Filipino 3 - Ang Tatlong Biik Modyul

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang Tatlong Biik

May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang


kapalaran. Napag-usapan ng mga biik na humanap ng lugar kung saan sila makapagatayo
ng bahay. Sila ay naghiwahiwalay upang humanap ng maayos na lugar na maaari nilang
tirahan.

May pagkatamad ang unang biik kung kaya’t hindi siya masyadong lumayo. Siya
ay nagtayo ng maliit na bahay na gawa sa dayami. Isang araw, may napadaang isang
lobo at nakita nito ang biik na nakatira sa loob ng bahay na dayami. Sa isang malakas na
ihip lamang ay napatumba na nito ang bahay na ginawa ng unang biik. Sa takot na
makain ng lobo, ang unang biik ay nagtatakbo hanggang sa makarating ito kung nasaan
ang ikalawang biik.

Wais naman ang pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay sa may
di kalayuan mula sa kung saan sila naghiwahiwalay ng kanyang mga kapatid. Gumamit
siya ng kahoy at pawid upang itayo ang kanyang bahay. Hindi nagtagal ay dumating na
ang malaking lobo na humahabol sa unang biik. Sa isang malaking ihip ay nanginig ang
bahay na gawa sa kahoy at pawid. Isang ihip pa ay napatumba na ng lobo ang bahay na
ginawa ng ikalawang biik. Sa takot ng dalawang biik ay kumaripas sila hanggang sa
matunton nila ang ikatlong biik.

Ang ikatlong biik ay hindi lamang matalino. Siya ay masipag rin. Nagtayo siya ng
bahay na nasa tuktok ng maliit na burol at gumamit siya ng bato upang mabuo ito.
Saktong katatapos pa lamang niyang itayo ang bahay nang dumating na humahangos ang
kanyang dalawang kapatid na biik.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang malaking lobo. Gutom na gutom na ito at
sabik na sabik nang kainin ang tatlong biik. Hinipan niya ang bahay na bato ngunit hindi
man lamang ito nanginig. Hinipan niya nang paulit-ulit ang bahay ngunit hindi niya ito
napatumba. Habang nagpapahinga, napatingin sa bandang bubong ng bahay ang lobo.
Nakita niya ang chimineya at naisip niyang duon na lamang magdaan upang mahuli ang
tatlong biik. Lingid sa kanyang kaalaman, nagsimula nang magsindi ng apoy ang tatlong
biik sa ilalim ng chimineya. Nagsalang sila ng isang malaking kaldero ng tubig. Pagbaba
ng lobo mula sa chimineya ay nalaglag ito sa palayok ng kumukulong tubig! Nagtatakbo
paalis ang lobo at hindi na muling nagbalik. Dahil sa nangyari, natuto nang magsipag
ang dalawang biik.
Bokabularyo: Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa bawat
pangungusap. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Ang tatlong biik ay nagdesisyong maglakbay patungo sa malayong
lugar.
a. manatili sa isang lugar
b. magpunta sa lugar na malayo sa pinanggalingan
c. magbakasyon

2. Nais ng tatlong biik na tuklasin ang kanilang kapalaran sa pamamagitan


ng paghahanap ng lugar na kanilang matitirahan.
a. kahihinatnang pangyayari
b. kayamanan
c. kalayaan

3. Malakas na ihip lamang ng lobo ang nagpatumba sa bahay ng unang


biik.
a. Pagtulak gamit ang kamay
b. Pagsandal ng buong katawan
c. Pagpapalabas ng hangin mula sa bibig

4. Ang pangalawang biik ay wais dahil gumamit siya ng mas matibay na


material sa paggawa ng kanyang bahay.
a. Matipid
b. Matalino
c. Tamad

5. Nanginig ang buong bahay sa lakas ng ihip ng lobo.


a. Nagiba
b. Gumalaw ng bahagya
c. Nabuo

6. Kumaripas ng dalawang biik upang hindi sila mahuli ng lobo.


a. Tumakbo nang mabagal
b. Naglakad palayo
c. Tumakbo nang mabilis

7. Humihingal ang dalawang biik dahil malayo ang kanilang tinakbo.


a. Tumatakbo
b. Nagpapahinga
c. Naghahabol ng hininga

8. Sabik nang kumain ang lobo dahil ito ay gutom na.


a. Hindi na makapaghintay
b. Hindi na gusto
c. Hindi na alam ang gagawin

9. Inutusan ng pangatlong biik ang dalawang kapatid na magsindi ng apoy.


a. Magpasiklab
b. Magpatay
c. Hipan

10. Ang biik ay naglagay ng kaldero ng tubig sa ibabaw ng apoy.


a. Babasaging paso
b. Maliit na timba
c. malaking lutuan
Balikan natin: Basahin ang mga tanong at piliin ang iyong sagot. Isulat ang
titik ng sagot sa patlang.

__________ 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?


a. Ang tatlong baboy at ang pagong
b. Ang tatlong biik at ang lobo
c. Ang lobo at ang biik

__________ 2. Ano ang hinahanap ng tatlong pangunahing tauhan?


a. Naghahanap sila ng kayamanan.
b. Hinahanap nila ang kanilang mga magulang.
c. Naghahanap sila ng lugar na mapagtatayuan nila ng kanilang bahay.

__________ 3. Ano ang ginamit ng unang biik sa pagtatayo ng


kanyang bahay? a. Tuyong dahon
b. Dayami
c. Buhangin

__________ 4. Ano ang ginawa ng lobo kaya nagtatakbo ang unang biik?
a. Hinipan ng lobo ang kandila kaya nasunog ang bahay ng unang biik.
b. Hinipan ng lobo ang biik kaya ito ay nilamig.
c. Hinipan ng lobo ang bahay ng biik kaya ito ay natumba.

__________ 5. Anong materyal ang ginamit ng pangalawang biik sa


pagtatayo ng kanyang bahay?
a. Kahoy at pawid
b. Semento at maliliit na bato
c. Buhangin at pandikit
__________ 6. Ilang beses kinailangang hipan ng lobo ang bahay ng
pangalawang biik bago niya ito napatumba?
a. Isa
b. Dalawa
c. Tatlo

__________ 7. Saan nagtayo ng bahay ang pangatlong biik?


a. Sa tabi ng dagat
b. Sa loob ng isang kuweba
c. Sa tuktok ng maliit na burol
__________ 8. Bakit hindi napatumba ng lobo ang bahay ng pangatlong biik?
a. Dahil ito ay gawa sa matibay na materyal
b. Dahil ito ay masyadong Malaki
c. Dahil mahina na ang lobo

__________ 9. Saan nagdaan ang lobo upang makapasok sa


bahay ng biik? a. Sa ilalim ng lupa
b. Sa pinto sa likod ng bahay
c. Sa chimineya

__________ 10. Bakit nagtatakbo paalis ang lobo?


a. Dahil natakot siya sa tatlong biik
b. Dahil napaso ito sa kumukulong tubig
c. Dahil tinawag ito ng kanyang ina

Talakayin natin: Basahin ang bawat tanong at sagutin.

1. Bakit naisipang maglakbay ng tatlong biik?


_________________________________________________________
__________
_________________________________________________________
__________
_________________________________________________________
__________
2. Ano ang ginamit ng unang biik na materyales sa pagtatayo ng bahay?
Bakit ito ay hindi naging matagumpay?
_________________________________________________________
__________
_________________________________________________________
__________
_________________________________________________________
__________

3. Saan nagtayo ng bahay ang ikatlong biik? Sa iyong palagay, ano ang
benepisyo ng pagtatayo ng tirahan sa nasabing lokasyon?
_________________________________________________________
__________
_________________________________________________________
__________
_________________________________________________________
__________

4. Kung ikaw ang lobo, pipilitin mo pa rin bang pasukin ang bahay ng mga
biik kahit na hindi mo ito kayang patumbahin? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
_________________________________________________________
__________
_______________________________________________________________
____
_______________________________________________________________
____
5. Kung ikaw ang ikatlong biik, ano ang iyong sasabihin sa dalawang biik
na nasira ang bahay?
_________________________________________________________
__________
_________________________________________________________
__________
_________________________________________________________
__________

Pagsunod-sunurin ang pangyayari: Isulat ang bilang 1-7 sa patlang ayon sa


pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

_____ Napaso ang lobo at nagtatakbo palayo sa bahay ng pangatlong biik.


_____ Nagtayo ng bahay na gawa sa dayami ang unang biik.
_____ Hindi napatumba ng lobo ang bahay ng pangatlong biik kaya’t ito ay
umakyat sa chimineya.
_____ Hinipan ng lobo ang bahay na dayami at natumba ito.
_____ Nagtatakbo ang dalawang biik hanggang sila ay makaabot sa bahay ng
pangatlong biik.
_____ Nagtago ang dalawang biik sa bahay na gawa sa kahoy at pawid.
_____ Napatumba rin ng lobo ang bahay ng pangalawang biik.
Katangian ng Tauhan: Kilalanin ang katangian na pinakita ng mga tauhan sa
kuwento. Kulayan ang kahon ng iyong sagot.

1. Ang unang biik ay nagtayo ng maliit na bahay na gawa sa dayami dahil


ito ang pinakamadaling kuhaing materyal at ayaw na niyang lumayo.

masipag mabilis tamad


2. Ang pangalawang biik ay nagtayo ng bahay na gawa sa kahoy at pawid
dahil ito ay materyal na madaling kuhain at matibay.

wais matiyaga masungit

3. Ang ikatlong biik ay nagtayo ng bahay sa tuktok ng maliit na burol at


gumamit ito ng bato.

mabait matalino matulungin

4. Nasira ng lobo ang bahay ng dalawang biik gamit lamang ang kanyang
ihip.

malakas mapagkumbaba mahinhin

5. Pumayag ang ikatlong biik na tumira sa kanyang bahay ang kanyang


dalawang kapatid.

malungkot mababa mabait

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga elemento ng kuwento.


Panuto: Gumawa ng panibagong katapusan para sa kuwento. Ano ang iyong
ibang gagawin upang mapalayas ang lobo.

______________________________________________________________
__________
______________________________________________________________
__________
______________________________________________________________
__________
______________________________________________________________
__________
______________________________________________________________
__________
______________________________________________________________
__________
______________________________________________________________
__________
______________________________________________________________
__________

Panuto: Gumuhit ng bahay para sa tatlong biik. Ipaliwanag kung anong


materyales ang iyong gagamitin. Sabihin rin kung anong mga tampok na
katangian (features) ang iyong ilalagay upang hindi ito mapasok ng lobo.

You might also like