Ang Aso at Ang Pusa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aso at ang Pusa

Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang


pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang
lalamunan, Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa
matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod- lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapa-aalis ng
kanyang bikig. Parang namamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang
mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makapag-
aalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.
Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bunganga. Ipinasok naman
ng pusa ang kanyang ulo hanggang leeg upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng
bikig, ang pusa ay nagsalita, "Akin na ang aking gantimpala." Umuungol ang aso.
Inilabas ang matatalim na pangil. "Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong
ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi napahamak", wika ng aso
na waring nanunumbat.

You might also like