Of Vague Reflections & Meds

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

#1 NAHIHIRAPAN PERO LUMALABAN

Masyado bang malungkot ang mundo para makaramdam ako ng kawangis na emosyon
nito? Kasi habang papalubog ang oras ko, mas tumitindi ang pagpapakahulugan ko sa buhay na
animo’y kaakibat ay kulay bughaw, mapusyaw o di kaya’y matingkad na kalimitan nakikita mo
sa langit.
Hihinga ng malalim kahit na walang ibang nagawa maghapon kundi ang pumaimbabaw
sa unan na dapat sana’y pinapatong sa ulo; inaaksaya ang oras sa pagritmo ng gawa at ng iniisip;
kadalasa’y nakatunganga, tatawa ng bahagya at mabibilog na mga mata’y pula sa kakapanood ng
mga dramang kakaladkarin ka mula sa iyong totoong kaganapan. Mapupukaw ang iyong
atensyon sapagkat naihahalintulad mo ang iyong sa sarili sa nakikita. Kung di man kalabisan,
sapat lang na para mabusog ang nauuhaw mong imahinasyon. Maya-maya pa’y nilisan mong
mag-isa ang tanghalan ng mga tauhang kasali sa dula. At masasagip mo na namang mag-isa ka
lang sa kalawakan.

You might also like