Bernardo, Dalope, Jimenez, Manzano, Mero - 12 Humss 3 - Posisyon Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Isang Posisyong Papel ukol sa

Mandatoryong Pagsali sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC)

PAGSALI SA RESERVE
OFFICERS’ TRAINING CORPS
(ROTC): KAILANGAN BANG
MANDATORYO O DESISYON
NG PILIPINO?

Itindig nina:

Zakea Bandoy
Raua Asha M. Bernardo
Gabrielle Marie B. Dalope
John Kelly Jimenez
Vicente N. Manzano
Alaine Merry S. Mero

Ipinasa kay:
G. Aris Alde Algonahota
Guro ng Filipino 12
Ang Reserve Officers’ Training Corps o mas kilala bilang ROTC ay nagsimula
noong 1922 na pinangunahan ng Unibersidad ng Pilipinas upang maisakatawan ang
pagiging handa ng militar kung magkakaroon man ng ‘di inaasahang gyera (UP
Vanguard Incorporated, n.d.). Naging parte ng batas ang ROTC noong August 8, 1980
kung saa’y tinatawag itong National Service Law na nag oobliga sa mga Pilipinong
maging makabayan, tumugon sa batas, at maging handa sa pagtanggol ng mga
mamamayan. Nakasaad sa batas na ito ang mandatoryong pakikilahok ng mga lalaking
nasa kolehiyo sa ROTC spagkat makapag tatanim ang batas ng pagiging makabayan
(DMST, n.d.).

Natigil ang pagpapatupad nito noong Enero 23, 2022 dahil sa isang biktimang
nakaranas ng pagmamaltrato galing sa mga sarhento’t kadete. Ayon kay Viray, 2018 ang
biktimang ito ay si Cadet Mark Chua at siya ay natagpuang walang buhay at ang mga
suspek ay ang mga administrasyon ng mga istudyante sa ROTC noon sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Sa kabila ng pagkawala ng ROTC dahil sa naging sitwasyon ni Chua, nais
pa rin ibalik ni Presidenteng Duterte ang ROTC at sa halip na sa kolehiyo, sa Senior High
ng lahat ng mag-aaral sa pampubliko’t pribadong paaralan sa Pilipinas. Ang petisyon na
ito ay nakabinbin ngayon sa House of Representatives kung sa’n nais muli ito ipatupad
muli ni Sara Duterte sa pangalang Mandatory Military Service (Magsambol, 2022).
Ngayong papalapit ang iangurasyon ni Sara Duterte bilang bise-presidente, mas malaki
ang tsansang bumalik ang sapilitang pagsilbi sa militar. Datapwat iginagapang na muli
itong ibalik, hindi makatwirang isabatas ito sapagkat mas mabigat ang masamang epekto
nito kaysa sa mabuti; ang Mandatory Military Service ay hindi dapat mandatoryo.

Hindi lingid sa kaalaman natin na madaming tao ang may iniindang kalagayan
mapa pisikal man o sa kalusugang kaisapan. Kung ipatutupad ang Mandatory Military
Service, papaano na lamang ang mga kabataang limitado ang kalusugan? Dapat na
bigyan ng pagkakataong pumili’t magdesisyon ang mga apektado sa nais pirmahang
batas na ito sapagkat magkakaiba ang sitwasyong kinahaharap ng bawat mag-aaral. Ang
iba ma’y nadadalian sa kanilang buhay estudyante, makapagaambag sa bigat ng
pinagdaraanan nila ang Mandatory Military Service na maaring magresulta sa pagbaba ng
kanilang kanilang grado lalo na sa mga lalaking mag-aaral.
Ang pagiging mandatoryo ng ROTC ay labag sa Civil Human Rights ng isang
indibiduwal. Alinsunod sa Human and People's Rights Declaration of the Philippines,
ika-lima, isinasabi na ang isang tao ay mayroong karapatan sa kaniyang buhay, kalayaan,
kalagayan, at ari-arian. Ang pagiging mandatoryo ay taliwas sa karapatang sakop ng
aking mga binanggit sapagkat ibinabasura ang kalayaan ng isang indibiduwal gumawa ng
sarili niyang desisyon para sa kaniyang buhay. Dagdag pa rito’y ang ROTC ay
makaaapekto din sa Social at Cultural Rights ng mga kabataan na may karapatan sa
edukasyon, kalagayan, kalusugan, at kaligtasan. Alinsunod sa ika-dalawampu't tatlo na
mayroong proteksyon ang mga may kapansanan at kapag iginawang mandatory ang
ROTC para sa lahat nang nasa tamang edad, magkakaroon ng diskriminasyon at tensyon
sa mga taong nakakaranas ng kapansana at hindi nakakaranas nito.

Ang pangangamba na maisakatuparan muli ang ROTC ay ‘di maikakaila sapakat


takot ang nananalantay sa kalooban ng tao mula sa iba’t ibang balitang pagmamaltrato’t
pang abuso ng mga nakatataas na opisyal. Ginagamit nila ang disiplina upang bigyang-
katwiran ang pagiging malupit lalo na sa mga “mahihina” at pabigay na. Dahil sa takot na
sila’y mamatahan tulad ng kanilang mga kasamahan, nananatiling nakatikom ang mga
bibig at bulag ang mga mata sa pamamalakad ng ROTC; isang salik na rin dito ay ang
kanilang edad. Dapat ay hindi gawing sapilitan ang ganitong panukala at linangin muna
ang epekto nito.

Ayon sa Manila Bulletin, si Mark Welson Chua ay isang biktima sa sistema ng


nakaraang ROTC sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay natagpuang patay sa Ilog
Pasig matapos niya ilabas sa publiko ang pagnanakaw, pangingikil, at panunuhol ng mga
namamahala sa UST ROTC noong 2001. Ito ay kumalat sa Varsitarian o ang opisyal na
publikasyon ng UST, kaya naibunyag ang kwento ni Chua. Naging testimonya ang
kuwento niya ukol sa pangit na realidad ng ROTC na nagresulta sa pagtigil nito noong
2002. Huwag nating kalimutan ang naging kapalaran ni Chua, sa halip ay tandaan ang
posibilidad na mangyare muli ito sa iba. Dagdag pa rito’y ang pagiging mandatory nito
ay maaring magkaroon ng tensyon at rebelyon na maging sanhi ng paghati sa mga
kabataan na may tsansang mauwi sa pagdanak ng dugo.

Maraming naghahangad na maisama at maglinkod para sa bayan, ngunit ang hindi


kaya ng kanilang pangagatawan. Dahil sa bigat ng pagsasanay mapa pisikal man o mental
kinakailangan sila ay kapasidad na gawin ito. Ngunit ang maging bahagi nito ay isang
pribilehiyo na data ay isinasaalang-alang na hindi lahat ay kayang maglingkod, dahil sa
mga salik gaya ng pisikal at mental na kapasidad. Ang layunin ng serbisyong militar ay
hindi lamang para maprotektahan ang bansa ngunit pati na rin magpalawig ng disiplina at
magagandang paniniwala na tinatalakay ang ating moralidad nang sabay sabay. Sapagkat
hindi lahat ng tao ay may kakayanan at kapasidad para sumali sa mandatoryong gawing
ito. Isama na rin natin ang kakayahan ng ating isip at emosyon. Lahat ay may kanya
kanyang limitasyon at mga pinagdadaanan sa buhay. May mga taong may kakayahang
maging malakas at sumabak sa mga pisikal na laban, mayroon namang mga hindi kaya
dahil hindi naman magkakapareho ang pisikal na anyo ng katawan. Mayroon ding may
mga sakit, mga pinagdadaanan sa buhay, at marami pang iba. Kaya ang serbisyong
militar o ROTC ay dapat depende sa desisyon ng tao at hindi sapilitan.

Gayunman ang panig at mga naging rason upang ‘di isabatas ang Mandatory
Military Service, ilan sa mga positibong maidudulot sa pagpapabuti ng bansa ay aking
ilalahad. Ang pag lilingkod sa bansa’y makapagdudulot ng kamalayan bilang Pilipino
sapagkat nakapag aalab ito ng damdaming gaya ng paghihirap na dinaras ng ating mga
ninuno (Tiglao, 2018). Nagbibigay din ito ng mga oportunidad mapayabong ang
personalidad ng mga kabataan at magamit ang mga natutunang kaalaman pagtapos ng
pagsisilbi. Maaga rin makapaghahanda sa pag tuntong sa ganap at responsableng edad na
may tungkulin. Sa kabila nito, nanatili ang katotohanang maaga madaranas ng mga
estudyante ang pagiging bayolente at displina sa malupit at striktong paraan. Kaya naman
patuloy ang pagtutol ng karamihan dito. Ang rason nila’y nagbibigay takot ang
pagpapatupad ng ROTC kahit ipakilala ito sa ibang pangalan na Mandatory Military
Service.

Ang ROTC ay muling isinisulong ng administrasyon sa bagong pangalang


“Mandatory Military Service”. Kahit may magandang dulot ang panukalang ito, ‘di
maikakaila na mas mabigat ang negatibong epekto nito sa mga kabataan lalo na sa
kanilang pisikal at mental na kalusugan. Ang pagseserbisyo sa militar ay hindi dapat
sapilitan sapagkat nasa karapatan natin ang pagiging malaya makapagdesisyon ng isang
indibidwal. Ang pagpapatupad ng ganitong batas para sa mga estudyante ay maaaring
makaapekto sa kanilang pag-aaral at nagtatanim ng takot. Isa sa mga pangunihing rason
ng pagtutol sa pag pasa nito ay ang posibilidad na muling magkaroon ng
pagmamamltrato at karahasan kung sa’n naging biktima ay isang estudyante ng
Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi para sa lahat ang pagsisilbi sa militar at hindi ito
dapat maging mandataryo dahil walang kasiguraduhan ang malinis na pagpapalakad na
ito kaakibat pa ng pagkakaiba ng pisikal at mental na kapasidad ng mga estudyante.

Sanggunian:
DMST. (n.d). A Department of Duty: The UP DMST. https://rotc.upd.edu.ph/about/history/

Magsambol, B. (2022, January 22). Sara Duterte’s push for mandatory military service shows
‘true militarist nature’ – groups. https://www.rappler.com/nation/groups-reactions-sara-
duterte-proposal-mandatory-military-service-filipino-youth/

Study Moose. (2021, August 11). Abuse of ROTC Program vs Students’ Mental Health.
https://studymoose.com/abuse-of-rotc-program-vs-students-mental-health-essay

UP Vanguard Incorporated. (n.d). The UP ROTC Story.


https://www.upvanguard.org/about-us/the-up-rotc-story/

Viray, P. (2018, November 26). Why ROTC is no longer mandatory. PhilStar.


https://www.philstar.com/headlines/2018/11/26/1871897/why-rotc-no-longer-mandatory

The Human and Peoples’ Rights Declaration of the Philippines | ヒューライツ大阪. (n.d.).

https://www.hurights.or.jp/archives/other_documents/section1/2001/11/the-human-and-peoples-

rights-declaration-of-the-philippines-2001.html

You might also like