LETTER TO THE YOUNG PEOPLE (Aking Kapwa Kabataan)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aking Kapwa Kabataan,

Sa mundong ating kinabibilangan, kayo ay aking kinamumuhian dahil sa


inyong kapabayaan. Ilan din ay aking hinahangaan. Kayo’y aking kinamumuhian
dahil tila ba inyo nang nakalimutan na tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating
bayan. Karamihan na sa ati’y walang pakialam sa paligid. Tinatahak ang maling
daan kung saan matatagpuan hindi magandang kinabukasan. Biro na lang ba ang
lahat? Laro na lang ba ang takbo ng buhay? Bakit hindi natin pinapahalagahan ang
kung anong meron tayo nngayon habang may panahon pa? Pag-aaral sana natin
ang ating asikasuhin hindi ang pagbubulakbol , pagbabarkada, pagtatambay, at
mahumaling sa mga gadyets. Habang nagiinom kayo ng alak, naghihintay ang
inyong libro upang aralin. Habang nagsisigarilyo, ang paaralan ay naghihintay sa
pagpasok ninyo. Sa mga oras na gumagamit kayo ng bawal na gamot ay iniisip
kayo ng mga magulang ninyo. Huwag naman ninyong sayangin sa wala ang buhay
na ipinahiram sa atin. Karamihan man ay nawala sa landas, huwag natin itong
gawing isa sa mga dahilan upang hindi na ipaglaban ang ating bayan at ang ating
kinabukasan,

Sa mga patuloy na lumalaban para sa ating bayan, sa mga kabataan na hindi


natatakot ipagsigawan ang karapatan, kayo, tayo ang hinihintay ng ating bayan.
Hinahangaan ko ang inyong katapangan dahil sa kabila ng maraming masasamang
gawi, heto kayo at naninindigan. Marami man ang napupunta sa maling landas,
itatayo parin natin ang ating dangal bilang kabataan. Tayo na lamang ang
magsilbing ehemplo para sa mga napariwara. Huwag nating hayaan na baguhin
tayo ng lipunan dahil tayo ang babago sa lipunan. Magkaisa tayo na harapin ang
dagok na ating nararanasan. Ipagpatuloy lamang natin kung ano ang ating
nasimulan. Ang mga nagbubulagbulagan sa lipunan ay gisingin at ipakita ang
katotohanan, na TAYONG MGA KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN.
Laban lang kung laban para sa ikauunlad ng ating bayan.

Lubos na Nagmamahal,
Frances Elyza Mae Arellano
(kabataan)

You might also like