig ng mga tunog at ngpaghihintay sa pagiging
pagtanggap sa nagsasalita sa anumangpinanggagalingan ng mensahe.Ang
pakikinig
ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sapamamagitan ng pandinig. Mayroong
itong kumbinasyon ngtatlong bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan, natatandaan

3. Alin sa mga disenyo ng pananaliksik ang ginagamit ng malapitang pag-aaral ng lugar at


mga taong kabilang sa pananaliksik?
a. Etnograpiya
b. Eksperimento
c. Panayam
d. Case study
Answer: A
Rationalization: Ang Ethnography ay isang sangay ng antropolohiya isang paraan ng
pag-aaral o pananaliksik direkta iyon ay upang obserbahan ang layunin at nagtatala ang
mga kultural na gawi at panlipunang pag-uugali, mga desisyon at mga pagkilos ng iba't-
ibang grupo ng tao, ie, ang kanilang pagkakakilanlan at ang kanilang mga estilo buhay
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga pag-uusap at
pakikipanayam sa mga pangkat na ito, pati na rin sa pamamagitan ng pagrekord ng mga
litrato at video. Ang etnograpiya ay nag-aayos at naglalarawan sa detalye ng kasaysayan,
kaugalian, tradisyon, mitolohiya, paniniwala, wika, talaangkanan, kasanayan, atbp. ng
iba’t ibang karera, kultura o mamamayan ng mundo. Upang gawin ito, pangunahing
ginagamit nito ang isang pamamaraan ng husay, sa halip na ang dami.
4. Ang pariralang nalaglag, nahulog ay mga pahayag na ___________.
a. Magkahawig
b. Magkaparehas
c. Magkasalungat
d. Idyoma

Answer: A

5. Aling panghalip ang ginagamit ng panturo sa mga bagay?


a. Palayon
b. Palagyo
c. Pamaklaw
d. Pamatlig

Answer: D

Rationalization: Ang panghalip na pamatlig ay uri ng panghalip naginagamit na


panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook,gawa o pangyayari. Isinasaad ng
tatlong panauhan ang layo odistansya ng pangngalang kinakatawan sa taong nagsasalita
at sanakikinig sa anim na uri nito.
6. Ito ay istratehiya sa pananaliksik na naglalarawan sa isang phenomenom sa kanyang
natural na kapaligiran na pinangyayarihan nito.
a. Follow-up study
b. Case study
c. Field study
d. Trend study
Answer: C
7. Ito ang ipinagpalagay na pinakaunang Sistema ng pagsulat sa Pilipinas
a. Alibata
b. Abakada
c. Kalantiao
d. Balitaw
Answer: A
Rationalization: Ang alibata ay isang paraan ng pagsusulat ng ating mga katutubo ngunit
ito ay dapat tawagin na Baybayin.

8. Ito ang pangatnig na ginagamit kung may nais na bigyang linaw.


a. Namumukod
b. Bukod-tangi
c. Humugit-kumulang
d. Samakatuwid
Answer: D
Rationalization: Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.
Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng "o," "ni",
"habang" at "maging"), manalungat (katulad ng "ngunit," "habang" at "bagamat"),
maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at "gayon"), manubali (katulad ng "kapag" at
"sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at "gayon din"), magbigay sanhi
(katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad ng "sa wakas" at
"upang").

9. Anong uri ng pagsasalin ang naganap sa pahayag? Orihina: Mommy cooked spaghetti for
ate. Salin: Si nanay ay nagluto ng spaghetti para kay ate.
a. Idyomatiko
b. Adapsyon
c. Literal
d. Malaya
Answer: C
Rationalization: Ang literal na kahulugan ay tumutukoy sa tunay na kahulugan ng salita;
ito ay walang malalim na kahulugan o ideya.
10. Ang modernisasyon sa wikang Pambansa ay nagsimula noong____________.
a. 1959
b. 1997
c. 1987
d. 1974
Answer: C
11. Sa kabila ng karukhaan, nagsumikap sya na makapagtapos ng kolehiyo. Ang simuno sa
pangungusap ay __________.
a. Karukhaan
b. Nagsumikap
c. Sya
d. Kolehiyo

Answer: C
Rationalization: Ang simuno ay isang bahagi ng pangungusap. Ito ay ang paksa na pinag-
uusapan o taga-gawa ng kilos sa pangungusap. Kadalasan, ang simuno ay pangngalan o
ngalan ng tao, hayop, bagay, o pangyayari.

12. Alin sa mga salita ang nagsaad na ang wika ay pauunawaan at napagkasunduan ng isang
lahi o pangkat.
a. Likas
b. Arbitraryo
c. Dinamiko
d. Masistema
Answer: B
Rationalization: Ang ibig sabihin ng salitang “arbitraryo” ay ‘di pagtunton sa katuwiran
maging sa anumang batas o sistema ng pagpapasya. Ang isang arbitraryong desisyon ay
mabagsik kung tutuusin. Hindi ‘yung mabagsik na nanununtok, mabagsik dahil kaya
nitong maging batay lang sa kung ano ang napagpasyahan. Ito ay batay sa pasiya ng
indibidwal at ‘di sa batas.
13. “Malakas ang boses ng guro.” Anong bahagi ng pananalita ang salitang malakas?
a. Pandiwa
b. Panghalip
c. Pang-abay
d. Pang-uri

Answer: D
Rationalization: Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang
pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon
man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may
mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Ang pang-uri ay nagbibigay ng
turing sa isang pangngalan o panghalip.Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay
iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga
tao, mga lugar, o mga bagay.
14. “Mukhang matinong tao siya subalit siya ay buwaya sa katihan.” Ang Idtoma ay
nangangahulugang_______.
a. Maliksi
b. Mabagal
c. Traydor
d. Matapang

Answer: C

15. “Kakain ko pa lamang.” Anong aspekto ang pandiwa?


a. Perpektibo
b. Kontemplatibo
c. Imperpektibo
d. Pangkasalukuyan
Answer: A
Rationalization: Ang perpektibo ay tumutukoy sa pandiwa na naganap na, nangyari na o
tapos na. Ito ay gumagamit ng panlaping na-, nag-, ni- at -in-.

16. Ito ay tumutukoy sa paraan ng paggamit ng coping or survival strategies.


a. Pragmatik
b. Kakayahang estratidyik
c. Kaalamang estralinguistic
d. Kakayahang sosyolingwistik

Answer: B
Rationalization: Ito ay isang kakayahang pangkomunikasyon na naipapakita sa angkop,
wasto, at mabisang istratehiya upang magpatuloy ang komunikasyon sa kabila ng
problema o aberya.

17. Sa gawaing pananaliksik tulad ng tosis, ang maikling buod sa paninimula ay tinatawag na
________.
a. Preci
b. Synopsis
c. Abstrak
d. Talahanayan

Answer: C
Rationalization: Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o suliranin,
metolohiya, at resulta ng pananaliksik na isinagawa. Dito rin nakasaad ang konklusyon at
rekomendasyon ng pananaliksik.
Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag-aaral, at pananaliksik na
makikita bago ang introduksiyon. Nakasulat dito ang mahahalagang bahagi.
Karaniwang gumagamit ng 100 to 500 na salita sa paggawa ng abstrak. Maaari ring
magbago ang nilalaman ng abstrak ayon sa disiplina at kagustuhan ng palimbagan.
Ang abstrak ay nahahati sa ganap (kumpletong abstrak) at di-ganap (limitadong
abstrak).

18. Aling teorya sa simu-simula ng wika ang nagsasaad na ang wika ay nagmula sa mga
tunog na nalilikha ng mga sanggol?
a. Teoryang Bowwow
b. Teoryang Mama
c. Teoryang Coo-coo
d. Teoryang Yoheho

Answer: C
Rationalization: TEORYANG COO-COO nagsimula ang wika sa mgatunog na nalilikha ng
mga sanggol.Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda
bilangpagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sapaniniwala ng marami na
ang mga bata ang nanggagaya ng tunogng mga matatanda.

19. Ito ay mag layuning magpahayag ng reaksyon o magbigay ebalwasyon sa pinakikinggan


at tinatawag ding Pahusgang Pakikinig.
a. Analitikal
b. Atentibo
c. Kritikal
d. Marginal

Answer: A
Rationalization: Analitakal•Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamitang mapanuri o kritikal
na paraan ngpagiisip upang malalimangmaunawaan ang kahulugan ng teksto oang
layunin o ang pananaw ngmanunulat. Bahagi ng antas na ito ayang pagtatakas ng
kaangkupan,katumpakan, at kung ang nilalaman ayisang katotohanan o opinyon.
20. Ito ang pagbasang pinakamataas na antas?
a. Inspeyunal
b. Analitikal
c. Sintopikal
d. Primarya

Answer: C
Rationalization: Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na
larangan mula sa pag hahambing ng mga akdang inunawa.

21. Walang silbi ang kahit anong uri ng lamba ________ hindi nito kayang mahuli sa
Pandaka.
a. Ngunit
b. Dahil
c. Parang
d. Sakali

Answer: B

22. Alin sa mga sumusunod ng pangatnig ang siyang ginagamit sa paglilinaw o dagdag sa
pagliwang?
a. Maliban
b. Bukod-tangi
c. Samakatuwid
d. Humigit-kumulang

Answer: C

23. Isa, dalawa, tatlo ang tatay mong kalbo. Ito ay halimbawa ng:
a. Panunudyo
b. Bulong
c. Bugtong
d. Payabangan

Answer: A

24. Aling ang tumutukoy sapag-aaral sa wastong paggamit ng mga salita sa pangungusap?
a. Dramatika
b. Pagbaybay
c. Samatika
d. Sistema

Answer: A
Rationalization: Ang ibig sabihin ng gramatika (or balarila) ay ang buong sistema at
istruktura ng isang wika o ng mga wika sa pangkalahatan, kadalasang kinukuha na
binubuo ng syntax at morpolohiya (kabilang ang mga inflection) at kung minsan din ang
ponolohiya at semantika.
Ang isang karaniwang kontemporaryong kahulugan ng grammar ay ang pinagbabatayan
na istraktura ng isang wika na alam ng sinumang katutubong nagsasalita ng wikang iyon
nang intuitive. Ang sistematikong paglalarawan ng mga katangian ng isang wika ay isa
ring gramatika. Ang mga katangiang ito ay ang ponolohiya (tunog), morpolohiya
(sistema ng pagbuo ng salita), sintaks (mga pattern ng pagkakaayos ng salita), at
semantika (kahulugan).
25. Ito ay kakayahang tumutukoy sa paraan ng paggamit ng mga coping o survival strategies
upang punan ang limitadong kaalaman sa tuntunin sa wika at kontekstong sosyo-
kultural para sa maayos na komunikasyon
a. Kakayahang Estratedjik
b. Kakayahang Pragmatik
c. Kakayahang Sosyolingwistik
d. Kakayahang Diskorsal

Answer: A
Rationalization: Ito ay isang kakayahang pangkomunikasyon na naipapakita sa angkop,
wasto, at mabisang istratehiya upang magpatuloy ang komunikasyon sa kabila ng
problema o aberya.

26. Ang pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at lipunan ay tinatawag na _________.


a. Istratedjik
b. Pagratiks
c. Sosyolingwistik
d. Diskurso

Answer: C
Rationalization: Ang Sociolinguistics ay isang interdisiplinaryong agham o kumbinasyon
ng dalawang disiplina, ang sosyolohiya at linggwistika. Ipinapaliwanag ng agham na ito
ang kakayahan ng tao na gumamit ng mga tuntunin sa wika nang naaangkop sa iba't
ibang sitwasyon.

27. Anong uri ng panlapi ang ginagamit sa mga sumusunod na salita? Binilad, sinampay, at
tiniklop
a. Unlapi
b. Hulapi
c. Gitlapi
d. Laguhan

Answer: C
Rationalization: Ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat.

28. Alin ang katumbas ng temporal communication


a. Vocalics
b. Ojjectics
c. Haptics
d. Chronemics

Answer: D
Rationalization: Ang chronemics ay isang anyo ng komunikasyong di berbal. Ito ay
tumutukoy sa paggamit at pagpapahalaga ng oras bilang batayan ng kaakibatan ng
mensahe. Halimbawa, ang pagdating nang huli sa isang mahalagang okasyon ay
maaaring iinterpret bilang kawalang-interes at respeto sa mga taong nag-imbita at sa
oras ng mga taong nandoon na. Samantalang ang pagdating naman ng maaga sa isang
kasiyahan ay maaaring ikainsulto o ikasama ng loob ng nag-imbita sapagkat maaari itong
dahilan ng kanyang pagkakataranta.

29. Ang kumpas na naglalarawan ng laki, layo, hugis at haba ay tinatawag na


a. Haptics
b. Emphatic
c. Regulatori
d. Deskriptib

Answer: D
Rationalization: Ang tekstong deskriptibo ay ang uri ng tekstong naglalarawan.
Ito ay ang paglalahad ng mga detalye o impormasyon na naranasan ng isang tao sa
pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat.
Ito rin ay ang pagpapahayag ng impresyon o likhang pandama.
Ito ay naglalayong makapagbigay ng kabuuang larawan o konseptong biswal ng mga
bagay, pangyayari, lugar at iba pa.
Ito ay sagana sa mga salitang pang-uri at pang-abay para sa malinaw na pagtukoy sa
mga katangian ng nilalarawan.
Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na "ano".

30. Aling pangatnig ang ginagamit sa pagbibigay ng karagdagan?


a. Hindi lang
b. Kundi man
c. Kapag
d. At

Answer: D

31. Kailan nagsisimula ang ipinatupad ang pormal na adapsyon na ang wikang Pambansa ay
tatawaging Filipino?
a. 1987
b. 1972
c. 1980
d. 1974

Answer: A

32. Hindi pinangarap ni Lito na maging ________ ng kapisanan ng mga guro.


a. Panggulo
b. Pa-ngulo
c. Pang-ulo
d. Pangulo

Answer: D
33. Alin sa mga panlapi ang nagsasaad ng palaging kilos o panggawa?
a. Pala
b. Pa-an
c. Mang
d. Tega
Answer: A

34. Bahagi ng pananaliksik kung saan matatagpuan ang panimula, kaligiran ng pag-aaral at
konseptuwal framework
a. Kabanata IV
b. Kabanata II
c. Kabanata III
d. Kabanata I

Answer: A

35. Pinakamababang lebel ng wika na impormal na nalikha at nabuo sa pagsasama-sama ng


mga salitang pinaikli o pinahaba
a. Pampanitikan
b. Balbal
c. Lalawiga
d. Kolokyal

Answer: D
Rationalization: Ang salitang kolokyal ay impormal na salita kung saan pinapaikli nang
isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Ang salitang kolokyal ay ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipag-usap sa ibang tao.
36. Anong uri ng pana-guri ang ginagamit sa pangungusap na: “siya ay huwarang mag-aaral”
a. Pangngalan
b. Pandiwa
c. Panghalip
d. Pang-uri

Answer: D
Rationalization: Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang
pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon
man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may
mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.[kailangan ng sanggunian] Ang
pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.Ang mga
pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at
nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
37. Ang kahulugan ng salubong ang kilay ay ________.
a. Galit
b. Ganti
c. Ganado
d. Gala

Answer: A

38. Piliin ang salitang walang diptonggo


a. Aliw
b. Kulay
c. Sayaw
d. Musika

Answer: A

39. Bantas ma ginagamit sa pagitan ng panlaping ika at tambilang.


a. Tuldok
b. Panaklong
c. Gitling
d. Kuwit

Answer: C
Rationalization: Ang gitling ay isang maikling guhit na inilalagay sa pagitan ng dalawang
pantig na pinaghahati, sa pagitan ng tambalang salita, o sa dalawang salitáng
pinagkakabit.

40. Sa pagpapatupad ng k-12, anong barayti ng wika ang gagamitin sa mga paaralan sa uang
hakbang?
a. Idyolek
b. Dayalekto
c. Sosyolek
d. Register

Answer: B
Rationalization: Ang diyalekto ay isang natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang
rehiyon o lugar. Ang mga diyalekto ay tinatawag ding wikain o salitang bernakyular. Ang
mga ito ay magkakaiba sa punto, diin at pagbigkas depende sa rehiyon kung saan ito
ginagamit. Nabubuo ang diyalekto mula sa pangunahing wika at nagkakaroon ng kawing
ang mga grammar o bokabolaryo. Maaaring dahil sa lokasyon o relihiyoso at etniko, ay
nagkakaroon ng diyalekto.
41. Ito ay isang bahagi ng pamahayagan na batay sa pananaliksik at isinusulat sa paraang
kawili-wili.
a. Pangulomng Tudling
b. Lathalain
c. Editorial
d. Komento

Answer: B
Rationalization: Ang ibig sabihin ng lathalain ay:
Ito ay isang akda na naglalayon na magpayo, magbigay ng aral, magturo, mang-aliw o
maglahad ng katotohanan batay sa karanasan, pagmamasid, pananaliksik, pag-aaral o
pakikipanayam.
Ito ay tumatalakay sa mga kawili-wiling bagay na batay sa pangkatauhang kawilihan
(nakakawili at nagkakaroon tayo ng koneksyon dahil nasasalamin dito ang sarili nating
buhay).

42. Salaysay: pangungusap: tula:__________.


a. Tugma
b. Saknong
c. Taludtod
d. Bilang

Answer: C

43. Ano ang tawag sa nasa malaking titik sa sumusunod na pangungusap?


a. Kataga
b. Salita
c. Sugnay
d. Pararila

Answer: D
Rationalization: Ang lipon o grupo ng mga salita na hindi nagsasaad ng isang buong diwa
ay tinatawag na parirala. Ito ay nagsisimula sa maliit na tiktik at hindi gumagamit ng
bantas. Ito ang bumubuo sa pangungusap.
44. “Mahal kita, mahal kita, hindi ‘to bola/Ngumiti ka man lang sana ako’y nasa langit na.”
ang salitang pampanitikan na ginagamit sa linya ng kanta ay nanganagahulugang
a. Pakikipagkaibigan
b. Napakasaya
c. Sinisinta
d. Bolero

Answer: B

45. Ang mga salitang HILAW at HANAY ay nagtataglay ng ponemang segmental na.
a. Ponema
b. Diptonggo
c. Morpema
d. Klaster

Answer: B
Rationalization: Ang diptonggo ay tunog na nabubuo sa pagsasama ng alinman sa
limang patinig (a,e,i,o,u) at ng titik w o y.

46. Ang salitang utol ay mauri bilang isang


a. Balbal
b. Kolokyal
c. Dayalekto
d. Lalawiganin

Answer: A
Rationalization: Ang balbal ay isang iba't ibang mga bagong wika o mga salita na nilikha
ng ibang henerasyon sa kanilang wika para sa kanilang komunidad at gagamitin ng
kanilang komunidad upang makipag-usap sa isa't isa. Mga impormal na salita na
kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap.
Ang mga salitang balbal ay nangangahulugan ng mga pamalit para sa mga pormal na
salita na kung minsan ay pinasimple sa ibang mga wika o mga salita na mas
komportableng sabihin sa verbal na komunikasyon. Napakaraming salitang balbal sa
wika ng bawat bansa.

47. Ang epikong isinalin ni Padre Jose Castano sa tulang kaastila at inilathala sa Espanya
1895 ay nahihinggil sa kauna-unahang tao sa Kabikulan
a. Ibalon
b. Hudhud at Alim
c. Darangan
d. Maragtas

Answer: A

48. Matulog ka na bunso


Ang ina mo’y nasa malayo,
May putik may balaho
Hindi ko masundo

Ito ay isang halimbawa ng:


a. Diona
b. Oyayi
c. Soliranin
d. Kumintang

Answer: B
Rationalization: Ang isang oyayi ay tinatawag rin na isang “hele”. Ito ay kadalasang
inaawit ng mga ina para mabilis na matulog ang kanilang mga anak. Kadalasang maikli
lamang ang mga oyayi at paulit-ulit. Ito rin ay naglalaman ng maraming salitang tugma.

49. Hila mo’y tabak…


Ang bulaklak, nanginig!
Sa paglapit mo.
(“Tutubi” ni Gonzaga K. Flores)

Ang tula ay isang ____________


a. Tanaga
b. Epiko
c. Haiku
d. Oyayi

Answer: C
Rationalization: Ang haiku ay isang anyo ng tula na nagmula sa Japan. Hindi kagaya ng
ibang uri ng mga tula, ang haiku ay maikli lamang dahil ito ay gumagamit ng kaunting
salita lamang. Sa katunayan, ang haiku ay may tatlong taludtod lamang. Sa kabuuan, ang
haiku ay mayroon lamang na 17 na pantig. Iyan ang kahulugan ng haiku.
50. Halaw sa tulang Filipino na isinulat ni Jose Corazon de Jesus noong 1929 at nilapatan ng
musika ni Constancio de Guzman.
a. Bayan ko
b. Pilipinas kong mahal
c. Magkaiisa
d. Ako ay Pilipino

Answer: A

Reference:
2022. Actual Let Question Gen Ed FILIPINO 2012-2021. Retrieved from youtube.com/watch?
=_S9dNy9-Zv8

You might also like