Professional Documents
Culture Documents
Talambuhay Ni Jose Rizal
Talambuhay Ni Jose Rizal
Mula pagkabata at mga katangian ni Jose Rizal hanggang sa pagtanda at kaniyang mga
inibig, mas kilalanin pa kung sino si Dr Jose Rizal sa aming isinulat sa ibaba tungkol sa
buhay ni Jose Rizal.
Ayon sa mga eksperto, ang ang buhay ni Jose Rizal noong kanyang kabataan ay hindi
naiiba sa ordinaryong bata dahil maging siya ay nagkukuwento rin tungkol sa kaniyang mga
crush at pinapalo rin siya kapag may nagawang hindi maganda. Ang kaibahan lang ni Rizal
sa ordinaryong bata ay siya ay isang matalinong bata. Ang kaniyang nanay na si Teodora
Alonso, kaniyang tiyahin, at si Justiniano Aquino Cruz ang nagsilbing unang mga guro ni
Rizal. Sa edad na 3, natutunan na ni Rizal ang alpabeto sa tulong ng kaniyang ina, habang
sa edad na 5 ay marunong na siyang magbasa at magsulat. Kung hinahanap mo kung saan
nag aral si Jose Rizal, ang sagot dito ay marami kung saan nabuo at nahubog ang iba’t
ibang mga katangian ni Jose Rizal.
Nang tumagal ay nakasanayan din ni Rizal ang buhay sa Ateneo at sa katunayan nga ay
isa siya sa mga pinakamatalinong estudyante roon. Halos lahat ng asignatura ay magaling
si Rizal kaya nagtapos si Rizal sa Ateneo ng may karangalan.
Para naman pagbigyan ang hiling ng tatay niya, nag-exam din siya sa Colegio de San Juan
de Letran pero kalauna’y sa Ateneo Municipal de Manila siya pumasok at nagtapos bilang
isa rin sa pinakamagaling na estudyante. Tumanggap siya ng karangalang sobresaliente or
outstanding. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral niya sa Ateneo para makakuha ng degree
sa land surveyor and assessor. Kasabay nito ay kumuha rin siya ng pre-law course sa
University of Santo Tomas kung saan nagtapos din siya ng may excellent mark.
Nang malaman ni Rizal na mabubulag ang kaniyang nanay, nagdesisyon siyang mag-aral
ng medisina sa UST at kunin ang kursong ophthalmology.
1. Segunda Katigbak
Si Seguna ang kauna-unahang pag-ibig sa talambuhay ni Dr Jose Rizal. Walang nailathala
kung paano sila nagkakilala pero nag-aaral noon si Segunda sa parehong paaralan kung
saan nag-aaral ang babaeng kapatid ni Rizal kaya madalas siyang pumupunta sa La
Concordia College para “bisitahin” daw ang kaniyang kapatid pero sa totoo, ay upang
masilayan si Segunda.
2. Leonor Valenzuela
Si Leonor o mas kilala bilang Orang ay kapitbahay ni Rizal sa Intramuros noong siya’y nag-
aaral sa UST. Nagsusulatan sila ng liham at sinasabing gumagamit daw si Rizal noon ng
invisible ink para hindi mabisto ang kaniyang liham dahil noo’y nililigawan niya rin ang isa
pang Leonor na si Leonor Rivera. Ayon sa ilang akda, hindi raw ganoon kalalim ang
pagtingin ni Orang kay Rizal kaya hindi umusbong ang kanilang relasyon.
3. Leonor Rivera
Si Leonor Rivera ang itinuturing na pinakamatamis at pinakamasakit na pag-ibig sa
talambuhay ni Dr Jose Rizal. Siya ay pinsan ni Rizal dahil anak si Leonor ng pinsan ng
tatay ni Rizal.
Bata pa lang sila nang sila’y magkakilala at nagsulatan sa loob nang dalawang taon noong
nasa Europa si Rizal hanggang sa hindi na lang sumagot si Leonor sa mga sulat nito. Ayaw
daw ng ina ni Leonor kay Rizal kaya niloko niya si Leonor at sinabing engaged na si Rizal
sa ibang babae
kaya nagpakasal si Leonor kay Henry Charles Kipping na isang English railway engineer.
5. Seiko Usui
Si Seiko, o O-Sei-San kung tawagin ni Rizal ay nakilala niya sa Tokyo. Nagtatrabaho sila sa
iisang kompanya noon kaya sila nagkakilala at nabuo ang pagtitinginan. Matapos ang isang
buwan, naghiwalay sila dahil pupunta na ng San Francisco sa Amerika si Rizal.
6. Gertrude Beckett
Si Gertrude o Gettie ay anak ni Charles Beckett na landlord ni Rizal sa London noong May
1888. Sabi sa ilang akda, si Gettie ang talagang may malalim na pagtingin sa dalawa.
Madalas niyang tinutulungan si Rizal sa mga kailangan nito.
7. Suzanne Jacoby
Si Suzanne naman ay isang Belgian na pamangkin ng landlady ni Jose Rizal sa Brussels.
May ilang beses din silang lumabas pero hindi raw ganoon kalalim ang pagtingin ni Rizal
para kay Suzanne kaya hindi natuloy ang relasyon.bago umalis si Rizal, binigyan daw siya
ng isang kahon ng tsokolate pero hindi ito binuksan ni Suzanne. Kinuwento ito ni Suzanne
sa liham niya para kay Rizal at sinabihan pa na sana ay bumalik siya sa Brussels.
8. Nellie Boustead
Si Nellie ay anak ng British businessman na si Eduardo Boustead. Matagal nang kaibigan ni
Jose Rizal ang pamilya Boustead. Dumating pa nga raw sa punto na balak nang mag-
propose ni Rizal kay Nellie pero marahil ito ay dahil lubos siyang nasaktan sa pagpapakasal
ni Leonor Rivera sa iba. Hindi natuloy ang relasyon nila dahil ayaw raw ng ina ni Nellie kay
Rizal.
9. Josephine Bracken
Si Josephine ang asawa at huling pag-ibig sa talambuhay ni Jose Rizal. Taga Hong Kong si
Josephine at pumuntang Pilipinas kasama ang adoptive father niya upang ipagamot ang
mata nito. Nang walang makitang pagamutan ay dumeretso siya kay Rizal dahil noo’y sikat
na si Rizal na doctor. Doon ay ipinagamot niya ang tatay niya kaya sila nagkakilala ni Rizal
hanggang sa mahulog sa isa’t isa. Nagkaroon silang anak pero namatay rin ito pagkasilang
sa kaniya.
Pero bukod sa mga ito ay tanyag din Ang Tsinelas ni Jose Rizal at ang tula na Sa Aking
Mga Kabata. Ang Tsinelas ni Jose Rizal ay sumasalamin sa magandang pag-uugali ni Rizal
gaya ng pagiging selfless. Ito ay tungkol sa karanasan niya. Habang naglalaro sa may ilog
ay nalaglag ang tsinelas ni Rizal at mabilis na inagos ng tubig. Hindi niya ito nakuha dahil
sa bilis ng agos. Kaya ang ginawa niya ay itinapon na lang ang isa pang tsinelas ni Rizal at
umaasa na sana raw ay mahabol ng kaniyang tsinelas ang kapares nito para kumpleto
itong makukuha ng sinomang makakita rito.