Magbigay ng Sariling opininyon sa mga isyung tinalakay sa teksto kaugnay sa
kalagayan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino sa Kasalukuyan. Maaring magsagawa ng iba pang pananaliksik upang mapalalim ang maikling pagsusuri o opiniyon sa usapin. 1. Unibersal na pamantayan sa pagsulat ng pananaliksik ______________________________________________________________________ __________________________________ ______________________________________________________________________ __________________________________ ______________________________________________________________________ __________________________________ ______________________________________________________________________ _________________________________ 2. Katiwalian sa kamalayan ukol sa katutubong kultura at kaalamang bayan. ______________________________________________________________________ _________________________________ ______________________________________________________________________ _________________________________ ______________________________________________________________________ _________________________________ ______________________________________________________________________ _________________________________ 3. Basahin ang mga sumusunod na abstrak ng pananaliksik at tukuyin ang pananaw at lapit- pamamaraang ginamit ng mananaliksik. Ipaliwanag ang sagot batay sa pagbibigay ng maikling paliwanag ukol sa pagkakagamit ng nasabing pananaw at posibleng ambag ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.
Layunin ng papel na itong palitawin ang ilang tampok ng katangian ng matatawag
na “lohika” ng debateng patula na tinatawag na “balagtasan” sa pamamagitan ng pagsusuri sa mismong wika at mga kategorya na ginagamit sa balagtasan. Upang maisagawa ito, magsisilbing pangunahing batis ng kasalukuyang pag-aaral ang Jose Corazon De Jesus at Amado V. Hernandez “Balagtasan sa Lumang Usapin” (1929). Sa ganitong paraan ay maaaring mabigyang-linaw ang mga pamantayan para sa magaling na balagtasista na inilatag ni Lope K. Santos na “taas ng diwa, linaw ng katwira’t sarap ng salita.”
Taas ng Diwa, Linaw ng Katwiran at Sarap ng Salita:Ang Balagtasan sa
Layunin ng papel na ito na talakayin ang katangian ng Pinoy indie alinsunod sa
historikal na pagbalikwas nito at potensyal na gamit bilang awtentiko at makabuluhang materyales sa pagtuturo ng mga varayti ng wika at panlipunang diskurso. Gayundin, nilalayon ng papel na makapagmungkahi ng pedagohiyang balangkas na may tumbukang lapit sa paglinang ng kritikal na pag-iisip ukol sa pag- uugnay ng pagkakaiba-iba ng wika at diskurso nito sa kalagayan ng lipunang Pilipino. Pokus bilang sampol sa papel ang pelikulang Tribu ni Jim Libiran na susuriin gamit ang mungkahing balangkas na nakasentro sa pagtuturo ng mahahalagang aspekto sa pag-aaral ng varayti ng wika, kasabay ng pagsusuri sa panlipunang diskurso nito sa tulong ng pagbanghay sa mga implikasyong kultural, politikal at ekonomikal sa mga sitwasyong pangwika sa pelikula. Sa huli, ang paglikha ng mga mag-aaral ng sariling maikling pelikula ang magsisilbing produkto sa pagtataya ng pag-unawa at komunikatibong kasanayan na nalinang sa kanila sa proseso ng pagsasanib ng akademya at sining pambansa bilang magkatuwang na pwersa sa pagsasabansa, ang unang hakbang sa pambansang pagpapalaya.
Varayti ng Wika sa Pinoy Indie: Isang Mungkahing Balangkas sa Pedagohiyang Kritikal
Tungo sa Pagsasabansa ng Akademya at Sining Jonathan Vergara Geronimo, DALUMAT E-Journal, Tomo 4 (2013) Pananaw ng pananaliksik: _____________________________________________________________________ ________________ Paliwanag: _____________________________________________________________________ ________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________
Kadikit ng panahon ng Information and Communication Technologies (ICT) ang
pagpasok sa ating kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng e-Learning, e- Commerce, e-Government, knowledge-based society, knowledge-based economy, information society, paperless society, information economy, attention economy at iba pang techno-terms (Librero, 2008). Sa panig ng akademya, nagresulta ang ICT ng pagbabago maging sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino. Isa sa mga kongkretong patunay nito ay ang pagkakaroon ng asignaturang isinasagawa sa wikang Filipino sa UP Open University (UPOU). Mula sa personal na danas ng mananaliksik hanggang sa mga kaugnay na literatura hinggil sa Open and Distance Learning (ODL), sinusuri sa papel na ito ang iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa wikang Filipino kaugnay ng mga isyung pang-mag-aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan. Upang tugunan ang layunin, ipaliliwanag sa papel ang kabuuang sistema ng ODL at ang kontekstuwalisasyon nito sa Pilipinas, partikular sa UPOU. Ilalahad din sa pag-aaral ang katangian ng mga mag-aaral ng UPOU kaalinsabay ng inaasahang katangian ng isang ODL teacher. Sa ganang ito, magiging tungtungan ng pananaliksik ang ugnayang akademiko sa distance education na tinalakay ni Moore (1989). Mula rito, bibigyang-diin ang epektibong pagbubuo ng mga gawain sa pagtuturo/pagkatuto ng mga aralin sa wikang Filipino sa ODL at ang paggamit ng software na Moodle. Inaasahang sa pamamagitan nito ay mabibigyang-ideya ang mga mambabasa sa kabuuang sistemang ODL bilang lunan ng pagtuturo ng/sa wikang Filipino sa makabagong panahon.
"E-Filipino: Ang Pagtuturo ng/sa Wikang Filipino sa sistemang Open and