Reflection Paper Ang Buhay NG Isang Bayani

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name:

Repleksyon: Ang Buhay ng isang Bayani

Ang Buhay ng Isang Bayani na aming napanood isang dokumentaryo tungkol sa


talambuhay ni Dr. Jose Rizal. Natunghayan namin dito ang pagsasadula ng kung paano tumulong
na maisulong ang nasyonalismo sa Pilipinas at pati na din ang mga problemang hinarap bilang
isang normal na tao patungo sa pagiging kilalang pambansang bayani. Ang dokumentaryong ito
ay kapupulutan talaga ng aral.

Ang dokumentaryo ay nagsimula sa kabataan ni Rizal, hindi siya pangkaraniwang bata sa


pagkat lumaki siya sa isang mayamang pamilya. Si Don Francisco o Don Kikoy ay isang
mahusay na mangangalakal at magsasaka habang Donya Teodora o Donya Lolay ay nagmula sa
isang pamilya ng mga propesyonal. Mayroon siyang isang malaking pamilya na may sampung
kapatid: siyam na babae at isang kapatid na lalaki na nagngangalang Paciano. Kahit na bata pa, si
Rizal ay may pagkasabik na matuto. Sa mura niyang edad na siyam na taong gulang ay
nahiwalay siya sa kanyang pamilya upang magaral. Kumuha siya ng mga paunang pasusulit at
nagaral sa mga prestihiyosong paaralan ng Ateneo at Unibersidad ng Sto. Thomas.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagaaral sa Madrid, sa Espana. Dito niya nakuha ang kanyang
lisensiya sa panggagamot at nagawa din niyang bumisita sa maraming mga lugar sa Europa.
Nagkaroon si Dr. Jose Rizal ng mga kaibigan at isana doon si Blumentrit. Si Rizal ay nagkaroon
gn maikling talumpati tungkol sa dalawang pintor nanaging dahilan ng pagkasira ng kanyang
pangalan sa Pilipinas dahil pinayuhan siya na huwagmunang umuwi. Maraming lugar na
pinuntahan si Rizal bago siya muling bumalik sa Pilipinas. Atpagkabalik sa Pilipinas ay pumunta
muli sa iba’t-ibang bansa. Pagkatapos ay muling bumalik saPilipinas, sa Dapitan at doon na
nanirahan kasama ni Josephine Bracken. Nang tunagal, siya ay nahatulan ng kamatayan dahil sa
kanyang mga naisulat.

Matapos kong mapanood ng buo ang dokumentaryo ay masasabikong matatag talaga si


Rizal, dahil sa mga napagdaanan niya mga kabiguan, pagsubot at mga tagumpay nananatili ang
kanyang pagkakaroon ng mahinon nadamdamin. Hindi lahat ay kayang panatiliin iyon sa
kanilang sarili, lalo pa’t ang kanyang mga naranasan ay hindi biro. Bilang isang estudyante sa
panahon ngayon ay maswerte pa akong maituturing.

Malaki ang kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa kasaysayan. Binuwis niya ang kanyang buhay para
sa nakararami. Karapatdapat talaga siya na maging pambansang bayani. Ang kanyang buhay,
katalinuhan, pagpupursigi, pananalig sa diyos at paninindigan sa prinsipyo ay mananatiling
modelo sa bawat Pilipino.

You might also like