Professional Documents
Culture Documents
Piling Larang 12
Piling Larang 12
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
BICOS NATIONAL HIGH SCHOOL
ALOMBRO ST., BRGY. BICOS, RIZAL, NUEVA ECIJA 3127
SCHOOL ID: 300789
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat iyong sagutang papel.
1. Ito ang nagsisilbing gabay sa proseso at paggawa ng isang produkto
a. anunsyo b. flyers at leaflets c. manual d. promotional materials
2. Ito ang mga pahina ng makukulay na papel upang maipakilala ang produkto o kaganapan.
a. anunsyo b. flyers at leaflets c. manual d. promotional materials
3. Kadalasang nilalaman nito ay mga katanungan at kasagutan hinggil sa produkto o ang mga batayang impormasyon
a. anunsyo b. flyers at leaflets c. manual d. promotional materials
4. Isa itong paraan ng paglalahad ng mga kaisipan na nais iparating sa mga nakikinig, mambabasa o manonood.
a. anunsyo b. flyers at leaflets c. manual d. promotional materials
5. Nagsasaad ito ng mahalagang impormasyon kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin.
a. babala b. komprehensibo c. menu ng pagkain d. paunawa
6. Ito ay maaring salita o larawan na nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng tao.
a. babala b. komprehensibo c. menu ng pagkain d. paunawa
7. Ito ay tala ng mga nakahandang pagkain na ginagamit sa mga restawrant upang makapamili ang mga mamimili ng mga
putaheng ihahain sa kanilang mesa
a. babala b. komprehensibo c. menu ng pagkain d. paunawa
8. Layunin nitong maglahad ng mga impormasyon hinggil sa isang paksa o bagay.
a. babala b. komprehensibo c. menu ng pagkain d. paunawa
9. Ito ay inilalagay sa manwal upang maging malinaw at maliwanag ang paglalahad ng impormasyon.
a. Appendise o indeks b. Komprehensibo c. May larawan o tsart d. Nakaayos nang pabalangkas
10. Nilalagay ito upang madaling hanapin ang mga paksa sa isang manwal.
a. Appendise o indeks b. Komprehensibo c. May larawan o tsart d. Nakaayos nang pabalangkas
11. Ang liham pangnegosyo binubuo ng mga bahagi. Ilan ang bahagi nito?
a. 5 b. 6 c. 7 d. 8
12. Gusto ni Vince na maiparating sa Airline Company ang pagnanais niyang mapabilang sa mga empleyado nito bilang
isang piloto. Alin sa sumusunod na uri ng liham pang negosyo ang nararapat niyang gawin?
a. Liham Aplikasyon b. Liham Nag-aanyaya c. Liham Pagpapakilala d. Liham Subskripsyon
13. Nais mong magkaroon ng programa na maaaring makatulong sa mga kababaryo mo sa kinahaharap na pandemya.
Nabuo mo na ang mga detalye ng programa, ngunit nais mong makasigurado sa mga hakbang na isasagawa mo.
Anong uri ng Liham Pangnegosyo ang iyong gagawin?
a. Liham sa Aplikasyon b. Liham Nag-aanyaya c. Liham Pahintulot d. Liham Paumanhin
14. Mayroong bahagi ng Liham Pangnegosyo kung saan matatagpuan ang pangalan ng sumulat. Ano ito?
a. Bating Pangwakas b. Lagda c. Pamuhatan d. Patunguhan
15. Alin sa sumusunod ang bahagi ng Liham pangnegosyo ang hindi matatagpuan sa Liham Pangkaibigan?
a. Bating Panimula b. Katawan ng Liham c. Lagda d. Patunguhan
16. Nais kong bumili ng limampung kahon ng Personal Protective Equipment o PPE sa mas murang halaga. Alin sa
sumusunod na liham ang mas angkop na gawin?
a. Liham Aplikasyon b. Liham Kahilingan c. Liham Pamimili d. Liham Subskripsyon
17. Alin sa sumusunod na katangian ang nararapat taglayin ng isang Liham Pangnegosyo?
a. maligoy b. mahaba c. pormal d. di-pormal
18. Isa sa mahusay na katangian ng Liham Pangnegosyo ay may sapat na impormasyon na kinakailangan sa paghahatid ng
layunin sa pagsulat ng liham. Ano ang katangiang ito?
a. buong kaisipan b. Kombersasyunal c. malinaw d. wasto
19. Alin sa sumusunod na hindi nararapat ilakip sa pagbuo ng Liham Aplikasyon?
a. natapos na kurso b. natatanging galling c. paaralang pinanggalingan d. pamilyang pinagmulan
20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi maaaring gumamit ng Liham Pangnegosyo?
a. Pag-aalok ng produkto c. Pagpapadala ng karaingan sa pamahalaan
b. Pag-aaplay ng Iskolar d. Pagpapabatid ng kasabikan sap ag-uwi ng ama galling ibang bansa.
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.
II. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI
Inihanda ni:
DESSARIE S. BUSOG
Guro sa Asignatura
SS