Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY

Ako, Fernando Santos, Filipino, may sapat na gulang, at naninirahan sa


____________________, ay kusang-loob na nagpapahayag:

1. Ako ay isa sa mga itinuturong respondents sa NPS No. XV-03-INV-22-E-03363 at


inaakusahan ng “cyber libel” at “misrepresentation” ng mga complainant na sina Rhon
James Nebres Estrada at Aser Ben Garcia Santiago.

2. Ako ay isang ______________ sa Barangay Obrero, Quezon City.

3. Kontra sa mga hindi tamang paglalahad ng mga complainants sa kanilang Pinagsanib na


Sinumpaang Salaysay dated 14 March 2022 at ang kani-kanilang sulat kamay na
testimonya, ang katotohanan sa insidenteng naganap noong Marso 12, 2022 ay ang mga
sumusunod:

a.

b.

4. Base dito, ang mga bintang na “cyber libel” at “misrepresentation” ay aking


pinabubulaanan dahil ito ay walang katotohanan.

5. Sa aking pagkakaalam sa ating batas, mahalaga na maipalam ng complainants sa


kanyang inihahabla (a) ang nature ng krimen, (b) ang mga bagay na ginawa ng
inihahabla upang isakatuparan ang nasabing krimen at (c) ang ispesipikong batas na
nilabag ng inihahabla, upang mapaghandaan ng inihahabla ang kanyang depensa at
maipagtanggol ang kanyang sarili. Wala ang lahat ng ito sa kasong ito laban sa akin.

6. Kung susuriing mabuti ang Pinagsanib na Sinumpaang Salaysay dated 14 March 2022 at
ang mga nakalakip na dokumento dito kabilang ang testimonyang sulat kamay nina
Rhon James Nebres Estrada at Aser Ben Garcia Santiago, mga kopya ng larawan ng
batang si Jhierzinck Macabagdal, larawan nina Aiko Macabagdal at Teresita Macabagdal,
at ang print out ng Facebook post ni Aiko Macabagdal, walang ispesipikong alegasyon na
nagsasabi at nagtuturo na ako ay may kinalaman, ginawa o kaya ay may direktang
partisipasyon sa ibinibintang na “cyber libel” at “misrepresentation” laban sa mga
complainants.

7. Sa sulat kamay na testimonya ni Aser Ben Garcia Santiago, walang detalye kung ano ang
aking kinalaman, ginawa, o partisipasyon upang ako ay pagbintangan ng “cyber libel” at
“misrepresentation”. Dito ay malinaw na ang mga taong sangkot ay ang mga mismong
complainants at ang tinutukoy nyang “Kuya Bong” at “Kuya Osorio”. Walang nabanggit
na alegasyon ng aking partisipasyon o ginawa patungkol sa ibibintang na krimen.
8. Samantala, sa sulat kamay na testimonya ni Rhon James Nebres Estrada, wala din
alegasyon na ako ay may kinalaman, ginawa, o partisipasyon sa “cyber libel” at
“misrepresentation”. Kung susuriing mabuti ang mga nakasaad sa sulat kamay na
testimonyang ito, malinaw na sinamahan lamang ng mga tauhan ng Barangay Obrero
ang mga magulang ni Jhierzinck Macabagdal sa Barangay Hall ng Barangay Laging
Handa. Maliban dito ay wala ng iba pang alegasyon o detalye kung paano ko naisagawa
ang binibintang na “cyber libel” at “misrepresentation”.

9. Bukod sa mga nakalahad sa itaas, wala din ebidensya na magpapatunay na ako ay


gumawa ng mga bagay upang maisakatuparan ang binibintang na “cyber libel” at
“misrepresentation”. Ang mga nakalakip na dokumento sa Pinagsanib na Sinumpaang
Salaysay ay hindi sapat at malakas upang ako ay pagbintangan at akusahan na gumawa
ng krimen na “cyber libel” at “misrepresentation”.

10. Sa mga kadahilanang nabanggit at pagpapaliwanag ng aking panig, ang reklamo ng mga
complainants laban sa akin at ang akusasyon na ako ay gumawa ng krimen na “cyber
libel” at “misrepresentation” ay nararapat lamang na i-DISMISS ng Kagalang-galang na
Opisina ng Prosecutor ng Quezon City sapagkat walang probable cause na ako ay may
partisipasyon o ginawang kamalian patungkol sa krimen na “cyber libel” at
“misrepresentation”.

11. Kusang-loob na isinasagawa ko ang paglalahad sa kontra salaysay na ito pagkatapos na


maipaliwanag sa akin ang legal na epekto nito na lubos kong nauunawaan.

Bilang pagpapatunay, ako ay lumalagda na makikita sa ibabaw ng nakasulat kong


pangalan, nitong ika _____ ng _____________ 20____, dito sa Lungsod ng Quezon.

FERNANDO SANTOS
Affiant

You might also like