Professional Documents
Culture Documents
SS5 ARALIN 12 (Module)
SS5 ARALIN 12 (Module)
Matapos maibahagi sa nakaraang kabanata ang mga sulat ni Rizal. ngayon naman ay ating
tatalakin ang mg babaeng nagdaan at naging parte ng buhay ni Dr. Jose Rizal.
MGA LAYUNIN:
1. Makilala ang mga babae na naging bahagi ng buhay ng ating panguhaning bayani
2. Masuri at mapaghambing ang mga katangian ng mga babae na naging bahagi sa buhay
ni Rizal.
3. Malalim na mapagkuro ang imahe ni Rizal bilang isang mangingibig.
PANUTO SA MAG-AARAL:
ALAMIN AT PAG-ARALAN
Hindi si Rizal ang tipong Don Juan o Casanova. Paulit-ulit na nababanggit dito ang kadalisayan
ng pag-ibig sa anumang uri na may magandang pagpapahalaga. Ang kaniyang kaisipan na may
hangganan ay maitutulad sa kaisipang platonic – higit ang pang-espiritwal kaysa damdamin.
Bilang patunay ay winika niya ang ganito:
Sa mga susunod na pahina ay maipapahayag sa inyo ang ilan sa mga babaing iniibig ni Dr.
Jose P. Rizal.
“O masayang lahi ng mga nilalang, kung pag-ibig ang naghahari sa langit, pagharian
ninyo ang inyong mga isip.”
Ang unang pag-ibig ang pinakamakulay sa buhay ng tao. Wala ng titimyas pa sa unang pag-
ibig. Kadalasan ang unang pag-ibig ay nagaganap sa panahong bago pa lamang nakalalampas
ang isang babae o lalaki sa kaniyang kamusmusan kayat ang kaniyang nadarama ay
masasabing wagas at may bahid pa ng kawalang-malay.
Naisulat ni Rizal sa kaniyang talaarawan na ang kaniyang
unang tibok ng pag-ibig ay naganap noong siya ay labing anim na taong gulang pa lamang.
Noon ay taong 1877 at estudyante siya sa Universidad ng Santo Tomas. Sa kaniyang madalas
na pagsasama-sama kay Mariano Katigbak sa pamamasyal sa Troso, Tondo at sa pagdalaw
nito sa kaniyang lolo at lola ay nakilala ni Rizal ang kapatid na babae nito, si Segunda na taga-
Lipa, Batangas. Ngunit kay laking paghihignapis nang malaman niyang ito ay may kasintahan
na. Kinakitaan man niya ng interes ang babae ay hindi na niya ipinaalam pa rito ang kaniyang
damdamin sapagkat nakatakda nang ikasal ang dalaga sa ibang lalaki. Nanaig ang kaniyang
pagiging maginoo.
Ayon sa kwento, araw noon ng Linggo, nang si Jose, kasama ang isng kaibigan na si Mariano
Katigbak, ay dumalaw sa Lola nitong huli sa Troso, Tondo, Maynila. “May nakatagpo kaming
isang dalaga,” ani Rizal, “marahil ay labing-apat na taong gulang, animo birhen na sumalubong
sa aking kasama, at sa pagkikita nila ay mababatid nang sila ay magkapatid.”
Lalong nagkalapit ang damdamin ni Rizal at ng dalaga nang palagiang maging panauhin ang
binata sa Kolehiyo ng La Concordia. Magkasama sa paninirahan sa kolehiyo sina Segunda at
ang kapatid ni Rizal na si Olimpia. Minsang ginugunita ni Rizal ang kaniyang pagdalaw kay
Segunda, nasabi niya ang katagang, “Hindi ko maalala kung paano nagsimula ang aming pag-
uusap, pero natatandaan kong itinanong niya sa akin kung ano ang paborito kong bulaklak.
Sinabi kong gusto kong lahat subalit higit kong gusto ang puti at madilim na kulay. Sinagot niya
ako na ang ibig niya ay puti at kulay rosas. Pagkatapos ay nag-isip nang bahagya at idinagdag
na, ako rin, gusto ko rin ang may madilim na kulay.”
“Wala,” ang sagot ko. “Hindi ako nangangarap na magkaroon ng kasintahan pagkat alam kong
walang papansin sa akin, lalo na at magaganda.”
“Nababalitang isang malaking pista ang gaganapin sa inyong bayan. At may malaking bahagi
kang gagampanan doon, at ito ay hindi matutuloy kung wala ka.”
“Hindi,” ang sagot niya, at ngumiti. “Ibig ng mga magulang kong ako ay umuwi, pero ayaw ko,
pagkat gusto kong mag-aral pa sa loob ng limang taon.”
Sa isa pang pagkakataon, si Segunda ay may ibinigay kay Rizal na puting rosas na yari sa
papel, na ang sabi nya ginawa ni Olimpia. Inilagay ni Segunda ang bulaklak sa sambalilio ng
binata. Bilang kapalit, pinagkalooban naman ni Jose ang dalaga ng isang larawang-guhit na
kinopya sa retratong dati nang nasa kaniya. Masayang-masaya ang binata sa paniwalang ang
bulaklak ay tanda ng pagmamahal ng dalaga.
Isang hapon, si Olimpia naman ay may ibinigay na bulaklak kay Jose. Tinanong ng binata sa
kapatid kung sino ang gumawa noon. Narinig ni Segunda ang pagtatanong, hiyang-hiyang
umamin na siya ang gumawa ng bulaklak. Ipinangako ni Rizal sa dalaga na habambuhay
niyang iingatan ang bulaklak, at idinagdag pa na, “Alam mo bang napakasakit para sa akin ang
ikaw ay mawala matapos tayong magkakilala?”
“Subalit hindi naman ako mag-aasawa,” pagtutol na tugon ng dalaga, sabay patak ng dalawang
butil na luha pagkat naunawaan niya marahil ang ibig sabihin ng binata.
Umiibig na nga kaya si Jose? Maari, sapagkat hindi na siya tulad ng dati. “Noon ay lagi na
akong nag-iisip,” isinulat ni Rizal makalipas ang mga taon. “Mga bagong alalahanin, bagong
isipan, bagong damdamin ang naghahari sa akin. Kadalasan, hindi ako makatulog sa gabi, hindi
ako mapalagay, abalang-abala ang aking isip. Ang puso kong naghihimagsik na para bang
nakikini-kinita ang mga pangyayari ay parang nangangambang ipagkatiwala ang kaniyang
kaligayahan sa gayong karupok na katauhan. Bakit hindi ko pa sinunod ang kaba ng aking loob,
at sa halip ay tinalunton ang isang higit pang nakatatakot at makapangyarihang landas?”
Ang pag-ibig niyang ito ay nababalot pa rin ng kakimiang dulot ng kawalan ng karanasan. Hindi
rin siya nakapagtapat sa dalaga dala nang sitwasyon.
Nasasabing bago umalis si Rizal papuntang Espanya ay dinalaw nya si Leonor upang
magpaalam ditto.
Leonor Rivera: Ang Pinakadakilang Pag-ibig ni Rizal
Isang malaking pagsubok ang namagitan sa relasyon nina Rizal at Leonor, dala ng isang
pangyayari. Ang ina ni Leonor na Doña Silvestra, ay humanga kay Rizal bilang isang
makabayan na ang buhay ay iniukol sa kaniyang mga prinsipyong makabayan, ngunit ito rin
ang dahilan kung bakit alam niyang hindi magiging mabuting asawa ni Rizal sa kanyang anak.
Anumang oras ay maaaring iwan nito ang asawa at magiging anak sakaling mapatapon sa
malayong lupain. Ang magiging kahulugan nito para kay Leonor ay malulungkot na araw at gabi
ng paghihintay, panimdim at pagluha.
Si Leonor Rivera sa gulang na labingwalo. Iginuhit ni Dr. Jose Rizal noong siya ay nasa
Espanya.
Ang higit na nagbunsod kay Doña Silvestra na gawin ito, ang pagdating ni Charles Henry
Kipping sa Dagupan, isang inhinyerong Ingles na nagtrabaho doon. Naakit siya kay Leonor
ngunit ang kaniyang mga pagsuyo ay nawalan ng halaga sapagkat nanatiling tapat ang huli sa
pagmamahal ng kasintahang si Rizal. Ngunit dahil sa magagandang salita at pakikitungo na
nakita sa ina ng dalaga ay nagpatuloy siya sa pamimintuho.
Nang makita ng ina na lalong napapamahal si Rizal kay Leonor dahil sa nababalitaang mga
gawain nito ay nagpasya siya na gamitin ang huling paraan na nalalabi para sa kaniya. Bilang
ina ay kumatok siya sa pusong-anak ni Leonor at nakiusap siya rito tungkol sa pagiging
pangalawang Diyos ng magulang sa balat ng lupa, tungkol sa tungkuling pagsunod ng anak na
ang hinahangad lamang niya ay ang ikabubuti nito, ang tunay na ikaliligaya nito at ang kabiguan
sa ganitong layunin na maaring ikamatay niya.
Sa ganitong sitwasyon ay hindi na nga nakatanggi pa si Leonor sa ina. Wasak ang kaniyang
puso sa pagsunod sa kagustuhan ng ina ngunit hindi maatim ng kaniyang budhi na ang
pagsuway ang maging dahilan ng kamatayan ng kanyang ina. Pumayag na nga siya na
magpakasal kay Kipping. Isinulat niya kay Rizal ang gagawin ngunit hindi sinabi ang dahilan sa
likod ng desisyong ito. Masakit man ay tinanggap ni Rizal ang desisyon ng kasintahan dala na
rin nang pagmamahal sa dalaga.
Matapos ang dalawang taon sa piling ni Kipping ay namatay si Leonor ngunit naiwanan naman
niya ng isang anak na lalaki ang asawa. Sa napakaikling panahon na itinagal ng buhay niya
matapos ang pag-aasawa ay nasasabi na unti-unti siyang namatay bunga ng kalungkutan sa
kasawiang sinapit ng kaniyang tunay na pag-ibig. Lingid sa kaniyang asawa ang pangungulila
na kaniyang dinadala.
Ang pagiging kagalang-galang at maginoo ni Rizal ang nakapigil upang siya ay makipag-ibigan
kahit kaninong babae na hindi naman niya maipagpapatuloy nang buong katapatan. Tulad
halimbawa ni Suzanne Jacoby, na hindi maikakailang nagkaroon ng masidhing pagtingin kay
Rizal. Sa pag-alis ni Rizal patungong Madrid noong Agosto, 1890 ay isang liham ang kaniyang
tinanggap mula kay Suzanne na naglantad ng tunay na damdamin nito para sa kaniya.
Si Suzane Jacoby ng
kaniyang alaala,
masidhing kalungkutan,
“Hindi ko siya maaring linlangin,” aniya sa isang sulat kay Dr. Regidor. “Hindi ko siya maaring
pakasalan dahil may pag-ibig na naghihintay sa akin sa aking bayan at hindi ito nagpapahintulot
na gawin ko ang gayon. Hindi ko maaaring gawin ang kahiya-hiyang ugali ng pag-akit sa isang
dalisay at walang malay na pag-ibig na maari niyang ihandog.”
Mahabang oras ang ginugugugol ni Rizal sa pakikipag-arnis kay Nelly, subalit higit siyang
naaakit kay Adelina, ang nakababatang kapatid nito. Matalino si Adelina, mahiyain at walang-
kibo. Taglay ni Adelina ang inaakala ni Rizal na katangian ng isang tunay na Pilipina: edukada,
may kumpiyansa sa sarili at mula sa maayos na pamilya
Nang si Antonio Luna ay dumating buhat sa Espanya upang dumalo sa Eksposisyon, siya ay
nagkagusto kay Nelly. Ang dalaga naman, bagamat mabuti ang pakita sa Ilokanong mag-aaral,
ay higit ang pagtingin sa binatang doktor. Pinanibughuan ni Luna ang mabuting pagtingin ni
Nelly kay Rizal. Kinakailangan pang tiyakin ni Rizal kay Luna na wala siyang balak na lumigaw
kay Nelly. Ang ginawa pa nga ni Rizal ay tinulungan niya si Luna sa panliligaw kay Nelly kahit
siya ay nasa Madrid na at nagpapatuloy ng pag-aaral.
Noong Nobyembre 16, 1889, sumulat si Luna kay Rizal upang makibalita kung minamahal pa
siya ni Nelly. Subalit noong Abril 11, 1891, si Luna na rin ang nagbalita kay Rizal tungkol sa
kabiguan ng kaniyang pag-ibig sa dalaga.
Samantala noong 1891, nabalitaan ni Rizal ang tungkol sa nalalapit na pakikipag-isang dibdib ni
Leonor Rivera kay Charles Henry Kipping. Siya ay nagtungo sa Biarritz at hindi niya matanggap
ang kaniyang kabiguan. Upang kahit paano ay mapawi ang nadamang kasawian, niyaya ni
Rizal si Nelly upang pakasal. Noon naman ay wala ng kaugnayan ang dalaga kay Luna.
Ikinararangal ni Nelly ang alok ni Rizal subalit nag-aalinlangan siya sa katapatan nito dahil sa
kabiguan kay Leonor. Nais muna niyang matiyak ang katapatan ng binata. Hiningi rin niyang
sumapi si Rizal sa Protestantismo.
Sa isang liham ni Nelly kay Rizal mula sa Villa Ellada, Biarritz na may petsang Abril, 1891, ang
naglantad nang tunay niyang damdamin. “Labis kong ikinabigla ang pagdating ng sulat mo,”
anang dalaga, “na mabuti na lamang at hindi nakuha ng mga magulang ko, pati na ang
nilalaman noon. Tila yata binigyan mo ng ibang kahulugan ang mga sinabi ko sa iyo.”
“Nang itanong nila sa akin kung ano ang damdamin ko sa iyo, ang sabi ko ay hindi matiyak
hanggang hindi ko nalalaman kung nagpasiya ka nang yakapin ang Kristiyanismo. Tulad ng
pagkaunawa ko at tulad ng pagkaunawa ng iba, walang maaaring maganap na kabutihan kung
hindi sa tulong ng grasya. Alam kong mahirap itong unawain. Gayon din ang aking karanasan,
subalit madaling tumanggap, kung ang isang tao ay mag-aabala lamang na humingi, sa
paniniwalang ang bawat panalangin ay tinutugon sapagkat Siya ay mapagbigay.”
“Pumapayag ka na ba? Yaman din lamang ay hihilingin kong huwag mo na akong susulatan,
bibigyan pa rin kita ng isang pagkakataon kung nais mong tanggapin ito.”
“Isipin mong mabuti ang mga kondisyong sinabi ko at laging sasabihin. Kung papayag ka na,
pumarito ka at mag-usap tayo nang harapan at nang walang mangyaring di-pagkakaunawaan.
“Kung di ko man maipahayag ang tunay kong damdamin, ang dahilan nito ay ayaw mo akong
bigyan ng pahintulot, at hindi ko ito magagawa kailanman hanggang hindi ka tumutupad sa mga
hiniling ko.”s
Hindi kataka-taka na maraming umibig at humanga sa binatang doktor dahil nga siya ay tunay
na maginoo, maamo at mabait sa lahat. Marahil ang kaniyang pagiging kimi at walang kibo ang
lalong makatatawag at nakaakit sa mga kababaihan. Sa halip na siya ang tumugis, siya ang
tinutugis.
Torak, kung siya ay tawagin ng kaniyang malalapit na kaibigan at isa siyang dalubhasang
tagahabi. Siya ay may katutubong habihan sa silong ng kaniyang bahay, at kadalasang siya ay
naghahabi mula umaga hanggang magdadapit-hapon. Ang kaniyang ganda at sipag ay hindi
nakalagpas ng pansin, sapagkat sa isang pagkakataon ay naging panauhin ang isang binatang
nagpakilalang si Jose Rizal. Madali silang naging magkaibigan. Sa isang pagkakataon,
namangha siya nang dumating si Rizal na may dalang luwad na estatuwa ng isang babae na
naghahabi. Lalong higit siyang namangha ng kaniyang napag-alaman na ang estatuwang iyon
ay ang kaniyang katauhan, nalubos ang kaniyang kaligayahan.
Sa marami pang pagkakataon, hinandugan siya ni Rizal ng mga tulang isinulat sa Espanyol.
Bagaman di niya nauunawaan, ito ay nagpapakahulugan lamang ng isang bagay at iyon ay ang
pagpapahayag ng kaniyang pag-ibig at pagsinta sa dalaga.
Sa iba pang pagkakataon ay napag-alaman ni Rizal ay may malasakit din sa mga pansariling
suliranin ni Torak. At napag-alaman din na si Rizal na ang dalaga ay tumutulong sa pagbibigay
solusyon sa mga pampamilyang suliranin.
pa na nagmahal sa
at gumawa
ng mga.sakripisyo
para sa akin.”
Masasabing naging makulay ang araw na pamamalagi ni Rizal sa bansang Hapon dahil kay O
Sei San. Madalas silang magkasama at nagkakilalang mabuti ang dalawa. Nakatagpo sila ng
kaligayahan sa piling ng isa’t isa. Nagkaunawaan sila sa kanilang mga hinagpis sa buhay at
nagkahingahan ng kanilang mga damdamin. Ngunit nagwakas din ang kanilang relasyon nang
lisanin ni Rizal ang bansang Hapon.
Alam ni Rizal na mahal siya ni Consuelo. Minsa ay binigyan niya ang dalaga ng bulaklak na
itinago nito sa “handbag”. Makalipas ang isang linggo, nang magbukas ng bag si Consuelo,
nakita pa ni Rizal ang bulaklak. Nakita rin ito ni Eduardo de Lete at nagulat ito. Tinangka man ni
Rizal na itago ang kaniyang damdamin subalit siya ay nabigo.
Ilang linggo pa ang nagdaan at napansin ni Rizal na lubusang nahuhulog ang kaniyang
damdamin kay Consuelo. Subalit siya ay may Leonor na dapat alalahanin. Ang kaniyang
kababayan at kaibigang si Chengoy ay laging nagpapaalala sa kaniya na si Leonor ay
nangangayayat dahil sa kanilang pagkakalayo kaya ipinasya ni Rizal na magtungo sa Paris.
Upang bigyang-daan ang damdamin niya para kay Consuelo, sinulat niya ang tulang A La
Señorita C. O. y R. noong Agosto 22, 1883.
Noong ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong Pebrero, 1895, nakilala nya si Josephine Bracken,
labingwalong gulang, may pagka-balingkinitang katawan at may kulay asul na mga mata. Noon
ay kumunsulta kay Rizal ang ama-amahan nitong si George Taufer, isang bulag na
Amerikanong inhinyero na naninirahan sa Hongkong at sinamahan papuntang Dapitan ni
Manuela Orlac.
Hindi agad-agad na nasuri at nagamot ang katarata sa
mata ni Ginoong Taufer kaya kinailangang manirahan sila sa maliit na bahay malapit sa
tinitirahan ni Rizal. At dahilan sa araw-araw na pagkikita at pag-uusap, si Rizal ay umibig kay
Josephine na tinugon naman ng huli. Sa loob ng isang buwan ay minarapat nila na magpakasal.
Nilapitan nila si Padre Obach ng Dapitan para sila ay ikasal ngunit ayon sa pari, kailangang
humingi muna sila nang pahintulot mula sa Obispo ng Cebu. Ang animo paghihigpit ay bugso
ng mga sinulat ni Rizal na hindi nagustuhan ng simbahan.
Nang mabatid ni Ginoong Taufer ang nalalapit na pagpapakasal ng dalawa, labis siyang
nalungkot. Dala ng kaniyang katandaan, naisip niya na iiwan na siya ng anak kaya minarapat
niya na magpakamatay ngunit napigilan siya ni Rizal. Upang maiwasan na maulit ang
pangyayari, nagpasiyang bumalik sa Hongkong si Josephine kasama ang ama noong Marso,
1894. Nakabalik si Ginoong Taufer sa Hongkong ngunit nagpa-iwan si Josephine at tumuloy sa
angkan ni Rizal sa Maynila.
Nang bumalik si Josephine sa Dapitan, nagpakasal sila ni Rizal sa sarili nilang seremonya. Ito
ay dahil ayaw silang ikasal ng simbahan. Sa kaniyang pagkakatapon sa Dapitan ay natagpuan
ni Rizal ang isang mabuting kasama sa buhay sa piling ni Josephine. Noong una ay nag-
aalinlangan siya sa mga layunin ni Josephine ngunit siya ang nakapagpatunay sa sarili niya na
ang mga ibinibintang dito ay pawang walang katotohanan.
Nang si Rizal ay barilin na sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre, 1896, may mga
nagsasabi na sila ni Josephine ay ikinasal ni Padre Balaguer sa Fort Santiago.
Matapos pagkalooban ng sapat na panggastos, hinandugan niya ang kabiyak ng isang tula:
Josephine, O, Josephine,
Hindi ibinigay ng mga kinauukulan ang katibayan ng kasal sa pamilya ni Rizal. Malaon
ay nakaalitan ni Josephine ang pamilya Rizal dahil interes niyang makihati sa mga aklat ni
Rizal. Subalit hindi niya mapatunayan na kinasal sila sa umaga ng kamatayan ni Rizal. Bumalik
siya sa Hongkong at nagpakasal muli sa isang Pilipino na si Vicente Abad, at namatay sa
murang edad na 25 noong 1902