Forestry in The Philippines

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

PRODUCT AT PERFORMANCE TASK SA ARALING PANLIPUNAN 10

SUSTAINABLE DEVELOPMENT SA IBA’T IBANG SEKTOR SA PILIPINAS

PANGKALAHATANG TEMA: “Pagpapatuloy ng Kalikasan tungo sa Pagpapatuloy ng

Kaunlaran, at Kinabukasan”

Sektor: FORESTRY (Paggugubat)

Ang sektor ng Paggugubat ay isa sa mga nilalaman ng sektor ng Agrikultura. Ang

paggugubat ay isa sa mga importanteng pang-ekonomikong gawain sa agrikultura. Ito’y

pinagkukuhan ng ating suplay ng plywood, pinagkukunan ng mga sangkap para sa paggawa

ng gamot, materyales, at nagsisilbing proteksyon laban sa mga sakuna. Bukod doon ay

pinagkakakitaan din ang mga produktong hindi kahoy tulad ng: rattan, nipa, anahaw,

kawayan, at dagta ng almaciga (Valle Rey, 2021). Nakapaloob dito ang pagsustain sa

kabuhayan ng mga nakatirang mga hayop at ang pagkuha ng mga wild growing non-wood

forest products; maliban sa mga timbre, kawayan, at plywood, nagmamanupaktura din ang

sektor na ito ng mga produktong sumasailalim sa maliit na pagpoproseso tulad ng uling. Sa

pagkuha ng produkto sa gubat, ito’y maaring makuha mula sa natural na gubat o ang mga

sarili nating tanim na gubat (PSA, “Agriculture, Forestry and Fishing [Section A],” 2009).

Ang ambag ng sektor na ito ay natutugunan nito ang mga pangunahing

pangangailangan ng mga tao sa paggawa ng produkto at ang nakukuha din natin dito ay

mismong produkto na. Isa ring ambag ay ang trabaho; malaking porsyento ng mga

mamamayan ang dumedepende sa sektor na ito dahil tayo ay isang agrikultural na bansa.

“Mahigit 26% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa ang kabilang sa sektor ng

agrikultura.” (Teves, 2018).

1
Mahalaga ang sektor na ito sapagkat kung wala ito, hindi epektibong matutugunan

ang mga pangangailangan ng mga taong nasa mababang antas at dito tayo kumukuha ng mga

hilaw na materyales. Nagsisilbi rin itong tirahan ng iba’t ibang mga species ng flora at fauna,

at bukod doon ay maraming esensyal na bagay ang magagawa mo dito tulad nalang ng:

lamesa, upuan, katre, pintuan, atbp. Isa rin ito sa mga nagpapatibay ng ating turismo dahil sa

ganda ng ating likas na yaman.

Ang kasalukuyang estado ng sektor ng paggugubat ay nanganganib sapagkat kahit na

ang Pilipinas ay biniyayaan ng malawak at mayaman na lupain at ang paggubat ay isang

renewable resource, maraming pa ring mga banta dito na magpipigil sa pag-unlad ng sektor

na ito. Sa paglaki ng populasyon ng bansa ay dumadagsa din ang mga banta sa ating

kagubatan at hindi nakakamit ang sustainability dito. Ipinahayag ni Michael Defensor (2011)

na 30% lamang ng deforestation projects ang naging matagumpay. Sa isang study ng UN

Food and Agriculture, (“Sustainable Forest Management,” 2020), ay sinabing “Most of the

(Philippines’) once rich forests are gone. Forest recovery, through natural and artificial

means, never coped with the destruction rate.”. Kung ang mga tao’y magpuputol ng mas

maraming puno kaysa sa kanilang bilang ng itatanim na puno, ang kalagayan ng paggubat ay

manganganib. Ito’y magreresulta sa malakihang economic loss at environmental loss

(Higgins, 2011). May mga programang nagtataguyod na mas mapabuti ang kalagayan ng

sektor ng pangungubat tulad nalang ng pagsasagawa ng tree planting at pagpapatupad ng mga

batas tulad ng Republic Act No. 3701.

2
Suliranin:

● Patuloy na pagtaas ng populasyon

Isa sa mga suliranin sa pagpapatuloy ng sektor ng paggubat ay ang patuloy na pagtaas

ng populasyon. Ayon sa World Population Review (2021), ang kasalukuyang population

growth rate ng Pilipinas as nasa 1.39%. Kasabay ng paglaki ng populasyon ay ang pagtaas ng

dami ng pangunahing pangangailangan ng tao na nakukuha sa kagubatan gaya na lamang ng

pagkain at mga forest products na siyang kailangan sa paggawa ng mga imprastraktura

(Villanueva, 2021). Ngunit sa kabila nito, limitado lang naman ang ating pinagkukunan ng

mga likas na yaman lalo pa’t unti unti nang nakakalbo ang kagubatan. Mula taong 2002

hanggang taong 2020, 151kha (kilohectares) na ang nawala sa pangunahing kagubatan ng

Pilipinas at 3.3% naman ang binaba ng total area nito (Global Forest Watch, 2021). Kaakibat

ng pagkakalbo nito’y ang pagka-ubos ang mga natural resources na nakukuha rito na

maaaring maging sanhi ng hindi pagpapatuloy ng sektor. Isang malaking hamon sa sektor ng

paggubat ang pagpapatuloy ng pag-unlad nito at pagsusustain sa produktong nanggagaling sa

kagubatan upang matugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon ng tao

hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

● Forest degradation at deporestasyon

Ilan naman sa mga suliraning pinaka humahadlang at naka-aapekto sa patuloy na

pag-unlad ng sektor ng paggubat ay ang forest degradation at deporestasyon. Ang forest

degradation ay ang pagbabago sa kagubatan na negatibong naka-aapekto sa istruktura at

kalusugan nito na siyang nagpapababa ng kakayahan at kapasidad nitong magsuplay ng mga

produktong ating kailangan sa ating pamumuhay. Kalaunan ay maaari itong humantong sa

deporestasyon na siya namang pagka-kalbo ng kagubatan gawa ng permanente o

pangmatagalang pagkawala ng mga forest cover, at dahil dito’y ginagamit na lamang ang

3
kagubatan upang pagsakahan o pagtayuan ng mga imprastraktura. Ang sanhi ng pagkalawa

ng mga forest cover ay ang iba pang mga suliraning anthropogenic o gawa ng tao tulad na

lamang ng industriyalisasyon, ilegal na pagpuputol ng puno, pagmimina at pagkakaingin

(Rebugio et al., “Forest Restoration and Rehabilitation in the Philippines,” n.d.).

Dahil sa ilegal na pagpuputol at pagsusunog ng mga puno, bumababa ang forest

regenerative capacity o ang kakayahan ng kagubatan na magsuplay ng mga likas na yamang

kailangan ng tao sapagkat nauubos ang ating mga pinagkukuhanan ng produkto kapag ang

pangunahing kagubata’y kinakalbo upang pagsakahan o pagtayuan ng mga imprastraktura

(Rebugio et al., “Forest Restoration and Rehabilitation in the Philippines,” n.d.). Dahil sa

mga gawaing ito na hindi regularisado ang proseso, nasisira at naaabuso ang kagubatan at

naaapektuhan rin dito ang mga kagamitan at produktong dito natin kinukuha. Ang

Industriyalisasyon at pagmimina nama’y nakakaapekto sa paglala ng pagkakalbo ng

kagubatan at gawa nito’y nauubusan rin ng lugar na mapagtataniman ng bagong puno

sapagkat ito’y pinatatayuan ng mga imprastraktura o pinagmiminahan. Napipigilan ng mga

suliraning ito ang patuloy na pag-unlad sektor ng paggubat sapagkat ang mga kagubatang

pinagkukunan ng pangangailangan ng tao ay nasisira at nauubusan na ng likas na yaman.

● Climate Change

Ang climate change ay isa ring napakalaking suliranin sa sektor ng paggubat. Ito ay

ang pagbabago ng pangkabuoang klima ng mundo na sanhi ng mabilisang pagtaas ng

greenhouse gases, at nagdudulot ito ng mga kalamidad gaya ng pagbagyo, pagbaha, tagtuyot,

pagguho ng lupa, at mga forest fires na siyang nakapipinsala sa kagubatan kaya’t

naaapektuhan rin ang mga produktong nakukuha natin mula rito (Reef Resilience Network,

“Panimula sa Pagbabago ng Klima,” 2021). Ang mga suliraning nakapaloob sa forest

4
dergaradation at deporestasyon ay maaari ring maging sanhi ng climate change gaya na

lamang ng pagkakaingin, pagmimina, at ilegal na pupuputol ng puno na nakapagpapadagdag

sa mga greenhouse gases na napupunta sa atmospera ng mundo. Ang iba’t ibang kalamidad

na epekto ng climate change ay nakahahadlang sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng

paggubat sapakat lubusang apektado ang kagubatan dito. Ang sunod sunod na pagbagyo,

pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot at mga sunog sa kagubata’y maaaring makapagpababa

sa kalidad ng mga produktong mula sa sektor na ito. Isang malaking hamon ang climate

change sa sektor ng paggubat sapagkat isa ang Pilipinas sa mga bansang pinaka apektado ng

suliraning ito.

Mungkahing Solusyon:

● Pagkontrol sa Kaingin System

Ano nga ba ang Kaingin System? Ito ay ginagawa upang mapabilis ang pagkuha ng

mga kahoy sa ating kagubatan sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga puno (Domingo and

TMT, 2016). Ang layunin ng Forestry ay ang maayos ang ating kagubatan upang makakuha

tayo ng mga magagandang produkto dito at isang malaking hadlang ang Kaingin sa pagtupad

nito. Kailangan natin ang mga kahoy na galing sa kagubatan, kaya naman ay naisip namin

ang solusyon sa pagkontrol lamang ng sistemang ito, imbis na ito ay tuluyang ipatigil. Oo,

marami itong masamang epekto katulad ng mawawalan ang mga buhay ng mga hayop na

nakatira sa kagubatan at dahil mawawala ang mga ugat sa mga susunugin na puno, maaari rin

magkaroon ng flash flood. Aminin natin na hindi ito tuluyang mapapatigil dahil karamihan ay

walang disiplina sa kanilang mga aksyon, kaya naman ang posibleng solusyon lamang ay ang

pagbabawas o pagkontrol dito. Isa rin ang hindi striktong pagpapatupad ng mga batas sa ating

bansa kaya nagkakaroon ng kalayaan ang mga mamamayan na sunugin ang ating kagubatan,

kaya naman ay dapat maayos din ito ng ating gobyerno upang makontrol ang mga pagkasira

5
sa mga produkto ng ating kagubatan. Ang pagkakaroon ng disiplina nating mga mamamayan

sa pag-aalaga ng ating kagubatan ang pinakamagandang paraan na matupad ang solusyon na

aming naisagawa. Madidisiplinahan tayo dahil hihigpitan ang pagbabantay at pag-aalaga sa

ating kagubatan upang malaman natin na hindi dapat sirain ang ating kagubatan dahil ang

sinumang mahuhuli na nagsisira dito ay magbabayad ng kanyang multa sa maling aksyon na

kanyang nagawa. Hihikayatin din namin na sumali sila sa aming gagawing organisasyon sa

pag-aalaga ng ating kagubatan at makakuha ng mga produkto galing dito ng hindi tayo

nakakaapekto masyado sa ating kalikasan, ang sinumang sasali sa aksyon namin na ito ay

magkakaroon ng mga libreng produkto na ginagamit nila sa kanilang pang araw-araw.

● Forests patrolling and Community Planting

“The Lawin Forest and Biodiversity Protection System, jointly developed by

USAID’s Biodiversity and Watersheds Improved for Strong Economy and Ecosystem

Resilience (B+WISER) and the Department of Environment and Natural Resources (DENR)

uses the open source software Spatial Monitoring and Reporting Tool (SMART) to analyze

and aggregate patrol data at the national level.” (USAID, Lawin patrols “go around the

world” in protecting Philippine forests,” 2015). Ito ang forest patrol ng Pilipinas ngunit sa

nakikita sa kasalukuyan na hindi nasosolusyonan ang patuloy na deforestation sa bansa dahil

sa illegal logging. Ayon sa USAID (2015) “more than 3,000 forest patrollers” ang naikot sa

bansa ngunit marami pa rin ang nakakalusot sa pagputol ng puno. Tayo ay maaaring mag

dagdag ng mga tao sa organisasyon na ito dahil patuloy rin ang pagtaas ng ating populasyon.

Ang mga tao na ating maaaring kunin ay manggagaling sa mga tao na unemployed upang sila

ay mabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho at upang mapataas ang employment rate ng

bansa. Ang mga patrollers ay dapat rin na magbantay sa mga tanim na puno ng mga

nagpuputol dito. Ang mga resulta na nakuha ng DENR ay maaaring gamitin upang bigyang

6
hudyat ang mga mamamayan ng isang komunidad na nawalan ng mga puno na aksyonan nila

ito sa pamamagitan ng community planting. Ito ay isinasagawa ng mga komunidad upang

hindi nauubos ang kanilang puno, at upang masigurado na lalaki bilang puno ang kanilang

itinanim ay magsasagawa ng linggo linggo na pag aalaga dito.

● Pagpoprotekta sa kalusugan ng kagubatan

Ang sustainable forestry ay nakasentro sa maayos nitong kalusugan. Maraming mga

bagay na nabubuhay at hindi nabubuhay ang bumubuo ng isang kagubatan ang hindi na

malusog gawa ng iba’t ibang mga suliranin sa paggubat na kinakaharap natin sa kasalukuyan.

Kasama na rito ang mga gawaing anthropogenic, mga pesteng insekto, sakit, sunog, at

pagbabago ng panahon. Karaniwan, ang pagkawala ng mga indibidwal o maliit na pangkat ng

mga puno ay hindi isang malaking pag-aalala. Ngunit, kapag ang mas malaking bilang na ng

mga puno ang namamatay, maaari itong hudyat ng isang malaking problema sa kalusugan sa

kagubatan. Ang Sustainable forestry ay naglalayong magtaguyod ng mabuti at maayos na

kalusugan sa kagubatan sa pamamagitan ng pagbabawas o pag-iwas sa mga banta nito,

pagpaparami pa ng mga tanim na puno higit sa mga punong pinuputol, maayos na daloy ng

tubig at pagkakaroon ng produktibong lupa (Jacobson et al., 2016). Sa pamamagitan nito,

masisiguradong ang mga susunod pang henerasyon ay makagagamit pa ng mga produktong

ating nakukuha mula sa kagubatan.

7
Sanggunian:

Sektor

https://philnews.ph/2019/09/03/sektor-ng-agrikultura-ano-ang-mga-ibat-ibang-sektor-nito/

https://psa.gov.ph/classification/psic/?q=psic/section/A

https://www.heritage.nf.ca/articles/economy/forestry-environment.php

https://pdfcoffee.com/philippines-deforestation-threats-and-reforestation-pdf-free.html

https://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1963/ra_3701_1963.html

Suliranin

https://worldpopulationreview.com/countries/philippines-population

https://www.globalforestwatch.org/dashboards/country/PHL

https://uplbperspective.org/2021/04/22/hikbi-ng-inang-kalikasan-ang-pinsala-sa-apat-na-elem

ento-ng-daigdig/

https://www.iufro.org/download/file/7382/5120/Philippines_pdf/

https://reefresilience.org/tl/community-based-climate-adaptation/climate-change-introduction

Mungkahing Solusyon

https://www.fao.org/forestry/sfm/en/

https://www.manilatimes.net/2016/12/07/news/regions/official-backs-ips-kaingin-system/300

504#:~:text=Kaingin%20means%20clearing%20by%20the,many%20parts%20of%20the%20

world.

https://forestry.denr.gov.ph/b+wiser/index.php/bulletin/53-2017/july-2017/152-lawin-patrols-

go-around-the-world-in-protecting-philippine-forests

https://extension.psu.edu/sustainable-forestry

8
Ulat nina:

Floranda, Ramuell

Olegario, Anthony

Benosa, Patricia Lorraine

Fauni, Christina Andrea

Memoracion, Isah

10 - MARAGONDON

Septyembre 14, 2021

You might also like