PDF Pag Alam Sa Epekto NG Distance Learning Sa Mga Mag Aaral Sa Panahon NG Pandemya Compress

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 42

 

OLats sa OL Class?: Pag-alam sa Epekto ng Distance Learning


Le arning sa mga Mag-  

aaral mula sa Senior High sa Panahon ng Pandemya  

Isang pananaliksik na iniharap sa fakulti ng  


Quezon City Academy, Foundation Inc  

Lungsod ng Quezon, NCR 

Bilang Parsyal na Pangangailangan Sa Work Immersion 

ng Taong Pampaaralan 2020-2021 

Nila: 

Jerriane Hillary Heart S. Marcial 

Armando M. Roa II 

Kristen Belle H. Tamondong 

Dan Louis M. Topacio  

G. Alvin B. Llaneta 

Mayo 2021 
 

PANIMULA 

 Noong Disyembre 2019, itinala aang


ng unang kaso
ka so ng COVID-19 sa bansang

Tsina. Ito ay unang tinawag na SARS-CoV-2 ng mga opisyal ng lungsod ng

Wuhan na tumutukoy sa isang sakit na dulot ng novel coronavirus (WHO, Abril

2020). Kumalat ito sa maraming bansa at ang bawat mamamayan ay nalagay sa

kapahamakan dahil sa bantang dulot ng pandemya. Upang mapigilan ang

 paglaganap ng sakit sa bansa, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong


n oong ika-

12 ng Marso, 2020 ang pagsuspinde ng lahat ng uri ng transportasyon sa bansa

(GardaWorld, Marso 2020). Ang mga restriksyon ay naging epektibo noong ika-

15 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril, 2020. Karagdagan pa rito, ang lahat ng


 pampublikong pagtitipon ay ipinagbawal at ang suspensyon ng klase ay tumagal

hanggang ika-12 ng Abril, 2020. 

Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, iniurong ng Department

of Education (DepEd) ang pagbubukas ng klase sa ika-5 ng Oktubre, mula sa

dating itinakda ng kagawaran. Inilahad ni DepEd Secretary Leonor Briones na

inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng ahensya na iurong ang


 pagsisimula ng klase dahil sa epekto ng modified enhanced community quarantine

(MECQ) na itinalaga sa bansa (ABS-CBN News, Agosto 2020). "We will

implement such a decision to defer school opening to October 5 pursuant to

Republic Act No. 11480," ani Briones. Dagdag pa ni Briones, ang distance

learning ay magsisilbing pinakamahalagang bahagi sa pagsisimula ng klase sa

taong 2020-2021. Ang distance learning ay nangangahulugang ang mga klase ay

magaganap sa mga kabahayan na malayo sa dating tradisyonal na pag-aaral na  


 

 
ginaganap sa mga paaralan. Sa mga lugar kung saan ang mga klase ay

magpapatuloy sa tradisyunal na pamamaraan, ipinahayag ng DepEd na dapat

sundin ang physical distancing at health safety protocols.  

Para sa mga pribadong paaralan, ang pagbubukas ng klase ay nagsimula

noong ika - 24 ng Agosto habang ang Quezon City Academy, ang paaralan ng

mga mananaliksik, ay nagsimula noong ika - 14 ng Setyembre. Ang mga

 pribadong paaralan ay isang awtonomiya at hindi pinangangasiwaan ng mga

lokal, pang-estado, pambansang pamahalaan. Hindi katulad sa mga pampublikong

 paaralan na ang pondo ay nanggagaling


na nggagaling sa gobyerno, ang mga pribadong paaralan

ay bumubuo ng pondo sa pamamagitan ng mga tuition ng mag-aaral, pribadong


gawad, at endowment. Ayon sa Education Act of 1982, nakasaad sa Seksyon 13

ang sumusunod: “The right of their governing boards or lawful authorities to

 provide for the proper governance of the school and to adopt and enforce

s ystems.” Ang mga pribadong paaralan ay may


administrative or management systems.”

kalayaang talikdan ang pamumuno o sistema ng mga pampublikong paaralan

sapagkat sila ay hindi pinamumunuan ng pamahalaan (Chan Robles, 2021).  

Sa panayam ng Teleradyo, ipinaliwanag ni Education Undersecretary

Diosdado San Antonio na magpapatupad naman ang kanilang kagawaran ng iba't

ibang paraan para maihatid sa mga estudyante ang kanilang mga lesson sa

darating na school year (ABS-CBN News, Mayo 2020). Ayon kay San Antonio,

ang “learning delivery modality” na ipapatupad ng paaralan ay nakadepende sa

sitwasyong pangkalusugan ng isang lugar. Ang apat na delivery mode na kanyang

nabanggit ay distance learning, limitadong face-to-face, blended learning, at 


 

 
homeschooling. Ang distance learning ay tumutukoy sa pagkatuto ng mga

estudyante na hindi pisikal na kasama o kaharap ang kanilang mga guro. “Sa

ilalim nito, maaaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng online platform,

 printed module
mo dule na ibibigay ng paaralan, at lesson na mapapanood sa telebisyon o
mapapakinggan sa radyo,” paliwanag ni San Antonio. Ang face-to-face
face -to-face learning

ay ang pagkakaroon ng pisikal na interaksyon ng guro sa kanyang mag-aaral at

ito’y gaganapin lamang sa mga lugar na ligtas. Ito rin ay may kaibahan sa dating

face-to-face learning sapagkat lilimitahan sa bilang na 20 mag-aaral sa loob ng

isang silid-aralan. 

Tumutukoy naman sa pinagsamang limitadong face-to-face learning at


distance learning ang tinatawag na blended learning. Sa blended learning,

maaaring pumasok ang mag-aaral ng ilang araw sa paaralan at ang ibang araw

naman ay gugugulin sa pagsagot ng learning modules sa kanilang bahay. "Isang

araw, dalawang araw nasa paaralan iyong mga bata tapos the rest of the week,

dala-dala nila 'yong learning kits, self-learning modules para aralin ang mga

 bagay na ito sa mga bahay," ani San Antonio. Ikahuli ay ang homeschooling na

dati na ring ginagawa ng mga magulang na gustong pag-aralin ang mga anak sa

kanilang tahanan. Sa homeschooling, ang mga guro ay personal na pumupunta sa

 bahay ng kanilang estudyante at doon nagaganap


n agaganap ang
an g pagkatuto ng bata. Ayon sa

mga education official, pinapahintulutan ng DepEd ang pagpapatuloy ng

homeschooling sa panahon ng pandemya (ABS-CBN News, Mayo 2020).  

Bagamat maraming nilatag na paraan ang Kagawaran ng Edukasyon

upang matuloy ang klase sa taong 2020-2021, kapansin-pansin ang mataas na  


 

 
 bilang ng estudyanteng pumiling tumigil ngayong taon. Ayon sa Pilipino Star

 Ngayon (Oktubre 2020), nasa 24.7 milyong estudyante sa pribado at

 pampublikong paaralan ang nagbalik-eskwela ngayong school year na ito o 89%

lamang ng enrollment noong SY 2019-2020. Nasa halos tatlong 3 milyong


estudyante ang hindi pa rin nakakapagpatala at mayroon ding 398,000 estudyante

mula sa pri-badong paaralan ang lumipat sa mga public schools matapos

maapektuhan ng pandemic ang kanilang mga kabuhayan (Mer Layson, Oktubre

2020). Dagdag pa rito, samu’t sari ang naging reklamo ng kaguruan at mag -aaral

sa kanilang online class. 

Sa isang virtual briefing, sinabi ni Education Usec. Tonisito Umali na ang


 pangunahing reklamo na kanilang natanggap ay ang mahina o hindi kaya’y

kawalan ng internet connection ng mga mag-aaral sa ilang eskwelahan tuwing

ginaganap ang kanilang online classes. Ang pagkuha rin ng mga modules ay isa sa

hinaing na nakakarating sa kanilang tanggapan (Bombo Radyo, Oktubre 2020).

Ayon naman sa balitang ipinalabas sa Saksi (Setyembre 2020), ang kawalan ng

signal, mabagal na internet connection, at kakulangan ng gadget ang problema ng

mga kabataan na gustong sumabay sa online learning. Itinampok sa kanilang

 balita ang pag-arkila ng isang mag-aaral ng cellphone upang magkaroon ng

gadget na magagamit para sa online class. Ang isa namang estudyante ay

nagtatrabaho upang magkaroon ng pera para sa pagbabayad ng internet

connection (GMA Network, Setyembre 2020). Ang mga kadahilanang ito ay

nagdulot sa pagpapatigil ng ilang magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak.  


 

 
Hindi maitatanggi na nagdulot ng ilang negatibong epekto ang online class

sa mga mag-aaral, magulang, at kaguruan. Ang mahabang oras sa pagbabad sa

teknolohiya ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa pisikal na kalusugan

gaya ng paglabo ng mata, problema sa pandinig, at pagsakit ng ilang bahagi ng


katawan gaya ng ulo, leeg, at balikat. Ang mga guro ay nahihirapan din sa bagong

sistema ng pagtuturo sapagkat hindi nila kaharap ang kanilang mga estudyante.

Marami ring oras ang kanilang nakokonsumo kumpara sa oras na kanilang

inilalaan dati noong face-to-face learning (Schindler, 2020). 

Ayon sa artikulo ni Jon Johnson na sinang-ayunan ng isang eksperto sa

kalusugan na si Timothy J. Legg, Ph.D., CRNP sa Medical News Today (Pebrero


2020), ang labis na paggugol ng atensyon sa paggamit ng teknolohiya ay maaari

ring magdulot ng sakit sa mentalidad gaya ng isolation, depression, at anxiety.

 Noong ika-16 ng Hunyo 2020 sa Sto. Domingo, Albay, ibinalita ang

 pagpapakamatay ng isang labingsiyam na taong gulang na mag-aaral sa Sto.

Domingo National High School. Ayon sa ina ng estudyante, ang stress at pressure

na naramdaman ng anak ay dahil sa mga gastusin na kakailanganin para sa online

class (Jan Escosio, Hunyo 2020).  

Dahil sa pagtaas ng kaso ng pagpapatiwakal ng mga mag-aaral at

kaguruan, ipinaalala ng Department of Education na huwag itong iugnay sa

 panibagong moda ng pag-aaral. "Isang sensitibo at kumplikadong usapin ang

suicide. Kaya naman, nais naming ipanawagan na itigil ang pagkonekta nito sa

mga modyul o sa distance learning," ayon sa kagawaran sa gitna ng COVID-19

 pandemic. 
 

 
Samantala, isinaad naman ng Department of Health (DOH) na ang

malawakang pagsasagawa ng online classes ay maaaring magdulot ng negatibong

epekto sa mental health ng mga mag-aaral at kaguruan dahil sa kawalan ng face-

to-face interaction. "Students may experience health concerns related to increased


screen time such as fatigue, headache, lack of motivation,

avoidance/procrastination, among others," ayon sa DOH. Dagdag pa ng DOH,

kailangan mayroong tamang balanse ang pag-aaral sa kanilang personal na buhay.

Kailangan ring maalagaan nila ang kanilang mga sarili at magkaroon ng

kamalayan sa takbo ng kanilang isipan at damdamin. 

PAGKILALA SA PROBLEMA  

Dahil sa pagkakaroon ng bagong pamamaraan ng pagkatuto, iba’t ibang

estratehiya ang ginamit ng mga paaralan upang matuto ang mga estudyante. Ang

 pagkakaiba ng pamamahala at estratehiya ay nagdulot ng sari-saring epekto ng

distance learning sa mga estudyante at kaguruan. 

Isa sa mga suliranin na dulot ng distance learning ay ang dami ng trabaho

na gagawin ng guro at estudyante. Hindi maipagkakaila ang dami ng gawain ng

mga estudyante, hindi lamang puro pasulat ang mga gawain dahil mayroon ding

mga video presentation na ipinapasa ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro. Sa

kabilang banda, isa sa mga problemang kinakaharap ng mga guro ay ang

 pahirapan na pagwawasto sa mga ipinasang gawain ng mga estudyante dahil ito

ay ginagawa sa elektronikong paraan, kasabay pa nito ang dami ng mga pangkat

na kanilang hinahawakan. 
 

 
Pangalawa ay ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa sistema ng bawat

 paaralan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang iskedyul sa pagpasok, ang ilan
ila n sa mga

 paaralan ay mayroong apat


apa t lamang na araw ng online learning at sa QCA naman

ay mayroong anim. Ang oras ng synchronous at asynchronous classes ng mga


 paaralan ay isa pang halimbawa. Sa Quezon City Academy, bawat asignatura ay
ay

may nakatakdang tig-isang oras para sa synchronous at asynchronous activities

habang sa ibang paaralan ay may mas mahabang oras sa paggawa ng mga gawain.  

Ang ikatlo at ang panghuli ay ang pagtukoy kung ano nga ba talaga ang

mas mainam gamitin na platform sa online classes. May mga learning platform

tulad ng Nearpod na maaaring gamitin sa pagkakaroon ng pagsusulit, ngunit


mayroon ding kagaya nito na mas maraming pagpipilian tulad ng Quizizz. Dahil

sa pagkakaroon ng pagkakaiba ang bawat paaralan pagdating sa pamamalakad sa

online learning, hindi pa rin mawari kung ano nga ba ang mas epektibo rito.  

Dahil sa mga nabanggit na suliranin, naisip ng mga mananaliksik na

 paghambingin ang mga paaralan ukol sa sistema sa online learning at ang mga

epekto nito sa mga estudyante upang malaman kung ano ang makakabuti para sa

lahat. 

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK 

Ginamit ng mga mananaliksik ang Palarawan o Deskriptiv na pamamaraan

upang maipakita ang umiiral na kalagayan ng mga kasalukuyang pangyayari sa

lipunan. Ang pangunahing layunin ng disenyong ito ay mailarawan ang isang

sitwasyon habang ito ay nagaganap sa panahon ng pag-aaral. Ito ay may  


 

 
kinalaman sa mga kondisyon ng mga ugnayang umiiral, paniniwala at mga

 proseso. (De Jesus, Leonra et al., 2017). Ang uri ng palarawang paraan na ginamit

ay sarbey. Ang sarbey ay ginagamit upang sukatin ang mga pangyayari sa

 pamamagitan ng inihandang Google Forms. Ito ang napili ng mga mananaliksik


upang maiwasan ang pisikal na transmisyon ng datos at upang mas mapadali ang

 pagkalap ng mga kasagutan, Ito ay magsisilbing estratehiya upang mapatunayan

ang suliranin ng pag-aaral at upang kumalap at mag-analisa ng datos na kukunin

sa mga tagatugon. 

Mula sa pagkuha ng mga datos at opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa

online learning, ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang


magkahalong kwantiteytiv at kwaliteytiv na metodo sa pagdiskubre ng epekto at

solusyon. Ang pamamaraang ito ay ginamit upang mas maintindihan ang saloobin

ng mga tagatugon ukol sa usapin ng online learning bago ilahad ang paglalahat.  

Gagamitin ang kwantiteytiv na metodo sa isasagawang pananaliksik na

nakatuon sa numerikal na datos. Ayon kay Babbie (2010), tuon nito ang

obhetibong panukat, at mga numerikal na pagsusuri ng mga nakalap na datos

gamit ang structured research instrument. Sa ganitong pananaliksik, naiiwasan

ang pagkiling sapagkat ang mga datos ay nakabatay sa istadistika na ginamitan ng

isang istandardisadong numerikal na pormula. Sa paraang ito, inaasahang

magiging tiyak ang resulta at maiiwasan ang mga kasagutang may pagkiling dahil

ito ay karaniwang ginagamitan ng istadistika. Ang mga katanungan ay masasagot

sa paraang tseklist o pagpili sa mga inihandang sagot sa bawat tanong. 


 

 
Ang kwaliteytiv na metodo ay anyo ng pag-aaral na itinuturing na "non

numerical" o "hindi nabibilang". Ang mga datos ay itinatala at binibigyang

interpretasyon gamit ang "non numerical" na pamamaraan gaya ng open-ended

surveys, panayam, at mga detalyadong deskripsyon na kalimitang ginagawa sa


iba't-ibang disiplinang nabibilang sa Agham Panlipunan (Trochim, Donnelly, at

Arora, 2014). Ginamit ang paraang ito upang mas maunawaan ng mga

mananaliksik ang ideya at saloobin ng mga mag-aaral ukol sa online learning at

 pamamaraan ng kanilang paaralan sa pagsasagawa nito, Ito ay isinagawa sa

 pamamagitan ng paghanda ng mga katanungang nangangailangan ng kanilang

opinyon at saloobin sa usapin ng online learning. 

 Napagpasyahan ng mga mananaliksik na gumawa ng elektronikong

kwestyoner partikular ang Google Forms para sa 30 respondente. Istratifayd

sampling ang ginamit sa pagkuha ng kalahok sa pag-aaral kung saan ang talaan ng

kalahok ay hinati ayon sa kanilang klasipikasyon. Ang mga kalahok ng

 pananaliksik ay mga mag-aaral mula sa Senior High School na sumasailalim sa

distance learning at magmumula lamang sa mga paaralan na parte ng unang

distrito ng Quezon City. Magmumula sa dalawang pampublikong paaralan at

dalawang pribadong paaralan ang mga tagatugon upang makuha ang opinyon at

damdamin ng magkaibang panig. Ginawa rin ito upang maging patas at patatagin

ang kredibilidad ng pag-aaral. Minabuti ng mga mananaliksik na limitahan sa 5

mag-aaral mula sa tatlong paaralan at 15 kalahok mula sa Quezon City Academy,

ang paaralan ng mga mananaliksik, ang bilang ng respondente upang masusing

maanalisa ang kanilang mga kasagutan. Ang mga tagatugon ay kinapanayam ng  


 

 
mga mananaliksik sa paraang nakapirming tugon (fixed response) at mga tanong

na nangangailangan ng kanilang opinyon o saloobin. Nais ng mga mananaliksik

na bigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:  

1.  Ano ang pinakamabisang online platform para sa distance

learning?

2.  Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng online class sa

mga mag-aaral?

3.  Anu-ano ang mga hakbang na maaaring isagawa ng bawat

 paaralan upang mas maging epektibo ang online class?

Ang mga nakalap na datos ay idadaan sa proseso at gagawing impormasyong

makatutulong sa pagbuo ng susunod na bahagi. Ang mga nakalap na

impormasyon at datos na kinakailangan sa pag-aaral ay ita-tally upang matugunan

ang mga suliranin ng pag-aaral. Matapos ma-tally ang lahat, ang mananaliksik ay

gagamit ng pagbabahagdan. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng pormulang:  

P = 

 Na kung saan ang: 

P = bahagdan (percentage) 

 f  =
 = dalas o dami (frequency) 

n = bilang ng kalahok (number of cases) 


 

PAGSUSURI, PAGLALAHAD, AT INTERPRETASYON NG  MGA 

DATOS 

Sa bahaging ito, ang kabuuang pagtalakay sa paksa ng pananaliksik ay isa-

isang hinimay. Nahati ito sa tatlong bahagi: Paglalahad ng mga Datos, Pagsusuri

ng mga Datos, at Pagbibigay-Interpretasyon. Nakalathala dito ang mga datos at

interpretasyon na nakalap ng mga mananaliksik mula sa kanilang pagsasagawa ng

sarbey sa tatlumpung mag-aaral mula sa Senior High School na sumasailalim sa

distance learning at magmumula sa mga paaralan na parte ng unang distrito ng

Quezon City. Ang mga istatistikal na datos ay inilahad sa mga talahanayan na

naging batayan ng mananaliksik para sa isinagawang pagsusuri at interpretasyon. 

1.)  Ilang
1.)  oras ang inyong
in yong synchronous class sa isang asignatura?
a signatura? 

(Synchronous time - oras ng klase o pagtuturo ng guro)  

Oras ng synchronous class sa  


Bilang  Bahagdan 
isang asignatura 

Kalahating oras  3  10%  

Isang oras  25   83.333%  

Isa't kalahating oras  1  3.3333%  

Tatlong oras  1  3.3333%  

Dalawang oras  0  0%  

Kabuuan  30   100% 

Talahanayan Blg. 1 
 

 
Sa pigurang ito, mayroong 30 estudyanteng mula sa paaralan na

nakapaloob sa Distrito Uno ng Quezon City ang tumugon sa sarbey. Mayroong 15

estudyante mula sa paaralan ng Quezon City Academy, 5 estudyante mula sa

 paaralan ng UST Angelicum College, 5 estudyante mula sa paaralan ng Ernesto


Rondon High School, at 5 estudyante mula sa paaralan ng San Francisco High

School. Makikitang may 3 (10%) respondente ang sumagot ng kalahating oras

 para sa oras ng synchronous class sa isang asignatura, samantalang 25 ( 83.3333 


83.3333 

%) respondente
%) respondente ang sumagot ng isang oras para sa oras ng synchronous class sa 
sa  

isang asignatura. Ang isa’t kalahating oras naman ay pinili ng 1 (3.3333


( 3.3333 %)
%)  

3.3333 %) respondente
respondente at 1 ((3.3333 %) respondente rin ang sumagot ng tatlong oras para sa

oras ng synchronous class sa isang asignatura. 

2.) 
2.)  Ilang oras ang
a ng inyong asynchronous class sa isang asignatura? 

(Asynchronous time - oras para sa gawain


ga wain o takdang aralin)  

Oras ng asynchronous class sa isang asignatura   Bilang  Bahagdan 

Isang oras  15   50%  

Dalawang oras  2  6.6667% 

Tatlong oras  2  6.6667% 

Apat na oras  1  3.3333% 

Higit sa isang araw   10   33.3333% 

Kabuuan  30   100% 
 

Talahanayan Blg. 2 

Sa katanungang ilang oras ang ginugugol ng paaralan para sa klaseng

asynchronous, makikitang 15 (50%) na kalahok ang tumugon


ang  tumugon ng isang oras para 
para 

sa oras ng asynchronous class sa isang asignatura 


asignatura   samantalang parehong 2
2  

ng  dalawang oras at tatlong oras para 


(6.6667 %) na kalahok naman ang tumugon ng dalawang para 

sa oras ng asynchronous class sa isang asignatura.


asignatura . Ang apat na oras para sa oras 
oras  

ng asynchronous class naman ay tinugunan rin ng 1 (3.3333 %) na kalahok na

sinundan ng 10 (33.3333 %) na kalahok ang tumugon ng apat na oras para sa oras

ng asynchronous class. 

3.) Sa isang araw, ilan ang pinakamaraming asignatura na itinuturo sa inyong

klase? 

Pinakamaraming asignatura na itinuturo sa   Bilang  Bahagdan 


isang araw? 

Isa  0  0%  

Dalawa  6  20%  

Tatlo  5  16.666 %  

Apat  19   63.3333% 

Kabuuan  30   100% 

Talahanayan Blg. 3 
 

 
Batay sa kinalabasang resulta, 6 (20 %) na tagatugon ang tumugon sa

dalawang asignatura na itinuturo sa isang araw na sinundan ng tatlong asignatura

na itinuturo sa isang araw na tinugunan ng 5 (16.6667 %) na tagatugon. Ang apat

na asignatura na itinuturo sa isang araw naman ay tinugunan ng 19 (63.3333 %)


na tagatugon. 

4.) Sa loob ng isang linggo, ilang araw kayo nagkaklase?  

Araw ng klase sa loob ng isang linggo  Bilang  Bahagdan 

Isang araw  0 
0%  

Dalawang araw  1 
3.33333% 

Tatlong araw  0 
0%  

Apat na araw  7 
23.3333% 

Limang araw  12  
40%  

Anim na araw  8 
26.6667% 

Araw-araw  2 
6.66667% 

Kabuuan  30  
100% 

Talahanayan Blg. 4 

Batay sa datos na nakalap, 1 (3.3333 %) na respondente ang tumugon sa

dalawang araw ng klase sa loob ng isang linggo na sinundan ng 7 (23.3333 %) na

respondenteng tumugon sa apat na araw ng klase sa loob ng isang linggo,

samantalang 12 (40%) na respondente ang tumugon sa limang araw ng klase sa  


 

loob ng isang linggo. Ang anim na araw ng klase sa loob ng isang linggo ay  

tinugunan ng 8 (26.6667 %) na respondente at 2 (6.6667 %%) na respondente ang  

tumugon sa araw araw na klase sa loob ng isang linggo. 

5.) Alin sa mga sumusunod ang ginagamit niyong online platform sa inyong
klase para sa mga gawain o pagsusulit? Maaaring pumili ng higit sa isa.  

Ginagamit na online platform para sa mga   Bilang 


Bahagdan 
gawain o pagsusulit. 

Kahoot  8 
10.8108% 

Schoology  5 
6.7568% 

 Nearpod   15  
20.2703% 

Quizizz  19  
25.6757% 

Google Forms  25  
33.7838 %  

Microsoft Forms  2 
2.7027 %  

Kabuuan  74  
100% 

Talahanayan Blg. 5 

Malinaw na makikita sa bahagdan na ito na 8 (10.8108 %) respondente

ang tumugon sa Kahoot na sinundan Schoology na tinugunan ng 5 (6.75676 %) na

respondente, samantalang 15 (20.2703 %) na respondente ang tumugon sa

 Nearpod at 19 (25.6757 %) na respondente ang tumugon sa Quizizz. Ang Google  


 

 
Forms naman ang napili ng 25 (33.7838 %) na respondente at 2 (2.7027 %) na

respondente ang tumugon para sa Microsoft Forms. 

6.) Sa iyong palagay, alin ang pinakamabisang online platform para sa


sa  

 pagtuturo o pagkuha ng pagsusulit? Ipaliwanag. 

●  Schoology 

Mga Paliwanag  Bilang  Bahagdan 

Maaaring magsagawa ng  1  25%  


synchronous na klase 

Organisado, mabilis, at madaling   3  75%  


gamitin 

Kabuuan  4  100% 
Talahanayan Blg. 6. 1 

Mula sa apat na respondente na pinili ang Schoology, mapapansin na 1

(25%) na tagatugon ang nagsabi na maaaring magsagawa ng synchronous na

klase sa platapormang schoology. Sa kabilang banda, mayroong 3 (75%) na

tagatugon ang nagsabi ng organisado, mabilis, at madaling gamitin ang

 platapormang ito. 

●   Nearpod  

Mga Paliwanag  Bilang  Bahagdan 

Epektibo ang pagkuha ng  3  33.3333% 


 pagsusulit at nakatutok  
ang mga guro sa 
estudyante 

Ang oras ay kontrolado  3  33.3333% 


ng mga guro at 
 

 
nakakapagbigay ng 
dagdag na oras sa 
estudyante 

Ang pagtuturo ay  2  22.2222% 


interaktibo 

Walang paliwanag  1  11.1111% 

Kabuuan  9  100% 

Talahanayan Blg. 6. 2 

Ayon sa siyam na kalahok na pinili ang Nearpod, matutunghayan sa

Pigura Blg. 6.2 na 3 (33.3333%) na tagatugon ang sumagot na epektibo ang

 Nearpod sa pagkuha ng pagsusulit at nakatutok ang mga guro sa estudyante.

Parehas din ang porsyento pagdating sa dahilang ang oras ay kontrolado ng mga

guro at nakakapagbigay ito ng dagdag na oras sa estudyante. Nagkaroon naman

ng 2 (22.2222%) na tagatugon ang sumagot na ang pagtuturo ay interaktibo at ang

 pinakamababang bahagdan na mayroong 1 (11.1111%) na tagatugon ay hindi

nagbigay ng paliwanag kung bakit nila napili ang platapormang Nearpod.  

●  Quizziz 

Mga Paliwanag  Bilang  Bahagdan 

Ang pagsasagot ay mas aktibo  1  50%  


dahil mayroong itinakdang oras 

Ang paggamit ng plataporma ay  1  50%  


hindi gaanong mabagal 

Kabuuan  2  100% 

Talahanayan Blg. 6. 3 
 

 
Batay sa datos na nakalap, nakakuha ng 1 (50%) na tugon kung saan

 pantay na bahagdan na tagatugon ang pumili sa Quizziz sa kadahilanang ang

 pagsasagot ay mas aktibo dahil mayroong itinakdang oras at ang paggamit ng

 plataporma ay hindi gaanong mabagal.  

●  Google Forms 

Mga Paliwanag  Bilang  Bahagdan 

Maayos ang paraan ng pagsagot   9  60%  


dahil ito ay madaling gamitin 

Makikita ang tamang sagot o  1  6.6666% 


resulta ng pagsusulit 

Walang paliwanag  5  33.3333% 


Kabuuan  15   100% 

Talahanayan 6. 4  

Mula sa labing lima na respondente na pinili ang Google Forms, makikita

na 9 (60%) na tagatugon ang sumagot na ang Google Forms ay madaling gamitin

dahil maayos ang paraan ng pagsagot, 1 (6.6666%) na tagatugon naman ang

sumagot na makikita ang tamang sagot o resulta ng pagsusulit at 5 (33.3333%) na


tagatugon ay hindi nagbigay ng paliwanag kung bakit nila napili ang Google

Forms. 

7.) Ikaw
7.) Ikaw ba ay nakakaranas ng negatibong epekto ng online class?  

Pagkaranas ng negatibong epekto ng Bilang  Bahagdan 


online class. 
 

Oo  27   90%  

Hindi  3  10%  

Kabuuan  30   100% 

Talahanayan Blg. 7 

Ayon sa tatlumpung kalahok na sumagot sa katanungang ito, 27 (90%) na

respondente ang sumagot na sila ay nakakaranas ng negatibong epekto ng online

class habang 3 (10%) na respondente naman ang nagsabi na sila ay hindi

nakakaranas ng negatibong epekto. 

8.) Kung ang sagot mo ay oo, alin sa mga sumusunod ang iyong naranasan?  

Maaaring pumili ng higit sa isa.  

Negatibong epekto na naranasan sa online   Bilang  Bahagdan 


class. 

Pananakit ng ulo, mata, leeg, o iba pang parte  


24   20.8696% 
ng katawan 

Paglabo ng mata  13   11.3043% 

Puyat  22   19.1304% 

Stress  27   23.4783% 

Kawalan ng gana sa pag-aaral  25   21.7391% 

Pressure dahil sa sabay sabay na gawain  4  13.3333% 


 

 
Kabuuan  145  100% 

Talahanayan Blg. 8 

Batay sa dalawampu’t pitong tagatugon na nagsaad na sila ay nakaranas

ng negatibong epekto na dulot ng online class, 24 (20.8696%) na tagatugon ang

nagsabi na sila ay nakakaranas ng pananakit ng ulo, mata, leeg, o iba pang parte

ng katawan, 13 (11.3403%) na tagatugon ang nakakaramdam ng paglabo ng mata,

at 22 (19.1304%) ang sumagot ng puyat. Samantala, 27 (23.4783%) na tagatugon

ang nakaranas ng stress, 25 (21.7391%) na tagatugon ang nawalan ng gana sa

 pag-aaral, at 4 (13.3333%) na tagatugon ang nakaramdam ng pressure dahil sa

sabay sabay na gawain. 

9.) Para sa mga sumagot ng hindi, ano ang mga positibong bagay na iyong

naranasan sa online class? Maaaring pumili


pu mili ng higit sa isa. 

Positibong epekto na naranasan sa online  Bilang  Bahagdan 


class. 

Pagbalanse ng oras  3  30%  

Pagkakaroon ng pokus sa mga aralin  3  30%  

Pagiging responsable sa mga gawain  3  30%  

Pagkakaroon ng mga bagong kaalaman at mas 


1  10%  
nasubok ang katatagan ng sarili 

Kabuuan  10   100% 
 

Talahanayan Blg. 9 

Ayon sa tatlong kalahok na sumagot na hindi sila nakakaranas ng

negatibong epekto sa online class, 3 (30%) na respondente ang nagsabi na

nabalanse nila ang kanilang oras, 3 (30%) na respondente ang nagkaroon ng

 pokus sa mga aralin, 3 (30%) na respondente ang naging responsable sa mga

gawain, at 1 (10%) na respondente ang nagkaroon ng bagong kaalaman at

nasubok ang katatagan ng sarili dahil sa online class. 

10.)   Batay sa iyong karanasan, ang inyong paaralan ba ay naging handa para sa
10.) sa  

 pagpapatupad ng distance learning? Ipaliwanag ang sagot ng buong katapatan.  

●  Oo 

Mga Paliwanag  Bilang  Bahagdan 

 Nakapaghanda ng mabuti
mab uti  16   66.6667% 

Maayos ang sistema  5  20.8333% 

Ang mga guro ay aktibo sa 


1  4.1667% 
 pagtuturo 

Walang paliwanag  2  8.3333% 

Kabuuan  24   100% 

Talahanayan Blg. 10.1 

Malinaw na makikita na 16 (66.6667%) na tagatugon ang nagsagot ng

nakapaghanda ng mabuti ang kanilang paaralan, 5 (20.8333%) na tagatugon ang

nagsaad na maayos ang sistema, 1 (4.1667%) na tagatugon ang naglahad na ang

mga guro ay aktibo sa pagtuturo at 2 (8.3333%) na tagatugon ay hindi nagbigay

ng paliwanag. 
 

●  Hindi Gaano 

Mga Paliwanag  Bilang  Bahagdan 

Ang sistema ng distance learning ay 

hindi pinaghandaan ng mabuti  2  40%  


Ang mga guro ay hindi handa sa  
 pagtuturo ng kanilang asignatura  3  60%  

Kabuuan  5  100% 

Talahanayan Blg. 10.2 

Makikita na 2 (40%) na tagatugon ang nagsagot na hindi gaanong kahanda

ang kanilang paaralan dahil ang sistema ng distance learning ay hindi

 pinaghandaan ng mabuti at 3 (60%) na tagatugon naman ang nagpahayag na ang


a ng

mga guro ay hindi handa sa pagtuturo ng kanilang asignatura.  

●  Hindi 

Mga Paliwanag  Hindi  Bahagdan 

Ang mga estudyante ay 


1  100% 
hindi makasabay sa pag- 
aaral 

Kabuuan  1  100% 

Talahanayan Blg. 10.3 

Mapapansin na 1 (100%) na tagatugon ang nagsagot na hindi handa ang

kanyang paaralan dahil ang mga estudyante ay hindi makasabay sa mga aralin.  
 

 
11.)   Gaano kahanda ang inyong paaralan para sa distance learning? (1 bilang 
11.) bilang  
 pinakamababa at 10 ang pinakamataas) 1 - 2 = Hindi handa, 3 - 5 = Hindi
gaanong handa, 6 - 8 = Handang handa, 9 - 10 = Lubos ang kahandaan  

Kahandaan ng bawat paaralan para sa distance learning. 

Ernesto Rondon   Blg.  Bahagdan 


High School 

1  0 

2  0 

3  0 

4  0 

5  0 

6  3  60%  

7  1  20%  

8  0 

9  1  20%  

10   0 

Kabuuan  5  100% 

Talahanayan Blg. 11.1 

Mula sa 5 mag-aaral na tumugon sa katanungang


katanungang gaano kahanda ang 

Ernesto Rondon High School sa pagpapatupad ng online learning, 3 (60%)  


 

 
tagatugon ang sumagot ng 6 na puntos, 1 (20%) na tagatugon ang nagbigay ng 7

 puntos, at 1 (20%) na tagatugon ang sumagot ng 9 na puntos.  

Quezon City  Blg.  Bahagdan 


Academy 

1  0 

2  0 

3  0 

4  0 

5  2  13.3333%
13.3333 % 

6  4  26.6667
26.6667%% 

7  2  13.3333
13.3333%% 

8  5  33.3333
33.3333%% 

9  2  13.3333
13.3333%% 

10   0 

Kabuuan  15  100% 

Talahanayan Blg. 11.2 

Mapapansin sa talahanayan na mula sa 15 na estudyante ng Quezon City

Academy, 2 (13.3333%) na kalahok ang nagbigay ng 5 puntos, 4 (26.6667%) na

kalahok ang sumagot ng 6 na puntos, 2 (13.3333%) ang nagbigay ng 7 puntos, 5

(33.3333%) na kalahok ang sumagot ng 8 puntos, at 2 (13.3333%) na kalahok ang  


 

 
nagbigay ng 9 na puntos ukol sa kung gaano kahanda ang kanilang paaralan ukol

sa distance learning. 

UST Angelicum  Blg.  Bahagdan 


College 

1  0 

2  0 

3  0 

4  0 

5  0 

6  2  40%  

7  0 

8  0 

9  3  60%  

10   0 

Kabuuan  5  100% 

Talahanayan Blg. 11.3 

Ayon sa 5 mag-aaral ng UST Angelicum College na tumugon sa

katanungan kung gaano kahanda ang kanilang eskwelahan sa online learning, 2

(40%) na respondente ang sumagot ng 6 na puntos at 3 (60%) na respondente ang


nagbigay ng 9 na puntos.  
 

San Francisco  Blg.  Bahagdan 


High School 

1  0 

2  0 

3  0 

4  0 

5  0 

6  0 

7  0 

8  5  100 %  

9  0 

10   0 

Kabuuan  5  100% 

Talahanayan Blg. 11.4 

Makikita sa Pigura Blg. 11.4 ang mga puntos na binigay ng 5 mag-aaral

mula sa San Francisco High School. 5 (100%) o lahat ng tagatugon ay nagbigay

ng 8 puntos sa katanungang tungkol sa kung gaano kahanda ang kanilang paaralan

sa usapin ng online learning. 

12.) Mula sa iyong sagot sa naunang katanungan, ipaliwanag kung bakit iyon ang 
12.) Mula ang  
napili mong puntos na ibinigay. 
 

Pagpapaliwanag sa napiling   Bilang  Bahagdan 


puntos 

Bago ang sistema ng edukasyon at 


ang lahat ay nangangapa sa mga  

 panibagong gawain 
26.6667% 

Mabilis na nakasabay sa 


 pagbabago ng estado ng edukasyon
edu kasyon 
dahil handa ang paaralan, 

kaguruan, at mga mag-aaral  26.6667% 

Kakulangan sa guro at ang iba ay  


walang karanasan sa paggamit ng 
teknolohiya  4  13.3333% 

 Nabibigyan ang mga mag-aaral ng  


 balanseng oras para sa mga gawain 
at pahinga  2  6.6667% 

Mahaba ang oras ng klase at hindi 


nakakapagbigay ng sapat na oras 
 para sa pahinga ang mga mag-aaral  

at kaguruan  13.3333% 

Hindi epektibo ang pagtuturo ng 


mga guro at sistema ng paaralan 

10%  
Ang mga materyales para sa 
 pagtuturo ay hindi sapat para 

matuto ang mga mag-aaral  3.3333% 

Kabuuan  30   100% 

Talahanayan Blg. 12 

Iba’t-ibang
Iba’t -ibang opinyon at saloobin ang natamo ng mga mananaliksik mula sa  

mga tagatugon sa pagsagot ng katanungang ito. Sa tatlumpung respondente na  


 

 
nagpaliwanag kung bakit ang napili nilang puntos ang lumalarawan sa kahandaan

ng kanilang paaralan ukol sa online learning, kapansin-pansin na 8 (26.6667%) na

tagatugon ang nagsabi na


na   bago ang sistema ng edukasyon at ang lahat ay 
ay 

gawain,   8 (26.6667%) na tagatugon ang 


nangangapa sa mga panibagong gawain,  ang 
nagpahayag na mabilis
na mabilis na nakasabay sa pagbabago ng estado ng edukasyon dahil
dahil  

handa ang paaralan, kaguruan, at mga mag-aaral, 4 (13.3333%) na tagatugon ang

nagsaad na may kakulangan sa guro at ang iba ay walang karanasan sa paggamit

ng teknolohiya, 2 (6.6667%) na tagatugon ang naglahad na nabibigyan ang mga

mag-aaral ng balanseng oras para sa mga gawain at pahinga, 4 (13.3333%) na

tagatugon ang nagsabi na mahaba ang oras ng klase at hindi nakakapagbigay ng

sapat na oras para sa pahinga ang mga mag-aaral at kaguruan, 3 (10%) na

tagatugon ang nagpahayag na hindi epektibo ang pagtuturo ng mga guro at

sistema ng paaralan, at 1 (3.3333%) na tagatugon ang nagsaad na ang mga

materyales para sa pagtuturo ay hindi sapat para matuto ang mga mag-aaral. 

13.)   Base sa iyong opinyon, ano ang iyong maimumungkahi upang mas maging 
13.) maging  

epektibo ang sistema ng inyong paaralan pagdating sa online class?  

Mga Mungkahi  Bilang  Bahagdan 

Paglahok ng mga kaguruan sa mga  


seminar upang mas maging 
maalam sa paggamit ng mga 
teknolohiya at plataporma sa  
5  16.6667% 
 pagtuturo 

Pagbawas sa oras ng klase at 


 pagbigay ng ilang araw para sa  
mag -aaral at 
 pagpapahinga ng mga mag-aaral 10  33.3333% 
 

 
kaguruan 

Pagbigay ng motibasyon at 


konsiderasyon sa mga mag-aaral sa 
 pagpapasa ng mga gawain   3  10%  

Pagbawas ng mga gawain at  


 pagbigay ng mga aktibidad na  
kakayaning matapos ng mga 
estudyante sa isang oras na hindi 
4  13.3333% 
kinakailangang lumabas ng 
tahanan 

Paghingi ng mga paaralan ng 


opinyon ng mga mag-aaral, 
kaguruan, at mga magulang ukol sa  
online learning 
1  3.3333% 

Pag-alam ng mga guro kung 


nakakasabay o natututo ba ang  
kanilang mga mag-aaral sa  3  10%  
kanilang klase 

Pagkakaroon ng mas mabilis at 


maayos na internet connection ng 
mga guro at mag-aaral  2  6.6667% 

Walang pagbabago na kailangang 


gawin  2  6.6667% 

Kabuuan  30   100% 

Talahanayan Blg. 13 

Samu't-sari ang naging mungkahi ng mga tagatugon kung paano mas

magiging epektibo ang pagpapatupad ng online learning sa kanilang paaralan.

Ayon sa tatlumpung (30) tagatugon sa katanungang ito, malinaw na ipinakita sa

talahanayan na 5 (16.6667%) na kalahok ang nagmungkahi na lumahok  ang


lumahok  ang mga 
 

 
kaguruan sa mga seminar upang mas maging maalam sa paggamit ng mga

teknolohiya at plataporma sa pagtuturo, 10 (33.3333%) na kalahok ang

nagsuhestiyon na bawasan ang oras ng klase at magbigay ng ilang araw para sa

 pagpapahinga ng mga mag-aaral at kaguruan, 3 (10%) na kalahok ang


nagrekomenda na magbigay ng motibasyon at konsiderasyon sa mga mag-aaral

ukol sa pagpapasa ng mga gawain, at 4 (13.3333%) na kalahok ang nagkomento

na bawasan ang mga gawain at pagbigay ng mga aktibidad na kakayaning

matapos ng mga estudyante sa isang oras na hindi kinakailangang lumabas ng

tahanan. Samantala, 1 (3.3333%) na kalahok ang nagmungkahi na humingi ang

mga paaralan ng opinyon ng mga mag-aaral, kaguruan, at mga magulang ukol sa

online learning, 3 (10%) na kalahok ang nagsuhestyon na alamin ng mga guro

kung nakakasabay o natututo ba ang kanilang mga mag-aaral sa kanilang klase, 2

(6.6667%) na kalahok ang nagrekomenda na magkaroon ng mas mabilis at

maayos na internet connection ng mga guro at mag-aaral, at 2 (6.6667%) na

kalahok ang hindi nagbigay ng rekomendasyon kung paano mas magiging

epektibo ang online learning sa kanilang paaralan. 


 

 
PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON 

Sa bahaging ito, matutunghayan ang pinaka kabuuang kinalabasan ng

 pananaliksik. Upang mas maging kapaki-pakinabang


kapaki -pakinabang ang pag-aaral, kailangan ang

masistemang paghahain ng buod na sinusundan ng pagbibigay ng konklusyon ng

mga mananaliksik batay sa kinalabasan ng pag-aaral. Mula sa konklusyon, ang

mga rekomendasyon ng mga mananaliksik ang susunod na ihahain na ayon sa

mga nakalap na datos na pinagtuunan ng kaukulang pagsusuri at interpretasyong

nakalathala sa nakaraang bahagi. 

Paglalagom 

Tinukoy sa pananaliksik na ito ang kahandaan ng bawat paaralang mula sa

unang distrito ng Quezon City ukol sa pagpapatupad ng distance learning at

inalam ang mga epekto ng online class sa mga mag-aaral. 

Ang mga sumusunod ay mga kasagutang nakalap sa bawat suliranin ng

 pag-aaral. 

distance learning? 
1. Ano ang pinakamabisang online platform para sa distance

Mula sa apat na pagpipilian, ang tatlumpung estudyanteng respondente ay

namili kung ano ang pinakamabisang online platform para sa distance learning.

Kapansin-pansin na ang Google Forms ang nangunguna bilang pinakamabisang

 plataporma para sa mga tagatugon dahil madali itong gamitin at maayos ang

nagiging proseso ng pagsagot sa mga pagsusulit. Samantala, ang Nearpod ang

ikalawa sa pinakamabisang plataporma sa kadahilanang ito ay interaktibo at  


 

 
nakokontrol ng mga kaguruan ang oras para sa pagsusulit ng mga mag-aaral.

Ikatlo sa pinakamabisang plataporma ay ang Schoology, napili ito ng mga

kalahok dahil ito’y organisado,


organisado, mabilis, at madaling gamitin. Dahil mayroon itong

takdang oras para sa pagsagot at hindi gaanong mabagal gamitin, ang Quizizz ang
may pinakamababang bilang ng boto para sa kategoryang pinakamabisang online

 platform ngayong distance learning. 

2.  Ano ang mga positibo at negatibong epekto


e pekto ng online class sa mga

mag-aaral?

Ang tatlumpung estudyanteng respondente ng pag-aaral na ito ay inilahad

ang mga positibo at negatibong epekto ng online class sa kanilang sarili.

Karamihan sa mga tagatugon ay nakaranas ng negatibong resulta ng distance

learning kung ikukumpara sa mga positibong bagay na kanilang naramdaman.

Ang mga sumusunod ay mga negatibong epekto na naranasan ng mga mag-aaral

dahil sa online learning; 1) pananakit ng ulo, mata, leeg, o iba pang parte ng

katawan, 2) paglabo ng mata, 3) puyat, 4) stress, 5) kawalan ng gana sa pag-aaral,

at 6) pressure dahil sa sabay sabay na gawain. Mula sa mga nabanggit na

negatibong epekto, karamihan sa mga kalahok ay sumagot na sila ay nakaranas ng

stress ngayong distance learning. Sa kabilang banda, ang mga sumusunod ay mga

 positibong bagay
bag ay na naranasan ng ilang estudyante sa online class; 1) pagbalanse

ng oras, 2) pagkakaroon ng pokus sa mga aralin, 3) pagiging responsable sa mga

gawain, at 4) pagkakaroon ng mga bagong kaalaman at mas nasubok ang

katatagan ng sarili. Mayorya ng mga estudyanteng respondente ay isinaad na ang  


 

 pagbalanse ng oras, pagkakaroon ng pokus sa mga aralin, at pagiging responsable  

sa mga gawain ang mga positibong epekto na kanilang nararanasan.  

3.  Anu-ano ang mga hakbang na maaaring isagawa ng bawat paaralan

upang mas maging epektibo ang online class?

Samu't-sari ang naging opinyon at mungkahi ng tatlumpung estudyanteng

respondente kung ano ang maaaring gawin ng mga paaralan upang mas maging

epektibo ang online class. Ang mga suhestiyon ng mga tagatugon ay ang mga

1)   paglahok ng mga kaguruan sa mga seminar upang mas maging  


sumusunod; 1)

maalam sa paggamit ng mga teknolohiya at plataporma sa pagtuturo, 2) pagbawas

sa oras ng klase at pagbigay ng ilang araw para sa pagpapahinga ng mga mag-

aaral at kaguruan, 3) pagbigay ng motibasyon at konsiderasyon sa mga mag-aaral

sa pagpapasa ng mga gawain, 4) pagbawas ng mga gawain at pagbigay ng mga

aktibidad na kakayaning matapos ng mga estudyante sa isang oras na hindi

kinakailangang lumabas ng tahanan, 5) paghingi ng mga paaralan ng opinyon ng

mga mag-aaral, kaguruan, at mga magulang ukol sa online learning, 6) pag-alam

ng mga guro kung nakakasabay o natututo ba ang kanilang mga mag-aaral sa

kanilang klase, 7) pagkakaroon ng mas mabilis at maayos na internet connection

ng mga guro at mag-aaral, at 8) walang pagbabago na kailangang gawin. Mula sa

walong rekomendasyong nabanggit ng mga tagatugon, karamihan sa mga

tagatugon ang nagsaad na bawasan ang oras ng klase at magbigay ng ilang araw

 para sa pagpapahinga ng mga mag-aaral at kaguruan.  


 

Konklusyon 

Matapos ang masusing pananaliksik, napag-alaman na isa sa mga salik

upang maging epektibo ang online class ay ang paggamit ng mahusay na online

 platform para sa pagtuturo o pagkuha ng pagsusulit. Batay sa datos na nakalap,

ang Google Forms ang pinakamabisang plataporma para sa distance learning

sinundan ito ng Nearpod, Schoology at ng Quizziz na may pinaka mababang boto.

Pagdating sa mga positibong epekto ng online class sa mga mag aaral mas

nabalanse nila ang kanilang oras, nabigyan ng pokus ang mga aralin, at higit sa

lahat ay naging responsable sa mga gawain at mas nasubok ang katatagan ng

sarili. Magiging mas epektibo ang pagpapatupad ng online class sa mga paaralan

ang pagbawas ng oras ng klase at pagbigay ng ilang araw para sa pagpapahinga

ng mga mag-aaral at kaguruan upang maiwasan ang mga negatibong epekto tulad

ng stress, pagpupuyat at pananakit ng iba’t ibang parte ng katawan.  

Rekomendasyon 

Batay sa mga natuklasan at konklusyon ng pag-aaral na ito,

iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na gawain:  

Para sa Pamahalaan: 

1.  Maghandog ng libreng kagamitan sa mga pampublikong paaralan

tulad ng tablet, laptop, wifi load, at iba pa upang matulungan ang

ibang mag-aaral na makasabay sa bagong sistema ng pag-aaral

ngayong panahon ng pandemya. Malaki ang maitutulong ng


 

 
 paghahandog ng online devices  sa mga estudyanteng

nangangailangan sapagkat ito ay makakabawas sa gastos na

kinakaharap ng kanilang pamilya. 

2.  Magpalaganap ng sarbey sa mga paaralan na nasa kolehiyo ukol sa

distance learning upang maikumpara ang iba pang epekto nito sa

mga mag-aaral na nasa ibang lebel ng pag-aaral. Ito ay

magsisilbing batayan upang magkaroon ng iba pang epektibong

solusyon sa nagaganap na distance learning.

3.  Dahil nagbago ang sistema ng edukasyon buhat sa krisis na

kinakaharap ng bansa, marapat na pag-aralang mabuti ng mga

awtoridad ang kahandaan ng bawat paaralan, kaguruan, pamilya, at

mag-aaral hinggil sa pagsasagawa ng online classes. Nararapat na

siguraduhin ng pamahalaan na ang bawat isa ay handa at

nakakasabay sa online learning  sa pamamagitan ng pag-

iimplementa ng mga epektibo at komprehensibong plano na

makakatulong upang maayos ang daloy ng taong panuruan.

Para sa mga Opisyal ng Paaralan: 

1.  Bawasan ang oras ng synchronous class o asignatura sa isang araw

upang mas makapagpahinga ang mga estudyante at mga kaguruan.

Ito ay upang maiwasan ang pananakit ng mata, leeg, likod, at iba

 pang parte ng katawan ng mga mag-aaral at kanilang mga guro.

Ang pagkakaroon ng dagdag oras para sa pagpapahinga ay

magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na gumawa ng iba


 

 
 pang gawain tulad ng mga gawaing bahay at makapagpasa ng mga

aktibidad na ipinapagawa sa takdang oras. 

2.  Magpatupad ng mga seminar sa mga eskwelahan tulad ng

 pagpupulong tungkol sa pagpapabuti ng aparato na ginagamit

ngayong online class at pagpaplano ng iba pang estratehiya at

 paraan sa pagbibigay kaalaman sa mga estudyante. Bukod dito,

magsaliksik ng iba pang online platform  na maaaring gamitin ng

kapwa guro at mag-aaral upang maging maayos ang daloy ng klase

at pagkatuto,

3.  Ang mga opisyales ng paaralan ay dapat magkaroon ng monthly

meetings  kasama ang mga guro at magulang ng mga mag-aaral 

upang pag-usapan ang kalagayan at kalusugan ng mga mag-aaral.

Para sa mga Kaguruan: 

1.  Ang asynchronous class  ay nararapat ilaan ng mga mag-aaral sa

 paggawa ng mga gawain at pagpapahinga ng kanilang mga sarili

mula sa paggamit ng kompyuter. Iwasang lumagpas sa

nakatakdang oras ng asignatura upang mabigyan ng oras ang mga

estudyante na makapagpahinga at makapaghanda sa susunod na

klase.

2.  Bawasan o limitahan lamang sa isang araw ang oras na gugugulin

ng mga mag-aaral para matapos ang kanilang mga takdang aralin

upang maiwasan ang pagdami ng aktibidad. Ang mga gawaing


 

 
ipapagawa ay dapat kayang gawin at tapusin sa loob lamang ng

tahanan. 

3.  Maglaan ng oras upang alamin kung nakakasabay ang bawat

estudyante sa daloy ng aralin. Ang pagbibigay ng motibasyon at

konsiderasyon sa mga mag-aaral ay malaking tulong upang

 paghusayan lalo ang kanilang mga gawain at patatagin ang

kanilang loob na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Para sa mga Magulang: 

1.  Respetuhin ang oras ng mga mag-aaral tuwing nagkaklase. Hayaan

silang magpokus sa kanilang mga aralin at iwasan ang pag-utos o

 pagbigay ng mga gawain habang nasa gitna ng diskusyon ang

kanilang mga guro.

2.  Alamin ang pisikal, mental, at emosyonal na kalagayan ng mga

anak upang maiwasan ang paglaganap ng depresyon. Kung maaari

ay alalayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa

 pamamagitan ng pagkumusta
pagk umusta rito o pagtulong sa mga gawain kung
ku ng

saan nahihirapan ang mga mag-aaral.

Para sa mga Mag-aaral: 

1.  Gamitin ang oras sa maayos at matalinong pamamaraan upang

maiwasan ang pagtambak ng mga gawain o pagpasa ng mga

aktibidad ng huli sa oras. Unahin munang gawin ang mga


 

 
importanteng bagay bago ituon ang atensyon sa paglilibang o

 paglalaro. 

2.  Maglaan ng oras para sa pagpapahinga upang maiwasan ang

 pagkakasakit o pagliban sa klase. Sa ganitong paraan, ang mga

mag-aaral ay hindi mahuhuli sa takbo ng aralin at magkakaroon ng

mas malaking tsansa na maging aktibo sa klase,

3.  Magalang na ipaalam sa mga kaguruan kung hirap o hindi

maintindihan ang leksyon upang maayos ang problema at

maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa dalawang panig. Sa

 pamamagitan nito, matutulungan din nila ang kanilang mga guro

na mapagplanuhan ang kanilang mga estratehiya sa pagtuturo.

4.  Ipagbigay-alam agad sa mga magulang ang problemang

nararanasan hinggil sa online class upang masolusyunan ang

suliranin. Huwag sarilinin kung may nararamdamang sakit o

karamdaman upang hindi ito lumalala at maagapan kaagad.


 

TALASANGGUNIAN 

A. Aklat

 
1. De Jesus, L.F. Ph.D. at Godoy R.D. Ph.D. (2012). Uri ng Teksto at
Pananaliksik. Malolos City, Philippines: El Bulakeño Printing House.

B. Website

1.  ABS-CBN News. (2020, May 27). ALAMIN: MGA alternatibong Paraan

ng pag-aaral NA isinusulong NG DEPED. Nakuha mula sa

https://news.abs-cbn.com/news/05/27/20/alamin-mga-alternatibong-

 paraan-ng-pag-aaral-na-isinusulong-ng-deped

2.  ABS-CBN News. (2020, August 14). DepEd Inurong Ang Pagbubukas ng

sa  https://news.abs-
KLASE sa oktubre 5. Nakuha mula sa https://news.abs-

cbn.com/news/08/14/20/deped-inurong-ang-pagbubukas-ng-klase-sa-

oktubre-5

3.  DISENYO, METODO AT URI NG PANANALIKSIK. Nakuha mula sa

https://quizlet.com/250088137/disenyo-metodo-at-uri-ng-pananaliksik-
flash-cards/

4.  Formula for percentage. (2019). Nakuha mula sa

https://www.basicmathematics.com/formula-for-percentage.html

5.  GMA News Online. (2020, September 03). Signal, internet

CONNECTION, gadget problema ng MGA estudyanteng   gustong 

SUMABAY  sa  online  learning.   Nakuha  mula  sa 


 

 
https://www.gmanetwork.com/news/video/saksi/539462/signal-internet-

connection-gadget-problema-ng-mga-estudyanteng-gustong-sumabay-sa-

online-learning/video/

6.  Grade 9 student, NAG-SUICIDE dahil sa PRESSURE ng 'ONLINE

classes'. (2020, June 18). Nakuha mula sa

https://radyo.inquirer.net/249672/grade-9-student-nag-suicide-dahil-sa-

 pressure-ng-online-classes

7.  How did the coronavirus outbreak start? (2021, May 14). Nakuha mula sa

https://www.medscape.com/answers/2500114-197402/how-did-the-

coronavirus-

outbreakstart#:~:text=It%20was%20initially%20reported%20to,outbreak

%20a%20global%20health%20emergency.&text=On%20March%20

11%2C%202020%2C%20the,influenza%20a%20pandemic%20in%20200

9. 

8.  Joselito Guianan Chan, M. (n.d.). PHILIPPINE laws, statutes and codes
c odes -

Chan Robles virtual law library. Nakuha mula sa

https://www.chanrobles.com/bataspambansabilang232.htm#.YE-oP50zb4c

9.  Layson, M. (2020, October 05). Hamon ng pandemya, napagtagumpayan

sa pagbubukas ng klase - deped. Nakuha mula sa

https://www.philstar.com/pilipino-star

ngayon/bansa/2020/10/06/2047523/hamon-ng-pandemya-

napagtagumpayan-sa-pagbubukas-ng-klase-deped
 

 
10.  Negative
 Negative effects of technology: Psychological, social, and health. (n.d.).

sa   https://www.medicalnewstoday.com/articles/negative-
 Nakuha mula sa

effects-of-technology

11. Philippines: Authorities to lock Down Manila amid COVID-19 outbreak

March 12 /update 9. (n.d.). Nakuha mula sa

https://www.garda.com/crisis24/news-alerts/322341/philippines-

authorities-to-lock-down-manila-amid-covid-19-outbreak-march-12-

update-9

12. Relativo, J. (2020, October 20). DepEd: Huwag iugnay ang STUDENT-

TEACHER deaths sa 'DISTANCE learning'. Nakuha mula sa

https://www.philstar.com/pilipino-star-

ngayon/bansa/2020/10/20/2050972/deped-huwag-iugnay-ang-student-

teacher-deaths-sa-distance-learning

13. Schindler, M. (n.d.). Mga Mag-aaral Kailangan ng Suporta Online,

Masyado. Nakuha mula sa


sa   https://yli.org/tl/2020/05/opinion-students-

need-support-online-too/

You might also like