Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

"ANG KUBA NG NOTRE DAME"

ni VICTOR HUGO
1842 - PARIS, FRANCE

Isang napakapangit na sanggol ang ipinanganak na iniwan sa simbahan. Inalagaan ito ng paring si Claude
Frollo na nakatira sa katedral. Makalipas ang ilang taon nasilayan ng pari ang kagandahan ng isang mananayaw na si
La Esmeralda. Hindi nagtagal nasabik siya na mahalin siya nito kaya't naisipan nitong ipadakip na lamang
Quasimodo ngunit nabigo ito dahil sa pagdating ni Phoebus na isang kapitan na mga tagapagtanggol sa kaharian.
Naparusahan si Quasimodo dahil sa kanyang ginawa na iniutos lamang ng pari. Samantala hindi sinasadyang
nagkagusto sa isa't isa sina phobia sa esmeralda kaya naisipan ng dalawa na magkita upang magbigay impormasyon
sa isa't isa. Dahil dito nagalit ang pari kaya't nais nitong patayin si Phoebus gamit ang kanyang natutunang itim na
mahika na siya ring dahilan kung bakit tinalikuran niya ang diyos. Dahil roon naparatangang mangkukulam si La
Esmeralda kung kaya't pinarusahan ito ng kamatayan, ngunit sinagip ito ni quasimodo dahil sa pagtingin ito kay La
Esmeralda at dinala ito sa tuktok ng katedral ngunit tinangka ng pari na hamakin si La Esmeralda at di sinasadya
naitulak ni quasimodo ang pari at yoon ang naging dahilan ng pagkamatay nito. Hindi nag tagal ay nadakip si La
Esmeralda at natuloy ang parusa nito, ngunit kasabay nito si Quasimodo ay hindi na rin natagpuan ng hukay muli
ang puntod ni La Esmeralda ng makita ang bangkay ni Quasimodo na siyang nakayakap sa bangkay ni La
Esmeralda.

I. PANIMULA
A. Anyo ng Panitikan
Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't-ibang
kabanata.

B. Pagkilala sa may Akda


Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay isang Pranses na makata, mandudula, nobelista,
manunulat ng sanaysay, artistang pangbiswal, politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng
kilusang Romantiko (tagapagtangkilik ng Romantisismo) sa Pransiya.

C. Layunin ng may Akda


Ang layunin nito ay makapagbigay aral sa mga mangbabasa at nahihikayat din nito na kilalanin ang kanilang
panitikan.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN


A. Tema o Paksa ng Akda
Ang paksa ng notre dame ay ukol sa diskriminasyon.Tinatalakay dito ang Buhay ni Quasimodo ang isang kuba na
dahil sa kanyang kapangitan ay binansagang ang "Papa Ng Kahangalan". pinapakita na karamihan parin samga tao
ay tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng isang tao, nanghuhusga sila batay sa panlabas na anyo ng isang tao hindi
iniisip kung masasaktan ba ang taong kanilang kinukutya.Tinatalakay din dito ang labis napagmamahal ni
Quasimodo kay La Esmeralda. Hanggang sa kabilangbuhay ay sinamahan niya ito.Tinatalakay din dito ang
mabuting ugali ni Quasimodo sa kabila ng kanyang kapangitan at pangungutya ng mga tao ay taglay pa rin niya ang
pagiging mapagtiis at marunong tumanaw ng utang na loob ng akuin niya ang kasalanang nagawa ng taong
umampon sa kanya. Makabuluhan ito sapagkat tinatalakay nito ang nararamdaman ng isang
protagonista.Napapanahon ito sa ngayon na kasalukuyan dahil marami ng mga tao na mapanghusga.Tutugon ito sa
sensibilidad ng mambabasa dahil lahat naman tayo ay may karanasan sa pangungutya dahil dito na-i-aangat nito ang
kuryusidad ng mga mangbabasa.

B. Mga Tauhan o Karakter sa Akda


1. Quasimodo
- may mabuting kalooban
- sunud-sunuran
- labis ang pagmamahal kay La Esmeralda
- mapaghiganti

2. La Esmeralda
- may mabuting kalooban
- maganda
- ngunit sinasabing mananayaw at anak ng magnanakaw
- mapanghusga

3. Sister Gudule
- Ang ina ni La Esmeralda
- nabaliw matapos mawala ang kanyang anak na babae

4. Phoebus
- ang unang nagustuhan ni La Esmeralda
- kapitan ng tagapagtanggol sa kaharian ng Paris

5. Claude Frollo
- Pari ngunit may pagnanasa kay La Esmeralda

6. Pierre Gringoire
- makata at pilosopo sa lugar

C. Tagpuan o Panahon
1. Malawak na espasyo ng Katedral
2. Tapat ng palasyo
3. Notre Dame

D. Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari


Si Quasimodo ay isang napakapangit na kuba na inampon ni Frollo at umibig sa isang napakagandang
mananayaw na si La Esmeralda. Si Frollo man ay umiibig din kay La Esmeralda at gumagamit ng itim na mahika
para makuha ang gusto niya. Isang araw tinambangan ni Frollo si La Esmeralda ngunit hindi natuloy ang masama
nitong balak sa dalaga. Pinaako niya kay Quasimodo ang ginawa at nakatakdang bitayin si Quasimodo ngunit
nakiusap si La Esmeralda kaya't pinalaya ito. Isang kapitan ng kawal ang umibig kay La Esmeralda ngunit
pinagtangkaan itong patayin at pinagbintangan si La Esmeralda kaya siya hinatulang ibitay. Pinapamili siya ni Frollo
"bitay o ang ibigin siya", ngunit mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay. Nang makita ni Quasimodo na wala ng
buhay ang dalaga ay inihulog niya mula sa tore ang pari bilang paghihiganti. Mula sa araw na iyon ay hindi na siya
nakita pa ngunit nang hukayin ang labi ni La Esmeralda ay nakitang nakayakap sa kalansay nito ang kalansay ng
isang kuba.

- Masasalamin sa kwento ang malinaw na diskriminasyon sa lipunan napumapanig sa mga taong may mataas na
antas maging sa estadong buhay o sa panlabas na kaanyuan man.

E. Kulturang Masasalamin sa Akda


masasalamin dito ang kultura ng France kung saan mahilig sila sa mga kasiyahan. Ang kulturang masasalamin sa
ang kuba ng Notre dame ay ang pagmamahalan ng dalawang tao natinutulan ng mga tao dahil sa kanilang antas ng
pamumuhay.

IV. PAGSUSURING PANGKAISIPAN


A. Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Hindi dapat husgahan ang isang tao base sa kaanyuan nito, husgahan natin sila kung paano sila makitungo sa isang
tao. Ang kuba ng notre dame ay siyang isa sa nagpapatunay na ang totoong pagmamahal ay hindi nakikita sa
panlabas na anyo. Kumakatawan din ito sa katakawan sa kapangyarihan, paggamit ng hindi magandang paraan para
makuha ang pansariling nais, tunay na pakikipagkaibigan, pananaig ng kabutihan laban sa kasamaan, at tunay na
pag-ibig.

B. Istilo ng Pagkasulat ng Akda


Karaniwan, ang isang nobelang gothic ay may kasamang isang madilimna tagpo, kadalasan sa isang lumang
kastilyo na nilikha sa pamamagitan ng pananabik pag-aalaala; ang hitsura ng mahiwagang palatandaan nakumilos
bilang mga babala o hula; pagpapakilos ng mga malakas nadamdamin; at siyempre isang binantaang babae na
nangangailangan ngreskyo o saklolo. Ang kuba ng Notre Dame ni Hugo ay naglalaman nglahat ng mga sangkap.
Unang-una ay ang gothic katedral ng Notre Dame sa kanyang mala kastilyong istraktura at mga pagpapaganda
nggargoyles, madilim malabo, kampanaaryong hagdanan, at mga lihim nasilid. Ang tagpuan na ito ay binibigyang-
diin ang misteryo at agam.Pagkatapos ay ang patuloy na daloy ng emosyon, kabilang na ang pag-asa, maikling
kaligayahan, sorpresa, pagkagulat, pagkabigo, at takot.Kabilang din sa mga ginamit ni Hugo na mga elemento ay
ang hindi makatwiran, tulad ng pangkukulam, black magic, alchemy, kinahuhumalingan, at katusuhan. Nagdagdag
din si Hugo ng propesiya o omen.

You might also like