Reviewer in First Quarte1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER IN FIRST QUARTER

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at katanungan. Pumili ng tamang
sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.
ISYU /PRIMARYANG SANGGUNIAN / MRF /METHANE RECOVERY FOR POWER GENERATION/
ORANGE RAINFALL ADVISORY/ DISASTER MANAGEMENT/ PAGASA/ BAGO ANG PAGDATING NG SAKUNA/
VULNERABILITY/ TOP-DOWN APPROACH/ RISK MANAGEMENT/ DAMAGE/ CBDRRM,
DEPED ORDER NO.55 S 2007/ RESILIENT/ RESIDENTIAL O TAHANAN/ HINUHA/ ISYUNG PANLIPUNAN/
RA 9003/ E-WASTE/ GREENPEACE MOVEMENT/ ANTHROPOGENIC HAZARD/ TYPHOON BELT/ LAYUNIN NG
PNDRRMF/ TOP-DOWN APPROACH/ DISASTER PREVENTION AND MITIGATION/ TO ADVISE/
KONTEMPORARYO/ NON-STRUCTURAL MITIGATION/ BIAS O PAGKILING

1.Ito ay mga usapin o paksa sa lipunan na maaaring nakakaapekto sa mga tao at kapaligiran. Batayan din ito
ng debate at palitan ng mga argumento.
2.Ang sangguniang ito ay salaysay mula sa taong mismong saksi sa isang pangyayari.
3.Dito isinasagawa ang paghihiwalay ng mga basura bago dalhin sa mga dumpsite.
4.Proyektong may kinalaman sa gawain upang masugpo ang suliranin sa basura, ito ay isinasagawa sa mga
dumpsites.
5.Inaasahang magkakaroon ng 15mm hanggang 30mm ang lakas ng buhos ng ulan sa isang lugar sa susunod
na isang oras.
6.Ang tawag sa dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala, pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy
sa mga kasapi, pamumuno at pagkontrol sa isyung pangkapaligiran.
7.Ang ahensiyang naglalayong makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon upang malaman
ang matindi at maaaring masamang epekto ng pagdating ng malakas na bagyo na may dalang mabigat na
ulan.
8.Kailan mo dapat gawin ang paghahanda kung may inaasahan na sakuna sa inyong lugar?
9.Tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga
hazard.
10.Ipinatawag ni Kap. Marie ang kanyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas
ang kanyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
11.Ito ay nagbibigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at pisikal na katangian ng komunidad.
12.Pagguho ng gusali dahil sa lindol
13.Layunin nito na maging handa ang komunidad upang maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian,
maayos na plano, at mabigyang solusyon ang mga suliraning dulot ng hazard.
14.Kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon na nagtatakda sa paggamit at pagbuo ng konsepto ng risk
reduction management sa mga pampublikong paaralan.
15.Pagkakaroon ito ng kaalaman sa paparating na bagyo at paghahanda sa maaaring idulot nito sa pamilya
at kalusugan.
16.Saan nagmumula ang pinakamalaking bahagi ng itinatapon na basura ayon sa ulat ng National Solid
Waste Management?
17.Pagtukoy sa nakakubling mensahe ng isang konsepto gamit ang pinag-isipang hula {educated guess}.
18.Sa anong uri nabibilang ang mga usapin o isyung may kinalaman sa korapsyon, diskriminasyon, at banta
ng terorismo?
19.Ang batas na kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
20.Naglalabas ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead at mercury na nakalalason sa lupa at tubig.
21.Ang NGO na naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa
kalikasan at pagsulong ng kapayapaan.
22.Ito ay mga hazard na gawa ng tao tulad ng polusyon, aksidente at terorismo.
23.Nakaposisyon ang Pilipinas sa sinasabing daanan ng mga bagyo.
24.Layunin nito ang pagbuo ng disaster-resilient na pamayanan.
25.Isang sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan.
26.Anong bahagi ng disaster management plan ang tumataya sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan na
harapin ang iba’-ibang suliraning pangkapaligiran?
27.Sa yugtong ito ng disaster preparedness, mahalagang malaman ng mga mamamayan ang mga dapat
gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad tulad ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa poroteksiyon,
paghahanda at pag-iwas sa iba’t-ibang uri ng sakuna at hazard.
28.Paggawa ng mga ordinansa at batas.
29.Ito ay hindi kabilang sa mga kasanayan na dapat malinang sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu.
30.Paglalarawan sa kasalukuyang pangyayari at sa kasaysayan na patuloy na nakakaapekto sa ating lipunan

You might also like