Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UNANG BAHAGI

Pagbabago sa Ika-19 Siglo Relasyon sa Buhay ni


Rizal
1. Ekonomiya Nagkaroon ng Pagbibigay ng oportunidad
pandaigdigang kalakand at sa buhay ng mga Pilipino.
barter ng iba’t ibang
produkto.
2. Politika Maigting ang labanan ng Hindi dayuhan ang
mga taong gusting magpapatakbo sa sariling
mamuno sa lipunan. bansa.
3. Sosyo-kultural Pakikipag alyado at Pagpapalawak ng
ugnayan sa mga karatig koneksyon at ugnayan
bansa. hindi lang sa sariling
nasasakupan kundi
maging sa iba pang
aspeto.

PANGALAWANG BAHAGI
1. Batay sa aking karanasan na hindi patas na pagtrato sa aking paligid ay ang
pagkakaroon ng diskriminasyon. Halimbawa na lamang kapag mababa ang
iyong pinag-aralan o pang karaniwang tao ka lamang ay mababa ang tingin sa
iyo ng mga tao o hindi ka masyadong pinapahalagahan ng mga taong nasa
paligid mo ngunit kung ikaw ay kabilang sa mga taong may mataas na pag
mamayari kahit na walang saysay ang iyong sinasabi ay mas pinapaniwalaan ka.
Mas pinapanigan ang mga taong may pera dahil alam ng mga tao na may
maitutulong ka sa kanila. Magagawa mo lahat ng bagay na gusto mong gawin sa
buhay katulad na lamamng ng pagtakbo sa politika o man lamang ng kapwa
dahil meron kang lakas para gawin ito.
2. May mga pagkakatulad ang aking naranasan sa hindi patas na pagtrato noong
panahon ni Dr. Jose Rizal dahil nagkaroon din ng diskriminasyon noong
panahong iyon. Kahit na kapwa Pilipino o hindi ka dayuhan hindi ka magigigng
ligtas sa mga panuring mata ng mga tao. Hindi magiging patas ang tingin sa iyo
ng mga tao dahil may iba’t iba silang perspektibo. Maaaring sa iba kahit na
mababa ang pinag-aralan mo kaya ka nilang irespeto ngunit sa iba naman ay
kailangan may pera ka para may lakas ka na paniwalaan ka ng mga tao.
3. Sa aking palagay ang ugat ng inhustisya at hinid pagkakapantay-pantay ay ang
estado sa buhay ng mga tao. Dito nagmumula ang kapangyarihan na kaakibat
nila o pagdidikta sa mga taong mas nakakababa sa kanila. Mas nakikita rin dito
ang hindi pagkakapantay-pantay kung ikaw ay nakabilang sa isang angkan nan
may antas sa lipunan at ikaw naman ay mahirap.
4. Oo, maaaring maging modelo si Dr. Jose Rizal sapagkat lubos niyang ipinakita
na kahit ikaw ay mahirap kaya mong makipagsabayan sa mga taong may antas
sa lipunan lalo na kung ikaw ay may magandang edukasyon. Ayon din sa kanya
na kapag ikaw ay may edukasyon ito ay iyong magiging sandata laban sa
mapang aping lipunan. Kaya mong tumindig at ipaglaban ang nararapat na
hustisya at pagtrato bilang isang tao na parte ng ating bayan.

You might also like