EPP5 Q1 Module-2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pagadian City

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 1 – Module 2:
Entrepreneurship and Information and
Communication Technology
Learning Activity Sheets
(Extracted/Modified from CO/RO10 SLMs)

Name:
Year Level:
Grade & Section:

DO_Q1_EPP5_ Module 2
Aralin 1: Panuntunan sa Pamamahagi ng mga Dokumento at
Media Files

ALAMIN
• Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pagmamahagi ng mga
dokumento at media file EPP5IE-0b-6
SUBUKIN
1. Anu-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay, paaralan
at mga lugar pasyalan ng mga produkto ng makabagong
teknolohiya?
2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito?
Bakit?

BALIKAN
Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto tungkol sa information
technology at MALI naman kung hindi.
____1. Ang paggamit ng computer ay kasiya-siyang Gawain.
____2. Ang information technology ay kadalasang nagdadala ng
masama sa mga tao.
____3. Dapat isaalang-alang ang mahalagang panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento at files.
____4. Mahalaga ang ICT sa buhay ng tao.
____5. Maging responsible sa bawat information na makukuha.

TUKLASIN
Ano ang matutuklasan
TSEKLIS NG MGA PANUNTUNAN SA PAMAMAHAGI NG DOKUMENTO
AT MEDIA FILE
1. Humingi ng pahintulot sa kinauukulan bago mamahagi ngmga
dokumento at media file
2. Siguraduhin na ang ipamamahaging dokumento at media file ay
pinahintulutan ng tunay na nagmay-ari nito
3. I-scan muna ang removable device para makaiwas sa virus
4. Gumamit ng ibat-ibang aplikasyon sa internet sa pamamahagi
ng dokumento at media file
5. Tiyakin na ang gagamiting removable device ay ligtas sa
anumang virus
6. Maging responsible dahil anumang virus na nasa loob ng device
ay maaaring mailipat din kasama ng mga dokumento at media
file na nais ipamahagi
7. Siguraduhin ding mailagay kung sino o kanino nagmula ang
ipamamahaging dokumento o media file

DO_Q1_EPP5_ Module 2
8. Tiyakin na ang dokumento at media file naipamamahagiay hindi
naglalaman ng anumang uri ng detalye na maaaring
makapanira o makapagpapagalit sa mga taong makakatanggap
nito
9. Gumamit ng mga aplikasyon tulad ng 7-zip at win zip kung ang
media file o dokumento ay naglalaman ng sensitibong
impormasyon upang i-encrypt ang file

SURIIN
1. Anu-ano ang mga panuntunan sa pamamahagi ng dokumento
at media file?
2. Bakit kailangang maliwanagan ang mga wastong panuntunan
sa pamamahagi ng dokumento at media file?

PAGYAMANIN
Ano pa ang gusto mong malaman?
Pumili ng dalawang panuntunan sa wastong pamamahagi ng
dokumento at media file at ibigay ang iyong reaksyon.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________

ISAISIP
Ano ang natutunan ko?
Sagutin ang tanong.
Anu-ano ang kahalagahan ng mga ICT sa inyong buhay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________

ISAGAWA
Ano ang magagawa mo pa? Subukan ang nalalaman.
1. Magbigay ng isa sa mga panuntunan at ipaliwanag ito sa iba’t
ibang pamamaraan( paawit, patula, tumatawa, umiiyak, nag rap,
drawing at iba pa.) Isulat ditto ang script o drawing
2. Bakit kailangang maliwanagan sa mga wastong panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento at media file?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________
2

DO_Q1_EPP5_ Module 2
TAYAHIN
Isulat ang T kung Tama ang ipinahahayag na panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento o media file at M kung mali.
____1. Ilagay kung sino o kanino nagmula ang ipamamahaging
dokumento o media file.
____2. Gumamit ng removable device ng hindi nag i-scan.
____3. Tiyakin na ang dokumento at media file naipamamahagi ay
hindi naglalaman ng anumang uri ng detalye na maaaring
makapanira o makapagpapagalit sa mga taong makakatanggap nito.
____4. Huwag humingi ng pahintulot sa kinauukulan bago mamahagi
ng mga dokumento at media file.
____5. Anumang virus na nasa loob ng removable device ay hindi
mailipat na kasama ng dokumento at media file na nais ipamahagi
kaya ayos lang na balewalain ito.

Aralin 2: Ligtas at Responsableng Pamamaraan ng


Pamamahagi ng mga Dokumento at Media Files
ALAMIN

• Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at


responsableng pamamaraan EPP5IE-0b-7
Tungkol saan ang modyul na ito?
Sa modyul na ito ay matuto ka na makapamahagi ng mga dokumento
at media file sa ligtas at responsableng pamamaraan
Dapat maging ligtas at responsible sa pamamahagi ng mga
dokumento at media files gamit ang information ang communication
technology (ICT) katulad ng computer, email at internet at mga social
media files gaya ng facebook at Instagram. Kailangang mahusay na
mapag-aralan ang mga datos at gabay sa ligtas at responsableng
pamamaraan

SUBUKIN
Lagyan ng tsek____ sa hanay ng OO at ekis____ naman kung hindi.
Kasanayan sa ligtas at responsableng
pamamaraan sa pamamahagi ng dokumento OO HINDI
at media files
1. Natitiyak na ligtas sa anumang virus na
napapaloob sa gagamiting removable
device.
2. Ang virus na nasa loob ng removable
device ay hindi makaapekto sa mga
files.

DO_Q1_EPP5_ Module 2
3. Aalisin muna ang virus na nakapaloob
sa removable device
4. Ang mga file na nakuha sa internet ay
nararapat na iscan muna bago buksan
ang document.
5. Sa pamamahagi ng mga files at
dokumento tiyaking hindi ito
naglalaman ng anumang uri ng detalye
na makakasira o makapagpagalit sa
taong nakatangggap nito.

BALIKAN
1. Anu-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay, paaralan
at mga lugar pasyalan ng mga produkto ng makabagong
teknolohiya?
2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito?
Bakit?
3. Paano mo ito gagamitin upang maging kapakipakinabang ito?

TUKLASIN
Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan ,
kasangkapan at technolohiya na tumutulong sa mga tao upang
makakuha ng impormasyon, maproseso ito, maitago at maibabahagi.
Kasiya-siyang Gawain ang pamamahagi ng dokumento at media files
gamit ang computer at internet.

SURIIN
Gamitin ang mga salita sa loob ng kahon para kompletuhin ang
pangungusap tungkol sa ligtas at responsableng pamamaraan sa
pamamahagi ng mga dokumento at media file

Removable device website facebook kompyuter


instagram
Application virus media files
1. Tiyakin kung aling __________ ang maaring bisitahin at kung
gaano katagal maaaring gumamit ng ____________, internet at
email.
2. Gumamit ng mga _____________ na maaring gamitin sa
pamamahagi ng mga dokumento tulad ng social media sites
gaya ng _______________ at __________________.
3. Sa paggamit ng __________________, siguraduhing i-scan muna
ang device bago ito gamitin.

DO_Q1_EPP5_ Module 2
4. Kung nais makapagpamahagi gamit ang nasabing device, tiyakin
na ligtas ito sa anumang ___________.
5. Ano mang uri ng dokumento o ________________ na magmamay-
ari ng iba ay dapat munang ipagpaalam bago ipamahagi.

PAGYAMANIN
Ano pa ang gusto mong malaman?
Isulat sa kahon ang bawat patakarang mabubuo sa paggamit ng
kompyuter at pamamahagi ng dokumento o media files
Patakaran sa paggamit ng Patakaran sa pamamahagi ng
kompyuter dokumento at media files

ISAISIP
Ano ang natutunan ko?
Dapat maging ligtas at responsable sa pamamahagi ng mga
dokumento at media files gamit ang information ang communication
technology (ICT) katulad ng computer, email at internet at mga social
media files gaya ng facebook at Instagram. Kailangang mahusay na
mapag-aralan ang mga datos at gabay sa ligtas at responsableng
pamamaraan.
Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan ,
kasangkapan at technolohiya na tumutulong sa mga tao upang
makakuha ng impormasyon, maproseso ito, maitago at maibabahagi.
Kasiya-siyang Gawain ang pamamahagi ng dokumento at media files
gamit ang computer at internet.

Mga salik na kalakip sa paggamit ng Information Technology


1. Exposure ng mga di naaangkop na materyales.
2. Makakaita ng mga bawal na materyales gaya ng sekswal,
marahas at mga bawal.
3. Makakakuha ng mga virus sa pamamahagi ng dokumento o
media files.
4. Makatutulong ang paggamit ng removable device subalit maari
ding may napapaloob na virus na makakaapekto sa mga files at
computer.

DO_Q1_EPP5_ Module 2
ISAGAWA
1. Ano ang mga dapat mong gawin upang makasunod sa sa
mga pamantayan ng ligtas at resposableng pamamahagi ng
mga dokumento at media files?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________
2. Ibigay ang mga panuntunang dapat sundin sa pamamahagi
ng dokumento at media files?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________

TAYAHIN
A. Isulat ang T kung ang pahayag ay TAMA at M naman kung
MALI. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng
impormasyon ang paggamit ng ICT equipment at gadgets.
_____2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at
araw.
_____3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong
nakilala mo sa internet.
_____4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakikita mo sa internet na
hindi o naiintindihan.
_____5. Ibigay ang password sa kamag aral upang magawa ang
output sa panahong liliban ka sa klase.

B. Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalang-


alang sa paggamit ng computer.
_____1. Pagpasok ng computer laboratory, ang dapat kong gawin ay;
a. Buksan ang computer at maglaro ng online games
b. Tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. Kumain at uminom.
_____2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na online
message, ano ang dapat mong gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim
b. Tumugon at hilingin sa nagpapadala sa iyo na huwag ka
na niyang padalhan na hindi naaangkop na mensahe

DO_Q1_EPP5_ Module 2
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang
internet service provider
_____3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga
ito ang dapat gawin?
a. Maari kung e check ang email sa anumang oras na naisin
ko.
b. Maari akong pumunta sa chat rooms o makig ugnayan sa
aking mga kaibigan online.
c. Maari ko lamang gamitin ang mga aprobadong website ng
may pahintulot sa guro.
_____4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng
mga numero ng telepono o address, dapat mong;
a. Ibigay ang hinihinging impormasyon
b. I-post ang impormasyon sa anumang pampublikong
websites
c. Iwasang ibigay ang personal na impormasyon online.
_____5. Nakakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na
sa iyong palagay ay hindi naaangkop, ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag pansinin, balewalain
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan
c. Ipaalam agad sa nakakatanda

KARAGDAGANG GAWAIN

1. Magsaliksik sa aklatan o iba pang pagkukunang impormasyon


tungkol sa pamamahagi ng mga dokumento at media files.

DO_Q1_EPP5_ Module 2

You might also like