Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG KAPALIGIRAN LABAN SA SANGKATAUHAN

Sa ating henerasyon sa kasalukuyan, ay masasabi o mapapansin natin ang malaking pagbabago


ng klima sa ating bansa. Sa patuloy na pag angat ng ating populasyon sa bansa, marahil ay
dumarami rin ang aktibidad ng mga tao. Ito’y ang siyang nagiging pangunahing sanhi na
mapanira ng kapaligiran gaya ng pagsira ng tahanan, mga hayop, halaman, labis na esploytasyon
ng polusyong kemikal, at marami pang iba.

Ayon sa mga impormasiyong nakalap ko sa Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC)


noong Setyembre 21, 2013, tila’y kakaunti nalang ang pag-asa natin na maibalik ang natural na
klima, hindi na nila ito ma kontrol dahil sa walang tigil na paglago ng greenhouse gases na
siyang nagpapalala ng sitwasyon ng ating ozone layer. Subalit noong Hulyo 2016, mayroong
solusyon o kasunduan (Paris Climate Agreement). Ang kasunduan ay ginawa noong 21st
Conference of Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change na
ginanap sa France noong nakaraang Disyembre 2013. Kinakailangan lang ng pangsang-ayon
nang iba pang bansa sa Asya, subalit tutol dito ang ating Pangulong Duterte. Ika niya na dapat
muna ay may sapat na pinansyal at ang inakala niya ay ginagawa lang nila ito upang mas
paramihin pa ang posibilidad na dumagdag ang kemikal sa ating bansa.

Sa kabilang banda, isa sa mga inisiyatiba ng pamahalaan ay ang Montreal/Kyoto protocol kung
saan mahigit 37 bansa ang sumang-ayon dito upang bawasan ang kanilang mga greenhouse gases
at UNFCCC (United Nations Framework Convention on Climate Change) na nagbibigay
kontribusyon upang makamit ang pagpapatatag ng mga konsentrasyon ng greenhouse gas sa
himpapawid sa isang antas na maiiwasan ang mapanganib na pag-intefer sa sistema ng klima.
Ang pananaw ko naman dito bilang isang estudyante na may pagmamalasakit sa kalikasan ay
sana umepektibo ang pagsasagawa nito dahil nga posibleng hindi na natin maranasang mabuhay
nang normal nang hindi nakakalanghap ng kemikal, at ang payo ko lamang ay sana hindi natin
iyon maranasan.

Ayon sa aking obserbasiyon, nakita ko lang noong nagsimula ang pandemya (2020-present) na
humupaw ang polusyon sa kadahilanang wala masyadong lumalabas. Samantalang matagal na
pala isinasagawa ang mga inisiyatiba upang malutasan ang mataas na pagkalat ng polusyon,
subalit bakit kung kalian pandemya ay saka ito gumana? Ang tanong ko ay kung hindi ba
magpapandemya may magbabago pa rin ba? May pag-asa pa kayang makahinga muli ang mundo
natin mula sa kemikal? Iyon lamang ang na obserba ko, naiintindihan ko na mahirap ang
proyektong ito dahil padagdag nga tayo nang padagdag kay nadadagan din ang kemikal at hindi
natin iyon kayang pigilan, sapagkat naniniwala ako na kaya natin iyong balasehin sa
pamamagitan ng disiplina. Minsan ay masasabi ko rin na baka kulang ang gobyerno natin sa
suporta para sa mga ganitong kalaking proyekto ang libo-libo na rin ang naghihirap sa ating
bansa kaya hindi nakapagtataka na milyon-milyong pagsusuri ang nagaganap sa sitwasyong ito.
Sa kabilang banda, sa ngayon ay nakakaginhawa rin na hindi pa naman ganoon kalala ang
deforestation sa ating bansa (Pilipinas) at may mangi-ngilan akong nakikitang kabataan na
katulad ko na sumasali sa mga proyektong pagtatanim ng puno at ang masasabi ko lang ako ay
na-e-engganyo bilang isang mag-aaaral na may malasakit sa ating kalikasan.

Ayon naman sa UN report to point to mounting climate challenge, nakalahad dito na puro mga
pagsusuri ang ginagawa ng pamahalaan upang maibsan ang biodiversity ng bansa. Madalas na
mga tao ang naririto ay Scientist o mga nag aral talaga paukol sa atmospera. Ayon naman sa
State of PH environment: Good conservation efforts, bad air quality, mababasa natin dito ang
pagmamalasakit ni Secretary Ramon Paje sa ating biodiversity. Nais niyang ipagpatuloy ang
proyekot niyang palaguin an gating kalikasan, subalit dahil sa mga komplikasyon sa pamumuhay
ng ating mamamayan marami siyang inihayag na proseso na naguukol sakaniyang proyekto
ngunit ito nga lang ay matatagalan. Samantala sa ‘Duterte says he will not honor Paris climate
deal’, may mangingilan akong argumento na nabasa rito. Hindi sang-ayon si Pangulong Duterte
sa isang kasunduan upang mapalaganap ang pagaayos n gating klima, tutol siya rito dahil ang
inakala niya ay baka ito ay usapang pera lamang at pinaniniwalaan niya na ito lamang ay
magpapadagdag pa sa populasyon ng bansa. Sa kabilang dako, ang mga industriyalismong bansa,
hindi sila tutol sa kasunduang ito dahil pinaniniwalaan nila na ito’y epektibo para saating klima
at paggamot sa polusyon. Para naman saaking kabuoang pananaw, ako’y lubos na mulat dahil
hindi ko inakala na ganito pal aka komplikado unawain ang problemang ikinakaharap hindi lang
ating bansa kundi ang buong mundo. Literal na kinakailangan ng maiiging pagsusuri at
eksaktong detalye upang matagpuan ang solusyon na suliraning ito. Ang malala pa riyan ay
habang tumatakbo ang oras marahil ay palala nang palala ang pagbutas n gating ozone layer,
kaya sana sa susunod pang mga taon ay malutusan na ang suliraning ito.

Maaaring simulant muna ang pag disiplina sa mga tao sa maayos na paraan at sabay sa paggawa
ng batas na may katuturan, at siguraduhin din ng mamamayan na may taglay silang kooperasyon
sa bawat isa, mahirap man ito pero masasabi ko na sa disiplina palang ay makikita mo na kung
may pagbabago bang magaganap. Sa polisya naman, sana’y pakinggan nila ang bawat partido
nang maigi upang mailahad ang mensahe ng maayos at mapagsama-sama sila upang makabuo ng
solusyon na magtatawid sa ating lahat patungo sa inaasahan natin, at iyon ay ang ligtas na landas.

You might also like