Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

Pangalan________________________________________________________________
Pangkat ________ Guro ___________________________________________________

Aralin

2 Kasarian sa Iba’t ibang Lipunan

MELC/ KASANAYAN SA PAGKATUTO


Nasuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.

Sa kasalukuyang panahon, bunga ng pakikipaglaban ng mga kababaihan ng


kanilang mga karapatan na magkaroon ng pantay na katayuan sa lipunan at dulot
na rin ng iba’t ibang organisasyon na nagsusulong ng pantay na karapatan ang
siyang naging daan upang mabigyan ng pagkakataon ang pantay na karapatan ng
mga lalaki at babae kasama na rin ang ibang pang isyu sa kasarian katulad ng LGBT.
Sa araling ito ay inaasahang:
1. Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig
2. Nasusuri ang iba’t ibang gender roles na ginanagampanan sa bawat lipunan

1. Ang bayolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng


lalaki sa babae ay:
A. bi-sexual B. transgender C. gender D. sex
2. Mga lalaking nakakaramdam ng atraksiyon sa kanilang kapwa lalaki
A. bisexual B. gay C. transgender D. lesbian
3. Panahon kung saan tinawag itong panahon ng pag-aalsa kung saan ang mga
kababaihan ay nagpakita ng kabayanihan
A. Panahon ng Hapon
B. Panahon ng Amerikano
C Panahon ng mga kastila
D. Pre- colonial
4. Ang kulturang “binukot” kung saan itinatago ang mga babae sa mata ng
publiko ay kultura sa probinsiya ng:
A. Davao B. Batanes C. Sulo D. Panay

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

5. Ang “bigay-kaya” ay patunay na pag-aari ng mga lalaki ang kababaihan sa


panahon ng:
A. Hapon B. Kastila C. Pre-colonial D. Amerikano
6. Ang “foot binding” kung saan pinapaliit ang paa ng mga kababaihan ay kultura
sa bansang:
A. China B. Africa C. Saudi Arabia D. Pakistan
7. Ang “breast ironing” kung saan pinapaliit ang dibdib ng babae ay isinasagawa
sa bansang”
A. Pakistan B. New Guinea C. Cameroon D. Syria
8. Ang Female Genital Mutilation o FGM kung saan binabago ang ari ng isang
babae ay isinasagawa sa ilang bansa sa kontinente ng:
A. Europe B. Asia C. Africa D. Australia
9. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaring katulad sa kanya, iba sa
kanya o kasariang higit sa isa.
A. gender identity B. sexual orientation C. gay D. heterosexual
10. Ang mga taong nakararamdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian
A. bisexual B. heterosexual C. homosexual D. transgender

Punan ng tamang sagot ang patlang batay sa naunang paksa na ating tinalakay:
____________1. Kung saan inaako ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan
pati ang gawain ng isang ina upang mapangalagaan ang buong pamilya habang ang
ina ay nagtatrabaho sa malayo.
_____________2. Bansang nagpanukala ng tamang edad ng mga babaeng manggagawa
upang maiwasan ang mga undocumented workers na laganap sa iba’t ibang panig ng
mundo.
_____________3. Bansa na nagkaroon ng panukala na ang lahat ng employer o
recruitment agency ay dapat na magkaroon na approval permit mula sa kanilang
embahada bago kumuha ng mga worker upang maprotektahan ang kanilang mga
mamamayan at maiwasan ang mga illegal na pagpasok sa ibang bansa
______________4. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula
sa iba’t ibang bansa
_______________5. Mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa
ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya
naman ang kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.

Ano pa ang nais mong matutuhan hinggil sa gender roles sa Pilipinas at


gender roles sa iba’t ibang lipunan sa daigdig?

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

Sa kultura ng bansa nakagisnan at nakasanayan na ng pamilyang Pilipino na ang


mga kalalakihan ang siyang nagtatrabaho at ang responsibilidad na buhayin ang
pamilya ay nakaatang sa balikat nila. Samantala ang mga kababaihan naman ang
siyang nag aaruga sa mga anak at iba pang mga gawaing bahay. Ito marahil ang
dahilan kung bakit tinagurian ang mga ama na “haligi ng tahanan” at ang mga ina
naman ay “ilaw ng tahanan”.

GENDER ROLES SA PILIPINAS SA IBA’T IBANG PANAHON

Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan kung ano ang katayuan at gampanin ng


babae at lalaki sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng bansa.

Kababaihan sa Pilipinas

Isang babaeng Tagalog (nasa kanan) na nilalarawan sa Boxer Codex ng ika-16


daantaon. Ang gampanin ng mga kababaihan sa Pilipinas (mga Pinay) ay
ipinaliwanag ayon sa diwa ng kalinangang Pilipino, pamantayan, pananaw at
kaisipan. Nilarawan ang Pilipinas bilang isang bansa ng mga matatatag na mga
kababaihan, na tuwiran at hindi tuwirang nagpapatakbo sa mag-anak, negosyo, mga
tanggapan ng pamahalaan at mga hasyenda. Bagaman pangkalahatang
pinakakahuluganan nila ang kanilang mga sarili sa isang tagpuan sa Asya na
napapangibabawan ng mga kalalakihan sa isang lipunang dumaan sa kolonyalismo
at Katoliko, namumuhay ang mga Pilipinong kababaihan sa isang kulturang
nakatuon ang pansin sa pamayanan, na ang mag-anak ang pangunahing bahagi ng
lipunan. Dito sa balangkas na ito - na may kayariang pangkahanayan, pagkakaiba-
ibang antas sa lipunan, kadahilanang makapananampalataya, at pamumuhay sa
isang umuunlad na bansa ng mundo - nakikibaka ang mga kababaihang Pilipino.
Kung ihahambing sa ibang mga bahagi ng Timog-silangang Asya, palagiang
nakakatamasa ng mas malaking antas ng kapantayang makabatas ang mga
kababaihang nasa lipunan ng Pilipinas.

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

Isang larawan ng batang babaeng kabilang sa uring Maginoo na mayroong


palamuting ginto sa katawan. Ang kayariang panlipunan ng Pilipinas bago maging
kolonya ay nagbibigay ng pantay na pagpapahalaga sa kahanayang maka-ina at
maka-ama. Dahil sa pamamaraang ito, napagkalooban ang mga kababaihang Pilipino
ng higit na kapangyarihan sa loob ng isang angkan. Mayroon silang karapatang
magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan at maaaring hiwalayan o
diborsiyuhin ang asawang lalaki. Maaari rin silang maging pinuno ng nayon kung
walang tagapagmanang lalaki sa katungkulan. Bago dumating ng manggagamot o
mataas na babaeng pari at astrologa.[4][5][6][7]

Hispanikong Pilipinas

Mga kababaihang Ilocana

Noong kapanahunan ng pagkakolonya ng Pilipinas, inilagak ng mga Kastila ang mga


Pilipina sa isang pampangalawang katayuan sa lipunan, habang niluluwalhati at
itinatakda ang Birheng Maria bilang huwaran ng mga Pilipinong babae. Ang pagsapit

ng mga Kastila at Katolisismo ang siya ring nagtakda ng tungkulin ng mga


katutubong kababaihang Pilipino sa simbahan, sa kumbento, at sa tahanan.

Impluwensiyang Amerikano.

Nang matalo ang Espanya sa Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898, ipinaubaya


ang Pilipinas sa Estados Unidos ng Amerika. Ipinakilala ng Amerika ang pamamaraan
ng edukasyong pampubliko, na naging sanhi ng pagbabago sa mga gampanin ng mga
kababaihan sa lipunan. Naging mga impluwensiya rin sa kaisipan ng Pilipinong
kababaihan ang mga demokratikong diwa ng halalan at mga partidong pampolitika.
Sa pamamagitan ng mga sistemang kahalintulad ng sa mga paaralang Amerikano,
naging mga propesyunal ang mga babaeng Pilipino.

4. Pangkasalukuyang mga gampanin

May gampanin sa pagpapasiyang pangmag-anak ang mga pangmakabagong-panahon


ng mga kababaihang Pilipino. Sila ang nangangasiwa ng pananalapi, gumaganap
bilang mga tagapangaral na pampananampalataya, at maaari ring maghanda at

makipagkasundo hinggil sa mga pagpapakasal ng mga anak na lalaki at babae, na

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

may pagpupunyagi upang mapainam ang mga ugnayang dinastiko ng mag-anak.


Ipinapakita ng pag-angat nina Corazon Aquino, Imelda Marcos at Gloria Macapagal-
Arroyo bilang mga mamamayan ng politika na may paggalang sa mga kababaihan ang
lipunang Pilipino, sa kabila ng pangingibabaw ng mga kalalakihan, at bagaman
kalimitang nilalarawan ang mga babae bilang mga tagapag-alaga ng kanilang mga
asawang lalaki. Source: Wikepedia Ang Malayang Ecyclpedia

GENDER TIMELINE:

Nalaman mo mula sa iyong nabasang teksto ang gender roles ng mga lalaki at babae
sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Itala mo sa Talahanayan ang
gampanin ng mga lalaki at babae sa kasaysayan ng ating bansa.

Magsaliksik ng gampanin ng mga lalaki at mga babae sa kasaysayan


ng Pilipinas.

Lalaki Babae

Panahong Pre-
colonial

___________________________ ___________________________

Panahon ng Espanyol

___________________________ ________________________
Panahon ng
Amerikano

___________________________ ________________________

Panahon ng Hapones
___________________________ ____________ _ _______________________

Kasalukuyang
Panahon
___________________________ ________________________

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki na napansin
mo?
2. Sa anong panahon sa kasaysayan ng ating bansa lubos na naabuso ang
karapatan ng kababaihan? Pangatwiranan.
3. Aling panahon nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa kababaihan
at kalalakihan? Bakit?
4. Sa iyong palagay nakakaapekto ba ang gampanin ng lalaki at babae sa
pamayanan?/lipunan? Pangatwiranan.

KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS

Ang kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas o ng mga Lesbian, Gay, Bisexual, at


Transgender na mga komunindad ay isang mahaba at masalimuot na kasaysayan.

Ngunit bago pa man sumiklab ang rebolusyong sekswal noong dekada 60s at 70s sa
Amerika at sa iba’t iba pang bansa sa buong daigdig, ay mayroon na ang Pilipinas na
mga kultura at tradisyong primitibo na maituturing isang maaagang pagkamulat sa
usaping kasarian. At isa sa mga ito ay ang konsepto ng mga babaylan, kung saan
kadalasan ang mga lalaking babaylan ay nagkukunya at nag-aanyong mga babae
upang kalugdan ng diyos. Madalas rin na ang mga ito ay kasal sa kapwa nila lalake.

Pagdating ng mga Kastila, nawala ito. Naging mas konserbatibo ang mga tao. Lumipas
ang daang mga taon, sumiklab ang kultural na pagbabago sa buong mundo lalo
noong 1960s. Nagkaroon na ng opinyon tungkol sa LGBT at nagkaroon ng pagkamulat
ang nakararami. At mula noong 1980s hanggang sa maagang simula ng 2000s,
umusbong ang mga grupo na naghahangad ng dagdag karapatan sa LGBT
community, tulad na lamang ng mga sumusunod.

Ladlad ni Danton Remoto;


Lesbian Collective ng 1992;
ProGay Philippines;

Metropolitan Community Church;


University of the Philippines Babaylan;
Lesbian Advocate at Cannot Live in a Closet (CLIC); at,
LAGABLAB network na isang pulitikal na grupo.
Ang mga nabanggit na grupo ang siyang nagbukas sa isip ng mga mamamayan
tungkol sa tunay na kalagayan ng LGBT sa Pilipinas.
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ayon sa teksto, sa aling panahon nagsimula ang kasaysayan ng LGBT?
2. Kailan nagsimulang lumawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa LGBT? Ano ang
mga pangyayari na nagbigay daan ditto?

Magtala ng mga mahahalagang ideya o konsepto mula sa paksa. Sa iyong palagay


bakit mahalaga ang mga nasabing ideya?

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA MUNDO

Matapos mong malaman ang papel ng mga lalaki at babae sa Pilipinas sa iba’t ibang
panahon ay iyong matutunghayan ang gampanin ng mga lalaki at babae sa iba’t ibang
lipunan ng mundo.

AFRIKA AT KANLURANG ASYA

Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa
mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal na panahong hinintay ng mga babae
upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang

ikalawang bahagi ika 20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang
Asya na ang mga babae ay makaboto.

Nanatili ang kaharian ng Saudi sa paghihigpit sa kababaihan.

1.Hindi Pagboto.

2.Pagbabawal sa pagmamaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak


na lalaki (asawa, magulang,kapatid)

Mga papel ng babae sa ilang bahagi ng mundo:

1. Ilan sa mga bansa sa bahagi ng Africa ay may kababaihan na biktima ng Female


Genital Mutilation. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan na
walang anomang benepisyong medikal. Isinasagawa ito sa paniniwalang mapapanatili
nito ng walang bahid dungis ang babae hanggat siya ay maikasal. Maituturing itong
paglabag sa karapatang pantao sa kababaihan.

2. Ang foot binding o pagpapatigil ng paglaki ng paa ay isang tradisyon sa Tsina, kung
saan binabali ang mga arko sa paa ng mga kababaihan at nilalagyan ng benda. Ang
dahilan ay upang hindi na ito tuluyang lumaki pa. Pinapasuot rin sila ng bakal na
sapatos na siyang makakatulong rin sa prosesong ito.

Lotus feet- Ang tawag sa end product o resulta ng foot binding process na ito. Kung
saan ang paa na lamang nila ay nasa 4 hanggang 6 na inches ang haba.

Naging popular ang tradisyong ito noong ika-11 hanggang ika-12 siglo sa bansang
Tsina at sinasabing ipinatigil ito noong panahon ng Dinastiyang Sung (Sung
Dynasty).

3. Breast Ironing Ito ang proseso sa mga Aprikano nang pagtatago ng suso ng mga
babae mula pa sa pagdadalaga. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-iipit,
paglalapat ng mga maiinit na mga pamahid upang mapaliit. Ang dahilan? Nais nilang
maiiwas ang isang bagong dalaga sa panggagahasa ng mga kalalakihan. Dahil ang
pagiging isang ganap na babae doon ay nanghihikayat sa masasamang loob na
makipagtalik sa mga lalaki. (Brainly PH)

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

4. Dowry- (Bigay kaya) sa EUROPA

Ang bigáy-káya ay bahagi ng tradisyonal na kaugalian hinggil sa pagaasawa. Kapag


nagkasundo sa pag-iisang-dibdib ang mga pamilya ng isang binata at isang dalaga,
hihilingan ang binata o ang pamilya nitó ng kaukulang “bayad” sa halaga ng babae.

Katulad ito ng dóte sa tradisyong Kanluranin. Gayunman, may mga aspekto ang
bigáy-káya na wala sa pagbibigay ng dote sa Europa.

Ang pangunahing bigáy-káya ay handog ng lalaki sa mapangangasawa. Noong


sinaunang lipunan, maaaring buoin ito ng mga kasangkapan, ginto, bukirin, at alipin.
May hiwalay ding handog ang lalaki sa magulang ng babae at tinatawag itong
panghimúyat (bayad sa pagpupuyát at iba pang sakripisyo ng magulang sa
pagpapalaki sa anak). Bukod pa dito ang handog sa yaya o nag-alaga sa babae noong
batà pa at tinatawag namang bigáy-súso.

5. AUSTRALIA- Ang kababaihang Australyano ay may dalawang oras o higit pa sa


bawat araw na inilalaan sa pag-aalaga ng mga anak, pagtupad sa mga gawaing bahay,
pamimili ng mga kailangan sa bahay at serbisyo at iba pa kung ihahambing sa mga
kalalakihan. Samantalang ang katumbas ng isang oras ay ginugugol ng mga
kalalakihan sa mga gawaing may kaugnayan sa kanilang trabaho at bawat araw ay
may kalahating oras silang inilalaan sa kanilang pag-aaliw at pammahinga.
(Kontemporaryong Isyu Bolyum 6 no.3)

Matapos mong matunghayan ang ilan sa mga gampanin ng mga babae at lalaki sa
iba’t ibang lipunan ng mundo ay maari mo pang mapalawig ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pananaliksik sa iba’t ibang gampanin ng mga lalaki at babae sa
ibang pang mga lipunan na hindi nabanggit sa paksa.

Matapos mong mabasa ang teksto tungkol sa gampanin ng mga babae sa Africa at
Kanlurang Asya, Europa at Australia sagutan ang mga pamprosesong tanong sa
ibaba:

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

PAMPROSESONG TANONG:

1. Bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng kababehan ang mga sumusunod:


Breast ironing, Foot binding, FGM at Dowry?

2. Bakit patuloy pa ring isinasagawa ang FGM at breast ironing sa Africa at


Kanlurang Asya?

3. Mula sa tekstong binasa ano ang masasabi mo sa mga papel ng kababaihan? Ano
ang iyong damdamin tungkol dito?

4. Paano ipinaglaban ng mga kababaihan at miyembro ng LGBT ang kanilang


karapatan? Sa kasalukuyang panahon maituturing bang pantay na ang kalagayan sa
lipunan ng mga lalaki, babae at mga LGBT? Pangatwiranan.

Bilang isang lalaki, babae o miyembro ng LGBT paano mo maipakikita na


ginagampanan mo ang iyong tungkulin o gender roles? Naniniwala ka ba sa pantay
na karapatan? Pangatwiranan.

PANUTO: Ang bawat pangkat ay magpapakita ng maikling skit tungkol sa gender


roles ayon sa inyong karanasan. Ang pagtataya sa pagtatanghal ay ayon sa
sumusunod na kriterya:

Pag-arte 20
Mensahe 30
Pagkamalikhai 25
Kooperasyon 25
Kabuuan 100

Panuto: Sa iyong dyornal, gumawa ka ng iskedyul sa bawat araw na iyong gagawin


sa loob ng isang linggo tungkol sa iyong mga gampanin ayon sa iyong gender. Ang
bawat gampanin na iyong naisagawa ayon sa iskedyul ay lalagyan mo ng tsek at
remarks at magiging bahagi ng iyong portfolio.

Sa pagkakataong ito, ikaw ay nakahanda na sa pagtalakay ng susunod na


aralin. Ito ay may kinalaman sa mga isyu sa kasarian at lipunan tulad ng
diskriminasyon at mga karahasan.

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

Ngayon, alam mo na kung ano ang gampanin ng mga lalaki at babae sa Pilipinas at sa
iba pang lipunan ng mundo huwag kalilimutang suriin kung maayos ba nating
nagagampanan ang ating gender roles sa ating pamayanan at lipunan. Dahil sa
maayos mong naisagawa ang mga gawain na hinihingi ay binabati kita!

PANGHULING PAGSUSULIT:

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.

____________1. Huwaran ng mga Pilipina sa panahong Espanyol.

____________2. Mga lalaking nag aanyong babae sa paniniwalang upang kalugdan ng


Diyos at kasal sa kapwa lalaki sa tradisyong Pilipino noong unang panahon.

____________3. Proseso ng pagbabago ng ari ng mga kababaehan ng walang


benepisyong medical sa ilang bahagi ng Africa at Asia na itinuturing na paglabag sa
karapatang pantao.

____________4. Tradisyon sa Tsina kung saan pinatitigil ang paglaki ng mga paa ng
kababaehan. Binabali ang mga arko ng paa at nilalagyan ng benda.

____________5. Proseso na isinasagawa sa mga kababaihan sa ilang bahagi ng Aprika


kung saan pinaliliit ang dibdib ng mga babae sa pamamagitan ng pag ipit ng maiinit
na bagay.

____________6. Tawag sa kaukulang bayad na ibinibigay ng lalaki sa angkan ng


mapapangasawa sa parteng Europa.

____________7. Kaukulang bayad na ibinibigay ng lalaki sa magulang ng babae bilang


kabayaran sa pagpupuyat at sakripisyo sa pagpapalaki.

____________8. Ang handog sa YAYA o nag aalaga sa babae noong bata na ibinibigay
ng lalaki bilang kabayaran.

____________9. Nagtatag ng grupong LADLAD sa Pilipinas.

____________10. Sa anong panahon nagkaroon ng pagbabago sa gampanin ng


kababaihan sa Pilipinas kung nakapag aral at maaari nang bomoto ang mga
kababaihan.

Ano ang iyong gampanin bilang lalaki, babae o LGBT na sa iyong palagay ay
makakatulong sa lipunan? Paano mo maisasagawa ang iyong gampanin sa mga
panahong ang bansa ay nahaharap sa krisis?
Mula sa paksa ay iyong nabatid ang papel ng mga lalaki at babae sa Pilipinas sa iba’t
ibang panahon. Sa puntong ito ay malalaman mo naman kung paano nagsimula ang
kasaysayn ng LGBT sa Pilipinas. Basahin ang teksto hango sa pananaliksik sa google
mula sa akda ng Brainly PH.

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

SAGUTANG PAPEL- QUARTER 3- WEEK 2


PANGALAN:_________________________________________________________________

PANGKAT: ______________ GURO: _____________________________________________

PAUNANG PAGSUSULIT:
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

BALIK-TANAW:
1.
2.
3.
4.
5.

GAWAIN 1:

Panuto: Magsaliksik ng gampanin ng mga lalaki at mga babae sa kasaysayan ng


Pilipinas sa iba’t ibang panahon.

GAWAIN 2:

Matapos mong matunghayan ang ilan sa mga gampanin ng mga babae at lalaki sa
iba’t ibang lipunan ng mundo ay maari mo pang mapalawig ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pananaliksik sa iba’t ibang gampanin ng mga lalaki at babae sa
ibang pang mga lipunan na hindi nabanggit sa paksa

GAWAIN 3:

Panuto: Matapos mong mabasa ang teksto tungkol sa gampanin ng mga babae sa
Africa at Kanlurang Asya, Europa at Australia sagutan ang mga pamprosesong tanong
sa modyul.

GAWAIN 4:

Panuto: Bilang isang lalaki, babae o miyembro ng LGBT paano mo maipapakita na


ginagampanan mo ang iyong tungkulin o gender roles? Naniniwala ka ba sa pantay
na karapatan? Pangatwiranan.

GAWAIN 5:

PANUTO: Ang bawat pangkat ay magpapakita ng maikling skit tumgkol sa gender


roles ayon sa inyong karanasan. Ang pagtataya sa pagtatanghal ay ayon sa
sumusunod na kriterya:

Ms. AP10-Q3-WK2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLONG KWARTER

GAWAIN 6:

Panuto: Sa iyong dyornal, gumawa ka ng iskedyul sa bawat araw na iyong gagawin sa


loob ng isang lingo tungkol sa iyong mga gampanin ayon sa iyong gender. Ang bawat
gampanin na iyong naisagawa ayon sa iskedyul ay lalagyan mo ng tsek at remarks at
magiging bahagi ng iyong portfolio

PANGHULING PAGSUSULIT

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

PAGNINILAY:

Paano mo maisasagawa ang iyong gampanin sa mga panahong ang bansa ay


nahaharap sa krisis?
Mula sa paksa ay iyong nabatid ang papel ng mga lalaki at babae sa Pilipinas sa iba’t
ibang panahon. Sa puntong ito ay malalaman mo naman kung paano nagsimula ang
kasaysayn ng LGBT sa Pilipinas. Basahin ang teksto hango sa pananaliksik sa google
mula sa akda ng Brainly PH.

Ms. AP10-Q3-WK2

You might also like