Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

AURORA

"Simulan na ang seremonya" Umalingawngaw ang pagkalansingan ng mga baso


na may laman na kulay pulang likido na hindi mawari kung ano.
Muling tinignan ni Isabela ang baso at nagdalawang isip kung iinumin ba ang
laman nito.
Lumingon siya sa paligid, nakapaligid sa kaniya ang mga kabaryo ng kaniyang
nobyo na si Serlan, nakaputi ang mga ito, Polo para sa mga lalaki at bestida para
sa mga babae. Suot niya rin ang puting bestida na bigay ni Delilah, ina ni Serlan.

Lumingon siya kay Serlan, iniinom na nito ang laman ng baso. Muli niyang
tinignan ang baso at inamoy.
"Masarap yan iha, tikman mo." saad ni Delilah.
Napansin niyang nakalingon na ang lahat ng tao sa mesa sa kaniya.
Ngumiti siya at marahang ininom ang likido hindi man batid kung ano iyon.
Napakunot ang noo niya at muling ngumiti upang magkunwari.
Ayos naman ang lasa, hindi niya lang mawari kung ano bang kakaibang
pakiramdam nung ininom niya ito.
Para bang may kung anong pumasok sa kaniya. Gayunpaman, isinawalang
bahala na lang niya iyon, pag-iisip na baka ay dala lang iyon ng sakit ng kaniyang
ulo na kanina niya pa iniinda.

Magda-dalawang araw na mula ng dumating si Isabela kasama si Serlan sa


Gehenna, dito raw kasi lumaki ang nobyo kung kaya't nais nitong ipakilala na siya
sa kaniyang pamilya upang maging legal na ang kanilang pagsasama.
Hindi pa rin mawari ni Isabela kung ano ang nararamdaman, iniisip niya na
namamahay lamang siya at hindi dapat siya mangamba dahil kasama naman niya
ang kaniyang nobyo.
Madilim ang loob ng templo kung tawagin ni Delilah at ng mga kapanalig nito,
tanging ang ilaw lang sa altar ang nagbibigay liwanag sa buong sambahan.
Walang mga rebulto dito, walang pigura ni Hesus sa krus na nakasabit, wala si
Inang Maria, bagay na inaasahan ni Isabela dahil siya ay binyagang katoliko.

Tanging ang nasa altar lang ay isang kulay lila na upuan may marka rin iyong
korona at rosas ngunit kung sino man ang uupo doon, iyon ang hindi alam ni
Isabela. "Ora Dela Aura ang tawag sa aming relihiyon. Marahil ay naninibago ka,
dito lang kasi sa Gehenna naitatag ang Ora at ito na ang kinalakhan namin. Iba
ang iyong relihiyon pero huwag kang mag-alala rerespituhin namin ang iyong nga
paniniwala" Saad ni Delilah, silang dalawa lang ang nasa loob ng templo.
Inililiibot siya nito sa buong Gehenna at dito siya naisipang unang dalhin ng
Ginang. "Aurora ang pangalan ng aming Diyos" Napalingon si Isabela sa ginang
lumuhod ito at sinindihan an kandila na nasa loob ng baso. Pinikit nito ang
kaniyang mata at pinagdaop ang palad na animo'y nagdadasal. Dumilat na ito at
itinapat ang pulso sa ibabaw ng kandila na siyang ikinagulat ni Isabela. Pinatay
na nito ang apoy at tumayo. "Ang pagdadasal ay konektado dapat sa puso, sa
pulso upang maiparating ng tama. Si Aurora ang Diyosa ng mga Sakripisyo.
Ipinakita niya ang kabanalan sa pamamagitan pag-aalay sa sarili para sa
ikabubuti ng marami. Katulad ng inyong Hesus, hindi ba? Pare-pareho lang ang
pinaniniwalaan natin. Iba-iba nga lang ng bersiyon." Tumatak sa kaniyang isip
lahat ng sinabi ng Ginang. Muling pinagmasdan ang upuan at tila ba isang
imahinasyon ang nagpatindig sa kaniyang balahibo, Siya habang nakaupo dito.
Napailing na lamang siya sa naisip. "Tanda nito ang iyong pananampalataya"
Napalingon siya sa Ginang na kasalukuyang nakataas ang kamay ipinapakita ang
pulso. Ayaw ipakita ni Isabela ang pandidiri dahil sa kulay itim na halos ang
buong kamay at braso nito na kanina'y natatakpan ng mahaba nitong bestida.
"Ang mga naghihinagpis, ang mga nagsasakripisyo ang siyang pinagpala." Hindi
pa rin matanggal sa isip ni Isabela lahat ng nangyari kanina sa templo, ang
Upuan, Relihiyon, Diyos, at uri ng Pananampalataya ng Ina ng kaniyang nobyo at
ng nga tao dito. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa sobrang pagkabigla
sa mga natuklasan. Ayaw man niyang sabihin o isipin pero pakiramdam niya ay
isang uri ng kulto ang relihiyon ng mga ito. Normal naman ang lahat, normal
naman si Serlan nung nakilala niya isang simpleng lalaki na naghahanapbuhay
para sa pamilya at may pangarap sa buhay. Ang pakiramdam niyang hindi normal
ay ang Gehenna, ang Ora Dela Aura. Ngunit kung talagang mahal niya talaga ang
nobyo ay uunawain niya ito at rerespituhin ang relihiyon nito sapagkat wala
naman silang nahahamak na ibang tao. Dala ng kuryusidad ay inilabas ni Isabela
ang kaniyang cellphone at nagsearch patungkol sa Ora dela Aura. Ora Dela Aura
Ito ay isa sa pinakamatandang uri ng kulto na naitatag matagal na panahon na
ang nakalilipas. Ito ay naitatag sa pamumuno ni Serlan Seclucio lV na
kasalukuyang nasa pagamutan dahil napagalamang ito ay may sakit sa utak.
Matapos nitong Sunugin ang asawa na si Aurora Seclucio dahil pinaniniwalan
niyang ito daw ang pinakamatibay na sakripisyo upang dinggin ng diyos ang
kanilang panalangin. Kada limang taon ay nagaganap ang Ritwal kung saan ang
isang napiling bagong babae ay ang paninirahan ng kanilang Diyos na si Aurora.
Dahil sa kakaibang uri ng pananampalataya ng relihiyong ito ipinatapon sila sa
lugar na Gehenna kung saan wala na silang magagambala. Pinaniniwalaan na
patay na ang huling Seclucio at burado na ang kultong Ora Dela Aura. Tinakpan
ni Isabela ang bibig dahil sa bilis ng kaniyang hikbi sabay sa bilis ng kabog ng
kaniyang dibdib. Hindi niya halos mapaniwalaan ang nabasa. Kung totoo ngang
parte ng kulto ang nobyo at ang pamilya nito ay hindi na siya ligtas dito.
Kailangan niya ng umalis at tumakas sa Gehenna. Kinuha niya ang bag at isinuot
ang sapatos ngunit napapitlag siya ng may magsalita sa kaniyang likuran. "San
ka pupunta?" Napalingon siya at nakita ang kaniyang nobyo. "Serlan kailangan
na nating umuwi, si mama kaai nagtext si Jilian naaksidente daw si mama."
Nangangatog ang tuhod ni Isabela habang nagsisinungaling sa harap ng nobyo.
Kaniyang hinihiling na sana ay maniwala ito. "Huh? Bakit? Ano daw bang
nangyari?" Lumapit sa kaniya ang nobyo at yinakap siya. Napaluha na siya dahil
sa takot. "Ayos lang yan babe. Hayaan mo bukas na bukas uuwi rin tayo agad.
Hindi tayo pwedeng umuwi ngayon dahil gabi na. Hindi rin papayag si Mama." Sa
isip isip niya ay buti na lang naniwala ito. "Kaya wag ka na umiyak okay?" Saad
nito at pinunasan ang luha ni Isabela. Sa maikling panahon ay nakaamdam si
Isabela ng kapanatagan. Bukas ay makauuwi na siya, at di na siya muling babalik.
Katabi niya si Serlan sa kama at kahit ata ay antok ay hindi dumalaw sa kaniya,
puros lang siya pag iisip at pangamba. Sigurado siyang marami pa siyang hindi
alam, at ayaw na niyang alamin pa. Makalipas ang ilang saglit ay sa wakas ay
nilamon na rin siya ng antok hindi man komportable sa nangyayari. Dahil sa
sinag ng araw na tumatama sa mukha ni Isabela ay dali-dali niyang iminulat ang
kaniyang mga mata. Lubos siyang nagtataka ng hindi maigalaw ang kamay at paa
ng mapagtanto niyang wala siya sa kanilang higaan at hindi niya katabi si Serlan.
Nilibot niya ang paningin at nagimbal ng mapagtanto kung nasaan siya; nasa
loob ng Templo ng Gehenna sa may altar habang nakatali sa upuan ng kanilang
Diyos na si Aurora. Nasa harap niya ang lahat ng mga tao sa Gehenna habang
nakaluhod at nakataas ang kamay patungo sa kaniya. “Bakit ako nandito? Bakit
ako nakatali? Pakawalan niyo ko!” Sigaw ni Isabela habang unti-unti ng tumutulo
ang kaniyang luha. Sinubukan niya na ring pumiglas ngunit mahigpit ang
pagkakatali. “Pakawalan niyo ko mga Demonyo kayo!” Sabay sabay na inangat
ng mga nanampalataya ang kanilang mga ulo at gumawi sa direksiyon ni Isabela.
Tumayo si Delilah at tumungo sa dalaga. “Tita nagmamakaawa po ako pakawalan
niyo ako.” Ngumiti siya kay Isabela at inayos ang buhok nito. “Hindi iyon maari
Isabela. Ikaw ang pinili ng Diyos upang maging bago niyang tirahan. Aba't dapat
kang mahabag!” Sinundan naman iyon ng sigaw ng lahat “Mahabag! Mahabag!”
“Mahabag ang bagong templo ng Panginoong Aurora!” “Mahabag! Mahabag!”
“Mahabag sa patuloy na pagligtas at kasaganahan!” “Mahabag! Mahabag!”
“Tama na! Pakawalan niyo na ko! Mga Baliw kayo! Mga Demonyo.” Tumigil ang
lahat. Lumingon si Isabela sa nobyo ngunit katulad ng iba ay alam niyang isa lang
rin ang gusto nito; ang bagong tirahan ng kung sinomang Demonyong kanilang
sinasamba. “Serlan Pakawalan mo ko! Tulungan mo ko!” Sigaw niya ngunit wala
itong reaksyon. “Simulan na natin ang Seremonya” Saad ni Delilah. “Sa ngalan
ng aming ninunong Seclucio at sa ngalan ng Unang tahanan ng aming Diyosa.
Maging masagana sana ang isang panibagong taon sa isang panibagong
Himlayan ng iyong kaluwalhatian. Ora dela Aura.” May hawak na punyal si Delilah
at nanlaki ang mga mata ni Isabela ng itutok ito sa kaniya. Hindi na siya
nakapiglas ng maramdam niya ang paglikha nito ng ekis sa kaniyang noo.
Tumulo ang dugo sa kaniyang mukha at halos mapasigaw na siya sa sakit halos
mabingi na rin siya dahil sa paulit-ulit na sigaw nila ng Ora Dela Aura. Muling
nagbalik ala-ala sa kaniya ang lahat, si Serlan na inakala niyang mahal siya, ang
isinumpang Gehenna, ang Makasalanang tribo ng Seclucio, ang kultong Ora Dela
Aura at siya na ngayon ay gusto na lamang isiping panaginip lang ang lahat.
Tumango si Delilah at maya-maya pa ay naramdaman na lang niya ang pagturok
nito ng punyal sa kaniyang dibdib. Napapitlag si Delilah habang hawak ang dibdib
napalingon siya at napagtantong nasa bus pala siya at katabi si Serlan. “Ayos ka
lang ba?” Halos magimbal siya ng malamang panaginip lang ang lahat. Muli
siyang tumingin sa nobyo at tumango. Nginitian naman siya nito at isinaad:
“Maghanda ka na, malapit na tayo.”

You might also like