Professional Documents
Culture Documents
Unang Markahang Pagtatasa Sa Filipino 8
Unang Markahang Pagtatasa Sa Filipino 8
Palatanungan Blg. :
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang may pag-unawa ang bawat bilang. Sundin ang isinasaad na paraan ng
pagsagot sa bawat bahagi ng pagtatasa. Isulat ang kasagutan sa inyong libritong pampagsusulit. Huwag sasagutan
ang palatanungang ito.
II. EUPEMISTIKONG PAHAYAG: Ibigay ang kahulugan o ipinahihiwatig ng mga sumusunod na eufemistikong
pahayag.
______________ 21. Bahag ang buntot
______________ 22. Nagbibilang ng poste
______________ 23. Butas ang bulsa
______________ 24. Hikahos sa buhay
______________ 25. Kasamaang palad
III. PANG-ABAY (2 PUNTOS): Isulat ang pang-abay na ginamit sa pangungusap. Pagkatapos ay uriin ito. Isulat sa
patlang ang “PM” kung ang pang-abay na ginamit ay pang-abay na pamanahon at “PL” kung ito naman ay pang-
abay na panlunan.
______________ 26-27. Dala-dala ni Abdul ang pinatuyong isda hanggang sa kabilang nayon.
______________ 28-29. Para sa mga Muslim, ang kalilang ay isang pagdiriwang na dapat daluhan taon-taon.
______________ 30-31. Napasigaw ang reyna kaya naglapitan ang iba pang mga alalay nito sa silid niya.
______________ 32-33. Ang estatwa ay nayari na kahapon.
______________ 34-35. Nasambit niya ang Ai-dao nang nakita niya sa parke ang kanyang kaibigan.
IV. PAGSASALAYSAY
PAMANTAYAN:
NILALAMAN – 2 PTS
PAGKAMALIKHAIN 1 PT
BALARILA AT BAYBAY 2 PTS
KABUUAN: 5 PTS
1. Ano ang iyong natutunang aral mula sa epikong Bidasari na nagpakita na ang masama ay hindi
kailanmang mananaig sa kabutihan? (3 pangungusap - 5 puntos)
2. Ano ang aral na iyong natutunan sa alamat ni Maria Makiling na kung saan dahil sa labis niyang
pagtulong sa taong bayan ay umasa na ito sa kanya na maaari mong ipayo sa kapwa mong kabataan?
(3 pangungusap - 5 puntos)
3. Ano ang aral na maibabahagi mo sa iyong kapwa kabataan na iyong natutunan mula sa maikling
kuwentong si Miss Phatuphats na nakalimot sa kanyang sariling wika? (3 pangungusap - 5 puntos)
BB. VERLYN GRACE D. CENINA, LPT G. CHRISTIAN DE GUZMAN GNG. LYDIA P. DE GUZMAN
Guro sa Filipino 8 Pangkagawarang Tagapag-ugnay Punong-Guro